Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44347 articles
Browse latest View live

Ai Ai bumuo na rin ng ‘makulay’ na all-female group

$
0
0

MAY all-female singing group na rin na inaalagaan si Ai Ai delas Alas. Bukod sa rap group na Ex Battalion, dagdag sa talents ng komedyana ang Moogi G.

Sila ang magsisilbing front act sa “Kami Ex B” concert ng Ex Battalion sa July 14 na gaganapin sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

Moowi ang bigkas sa pangalan nila na isang Dutch word na ang ibig sabihin ay beautiful at ang G naman ay para sa salitang “girl”.

Ang kakaiba sa limang members ng grupo, kulay ang screen names – Red M, Peach B, Black G, Violet K at Pink J, huh! Rason ni Ai Ai sa paggamit ng colors sa pangalan ng grupo niya, matindi ang pangangalaga nila sa kanilang private lives.

“Para madali silang matandaan ng publiko,” katwiran pa ng nag-iisang Comedy Queen.

Para sa kanilang debut single, kinumisyon ang multi-awarded musician na si Jungee Marcelo para gawin ang kantang “Yass Call Me”. Si Ai Ai naman ang gumawa ng 34-seconder teaser ng music video na nagkaroon ng official launch sa YouTube kahapon, July 11.

Bukod sa planong pagkanta, ibi-build up din siya ang grupo para maging artista pero susundan niya ang paandar ng Seiko Fims noon sa movies na napapanood ang mga artista sa big screen pero hindi nakakausap ng entertainment press para mapanatili ang kanilang mystery, huh!

The post Ai Ai bumuo na rin ng ‘makulay’ na all-female group appeared first on Bandera.


Christian Bables lumuhod sa harap ni Jun Lana, nag-sorry

$
0
0

CHRISTIAN BABLES AT JUN LANA

Parang eksena sa pelikula ang pagbabati ng multi-awarded director na si Jun Lana at dati niyang talent na si Christian Bables sa announcement ng walong pelikula na napili para sa Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng Film Development Council of the Philippines last Monday.

Bago naganap ang kanilang pagbabati ay nakorner namin si Direk Jun pagkatapos ng Q&A sa presscon ng PPP.
Usap-usapan na kasi ang dedmahan nila ni Christian nu’ng una silang magkita sa loob ng venue.

Itinanggi ni Direk Jun na nag-isnaban sila ni Christian. And if ever magbatian sila, feeling ni Direk Jun ‘di raw ‘yun ang tamang venue para mag-usap sila ni Christian and definitely, he’s not going to be the one to reach out.

“This is not the venue for us to talk kasi feeling ko magiging insincere kung dito siya makikipag-usap sa akin dahil kung kailan may promo saka kayo mag-uusap. Kasi may iba namang pagkakataon para mag-usap kami, hindi dito,” esplika ni Direk Jun.

Nagkataon na sabay umakyat ng stage sina Direk Jun at Christian. Pero hindi sila nagpansinan. Si Direk Jun ang direktor at producer ng “Ang Babaeng Allergic sa Wifi” habang isa si Christian sa mga artista ni Direk Chito Roño sa pelikula niyang “Signal Rock.”

Parehong kasali sa PPP ang “Signal Rock” at “Ang Babaeng Allergic sa Wifi.” Ipalalabas ang walong pelikulang kasali sa PPP sa lahat ng sinehan nationwide simula sa Agosto 15 hanggang 21.

“Hindi naman magdededmahan na lang kami. Wala lang sigurong opportunity,” lahad ni Direk Jun habang sa likuran namin ay papalapit si Christian sa aming kinauupuan.

“Tinatanong pa lang niya ako,” sabi ni Direk Jun pagkatapos siyang lapitan at magtama ang mga mata ni Christian.

Pagkatapos ay nagpaalam si Christian sa amin, “Pwede ko po bang mahiram si Direk (Jun)?” Hinawakan ni Christian sa kamay ni Direk Jun sabay luhod niya sa harapan ng dati niyang mentor sa The IdeaFirst Company.

Umiyak si Christian habang inaalo at itinatayo ni Direk Jun na nakaagaw ng atensyon lalo na ng media sa loob ng venue. Kaya nagpunta na lamang sa isang sulok ng Sequiao Hotel sina Direk Jun at Chrtisitan para doon mag-usap.

Ilang sandali pa ay bumalik na sa kanyang lamesa si Direk Jun at doon ay muli namin siyang nakausap, “Okey naman, kasi siya na ‘yung lumapit. So, at least, tapos na. Gaya ng sinabi ko kanina, nakapag-move on na kami, e. Dapat hindi na ‘yan isyu. Lumang isyu na ‘yan.”

May nagsabi kay Direk Jun na nahihiya raw kasing lumapit sa kanya si Christian nu’ng una, “Yes, at saka sabi ko nga kanina, hindi kasi ito ang venue para mag-usap kami. Pero okey na rin nakapag-usap na.

“Pero at least, in private, hindi in front of the press, kasi ayokong magmukhang ginagamit namin ‘yung past issues para pag-usapan kami at saka ‘yung mga pelikula namin. Yun lang naman ang hinihintay ko,” sabay tawa niya.

