Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44168 articles
Browse latest View live

Nikki Gil matagal nang engaged sa dyowa; naunahan pa si Billy

$
0
0
NIKKI GIL

NIKKI GIL

Usap-usapan sa social media ang tungkol sa suot na singsing ni Nikki Gil. Ayon sa kumakalat na chika, ito’y engagement ring daw na bigay ng kanyang non-showbiz boyfriend.

True nga kaya na nag-propose na ang kanyang dyowa na si BJ Albert? Ayon kasi sa ilang netizens, kapansin-pansin na laging suot ni Nikki ang tila engagement ring sa mga espesyal na okasyon na dinadaluhan nila ni BJ.

Wala pang pino-post na comment si Nikki sa kanyang IG kung totoo ngang engaged na sila ng kanyang boyfriend. Kung totoo ito, aba, naunahan pa niya ang ex-dyowang si Billy Crawford na BF naman ngayon ni Coleen Garcia.


Di ka na mahal

$
0
0

HINDI, at hinding-hindi (na), ka na mahal ng SAF, Pangulong Aquino, anak ka pa naman ng tatay at nanay mo na sina Ninoy at Cory (di bale na kung kapatid mo si Kris, eh ano ngayon). Kung di mo pa batid, hindi ka na rin mahal ng mga sundalo at pulis.

Pero, ang sabi, tapat pa raw ang mga sundalo’t pulis sa iyo. Walang ipinagkaiba iyan sa lalaking hindi na mahal ang misis niya. Tapat pa rin si lalaki kay babae dahil nakatutok ang shotgun ng mga biyenan niya sa kanya.

Mabilis maglaho ang pagmamahal kung pusakal na pabaya at nagpapahamak ang inaasahang padre de pamilya. Kasama ng mabilis na paglaho ng pagmamahal ay ang madalas na paninisi sa asawa, mga anak, at sa buong pamilya; tulad nang, ikaw naman Kori o Berna, marami ka na ring boyfriend bago ka napunta sa akin, o kahit na anong paninisi basta may isinisisi.

Ang paninisi ay maaaring tumalab sa una. Pero, kung araw-araw ay pinakakain mo ng sisi ang iyong asawa, anak at pamilya, hindi lang Boy Sisi ang tawag sa iyo; na mauuwi sa pagpapalayas sa iyo at panawagang magpatingin ka muna sa doctor, please lang.

Kung nagkawindang-windang na ang pamumuhay dahil sa iresponsableng lalaki (kung lalaki nga), hindi tinatawag ng asawa, anak at pamilya ang kinasapitan na walang “command responsibility.” Ang lalaki ay simpleng walang kakayahang mamuno dahil iresponsable nga siya; malinaw iyan at iyan ang simpleng pananaw ng arawang obrero, ng mahihirap, na may simpleng pinag-aralan pero mayaman sa karanasan sa pamumuhay pobre.

Yung ibang iresponsableng lalaki ay kinakausap niya ang kanyang asawa, anak at pamilya dahil ayaw niyang bumaba ng bahay sa kabila ng pananawa sa kanya at pagpapalayas sa kanya. Pero, hindi kumikibo ang kanyang asawa, anak at pamilya; at mas lalong hindi nakatingin sa kanya ang kanyang asawa, anak at pamilya, tulad ng ginawa ng SAF nang kausapin sa dilim ng umagang malayo pa sa pagputok ng araw.

Sa You Tube, tatlong beses na tinanong ng Mourner-in-Chief ang tropang SAF kung may nais silang sabihin o hilingin. Tatlong beses na walang sago tang mga kawal; ang iba’y nakatingin sa lupa at ang iba’y sa malayo ng karimlan sa di nagmamadaling umaga.

Karaniwan na kapag galit si babae, hindi niya kinakausap si lalaki at ganyan nga ang buhay ng mag-asawa. Ay mali, wala pa palang asawa si lalaki, ha-ha-ha.

Nawalan na rin kuno ng respeto noon ang taumbayan kay Gloria Arroyo dahil sa Hello Garci, maliban ang mga Cebuano na nagbigay ng tatlong milyon boto sa lola natin. Sa pagkamatay ng 44 na kawal ng SAF, bukod sa nawalang respeto ay malaki ang katuwiran ng taumbayan na magalit sa pangulong marami ang inilihim sa kanyang mga boss.

Ang sabi sa akin ng isang balo, na dati kong suki sa bigasan, simple lang ang matinding galit niya kina Aquino at Alan Purisima. Hindi tiniyak ng sanggang-dikit, at kambal-tuko, na makauuwi nang buhay ang kanyang mister.

Tumindi ang galit ng kanyang pamilya’t mga kamag-anak nang sa loob ng apat na araw ay naglaho si Aquino at hindi rin masagot ng mga opisyal ng SAF ang kanilang mga tanong. Marami silang tanong at isa lamang ang sagot ng mga opisyal ng SAF: hindi sila pababayaan. Ha!?

Anang balo’t pamilya, pinabayaan na nga sila sa tarmac ng Villamor Air Base. At ang masakit ay napanood nila sa TV ang pakikipagsaya’t pakikipagdiwang ni Aquino sa mga Hapon sa Santa Rosa, Laguna, habang bumabaha ang kanilang luha ng pagdadalamhati.

Sa aking 41 taon sa dyaryo, sukdulan ang paniniwala’t pananampalataya ko kay JoAl (Jose Almonte, ang ama’t utak ng Reform the AFP Movement). Pero, ni hibla ng aking ubaning balbas ay hindi ako maniniwala’t mananampalataya kay Marwan, na napatay sa kubo sa Mamasapano nang lihim na lumusob na mga SAF (Special Action Force, na itinatag ni Tabako, o Fidel Ramos).

Matagal nang sinasabi ng mga Moro (bahala kayo kung anong grupo ng Moro ang nais ninyo) na hindi nila kinakanlong si Marwan. Pero, nakatitiyak ang Estados Unidos na nasa teritoryo nga ng mga Moro si Marwan, walang sablay at sapul nga.

Ito namang si Getulio Napenas ay nangangalap pa ng utang na loob na sa pagkamatay ng 44 na kawal ng SAF ay libu-libo raw ang mabubuhay. Susme, saan mo nakuha ang ganyang kuwenta?

Hindi binomba ni Marwan ang Luzon at Visayas at maging political at military targets sa Mindanao. Totoong maraming tinuruang Moro si Marwan sa paggawa ng bomba.

