Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44426 articles
Browse latest View live

Greta lumayas ng Pinas sa tindi ng galit kay Marjorie

$
0
0

gretchen barretto
A VERY reliable source whispered to me na matindi pala ang away between two Barretto sisters now – and gosh, shocking because it’s between Gretchen and Marjorie na raw ang mortal enemies this time!

Hindi naman lingid sa kaalaman nating palaging magkakampi ever since sina Greta and Marjorie even sa gulo nila with their parents. Talagang halos talikuran nila ang pagiging anak nila kina Mommy Inday and Daddy Mike.

Nagkampihan sila – their parents sympathized with Claudine while these two almost aborted (or talagang aborted na!) their being children of their parents.

Nakakaloka, di ba? Pati mga magulang nila ay nakaya na nilang tikisin at parang FOR GOOD na ito. Nakakabaliw!
Anyway, ang latest chika ng friend ko sa akin ay abot-langit daw ang galit ni Gretchen kay Marjorie ngayon.

Bakit? Na-realize daw kasi ni Gretchen na bad talaga si Marjorie – wala raw binatbat ang ugali nito sa bunso nilang si Claudine. True kaya na magaling daw magpaaway ng magkakaibigan or even magkakapamilya itong si Marjorie kaya ganoon na lang ang galit ni Greta?

“Masyado nang tumayog si Marjorie ngayon mula nang magkadyowa ng dating politiko. Marami na kasi siyang pera, signature bags and jewelry.

Nabalitaan niyo naman siguro na talagang gagastusan niya ng milyones ang debut ng anak niyang si Julia at si Michael Cinco ang gagawa ng gowns na gagamitin nito and ang food na isi-serve ay fine-dining.

“Pang-mayaman talaga. Kaya pati kay Julia ay turned off na rin daw si Gretchen. Kaya hayun, lumipad si Gretchen for London para magpalamig. Masama ang loob nito kay Marjorie,” sabi ng aking very reliable source.

Wow! I smell another word war. Sana ay hindi na nga lang sila kumibo against each other dahil baka kung saan na naman mapunta ang usaping ito. We have yet to confirm this with anyone of them – Gretchen or Marjorie.

Bukas ang pahinang ito sa side ng bawat isa, kung type nilang mag-comment, ha.”Noon pa man ay may kakaibang dating na naman talaga itong si Marjorie eh.

Nu’ng down na down siya, kay Greta naman siya talaga bumaling, di ba? Nu’ng makaahon na sa kahirapan dahil marami nang nakamkam na salapi, hayun at si Greta naman ang kinalaban.

Akala namin dati ay siya ang pinakamabait sa mga Barrettos, pinalabas na parang si Claudine ang may ugali. Hindi pala, si Marjorie pala raw ang pinakamaldita sa kanila.

“Kung sino pa itong di masyadong kagandahan ay siya palang pinakasuplada sa lahat. Bait-baitan lang nu’ng purdoy pa pero nang magka-dahtung na, lumabas na ang tunay na kulay,” ani source natin.

Talaga? I can’t believe it! Charossssss!


inquirer bandera mindanao edition

Utos ng Bb. Pilipinas kay Mj: Huwag ka nang dumaldal!

$
0
0

mj lastimosa
TAHIMIK na nakabalik ng bansa ang naging pambato natin sa 63rd Miss Universe pageant na si Mary Jean Lastimosa.
Sa mga simpleng posts niya sa social media ay tila nalektyuran na ito nang todo para manahimik sa isyu ng pagsabotahe at pagsasalita against Madam Stella Araneta’s Binibining Pilipinas Charities.

Nakakaawa rin itong si MJ Lastimosa. At her age, medyo hindi na siya “fresh” para pagkaguluhan pa sa showbiz o sa modelling world. Marami na rin namang nauna sa kanya na nagre-reyna na sa ibang fields like hosting.

Ano nga kaya ang naghihintay sa ating beauty queen na kahit paano naman ay binigyan tayo ng fame and honor sa paglaban niya sa Miss U?

Bakbakang Pacman-Mayweather scripted na

$
0
0

manny pacman
Ano nga kayang “script” ang mabubuo nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather ngayong friends na sila at textmates pa?
For one, mas naging posible na ang inaabangang laban nila.

Ikalawa, diretso na silang magkakausap at maglalatag ng mga gusto at ayaw nila lalo pa’t mayroon ng sariling sports promotion itong si Mayweather, thus, eliminating (sort of) yung heavy involvement ng panig ni Pacman sa kanilang magiging bakbakan.