Posible raw na magkatrabaho ulit sila ni Christian. Maliit lang daw ang industriya, “I wish him the best I heard na napakaganda ng movie niya. And, dalawa kami ni Perci (Intalan, partner niya sa The IdeaFirst) sa mga unang manonood ng pelikula niya dahil unang-una, idol ko si Chito Roño, ‘no? Alam ko na maganda ang pelikula niya. So, excited kami and I wish him well,” sey pa niya.

The post Christian Bables lumuhod sa harap ni Jun Lana, nag-sorry appeared first on Bandera.

Female celebrity matindi mag-trip kaya hiniwalayan ng dyowang young Actor

$
0
0

NU’NG baguhan pa lang siya sa showbiz ay nakarelasyon ng isang young actor ang isang female personality na mula sa malaking pamilya ng mga artista.

Nagtagal din sila, pero nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon, dahil madalas na lumilihis na sa tamang ugali ang babae. Mabait ang aktor, mahal na mahal siya, pero malakas ang sumpong ng babae.

Kuwento ng aming source, “Bago pa siya nakarelasyon ng ibang kilalang aktor diyan, e, naging sila muna ni ____ (pangalan ng guwapo at morenong aktor). Mahal na mahal siya ni young actor, sa kanya lang nakatutok ang panahon ng guy, pero ibang klase pala ang babaeng ‘yun kapag tinotopak!

“Mismo! Malakas ang sumpong niya, ibang klase, kaya hirap na hirap ang guy. May mga panahong nagtatrabaho siya, pero biglang tatawag ang babae, pipilitin siyang magpunta sa house ng girlfriend niya.

“Natural, okey lang ‘yun nu’ng una, pero nu’ng magtagal-tagal na, e, sumusuko na si lalaki. Malakas talaga ang dating ng girl kapag may sumpong siya,” simulang chika ng aming impormante.

Pero pareho silang sinuwerte nang magkahiwalay sila, nagkaroon ng magagandang projects ang young actor, ang babae naman ay nakapasok sa isang malaking network at nabigyan ng magagandang oportunidad.

“Siya ang unang boyfriend ng girl, wala pa siyang ginagawang project nu’n sa istasyong pinasukan niya, unang boyfriend niya ‘yung lalaking nagtiis sa ugali niya.

“Pero may hangganan nga ang pasensiya, kaya nakipaghiwalay rin ‘yung lalaki sa maganda pa namang girl pero topakin naman pala! Aanhin mo nga naman ang beauty ng girlfriend mo, kung iba naman pala ang ugali niya?

“Ano tuloy ang nangyari sa kanila, waley! Ano ang nangyari sa girl na hiniwalayan ng boyfriend niya? E, di belaaaatttt siya!” pagtatapos ng aming source.

Aysus, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sinu-sino sila, ha? Mauupo pa kaya kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

The post Female celebrity matindi mag-trip kaya hiniwalayan ng dyowang young Actor appeared first on Bandera.

Terrence Romeo lapitin ng gulo, nadamay sa ‘sapakan’

$
0
0

TERRENCE ROMEO

Kahapon nang madaling-araw ay nasangkot sa isang kaguluhan ang star player ng TNT KaTropa na si Terrence Romeo. Naganap ang komosyon sa isang bar. Nang matalo siguro ang kanyang team sa SMB sa quarterfinals ng PBA ay nagpalamig-lamig muna ang basketbolista.

Hindi masyadong malinaw ang report na narinig-napanood namin. Ayon sa kuwento ay may mga kababaihang gustong magparetrato kay Terrence pero mukhang hindi ‘yun nagustuhan ng mga lalaking kasama ng grupo ng mga babae.

Dahil du’n ay nagkaroon na ng pagtatalo, hindi pa matiyak kung sino ang unang nagpakawala ng suntok, magalang namang sumama sa mga otoridad si Terrence.

Ang mga artista at basketball players ay pare-parehong lapitin ng gulo. Kailangan ang mahabang pisi ng pasensiya ang mga personalidad dahil madalas silang hamunin kapag nasa mga pampublikong lugar sila.

Ang mga action stars ay nakakaranas ng mga ganu’ng senaryo, isang lalaki ang maghahamon, “Tingnan ko nga kung magaling ka talaga sa suntukan? Gawin mo nga ngayon sa akin ang mga ginagawa mo sa pelikula?”

Kung pikon ang artista ay agad niyang kakagatin ang hamon, pero kung mahaba naman ang pang-unawa niya ay palalampasin na lang ang nagmamayabang na lalaki, ganu’n ang karaniwang nangyayari sa mga sikat na personalidad.

Magaling na basketball player si Terrence Romeo, sikat na sikat pa sa kanyang hanay, kaya kahit saan siya magpunta ay hindi maiiwasan ang pagpaparetrato sa kanya ng mga kababaihan at kabekihan.

The post Terrence Romeo lapitin ng gulo, nadamay sa ‘sapakan’ appeared first on Bandera.

