Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44105 articles
Browse latest View live

No.1 spot pag-aagawan ng Talk ‘N Text, Meralco

$
0
0

TALK N TEXT

INQUIRER PHOTO

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Kia Carnival vs. San Miguel Beer
7 p.m. Talk ‘N Text vs. Meralco

PAGLALABANAN ng Talk ‘N Text at Meralco ang unang puwesto sa PBA Commissioner’s Cup sa kanilang pagtutuos mamayang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.
Sa unang laro sa ganap na alas-4:15 ng hapon ay sisimulan ng San Miguel Beer ang kampanya para sa ikalawang sunod na kampeonato sa pagsagupa nito sa Kia Carnival.
Ang Tropang Texters at Bolts ay nagwagi sa kanilang unang dalawang laban.
Naungusan ng Tropang Texters ang Rain Or Shine, 89-86 bago tinalo ang Blackater Elite, 88-78 sa Biñan, Laguna noong Linggo.
Ginulat naman ng Bolts ang crowd-favorite Barangay Ginebra, 85-74, sa opening day ng torneyo bago tinisod ang Kia Carnival, 90-80.
Sa import match-up ay magkikita ang nagbabalik na si Richard Howell at magilas na Josh Davis.
Nakabawi si Howell sa malamyang 13 puntos na nagawa niya kontra Elasto Painters nang magtala siya ng game-high 29 kontra Elite.
Matindi naman ang mga numero ni Davis laban sa Gin Kings nang kumulekta siya ng 25 puntos at 24 rebounds pero nalimita siya sa 19 puntos kontra Kia.
Nagbida para sa Bolts kontra Kia ang reserbang point guard na si Jai Reyes na nagtala ng career-high 16 puntos. Ang iba pang inaasahan ni Meralco coach Norman Black ay sina Gary David, Cliff Hodge, Reynell Hugnatan at Sean Anthony.
Makakatapat nila sina Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Kelly Williams at Larry Fonacier.
Bago natalo sa Meralco, ang Kia ay nabigo sa  Globalport, 100-89, noong Enero 27.


Koreanovela patok sa PTV4; quiz bee, singing contest susunod na

$
0
0

mr oh
TIYAK na magpipiyesta ang mga Pinoy na adik na adik sa mga Koreanovela sa plano ng isang Korean entertainment company na magdala sa Pilipinas ng magaganda at inspiring TV series mula sa kanilang bansa.

Umeere na ngayon sa PTV4 (government channel) ang isang hit na hit na serye na talagang si-nubaybayan sa buong Korea, ang Here Comes Mr. Oh na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 5:30 p.m..

Ito’y sa pakikipagtulungan nga ng KEI (Korean Entertainment Inc.) na seryoso na sa bonggang partnership nila ng PTV4.
Nakachika ng ilang members  ng entertainment press ang ilan sa mga bossing ng KEI, kabilang na sina Joo Shik Min, Song Hwa Kung at chairman James Chan na talagang nagtungo pa sa bansa para ma-explain sa Pinoy televiewers ang kanilang mga plano, kabilang na nga ang pagpapalabas ng Korenovela.

Sabi ni PTV4 executive  Robert Tan, ito ay bahagi rin ng serye ng pagpapalakas ng kanilang istasyon. “We’re airing Korean shows that not only entertain but will also educate Filipino viewers so they will be more aware about Korean culture and family values.

We later intend to do co-productions with Korean and Filipino actors working together,” paliwanag pa niya. Sinimulan nga nila ang partnership na ito sa pamamagitan ng Korean series na Here Comes Mr. Oh, isang romantic comedy na pinagbibidahan ng Korean stars na sina Lee Jang Woo bilang si Jaryong Oh.

Isa siyang mabait, matulungin at hard working bachelor na gagawin ang lahat para makaipon.Nag-try siyang magtinda sa kalye ng spicy rice cakes na naging mabenta naman pero nanakawin ng kontrabidang si Jin Tae Hyun na gumaganap bilang Yong Suk Jin, ang idea ni Jaryong at ire-register ito bilang legal na negosyo.

Bukod dito, pakakasalan din ni Yong Suk si Jin Ju Na (Seo Hyun Jin), ang panganay na anak ng isang rich tycoon, para kamkamin ang yaman ng nasabing pamilya.

Makikilala naman ng kapatid ni Jin Ju Na na si Gong Ju Na (Oh Yeon Seo) si Mr. Oh na siyang tutulong sa kanilang pamilya para pigilan ang sakim na si Yong Suk sa masasamang plano nito.

In fairness, humakot ng awards ang nasabing serye sa Korea kabilang na ang Most Popular Star Award para kay Oh Yeon Seo; Korea Drama Festival best actress award para kay Seo Hyun Jin; MBC Drama new actor award for Lee Jung Woo at best actress award for Seo Hyun Jin.

Nagsimulang umere ang Here Comes Mr. Oh sa PTV4 noong Nobyembre, 2014 at patuloy pa rin itong napapanood ngayon. Tuwang-tuwa nga ang mga bossing ng PTV4 dahil hindi nila akalain na makakakuha ng loyal viewers ang nasabing Koreanovela.

Kaya nga raw nagdesisyon silang ipa-presscon ang nasabing programa para mas lalo pa itong palakasin sa ere. Tatagal pa ito hanggang Hunyo.

Plano rin ng KEI at ng PTV4 na magpalabas pa ng maraming Korean shows sa susunod na buwan kabilang na riyan ang isang sikat na quiz bee sa Korea at isang nationwide singing contest.

Ipalalabas din sa nasabing TV network ang serye tungkol sa isang legendary doctor sa Korea.

Ang boyfriend na ba ang makakatuluyan?