Well, kahit saang anggulo natin tingnan, nakaabang talaga ang buong mundo sa magiging laban nila. Dapat lang na maging makasaysayan at maganda ang anumang “drama” o “palabas” na gusto nilang ibigay sa atin anytime soon!

Pero sabi nga ng ilang analysts, posibleng may script na ang pagsasalpukan ng dalawang boxing giants at baka pera-pera na lang ang bottomline nito.

Daniel biglang tumaba pero mas lalo pang gumuwapo at kuminis

$
0
0

daniel padilla
Grabe ang sigawan sa sinehan nu’ng ipakita ang teaser ng bagong pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa premiere night ng “Halik sa Hangin.” Wala pang title ang movie pero may theme song na, ang kanta ng Starship na “Nothing’s Gonna Stop Us Now.”

Ito ang Valentine offering ng Star Cinema and first Valentine movie nina Daniel at Kathryn na idinirek ni Mae Cruz.
Kapansin-pansin sa big screen ang laki nang ipinagbago ng histura nina Daniel at Kathryn.

Sa mukha pa lang ay halata nang tumaba si Daniel.  Lumaki rin ang kanyang pangangatawan. Posibleng nahiyang si Daniel sa ilang buwang pahinga sa pagti-taping ng teleserye, huh!

Bukod sa paglaki ng katawan ni Daniel, mas kuminis at pumuti pa ang kutis niya ngayon, huh! Wala namang masama doon dahil isa sa requirements ‘yun ng pagiging matinee idol.

At kung lalong gumuwapo si Daniel sa pagputi niya at pagiging makinis, doble naman ang iginanda ni Kathryn ngayon. Malayung-malayo na sa Kathryn during the Mara Clara  days nila ni Julia Montes.

Well, that’s good naman ‘di ba? Tsaka aminin na natin na kapag sumisikat talaga ang isang arista, nagkakaroon sila ng tinatawag na “star aura.”

Nadadagdagan ng kislap ng kasikatan ang kanilang physical features.

Dj Mo pinagmumura si Leah Navarro dahil sa pagtatanggol kay Noynoy

$
0
0

leah navarro
Nagkaroon ng social media sagupaan ang dalawang prangkang celebrity, sina Leah Navarro and Mo Twister.

When Leah (@leahnavarro) tweeted, “So how many people who dissed the President’s absence from Villamor were actually there to condole?” Na kaagad namang sinagot ni Mo ng, “You’re a dumbass!”

Ouch!!! Pero hindi nagpatinag si Lea who retorted, “Call me what you will, but I pissed you off. A good thing.” Siyempre, Mo is not about to just stay cool at Lea’s aggressiveness and said, “Okay. I think ‘old cunt’ is a good place to start.”

Before that, Mo lambasted President Noynoy Aquino when he tweeted, “So instead of our President attending the arrival ceremony for our fallen soldiers, he attended a plant inauguration for Mitsubishi? Good call, ass***le. #RIP #SAF!”

Gusto namang ipako sa krus ng publiko si P-Noy dahil sa pangdededma niya sa arrival honors para sa SAF44 na nasawi sa bakbakan sa Mindanao.

Jake babawi: Magse-celebrate kami ni Bea ng Valentine’s day!

$
0
0

bea binene
Hindi itinanggi ni Jake Vargas na meron silang pinagdaraanan ni Bea Binene pero he assured us that they are not heading for splitsville.

“Hindi po (kami break). Okay kami,” sabi ni Jake sa presscon ng “Liwanag Sa Dilim.” Aminado naman siya na medyo shaky ang relasyon nila ni Bea, saying, “Siyempre may relasyon kayo so normal lang po na may tampuhan.”

Si Bea, isang “Okay naman po kami. ‘Yun lang,” ang naging sagot when asked kung sila pa ni Jake. Anyway, sinabi ni Jake na ise-celebrate pa rin nila ni  Bea ang Valentine’s Day, “Merong plano.

Siyempre kailangang maging gentleman, di ba? kailangang ikaw ang mauna,” say niya. As to the condition of his manager German Moreno na nagka-mild stroke recently, ito ang say ni Jake, “Medyo okay na siya pero hindi ko pa siya nakakausap kasi bawal pa.

Bawal ma-stress kaya sa bahay lang siya. Pero  nakakatayo at nakakapagsalita na siya.”

P-Noy binalahura, inalipusta ng mga nagwawalang netizens

$
0
0

pnoy1
Walang positibong komentong maririnig ngayon tungkol sa pangulo ng ating bayan.