AlDub top loveteam pa rin sa 2018 Twitter PH

$
0
0

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

NAGKAKAISA pa rin ang AlDub Nation sa pagsuporta kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Kaya naman ang AlDub loveteam pa rin ang nanguna sa Twitter PH sa top loveteams mula January hanggang June, 2018.

Hindi lang sa pagsuporta sa AlDub aktibo ang fandom, dahil kaugnay ng 156th weeksary ng phenomenal loveteam, isang ADN Foodfest 2018 ang kanilang inorganisa. Magaganap ito sa July 14 sa The Tent, Estacia Estates, Acacia Avenue, Taguig City.

Sa hashtag nitong #ADNFoodfest2018, may pictures doon ang sari-saring pagkain na puwedeng kainin at puwede ring mag-pre order, huh!

May instructions ding inilabas ang organizers kung paano makakakuha ng tickets, mag-pre order at kung paano magpunta sa venue.

The post AlDub top loveteam pa rin sa 2018 Twitter PH appeared first on Bandera.

Baron 3 buwan pa sa rehab, balitang ‘magaling na’ fake news

$
0
0

BARON GEISLER

Pinabulaanan ni Baron Geisler ang isang report na lalabas na siya sa rehabilitation center.

Saad sa Twitter account ng isang radio station, “Baron Geisler, lalabas na ng rehabilitation center, tuloy-tuloy na raw ang pagbabagong buhay.”

Agad itong nilinaw ni Baron na nag-tweet ng, “Not true. Three more months pa po.”

Sa paglabas ng aktor sa rehab, abangers na lang tayo sa tuluyan niyang pagbabago at kung may mga producers at TV station pang kukuha sa kanyang serbisyo.

The post Baron 3 buwan pa sa rehab, balitang ‘magaling na’ fake news appeared first on Bandera.

Jasmine Curtis bibida sa bagong GMA serye na ‘Pamilya Roces’

$
0
0

JASMINE CURTIS

Kasado na ang unang series ni Jasmine Curtis. Ito ay ang Pamilya Roces kung saan reunited din ang magagaling na veteran stars na sina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa na namayagpag noon sa mundo ng pelikula at kamakailan lang ay nagsama sa isang indie movie.

Kabilang din sa cast ng bagong Kapuso serye sina Snooky Serna, Carla Abellana, Rocco Nacino, Mika dela Cruz at Christian Bautista.

Magbabalik din sa series ang award-winning director na si Joel Lamangan.

Sa paglabas ng unang Kapuso series ni Jasmine, mabubura na ang tsismis na isa siya sa magiging leading lady ni Alden Richards sa Victor Magtanggol, huh!

The post Jasmine Curtis bibida sa bagong GMA serye na ‘Pamilya Roces’ appeared first on Bandera.

Sino ang sasagipin ni Kris sa ‘sinking boat, si Mayor Bistek o si Atty. Gideon?

$
0
0

JULIA BARRETTO, GISELLE ANDRES, KRIS AQUINO AT JOSHUA GARCIA

MAGALING talagang sumagot sa mga tricky questions ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Sa huli niyang pa-Q&A sa Instagram, ilang netizens ang maswerteng nireplayan ng “I Love You, Hater” lead star.

Isang Sheila Eugenio ang naglakas-loob na mang-usisa kay Kris kung magkano na ang net worth niya? Reply ni Tetay, “#satruelang, debt free…but to give an actual figure would be improper.”

Hirit na tanong naman ng isa pang IG follower ni Kris, “Are you and Atty. Gideon Peña?” Ang tugon ng Reyna ng Social Media, “No we aren’t. But my heart feels we’ll be lifelong friends.” Si Gideon ang abogadong nali-link ngayon sa mommy nina Joshua at Bimby pero pareho na nilang idenay na meron silang relasyon.

Tanong naman ni @charmadmana, “Miss Kris, who would you choose on a sinking boat, Mayor HB (Herbert Bautista) or Atty. Gideon?”

Sagot ni Kris, “They should both PRAY to never be in the same sinking boat as me, because I cannot swin. So, lahat kami made-dead! #satruelang!”

Sikat na sikat na ngayon ang hashtag na #satruelang dahil sa pelikulang “I Love You, Hater”. Isa kasi ito sa mga punchline sa movie na tumatak sa mga Pinoy moviegoers.

Napanood na namin ang pelikula sa ginanap na premiere night last Tuesday at isa kami sa mga umiyak sa madadramang eksena nina Kris, Joshua Garcia at Julia Barretto. Without giving so much details about the story, ang masasabi ko lang, sana kapag nanood kayo ng “ILYH”, isama n’yo rin ang inyong mga tatay dahil parang post-Father’s Day offering ito ng Star Cinema.

Maraming umiyak sa isang madamdaming eksena ni Kris kasama ang award-winning actor na si Ronaldo Valdez na gumaganap na tatay niya sa pelikula. Naapektuhan din ang mga manonood sa madramang eksena ng mag-ama sa kuwento na sina Joshua at Al Tantay kung saan nabuking na si Joko (Joshua) sa kanyang mga kasinungalingan.