$
0
0

Sulat mula kay Kate ng Lasang, Riverside,  Davao City

Dear Sir Greenfield,
May boyfriend ko sa ngayon, tawagin na lang natin siyang Patrick. Ang problema dalawa kaming girlfriend nya, pero lagi nya namang sinasabing mas mahal nya ko don sa isa, humahanap lang daw siya ng tamang panahon para makipag-break na sa una nyang girlfriend. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung totoo kaya ang sinasabi ng boyfriend ko na mas mahal nya ako doon sa isa nyang GF at sure win na kaya ako sa puso nya na kung sakaling magpapakasal at mag aasawa na siya ako kaya ang pipiliin nya? Mahal na mahal ko kasi ang boyfriend kong ito, kasi marami na rin sa aming nangyari? November 7, 1990 ang birthday ko at February 3, 1988 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Kate ng Lasang, Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Dalawa ang namataang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at arrow 2.) sa iyong palad, isang maikli na biyak at magulo (arrow 1.) at isang malinaw na mahaba (arrow 2.). Tanda na hindi ang unang boyfriend mo ang iyong makakatuluyan, kundi ang ikalawa na paparating pa lamang.
Cartomancy:

Jack of Spades, Six of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dalawang lalaki ang seryosong darating sa iyong buhay, ang una ay hindi mo makakatuluyan, habang ang ikalawa na mas matanda kaysa sa una ang iyong makakatuluyan. Darating ang nasabing ikalawang lalaki ayon sa Six of Hearts sa buwan ng Hunyo sa taon ding ito ng 2015.

Itutuloy….

Luis kay Toni: Para sa kanya si Paul at para sa akin si Angel!

$
0
0

angel ocsin
Super happy si Luis Manzano sa pag-level up ng relas-yon nina Toni Gonzaga at Paul Soriano. Natanong ang binata sa presscon ng pagbabalik ng Deal Or No Deal sa ABS-CBN kamakailan tungkol sa engagement ni Toni kay direk Paul, e, kasi nga isa si Toni sa mga niligawan noon ni Luis pero hindi sila nagkatuluyan.

“I’m very happy for them. To some degree, I was…I’ve seen their relationship evolved, kilala ko si Toni bago pa pumasok si Direk Paul sa buhay niya. So, I’m very proud for Toni and Direk” simulang pahayag ng TV host-comedian.

Feeling ba ni Luis kung naging sila noon ay mauuwi rin sa kasalan ang relasyon nila ni Toni? “Sabi nga ni Toni, si Toni nga yung perfect na nagsabi na, siguro nga, kaya nga things didn’t end well para sa amin in terms of romantic relationship, because ito yung destiny namin.

“She is destined to be with Direk Paul, I’m destined to be with Angel (Locsin),” sey pa ni Luis.

Vice umaming kontra sa prinsipyo ni Kris, pero…

$
0
0

vice toni gonzaga
Ipinagdarasal ni Vice Ganda ang kanyang “asawang” si Kris Aquino sa gitna ng kinakaharap nitong iskandalo na may kunek nga sa usaping politika.

Nalulungkot daw ang TV host-comedian sa nangyayari ngayon kay Kris na aniya’y super affected na sa pambabatikos sa Pangulong Noynoy Aquino at sa kanilang pamilya.

Alam naman ng buong bayan na nililibak at inaalipusta ngayon sina Kris at P-Noy dahil sa pang-iisnab nito sa arrival honors para sa 44 commandos ng SAF na napatay sa isang madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa isang interview sinabi ni Vice na, “Nag-uusap kami. Siyempre magkaibigan kami. Mabigat sa akin na mabigat ang kalooban niya kahit hindi pareho ang takbo ng isip namin, hindi kami pareho ng opinyon.

Kasi marami kaming pagkakaiba ng opinyon pero iginagalang namin ang isa’t isa. “Kahit hindi kami pareho ng opinyong tinatahak ngayon sinusuportahan ko siya kasi walang kaibigang gustong nasasaktan ang kaibigan,” paliwanag ng Phenomenal Box-Office Star.

Dugtong pa nito, “Kaya ngayon ipinagdarasal ko na maging okay siya, maging okay ang pamilya niya at maging okay ang buong Pilipinas.”

Samantala, kung may sad news, meron din namang dapat ipagsaya ang gay comedian dahil finally ay ikakasal na ang kanyang kaibigang si Toni Gonzaga kay direk Paul Soriano.

“Sobrang happy. Alam n’yo lagi akong may napapanood na magpo-propose, magpapakasal na pero ito yung damang-dama ko tapos naiyak kaming magkakasama sa bahay, naiyak kaming mga bakla lahat.

“Kasi ang sincere, ang simple at walang palabukan. Ang tagal na na naming magkaibigan ni Toni, nasaksihan ko yung wala pa, nasaksihan ko habang lumalago ang relasyon nila yung gaano siya kasaya kay Paul.

“Para akong kapatid niyang isa bukod kay Alex na ang saya-saya ko sobrang saya ko para sa kanya,” chika pa ni Vice sa nasabing panayam.

Nang tanungin kung may mensahe ba ang It’s Showtime host kay direk Paul, “Wala, kasi siya naman nakakaalam noon kung paano niya aalagaan yung mapapangasawa niya.

Saka mabait at mabuting tao si direk Paul deserve nila ang isa’t isa.” Kung papayag daw sina Toni at Paul, type raw niyang maging ring bearer sa kasal ng dalawa.

“Gusto ko maging ring bearer yun ang huling huli kong nagawa sa wedding. Magpa-flower girl ako sa kasal ni Jugs kaya gusto ko ring-bearer parang ako ang pinakamalaking ring-bearer,” sey pa ni Vice.