Dalawa-singko ang pamba-bash ngayon kay P-Noy, kulang na lang na saktan pa siya ng literal ng ating mga kababayan, ewan kung anong klase ng pabango ang kailangang iisprey ngayon sa kanya ng mga taga-Malacañang para mapawi ang galit sa kanya ng sambayanang Pinoy.

Habang ibinababa mula sa tatlong C-130 ang mga labi ng mga pumanaw nating kababayang pulis sa Villamor Air Base ay nasa isang factory naman ng magagarang sasakyan ang ating pangulo.

Hinahanap siya ng publiko, nasaan ang tatay ng mga pinaslang na pulis, bakit hindi man lang sinalubong ang kanilang mga bangkay sa pag-uwi mula sa Maguindanao?

Nandu’n sina Vice-President Jejomar Binay, si DILG Secretary Mar Roxas, nandu’n ang mga tagapamuno ng kapulisan pero nasaan ang pangulo na dapat sana’y nagbibigay ng simbolikong presentasyon para sa mga bayani nating pulis?

Ang katwiran ng tagapagsalita ng Palasyo ay wala raw kasi sa schedule ng pangulo nu’ng nakaraang Huwebes ang pagsalubong sa mga bangkay ng mga namatay na pulis sa linya ng kanilang sinumpaang tungkulin kaya hindi siya nagpunta sa Villamor Air Base.

Hindi kaya sinabon nang husto ni P-Noy ang nagdesisyong ganu’n ang ibigay na katwiran at dahilan ng kanyang mga tauhan?
Nakakahiya! Siya pa na pinakatatay ng mga nilipol na pulis ang wala ru’n dahil dumalo siya sa paglulunsad ng mga bagong uri ng sasakyan ng isang car factory.

Nakakahiya! Sa tindi ng galit ng ating mga kababayan ay ayun, kung anu-anong pambabalahura tuloy sa ating pangulo ang naglabasan sa social media, idinugtong ang kanyang ulo sa mga kinamumuhiang personalidad sa buong mundo.

Onli in da Pilipinas naman kasi!


Benepisyo sa ECC

$
0
0

DEAR Aksyon Line,
Isa po akong trabahante dito sa Antipolo, Rizal. Gusto ko po sanang itanong kung paano gamitin ang kontribusyon namin sa Employees Compensation Commission?
Hindi po ba laging may P10 kada buwan na ibinabayad ang employer namin sa ECC. Katulad din po ba ito ng SSS? Hindi po kami masyadong pamilyar kung anong benepisyo ang pwedeng matanggap sa ECC. Sana po ay matulungan ninyo ako. Salamat po.
Oliver De Guzman

REPLY: Magandang hapon po Ginoong De Guzman.

Ang kontribusyon po tungkol sa ECC ay nanggagaling lamang po sa mga employers. Hindi po ito salary deduction.

Ang benepisyo po tungkol sa EC ay nakalaan para sa mga empleyado na nagkasakit, naaksidente o namatay dahil sa kondisyon ng kanilang trabaho.

Hiwalay o karagdagang benepisyo mula sa SSS ang EC. Bilang miyembro ng SSS, maaari kayong makatanggap ng SSS benefits kung may kaugnayan po ang insidente sa trabaho, may karagdagan pa pong EC benefits.

Nakaabang lamang po ang benepisyo sa mga na-turang insidente. Disability o death benefits ang kabuuan ng benepisyo sa EC.

Para po sa ibang impormasyon tungkol sa EC, maaari po kayong bumisita sa aming website-www.ecc.gov.ph.
Salamat po.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Luis sa Fallen 44: Nakakalungkot lang, tayu-tayo nagpapatayan!

$
0
0

luis manzano
When Luis Manzano was launched as Puregold Perks Card endorser, hindi niya nakalimutang magbigay ng konting panalangin kasama ang press para sa 44 fallen SAF heroes na namatay sa labanan sa Maguindanao.

Later, he said his piece about the issue, “When they asked to protect, for any assignment hindi na nila tinatanong kung ano ‘yung pupuntahan natin, mga Muslim ba ‘yan, mga Kristiyano ba ‘yan.

So it’s very disappointing, very saddening na tayo-tayo ang nagkakapatayan where in fact lahat naman tayo Pilipino. Hopefully, justice is served, kung sino ang dapat managot, if there’s investigation or kung anuman para hindi masayang ang pinaghirapan ng 44 fallen heroes na ‘yan.”

Luis shared that Purefold has been very supportive of him since the day he hosted their events. In fact, meron siyang inilalambina na isang charity project yata na kasama niya si Angel Locsin.