Gusto rin naming palakpakan si Julia sa mahaba at natural na natural na monologue nang ipagtapat na niya kay Joshua ang tunay niyang nararamdaman kasabay ng pag-amin ng binata sa kanyang “kasalanan”. In fairness, hindi imposibleng ma-nominate ng best actress ang dalaga sa susunod na awards season.
Showing na ngayon ang “I Love You, Hater” sa 200 sinehan. Ito’y sa direksyon ni Giselle Andres.

The post Sino ang sasagipin ni Kris sa ‘sinking boat, si Mayor Bistek o si Atty. Gideon? appeared first on Bandera.


Winwyn Marquez kumontra sa pagsali ng mga transwoman sa Miss U; LGBT umalma

$
0
0

WINWYN MARQUEZ

PINALAGAN ng transgender DJ and stylist na si Xtina Superstar ang pahayag ng Reina Hispanoamericana 2017 na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez na against sa pagsali ng transwomen sa Miss Universe pageant.

Nagwagi kasing Miss Spain recently ang transwoman na si Angela Ponce na posibleng kumatawan sa Miss Universe 2018.

Winwyn, although she has nothing against transgenders, felt that hindi kailangang may transgender sa beauty pageant na pambabae.

“I have nothing against transgenders. I’m really proud na sobrang happy, out na talaga, and everyone is respecting them, di ba? Pero Miss Universe per se, sana ibigay na lang sa natural-born women,” Winwyn said in an interview.

Sinagot ito ni Xtine Superstar ng, “‘Nothing against trangenders BUT…’ is really just a way of saying I can tolerate you but I can’t accept you as a woman. Girl, just cut the BS and say that you don’t agree to it, wag mo na echosin ng ‘nothing against transgenders’ or ‘I respect the LGBT’ keme, nakakairita lang.”

May nag-react sa kanya who said, “Leave Miss U alone. I’m with @wynmarquez this time. Lahat na lang gusto nyo kayo rin? The pageant is for ‘real women’ only. Gawa na lang kayo sarili nyo.”

“K. Now take a seat,” sagot ni Xtina.

“I totally agree too with @wynmarquez Miss U is only for real women,” said another guy.

“Transwomen are women, no such thing as REAL women, the fact that you just used ‘real’ like it’s upgrade to a woman’s femininity does not make sense,” say ni Xtina.

Our good friend Arnel Ramos was more mataray as he posted this on his Facebook account: “Ineng, mawalang galang na. Mas maganda sayo si Miss Universe Spain! Yun lang.”

The post Winwyn Marquez kumontra sa pagsali ng mga transwoman sa Miss U; LGBT umalma appeared first on Bandera.

Terrence: Wala akong kasalanan, hindi ako nakulong!

$
0
0

TERRENCE ROMEO

Hindi naman nakulong si Terrence Romeo sa kinasangkutan niyang gulo recently sa isang bar sa Tomas Morato, Quezon City.

One report said that a woman wanted to have a picture with Terrence. To her surprise, may sumapak na lang daw sa kanyang mister.

Nadala sa police station si Terrence at ang isang grupo pero kalaunan ay nakalabas din ang cager.

Nagkaayos raw kasi ang magkabilang kampo kaya hindi na nauwi sa demandahan ang lahat ng kaguluhan.

“I’m in my house right now. I’m not held up in any prison or station.

“No need to make a fuss. Watch the CCTV I believe its somewhere in social media right now. I didn’t do anything. Let the video speak for itself.

“Anyway both camps are okay naman na. Goodnight.” tweet ni Terrence.

Of late ay nasasangkot yata palagi si Terrence sa mga gulo. First was the infamous Gilas Pilipinas “basketbrawl” with Australian basketball players and now the bar fight.

The post Terrence: Wala akong kasalanan, hindi ako nakulong! appeared first on Bandera.

Jodi, Thirdy sabay naligo sa ulan; momshies nainggit sa mag-ina

$
0
0

THIRDY AT JODI STA. MARIA

Parang bata na nagtampisaw sa ulan si Jodi Sta. Maria kasama ang anak niyang si Thirdy.

Sa isang video ay kitang-kita ang masayang bonding ng mag-ina na talagang tuwang-tuwa habang naliligo sa ulan sa kanilang village. Isang kasambahay yata nila ang kumuha ng video at talagang sinundan ang mag-ina habang naglalakad at naliligo sa ulan.

Ang fans ng aktres, tuwang-tuwa na nag-bonding ang mag-ina sa ulan. May mga nanay pa ngang nainggit sa mag-ina dahil hindi na nila nagagawa ang mga ganitong eksena kasama ang kanilang mga anak.

“Nakakatuwa silang mag ina. Sana lahat ng mothers tulad ni Jodi na kahit super busy still spending quality time with her son.”

“Ang cute naman ng mag ina na to!!!”

“Ang sweet and ang cute talaga ng baby ni Jodi.”