Ha-hahaha! Kung matutupad ang wish ni Vice na maging ring bearer sa kasal nina Toni at Paul tiyak na isa ito sa magiging highlight ng wedding! At siguradong kaming aagaw ito ng atensiyon ng mga dadalong bisita!

Ang tanong, okay kaya ang ganitong set-up sa relihiyon nina Toni at Paul? First time yatang magaganap ito  sa Pinas, ‘no! Yan  ang aabangan natin!

Paolo kopyang-kopya ang itsura nina Miss Philippines at Miss Jamaica

$
0
0

paolo balesteros
NAG-TREDING na naman sa social media ang bagong make-up transformation ng TV host-actor na si Paolo Ballesteros.
This time, pinabilib naman ng Eat Bulaga host ang madlang pipol nang kopyahin niya ang itsura nina Miss Philippines at Miss Jamaica sa nakaraang Miss Universe pageant.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Paolo ang kanyang litrato bilang si MJ Lastimosa na nakaabot lang sa top 10 ng nasabing international beauty pageant na ginanap sa Miami, Florida kamakailan.

As usual, umani na naman ng bonggang-bonggang papuri si Paulo dahil sa nga bago niyang “obra”. Kamukhang-kamukha talaga siya ni MJ sa nasabing picture.

Pati raw bunganga ni MJ ay kuhang-kuha ng make-up ni Paolo. Pero mas nawindang ang netizens nang mag-post uli ang EB Dabarkads ng isa pang litrato kung saan kamukhang-kamukha naman niya si Kaci Fennell ang naging representative ng Miss Jamaica sa Miss Universe na tinanghal namang fourth runner-up.

Naging kontrobersiyal din si Miss Jamaica matapos mabalitang meron daw itong dugong Pinoy pero agad naman itong pinabulaanan ng beauty queen.

Tuwang-tuwa naman si Paolo nang mismong si Kaci Fennell ang nag-comment sa kanyang litrato, ani Miss Jamaica, “We have some competition @angeliespeno (her makeup artist). Awesome job!”sa

Dahil sa kanyang superb make-up transformation kung saan kinokopya niya ang itsura ng mga sikat na celebrities local and international ay bigla sumikat si Paolo sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ilan sa mga ginaya niyang Hollywood stars ay talagang nag-e-effort na mag-post ng mensahe sa Twitter at Instagram para purihin siya.

Bungangerang misis hiniwalayan

$
0
0

NAKIUSAP sa Bantay OCW ang maybahay ng ating OFW na nasa Dammam, Saudi Arabia na ipadeport na ang kanyang mister na nasa Brunei pati na rin ang kinakasama nito.

Apat na taon nang nagtatrabaho sa abroad ang mister niya, ngunit nitong huling dalawang taon hindi na ito umuuwi sa kanilang bahay.

Nalaman na lamang niya sa Facebook na may kinakasamang babae ang kanyang asawa, at ang babaeng ito ay may asawa na rin pala sa Pilipinas.

Sumunod na nabalitaan niya, nanganak na ang naturang babae.

Nang unang umuwi sa Pilipinas si mister upang magbakasyon, hindi pa ‘anya naibababa nito ang mga bag niya pagdating na pagdating sa kanilang bahay, may tawag na itong tinanggap.

Nang tanungin ni misis ang OFW kung sino ang tumatawag, sagot lamang ni mister, agent niya.

Paniwalang-paniwala naman si misis na agent nga ang tumatawag sa asawa. Ngunit napadalas ang tawag at kapag kakausapin na ang sinasabing “agent” ay lumalabas pa ito ng bahay para sikreto itong makausap.

Hindi rin binibitawan ni mister ang kanyang celphone at sa pagtulog ay sa ilalim ng kanyang unan ito itinatago.

Kaya kinutuban na si misis. Kinompronta na niya si mister. Hindi ito umamin sa bintang ni misis.

Ngunit natiyempuhan din niya nang minsang tumawag muli ang sinasabing “agent” at siya ang nakasagot.

Boses ng babae ang naghahanap sa kaniyang asawa at sinabi nitong siya ang asawa ng kaniyang mister sa Brunei.

Hindi man matanggap, pinilit ni misis na kausapin nang malumanay ang asawa. Wala naman ‘anya siyang magagawa na kung magwawala pa siya. Kaya’t nasabi na lamang niya na kung nagloloko ito, huwag lamang niyang idamay ang kanilang anak na nagtatapos noon sa kolehiyo.

Palibhasa’y nasukol na, umamin na rin si mister. Matagal na ‘anya silang nagsasama ng naturang OFW at may anak na nga sila sa Brunei. Ayaw na ‘anya nitong makisama kay misis dahil bungangera ang asawa. Nakiusap pa raw siya sa babaeng huwag sirain ang pamilya nila.

Masamang-masama man ang loob, inisip na lamang ni misis ang kalagayan ng anak. Hiniling niya sa asawa na ipagpatuloy na lamang ang pagpapadala ng suporta sa kanila. Nangako naman si mister na hindi niya pababayaan ang kaniyang obligasyon sa mag-ina. Pero, bandang huli nakalimot na si mister sa kanyang pangako sa kanyang legal wife.

Nakatuwang naman namin si Atty. Elvin Villanueva upang masagot ang mga katanungan ni misis nang makasama namin siya on the air sa Radyo Inquirer DZIQ 990 AM.

Tahasang sinagot ni Atty. Villanueva si misis na hindi maaaring basta lamang ipadeport ang asawa nito pati na rin ang kaniyang kinakasama. Gayong may mga employer na maaaring pagsabihan ang kanilang mga manggagawa hinggil sa kanilang responsibilidad sa pamilya, may ilan namang walang pakialam kung nagpapabaya man ang mga ito o hindi. Para sa kanila, kung wala namang nilalabag na mga kautusan at polisiya sa kanilang pagtatrabaho, mananatili pa rin ito.

