Image may be NSFW. Clik here to view.
JOANNE Villablanca ang sinasabing bagong girlfriend ni Derek Ramsay as claimed by a popular website. Naka-post din ang iba’t ibang picture ni Derek kasama si Joanne na isa palang model.
Although hindi naman sila ang magkasama lang sa pictures, mostly ay isa silang malaking grupo, makikita mong magkatabi palagi ang dalawa at parang inseparable.
Pretty young thing ang tingin namin sa kanya. Mestiza ang bagong inspirasyon ni Derek at pupuwede naman siyang maging artista.
Anyway, sa mga nag-comment sa website photo niya ay merong nagsabing ex-girlfriend ng anak ni Bong Revilla na si Bryan Revilla ang sinasabing bagong girlfriend ni Derek. True kaya ito? Meron ding nagsabing ex-girlfriend ito ni Jeremy Marquez.
Anyway, hindi na ‘yon ang mahalaga. Ang importante ay pinapasaya niya si Derek. Teka, bakit until now ay ayaw pangalanan ng hunk actor ang bagong dyowa niya?
Image may be NSFW. Clik here to view.
Napaiyak ang businesswoman na si Cristina Decena when finally ay lumabas ang resolution para kasuhan ng attempted murder ang mga taong nagtangka sa kanyang buhay.
After more than a year and a half ay natanggap na ni Cristina ang resolution noong Wednesday nang hapon. “Dasal lang ako nang dasal for more than one year. Ni hindi ako nag-follow up, basta dasal lang ako nang dasal.
Iyak ako nang iyak kasi meron palang hustisya. Ang tagal nang ipinaghintay ko, about one year and a half,” maluha-luhang sabi sa amin ni Cristina over the phone.
Ilang tao ang sasampahan ng attempted murder case sa resolution na aming nakita, lahat sila ay may piyansang P120,000 para sa pansamantala nilang paglaya.
Tuwang-tuwa si Cristina kay Quezon City Prosecutor Donald Lee dahil dininig nito ang kanyang matagal nang panalangin na umusad na ang kasong isinampa niya sa korte matapos siyang tambangan.
Kasama ni Cristina ang isa niyang anak na lalaki at isa pang kasambahay nang pagbabarilin sila habang sakay ng kanilang van. Nakaligtas ang tatlo at hindi talaga pinabayaan ni Cristina ang kaso.
“Hindi lahat ng piskal ay nababayaran. Kumapit ako sa hustisya, sa merito ng kaso, ‘di ako naglakad,” sabi niya. Puring-puri ni Cristina si prosecutor Donald Lee dahil ultimo spotter ay kinasuhan nito.
Image may be NSFW. Clik here to view.
KUMALAT sa social media ang balita na si Sharon Cuneta ang napili ng isang producer na gaganap bilang si Janet Lim Napoles sa isasapelikulang life story ng tinaguriang pork barrel queen.
Ayon sa chika, ito raw ang magiging comeback movie ng Megastar matapos matengga ng ilang taon sa paggawa ng pelikula. Base sa nabasa naming mga komento mula sa netizens, magandang comeback vehicle ito para kay Mega at siguradong pag-uusapan ito sa buong mundo.
Bukod dito, kumalat din ang balitang umoo na rin daw si KC na makasama sa nasabing pelikula ang kanyang Mega mom – ang rumored girlfriend daw kasi ni Paulo Avelino ang napiling gumanap bilang anak ni Janet Napoles na si Jeane Napoles.
May nagsabi naman na tinanggihan na raw ito ni Sharon dahil ayaw niyang mapolitika. Pero nang makarating nga ang chikang ito kay Mega, mukhang naalarma ang TV host-actress kaya agad siyang nag-post ng mensahe sa kanyang Facebook account para linawin ang balita.
“Why is there a rumor going around that my comeback movie will be based on the Janet Lim Napoles story, and with KC playing the role of her daughter?” ayon kay Mega.
Dugtong pa niya, “No one has spoken to me about this, and so it is totally untrue. I already have a comeback project waiting, and with a company that has my full trust and respect.”
O, ayan, malinaw na ha! Isang malaking kasinungalingan na si Sharon ang bibida sa Janet Napoles life story. Anyway, agree kami na isang pasabog sana sa pagbabalik ni Sharon ang nasabing proyekto at sigurado kami na tatabo ito sa takilya.
Image may be NSFW. Clik here to view.