Samantala, ipinagpaalam ni Lisa (Jodi) kay Leo Tabayoyong (Robin Padilla) na si Martin (Richard Yap) ang magte-train sa kanya bilang bagong pasok sa trabaho. Pumayag naman si Leo at sinabing kung iyon ang makakabuti sa trabaho ni Lisa ay okay sa kanya.

The post Jodi, Thirdy sabay naligo sa ulan; momshies nainggit sa mag-ina appeared first on Bandera.

Eksena ng KathNiel sa airport pinakilig ang madlang pipol

$
0
0

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

Nag-post si Mommy Min Bernardo, madir ni Kathryn Bernardo, ng isang photo kung saan inaayos ni Daniel Padilla ang shoelace ng kanyang anak. Sa airport ang sweet moment na ‘yun na talagang ikinakilig ng KathNiel fans.

“How sweet of DJ naman, pagtatali ng shoelace #bfgoals. Have a safe flight, KathNiel! Godbless.”

“Iba din! Kakilig mga gantong eksena sobra!”

“Wala na talagang tatalo pa sayo @imdanielpadilla! Have a safe trip lovebirds and also the team and tita min.”

“Tatak KN na talaga yan. Walang pagbabago. Soooo sweeet.”

The post Eksena ng KathNiel sa airport pinakilig ang madlang pipol appeared first on Bandera.

Horoscope, July 14, 2018

$
0
0

Para sa may kaarawan ngayon: Lubhang magiging mapalad ang bawat araw sa susunod na linggo. Simulan ang araw sa panalangin at pagwi-wish ng mga bagay na gusto mong mangyari. Makikita mo, kusang matutupad ang iyong hiniling bago sumapit ang ika-9 araw. Mapalad ang 5, 16, 25, 37, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mihi-Omne-Venit.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Wag pumalaot sa gawaing pang-lipunan kung hindi ka rin naman kikita. Usually ang mga social gatherings ay nagiging daan lang ng pagkaka-gastusan. Sa pag-ibig hindi magagalit ang kasuyo kung titipirin mo siya paminsan-minsan. Mapalad ang 6, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Lilac at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kung talagang mahal mo ang kasuyo magsa-sakripisyo ka alang-alang sa kanya. Ganon din sa pag-unlad, kahit na hindi masaya as long na ang ginagawa mo ay para sa pagpaparami ng pera gawin mo lang ng gawin. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Vedanta-Om.” Blue at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Paa ang bahagi ng katawan na magbibigay sa iyo ng suwerte. Lakad lang ng lakad hanggang makatalisod ng malaking kayamanan. Sa pag-ibig habang naglalakbay matatagpuan mo ang true love. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi laging masagana ang buhay! Kaya simulan na ang malawakang pag-iipon. Sa pag-ibig, habang nagseselos ka sa kasuyo lalo naman siyang napapamahal sa iyo. Mapalad ang 2, 7, 25, 37, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Magenta at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Dagdagan mo ang pagsisipag upang lalong lumaki ang kinikita. Sa pag-ibig, sipagan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo upang mauto mo siyang muli at muling ibigay sa iyo ang matagal mo ng ninanais sa kanya. Mapalad ang 1, 13, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Om.” Gold at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Panatiliin ang pagiging mapagpakumbaba, upang lalo pang magdagdagan ang iyong kinikita. Hindi dapat pairalin ang ego at pride. Sa pag-ibig, kunwari mas magaling sa iyo ang iyong kasuyo, kahit hindi naman upang mapalapit ng husto ang loob nya sa iyo. Mapalad ang 5, 14, 27, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Perfer-Et-Obdura-Om.” Red at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Bakit hindi mo magawang ipatupad ang magagandang balak upang lumago ang kabuhayan? Kumilos ka na ngayon at hindi dapat panghinaan ng loob! Kumbinsihin ang kasuyo sa isang venture na kikita kayo ng malaking halaga. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Cras-Credemus-Credemus-Cras.” Green at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Kapag kumikita ng malaking halaga, abutan ng kaunting pera ang mga taong nakakatulong sa iyo upang lalo kang pagpalain ni Lord. Sa pag-ibig, sa pagiging mabait at mabuti makakatagpo ka rin ng true love. Mapalad ang 3, 18, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Salus-Una.” Pink at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pananalapi, alalahaning ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pag-ibig, kung laging mainit ang ulo, lalo ka lang papangit, ngumiti at maging masaya. Mapalad ang 9, 12, 27, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Smile though your hearts is aching.” Beige at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ang pagkabaon sa mga pagkakautang ang magtutulak upang magpilit kang magpayaman. Sa pag-ibig, ang tampuhan sa ngayon ay mapapalitan ng mas maalab na romansa sa susunod na mga araw. Mapalad ang 1, 10, 19, 22, 37, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Green at magenta ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi ba’t dati ka ng naging emosyonal, ano ang napala mo – pagluha at kabiguan. Sa panahon ngayon, isip at diskarteng praktikalidad ang paganahin, upang lumigaya at magtagumpay. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om-Veda.” Yellow at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong buhay ngayon? Sa pag-ibig, iwaglit na sa isipan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong mamahalin. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Nameh-Aum-Nameh-Om.” Beige at white ang buenas.