PhilHealth benefits siniguro

$
0
0

MAGANDANG hapon. May empleyado kami na kailangang gumamit ng PhilHealth.

Ang problema hindi pa kami updated sa reporting kasi may mga empleyado pa kami na kulang sa requirements kaya hindi pa namin ma-update, pero ang payment namin ay
updated naman.

Pwede pa rin bang magamit ng aming empleyado ang kanyang PhilHealth? Ano ang dapat naming gawin?
Milagros

REPLY: Bb. Milagros:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Tungkol po sa inyong katanungan na ipinadala sa Aksyon Line ni Bb. Liza Soriano, hinggil sa paggamit ng benpisyo sa PhilHealth ng inyong empleyado sa pagkakataon na hindi pa po ninyo naisusumite ang inyong monthly remittance report, nais po naming ipabatid na ayon sa polisiya upang ma-kagamit ng benepisyo ang isang miyembro na employed, kailangan lamang pong pirmahan ng kanilang employer ang Part IV – Employer’s Certification ng PhilHealth Claim Form 1 o CF1 at Member Data Record o MDR na siya pong isusumite sa billing section ng hospital.

Gayunpaman nais po naming ipaalala na ang pagsusumite ng monthly remittance report ay tuwing ika-limang (5) araw matapos magbayad ng premium upang ang contributions ay mai-post sa bawat empleyado.

Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442.
Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.phwww.philhealth.gov.ph
Maraming salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.


Purisima sakit sa ulo ni PNoy

$
0
0

MATAPOS mamatayan ng 44 na tauhan, nawala si suspended PNP chief Alan Purisima.

Hindi siya lumabas sa media para magpaliwanag sa nangyari o makiramay man lamang.

At ngayon, ang naiipit ay si Pangulong Aquino.

Nang maipit si Purisima sa mga anomalya ng ‘White House’ sa Kampo Crame at Werfast Courier na nakakuha ng kontrata para sa pagpapadala ng lisensya ng baril ipinagtanggol siya ng pangulo.

Nagsalita  si PNoy  at ang Malacanang na may tiwala pa rin sila kay Purisima.

Syempre, wala na naman silang nagawa ng suspendihin ng Office of the Ombudsman, isang independent constitutional body, si Purisima (sobra na kung harangin pa nila ito).

Sa mga isyu na kinasangkutan ni Purisima, palagi niyang inilalagay sa balag ng alanganin ang Pangulo. Palaging ang tiwala sa kanya ang ginagamit na pansalag sa mga kontrobersya.

At sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force, ganito nanaman.

Pero mas magiging masakit hindi lamang sa pamilya, kundi maging sa nagdadalamhating publiko kug lalabas na hindi pala napatay ang international terrorist na si Marwan; na palpak ang intelligence report na naroon si Marwan at siya ang kanilang na-patay.

Papaano mo ipapaliwanag na nagbuwis ng buhay ang SAF44 para lang sa wala? Paano mo ipapaliwanag sa kanilang mga iniwan na dapat pala ay buhay pa sila kung hindi palpak ang intel report.

Habang pinapaulanan ng bala ng MILF at BIFF ang mga namatay at nasugatan, ano kaya ang ginagawa ng iba pang miyembro ng SAF?

Halos 400 SAF members ang nasa Maguindanao para sa operasyon. Kanya-kanya sila ng umpukan at hindi iisang pulutonggaya ng unang inakala ng marami.

Mayroong kanya-kanyang trabaho ang bawat unit.

At nasisi pa nga ang mga sundalo sa lugar dahil hindi umano sumaklolo sa mga bi-nabaril na SAF members.

Pero bakit aasahan ng SAF ang mga sundalo kung meron naman pala silang tropa na nasa lugar din.

Siguro ay mas mahirap na tumingin sa mata ng pamilya ng kanilang mga namayapang kasamahan kung kasama sila sa grupo na naghihintay lamang na matapos ang putukan.

Ito ay kung totoo lang naman ang kuwento na nakalugmok lamang ang mga pulutong ng SAF members habang pina-patay ang kanilang mga kasama.

Dahil sa kaguluhang ito, lumutang na naman ang mga espekulasyon ng kudeta o ang pagpapatalsik sa Aquino government. Dismayado kasi ang mga pulis dahil sa nangyari.

Marami ang nagdadalawang-isip na kagatin ang scenario na ito. Isang taon na lamang kasi ang Aquino government kaya bakit pa raw guguluhin.

At kung mapapatalsik man si Aquino, sino ang papalit? Ayon sa Konstitusyon si Vice President Jejomar Binay.

Tiyak na ayaw ito ng mga nag-aambisyon na tumakbo sa 2016 presidential polls. Magiging bentahe ni Binay ang pag-upo sa Malacanang habang tumatakbo sa halalan.

Tiyak mauulit nanaman ang mga alegasyon noong tumakbo sa pagkapangulo si Gloria Arroyo noong 2004 na ginamit ang resources ng gobyerno para siya ay manalo.

Kung nagngingitngit naman ang maraming pulis, mukhang hindi naman ganito ang nararamdaman ng mga sundalo lalo at parang binastos sila nito ng pumasok sa Mamasapano ng hindi man lamang nagpapasabi.

Martin Nievera bagets, fresh pa rin kahit 53 years old na

$
0
0

martin nievera
FEBRUARY 5 is a red-letter day para sa mga Martin Nievera followers because he is turning a year older today. Yeheyyyy! And today, he turns 53 – a fruitful one because all his life as a performer, wala siyang sinayang.