NARITO ang continuation ng isinulat ko kahapon tungkol sa manager ng sexy performer na si Mocha Uson na hindi marunong makisama sa mga tulad naming maliliit na producers, kumbaga pera-pera rin pala ang pinaiiral nila sa mundong ito.
Sabi nga namin, wala kaming naging problema kay Mocha na itinuturing na rin naming kaibigan dahil maayos naman itong kausap at marespeto sa amin.
Nu’ng nagsisimula pa lang ang grupong nila, talagang nandiyan lang kami lagi para sumuporta sa kanila. Sabi ko nga, since mahilig naman kaming tumulong sa mga baguhang artists, binuksan namin agad ang aming puso para makatulong sa mga tulad ni Mocha.
Ang talagang naging problema lang ay itong manager niyang si Byron (Lor Byron Cristobal ang Facebookname niya) na nu’ng simula ay very accommodating and friendly, pero lumabas din ang tunay na ugali, mukhang pera rin pala siya. Imagine, pinaikut-ikot pa kami sa isang munting project ng kaibigan naming producer tapos waley din pala.
Mas nangibabaw kasi sa kanya ang kislap ng salapi kesa sa pakikisama.May mga tao talaga kasing mahirap pakiusapan. Kung talagang may pakisama siya, sanay nagsabi na siya agad kung puwede o hindi ang talent niyang si Mocha. Imagine,tinanggihan ang P75,000 offer ko sa isang so-so lang na show.
Eh iyon lang ang kaya ng friend kong producer dahil maliit na event lang naman iyon eh. Kaya sumama talaga ang loob ko sa kanila – kasi nga, lahat naman ng demands nila ibinibigay namin.
They usually request for two (2) vans and ibinibigay ko iyon outside the talent fees. Kaya talagang nagalit ako – mga mukhang pera sila.”Hindi lang naman ikaw Kuya Jobs and nakaranas ng ganyan kay Byron.
Ako kasi ang na-assign to find artists para sa DZMM caravan here and abroad. Ilang beses kong tinext at tinawagan iyang si Byron pero maniwala ka bang never nag-return call or nag-text back sa akin iyan.
“Kaya noon pa man ay turned off na ako sa kanila. Hindi ko lang masabi sa iyo kasi baka magalit ka sa kanila. Hindi naman ako nanghihingi ng pabor for free – it’s a DZMM inquiry kasi nga may nag-request na baka puwede sila ang kunin naming guest. Kaya since then, I never texted him or called him back,” ani Papa Ahwel Paz.
“Kami naman ay kinuha sila sa isang event out of town. Yes, totoong may demand ang Byron na iyan na kailangang dalawang vans sila palagi at sometimes may extra sasakyan pa para raw sa mga gamit nila. Yung konting kikitain mo as agent sa mga shows ay maiaabono mo pa tuloy dahil iba ang trip niya.
“Pahirapan muna bago makuha ang talents niya kaya after ng booking kong iyon with them never ko na silang kinuha ulit. Kahit ipagpilitan pa ng producers ko na kunin sila, dinadahilan kong meron na silang commitment kahit wala naman. Kaya nagtagumpay ako. Ha-hahaha!” sabi ng isang promoter-friend ko.
Ako naman, simple lang ang patakaran ko sa buhay – kung ayaw nila, hindi ko sila pipilitin. Napakaraming artists sa bansang ito. At huwag nilang kalimutang kung sino ang nakasalubong nila pag-akyat nila ay sila ring ang makakasalubong nila sa kanilang pagbaba.
Hindi pa man sila nakararating sa tugatog ay nagyabang na – what more kung sikat na sikat na sila? I don’t like these kinds of attitude ng ibang talent managers. Ako ay nagma-manage din. I am handling Michael Pangilinan now.
He may have made a little name for himself this time pero alam namin kung saan kami nakatayo. And I may say that I am one of the easiest to deal with kaya nga siguro left and right ang mga shows ni Michael ngayon.
Pag merong tumawag, nabibigyan ko ng sagot agad within a very short period of time – minsan minutes lang, nagkakasarahan na kami ng mga kausap ko.
Kasi nga, malalaman mo naman kung available ang artist mo dahil hawak mo naman palagi ang schedule book mo. Kahit Sarah Geronimo pa iyan, alam agad ng managers niyan ang schedule nila.