At ayon sa isang Bandera reader (…3461) sa Iligan City, ginagamit ng mga gumagawa ng bomba ang kanilang kaalaman sa pangingikil sa mga negosyante at mga may-ari ng bus lines. Walang bomb scare sa Mindanao, pero marami, at karaniwan, ang bomb threat.

Kapag nakatanggap ng bomb threat ang isang negosyante, anang reader, dalawang bagay ang kanyang puwedeng gawin: magbigay ng pera o hintayin na lamang ang araw at oras na may sasabog sa kanyang negosyo.

Pera, kasakiman sa pera, ang nagpapagulo sa Mindanao. Pero, sa Metro Manila, nangangamoy pera na naman sa Senado at Kamara sa pagpipilit ng BBL sa kabila na nagkakanlong nga ng mga terorista ang gagawaran “prosesong kapayapaan” at sariling pamamahala.

Alam ng taumbayan, ang patuloy na ginagatasan ng mga opisyal na hepa, na nagkapera ang mga magnanakaw sa paglilitis kay Renato Corona at pagpasa sa RH bill. Ngayon ay mas matindi ang alingasaw ng pera, kesehudang marami pa ang mamamatay sa Mindanao ng mga Moro.

Ang dating tamad na mga pulis-Caloocan ay mas lalong tamad ngayon dahil sa sinapit ng Fallen 44 ng SAF. Inililista na lamang ang krimen sa blotter o sa tubig at wala nang follow-up.

May katuwiran ang isang nakatalaga sa Barugo station. “Depressed” daw siya at nakikidalamhati sa pinatay na mga kawal ng SAF. Tulad daw siya ni Aquino na depressed din kaya di na dumadalo sa ilang pagtitipon sa Malacanang ang pangulo.

MULA sa bayan (0906-5709843): Kay Erap, walang kuskos-balungos. Pulbusin agad ang mga Moro. …7441

Oks lang kung galit si Kris sa kanyang mga kaibigan na bumanat sa kanyang kuya. Nang dahil sa kanyang ginawa, mas lalong kakampi sa mga bumanat sa kanyang kuya at darating ang panahon ay nag-iisa na lang si Kris at wala nang manonood sa ABS. …1137

Kawawa naman si P-Noy. Hindi ka ba naaawa sa kanya, Lito Bautista? …0987

Nakalimutan na kaming mga pasahero ng MRT. Hay naku. …4563

AKO’y saleslady sa SM Manila. Mabilis na naglaho ang mga MMDA at pulis kapag ako’y lumalabas ng 11:30 p.m. Ang tingin ko tuloy sa paligid ay parating may nag-aabang na holdaper. …3290

Kris tinalakan ng anak ni Erap, walang ginawa kundi mam-bully

$
0
0
KRIS AQUINO AT JERIKA EJERCITO

KRIS AQUINO AT JERIKA EJERCITO

JERIKA Ejercito, the daughter of Mayor Erap Estrada lambasted Kris Aquino.

Reacting on an article titled, “Kris Aquino defends her brother, doesn’t seem to understand duties of the President”, Jerika posted this message on her Facebook account, “Don’t dish it out if you can’t handle it. Sheesh!

“Every night she bullies her guests on a&a and every morning does it all over again on her show cleverly named kristv her poor guests publicly humiliated…she feels entitled to be BRUTALLY HONEST day in, day out…but obviously cannot handle the truth herself.”

It was a very well said piece, something that REEKS of truth. Totoo naman na masyadong self-centered si Kris.

Siya palagi ang magaling, matalino, maganda, maprinsipyo, parang siya lang palagi ang tama at ang lahat ay mali Kakaloka, di ba?

Kung makapangaral siya ay akala mo kung sinong perpekto when she’s all FLAWED.

The TV host should be reminded that she’s not an ideal celebrity. She has a lot of imperfections.

Kris Aquino lang siya, ‘no! Hindi siya diyos! She’s just banking on her popular surname dahil wala naman siyang ka-talent-talent. All that she’s got going for her is her charisma, nothing more!!!

CAP, kumusta na?

$
0
0

MAGANDANG araw po.

Tawagin n’yo na lang po akong Ben at taga-Zamboanga City. Gusto ko lang po malaman kung ano na nangyari sa CAP education plan dahil wala na po kami nababalitaan tungkol sa kung ano ang development sa aming educational claims.

Salamat po.
Ben

REPLY: Para sa iyong katanungan, Mr. Ben: Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang Aksyon Line sa CAP educationa plan subalit hanggang sa ngayon ay wala pang tugon ang CAP eduction plan sa inyong katanungan
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?

Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

BANDERA VISAYAS FEBRUARY 06, 2015

$
0
0
BANDERA VISAYAS FEBRUARY 06, 2015

BANDERA VISAYAS FEBRUARY 06, 2015

Kris natameme sa ginawang pag-atake kay Juday

$
0
0
JUDY ANN SANTOS AT KRIS AQUINO

JUDY ANN SANTOS AT KRIS AQUINO

Selyado ang mga labi ni Kris Aquino sa isyu nang pag-unfollow niya sa Instagram account ng ilang celebrity friends niya especially kay Judy Ann Santos.

Mas pinili niya ang manahimik pero nakasulat naman sa t-shirt na suot niya sa evening talk show niya ang mga mensaheng nais niyang iparating especially sa kanyang bashers.

Noong Lunes naka-design sa suot ni Kris ang ganitong pahayag, ‘How beautiful it is to stay silent especially when someone wants you to be enraged.”

Kung in-unfollow ni Kris si Juday sa Instagram, we found out na parehong hilig pala ng dalawang Kapamilya stars ang Crate & Barrel home fixtures and appliances store sa SM Megamall. Madalas daw magpunta sa naturang tindahan si Juday.

Minsan napadaan kami roon at naitsika sa amin ng mga nag-a-assist doon na katatapos lang mag-taping ni Kris para sa kanyang morning show doon last Tuesday. And after taping, namili na raw si Kris ng mga gamit niya sa kusina na umabot sa mahigit-kumulang P100,000.

Napansin din namin ang isang mahabang bench na gawa sa imported wood na naka-reserve na as a gift para sa ikakasal na si Sen. Chiz Escudero ng isa niyang friend. Worth more than P50,000 ‘yung bench, huh!