“‘Yung nilalakad ko with Angel, I know for a fact na it’s a yes, it’s just a matter of formality. They promised me before na if there is an activity they will be there for me.

I haven’t asked for their help pero I’m sure na isang tawag, isang text lang, isang lambing lang the Puregold family will heed my call,” ani Luis.

inquirer bandera visayas edition

Luis naghahanda na sa wedding nila ni Angel: Nagiging malinaw na ang lahat!

$
0
0

angel locsin
Ang future husband ni Angel Locsin na si Luis Manzano ang bagong endorser ng Puregold kaya naman tinanong ang binata sa ginanap na press launch noong Biyernes kung kasama ba sa talent fee niya ang isang branch ng Puregold bukod sa cash.

Natawa muna ang TV host-actor sabay sabing, “Hindi eh, ipinagpipilitan ko na nga ang sarili ko sa whole family (ng Puregold) na kung pwede ba ‘yung TF ko na lang eh isang branch pero hindi talaga eh, hindi kaya, eh!” sabi ng binata.

Hindi naman itinanggi ni Luis na gusto rin niyang magkaroon ng branch ng Puregold. “When I was hosting Tindahan ni Aling Puring, I got to witness first hand kung gaano karaming tao ang natutulungan nila, nakita ko kung gaano karami ang guminhawa ang buhay.

This is not because I’m speaking here as an endorser. I got to witness it first hand na ang dami nilang buhay na natulungan, and if I would be a medium to help people, then who would say no to them,” paliwanag ni Luis.

Isa pang tinanong kay Luis ay ang long overdue nitong sagot tungkol sa pagpasok niya sa pulitika. “Very soon. Nauusog lang. Once again, nag-usap kami ni Tito Ralph (Recto, his stepfather), I think it was his birthday, noong first week ng January, I was in Alabang with my family, nu’ng later part in the evening, napag-usapan nga namin that we have to talk again first,” say ng binata.

As of now ay 50-50 ang sagot niya tungkol sa pagsabak sa 2016 elections. “One foot is in yes, one foot is in no. The question is which foot moves to the other side,” say ni Luis.

At siyempre ang isa pang paulit-ulit na tanong sa binata ay ang kailan ang kasal nila ni Angel, “We’re starting to have a clearer picture. Things are getting clearer sa future namin ni Angel,” pag amin ng TV.

‘Yun nga lang wala pang definite date kung kailan at saan ang kasal. Basta ang mahalaga raw sabi ni Luis, napag-uusapan na nila nang seryosohan ni Angel ang tungkol sa kanilang kinabukasan.

Bukod dito, ibinalita rin ni Luis na magkakaroon sila ng isang charity project ng aktres very soon para sa ilang mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong.

Actually, nagkakasundo ang magdyowa sa paggawa ng mga charity works at isa raw ito sa mga mas nagpapatatag sa relasyon nila ngayon.

Sey ni Luis, bukod sa pagkakaroon ng maraming trabaho, napakasarap din daw ng feeling ng maraming natutulungan kahit sa maliit na paraan lamang.

P-Noy sobrang ‘BAHO’…wasak na wasak

$
0
0

noynoy aquino
Sabi nga, pinakamahal mang branded na pabango na kayang-kaya niyang bilhin ay hindi sasapat para pabanguhin ang pangalan ngayon ni Pangulong Noynoy Aquino, hinding-hindi.

Marami nang labis at kulang na napapansin sa kanya ang ating mga kababayan, pero pinakamatindi ang nangyari sa kawalan ng respeto at pagpapahalagang ipinakita niya sa apatnapu’t apat na pulis na nalipol sa isang engkuwentrong kung sino ang nagpasimuno ay sila-sila lang ang nakakalaam, talagang wasak na wasak ngayon ang pangalan ni P-Noy sa bansang kanyang pinamumunuan.

Wala siya sa pagsalubong sa mga bangkay nu’ng Huwebes nang hapon, mas minatamis pa niyang dumalo sa imbitasyon ng isang car factory, katwiran ng kanyang tagapagsalita sa Palasyo na tunay namang ikinagimbal-ikinagalit ng ating mga kababayan ay wala raw naman kasi talaga sa iskedyul ng pangulo ang pagpunta sa Villamor Air Base nu’ng araw na ‘yun.

Onli in da Pilipins! Naturingan kang Commander-In-Chief, ikaw ang pangulo ng bansang kinabibilangan ng mga pumanaw na pulis, ang katapat lang na paliwanag ng kawalan mo du’n ay dahil wala sa iskedyul mo ang pagbibigay-pugay sa mga nasawing pulis?