Hindi yung maraming paligoy-ligoy, di ba? Basta malinaw lang naman ang usapan, bakit kailangang patagalin pa. Simpleng details lang naman iyan – saan ang venue; anong oras, magkano ang offer; ilang songs – mode of payment, etcetera.
Aside from that, little details na lang kung kinakailangan pero yung patatagalin pa, bulls***t sa akin iyan. Bakit pahihirapan ang mga producers? Mahirap yatang mag-produce.
Kaya nauunawaan ko ang mga producers kasi nga nagpuprodyus din ako. Dapat matutunan nitong si Byron and his likes ang makisama, ang magkaroon ng konsiderasyon. Hindi yung puro kabig lang sila.
Kaya mula ngayon, I am appealing to everyone na makabasa nito, kung may balak kayong kunin ang Mocha Girls na hina-handle ng Byron na ito, GOOD LUCK! Kung ayaw ninyong sumakit ang ulo ninyo, naku – alam niyo na ang gagawin. CHANGE ARTIST, mga Ining!
Patay kayo sa sakit ng ulo pag ipinagpilitan ninyong kunin ang Mocha and her girls. Magaling pa naman sana sila pero kung sakit naman ng ulo ang aabutin ninyo, might as well find other artists na lang.
Maraming mas magagaling pa riyan kaya huwag na kayong kumuha ng batong ipupukpok niyo sa ulo ninyo, OK?
Image may be NSFW. Clik here to view.
MULA nang inilunsad ito noong 2012, tuluy-tuloy ang Kapuso Souvenir Store o mas kilala bilang “Fiesta” sa paghahatid ng Kapuso experience sa iba’t ibang bahagi ng Luzon sa pamamagitan ng mga GMA souvenirs at collectible items.
Sa pangunguna ng GMA Viewer-Directed Marketing Division, ang kakaibang proyektong ito ay isang sasakyan na nagsisilbi ring souvenir shop.
Mula sa mga payong at jacket tuwing tag-ulan hanggang sa mga sombrero at pamaypay tuwing tag-init, mayroong sari-saring paninda ang Fiesta para sa iba’t-ibang okasyon.
Mayroon din silang mga statement t-shirts gamit ang mga sikat na tag line at values ng GMA Network pati na rin ang mga kilalang programa nito.
Isa sa mga pinagkakaguluhan ng mga Kapuso ay ang t-shirt nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo na sikat na sikat pa rin dahil sa serye nilang My Husband’s Lover.
Sa layuning abutin ang mas maraming manonood, tumungo ang Fiesta sa mga probinsya sa Norte tulad ng Tarlac, Pangasinan, Baguio, La Union, Vigan, Laoag at Pagudpud para sa READY, SET, NORTH! noong 2013.
Matapos ng nasabing matagumpay na biyahe, inilunsad naman ang CALABARZON Caravan noong 2014 kung saan bumiyahe ang Fiesta sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Bumibisita rin sa iba’t ibang regional festivals ang Kapuso Souvenir Store tulad ng Bangus Festival sa Dagupan, Bangkero Festival sa Pagsanjan, Obando Festival sa Bulacan, Panagbenga Festival sa Baguio, Peñafrancia Festival sa Naga, Pistay Dayat sa Lingayen at Sublian Festival sa Batangas.
Pumupunta rin ang Fiesta sa mga paaralan at mga bazaar. Samantala, umaasa pa rin ang fans ng Tom-Den na magkakaroon sila uli ng project together at sana raw magkaroon na ng part two ang My Husband’s Lover.
Nabitin daw kasi sila noon sa nasabing serye kaya request nila sa GMA gawan na ito ng follow-up this year.
February 03, 2015
Tuesday, 4th
Week in Ordinary Time
1st Reading:
Hebrews 12:1-4
Gospel: Mk 5:21–43
(…) Jairus, an official of the synagogue, came up and threw himself at his feet and asked him earnestly, “My little daughter is at the point of death. Come and lay your hands on her so that she may get well and live.”
Jesus went with him and many people followed. Among the crowd was a woman who had suffered from bleeding for twelve years. Since she had heard about Jesus, this woman came up behind him and touched his cloak thinking, “If I just touch his clothing, I shall get well.” Her flow of blood dried up at once, and she felt in her body that she was healed.
But Jesus was conscious that healing power had gone out from him, so he turned around and asked, “Who touched my clothes?” His disciples answered, “You see how the people are crowding around you. Why do you ask who touched you?” But he kept looking around. Then the woman came forward, knelt before him and told him the whole truth. Then Jesus said, “Daughter, your faith has saved you; go in peace and be free of this illness.”
