Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44382 articles
Browse latest View live

Tanong kay Kristoffer: ‘Malaki ba? Magkano ka? Daks ka ba?’

$
0
0

NAPIKON ang starlet na si Kristoffer Martin dahil ang feeling niya ay nabastos siya ng mga beking nagtanong sa kanya through Instagram Story.

Naloka si Kristoffer sa tanong na “may experience ka na ba sa gay?” na sinagot niya ng, “Ano po nakukuha natin sa tanong na to?”

Someone asked him kung “Magkano ka?” to which he retorted, “TF [talent fee] po ba sinasabi niyo Ser?”

Someone asked him if he’s still a virgin, “Ikayayaman ba ng Pilipinas tong tanong na to?” say ng actor.

“Bat may mga taong ganto magtanong? Self pleasure? Angat naman tayo ng konti. ‘Wag bastos,” say pa ng actor.

In exasperation perhaps, itinigil na ni Kristoffer ang question and answer and said, “Yoko na daming bastos.”

Later, he said, “Sila yung pinakasensitive na group pero ang dadami ring ang babastos. Ano nakukuha natin sa mga tanong na, ‘malaki ba?’ ‘Magkano ka isang gabi?’ ‘Top or bottom?’ ‘Daks ka ba?’ Yayaman po ba Pilipinas dito mga ser?”

q q q

In fairness, napansin ang acting ni Kris Aquino sa “I Love You, Hater.”

“We have The Kris Aquino. Aminin naman naten na we love her sa ayaw naten or gusto! Either we love to love her to we love to hate her, still w e love her! Di Ba? Well, dito sa movie eh parang walang pinag-iba ang role niya sa totoong buhay. Hindi na nya kinailangan ng effort actually.

“As is where is acting lang. ganurn! Pero surprisingly for me, the most touching scene sa movie na kumalabit sa puso ko eh ung isang scene ni Kris Aquino. Ginalingan nya infer!
Naalala ko na actress din pala sya talaga at hindi lang Horror Queen. So there.”

That was one review we read on Facebook.

The post Tanong kay Kristoffer: ‘Malaki ba? Magkano ka? Daks ka ba?’ appeared first on Bandera.


Luis naospital: Hindi masamang magpahinga, bronchitis got me!

$
0
0

ISINUGOD at na-confine pala sa ospital si Luis Manzano dahil sa bronchitis.

Ibinalita ito ng TV host-comedian sa kanyang Instagram account kung saan nag-post pa siya ng litrato kung saan makikita ang kanyang kamay na may nakasaksak na IV needle.

May caption itong, “Hindi masama magpahi-nga. Bronchitis got me.”

Wala pang latest update tungkol sa kundisyon ni Luis, hindi pa siya nagpo-post sa kanyang IG kung nasa ospital pa rin siya o nagpapagaling na sa bahay.

Pero siyempre, kinilig ang mga followers ni Luis nang mag-post ang kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola ng sweet message para sa binata.

Mensahe ni Jessy sa kanyang dyowang maysa-kit, “Dito lang ako!” with matching hugging emoji.In fairness, maraming netizens ang nag-promise kay Luis na ipagdarasal ang kanyang mabilis na paggaling.

Comment ni @jadesy007, “God will restore your health soon. Praying for a good person.”
Mensahe naman ni @euladanica, “Pabili ka @luckymanzano ng honey sa lipa kay mommy Vi! Mainam iyon para sure na pure na pure ang honey.”

“Get well soon. Ang hirap ng ganyan lalo na pag my asthma. I hate it when it hits me,” chika naman ni @quiin_aiko.

Paalala naman ni @anguspilot, “Anak ng pitong kuba! Baket? Sorbang workaholic bro! You have to balance. Ingats and We hope you get better soon. – from all of us at Anguspilot Texas BBQ’s.”

The post Luis naospital: Hindi masamang magpahinga, bronchitis got me! appeared first on Bandera.

Regine ipakikilala ang bagong baby; Solenn may paandar sa ‘Sarap Diva’

$
0
0

SIGURADONG mag-eenjoy ang mga pet lovers sa episode ng favorite tambayan ng bayan tuwing Sabado ng umaga sa GMA 7, ang Sarap Diva.

Ipakikilala na ni Regine Velazquez-Alcasid sa mga Kapuso ang kanyang newest baby, ang cute na cute at super talented na si Chanel! This as she welcomes her fellow “pawrents” na sina Solenn Heussaff at Boobay.

Solenn will bring her social media darling pet cat Negroni habang ka-join naman ni Boobay ang kanyang feisty dog na si Kendra.

May makakasama rin silang pet trainer na magtuturo ng ilang useful tips para mas maging disiplinado at masunurin ang kanilang mga alaga. These tips will also help improve the temperament of their pets.