Susmaryosep! Ano ito, lokohan, ipinanganak tayo kahapon? Napakababaw na dahilan nu’n kumpara sa isang napakalalim at napakasensitibong panahon.

Nagpunta ang pangulo sa necrological service para sa SAF 44, pero hindi masimulan-simulan ang dapat gawin, the late P-Noy ang dahilan.

Maglibot man sa mga barangay ngayon ang kanyang sister na si Kris Aquino ay walang mangyayari, lutang na lutang pa rin ang masidhing galit sa kanya ng bayan, matatagalan pa bago mawala ang alingasaw ng kanyang pangalan ngayon.

James walang paki sa mga nambabastos kay Bimby

$
0
0

james yap
Dedma lang si James Yap sa pamba-bash sa kanyang anak na si Bimby sa social media. “Well, ganyan naman talaga, hindi mo hawak ang pag-iisip ng mga tao. Iki-critize ka kahit ano ka,” sey ng PBA player.

“Pero for me, kung ano ‘yung sinasabi nila about my son, wala naman sa akin. Wala namang problema, hindi naman natin hawak ang pag-iisip ng mga tao. Doon naman sa pagpasok niya sa showbiz, ganu’n naman.

Kasi ako ‘yung tatay na kung ano ‘yung gusto ng anak ko, susuportahan ko. “Kung basketball man ‘yan o showbiz, basta masaya siya sa ginagawa niya, ‘yun ang importante,” aniya pa.

Elmo, Janine pasok sa listahan ng sexiest celebrity couple

$
0
0

elmo magalona

HINDI imposibleng ang loveteam nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez ang sumunod sa mga yapak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes bilang hari’t reyna ng GMA 7.

At marami rin ang nagsasabi na malaki ang posibilidad na sa kasalan din mauwi ang kanilang relasyon.Base sa mga nababasa naming komento sa social media, gustung-gusto ng manonood ang tambalan nina Elmo at Janine sa GMA Telebabad series na More Than Words, hindi raw kasi ito pilit tulad ng ibang loveteam na halatang-halatang put on lang ang pagiging sweet sa isa’t isa.

Dumalaw kami sa taping ng More Than Words kamakailan kasama ang iba pang piling members ng entertainment press, at dito nga namin napatunayan kung gaano kamahal ng dalawang Kapuso stars ang isa’t isa, base na rin sa nakikita naming kilos at tinginan nila.

Unang tanong kay Elmo, ano ang reaksiyon niya sa mga balitang ang tandem na nila ni Janine ang sinasabing next important loveteam sa local showbiz?

“Basta ang ano namin, siyempre gawin yung best namin. Pinagkatiwalaan kami, e, na ilagay kami bigla sa primetime kaya dapat gawin yung best lagi,” tugon ni Elmo.

Nakasama rin ang dalawa sa listahan ng hottest o sexiest celebrity couple sa showbiz, “Ah talaga? E, kain nga kami nang kain dito sa set!” tawa nang tawang sey ng binata. “Pero honestly, flattering, flattering na pasok kami dun, nakakagulat.”

Tinanong naman ang binata kung ano para sa kanya ang pinakaseksing bahagi ng katawan ng kanyang girlfriend na si Janine?  “Favorite ko kay Janine, ‘yung eyes. Malalim, e.

Parang nahuhulog ako sa mga mata niya!” sey ng Kapuso actor. E, sa ugali, ano ang pinakagusto niya kay Janine?  “A, ‘yung pagiging maalaga. Si Janine kasi, kahit hindi sa akin, she’s very thoughtful, sa lahat ng tao around her.

Thoughtful siya, palagi siyang concerned sa mga friends niya, lalo na sa family niya. I’m happy na part ako dun sa mga tao na concerned siya.”

Paano niya inaalagaan ang kanyang GF? “Siyempre, as her boyfriend, I wanna be there for her palagi. Kung kailangan niya ng kausap or kailangan niya ng advice, nandun ako.

I want to be the one na kaya niyang kausapin. Kaya niyang pagkatiwalaan sa mga thoughts niya.” Inamin naman ng dalawa na pareho silang “touchy”, gustung-gusto raw nila ‘yung ipinararamdam sa isa’t isa ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng “touching”, at kung anuman ang ibig sabihin nu’n, hayaan na natin ‘yun sa kanila.

