Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44512 articles
Browse latest View live

GlobalPort humirit ng Game 2 vs Rain or Shine

$
0
0

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Meralco vs Barangay Ginebra
7 p.m. San Miguel Beervs TNT
NAGHABOL sa huling yugto ang GlobalPort na tinuldukan ng tres mula kay Jonathan Grey at shot block mula kay Malcolm White para biguin ang top seed Rain or Shine, 114-113, sa quarterfinals ng 2018 PBA Commissioners Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Dahil dito ay nakahirit ng isa pang laro ang Batang Pier laban sa Elasto Painters na nabalewala ang tangan nitong twice-to-beat advantage sa sagupaan.
May pagkakataon ang Rain or Shine na masiguro ang panalo pero nagmintis si Maverick Ahanmisi ng tatlong beses sa kanyang huling apat na free throws.
Sa iskor na 113-111 may 11 segundo na lang ang nalalabi sa laban ay ipinasa ni White ang bola kay Grey sa kanto at walang kaabog-abog na tumira ng tres para maagaw ang kalamangan.
Sa sumunod na play ng Rain or Shine ay sumablay sa tres si Gabe Norwood. Nakuha naman ni Reginald Johnson ang rebound at sa aktong isusubo niya ang bola sa ring ay agad na sumulpot si White para tapikin ang bola papalayo.
Napunta naman ang bola kay Ahanmisi pero kinapos ang tira niya sabay tunog ng final buzzer.
Tinapos ni White ang laro na may 28 puntos at 16 rebounds. Nag-ambag naman si Stanley Pringle ng 21 puntos, siyam na rebounds at siyam na assists habang si Grey ay may 22 puntos para sa GlobalPort.
Si Johnson ay may 24 puntos, 15 rebounds at pitong assists para sa Rain or Shine.
Muling magtutuos ang Rain or Shine at GlobalPort sa Huwebes kung saan ang magwawagi ay uusad sa semis.

Walang protesta
Hindi itinuloy ng TNT KaTropa ang intensiyon nitong iprotesta ang panalo ng San Miguel sa Game One ng kanilang best-of-three quarterfinal series Lunes ng gabi.
Nagbanta kasi si TNT Team manager Virgil Villavicencio ipoprotesta nito ang resulta ng laban at isinulat pa nito sa scoresheet ang mga salitang “under protest” pagkatapos na magtala ng 121-110 panalo ang Beermen.
Gayunman, hindi na itinuloy nina Villavicencio at coach Nash Racela ang planong iprotesta ang laban. —Angelito Oredo

The post GlobalPort humirit ng Game 2 vs Rain or Shine appeared first on Bandera.


Tularan si June Mar

$
0
0

KUNG away lang ang gusto ni June Mar Fajardo, siguradong makakatikim ang mga Australyano. Ngunit ibang klaseng nilalang ang pambato ng San Miguel Beer.
Kaya naman hindi na ako nagulat na makitang isa si JuneMar sa tatlong kasapi ng Gilas Pilipinas na natira matapos ang ‘trahedya’ sa Bocaue.
Masunuring anak si June Mar na unang nag-syut ng kasaysayan matapos makuha ang ika-apat sunod niyang PBA MVP award. Huwag magtaka kung hihigitan ni June Mar mga ginawa ng kapwa Cebuano-great na si Ramon ‘‘El Presidente’’ at Alvin ‘‘the Captain’’ Patrimonio na may tig-apat ding MVP awards.
Bagamat maganda na ang buhay, nananatiling nakatuntong ang mga paa ni June Mar sa lupa.
Ito ang sinasabi ko: Ang mga nagtatagumpay hindi lang sa PBA kundi sa ibang palakasan ay ang mga manlalarong may matibay na suporta ng kani-kanilang mga magulang, may edukasyon, palaban ngunit mapagkumbaba, at tumatanggap ng pagkatalo.
Sa kanyang mga interbyu matapos ang nakapapagod ngunit matagumpay na laro ay hindi rin nakakalimutang pasalamatan ni June Mar ang Poong Maykapal at ang kanyang mga tagasubaybay.
Nasulat ko ito sapagkat malayo na ang narating ni June Mar kung ikukumpara kay Calvin Abueva na dahil sa kanyang kuwestyunableng ugali ay binitiwan na ng Alaska Aces.
Nagtataka nga ako sa desisyon ni Gilas coach Chot Reyes kung bakit nilagay pa sa lineup ng Gilas si Abueva na aminadong wala sa kondisyon. Inamin rin ni Abueva na pinatid niya si Daniel Kickert sa warm-up ng PH-Australia game. Ang siste, nagkamali si Kickert at ang binalikan niya ay si Matthew Wright at hindi si Abueva.
Kilala na natin si Abueva na mahilig magpasimula ng away o kundi man magpapasimula ay takaw-away dahil sa kanyang asal sa loob ng court. Bagamat talentado, wala pang titulo sa PBA si Abueva habang nasa Alaska.
Hindi naman kailangan ang henyo upang masuri na kailangang may baguhin si Abueva upang maabot kahit konti ang mga naabot ng mga tulad ni June Mar. May panahon pa Calvin, huwag sayangin ang ginintuang pagkakataon upang mabago ang buhay.
Ang isa pang hindi ko nagustuhan ay ang kinilos ni Peter, ama ni Japeth Aguilar.
Naiintindihan kong anak ni Peter si Japeth ngunit hindi niya kailangang makisawsaw at maghagis pa ng silya.
Peter, dagdag-gulo, ka lang. Pabayaan mo na si Japeth at 6-foot-9 naman ang iyong anak.
Hindi ka pa ba natuto Peter? Mismong si Japeth ang humingi ng paumanhin kay Patrimonio matapos ka na namang makisawsaw sa laro ng Gin Kings at Hotshots.
Payo ng isang kaututang-dila noong nasa PBA at maging noong nag-retiro ka na: Kalma lang p’re.
May punto si Baham
Hindi rin naman masamang suriin ang pananaw ni Games and Amusement Board chair Abraham Kahlil ‘‘Baham’’ Mitra tungkol sa nangyari.
Ayon kay Mitra na todo-trabaho upang tiyakin ang tagumpay ng GAB, malaki ang kakulangan ng mga reperi mula sa Middle East sapagkat hindi nila nakontrol ang mga manlalarong sa simula pa lang ay naggigirian na.
Ngunit may payo rin naman si Mitra sa ating mga coach. Sinabi ni Mitra na isa sa tungkulin ng mga coach ang pigilan ang kanilang mga manlalaro. Hindi yata ito alam ni assistant coach Jong Uichico na huli sa kamera na kasama sa mga kumukuyog kay Chris Goulding.
PH kampeon sa netball
Dahil hindi pa gaanong sikat (ngunit tiyak na sisikat), hindi nabibigyan ng malaking publisidad ang malaking panalo ng Philippine Netball Federation sa Jeonju International Netball Tournament 2018 sa Korea.
Kinuha ng mga Pinoy ang medalyang ginto sa paligsahan na ginanap sa Hwasan Gymnasium sa noong nakaraang Hunyo 22-27. Pinamumunuan ang PNF na isang national sports association sa ilalim ng Philippine Olympic Committee ni Dr. Charlie Ho.
Coaches ng matagumpay na koponan sina Sae Ann Gallegos at Piao Fedillaga. Ang mga kampeon ay sina Chantal Belzunce, Thea Cenarosa, Diana Doqueza, Eunice Japone, Karen Lomogda, Janelle Mendoza,Cjay Seno, Andrea Tongco, Zharmaine Velez at Dianne Ventura.
Malaking karangalan ang binigay ng PNF sa Pilipinas at nawa’y ipagpatuloy ng asosasyon sa ilalim ni Dr. Ho ang pagkislap sa internasyonal na tanghalan.