Some people arrived from the official’s house to inform him, “Your daughter is dead. Why trouble the Master any further?” But Jesus ignored what they said and told the official, “Do not fear, just believe.” When they arrived at the house, Jesus entered and said to them, “Why all this commotion and weeping? The child is not dead but asleep.”
They laughed at him. But Jesus sent them outside and went into the room where the child lay. Taking her by the hand, he said to her, “Talitha kumi!” which means: “Little girl, get up!” The girl got up at once and began to walk around. The parents were greatly astonished.
D@iGITAL-EXPERIENCE
(Daily Gospel in the
Assimilated Life
Experience)
Faith, whether practiced in public or exercised in secret moves Jesus. The synagogue official made a public exercise of his faith. This moved Jesus. The woman, on the other hand, expressed her faith in silence. She firmly believed mere touching of Jesus’ clothing would bring her healing. This too moved Jesus.
These two incidents, taken together, make up one call to effective witnessing. We become effective witnesses if our faith moves from silence (faith of the woman) to eloquence (faith of the synagogue official). While action speaks louder than words, people can be too hard of hearing requiring us to make our actions speak the louder through words. To be effective witnesses, inner disposition of faith should burst forth into proclamation. Until we become as loud, our faith remains like a lamp hidden under a bushel basket. Hardly will it move Jesus. – Rev. Fr. Dan Domingo P. delos Angeles, Jr., DM. Email:dan.delosangeles@gmail.com. Website: www.frdan.org.
May comment ka ba sa column ni Father Dan? May tanong ka ba sa kanya? I-type ang BANDERA REACT <message /name/age/address> at i-send sa 4467.
Image may be NSFW. Clik here to view.
PERSONAL na isinusulong ng Bagito lead star na si Nash Aguas ang kahalagahan ng tamang paggabay sa mga kapwa niya kabataan at umaasa siya na sa pamamagitan ng online forum nila na “Bagito Hangout” ay makatutulong ang kanilang programa sa mga batang manonood.
“Para sa mga kabataang gaya ko na mas madalas na nakatutok sa Internet at social media, malaking bagay na may ‘Bagito Hangout’ na pwedeng lapitan at hingan ng payo.
“Dahil sa panahon namin ngayon marami nang tukso at masasamang impluwensiya na posibleng ikasira ng aming buhay,” pahayag ni Nash kaugnay ng online forum na bukas din para sa mga magulang na nag-aalala sa kapakanan ng kanilang mga anak.
Ang “Bagito Hangout” ay ang inilunsad na online forum ng ABS-CBN at Center for Family Ministries (CeFaM) bilang tugon sa mga nangangailangan ng gabay kaugnay ng iba’t ibang problema sa pamilya, pakikipagkaibigan at pakikipagrelasyon.
Maaaring magpadala ng mga katanungan ang viewers sa mga counselor ng CeFaM sa http://bagito.abs-cbn.com/hangout, Lunes hanggang Biyernes, mula 6:30 p.m. hanggang 7:30 p.m..
Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na tagpo sa teleseryeng magmumulat sa isip at puso ng mga kabataan, Bagito, gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.