Two-edged Sword

$
0
0

February 06, 2015
Friday, 4th Week in
Ordinary Time
1st reading: Hebrews 13.1-8
Gospel: Mk 6:14–29

King Herod also heard about Jesus because his name had become well-known. Some people said, “John the Baptist has been raised from the dead and that is why miraculous powers are at work in him.” Others thought, “He is Elijah,” and others, “He is a prophet like the prophets of times past.” When Herod was told of this, he thought: “I had John beheaded, yet he has risen from the dead!”

For this is what had happened. Herod had ordered John to be arrested and had him bound and put in prison because of Herodias, the wife of his brother Philip. Herod had married her and John had told him, “It is not right for you to live with your brother’s wife.” So Herodias held a grudge against John and wanted to kill him, but she could not.
D@iGITAL-EXPERIENCE
(Daily Gospel in the
Assimilated Life
Experience)

King Herod thought that by a stroke of an executioner’s sword he could get rid of John who dared to evaluate in public the morality of his lifestyle. Herod was wrong. When he had John’s head on a platter, he became a bothered man for the rest of his life. With so much power in his hands he couldn’t defend himself this time because the enemy he killed could die only once. Had he kept John alive, John could have disturbed him only by day with his preaching. After he killed him, he was bothered down to his spirit both day and night. Nobody can silence God’s preacher for good!

There were times when we too wanted to do get rid of preachers. Just as Herod banished John to prison we banish preachers who bother us by deserting their parishes and by moving to non threatening churches. Just as Herod ordered the beheading of John we decapitate these preachers by maligning their reputation.

Herod and John’s story is lesson to learn for the flock and the shepherds alike. For the flock, the call of today’s gospel is openness to the Word even when the medium is as poor as the priest people hate, or even when the Word itself is disturbing. Preaching necessarily hurts because the Word is a two-edged sword. For the shepherds the call of today’s Gospel is perseverance. Despite resistance preachers should not give up, for the Word is like rain that never returns to the sky until after it has watered parched land.

Here’s more for the shepherds. Preachers shouldn’t be cowed. There are other forms of death that honest preachers undergo. But even if it should come to the point of shedding blood at the pulpit, such death glorifies a preacher and gives him even more power over those who dislike him. Nobody can kill an honest preacher for good. -Rev. Fr. Dan Domingo P. delos Angeles, Jr., DM. Email: dan.delosangeles@gmail.com. Website: www.frdan.org.

May comment ka ba sa column ni Father Dan? May tanong ka ba sa kanya? I-type ang BANDERA REACT <message /name/age/address> at i-send sa 4467.

Toni, Coco na-shock: biglang nagkapelikula

$
0
0
TONI GONZAGA AT COCO MARTIN

TONI GONZAGA AT COCO MARTIN

SA kauna-unahang pagkakataon ay magsasama nga sa pelikula sina Toni Gonzaga at Coco Martin.

Ito ay ididirek ng bagong promising director na si Antoinette Jadaone under Star Cinema. Si Antoinette ang nagdirek ng “That Thing Called Tadhana” ni Angelica Panganiban kung saan ito nanalong best actress.

Ayon sa direktor, tiyak na makaka-relate ang lahat ng Pinoy sa pelikulang ito (wala pang final title). “Mas grounded ito sa reality, mas grounded sa real-life,” ani direk sa interview ng ABS-CBN.

Dagdag pa niya, “Pag papanoorin mo ‘yung pelikula, makikita mo ‘yung sarili mo kay Toni, kay Coco, makikita mo ‘yung kaibigan mo, ‘yung crush mo, ‘yung boyfriend mo sa isa sa mga characters. Hindi siya nalalayo sa totoong buhay. Mas grounded siya.”

Inamin naman ni Toni na naging “instant fan” siya agad ng direktor nang mapanood niya ang “That Thing Called Tadhana.”

“Napakatotoo niyang direktor, napaka-natural, napaka-raw nung mga emosyon na napapakita ng mga aktor niya. I want to work with a director like her, na ma-bi-bring out niya ‘yung totoo sa amin,” chika ni Toni.

Hirit pa ng future wife ni direk Paul Soriano, “It’s not going to be your typical romantic-comedy. We’ll keep it grounded, keep it real, na pag pinanood mo, ‘Ay, nangyari sa ‘kin ‘to.'”

Ang magiging karakter ni Toni sa nasabing movie ay, “Someone who is looking for acceptance, who’s looking for love, who wants to be appreciated and who wants to belong.”

“All along, hindi ko alam na may isang tao pala na hindi ko kailangang magpanggap, hindi ko kailangang patunayan ang sarili ko, kasi meron palang tao na nagmamahal sa akin sa kung sino ako, at si Coco iyon,” aniya.

For his part, sinabi ni Coco na talagang matagal na niyang gustong gumawa ng mga romantic-comedy films tulad nga ng pelikula nila ni Sarah Geronimo na “Maybe This Time” at ito ngang pagtatambal nila ni Toni ang ikalawang rom-com na gagawin niya.

“Siyempre hindi maiaalis yung kaba dahil hindi ko naman ito forte talaga. Pero ito ‘yung isa sa mga pangarap ko na magawa ko.

Na-e-excite ako kasi ito ‘yung mga bagay na hindi ko pa napapakita sa mga manonood.”

Sey naman ni Toni sa kanyang bagong leading man, “Ako, it’s an honor na makatrabaho ko siya sa pelikula kasi alam ko marami akong matututunan sa kanya. He’s such a great dramatic actor, but I’m so happy rin na he allowed himself na i-explore ang ibang dimensyon ng acting.”

Dagdag naman ni Coco sa first time team-up nila ng TV host, “Noong una, kung iisipin niyo, it came out of nowhere, na pagsasamahin kaming dalawa. Pero noong nailatag talaga iyong story…ako, ang tingin ko talaga, ang basehan ng isang magandang pelikula ay ang istorya, ang kuwento.”


Ai Ai sa paglalandi sa ibang lalaki: Behave na ko ngayon, may dyowa na!

$
0
0
AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

TECHNICAL problem ang ibinigay na dahilan ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa pagkawala ni Richard Yap as guest sa nalalapit niyang concert sa sosyal na The Theater ng Solaire Hotel & Casino titled “I Heart Papa” on Feb.12.