The post Tularan si June Mar appeared first on Bandera.

Willie binalaan sa pagtakbong mayor ng QC: Magugulo lang ang buhay mo!

$
0
0

PURO tawa lang ang sagot ni Willie Revillame kapag may mga nagtatanong sa kanya kung totoo bang tuloy na tuloy na ang kanyang pagtakbo bilang mayor ng Quezon City?

Wala siyang diretsong sagot, pangiti-ngiti lang siya, pero hindi na naman lihim sa marami ang madalas na pagbisita sa kanya ng mga kilalang pulitiko sa Kyusi.

Ang huling impormasyong nakarating sa amin, dalawang buwan pa mula ngayon ay kailangan na niyang magdesisyon, kailangan na niyang sabihin sa mga pulitikong nanliligaw sa kanyang tumakbong mayor ang sinsero niyang sagot kung tuloy siya o hindi.

Ang ideyang ‘yun ay tinututulan ng mga taong palaging nakasuporta lang sa kanya, huwag na raw sana, dahil napakagulo ng mundo ng pulitika sa Pilipinas.

Kahit ang kaibigan naming propesor ay hindi pasable sa paglahok niya sa pulitika, ang reaksiyon ni prop, “Napakaganda na ng buhay ni Willie, napakarami na niyang natutulungan kahit wala siya sa position. Maraming kababayan na nating nababago niya ang buhay through Wowowin, kaya bakit pa niya gugustuhing gawing kumplikado ang buhay niya?

“Pakisabi kay Willie, madaling pumasok, pero mahirap lumabas. Hindi niya alam ang mundong papasukin niya kung sakali, mas gusto ko siyang nakikitang tumutulong sa mga kababayan natin nang wala siyang hinihintay na kahit anong kapalit,” punto ni prop.

Sana’y makarating kay Willie Revillame ang mga ganitong reaksiyon.

The post Willie binalaan sa pagtakbong mayor ng QC: Magugulo lang ang buhay mo! appeared first on Bandera.

EA Guzman kayang magpakamartir sa ngalan ng pag-ibig

$
0
0

SOBRANG na-happy si EA de Guzman dahil sunud-sunod ang blessings niya.
Kasama si EA sa cast ng “Pinay Beauty” na isa sa official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

“Actually, lahat nagsabay-sabay. ‘Pinay Beauty’ tapos may mga nominations ako sa iba’t ibang award-giving bodies at may serye ako. Thankful ako at saka blessed sa mga nangyayari sa akin,” say ni EA sa amin.

EA plays Migs, the boyfriend of Chai Fonacier na martir. Handa niyang suportahan ang kanyang girlfriend na gustong magpaganda.

“It’s about beauty ng isang Pinay. It tells you na makuntento ka kung anong meron ka, maganda ka man o hindi. Kung ano ang blessing sa ibinigay sa ‘yo ni Lord na blessing, maging proud ka. Hindi mo kailangang mag-stick lang ng ganyan. Marami pang paraan para gawing maganda ang sarili mo,” he shared.

We asked him kung ano ang nakita ng character niya sa kanyang GF kahit na hindi naman ito kagandahan.

“Matagal na kasing magkakilala, na love at first sight ako sa ganda niya. Para sa akin ang ganda-ganda niya. Pero sa kanya, hindi pa siya kuntento sa beauty niya,” ani EA.

Kaya ba niyang gawin ang ginawang pagmamartir ng character niya? “Oo naman. Minsan naman nagiging martir tayo sa pag-ibig pero may hangganan din katulad ng role ko dito. Kailangan kasi magtira ka ng ano sa sarili mo.”

Hindi man na-nominate si EA sa ilang award-giving bodies for his convincing portrayal sa “Deadma Walking” ay okay lang sa kanya. Happy na siya dahil meron din namang award-giving body na nag-nominate na sa kanya like the recently-concluded The Eddys where he was nominated for best actor.

“Para sa akin, na-appreciate ko pa nga ‘yon. Natuwa pa nga ako na napansin ang ginawa ko. Kahit nomination ay okay sa akin because it means na napansin ang nagawa ko. Hindi kailangang ma-depress,” he said.

The post EA Guzman kayang magpakamartir sa ngalan ng pag-ibig appeared first on Bandera.

Gary na-touch sa pagdalaw ni Coco: Napasaya mo lahat sa bahay namin!

$
0
0

NA-TOUCH si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa pagdalaw sa kanya ni Coco Martin kamakailan.