Para sa may kaarawan ngayon: Simulan ang araw sa panalangin at pagwi-wish. Okey ding magsuot ng kulay na red. Kapag nagawa mo yan, kusang matutupad ang iyong hiniling bago sumapit ang ika-7 araw. Mapalad ang 4, 9, 25, 37, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Mithi.” Bukod sa red ang green ay buenas. Aries – (Marso 21-April 19)—Sa taong ito ng 2015 ang pagkabaon sa mga pagkakautang ang magtutulak upang magpilit kang magpayaman. Sa pag-ibig, ang tampuhan sa ngayon ay mapapalitan ng mas maalab na romansa sa kinabukasan. Mapalad ang 1, 10, 19, 22, 37, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Beige at magenta ang buenas. Taurus – (April 20-May 20)—Hindi ba’t dati ka ng naging emosyonal, ano ang napala mo – pagluha at kabiguan. Sa panahon ngayon, isip at rason ang papaganahin, upang makamit ang kaligayahan at tagumpay. Mapalad ang 4, 6, 22, 31, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om.” Pink at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Laging tandaang kapag nawala ang mga kaibigan, may isang maiiwan – ang mahal mo sa buhay. Sa lahat ng bagay tandaang walang ibang maasahan kundi ang kasuyo, mahalin mo siya ng walang pag-aalinlangan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Green at pink ang buenas. Cancer – (June 22- July 22)— Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong pagkakakitaan – simulant mo na ngayon! Sa pag-ibig, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong kasuyo. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Nameh-Aum-Nameh-Om.” Beige at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa taong ito ng 2015 sa pag-ibig at pinansyal, wag mong kontrahin ang paniniwala ng iyong kasuyo magkaka-galit lang kayo. Sumunod ka sa kanya upang umunlad at lumigaya. Mapalad ang 6, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Yellow at red ang buenas. Virgo – (August 23 – September 22)— Kung talagang mahal mo ang kasuyo magsa-sakripisyo ka alang-alang sa kanya. Paglaanan ng maraming oras ang mga bagay na mapagkakaperahan. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om-Vedanta.” Green at beige ang buenas. Libra – (September 23-October 23)—Hindi mo ba naiisip na hindi laging masagana ang buhay! Simulan mo ng mag-savings, habang maalwan ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, habang pinagseselos ang kasuyo, lalo ka naman niyang mamahalin. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Om-Purana.” Magenta at blue ang buenas. Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag maging tamad! Dagdagan mo ang pagsisipag upang lalong umunlad. Sa pag-ibig, sipagan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo upang muli mo siyang mauto. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Om.” Silver at purple ang buenas. Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa taong ito darating ang magandang kapalaran at mangyayari iyan kung uugaliing mag suot ng kulay na pink, red at lavender. Sa nasabing kulay mas madali kang magkakamit ng magagandang mga kapalaran. Mapalad ang 1, 5, 18, 23, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Siva-Krisna-Om.” Capricorn – (December 22 – January 19)—Susuwertehin ka sa pananalapi. Ngayon palang ilista na kung saan mo dadalin ang maraming pera na nakatakda ng dumating. Sa pag-ibig wag kakalimutang balatuhan ang kaibigang Taurus. Mapalad ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Krisna.” Red at Green ang buenas. Aquarius – (January 20 – February 18)— Wag magtataray, dahil sa bandang huli tatarayan ka rin ng kapalaran. Alalahaning ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pag-ibig, kung laging mainit ang ulo, lalo ka lang papangit, ngumiti at maging masaya. Mapalad ang 1, 10, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om” Green at orange ang buenas. Pisces – (February 19 – March 20)—Ituloy ang binabalak na lakad. Lakad lang ng lakad hanggang makatalisod ng suwerte. Sa pag-ibig at pinansyal, nagiging keso lamang ang gatas, kung lundag ng lundag at ikot ng kot ang nakalublob na palaka sa timba. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. White at silver ang buenas.
Image may be NSFW. Clik here to view.
AS expected, umamin na si Toni Gonzaga sa tunay na estado ng relasyon nila ngayon ni Direk Paul Soriano sa The Buzz last Sunday. Engaged na nga sila ng direktor gaya ng nasulat natin.
Natatawa naman ang ilang showbiz observers sa kung anu-ano pang ikinabit na isyu sa pagkawala ni Toni sa The Buzz noong nakaraang Linggo. Kesyo naglayas siya dahil nag-away sila ng mommy niya, na kesyo buntis daw si Toni.
For many, especially sa mga malalapit kay Toni at Direk Paul, they found those rumors ridiculous. Kasi unang-una, knows nila kung gaano kabait na anak si Toni at super okey sila ni Mommy Pinty.
Kaya never nila na-imagine na magkakaroon ng clash ang mag-ina at aabot sa puntong lalayas si Toni sa kanila. At isa pang iko-consider ni Toni bago siya lumayas sa bahay nila ay ang daddy niya na super close sa kanya.
Sa isyu naman na buntis si Toni, ‘di rin kapani-paniwala. Sa tagal ng relasyon nila ni Direk Paul for seven years, wala kaming natandaan na natsismis si Toni na nagdadalang-tao. Kung may nangyayari man na pre-marital sex sa dalawa, e, ‘di sana noon pa nabuntis si Toni ‘di ba?
Hindi ang tipo ni Toni ang gagamit ng mga precautionary methods para ‘di mabuntis. Lumaki sa isang sagradong pamilya si Toni, gayundin si Direk Paul.
Nang tanungin naman si Paul kung ano ang sinabi niya sa pamilya ni Toni nang gawin niya ang kanyang proposal, he said, “I just told her family – I know they are only four – I said, ‘I’m not here to take her away from you guys.