“Huwag na nating palawigin ‘yung technical problem. Basta ganoon na lang. Doon na lang tayo sa technical problem,” paliwanag ni Ai Ai noong makausap namin sa pictorial niya for a glossy magazine.

Mabuti na lang at mabilis din nakakuha agad ng pamalit kay Richard sina Ai Ai at co-producers niya sa concert. And they are none other than the two hunk actors Aljur Abrenica and JC de Vera.

“Oo, okey sila. Mas bata, mas OK. Syempre, ‘pag papa ang sinabi, dapat papable talaga ang ipapalit kay Papa Chen (Richard).

‘Yung kategorya naman ng papa ay pasok naman kay Aljur at kay JC,” ani Ms. A.

Halos kasing-edad lang nina Aljur at JC ang real-life boyfriend niya ngayon na si Gerald Sibayan, “Diyos ko, huwag na natin ‘yung i-ano, banggitin, ‘yung ka-love-aban. He-hehehe!”

Biniro namin si Ai Ai na baka magselos ang real-life boyfriend niya na halos kasing-edad din nina Aljur at JC, “Selos agad? Show lang ‘to. Hindi naman ‘to pang-matagalan,” ngiti niya.

Hindi maiaalis na pagselosan ni Gerald si Aljur dahil one time natsismis din ang Comedy Queen sa hunk actor, “Parang hindi naman, pa-sweeet,” kasunod ang tawa niya.“Wala na ‘yun. Noon pa ‘yun. Huwag na nating ungkatin. Mga anu-ano lang ‘yun, kunya-kunyari lang ‘yun.”

Sa kawalan lang daw ng isasagot sa tuwing tinatanong siya kung sino ang crush niya, “Sagot ko, ‘Wala rito, taga-kabila.’ Tapos, e, syempre nag-iimbento ako. Sabi ko, ‘Basta, letter A.’ Sumakto naman kay Aljur! Ha-hahaha!”

May nakakatawa pang kwento si Ai Ai tungkol kay Aljur.

“E, ‘di ano ako, arte-arte ako na, ‘Basta letter A.’ Eto na ngayon, ay, baka si Aljur ‘yan. E, ‘di ako nakiki-Aljur din ako. ‘Aljur! Aljur,’ ganyan. Hanggang sa, eto na, sabi nu’ng driver ko, ‘Ma’m, si Aljur! Nakita ninyo?’”

Sagot naman ni Ai Ai sa driver niya, “Sino ba si Aljur? Ano ba ang hitsura ni Aljur?”

Ang ginawa raw ng driver niya dinala siya sa EDSA at itunuro ang billboard ng aktor.

Tahasan na niyang sinabi na hindi mai-in love si Aljur sa kanya kapag magkasama na silang magpe-perform sa The Theater,

“Huh?! Bakit naman dumating na tayo sa ganoong eksena? Tawag nga niya sa akin Mama Ai, e.”

Sure siya na mako-compose naman niya ang kanyang sarili dahil nagawa na niya before nu’ng una silang magkita ni Aljur, “Behaved, syempre. May boyfriend na ako, e. (But) Wait lang, manood muna kayo (ng concert). Basta may magaganap,” habol niya.

Notorious si Ai Ai sa pagiging pilya on stage lalo na sa male guests niya. Alam kaya ‘to ni Aljur? Basta si Ai Ai, handang-handa na raw siya sa paghaharap nila ni Aljur on stage.

And of course, ‘di rin dapat kalimutan ang isa pang “papa” ni Ai Ai sa concert, ito ngang si JC. Last time nainterbyu namin ang aktor sa cast party after ng premiere night ng “Halik Sa Hangin,” sinabi niya na malabo if he can go out on date sa Valentine’s day dahil may trabaho siya.

Araw-araw daw kasi na meron siyang taping for his new soap. Mabuti na lang at nalibre siya on Feb.12.

Kwento pa ni Ai Ai, siya raw mismo ang pumili kina Aljur at JC bilang kapalit ni Richard. At bukod sa dalawang hunk actors, may isa pa siyang surprise guest sa show.

“Sige, singer (siya). Basta hanggang doon na lang,” diin niya.

Magbabago rin daw ulit sila ng layout for the poster since hindi magkasya ‘yung iba pang sponsors sa concert niya. Antaray, ‘di ba?!

Sarah Lahbati: Hindi kasalanan na nagka-baby kami at hindi pa kasal!

$
0
0

sarah lahbati
WALANG nakikitang masama si Sarah Lahbati kung  nagsasama na sila ni Richard Gutierrez kahit hindi pa kasal.

Naniniwala rin siya na hindi kasalanan ang magkaroon sila ng anak kahit wala pang basbas nang simbahan o kahit wala pa silang legal documents para tumira sa isang bahay at maging mga magulang sa first baby nilang si Zion.

Sey ng aktres nang makapanayan ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng horror-romance movie na “Liwanag Sa Dilim”, ang mahalaga ay nagkakaintindihan sila ni Richard at hindi nila pinababayaan ang kanilang anak.

Ani Sarah, ang bilis-bilis nga raw lumaki ni Zion kaya kailangan daw nito ng sapat na atensiyon mula sa kanila ni Chard, “He’s very good, magtu-two na siya sa April. And he’s very tall, he’s a healthy, happy baby.

“And, yun nga po, I make sure that I spend as much time with him because he grows up so fast and I don’t wanna miss out on anything. “So, wala namang problema dahil nama-manage ko naman yung personal life ko and work.

Kung may work ako, usually we make sure na Chard doesn’t have any schedule. Or when Chard is busy, I make sure that I’m not busy para salitan kami,” pahayag pa ng batambatang mommy.

May plano na rin daw sila ni Richard na sundan si Zion, “Siguro ‘pag mga ano na siya, mga three or four,” chika pa ng 21-year-old Kapuso actress.

Ibig bang sabihin nito, mauuna muna ang kasal bago nila sundan si Zion? “We’ll see,” kasabay ng pagsasabing wala siyang nakikitang problema kung mabuntis uli siya anytime now at hindi pa rin sila kasal ni Richard.

“You know why? Because for me naman, I don’t think it’s a sin that we have Zion and we’re not yet married. Because, before having Zion, we already knew that we wanted to spend the rest of our lives with each other.

“Because we knew that we’re gonna get married at one point of our lives. “Mas nauna lang si Zion, but then, we’re slowly getting there,” prangka pang chika ni Sarah Lahbati.