Sa kabila kasi ng kabisihan nito sa trabaho at sa iba pang commitments ay nagawa pa rin ng Kapamilya actor na malaan ng oras para makita siya at makausap.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Coco ang litrato nila ni Gary na may caption na: “Mahal na mahal ka namin! Ikaw at ang mga kanta mo ang inspirasyon namin. God bless you always, Kuya Gary.”

Sagot naman ni Mr. Pure Energy, “Maraming maraming salamat sa pagbisita mo sa akin kanina Coco. Napasaya mo ang lahat sa pamamahay namin.

“We love you Coco. I pray God gives me more music that I can sing for your teleseryes. God bless you, my friend. I’ll see you again soon,” ang dagdag na mensahe pa ni Gary.

Ginagamit ang version ni Gary ng kantang “Wag Ka Nang Umiyak” bilang theme song ng primetime series ni Coco na Ang Probinsyano sa ABS-CBN. Ang bandang Sugarfree ang original na kumanta nito pero mas lalo itong sumikat dahil nga sa serye nina Coco at Yassi Pressman.

Sa kanyang Twitter account naman, todo pa rin ang pasasalamat ni Gary sa lahat ng kanyang mga kaibigan in and out of showiz na patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling.

Tweet ng award-winning veteran singer, “Just wanted to thank everyone for watching and allowing me to share my story on Rated K.

“Yes it was a struggle but like I said to many ‘your prayers have been answered’

“Tnx to everyone who genuinely cared for me. Now it’s time to move on and come back. I love you all. #RatedK,” aniya pa.

Inamin kamakailan ni Gary na nagkaroon siya ng kidney cancer pero agad din daw itong nagamot kaya cancer free na siya ngayon. Halos lahat ng kanyang fans and supporters ay nag-alala sa kanyang kundisyon.

The post Gary na-touch sa pagdalaw ni Coco: Napasaya mo lahat sa bahay namin! appeared first on Bandera.

Misis, BFF ni Joong Ki bagong loveteam

$
0
0

KOREAN word of the week: Fighting! – Ang ibig sabihin ay “You can do it!” Ito’y ginagamit ng mga Koreano para magpalakas ng loob. Katumbas ito ng “kaya mo ‘yan” o “kaya ko ‘to” sa mga Pinoy.

q q q

Tuloy na ang pagtatambal ng Korean superstars na sina Song Hye Kyo at Park Bo Gum sa isa na namang bonggang Korean drama.

Kinumpirma ng isang kinatawan mula sa production company na Bon Factory na ang dalawa ang bibida sa bagong K-drama na “Boyfriend.”

“Actress Song Hye Kyo and actor Park Bo Gum have been confirmed to appear as the leads of the drama Boyfriend. We are aiming for a premiere in the second half of 2018, and we are currently in the midst of pre-production,” ayon sa Bon Factory.

Kwento ito ng isang anak na babae ng isang politiko, na napilitang magpakasal sa isang mayamang lalaki, pero nauwi lang sa divorce.

Dito makikilala ng karakter ni Hye Kyo ang karakter ni Bo Gum, na isang inosente at simpleng lalaki, na palaging masaya at kuntento na sa mga maliliit na bagay. Habang tumatagal ang kanilang samahan ay mauuwi nga ito sa pag-iibigan.

Huling napanood si Hye Kyo sa Korean blockbuster drama na Descendants of the Sun kasama ang kanyang mister na si Song Joong Ki. Napanood naman si Bo Gum sa Korean hit drama na Love In The Moonlight.

Kilala ring matalik na magkaibigan sina Joong Ki at Bo Gum sa tunay na buhay.

Bukod sa Descendants of the Sun, kabilang din sa mga nagawang serye ni Hye Kyo ang Full House, That Winter, The Wind Blows at Autumn in My Heart.

Bumida naman si Bo Gum sa mga soap drama na Reply 1988 at Hello Monster.

The post Misis, BFF ni Joong Ki bagong loveteam appeared first on Bandera.

Tumbok Karera Tips, July 11, 2018 (@SANTA ANA PARK)

$
0
0

Race 1 : PATOK – (12) Miastatic; TUMBOK – (6) Expensive; LONGSHOT – (13) Awat Na Boy
Race 2 : PATOK – (3) Nash And Ryan; TUMBOK – (2) Bowties And Charm; LONGSHOT – (6) River Mist
Race 3 : PATOK – (9) Angel Brulay; TUMBOK – (1) Oyster Perpetual; LONGSHOT – (7) Breaking Bad
Race 4 : PATOK – (6) Love Affair; TUMBOK – (3) Shinshiro; LONGSHOT – (2) Smart Tony
Race 5 : PATOK – (7) Winning Move; TUMBOK – (5) Radian Talisman / Hot Dog; LONGSHOT – (8) Show Off
Race 6 : PATOK – (7) Classic Gee; TUMBOK – (3) December Eighteen; LONGSHOT – (1) Black Magic Woman
Race 7 : PATOK – (9) Peypaluc; TUMBOK – (7) Oakhill Princess; LONGSHOT – (2) Sydney Boy

The post Tumbok Karera Tips, July 11, 2018 (@SANTA ANA PARK) appeared first on Bandera.

Empress Ki star bida sa spy-thriller-drama na ‘Prometheus’

$
0
0

MAGBABALIK din sa akting ang sikat na Korean actress na si Ha Ji Won. Bibida siya ngayon sa spy thriller drama na Prometheus.

Gaganap si Ji Won bilang isang intelligence officer.

Huli siyang napanood sa medical drama na Hospital Ship noong 2017 kasama si Kang Min Hyuk.

Ilan sa mga past projects niya ay ang Empress Ki kasama si Ji Chang Wook, Secret Garden kasama si Hyung Bin at The Time We Were Not In Love, kasama si Lee Jin Wook.

Mapapanood ang Prometheus bago matapos ang taon. Hindi pa rin buo ang cast ng bagong K-drama.

The post Empress Ki star bida sa spy-thriller-drama na ‘Prometheus’ appeared first on Bandera.