I’m actually here to join you if that’s possible.’ “When they hugged, I said this is one of the moments where you just have to cry. I just got down on my knee and I asked her if she will marry me. She said yes.
Before I was done, I think halfway through the question pa lang, nag-yes na,” ngiti pa ng gwapong direktor. Dagdag pa nita, “It’s been seven and a half years. She’s been such a great part of my life.
The best blessing I’ve ever received. I want to spend the rest of my life with her.” Anyway, it so happened na we passed by sa studio ng ABS-CBN last Sunday. At doon, nadadaanan namin si Direk Paul habang hinihintay si Toni na iniinterbyu ng isang TV crew after ng The Buzz.
Una naming binati si Direk and all smiles naman ang iginanti niya sa amin. Then we told him, we now know the reason kung bakit panay ang iwas niya na maintebryu sa dalawang presscon ng Metro Manila Film Festival New Wave last December, “Oh, yeah.
Mahirap na, e, baka may masabi ako,” nangingiti niyang sabi. So, December pa lang plano na ni Direk Paul mag-propose kay Toni. Sa true lang, sa rami ng mga nag-propose at ikinasal na celebrities last year, mas dapat naman talaga na mauna na sina Toni at Direk Paul.
For the record, sina Toni at Direk Paul na ata ang pinakamatagal na magkasintahan sa showbiz, huh! Kahit magiging busy na siya sa paghahanda sa kasal nila ni Toni this year, tuloy pa rin daw ang paggawa niya ng indie films and TV commercials.
Either magpo-produce siya or magdidirek ng film. Sa ngayon tinatapos daw niya ang next film na dinirek niya, ang “Kid Kulafu.” “Dapat sana noong MMFF, pero ‘yun nga, hindi kami napili.
So, ngayon, we’re taking our time na mas pagandahin pa ang movie. Ine-edit ko pa since we don’t have to rush things naman,” pahayag ni Direk Paul.
“Kid Kulafu” is the story of boxing champ Manny Pacquiao nu’ng bata pa siya. Tinanong namin si Direk Paul kung hindi ba niya inalok si Pacquiao to co-produce the film with them, “Ah, no.
I don’t want to disturb him regarding that. Okey na that he gave his story to us. We’re very grateful to him kasi he gave his story to us for free,” lahad niya.
Image may be NSFW. Clik here to view.
MILYONES ang gustong gastusin ni Luis Manzano sa engagement ring na ibibigay niya kay Angel Locsin sakaling mag-propose na nga siya.
Sa presscon kahapon ng pagbabalik sa ABS-CBN ng game show na Deal Or No Deal kung saan si Luis pa rin ang magiging host, nagbiro ang TV host-comedian na wala pa siyang mahanap na perfect ring para sa kanyang girlfriend.
Ang type raw kasi niyang singsing ay milyun-milyon ang halaga para hindi raw makahindi si Angel once na yayain na niya itong magpakasal. Biro pa ni Luis, hihingi raw siya ng pera sa nanay niyang si Gov. Vilma Santos pambili ng singsing.
“Sa kanya ako hihingi ng budget. Aba, mahirap na ang buhay ngayon!” chika pa ng binata. Pero muling siniguro ni Luis na hindi magiging “public” ang gagawin niyang proposal, “Pwedeng sabihing public in the sense na there will be copy in social media, but if I’ll do it on TV, parang hindi.
We want to share it din naman with the rest of the world, but I’d rather do it, like, ipu-post ko ang video. But the proposal itself, I’d like to do it in private.
“Parang hindi ko naiisip gawin yun, halimbawa sa ASAP, hindi ko naiisip gawin yun,” dugtong pa niya. Tiyak na magkakaroon ng problema ang magdyowa sa magiging set-up ng kasal nila dahil magkaiba sila ng religion – si Angel ay born-again Christian habang Katoliko naman siya, sey ni Luis, “Sa akin naman, I may be Catholic, but I also have a few Christian beliefs.
Ako, we just have to meet in between.“Naniniwala naman ako, like, correct me if I’m wrong, until now, hindi pinapayagan ng Catholic to have a beach or garden wedding? We still have to talk about that, the religion.
“In fact, we talked about that like when we have our kids, ano ang magiging religion nila? Sabi ko, we’ll cross the bridge when we get there,” esplika pa ng TV host.