Pero nag-aaway rin ba sila? “Ano lang, normal lang, ‘yung pagkatapos makakalimutan na,” ani Elmo. Hindi na nga raw niya maalala kung ano ‘yung huling away nila, “‘Yun nga, e. Ganun kabilis, nakalimutan na naming parehas.”

Ano ang plano nila sa Valentine’s day – ito ang unang pagkakataon na ise-celebrate nila ang araw ng mga puso bilang magdyowa? “Ano siguro, parang getaway lang, get away from… something private lang. For Valentine’s, para maiba.”

Inamin din ni Elmo na habang tumatagal ay mas lalo siyang nahuhulog kay Janine, “Mas nade-develop na nga ako kay Ikay, e,” biro ni Elmo na ang tinutukoy ay ang karakter ni Janine sa More Than Words.

Samantala, puro papuri naman ang sinabi ng dalawang bida ng More Than Words sa bagong co-star nilang si Kylie Padilla na gumaganap ngang GF ngayon ng karakter ni Elmo sa serye.

Sey ng aktor, “First time ko to work with her, napabilib ako sa kanya. Kasi first scene niya pa lang, talagang parang matagal na niyang nabasa ‘yung script.

So, nakita ko ‘yung dedication din sa kanya. Napabilib ako kay Kylie, I’m happy na siya yung kasama rin namin,” aniya pa.
Napapanood pa rin ang More Than Words gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Kasama rin dito sina Jaclyn Jose, Rey PJ Abellana, Leni Santos, Yayo Aguila, Gardo Versoza at marami pang iba. Ito’y sa direksiyon ni Andoy Ranay.


Kris pusong bato; ‘Selfie Photo’ kasama si Michael Buble binira

$
0
0

kris aquino
Kris Aquino was visibly miffed when one Instagram follower commented that she was insensitive.

The issue was raised nang mag-post siya ng photo ni Michael Buble na guest sa show nila ni Boy Abunda. Bakit daw iyon pa ang ipinost niya at hindi ang pagdalaw niya sa wake ng slain members ng PNP-SAF.

“Hindi ako pakitang tao, I was with the families personally & quietly last night until 2:30 AM. Before you call me insensitive, know your facts. Wala akong pinost because had I posted our conversations sasabihan nyo kong epal.

It was between the families and me,” came Kris’s retort. Hindi nagpaawat ang mga netizens and one said, “Kris, I know your intentions are real but you’re not needed there.

It’s the president’s presence that could have given high morale on those people who are grieving. Talk to your brother.” “Nung namatay si Ninoy buong bayan ang nagluluksa. Nung namatay si Cory buong bansa rin ang nagluksa.

Nang mamatay ang 44 fallen soldiers ang anak ni Ninoy and Cory na Presidente ngayon ay andun sa mitsubishi car plant smiling pa nag mag-cut ng ribbon.

“The 44 fallen soldiers fought for peace, they fought so we can sleep peacefully in our beds without fear. You don’t have to cry in front of the TV to show your sympathy Mr. President, ipakita mo man lang sa amin na you are sincere sa iyong pakikidalamhati.

Yes, Kris was there sa wake and talked to the families left behind but siya lang ba ang anak ni Ninoy and Cory, nasaan ang ibang Aquino?

“Kami umiyak and nakikidalamhati sa inyo nung namatay ang ama and ina nyo, ngayon nasaan kayo? And yes, I supported Aquino and the yellow armies but what he did is very disappointing,” very intelligent na comment naman ng isa pa.

Julia, Iñigo patutunayan ang magic ng pag-ibig

$
0
0

inigo pascual
MAS aapaw ng kilig sa Buwan ng Pag-ibig para sa mga karakter nina Julia Barretto at Iñigo Pascual na mas nagkakalapit pa sa pagpapatuloy ng kanilang Wansapanataym special na Wish Upon A Lusis ngayong Linggo (Pebrero 1).

Sa pagtanggap ni JP (Iñigo) sa kanyang tunay na pagkatao, aaminin na ni Joy (Julia) dito ang kapangyarihan ng “magic lusis” na naging dahilan ng kanilang pagkakakilala.

Bilang isang regalo, pagkakalooban ni Joy si JP ng isang lusis upang matupad ang kahilingan nito na makita muli ang kanyang ina.

Paano matutulungan ni JP si Joy sa paghahanap nito ng pagmamahal ng isang pamilya, bilang kapalit ng kabutihang ipinakita nito sa kanya? Ano ang kanilang gagawin kapag may kumuha ng kanilang natitirang “magic lusis?”