Horoscope, July 11, 2018

$
0
0

Para sa may kaarawan ngayon: Wag manghinayang sa mga bagay na wala sa iyo, ikalulungkot mo lang yan. Palaguin ang hawak na salapi sa pamamagitan ng negosyong may kaugnayan sa tubig at lusaw na mga bagay. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang Scorpio. Mapalad ang 2, 16, 25, 32, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Mas madali kang uunlad kung higit na mas malaki sa pangkaraniwan ang ipaplano mong negosyo. Ika nga “Think big!” Sa pag-ibig hanggat pinapatulan ang intriga, ang relasyon ay hindi magiging maligaya. Mapalad ang 3, 12, 21, 33, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Bhanah-Om.” Red at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Panatiliin ang pagpapaganda ng bahay at pagpapa-beauty ng physical na pangangatawan. Sa ganyang paraan, lalo kang gaganahan at magtatamo ng mas maraming magagandang kapalaran, lalo na sa pag-ibig at sa pang materyal na bagay. Mapalad ang 4, 13, 21, 30, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Arjuna-Om”. Gray at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Higit kang uunlad sa kalakal na may kaugnayan sa modernong teknolohiya at kumunikasyon. Sa pag-ibig, wag paki-alaman ang kasuyo upang maiwasan ang hindi pagkakasundo. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Blue at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Gawing apple green ang kulay ng dingding ng bahay upang mas madaling pumasok ang grasya at mga biyaya. Sa pag-ibig sa pagamit ng apple green masarap na relasyon ang darating. Mapalad ang 1, 7, 19, 35, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Kebalam.” Bukod sa apple green buenas din ang yellow.
Leo – (July 23 – August 22) — Ang inyong relasyon ay dadaan sa isang pagsubok. Laging panghawakan ang isang tapat at dalisay na pag-ibig. Sa pinansyal, kung hindi ka magtitipid madali talagang mauubos ang pera. Mapalad ang 6, 15, 24, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Factum-Gayatri-Om.” Orange at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Panatiliin ang pagiging masinop upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, wag mong ipilit ang iyong gusto na ikagagalit ng iyong kasuyo upang magtagal ang inyong relasyon. Mapalad ang 7, 11, 20, 38, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padma-Meh-Om.” Yellow at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa pag-ibig, ngayon pa lang paghandaan na ang romansang gagawin sa araw ng bukas. Uwian ang kasuyo ng isang uri ng pagkaing, bilog, nilalagyan ng asin at hinihigop, at pagkatapos sabay kayong kumain. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Kastha-Om.” Pink at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Patawarin ang kasuyong nagkasala, upang kapag ikaw naman ang nagkamali, patatawarin ka rin niya. Sa pinansyal, pautangin ang mga nanghihiram upang kapag ikaw naman ang nagipit mayroon kang malalapitan. Mapalad ang 3, 6, 12, 27, 30, at 34. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jaiguro-Devah-Om.” Green at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Iwasan ang pagkukuwanri upang mas madali makuha ang tiwala ng mga kliyente. Sa pag-ibig kung ayaw mong dayain ka ng iyong kasuyo, wag mo rin siyang lolokohin ng palihim. Mapalad ang 5, 18, 26, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Dosya-Om.” Violet at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Mag laan ng oras para makapag-unwind. Sa pagpapanibagong simula hatid ng isang Cancer magniningning ang inyong paligid. Sa pinansyal, kapag marunong kang mag-contemplate at manahimik may bagong pagkakakitaang darating. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Udatta-Agla-Om.” Green at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi ito ang tamang panahon upang maglabas ng malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, ito naman ang tamang panahon upang ituon ang isipan sa pagmumunimuni at pang-ispirituawal na mga bagay. Mapalad ang 3, 18, 21, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karam-Om.” Pink at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pinansyal, sa buwang ito ng Hulyo gagabayan ka ng iyong intuition upang magkapera. Sa pag-ibig sundin ang tibok ng puso upang ganap na lumigaya at ng lalo pang sumarap ang romansa. Tandaang sa kabiguan ka dadalhin ng pagdadalawang isip. Kumilos ng mabilis ayon sa iyong konsensya. Mapalad ang 8, 16, 24, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Kashta-Om.” Red at orange ang buenas.

The post Horoscope, July 11, 2018 appeared first on Bandera.

ABS-CBN napiling isa sa ‘Best Companies to Work For in Asia’

$
0
0

KINILALA ang ABS-CBN bilang isa sa mga “Best Companies to Work For in Asia” ng HR Asia, isang nangungunang magazine para sa mga human resources professional na pinaparangalan ang mga kumpanyang may magandang relasyon sa kanilang mga empleyado at mahusay na kultura sa pagtatrabaho.

“Pinatutunayan ng parangal na ito ang aming paniniwala na ang mga tao ang nagdadala ng tagumpay sa kumpanya,” sabi ni Archie Sabado, head ng human resources and organization development ng ABS-CBN sa ginanap na awarding sa Marriott Hotel kamakailan lang.

“Mahalaga ito dahil hindi lang ito katibayan na nasa tamang direksyon ang aming mga gawain sa organisasyon, natututo rin kami mula sa ibang kumpanya upang patuloy naming pagbutihan ang pag-aalaga sa aming mga Kapamilya,”aniya pa.

Higit 12 na iba’t ibang industriya sa Asya kasama ang Hong Kong, Singapore, Malaysia, at China ang sinusuri ng HR Asia para sa listahan ng “Best Companies to Work for in Asia.”

Ang Kapamilya network ang nag-iisang TV network sa Pilipinas na kasama sa listahan.

Pinipili ang mga panalo base sa working environment, HR practices, employee engagement, at job satisfaction, na ginagrado ng mga eksperto sa industriya, akademya, mga mamamahayag, at kinatawan ng gobyerno.

The post ABS-CBN napiling isa sa ‘Best Companies to Work For in Asia’ appeared first on Bandera.