Albie kina Jake at Andi: Wala namang sikreto na pwede mong itago forever!

$
0
0

albie casino
Ayaw pa ring tumigil ng mga usap-usapan sa social media tungkol sa tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.
Ipinipilit kasi ng ilang netizens na baka raw si Jake Ejercito ang tatay ng bagets at hindi ang TV5 hunk actor na si Albie Casino tulad ng kine-claim ni Andi noong kasagsagan ng kanyang pagbubuntis.

Hamon nga ng mga bashers sa anak ni Jaclyn Jose, ituloy na niya ang DNA test para magkaalaman na dahil mas marami ang naniniwala ngayon na si Jake ang tunay na tatay ni Ellie at hindi nga si  Albie.

Sa interview ng News5, nagsalita naman si Albie tungkol dito, “Well, you know, everything will come…like, you can’t hide everything naman, ‘di ba?

“If you have a secret, you can’t keep it hidden forever. The truth will always come out, ‘di ba? So, who knows what happened?” chika pa ng binata na makakasama nga sa Wattpad Presents: A House Full of Hunks ng TV5 kung saan makakasama rin ang ilan pang hunk models ng Singko at si Jasmine Curtis.

Inamin din ng young hunk actor na hindi na itinuloy ang DNA testing kay Ellie noon dahil, “Masyado na kasing time-consuming, e, parang, I’d rather not go through the hassle.”

Hindi rin daw niya napi-feel na vindicated siya sa mga nangyari sa kanila noon ni Andi ngayong si Jake nga ang sinasabing tunay na ama ni Ellie, “No, not really.

Because it’s all, like, it was just all speculations, ‘di ba? So, how can I feel vindicated with speculations, ‘di ba?” Kung matatandaan, hindi inako ni Albie ang responsibilidad sa anak ni Andi dahil hindi naniniwala ang kanyang pamilya na sa kanya ang bata.

Kaya nga nag-demand sila noon na ipa-DNA ang baby para malaman ang katotohanan. Pero para sa amin, dapat kay Andi na manggaling ang pagdedenay o ang pag-amin, sana’y magkaroon siya nang lakas ng loob na ibandera na sa buong mundo kung ano talaga ang katotohan.

Ate Vi nagparinig na kina Angel at Luis: Apo na lang ang hinihintay ko!

$
0
0

vilma santos
Iba rin talaga kapag solid Vilmanian ka.

Aba’y kahit ilang dosenang beses na naming napanood ang mga movies ng Star for All Season at dear-idol friend-kumare natin, go pa rin kami sa UP Film Center noong Huwebes ng gabi para panoorin ang lumang pelikula niya na pinalinaw sa pamamagitan ng bagong teknolohiya.

Yes, sa gitna ng mga busy naming seminar at iba pang iskedyul, naki-join talaga kami sa mga solid Vilmanians dahil masarap namnamin yung mga moment na pumi-pila ka sa sinehan ng isang Vilma Santos movie.

Ni-restore ng ABS-CBN Film Archive ang tatlo sa pinakamagagandang movies ni Ate Vi (though personally, we also want to see yung mga classic movies talaga mula sa Regal, Viva at Sining Silangan) gaya ng “Anak”, “Kapag Langit Ang Humatol” at ang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa” na enjoy na enjoy bigkasin ng anak naming si Neeyong. Ha-hahaha!

Anyway, even without the invite from ABS-CBN Corporate Communciation, pinuntahan namin ang okasyon and had a moment with ate Vi kahit na sandali lang.

Sayang lang talaga na hindi namin natapos ang na-restore version ng award-winning Chito Roño classic na for sure ay ilang dekada ring mae-enjoy ng mga new breed of moviegoers dahil sa mas mukha itong bago at higit na maganda.

Still on Ate Vi, siya pa lang ang kauna-unahang aktres na binigyan ng ganu’ng para-ngal ng UP System. Bilang kauna-unahan ding Gawad Plaridel awardee mula sa kolehiyong pinagtapusan namin, proud na proud ang UP communtiy sa body of work ni Ate Vi as an actress.

In fact, this Feb. 12 ay tatanggapin niya ang Gawad Ani mula sa NCCA, pagpa-patunay lamang ng kanyang malaking impact at presence sa industry.

Ibinalita rin ni Ate Vi na magkakaroon siya ng guesting sa ASAP on Feb. 22 at dapat daw naming abangan ang kanyang live song number. Ha-hahaha!

Anytime soon din ay magsisimula na ang movie nila ni Angel Locsin at sinang-ayunan nito ang ampon naming si Luis Manzano sa sinabi nito kamakailan na dahilan kung bakit hindi niya tinanggap ang role sa naturang movie nila ni Angel.

Basta ang malinaw na sinabi ni Ate Vi, longing for a grandchild na sila dahil wala na daw silang baby sa bahay. “Siyempre (excited) pero ang huling desiyon ay nasa kanila.

Ngayon ang hinihintay ko na lang ay apo, yun lang, hanggang doon lang. My son is mature enough to decide for himself nasa sa kanya yon kung ano ang gusto niya sa buhay niya.

Pero kung magkatuluyan sila ni Angel definitely isa ako sa magiging maligaya,” ani Ate Vi.