The post Horoscope, July 14, 2018 appeared first on Bandera.

Jolo love na love pa rin si Jodi; dinenay si Rhian

$
0
0

“SECRET!” Ito ang paulit-ulit na sagot ni Arjo Atayde sa tanong kung ano ang role niya sa pelikulang “BuyBust” na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Brandon Vera.

“Special participation” ang billing ng magaling na aktor sa movie na ngayon lang pala nagkaroon ng kanyang matatawag na full-length movie kaya’t sobra ang pasasalamat niya kay direk Erik Matti.

After this ay umaasa si Arjo na magkakaroon na rin siya ng aktibong movie career.

Two years in the making ang nasabing action flick na grabeng ipinagmamalaki ng lahat ng cast members, lalo na ni Anne na hindi lang basta deglamorized sa movie kundi sumabak pa sa matitinding aksyon.

q q q

Laking pasasalamat naman ni Jolo Revilla kay Coco Martin sa tila unti-unting pagtangkilik uli ng mga Pinoy viewers sa mga action projects.

Since maging consistent toprater ang FPJ’s Ang Probinsyano, marami na rin ang naengganyong bumalik sa paggawa ng maaaksyong pelikula.

Bukod sa malapit nang ipalabas na “BuyBust”, pinag-uusapan din ang “We Will Not Die Tonight” ni Erich Gonzales na kasali sa Pista Ng Pelikulang Pilipino at nasa post production na rin ang “TRES” ng Imus Production.

Bibida rito ang magkakapatid na Jolo, Luigi at Bryan Revilla kasama si Rhian Ramos.

Bubusisiin daw nina Jolo ang mga sangkap na kailangan para umangat ang tatak-Revilla na kilala nga sa mga action movies, kabilang na riyan ang kanilang lolo at amang sina Ramon Revilla, Sr. at Bong Revilla.

With this project, umaasa ang Bise-Gobernador ng Cavite na makakatulong sila sa muling pagsigla ng action movies sa bansa.

q q q

Speaking of Jolo, hindi na raw ito magugulat kung habang nalalapit ang promosyon ng kanilang pelikulang “TRES”, ay lumabas ang mga sari-saring tsika tungkol sa kanila ni Rhian Ramos.

Matapos kasing aminin ni Rhian na nag-break na sila ng kanyang non-showbiz BF, may mga tsismis na umano’y tila nagkakamabutihan na sila ni Jolo.

Na kesyo magka-date raw sila sa isang firing range at iba pang events na wala namang koneksyon sa kanilang movie. But then again, ayaw itong patulan ni Jolo at sinasabi lang niyang isang mabuting katrabaho si Rhian na naging kaibigan na rin niya.

Consistent pa rin naman si Jolo sa pagsasabing kahit naghiwalay na sila ni Jodi Sta. Maria ay magkaibigan pa rin sila at may pagmamahal pa rin sa kanilang mga puso. Sabi nga niya sa isang panayam, “I still love her!”

Sana raw ay yung ganda ng project ang pag-usapan at hindi yung mga personal nilang buhay dahil after all, kapag naging successful ito ay mas maraming tao ang mabibigyan ng trabaho. Tama naman, di ba?

Tungkol naman sa kanyang amang si dating Sen. Bong Revilla, ayaw na muna niyang pag-usapan ang mga kasong kinasasangkutan nito.

“I don’t want to talk about his case so much, pero ako ay nagpapasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta para sa kanya, at nagdarasal para sa pamilya niya,” sabi ni Jolo sa isang panayam.

Nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nagdarasal para sa paglaya ni Sen. Bong at buong pamilya raw nila ang umaasa na makakalaya rin ang kanyang tatay na ilang taon nang nakapiit sa Camp Crame.

The post Jolo love na love pa rin si Jodi; dinenay si Rhian appeared first on Bandera.

‘Naging unfair nga ba kay Robin ang showbiz?

$
0
0

HATI ang aming opinyon sa assertion ni Robin Padilla that showbiz is unfair. A more politically correct way would probably be not “is” kundi “can be” which spells the difference.

Totoong showbiz can be unfair. Siguro, a classic example would be the many industry workers who are in between jobs pero mahuhusay naman. Nagkataon sigurong kulang sila sa kapit o koneksiyon.

Pero si Robin ang nagsasalita, himself a struggling actor for more than a decade before he reached his superstar status. Salamat sa kanyang matiyaga’t pursigidong manager, ang namayapang si Dikong Deo Fajardo, who was out to prove that he could create a superstar out of Robin. Na nangyari naman.

Kung si Robin ang concerned, after that long struggling period, showbiz has since been kind and generous to him. He was never sidelined, patuloy ang kanyang trabaho. Patuloy ang agos ng pera mula sa kanyang mga kinikita.

If showbiz to him isn’t fair, ano na lang ang mundong ito para sa marami niyang mga kasamahan na mistulang nakararanas ng dry spell sa buhay?

Dry spell. Spell dry?

The post ‘Naging unfair nga ba kay Robin ang showbiz? appeared first on Bandera.