Barangay Ginebra Gin Kings umusad sa semifinals

$
0
0

Laro Ngayong Hulyo 12
(Mall of Asia Arena)
7 p.m. GlobalPort vs Rain or Shine

HINDI napigilan ang Barangay Ginebra Gin Kings na tumuntong sa semifinals matapos nitong walisin sa loob ng dalawang laro ang Meralco Bolts, 104-90, sa kanilang 2018 PBA Commissioner’s Cup best-of-three quarterfinals series Miyerkules ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kinailangan munang bumalikwas ng mga Gin Kings sa 12 puntos na pagkakaiwan sa unang yugto, 12-24, bago nito unti-unting inangkin ang kalamangan sa ikalawang yugto tungo sa pagtala ng ikapitong sunod na panalo sapul na makasama nito ang import na si Justin Brownlee.

Matapos maghabol sa 24-28 sa pagtatapos ng unang yugto ay ibinagsak ng Gin Kings ang 32-23 atake sa ikalawang yugto at 23-14 sa ikatlong yugto upang magbalik sa pamilyar nitong teritoryo matapos na huling malasap ang pagsabak nito sa semifinals sa nakaraang Philippine Cup.

Binitbit ni Brownlee ang fifth seed na Gin Kings sa kabuuan ng laro upang ihatid ang nakalabang fourth seed na Bolts sa maagang pagkakapatalsik sa torneo.

Nagtala si Brownlee ng 36 puntos, siyam na rebound, anim na assist at tatlong steal upang bitbitin sa ikatlong pagkakataon ang Gin Kings na ginawa nito sa nakalipas na dalawang kampeonato sa ng Governors’ Cup.

Hihintayin na lamang ng Gin Kings ang magwawagi sa pagitan ng Rain or Shine Elasto Painters at Globalport Batang Pier.

Samantala, pilit na itatala ng Batang Pier ang sarili nitong kasaysayan bilang ikalawang koponan na No. 8 seed na napatalsik ang top seed na koponan sa pagsagupa sa Elasto Painters sa kanilang do-or-die quarterfinals game ngayong gabi sa Mall of Asia Arena.

Ganap na alas-7 ng gabi inaasahang isasagawa ng Batang Pier ang pinakamalaking upset sa torneo sa pagnanais maitala ang ikalawang sunod na panalo kontra Elasto Painters upang makabalik sa semifinals.

Inaasahang sasandigan muli ng GlobalPort si Jonathan Grey na itinulak ang koponan sa matira-matibay na labanan ngayon para umasa na maging No. 8 seed na koponan na nakaagaw ng silya sa semis sapul nagawa ng Powerade Tigers na talunin ang No. 1 squad B-Meg Llamados sa 2011 Philippine Cup quarterfinals.

Matatandaan na isinalpak ni Grey ang pampanalong 3-point shot sa huling 12 segundo upang panatilling buhay ang tsansa ng GlobalPort sa korona sa paghugot ng 114-113 panalo kontra sa Rain or Shine.

“Pag nagmintis panget. Pag shumoot, pogi,” sabi ni Grey na nakuha ang bola sa pasa ni import Malcolm White sa harap mismo ng GlobalPort bench at walang pag-aalinlangan na ibinato ang 3-point shot na suwabe sa net.

“Sabi niya sa akin bago mag-start, ‘Jo, pakitaan mo naman ako. Bigay mo naman sa akin ‘to,’” pagkukuwento ni Grey patungkol kay coach Pido Jarencio bago magsimula ang laro.

“(Kung) ‘yung coach mo kinakausap ka ng ganun, parang iba na. Magiging confident ka talaga na, maglalaro ka ng maganda. Binibigay niya sa iyo ‘yung tiwala e. Ibang klase,” sabi pa ni Grey.

Ikinatuwa naman ni Jarencio na nagresponde ang dalawang taon sa liga nitong wingman.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Laruan mo naman ako. Bigyan mo ko ng depensa, bigyan mo ko ng score.’ ‘Sige coach,’ sabi niya,” sabi ni Jarencio. “Kaya ‘yung playing time, andun, at the same time nag-deliver. For sure priority na siya sa rotation namin.”

Ang tres ni Grey ang nagkumpleto sa pagbalikwas ng GlobalPort sa paghahabol sa 16 puntos sa ikatlong yugto para ipalasap ang kabiguan sa nanguna sa eliminasyon na Rain or Shine.

Nagmintis muna si Rain or Shine guard Maverick Ahanmisi sa kanyang tatlong sunod na free throw sa papatapos na minuto ng yugto upang mabigyan ng pagkakataon ang GlobalPort na maagaw ang panalo.

The post Barangay Ginebra Gin Kings umusad sa semifinals appeared first on Bandera.

Bela ‘nabastusan’ sa tanong tungkol kay Zanjoe

$
0
0

ZANJOE MARUDO AT BELA PADILLA

MARAMI ang nagtatanong kung bakit ala sa mga pinarangalang “movie icons” sa katatapos lang na The EDDYS awards ang kaibigan-kumareng idol naming si Cong. Vilma Santos?

Sa paliwanag ng isa sa mga nakausap naming patnugot at opisyal ng SPEEd (ang grupo ng entertainment editors na nasa likod ng EDDYS), “By batch ang pagbibigay namin. May specific period o dekada na naging icon ang isang artista. Halimbawa si Susan Roces noong 60s, si Nora Aunor noong 70s, Maricel Soriano nu’ng 80s. Yung mga gaya nina Eddie Garcia at Charo Santos, they were included dahil sa recent time, nandiyan pa rin sila at talagang matatawag na silang iconic.

“Vilma Santos will definitely have her time dahil baka nga siya itong sa halos lahat ng dekada ay present at pinag-uusapan pa rin. Siya ang aming kauna-unahang Best Actress awardee at tunay na icon siya sa industry.

“For sure, next year, baka siya ang mabigyan ng icon ‘for all decades’ dahil sa numerous and relevant contributions niya,” sabi pa sa amin ng SPEEd officer.
So there!

q q q

Impresibo at mukhang relevant naman ang walong entries sa 2018 Pista Ng Pelikulang Pilipino (Aug. 15-21) sa lahat ng sinehan sa bansa.
As expected, mataas ang inaasahang tagumpay ni FDCP Chairperson Liza Dino dahil aniya,

“Salang-sala ang entries at very cooperative ang lahat.”