Samantala, speaking of Kapamilya Deal Or o Deal, may malaking pagbabagong magaganap sa pagbabalik nito ngayong 2015.
Simula sa Lunes (Feb. 9), tunghayan ang muling pakikipagtawaran at pakikipagkulitan ni Luis sa studio contestant at kay Banker ngayon kasama na ang bagong grupo na maghahawak ng briefcases na naglalaman ng halagang maaring magbago ng kapalaran – ang Lucky Stars.
Iba ang kinang ng jackpot na P1 milyon dahil 20 kilalang personalidad ang mismong rarampa sa Deal stage. Mayroong teen heartthrob, beauty queen, character actor, comedian, sexy actress at marami pang iba.
Ngunit hindi lang tagahawak ng briefcases ang papel na gagampanan nila dahil sila rin ang maglalaro para sa kanilang kapalaran. Gamit isang roleta, pipiliin kung sino sa 20 lucky stars ang maglalaro para sa araw na iyon.
Maaari nilang ilaban ang laman ng hawak nilang briefcase o maaari silang makipagpalit sa kapwa Lucky Star nila. Matapos nito, simula na ng tawaran at pagsagot sa mahiwagang tanong na ‘deal or no deal?’
Ito ang pinakaunang pagkakataon sa lahat ng Deal or No Deal franchise sa mundo kung saan ang briefcase girls ay papalitan ng iba’t ibang kilalang personalidad na magsisilbi rin bilang studio players.
Sino kaya ang bubuo sa Lucky Stars? Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng bagong Kapamilya Deal or No Deal sa darating na Lunes sa ABS-CBN.
Samantala, sa nakaraan namang presscon ng Puregold Priceclub para kay Luis bilang endorser ng Puregold Perks Card, natanong ang binata kung mayamang-mayaman na siya dahil nga sa dami ng kanyang endorsements.
Sey ni Luis mas mayaman pa rin daw sa kanya si Angel dahil mas marami itong proyekto at commercials kesa sa kanya. Kaya nga natutuwa siya dahil siya ang napiling mag-endorse ng bagong card ng Puregold. Ibinalita rin ni Luis na handang tumulong ang nasabing kumpanya sa charity works nila ni Angel.
Ang Puregold Perks Card ay isang espesyal na privilege card na maaaring i-avail ng bawat shopper upang makaipon ng points at makakuha ng rewards para lalong maging mas exciting ang kanilang shopping experience.
Kasali na ngayon ito sa ranko ng Tindahan Ni Aling Puring program na siyang nagbibigay ng di mabilang na panalo benefits sa lahat ng mga sari-sari store owners at food resellers sa nakalipas na 11 taon.
Ngayon, sa pamamagitan ng card na ito, maaari nang i-avail ng bawat regular at non-business owner shopper ang amazing perks na hatid para sa lahat ng Pinoy.
Si Luis naman ay isa sa pinakamatagumpay na young artists ng kanyang henerasyon. Epektibong nai-launch ni Luis ang kanyang career at madami siyang na-inspire dahil dito. “Si Luis ang perfect Filipino artist na kakatawan sa Puregold Perks Card,” sabi ni National Operations Manager na si Antonio delos Santos. “Mula sa various segments ng mainstream Pinoy market ang mga taong humahanga, rumerespeto, at nagtitiwala kay Luis.
Ang hard work ni Luis ay patuloy na nagbibigay sa kanya ng great points sa puso ng mga Pilipino at isa yung great reward for any artist to accomplish.”
Maaaring i-avail ng bawat shopper ang Puregold Perks card. Pangako ng card na magpamudmod ng real benefits dahil maaaring mag-earn ang bawat shopper at ito ang siyang magbibigay sa kanila ng instant access sa special promos, exclusive discounts, at personalized offers.
Image may be NSFW. Clik here to view.
Markado sa amin ang petsa at taon ng pagiging magkarelasyon nina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga. Hulyo ng 2007 ‘yun, kasalukuyang nakaburol ang mga labi ng aming ama, personal pa naming nakausap ang aktres-TV host nang dumalaw siya sa lamay.
Unang boyfriend ni Toni ang direktor, kaya ang hiling na kanyang inang si Mommy Pinty, sana’y sila na ang magkatuluyan tulad din ng kanyang mga magulang.
Pagkatapos ng pitong taon at kalahati, ngayon ay desidido na silang magpakasal, ayon sa direktor ay sa taong ito ang kasalan pero wala pa silang sinasabing buwan kung kailan ang pagharap nila sa altar.