Horoscope, February 07, 2015

$
0
0

Para sa may kaarawan ngayon: Bukod sa pagbo-blow-out, simulan ang araw sa pagsisimba. Isama ang kasuyo sa anumang lugar na may kaugnayan sa religious service. Sa ganyang paraan, tuloy-tuloy ang pasok ng suwerte at magandang kapalaran sa taong ito ng 2015. Mapalad ang 4, 7, 20, 27, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Kikita ng malaking halaga kung papanatiliin ang pagiging “low profile”. Wag dominahan ang kasuyo upang wag siyang magtanim ng galit at sama ng loob, lalo na’t malapit na ang Araw ng mga Puso. Mapalad ang 9, 18, 21, 28, 42 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Red at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sikaping mapaligaya ang kasuyo upang habang lumalapit ang Valentine’s day lalo pang umigting ang inyong relasyon. Kapag laging masarap at magana ang samahan mas madaling makakamit ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Hare-Krisnah-Om.” Lilac at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—May oportyunidad na darating na may kaugnayan sa pangingibang bansa – sunggaban mo agad. Sa pag-ibig, wag ng pakawalan ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre, ka-tugma mo siya. Mapalad ang 5, 18, 25, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Yasoda-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Pera na naman ang magiging problema! Itigil na kasi ang negosyong hindi naman kumikita. Sundin ang suwestyon ng kasuyo, maging maingat sa pera, magtipid-tipid muna at wag mapapautang sa mga manunuba at balasubas. Mapalad ang 2, 11, 19, 32, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Budhananda.” White at magenta ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Wag patulan ang isang kasamahang atrabida, sisirain lang nya ang araw mo. Mag-concentrate sa ginagawa wag masyadong makipagdaldalan. Sa pag-ibig, sa kasuyo ikuwento ang lahat ng sama ng loob, mauunawaan ka nya. Mapalad ng 1, 4, 16, 24, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Kedemel.” Yellow at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Isang nilalang na kayumangi at kulot ang buhok ang dapat iwasan upang hindi mapahamak ang love life. Sa pinansyal, kung sakali mang magkaroon ng hindi masayang love life, ang kapalit naman nito ay malaking tagumpay sa career. Mapalad ang 5, 9, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Krisna-Om.” Gray at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Magiging magara ang kapalaran! Magkahalong suwerte at malas ang darating. Sa pag-ibig, sisisihin ka na naman ng kasuyo sa kasalanang hindi mo naman ginawa – wag sabayan ang kanyang galit! Mapalad ang 3, 9, 29, 33, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Aum-Bodhana.” Lilac at gold ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Labis lamang ang pagmamahal sayo ng kasuyo kaya siya madalas mag-selos. Mamayang gabi, romansahin mo siya ng todo upang mawala ang pagka-praning. Sa pinansyal, upang yumaman magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om-Halka.” Blue at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Walang ibang maasahan upang umunlad at umangat ang kabuhayan ng inyong pamilya kundi ikaw. Kaya obligado kang magsipag! Sa pag-ibig, iwasang awayin ang kasuyo, upang wag mapurnada ang mainit na romansa sa darating na Valentine’s day. Mapalad ang 3, 15, 27, 37, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Pink at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Gagantimplaan ka ng tadhana dahil sa pagiging matungin. Kusang madadagdagan ang kinikita habang tumutulong ka sa iyong kapwa. Sa pag-ibig, lalong iinit ang pakikipagniig sa isang Cancer. Mapalad ang 8, 14, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Name-Govinda-Om.” Gold at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sariling intuition ang sundin upang kumita ng malaking halaga at upang habang buhay kang lumigaya. Sa pag-ibig wag titigil – mag mahal ka lang ng magmahal hanggang matuhog mo ang iyong soul mate. Mapalad ang 5, 19, 22, 31, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum- Agiel, Om-Zazel.” Magenta at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Panahon na upang pasyalan ang mga romantikong lugar. Iplano ang paglalakbay sa Boracay at Palawanm ngayon palang pag handaan na ang Summer Vacation upang lalo pang uminit at sumarap ang pagmamahalan. Mapalad ang 7, 13, 25, 31, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Raga-Om.” Red at violet ang buenas.

JM binalaan: mamalasin uli pag binalikan si Jessy

$
0
0

jm guzman
We watched “That Thing Called Tadhana” last Thursday together with my “baby”. Hindi pa pala niya napapanood ang movie na ito na nagpanalo ng dalawang best actress trophies for Angelica Panganiban.

Maganda ang movie, it’s a simple love story of two people na aksidenteng nagkakilala sa airport. From there, they learned na pareho silang sawi.

We know now kung bakit nanalo si Angelica ng dalawang best actress trophies. She was perfect for the role. Her comic timing is just great. Walang labis, walang kulang sa kanyang acting. It was all natural.

As a young woman who has this kanto-girl demeanor na panay ang mura, Angelica was able to breathed life to her role. Siyang-siya ang character niya.

Now, we saw on social media na nag-date sina JM de Guzman, leading many ni Angelica sa “That Thing Called Tadhana” and Jessy Mendiola, his ex-girlfriend.

Easily, ang daming hindi nagkagusto na makita ang dalawa  because it was Jessy who made life for JM miserable after nilang mag-break up. Puro bash ang inabot ni Jessy sa social media.

“Not Again JM! please SAVE yourself from this Girl :(” “Saw Jm in person and he’s so HOT! sayang naman if balik ka na naman sa kanya. shes not worth it!”

“Hoy Jessy ikaw ang Jinx sa buhay ni JM… Pwede ba wag mo sya hilahin ulit nag uumpisa pa lang sya ulit.” Iyan ang karamihan sa talak ng fans ni JM na galit na galit kay Jessy.

Kaya mag-ingat ka girl dahil baka may banta na pala sa buhay mo!

Sigaw ng kampo ni Ser Chief: Mukhang pera na kung mukhang pera!

$
0
0

aiai delas alas

HALOS iisa ang laman ng mga pahayagan ngayon tungkol sa aktor na si Richard Yap, mukha siyang pera dahil umatras siya bilang special guest sa pre-Valentine concert nila ni Ai Ai delas Alas na gaganapin sa Solaire Hotel sa Peb. 12.

Bagama’t inamin naman ni Ms. A na nagkaproblema sa parte ng producer ay hindi pa rin naiwasang batikusin nang husto si Papa Chen or Ser Chief.

Tinanong namin ang handler ni Richard na si Kate Valenzuela tungkol dito, “Technical, Reggs, hindi si Papa Chen ang may problema, ang producer ang may problema,” bungad paliwanag sa amin ni Kate kahapon.

Setyembre pa raw nagkaroon ng negosasyon sina Richard at producers ng show na sina Faith Cuneta at Jacob Fernandez para mag-guest  sa pre-Valentine show ni Ai Ai, “They have to follow the contract, Reggs, kasi kung hindi rin lang, bakit pa nagkontrata?

“Ilang beses nangako na magbibigay na ng downpayment, binukas-bukas kami, ‘yung staff ko, ilang oras nila (producer) pinaghintay, tapos nu’ng dumating si Faith wala namang dalang pera, kesyo ganito o ganyan.

Bakit hindi na lang sabihing walang pera, tapos.  “Actually, ilang buwan naming hinintay ang pangako nina Jacob, si Faith ang humaharap sa amin, eh.