Narito ang Final 8 this year: “Ang Babaeng Allergic Sa Wifi” ni Jun Lana na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at Jameson Blake; “Bakwit Boys” ni Jason Paul Laxamana starring Nikko Natividad, Ryle Santiago at Vance Larena; “Madilim Ang Gabi” ni Adolf Alix, Jr, kung saan bida sina Gina Alajar at Phillip Salvador; “Pinay Beauty” ni Jay Abuello starring Chai Fonacier and Edgar Allan Guzman.

Nandiyan din ang “Signal Rock” ni direk Chito Roño na pinagbibidahan nina Christian Bables and Francis Magundayao; “The Day After Valentines” ni Jason Paul Laxamana uli starring JC Santos and Bela Padilla; “Unlife” ni Miko Livelo kasama sina Vhong Navarro at Wynwin Marquez; at ang “We Will Not Die Tonight’ ni Richard Somes kung saan bida naman si Erich Gonzales.

q q q

Hindi naman marahil nagpapapansin si Bela Padilla nang mag-tweet siya na umano’y sinubukan niyang maging “cool at disente” sa pagsagot sa mga tanong sa kanya during the presscon of PPP.

Sey ni Bela na “rude at bastos” ang mga ipinukol sa kanyang mga tanong at hindi raw niya magagawang sumagot para lang lumabas ang anggulo na nais palabasin ng reporter.

Ayon sa isang colleague natin, matagal nang pikon si Bela kapag natatanong tungkol sa kanyang personal life. Mukhang hindi pa ito nasasanay sa kalakaran sa showbiz, lalo na kapag nauungkat ang tungkol sa usaping pag-ibig o lovelife.

Hindi na namin inabutan ang sinasabing interbyu kay Bela, pero may feeling kami na may kinalaman ito sa napabalitang panliligaw sa kanya noon ni Zanjoe Marudo, na ngayo’y meron nang ibang babaeng pinagkakaabalahan?

Hindi kami sure pero may mga tsismis kasing kumakalat na nagulat daw si Bela sa balitang may GF na si Zanjoe? Kapag ganito ba ang tsismis natin Kapatid na Ervin, rude at bastos na rin tayo? Ha-hahaha!

The post Bela ‘nabastusan’ sa tanong tungkol kay Zanjoe appeared first on Bandera.

TV host-actress nakarma, mga katrabaho nagpiyesta pa nang matsugi ang programa

$
0
0

BLIND item na parang hindi naman.

Sa halip na umani ng pang-unawa o simpatya ang isang TV host-actress after her show recently folded up ay pinipintasan pa siya partikular ang kanyang ugali. Kesyo hindi naman daw kasi siya marunong makisama sa production staff. Maging ang media relations nito’y damay din.

Pero may kasunod ito. Ikinukumpara siya sa isa ring TV host-actress na ang mga katangian ay kabaligtaran ng sa kanya. Marunong daw itong makisama sa kanyang mga katrabaho? September, 2015 nang mapadpad siya sa nilundagang bagong TV network.

Mismong ang production team nito ang nagkukuwento kung paanong siya ang mismong mahirap pakibagayan. Bibigyan ng instructions ng writer kung ano’ng magiging takbo ng kanyang segment, pero dedma. Dahil sobrang bilib sa sarili, naiinis pa sa writer na nagbi-brief sa kanya.

Another point of comparison. Galante daw ito sa press. Oo naman, pero selective ang pagiging generous niya. Matandain at matanimin ang hitad na kung minsan mo siyang nakanti sa iyong panulat ay mas matatandaan niya ‘yon. Burado ang mas maraming magagandang papuri mo sa kanya noon.

Enough of comparisons. May muta rin sa mata ang TV host-actress paggising niya sa umaga.

The post TV host-actress nakarma, mga katrabaho nagpiyesta pa nang matsugi ang programa appeared first on Bandera.

Young actress in love na sa ka-loveteam na aktor, bf na male star selos na selos

$
0
0

BULUNG-BULUNGAN ngayon na posibleng mauwi sa hiwalayan ang relasyon ng isang magandang young actress at ng kanyang boyfriend na young actor. ‘Yun ang pinagkukuwentuhan ngayon sa set ng isang serye.

Bago pa sinimulan ang palabas ay malakas na ang ikot ng balita na mahuhulog ang loob ng young actress sa kanyang kaparehang aktor.

Malakas kasi ang karisma ng guwapong aktor, mabait pa, kaya maraming humuhula na mauuwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon ng young actor na may kaangasan ang ugali.

Kuwento ng aming source, “Binigyan lang nang ilang weeks ng mga miron ang young actress at ang boyfriend niya, sigurado raw na sa break-up sila mauuwi, dahil mai-in love ang girl sa leading man niya.

“Napakalaki naman kasi ng difference nu’ng dalawang lalaki. ‘Yung partner ng girl, e, meron nang maipagmamalaki, pero walang kaangas-angas. Guwapo na, matangkad pa, saka magaling kumanta.

“E, ‘yung boyfriend ng girl, wala pa ngang napatutunayan, e, sobra na ang kayabangan. Hindi maganda ang tubo ng dila nu’ng guy, sa totoo lang!” simulang chika ng aming impormante.

Siguradong matindi ang insekuridad ng young actor dahil nakikita nito kung gaano kainit ang mga eksena ng young actress at ng kanyang leading man.

“Nakakapaso ang mga kissing scenes nila! Ang dami-daming kinikilig sa mga lambingan nila, kaya siguradong nai-insecure na ang boyfriend ng girl. E, sa tingin na tingin pa nga lang nu’ng guwapong aktor, e, siguradong natutunaw na ang girl!

“At heto pa ang chika. Kahit pala tapos na ang take nila, e, hindi pa rin naghihiwalay ang dalawa. Magka-close pa rin silang nagkukuwentuhan. Hindi lang pala sa mga eksena nila ganu’n ang mga bida ng palabas!

“Natural, sino namang boyfriend ang hindi mai-insecure sa ganu’n? E, madali pa namang ma-insecure talaga ang guy, dahil wala pa naman siyang napapatunayan, di ba?