Sobrang higpit ng ama ni Toni, bawal siyang magpunta sa trabaho ng direktor para dumalaw, bawal ding magpunta si Direk Paul habang nagtatrabaho siya.
Idinadaan na lang nila sa pagpapadalahan ng pagkain ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Nakadadalaw naman ang direktor sa kanilang bahay sa Taytay, pero hanggang alas dose lang nang gabi ito puwedeng mamalagi, hanggang sa sala lang ang kanilang pag-uusap o kaya’y sa kusina habang nagkukuwentuhan sila.
Pinasasalamatan ni Toni ang kanyang ama dahil sa mga pinairal nitong batas sa kanilang tahanan, ngayon nga naman ay puwede niyang iregalo ang kanyang sarili sa mapapangasawa niya nang walang bahid-dungis, purung-puro ang kanyang pagkabirhen.
Nagpapasalamat din si Toni kay Direk Paul dahil nirespeto nito ang kanyang mga magulang, hindi niya diretsong sinabi ang dahilan, pero sa mga nagbabasa sa pagitan ng mga salita ng aktres-TV host ay malinaw na nirespeto ng direktor ang kanyang pagkababae.
We felt that she was bashed right after she chose Timmy Pavino over Casper Blancaflor. Napanood namin ang performance ng dalawa sa The Voice and we can’t blame Aling Lea for choosing to save Timmy sa elimination night.
Although magaling naman talaga si Casper sa kanyang “Chandelier” number, umangat naman nang husto si Timmy sa kanyang version ng “Sa Dulo Ng Walang Hanggan”.
He was very angelic when he was singing, punung-puno ng emosyon ang kanyang performance. We felt that between the two, Timmy is deserving to battle it out on the next round of the show.
Actually, Timmy is what a singer should me – handsome, maganda ang boses at merong karisma sa tao. We liked Timmy’s version of “Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan” because it is so powerful at ang ganda ng rehistro niya sa small screen.
Sa looks na lang, pang-heartthrob na talaga ang dating niya. To address her bashers, Lea posted this message sa kanyang Twitter account, “Whatever the decision, I would’ve received a lot of flack.
Used my gut to choose based on both live and TV performances. Both were great.” “Please respect my decision. Thank you,” sabi pa niya.
Later, may halo nang pagtataray ang message niya when she said, “If you didn’t vote, you lose your right to complain. If you want your bet to get through, you have to cast your votes. #TheVoiceABSCBN.”
Image may be NSFW. Clik here to view.
Mainit ngayon ang career ng mga batang artista at kinakagat sila sa pelikula at telebisyon. Sa kalipunan ng mga batang aktor gumagawa na ng ingay ang anak ni Niño Muhlach na si Alonzo.
Marami siyang pinasaya sa nakaraang Metro Manila Festival via “My Little Bossing” dahil sa pagiging bibo at matalino.
Sa kalipunan ng mga batang aktres ay ilulunsad na sa pagiging ganap na bituin si Alaina Jezl (AJ) Ocampo na puno rin ng talento.
Sa edad na anim na taon ay magaling din itong umarte, kumanta at sumayaw laluna ng ballet. Para mahasa pa sa tamang pag-arte ay kumukuha siya ng acting lessons at workshop sa Neophytes Talent Center.
Nasa preparatory level si AJ sa Pater Noster Montessori School sa Tagaytay City. Mahilig ito sa sports sa murang edad kung saan isa siyang team player.
Ipinagmamalaki si AJ ng kanyang mga magulang na sina Alona Barbuco at Jessie Ocampo dahil disiplinado ang bata at marunong makisama sa kapwa bata. Magaling ito sa pagsasalita ng Ingles at Tagalog.
Nang tanungin kung sino ang paborito niyang artistang babae ay ito ang naging pahayag ng bata. “Gusto ko po si Marian Rivera at paglaki ko gusto kong gayahin siya dahil maganda siya at magaling umarte.”
Ano naman ang feeling niya na baka makasama sa launching movie niya si Alonzo Muhlach? “Naku gusto ko rin siya dahil mabait siya at friendly.
Sana nga po magkasama kami sa pelikulang gagawin ko para masaya kami sa set,” say ng bata. Makakasama ng mga bagets sa pelikulang “1 Day, Isang Araw” ang ilan sa malalaking bituin sa local showbiz na ididirek naman ng magaling na comedian na si Dinky Doo.