Tampok din sa Wansapanataym Presents Wish Upon A Lusis sina Susan Africa, Perla Bautista, Bobby Andrews, Miguel Vergara, Eunice Lagusad, Kazumi Porquez, Daisy Reyes at Ana Roces.

Ito ay sa panulat ni Joel Mercado at sa direksyon nina Manny Palo at Rahyan Carlos. Ang original story book ng batang Pinoy na Wansapanataym ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television.

Horoscope, February 01, 2015

$
0
0

Para sa may kaarawan ngayon: Unang araw ngayon ng Pebrero. Magiging maganda ang buong buwan kung magsusuot ng kulay dilaw. Sa nasabing kulay, madadagan ang salapi habang sa pag-ibig lalong liligaya ang pagmamahalan. Mapalad ang 4, 19, 28, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.”

Aries – (Marso 21-April 19) Sa taong ito ng 2015 wag magpa-gamit sa ibang tao, sariling kapasyahan ang dapat na matupad upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, wag asahan ang kasuyong walang pangarap sa buhay. Mapalad ang 6, 13, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Om.” Pink at magenta ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) Huwag kainggitan ang mga kapit bahay na umuunlad. Mas masarap at mas payapa ang isip ng may simple pero masayang pamilya. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Manu-Om.” Silver at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) Sa taong ito ng 2015 ugaliing mag-ipon kahit na may mga pagkakautang paring hindi nababayaran. Isipin mo, kahit magbayad ka hindi din mababawasan ang mga utang, ang mas mahalaga nadadagdagan ang iyong ipon. Mapalad ang 8, 17, 26, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akyata-Purana-Om.” Green at brown ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) Kapag nakakita ka ng pagkakataong mapagkakaperahan, sunggaban mo agad! Sa pag-ibig, ikaw na ang magsimula upang uminit ang nanlalamig na kasuyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) Sa taong ito ng 2015 ibigay ang the best sa anomang ginagawa upang mas mabilis na umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng marami kang utang mahal ka parin niya. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) - Ngyong taong ito ng 2015 umpisahan na ang kalakal na may kaugnayan sa pagkain upang kumita ka ng malaking halaga. Sa darating na araw ng mga puso, bitbitin ang kasuyo sa isang romantic na lugar. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Blue at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) - Sa taong ito ng 2015 habang gumanda ang pasok ng pera, laging alalahanin ang malawakang pagtitipid at pagiipon. Sa pag-ibig, isang katabi mong naka-kulay asul ang may lihim sayong pagnanasa. Sa araw ng mga puso isang romantikong relasyon ang mabubuo. Mapalad ang 7, 16, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Om.” Green at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) - Iwasan ang pagiging maangas at ma-epal upang hindi ka mapahamak. Sa taong ito ng ito ng 2015 itigil na rin ang labis na pangungutang kung hindi naman kayang mag-bayad. Mapalad ang 2, 17, 26, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ayena-Patrenan-Om.” Gold at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) - Konsentrasyon sa iisang larangan lang ang dapat. Sa pag-iibig, ipagpatuloy ang pagiging tapat sa kasuyong Aries. Mapalad ang 7, 18, 23, 28, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Green at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) - Ang pagiging maunawain ang susi ng tagumpay. Unawain lagi ang mga kausap, sila din ang magbibigay sayo ng malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, kapag hindi inunawa ang kasuyo, magtatalo na naman kayo at muling magkakagalit. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 36, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Grehan-Om.” Red at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) - Sa pag-ibig, ituloy ang binabalak na pakikipag-date sa kasuyo, upang pagdating ng Araw ng mga Puso lalo pahng mag init ang inyong pagmamahalan. Magpasalamat rin kay Lord, dahil sa kabila ng mabibigat na pagsubok nakakaya mo ring mabuhay at magpatuloy. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) - Hindi masamang magpakabait, pero ang masama ay ang magpauto! May babala na isa na namang nagbabait-baitang kakilala ang mangungutang at manloloko sa iyo. Sa pag-ibig, hanggat hindi ka nagpapakatotoo walang true love na darating. Mapalad ang 6, 15, 21, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shati-Pad-Me-Om.” Blue at silver ang buenas.

Enrique: Gustong-gusto si Liza, pero bawal pa!

$
0
0

enrique gil
NANINIWALA kaming na-develop na nga nang tuluyan si Enrique Gil sa kanyang ka-loveteam sa Primetime Bida series Forevermore na si Liza Soberano.

Kung noon ay crush lang ng Kapamilya hunk actor ang bagong teen princess ng ABS-CBN, we believe na nag-level up na ang feelings niya sa dalagita.