“Kaya sabi nga ng mga close sa girl, konting panahon pa at maghihiwalay rin sila ng boyfriend niyang mukhang apektado na sa mga eksena nila ng partner niya.

“Araw-gabi ba naman silang palaging magkasama, kaninong puso naman ang hindi maaapektuhan kapag ganu’n, di ba naman?” pagtatapos na chika ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, araw-gabi rin ba ang gusto n’yong pagbibigay ng clue?

The post Young actress in love na sa ka-loveteam na aktor, bf na male star selos na selos appeared first on Bandera.

Relasyong Kris-Gideon Peña bawal sa feng shui

$
0
0

OF the 306 glossy pages of Quezon City Mayor Herbert Bautista’s biography titled “Bistek @ 50: Life in Full Color,” a good three pages (64-66) and a recent photo with Kris Aquino ang inilaan sa pagtalakay ng kanilang naunsiyaming relasyon.

So far, ito pa lang—as we write this—ang pinili naming unang basahin. Saka na kami magba-backtrack sa ibang mga kabanata sa buhay ng actor-turned-politician. Pero sa maikling pagtalakay na ‘yon about the romance that never will be (again), kumbaga sa dula ay si Kris Aquino lang ang may speaking lines as culled from her past interviews.

We had to fast track a bit. Bigla naming inalala para i-reconcile ang mga bago nang pahayag ni Kris, moreso that she admitted to being content with loving Herbert from a distance.

Kaya nga isang magandang pagkakataon ‘yung July 6 na pa-birthday treat ni HB para sa entertainment press (thanks to Jun Nardo and company for the text invite). No way kasi para mahingan ng agarang reaksyon ang alkalde to whatever Kris says, understandably so for a busy mayor racing against time (this being his last term when too much work stlll needs to be accomplished).

Days ago kasi, parang may love on the rebound sa parte ni Kris, having found and met an eligible bachelor. Ito si Atty. Gideon Peña, guwapong binatang wala pang 30 anyos. Albeit kay Kris na rin mismo nanggaling that as far as feng shui is concerned ay hindi sila numerically swak in terms of age, it would still be interesting to know kung may kurot ba ito somehow sa puso ni Bistek.

At the July 6 event ay naitanong nga kay mayor how he feels about it. Kaswal lang, ang pagiging lawyer daw ang landas na gustong tahakin ni Kris. Not a tiny trace of insecurity nor jealousy.

Kung pagbabasehan ang mga most recent emote ni Kris sa kanyang social media account, her posts are one of acceptance. Pagtanggap sa katotohanang she and Bistek could have made it except for the unfortunate circumstances which didn’t allow that relationship to prosper. At kung ‘yung “okey lang” stance ni Bistek is to be used as a “feeling gauge,” the mayor has likewise reached the stage of acceptance. Patas lang sila.

The one nice thing though out of this failure is the success in keeping their friendship. Na mas enduring and transcending, if not a thing of forever.

The post Relasyong Kris-Gideon Peña bawal sa feng shui appeared first on Bandera.


My Guitar Princess ni Julie Anne may pasabog sa ending

$
0
0

SA huling pasabog ng My Guitar Princess, abangan ang pakikipaglaban ni Celina (Julie Anne San Jose) hindi lamang para abutin ang kanyang mga pangarap kundi pati na rin upang protektahan ang mga mahal niya sa buhay.

Maayos na sana ang lahat sa buhay ni Celina. Nalaman na ni Elvis (Kier Legaspi) na anak niya si Celina at nagkabati na rin sila ni Adele (Sheryl Cruz). Sa wakas, suportado na rin ni Adele ang pangarap ng kanyang anak na maging isang singer.

Ngunit hindi makapapayag ang magtiyahin na sina Taylor (Isabelle de Leon) at Mariah (Mickey Ferriols) na maging masaya si Celina. Ang una nilang masamang balak—lasunin si Celina upang mawala ang magandang boses niya. Ngunit hindi sila nagtagumpay sa plano dahil si Britney (Jazz Ocampo) ang makaiinom ng lason.

Hindi pa rin titigil ang magtiyahin. Gagawin nila ang lahat para sirain ang pangarap at buhay ni Celina, kahit pa madamay ang ibang tao. Kayanin kaya ni Celina na pigilan ang masasamang balak nina Taylor at Mariah? Mapagtagumpayan kaya niya ang pagkamit ng kanyang pangarap at protektahan ang kanyang pamilya?

Unang nagpakilig sa viewers noong Mayo ang My Guitar Princess na pinagbibidahan din nina Kapuso heartthrobs Gil Cuerva at Kiko Estrada bilang sina Elton at Justin.

Parehong nahulog ang loob ng dalawa kay Celina at ngayon nga ay dapat abangan ng viewers kung sino sa kanila ang makakasungkit sa puso niya: ang kababata niyang si Elton na kahit isang sikat na pop singer ay sinuyo pa rin si Celina o si Justin na kaibigan ni Celina at tumulong sa kanya upang maging si Guitar Princess?

Tampok din sa My Guitar Princess sina Marc Abaya, Frank Garcia, Maey Bautista, Marika Sasaki, Ralf King, Rob Sy at Lui Manansala.

Huwag palampasin ang pagtatapos ng My Guitar Princess bago mag-Eat Bulaga sa GMA.

The post My Guitar Princess ni Julie Anne may pasabog sa ending appeared first on Bandera.

Team Kris botong-boto kay Gideon: Basta wag ka niyang paiiyakin!

$
0
0

KRIS Aquino had netizens talking about her ka-date sa premiere night ng “I Love You, Hater.”

Walang takot kasing inirampa ni Kris ang new-found friend niyang si Atty. Gideon Peña.

Naturally, people got curious lalo pa’t nali-link ito sa kanya kahit na pareho nilang sinasabi na they’re just friends.

Actually, welcome naman sa fans ni Kris si Atty. Gideon. Like na like nga nila ito for Kris. Wala ni isa mang fan ni Kris ang nam-bash when they saw the photo of the two.

“Ma’am Kris, Atty. Gideon is ok. Age doesnt matter. Goodluck and godbless.”