Pero kahit 53 na si Papa Martin mukha pa rin siyang bagets at fresh na fresh!  Anyway, each and every performance that he did all these years ay worth everyone’s single cent. Ibang klase kasi talaga si Martin, as a performer and as a human being.

Napakabusilak ng kaniyang puso – napakasarap mahalin dahil totoong-totoong tao. Long time ago, I mean, fifty pounds back (Ha-hahaha!), I was a Gary Valenciano fanatic. Yes, totoo iyan.

Alam ng mag-asawang Gary and Angeli Valenciano iyan na talagang super-fan ako ni Gary V noon. Kasi nga, nu’ng kabataan nila, guwapong-guwapo ako kay Gary. May malisya talaga ako sa kaniya. Ha-hahaha!

He’s oozing with so much sex appeal – I liked Martin’s music too that time pero mas dama ko ang kaguwapuhan talaga ni Gary. But times change – so does our taste as years go by.

Through the years ay mas naramdaman ko ang music ni Papa Martin, his songs lived with me – in my heart, in my veins lalo na nu’ng lumabas ang kantang “Kahit Isang Saglit” na alam ko namang hindi original ni Martin (kay kaibigang Verni Varga kasi talaga ang song na iyon) pero when he sang that for the first time noon, he owned up to that song.

Nakalimutan na nga ng mga tao na si Verni ang original singer noon. Though Verni sang it well too – punumpnuo rin ng puso pero naging mas mabenta ang version ni Papa Martin.

That’s when I think I’ve learned to love Martin more than Gary. Mahal ko pa rin naman kahit paano si Gary ngayon pero not as much as I adored Papa Martin.

Kaya ko nga siya kinuhang ninong ng anak kong si Carlo Brian because I saw the fatherly image in Martin na puwede kong pagkatiwalaan sa nag-iisa kong most-loved na anak, di ba?

There’s something about Martin na wala siguro sa ibang local performers natin. His wit – his humor – his persona, kakaiba siya when he sings. Kailanman ay hindi ko siya narinig sumemplang sa anumang performance niya.

I mean, never ko siyang narinig na nag-sharp or flat in any of his songs. Bihira ang ganyan. Lahat ng kanta niya ay panalo, sarap pakinggan.

Now that he turns 53, he still continues to dream. “All of us continue to dream all our lives. I never stopped wishing for the best, not just during our birthdays but all the time.

Kasi, if you stopped dreaming and wishing for the best, there’s no more reason for us to live. Wala nang challenge. Like in my profession, I am just so grateful that people still love me – my music and all.

“I always enjoy making people happy, singing for them. Sila ang ka-date ko palagi – my audience. I can’t imagine my life na walang music, I want to do shows. Any show basta gusto ng audience ko ang mga kanta ko.

I will continue entertaining them through my music thill the day I die,” totoong-biro ni Papa Martin na parang walang kapaguran.

Ngayong araw ay kakaibang selebrasyon ang gagawin ni Martin sa mismong birthday niya. He will do a two-night show sa Grand Convention Center ng Cebu City with very special guests KZ Tandingan (isa rin sa mga love namin) and his son Robin.

Sa pagkakaalam ko, sold out na ang tickets for Martin’s show tonight and konti na lang ang natitirang tickets for tomorrow kaya dapat mag-rush na ang mga kababayan natin diyan sa Cebu para makakuha ng seats for tomorrow.

Sa Feb. 13 and 14 naman ay magkakasama sila nina Regine Velasquez, Lani Misalucha and Gary Valenciano sa SM MOA Arena in a concert entitled “ULTIMATE”. Gosh! Casting coup nga ito.

Four of the biggest names in the music industry in one Valentine show – Diyos ko Lord, anong laban ng ibang shows dito, aber?
“Sa February 13 and 14, para kaming quartet dito.

We will be singing each other’s songs – hindi yung songs namin. Ibang collaboration ang gagawin namin. Hindi ito yung usual na shows that Martin sings Martin’s songs – Gary singing his songs – no! Maraming bago rito.

Masaya ito kaya we’re very excited to do these shows. Huwag kayong mawawala ang you will surely enjoy them,” paniguro ni Papa Martin.

Anyway, ibang klaseng kaibigan din si Martin. Aside from making you feel good by making you laugh, he also cries with you. He is very HONEST! Ibang klase ang honesty niya.

May times na baliw-baliwan siya – may times na seryoso siyang nakikipag-argue with you. Ganoon siya ka-open with his feelings towards anything.

Mali ang akala ng iba that he is suplado or madamot – that’s completely WRONG! Martin is one of the most generous artists and friends we have on earth – ALIVE!

“I am not perfect but I know I am a good soul,” he reaffirms. Kaya guys, see how Martin rocks centerstage today and tomorrow sa Grand Convention Center sa Cebu City and see how he fares with his colleagues sa Feb. 13 and 14 sa SM MOA Arena.

Basta kami, ipupusta namin ang buong buhay namin sa pinakamamahal naming kaibigan who happens to be the best performer this country has every produced – our birthday boy – PAPA MARTIN NIEVERA. No less!

Lastly, just want Martin to know that we truly LOVE him! 10,000%, ok?

inquirer bandera luzon edition

Engagement ring ni Toni P2-M ang halaga

$
0
0

toni gonsaga
MAHIGIT P2 million daw ang halaga ng engagement ring na ibinigay ni direk Paul Soriano kay Toni Gonzaga nang mag-propose ito kamakailan.

Sa interview kay Toni sa Umagang Kay Ganda kahapon, halatang kilig na kilig pa rin si Toni sa ginawang proposal ng kanyang boyfriend habang ikinukuwento ang ang 1.5-carat diamond engagement ring nila ni Paul na binili pa raw sa Israel.