“Alam naman nina Jacob na Valentine show ito, maraming inquiries for papa Chen, siyempre kung sino ‘yung nagbigay ng downpayment, doon kami, business ito, sabihin na nilang mukhang pera, e, ganu’n talaga.

“Hindi naman sila nakikipag-usap nang maayos, puro bukas-bukas, nakakapagod din. Hindi naman kami bago sa business na ito, ramdam naman namin kung may pera o wala ang producer.

“Saka ang nakakairita pa, nagpagawa sila ng poster at may billboard pa na hindi nila pina-approve sa amin.  Ano ba ‘yun? Labas si Ai Ai sa usapan dito, hindi siya ang kausap namin, pero sana naisip din ni Ai Ai kung ano ang protocol, bakit siya pumayag sa ganu’n kaya nga may kontrata, eh.

“Alam din nina Mary Ann (Sta. Ana) ng Backroom, opisina sila kaya alam nila ang dapat, pero bakit parang lumalabas si papa Chen pa ang sinabing inuna ang nagbigay ng downpayment? Ganu’n naman talaga, di ba?

“Nalungkot nga si papa Chen, actually sabi nga niya, nahiya siya kay Ai Ai, magpadala raw ng bulaklak.  Pero wala siyang magagawa kasi management descision ito.

“Kinausap na nga nila si sir Deo (Endrinal-manager ni Richard), kaya tinanong ako, ikinuwento ko ang buong istorya, saka nanindigan ako kasi ako naman ang kausap nina Jacob, sa akin naman ang call.

“Kaya Reggee, wala kaming fault do’n, kawawa nga Ai Ai, nagco-prod na siya kasi walang pera ang producer. Sabihin na nilang nasira pangalan ni papa Chen, okay lang, basta sinabi namin ang totoong dahilan.

“Tapos nu’ng nalaman nilang nag-back out na si papa Chen, bigla nilang sinabi nag-deposit na raw sa bangko, okay fine!
“Tsinek namin every minute online, wala naman.

Pinapuntahan ko na sa staff ko sa mismong bangko baka kasi nagloloko ang online, wala talaga. Nag-wait pa kami ng ilang oras baka kasi hindi pa nake-credit ‘yung dineposit, wala talaga. So anong tawag doon?

“So, kami may mali, saan may mali si papa Chen?  Pakipaliwanag nga nina Jacob at Faith?” buong kuwento sa amin ng senaryo.
Kaya tumanggap na raw ng ibang commitment si Richard sana raw ay maintindihan ito ng lahat at ng mga manonood ng show na wala sa parte ng aktor ang pagkukulang.

Any feedback from Faith and Jacob?


Erik Santos namaga ang lalamunan pagkatapos kumanta sa Papal Mass

$
0
0

erik santos
NAGKASAKIT pala si Erik Santos matapos kumanta sa papal visit ilang linggo na ang nakararaan.

Nagkaroon ng laryngitis o  “inflammation of voice box” si Erik ilang araw matapos siyang kumanta sa misang pinangunahan ni Pope Francis sa Quirino Grandstand. Ito raw ang unang pagkakataon na nagkaroon ng laryngitis ang Kapamilya singer.

“First time kung magkaroon ng laryngitis. Actually nu’ng kumanta ako for Papal Mass mayroon na po siya,” anito sa Kris TV kahapon.

“Sabi nga there’s a bug, parang yung kumanta sa Quirino Grandstand, may members din ng choir na hanggang nga-yon ay wala pang boses,” dagdag pa ng binatang singer.

Bukod sa ilang araw na pahinga, uminom na rin daw ng antibiotics si Erik sa loob ng isang linggo, “Ako for one week di ako nagsalita. Gumaling pero hindi pa siya 100% na okay.”

Itinuturing naman ni Erik na “biggest performance” niya ang pagkanta sa papal visit, siya ang naatasang kumanta ng responsorial psalm sa nasabing misa officiated by Pope Francis.

Bagong tomboy-serye ni Marian nilai-lait agad ng bashers

$
0
0

marian rivera
Marian Something is said to be doing a tomboyserye as her next project for GMA 7.

Actually, nag-sample na siya ng pagiging tomboy sa isang episode ng noontime show ng Siyete where she was garbed in a masculine style. It was quite a hit with her fans, naitawid naman niya ang role ng tomboy kahit saglit lang.

But doing it for soap opera, tila hindi pabor ang marami. People in social media think that she can’t pull it off, NEVER.
And if ever, meron nang nagbabala na hindi ito magki-click.

For one, how can she be believable when she’s already married to Dingdong? Isa pa, hindi siya versatile actress to begin with so paano niya maitatawid sa mas regular na portrayal ang role ng isang lesbian?

“Ndi yan maghihit, for sure.” “#CERTIFIED #FLOP to PANIGURADO!” “Hindi yan maghihit lalo na ngaung may asawa na xa.”
“The return of # Queen of Flop is coming back!!!”

‘Yan ang tili ng anti-Marian, na sinagot naman ng fan ng actress ng, “Bitter lang ang peg? Go Marian! Mamatay na lang sila sa inggit! As in double dead pa! Botcha! Puro na lang kayo kanegahan!”

Susuwertehin na sa ika-3 pag-aasawa (2)

$
0
0

Sulat mula kay Annalyn ng Poblacion, Tambuling, Zamboanga del Sur

Problema:
1. Hindi ako pinalad sa una kong pag-aasawa, kasi nagsama lang kami ng almost three years tapos nagkahiwalay na kami. Nagkaroon kami ng isang anak tapos nagluko at nambabae na siya. Sa ngayon ay namamasukan ako sa isang restaurant para buhayin ang kaisa-isa kong anak na babae at naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung makapag-aasawa pa ba ako?
2. At kung makapag-aasawa pa ako sa ikalawang pagkakataon, magiging maligaya na kaya ako? May nanliligaw kasi sa akin na isinilang noong April 9, 1989 at November 8, 1988 naman ang birthday ko. Compatible po ba kami at kami na po ba ang magkakatuluyan?
Umaasa,
Annalyn ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing ang huling lalaking darating sa buhay mo na pang habang buhay ng makakasama at mapapangasawa ay isinilang sa zodiac sign na Taurus at hindi Aries tulad ng manliligaw mo sa ngayon.