Kris ginawang ‘karinderya’ ang socmed: 24 oras na bukas sa lahat ng gustong kumain

$
0
0

KRIS AQUINO

HARINAWANG mapa-ngatawanan—nang ‘di mapagtawanan—ang peace offering ni Kris Aquino kay James Yap bilang pag-alala sa kanilang wedding anniversary 13 years ago.

Out of the blue nga’y bigla na lang nag-emote sa kanyang social media account si Kris, when we know for a fact that a couple of weeks ago—in her radio guesting—ay isa ang nakaraan nila ni James sa mga paksang tinalakay niya.

Much earlier, Kris took offense at James’ sending a birthday message to their son Bimby.

In other words, on two accounts ay alam ng publiko na walang ganap na kaayusan sa pagitan nila ng dating asawa, pero heto’t may flashback si Kris sa petsa ng kanilang anibersaryo?
Ang post niyang ‘yon ay punctuated ng salitang PEACE (in capital letters).

Bagama’t marami ang natutuwa sa gesture na ‘yon ni Kris ay marami rin ang duda sa kanyang sinseridad. Baka raw kasi mamaya ay mag-iba na naman ang ihip ng hangin (read: takbo ng utak niya).

Bagama’t maganda ang intensiyon ni Kris na magkaayos na sila finally ni James, one couldn’t help but ask: Sino ba kasi ang nauunang mamburaot ng sitwasyon?

Alam nating nananahimik si James na bigla na lang mabubulabog sa mga isyung muling binubuhay ni Kris. For all she knows, kasama sa pananahimik ng basketbolista ang tuluyan nang pagbura sa kanilang anibersaryo which only Kris remembers, whether with fondness or disgust.

Kung ito ang sukatan ng pagmu-move on ng isang tao mula sa kanyang nakaraan, malinaw na wala pa sa stage na ‘yon si Kris.

Ang dali-dali naman kasing magkaroon ng “amnesia mode” sa mga bagay—tulad ng kanilang anniversary—kung saan sangkot ang taong nagdulot sa kanya ng pasakit sa buhay.

At sa tulad ni Kris na halos hindi na yata magkandaugaga sa rami ng trabaho, talagang nagkaroon pa ng espasyo sa utak niya ang anibersaryo nila ni James?

And the height to talk about PEACE mula sa isang tao who has—for a couple of times—waged battles against James (na for sure ay na-PISS off dahil kabisado niya ang karakas ni Kris).

Sana lang ay mapanindigan ni Kris ang kanyang post na kung tutuusi’y puwede naman niyang idinirekta na lang sa taong concerned and not via social media.

Tapos mamasamain ni Kris ang mga makisawsaw, eh, ginawa niyang carinderia ang social media na bukas sa lahat ng gustong kumain.

And make it 24/7.

The post Kris ginawang ‘karinderya’ ang socmed: 24 oras na bukas sa lahat ng gustong kumain appeared first on Bandera.

TNT Boys, Janine, Eumee, Ato pasok agad sa TNT Records

$
0
0

SA pinagsamang launching ng TNT Records at “TNT All Star Showdown” concert presscon ay nagpakitang-gilas ang ilang Tawag Ng Tanghalan performers.

Unang nagpamalas ng galing sa pagkanta si Eumee, ang powerhouse performer ng TNT. She sang her single “Bratatat” at talaga namang napahanga ang lahat sa kanyang hataw na pagkanta.

Another jaw-dropping performance came from TNT 2018 winner Janine Berdin who sang her first single “Biyaya.” Ang haba ng kanta, about 5 minutes yata pero she breathed life to it like a seasoned performer. Very apt ang title ng song for her kasi ang dami niyang blessings na tinatanggap matapos siyang magwagi bilang TNT champion.

The third and last performance came from TNT Boys na talaga namang ang gagaling.

Bukod sa tatlo ay kasama rin sa TNT Records sina Ato Arman, Froilan Canlas, Anton Antenorcruz, Arabella dela Cruz, Reggie Tortugo, Sheena Belarmino, Steven Paysu, JM Bales, Christian Bahaya, Sofronio Vasquez, Lalainne Arana, Pauline Agupitan.

Gaganapin ang “TNT All-Star Showdown” sa July 28 sa Araneta Coliseum produced by TNTV, Star Events and ABS-CBN Events. Tickets are available at all Ticketnet outlets sa Araneta Coliseum Box Office.

The post TNT Boys, Janine, Eumee, Ato pasok agad sa TNT Records appeared first on Bandera.

Alma Moreno maganda kahit mataba

$
0
0

TATLONG beses na dumoble ang bigat ni Alma Moreno kumpara sa kanyang unang pelikulang “Eva Fonda 16.”

Nasaksihan namin ang paglulunsad ng Sampaguita Pictures sa napakagandang aktres nu’ng kasagsagan ng kanyang pagiging sexy star.

Isa si Alma Moreno sa mga artistang kahit bagong gising ay magpapaganda talaga ng iyong umaga. Kahit wala siyang make-up, kahit punit-punit na t-shirt ang kanyang suot ay tunay siyang maganda, hindi siya alipin ng siyensiya.