Sa isang interview, sinabi ni Enrique na mas lalo niyang nakilala kung sino talaga si Liza sa ilang buwan na nilang pagsasama sa kanilang teleserye, kaya mas lalo pa siyang napalapit dito.

“Yes, ‘yung likability, mas lalong tumaas. When you know the person more, mas lalong nahuhulog ang loob mo, nakikita mo na ganito pala siya ka-genuine na tao.

The more you get to know the person, the more you get to know kung ano talaga siya as a friend, as a person. “‘Yun ang pinakaimportante sa akin as we get to know each other.

Sobrang naging close kami, masaya kami…alam ko masaya kami. Nalaman ko ‘yung story ng buhay niya, about herself, ‘yung ugali niya, how she is as a person.

Parang mas naging deeper ‘yung pagkakakilala ko sa kanya kasi dati, parang, ‘Ang gandang bata.’ “Siyempre you learn more habang tumatagal ang pagsasama ninyo.

Mas marami kang nalalaman sa tao, ‘Ah, ganito pala siya, ganyan pala siya, ang bait niya,’”  mahabang pahayag ni Enrique sa nasabing interview.

Pero paulit-ulit na sinabi ni Enrique na wala pa siyang balak ligawan si Liza dahil 17 pa lang ito, “Sa ngayon, hindi pa puwede, kasi bata pa siya. She’s seventeen, she’s not at the right age, pero alam naman niya na gusto ko siya.

We’ll just see, we’ll just wait na lang.” Malakas ang feeling namin na kahit si Liza ay nahuhulog na rin sa kanyang leading man. Sa mga eksena kasi nilang dalawa sa nasabing serye ay ramdam na ramdam mo ang “init” sa kanilang tinginan.

Kung noon kasi ay medyo hilaw pa ang kilig moments nila, ngayon ay feel na feel mo na ang sweetness nila.

Jennylyn: Uunahin ko muna ang anak at trabaho ko bago lalaki!

$
0
0

jennylyn mercado
Bakit nga ba hindi mamatay-matay ang balitang nagkabalikan na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo? Marami pa rin kasi ang nagtatanong sa amin kung totoong palihim na nagkikita ang dalawa sa isang lugar na paborito nilang puntahan noong magdyowa pa sila.

Bukod dito, marami ang nakakapansin sa kakaibang glow ngayon sa mukha ni Jen, kaya feeling nila, may lovelife na naman ang Kapuso actress kahit na lagi itong nagdedenay sa estado ng kanyang puso.

Sa huling interview nga namin sa singer-actress, talaga raw magkaibigan na lang sila ni Dennis, pero totoong nagkikita sila minsan sa gym kung saan nagte-training din sila para sa sasalihan nilang sports activities this year, kabilang na ang triathlon.
“Nagkakasama lang talaga kami sa training. Yun lang yun,” aniya. “Sabi ko nga, ayoko pang ma-in love ngayon kahit kanino. Uunahin ko muna ngayon ang sarili ko, ang anak ko at ang trabaho ko,” chika pa ng leading lady ni Raymart Santiago sa GMA Telebabad series na Second Chances.

Samantala, sa lahat ng tumututok sa nasabing serye, narito ang kailangan n’yong abangan sa pagpapatuloy ng kwento.
Suntukan sina Bernard (Raymart) at Jerome (Rafael Rosell).

Pipigilan sila ng guard sa bahay ni Lyra (Jennylyn Mercado). Bernard leaves. Aalis na rin si Jerome, inis, pikon.
Makakarating si Bernard sa bahay niya.

Lalo siyang mapipikon nang salubungin siya ni Colleen (Chynna Ortaleza) at kulit-kulitin pa tungkol sa nangyari sa kanya. In the end, masasabi ni Bernard na si Jerome na kaibigan ni Lyra ang may gawa ng pasa niya.

Agad namang sinugod ni Colleen si Lyra sa Vet Clinic at sinabihang layuan na si Bernard. Lyra, upon learning what happened, calls Jerome. Gusto raw niya itong makita.

Jerome thinks na positive sign ito nang pag-grow ng relationship nila. Pero nang magkaharap sila ni Lyra, Lyra tells him na alam na nito ang nangyari.

Inis si Jerome dahil akala niya si Bernard na ang pinipili ni Lyra but Lyra insists na wala siyang pinipili. Wala pa siyang panahon para sa love.

Pero ngayong gabi na mangyayari ang halikan nina Jen at Raymart.

Viewing all 44426 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>