“Bagay kayo, parehong matalino.”

“Kris it’s time to find the true and real love. Hope he’s the one. Good luck.”

“Oks lng, kung san ka happy & contented. Basta hindi babaero at hindi ka papaiyakin.”

“Anything that makes you happy Kris is all that matters.”

The post Team Kris botong-boto kay Gideon: Basta wag ka niyang paiiyakin! appeared first on Bandera.

‘Buy Bust’ ni Erik Matti ipalalabas din sa USA, Canada, Middle East; budget umabot sa P80M

$
0
0

ERIK MATTI

NAUNSYAMI man ang screening ng pelikulang “Buy Bust” sa nakaraang Cannes Film Festival dahil sa ilang teknikalidad sa kontratang pinirmahan kaugnay ng pelikula, marami namang international film festivals na sasalihan ang action-packed film.

Ayon kay direk Erik Matti, may schedules naman ng screening ang movie sa festivals sa US, Canada at Middle East. Kahapon ay lumipad siya patungong New York para dumalo sa screening ng pelikula.

Ayaw na ba niyang isali ang movie sa local film festival?

“Hindi naman nila pinipili ang movie ko eh! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni direk Erik sa mediacon ng “Buy Bust.” “Parang napapahiya ako eh, dagdag ng premyadong direktor.

Gaano kalaki ang ginastos sa movie?

“It’s quite expensive! Nasaan ba si Vincent (del Rosario)? I don’t know if I can divulge but we started na hindi naman ganoon kalaki ang budget. But of course, lagi kaming may meeting. Over and over (budget).

“We ended up…dollars ba o pesos? Ha! Ha! Ha! We ended up around 1.6 million dollars!” tugon ng direktor.

“Kaya kailangan, pag-uwi niyo, magsulat na kayo nang maganda at nang mabawi namin ito! Ha! Ha! Ha!” hiling ni direk Erik.

Sa “Buy Bust”, nahasa nang todo ang action skills ng bidang si Anne Curtis. Talagang sa halos lahat daw yata ng eksena ay nakikipagbugbugan siya, kaya ingat-ingat na raw ang husband niyang si Erwan Heussaff, huh!

The post ‘Buy Bust’ ni Erik Matti ipalalabas din sa USA, Canada, Middle East; budget umabot sa P80M appeared first on Bandera.

Mga aso ni Gretchen mas masarap pa ang pagkain kesa sa tao

$
0
0

GRETCHEN BARRETTO

Gretchen Barretto is a very hands-on lady. Kapag ginusto niyang gawin ang isang bagay ay hindi niya ito iniaasa sa kanyang kasambahay.

One recent video showed La Greta cooking chicken for their pet dogs.

“Cooking at this time for our baby doggies Dada says, chicken & vegtables only. No beef for our bratty dogies, they are on a stick diet according to the man of the house,” caption niya sa video.

Of course, nag-react ang ilan niyang followers. Sosyal daw ang food ng mga aso, samantalang ang ibang tao ay hindi maka-afford kumain ng masarap.

“Galeng naman samantalang kinain ko lang bagoong at pritong talong samantalang yung aso limang manok astig bigyan ng jacket si @gretchenbarretto your La Greta the great. Youre a good mama to your bratty dogs dapat bigyan ka ng crown echooozzz.”

“Buti pa yung aso nyo masarap ang pagkain. At ipinagluluto pa talaga. Iba din talaga pag mayaman.”

“I do the same for my baby. Only boiled chicken and Salmon, no spices at all. Vet Dr. told me so. Only the best for our babies, Miss Gretchen.”

“Hey love ground pork, chicken & liver with veggies. Malunggay kamote kalabasa carrots and saluyot. Hehehehe! No condiments.”

q q q

Ipinagtanggol ni Sue Ramirez ang co-star niyang si Jameson Blake sa batikos dahil sa paghingi nito ng favor na gawan siya ng cover photo kapalit ng shoutout sa social media.

Magkasama sina Sue at Jameson sa “Ang Babaeng Allergic s Wi-Fi” na isa sa official entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

“Dahil sa social media hindi naman natin naririnig ang tono ng boses kung paano natin sinasabi ang mga bagay na sinasabi natin online.

“Nami-misinterpret, nagkakaroon ng misunderstanding but I’m sure na si Jameson he didn’t mean to offend anybody,” say ni Sue.

“Ang Babaeng Allergic sa Wi-Fi” is a romantic comedy written and directed by Jun Lana.

It tells of a girl (Sue) who develops an allergy to Wi-Fi and is forced to live in a remote province, pushing her to re-evaluate her relationships and the boy she believes is her one true love.

The post Mga aso ni Gretchen mas masarap pa ang pagkain kesa sa tao appeared first on Bandera.

Ogie sa pagso-sorry ni Duterte: Praise God!

$
0
0

OGIE AT REGINE VELASQUEZ-ALCASID

SIYEMPRE, suportado ni Ogie Alcasid ang kanyang misis na si Regine Velasquez na matapang na nagpahayag ng kanyang saloobin laban sa “Stupid God!” statement ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakiusap kasi ang Asia’s Songbird kay Digong na huwag nang idamay ang Diyos sa usaping pulitika dahil hindi naman daw namumulitika si God. May mga kumampi kay Regine pero meron ding bumatikos.

Isang netizen pa nga ang tumawag sa kanyang “mistress”, meron ding nagmura at kung anu-ano pang masasakit na salita. Hindi na ito pinatulan ng Songbird pero ang kanyang asawang si Ogie ay may mensahe para sa mga bashers at haters.

Isang simple pero tumatagos sa puso ang ipinost ng singer-songwriter sa kanyang Twitter account, aniya, “I will always defend the views of my wife with the love of God.”

Kasabay nito, ni-retweet din ni Ogie ang mensahe ng evangelist na si Brother Eddie Villanueva tungkol sa pagso-sorry ni Duterte sa mga naging pahayag niya laban sa Diyos.

Kalakip nito ang kanyang pahayag na, “Praise God!”

The post Ogie sa pagso-sorry ni Duterte: Praise God! appeared first on Bandera.

Viewing all 44512 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>