Nandiyan pa rin ang kanyang kagandahang nagpainit sa mga kalalakihan, pero ang magandang hubog ng kanyang katawan na naging bahagi ng basambasang panaginip ng mga anak ni Adan ay hindi na maaaninag, tatlong doble na ang katawan ngayon ni Alma Moreno.

‘Yun ang kanyang palaging pangarap ngayon, ang sana’y makapagbawas siya ng timbang, pero siya na rin ang nagsabing maraming taon niyang napabayaan ang kanyang katawan dahil sa pagiging abala sa mundo ng pulitika.

Hindi na siguro niya kailangan pang hangaring magbalik ang dating hubog ng kanyang katawan. Ang mahalaga ay meron na siyang napatunayan.

Nakaharap at nakatalikod si Alma Moreno ay kilalang-kilala pa rin siya ng ating mga kababayan.

Sa kanyang edad ngayon na meron na siyang mga apo, ang kagandahang hawak pa rin ni Ness ay isang malaking katangian na, hindi pinagbago ng mga problema at paghamon ang kagandahan ni Alma Moreno.

The post Alma Moreno maganda kahit mataba appeared first on Bandera.

Jomari Yllana proud daddy sa 2nd baby

$
0
0

Super proud daddy naman ang emote ni Jomari Yllana matapos isilang ang kanyang anak sa partner na si Joy Reyes.

Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Jom ang picture nila ng kanyang baby boy kung saan makikitang kalong-kalong niya ang sanggol at akmang hahalikan.

Nilagyan niya ito ng mensaheng, “You make me smile, you make me sing. You take my breath away. We welcome you to our family Christiano Ayrton Yllana…Baby Jomjom! #lovewins #greatestgift #bunso #itsabouncingbabyboy #thankyouLord.”

Si Baby Jomjom ang ikalawang anak ni Jomari kaya kuya na ngayon ang panganay niya kay Aiko Melendez na si Andre Yllana.

q q q

Pinatunayan nina Xian Lim at Kim Chiu na patuloy na tumitibay ang kanilang relasyon sa kabila ng pagiging busy sa kani-kanilang career.

Maraming KimXi fans ang kinilig sa birthday message ni Kim para kay Xian na nag-celebrate nga ng kanyang kaarawan last July 12. Nag-post ang Kapamilya actress ng mga litrato nila ng kanyang boyfriend sa Instagram with matching sweet birthday message.

“HAPPY BIRTHDAY to the person who always brings out the best in me, always makes me believe that I can do things that I’m afraid of doing, always makes me laugh so hard, for riding with all my craziness (esp. riding rollercoasters that you don’t really like.)

“My official travel photographer, my sponge when I’m feeling down. Thank you for being you! Wishing you nothing but the best in everything you do! Know that I’m always always here for you enjoy the rest of the day!!!” sey ni Kim.

Hanggang ngayon ay wala pa ring diretsong pag-amin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon pero sabi nga, action speaks louder than words – kailangan pa bang i-memorize ‘yan!?

The post Jomari Yllana proud daddy sa 2nd baby appeared first on Bandera.

Dimples, Belle may ipaglalaban sa MMK

$
0
0

ISANG kakaibang kuwento ng pagmamahal sa pamilya ang matutunghayan sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi sa ABS-CBN, hosted by Charo Santos.

Bibida rito ang Kapamilya teen star na si Belle Mariano na gaganap bilang isang masunuring anak na handang gawin ang lahat para sa kapakanan ng kanyang mga magulang at kapatid.

Ang simple at masayang buhay ni Emma bilang bata ay biglang magbabago nang kumbinsihin siya ng sariling ama na umanib sa kinabibilangang rebeldeng grupo. Pinaniwalaan niya ang mga ipinaglalaban ng mga ito kaya wala na siyang nagawa kundi sundin ang lahat ng ipinagagawa ng kanyang tatay.

Sa kabila ng pamumuno sa mga kabataang kasapi ng grupo, maaga rin siyang namulat sa karahasan. Habang lumilipas ang panahon nagbabago rin ang paniniwala at paninindigan ni Emma dahil sa kanyang pagmamahal at pagpoprotekta sa kanyang mga mahal sa buhay.

Tama nga kaya ang naging desisyon ni Emma na kalimutan ang kanyang mga sariling pangarap para makipaglaban kasama ang rebeldeng grupo sa murang edad.

Sa panulat nina Benson Logronio at Arah Badayos, at sa direksyon ni Nuel Naval, alamin kung nagtagumpay ba si Emma sa kanyang mga ipinaglaban kasama ang mga rebelde o lubos na nagsisi kung bakit sinunod pa niya ang kagustuhan nmg kanyang ama.

Kasama rin sa MMK episode na ito sina Sharmaine Suarez, Lito Pimentel, Kiko Matos at Dimples Romana. Napapanood pa rin ang longest-running drama anthology sa Asia tuwing Sabado after Your Face Sounds Familiar Kids.

The post Dimples, Belle may ipaglalaban sa MMK appeared first on Bandera.

Viewing all 44347 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>