Inamin ng TV host-actress na matagal nang planong mag-propose ni Paul sa kanya simula pa raw noong 2009.”Kasi nu’ng time na ‘yon sabi ko di ko pa kayang iwan ang mommy at daddy at si Alex din.

Tapos sa personal career ko, sabi ko hintayin mo lang ako at may mga pangarap pa akong makatrabaho.  “Sabi niya, ‘Sino ba ang gusto mong makatrabaho?’ Tapos sabi ko, three years ago, ‘kapag na direk na ako ni Inang,” ani Toni na ang tinutukoy ay si Olivia Lamasan, ang nagdirek ng blockbuster movie nila ni Piolo Pascual na “Starting Over Again”.

Siyempre ayaw namang kumpirmahin ni Toni kung true na P2 million  ang bili ni Paul sa engagement ring na suot niya ngayon. Nakakahiya naman daw na magtanong pa siya sa kanyang future husband, di ba?

Tawag ng bashers kay Kris: epal, benggador, matronang tigang

$
0
0

kris aquino
NARAMDAMAN na siguro ni Kris Aquino na hindi uubra ang kanyang “magic” sa kung ilang daang-libong bashers niya, pati na rin ang milyun-milyong Pinoy who are silently doing their share para iparating sa kanyang Pangulong kapatid ang kanilang galit at disappointment.

“Palabang-duwag,” sey ng isang propesor namin sa UP Diliman nang mabalitaan nila ang suot-suot daw nitong “statement shirt” sa programang Aquino & Abunda Tonight kamakailan.

Ayon sa mga ito, “Magbago naman siya ng style. Ang tapang-tapang niyang makialam at manghimasok sa mga isyu, pero kapag hindi pumabor sa kanila ang laban, para siyang ubod ng banal na gumagamit ng istratehiyang niluma na ng panahon.

Puwede bang this time ay ang sambayanan naman ang sumigaw ng ‘enough na, sobra na, palitan na!'” Hindi kami aware sa naturang statement shirt pero ang very bold daw na nakasulat doon ayon sa social media posts ay, “How beautiful it is to stay silent when someone expects you to be enraged.” Ito nga raw ang itinuturing na sagot ni Kris sa lahat ng  bashers nila ni P-Noy.

Pati nga ang necklace niyang may pendant na cross at heart ay isinama pa sa usapan as if talagang minamatyagan ng mga tao ang lahat ng kanyang kilos at hitsura.

Ikinabaliw namin ang mga komento hinggil sa kanyang pagiging “loveless”, ang pagtawag sa kanya ng “matronang tigang”, “si Miss Ako” at iba pang mga salitang marahil ay tumatagos na ngayon sa kanyang kamalayan, bilang siya naman talaga itong mahilig umepal at makialam sa lahat ng isyu.

Hayden laging nasa kulungan, namumuno sa bible study para kina Bong at Jinggoy

$
0
0

hayden kho
NAGBABALIK sa telebisyon ang kontrobersyal na si Hayden Kho. This time, he will be called Dr. Hayden Kho again wherein mapa-practice niya ang kanyang kaalaman bilang doctor sa bagong programa ng TV5 na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 10 a.m., ang Healing Galing with the original host sa radio program nito with the same title na si Dra. Edinell Calvario.

Maaliwalas at masayang ikinuwento ni Dr. Hayden sa amin kung paano nabalik ang mga nawala sa kanya, una na ang kanyang lisensya bilang doctor.

Last year daw ibinalik ng Philippine Medical Associaton ang kanyang lisensya after a couple of years nang pag-file nila for motion of reinstatement.

“Kasi sinasabi namin noon na tapos na ‘yung kaso, e. Kumbaga, abswelto na tayo doon kaya dapat po na ibalik na ‘yung lisensya ko. Kasi kumbaga, hindi ako guilty, ganoon,” anito.

Hindi raw siya ang nag-aasikaso nu’ng kaso niya sa PMA dahil mas nagpo-focus daw siya kung paano ayusin ang sarili niya.
“So, blessing na rin na throughout the course of my life nakakilala ako na mga tao na nagdala sa akin sa Panginoon.

And ever since I pursued the cross, naayos ko ‘yung mga problema ko, which means nakilala ko ang sarili ko, kung ano ‘yung gusto kong mangyari. Naintindihan ko rin kung ano ang ibig sabihin ng buhay in a very deep sense,” relate pa niya.

Nagpunta raw siya sa US last year at doon nag-aral ng Christian Apologetics which is the defense of the faith sa Oxford Center for Christian Apologetics.

“Doon po biglang dumating lahat-lahat, magkakasunod na blessing.  ‘Yung iba po hindi ko na kailangang sabihin at ayaw ko na ring sabihin. Pero kasama rin po doon ‘yung pagbalik ng medical license ko.

So, I can safely say and I can claim na totoo po ‘yung sinasabi na, ‘Seek first the kingdom of God and all those things shall be added unto you,’” pahayag niya.

Tinanong namin siya kung kasama sa mga bumalik sa kanya si Dra. Vicki Belo. Ngumiti lang si Hayden. Hindi naman daw siya nag-hesitate na tanggapin ang Healing Galing noong inalok sa kanya ng TV5.

“Alam naman nila sa show na humingi ako ng ilang araw para ipagdasal ‘to at isipin ko kung para sa akin ba ‘to? Syempre, alam ninyo naman ang experience ko sa showbiz? Hindi  ko sinasabing ang showbiz ang may kasalanan.