Numerology:
Ang birth date mong 8 ay nagsasabing sa ikatlong lalaking darating sa iyong buhay na pang habang buhy mo ng makakasama ay sinilang sa birth date na 7, 16 o kaya’y 25, kung saan, tulad ng nasabi na, ang lalaking ito ay magiging tapat sa iyo habang buhay.
Luscher Color Test:
Upang maging mapalad ka na sa pag-aaswa at hindi na uli iwanan pa ng lalaking makakarelasyon mo lagi kang gumamit at magsuot ng mapalad mong kulay na pula at berde. Sa nasabing kulay magtutuloy-tuloy na ang iyong suwerte at tagumpay sa larangan ng pakikipag-relasyon at pag-aasawa.
Huling payo at paalala:
Annalyn kahit iniwan ka ng unang lalaking iyong pinakasalan at halos ganon din ang magiging kapalaran sa ikalawang pakikipag-relasyon hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. dahil ayon sa iyong kapalaran sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Pebrero hanggang Abril isang lalaking halos kasing edad mo rin ang darating na may itinitial na R.B.. sa piling ng nasabing lalaki na makikilala mo habang nagta-trabaho ka, tulad ng nasabi na, sa larangan ng pakikipag-relasyon at pag-aasawa habang buhay ka ng liligaya.

Lee Min Ho, Chow Yun Fat bibida sa SineAsia ng SM, Viva

$
0
0

lee min ho
Samantala, hindi sikreto na taun-taon ay namayagpag ang Pinoy at Hollywood films sa larangan ng sine sa Pilipinas. Ngunit, dahil sa pagbabago ng kinahihiligan ng mga kababayan natin sa kasalukuyang henerasyon, nagkaroon ng puwang ang mga pelikulang Asyano sa bansa.

Ang mga pelikula mula sa Japan, South Korea, Taiwan at China ay hindi lamang patok sa kanilang mga tagasubaybay, nahihigitan din nila ang mga pelikula sa Hollywood pagdating sa takilya.

Sa pagtaas ng kalidad ng mga pelikulang Asyano, maraming Pilipino na ang nahihilig dito at nagnanais na mapanood ito sa malala-king sinehan.

Dahil dito, nagtulong nga ang SM Lifestyle Entertainment Inc., at Viva International Pictures para maipalabas ang mga pinakahihintay na Asian films sa SM cinemas.

Sa ginanap na press launch kamakailan, nilagdaan ni Edgar C. Tejerero, presidente ng SM Lifestyle Entertainment at Vic del Rosario, Chairman of the Board at CEO ng Viva Communications ang kontrata  para sa pagtatag ng SineAsia.

Kasabay ng pagdiriwang ng ugnayan ng dalawa sa pinakamala-king entertainment company sa bansa, ay ang pagbubukas ng pinto para sa mga tanyag na pelikulang Asyano na ngayon ay mapapanood  na nang nakasalin sa Wikang Filipino.

Ang SineAsia ay magtatampok ng mga nangunguna at pinakabagong pelikulang Asyano na eksklusibong ipalalabas sa SM Cinema at Walter Mart cinemas.

Lahat ng mga pelikula ay isasalin sa wikang Filipino para sa benepisyo nga mga manonood. Upang lalo mabigyang importansya ang pagtaguyod ng pelikulang Asyano, SM Lifestyle Entertainment ang kumpanyang namamahala sa SM cinemas at Walter Mart cinemas ay bumuo ng Sine Asia Theater na ididi-senyo ayon sa oriental na tema upang magbigay ng kakaibang karanasan sa mga manonood.

Ang Sine Asia Theater, ay ang unang sinehan sa bansa na magpapa-labas ng mga pelikulang Asyano na nakasalin sa wikang Filipino. Magiging pa-ngunahing atraksyon sa darating na Marso ang pelikulang “Gangnam Blues” na pinagbibidahan ng Korean superstar na si Lee Min Ho.

Kumita ito ng 7.6 million US dollars sa unang linggong pagpapalabas nito at  inaasahan pang tataas sa pagpapalabas nito sa 13 pang ibang bansa sa Asya kasama na ang Pilipinas.

Ginamit pa ng nasabing pelikula ang tanyag at popular na kanta ni Freddie Aguilar na pinamagatang “Anak”.  Ang mga pelikulang: “Vegas To Macau”, “Once Upon A Time In Shanghai”, “SPL 2″, “Mourning Grave”, “My Love, My Bride” at “Rise Of The Legend” na pinagbibidahan nina  Chow Yun Fat, Tony Jaa, Nicholas Tse at Kim So-Eun ay nakatakda ring ipalabas sa SineAsia Theater.

Mapapanood ang mga nasabing pelikula sa mga sumusunod na sinehan na naitalagang magtampok ng mga pelikulang Asyano: SM Megamall, SM Sta. Mesa, SM Fairview, SM Iloilo, SM Bacoor, SM Cebu, SM Manila at SM North Edsa para sa pagtatatag ng SineAsia Theater sa bansa.

Ang SM Cinema ay bukas sa posibilidad na pagpapalabas sa iba pa nitong sangay sa bansa depende sa taas ng pangangailangan ng mga pelikulang Asyano na maipalabas.

Sa pamamagitan ng SineAsia, maaari ninyo nang lakbayin ang buong Asya sa bawat pelikulang inyong mapapanood.

Angelica, John Lloyd ayaw sumabay sa mga magde-date sa V-Day

$
0
0

john lloyd cruz
Relax at hindi babaeng bakla ang peg na nakita namin kay Angelica Panganiban nang mag-guest ito sa show nina Kuya Boy Abunda at Kris Aquino just recently.

Nakabalik na mula sa kanyang Canada vacation si Kuya Boy kaya’t masaya nang manood ng show. Medyo tumaba lang ito ng konti kaya’t kakaririn daw uli nito ang pagpapapayat.

Anyway, going back to Angelica, masaya itong nagpasalamat dahil sa success ng “That Thing Called Tadhana”. Marami kaming friends na ineengganyo kaming panoorin ito dahil ito nga raw ay totoong nag-live up sa taguri nitong “#hugotfilmofttheyear.”

Excited nitong ibinalita na magsisimula na siyang mag-taping for Pangako Sa ’Yo kung saan gaganap siya bilang si Claudia Buenavista, reading-ready na raw siya.

Inamin din nitong mapapaaga ang Valentine’s date nila ni John Lloyd Cruz dahil on the day itself ay nasa Baguio ang aktor at may work, habang siya naman ay may taping.

Viewing all 44168 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>