Pero kasi, hindi ako sure kung bagay ako doon or meant to be. Pero ang difference dito, this is a medical show. which is bagay sa akin kasi linya ko ‘to. Pangalawa, kasama ko si Dra. Eddinel.

Kasama ko mga wholesome na tao. So, wala namang problema, ‘di ba?” Wala namang nakikitang conflict si Hayden between his faith at ang pagpra-practice niya ng medicine sa show ng TV5.

“Ang role naman po kasi namin dito is to present the traditional and alternative medicine. Paminsan ho, of course, nagko-conflict. Pero kung titingnan ninyo, kadalasan, nagdya-jive.

Nagko-compliment sila. Ngayon, kung meron man pong conflict, hindi po namin role na pagtalunan ‘yun. Ang amin po, ipe-present namin ‘yung alternative and traditional,” diin ni Hayden.

Samantala, ayaw naman niyang aminin na binibisita niya si Sen. Bong Revilla sa Camp Crame na siyang nag-diin sa kanya para ma-revoke ang kanyang lisensya sa pagdodoktor. Si Dr. Hayden daw ang isa mga nangunguna sa Bible study na ginaganap sa loob ng kulungan ni Sen. Bong.

“Ah, ‘yung mga ganyang bagay po hindi po dapat nakasulat sa papel. Okey lang po, bahala kayo magsabi. Pero kasi po sa akin ‘yung mga ganyang bagay hindi dapat…ano kasi out of respect na rin sa Diyos, hind po ‘yun pinag-uusapan sa public,” sabi pa niya.

But when we asked him about Katrina Halili kung nakapag-usap na sila, hindi pa raw. At kung sakali na magkaharap sila uli, hindi raw namin ito malalaman.

Supporting the Lord’s shepherds

$
0
0

Thursday February 5, 2015
4th Week in Ordinary Time
1st Reading:
Heb 12:18-19, 21-24
Gospel: Mk 6:7-13

Jesus called the Twelve to him and began to send them out two by two, giving them authority over evil spirits. And he ordered them to take nothing for the journey except a staff; no food, no bag, no money in their belts. They were to wear sandals and were not to take an extra tunic.

And he added, “In whatever house you are welcomed, stay there until you leave the place. If any place doesn’t receive you and the people refuse to listen to you, leave after shaking the dust off your feet. It will be a testimony against them.”

So they set out to proclaim that this was the time to repent. They drove out many demons and healed many sick people by anointing them.

THE GOSPEL IN OUR LIFE EXPERIENCE:

The apostles had more important things to attend to in their mission areas and Jesus did not want them to be saddled with concerns about basic needs. Is the work of evangelization too heavy as not to allow missionaries to work for their daily bread? To Jesus, yes it is! Evangelization is not about words; when the missionary is all words he is a charlatan, a quack. Evangelization is about words and actions involving the whole person’s time, talent and resources.

But the missionary is of flesh and blood and has a tummy to feed. He is no pure baby back ribs but has a belly too. Today’s Gospel reading is a good basis to support our claim that people are duty bound to support priests financially. When the people renege on this duty, the priest will be forced to engage in business to earn his daily bread. When he does his time is divided between apostolate and commerce. His heart too will be divided between God and mammon. Haven’t we heard of the story of a priest reprimanded by his bishop for infant’s laundry and women’s under garments seen hanging from his clotheslines? No he wasn’t violating his vow of chastity. He was engaged in laundry business.

Even with the financial support of parishioners, priests still expose themselves to certain risks. It is common knowledge that some render support with hidden motives. Haven’t we heard of priests who got married to their rich benefactors? We don’t even have to think about this extreme scenario. In many instances the priest is held hostage by benefactors who think they have the right to meddle in Church affairs because the priest is supposed to be beholden to them.

The bottom line is that procurement of basic needs can expose the priest to lots of risks. When the shepherd is lost the flock is also lost. – Rev. Fr. Dan Domingo P. delos Angeles, Jr., DM. Email: dan.delosangeles@gmail.com. Website: www.frdan.org

May comment ka ba sa column ni Father Dan? May tanong ka ba sa kanya? I-type ang BANDERA REACT <message /name/age/address> at i-send sa 4467.


Video nina Manny at Jinkee mabilis na kumalat

$
0
0

manny pacquiao
Nag-viral sa social media ang isang video kung saan mapapanood ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao na nagdya-jamming. Usap-usapan ng netizens ang nasabing video na mismong si Jinkee ang nag-post sa kanyang Instagram account.

Mapapanood dito si Pacman na naggigitara habang kinakanta naman ng kanyang misis ang “Thy Word.” Sunud-sunod ang pagre-uploads ng nasabing video sa YouTube na nakakuha na ng mahigit 300,000 views habang sinusulat namin ang balitang ito.

Karamihan sa nabasa naming komento ay nagulat sa boses ni Jinkee.  Ayon sa isang netizen, may boses din pala ang misis ni Pacman kaya nag-suggest ito na, “Yun naman pala! E, bakit hindi siya ipagprodyus ng album ni Pacman? Ha-hahaha! Joke lang, baka naman seryosohin nila.”

Kung matatandaan, nagkaroon din ng album si Manny ilang taon na ang nakararaan, ang “Laban Nating Lahat Ito”, pero hindi na ito nasundan, sabi nga niya sa isang interview, “My first album in the Philippines is platinum so that’s good enough.”

Hirit pa nga ni Pacquiao, “I like singing, I love music. But I don’t think music loves me!”  Samantala, marami na ang naghihintay sa ginagawang pelikula ngayon ni direk Paul Soriano na tatalakay sa naging buhay ni Manny noong bata pa siya.

Ibang-iba raw ito sa dokumentaryong ginawa sa Amerika tungkol sa kanyang pagiging boksingero. Umaasa daw si direk Paul na susuportahan ito ng lahat ng Pinoy na nagmamahal kay Pacman.

Fans nina Kris at Juday rambulan na

$
0
0

judy ann santos
Hindi lang nakasentro ngayon ang kontrobersiya kina Kris Aquino at Judy Ann Santos, pati ang kanilang mga tagasuporta ay nagrarambulan na rin, pero kung susumahin ay mas maraming humahanga sa katapangan at pagpapakatotoong ginawa ni Juday kesa sa pagtatanggol ni Kris sa kanyang kapatid na pangulo.

Kung ang kasalukuyang panahon ang gagawing barometro, kahit pusa lang ang ipanglaban kay Kris ay siguradong mananalo ‘yun kesa sa kanya, lutang na lutang pa kasi ang galit ng bayan sa kanyang kapatid dahil sa usapin ng SAF-44.

Walang panalo ngayon si Kris kahit pa umupa siya nang sangdamakmak na magtatanggol sa kanilang magkapatid. Magmimistulang sigaw ‘yun na walang nakakarinig.

Isang araw ay huhupa rin ang kontrobersiyang ito, lalamig na ang ulo ng ating mga kababayan habang ang iba ay mapapagod na lang, pero hindi pa ngayon mangyayari ‘yun.

Habang isa-isa pang ihinahatid sa kanilang huling hantungan ang apatnapu’t apat na sundalong parang mga manok na pinalaki at saka pinatay ay paulit-ulit na mabubuhay ang emosyon ng ating mga kababayan kontra kay P-Noy na hindi man lang nagbigay-respeto sa kanilang mga bangkay nang ilipad sila sa Maynila mula sa Maguindanao.

Hindi pa ngayon matutupad ang katahimikang hinihingi ni Kris Aquino at ng kanyang pamilya. Ang unang tanong na dapat nilang sagutin muna bago ang kapayapaan ng loob na hinahanap nila—saan at sino ang nagpasimuno ng lahat ng ito?

inquirer bandera mindanao edition

Pagtiyagaan na lang natin si PNoy

$
0
0

NANAWAGAN ang ilang obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at iba pang grupo na bumaba sa puwesto si Pangulong Noy dahil sa masaker ng mga 44 na police commandos sa Maguindanao.

Sinisisi si PNoy sa top-secret operation ng Special Action Force (SAF) sa Maguindanao na hindi
ipinaalam kina Interior Secretary Mar Roxas at Deputy Director General Leonardo Espina, officer-in-charge ng Philippine National Police (PNP).

Binabatikos din ang pangulo dahil sa hindi niya pagdalo sa arrival honors para sa mga nasawing SAF troopers sa Villamor Air Base at sa halip ay dumalo sa inagurasyon ng planta ng Mitsubishi sa Laguna.

Teka, teka, mga abay! Maghunos-dili tayo.

Kung bumaba si Pangulong Noy, baka mapunta sa napaka-corrupt na liderato ang bansa.

Tandaan natin na ang papalit sa kanya kung sakaling siya’y magbitiw ay si Vice President Jojo Binay na inaakusahan ng matin-ding pagnanakaw nang siya’y mayor pa ng Makati City .

Kung totoo ang mga akusasyon kay Binay mas matindi pa siya kay Pangulong Marcos.

Noong si Marcos ay hindi pa nahahalal bilang Pangulo ng Pilipinas, hindi siya kasing-yaman ni Binay na bilyon-bilyon na raw ang ari-arian at pera sa bangko.

Of course, hindi sa pa-ngalan ng mga Binay ang mga perang nakurakot daw ni Jojo bilang mayor ng Makati.

Pero ang nagpapatotoo ng kanyang pangungulimbat ay ang kanyang dating hatchet man na si dating Makati Vice Mayor Nestor Mercado.

Gusto ba nating mapasakamay ang bansa sa pangulong nangungulimbat?

Hindi lang daw mga kawatan ang pamilya Binay, sila’y abusado pa at baka matinding pang-aabuso sa mamamayan ang gagawin ng pamilya kapag nailuklok sa Malakanyang si Jojo.

Tandaan ninyo ang nangyari sa Dasmarinas Village noong 2013 kung saan ipinaaresto ni Mayor Junjun Binay, na pumalit sa kanyang ama, ang mga guwardiya na ayaw siyang paraanin sa isang saradong gate ng village.

Tandaan din ninyo ang sinabi ni Vice President Binay sa pagtatanggol sa kanyang abusadong anak: “A little courtesy to the mayor, please!”

Baka nakalimutan na ninyo na kasama ni Mayor Binay ang kanyang kapatid na si Senadora Nancy nang ipina-aresto at pinakulong niya ang mga pobreng guwardiya.

Si dating Pangulong
Erap, na sinipa sa puwesto dahil tumanggap daw sa jueteng, ay nagmukhang pulubi kumpara kay Pangulong Gloria na pumalit sa kanya.

Vice President noon si Gloria nang magkaroon ng People Power 2 sa Edsa na nagpatalsik kay Erap.

Pero anong ginawa ng mag-asawang Gloria at Mike Arroyo? Walang habas na pagnanakaw sa kaban ng gobiyerno!

Gusto ba ninyong maulit ang nangyari sa atin noong panahon ni Gloria na pumalit kay Erap?

Kaya’t pagtiyagaan na lang natin si PNoy hanggang sa May 2016 presidential election.

Pumili tayo ng isang lider na matino, maaasahan sa pera, mapagmahal sa mga mahihirap gaya ni Davao City mayor Rody Duterte.
Kumbinsihin natin siyang tumakbo.

BANDERA LUZON FEBRUARY 06, 2015

Viewing all 44105 articles
Browse latest View live