At para naman sa mga Pinoy na mahilig sa maaalat at matatamis na lafang, may ise-share si Solenn na mga healthy alternatives to the usual salty and sweet treats na paborito nating papakin.

Lahat yan at iba pang sorpresa sa Saturday morning tambayan ng pamilyang Pinoy, ang Sarap Diva bago mag-Eat Bulaga sa GMA lang.

The post Regine ipakikilala ang bagong baby; Solenn may paandar sa ‘Sarap Diva’ appeared first on Bandera.

Lady exec mahilig sa 5-star hotel

$
0
0

DA who ang isang opisyal ng isang departamento na choosy pa kapag nag-aa-out-of-town dahil puro five-star hotel ang pinipili niyang tuluyan na ang ibinabayad ay mula sa buwis ng bawat mamamayan?

Hindi naman Secretary ang posisyon ng lady executive pero gustong magpasosyal.

Nagmula sa wala ang opisyal kayat ngayong nakaupo na, matapos namang maitalaga sa isang departamento ay feeling reyna lang ang peg kahit hindi naman talaga asset sa kanyang trabaho.

Ang siste, kahit ang trabaho ni lady official ay front liner, walang ginawa ito kundi magkulong sa hotel na tinutuluyan kapag out-of-town o sa ibang bansa man ang biyahe.

Walang ginawa ang opisyal kundi maging advance party, bagamat dahil nga wala naman itong ginagawa, kahit hindi siya sumama sa mga trip ay hindi naman apektado ang trabaho ng ahensiyang kinabibilangan niya.

Pamamasyal, pagkain at pagkukulong sa kanyang hotel room lang naman ang kanyang inaatupag.
Kailan kaya siya io-audit ng Commission on Audit (COA)?

Gusto n’yo ba ng clue? Ban na ang opisyal na sumabay sa chartered plane o maging sa commercial flight ni Digong matapos nga siyang pagbawalan.

Ang siste, nagpupumilit pa rin ang opisyal na pumunta sa Davao City, kung saan na siya idineklara na persona non grata dahil nga feeling malakas pa rin.

Ang balita pa, bago mapromote si lady exec sa kanyang posisyon, nag-iiyak ito sa harap ng isang maimpluwensiyang opisyal kayat pagbalik niya sa Maynila ay promoted na ito.

Isa pang clue, nauna nang binanatan ang ahensiyang kinabibilangan ni lady exec dahil sa pagiging matakaw ng mga opisyal nito.

Usap-usapan din na nag-iipon na ang opisyal sakaling wala na siya sa katungkulan dahil kilala itong nasa row four nung nag-aaral kayat bilang paghahanda kung mawala na ito sa gobyerno.

Balik tayo sa pagiging choosy ni lady official sa mga hotel na tinutuluyan, standard operating procedure (SOP) kasi sa mga out-of-town na simpleng hotel lang dapat ang mga opisyal lalo na’t kung hindi naman Secretary ang ranggo.

Pero ibang mag-trip si lady executive na feeling first lady ang peg kung umasta.

Gets n’yo na ba ang tinutukoy ko? Tanungin na lang natin sa isang media outlet kung saan siya nagmula.

The post Lady exec mahilig sa 5-star hotel appeared first on Bandera.

The Apostolic instruction

$
0
0

July 15, 2018 Sunday, 15th Sunday in Ordinary Times 1st Reading: Am 7:12–15 2nd Reading: Eph 1:3–14 Gospel: Mk 6:7–13

Jesus called the Twelve to him and began to send them out two by two, giving them authority over evil spirits. And he ordered them to take nothing for the journey except a staff; no food, no bag, no money in their belts. They were to wear sandals and were not to take an extra tunic. And he added, “In whatever house you are welcomed, stay there until you leave the place. If any place doesn’t receive you and the people refuse to listen to you, leave after shaking the dust off your feet. It will be a testimony against them.” So they set out to proclaim that this was the time to repent. They drove out many demons and healed many sick people by anointing them.

D@iGITAL-EXPERIENCE
(Daily Gospel in the
Assimilated Life
Experience)

When God calls he empowers. Jesus prepared the twelve apostles for the Mission by calling them to follow him as fishers of men and by giving to them power over unclean spirits. The Mission was to make disciples of all people, the Vision was the establishment of the kingdom on earth, the Key Result Area was ‘metanoia’ (conversion), the Performance Indicator was baptism in water and Spirit, the Strategy was total evangelization (preaching, healing and driving out demons), the Program was ‘Sequela Christi’ (following Christ through self denial and carrying of one’s cross).

By calling the Apostles to become fishers of men Jesus realigned their career paths to the Father’s dream of world unity (one flock under one shepherd). The first apostles who received the call left their nets immediately. We do not know if they followed Jesus for noble reasons. Some of them were probably dissatisfied with the way their fishing profession was going, and they wanted to try this novel type of fishing in the hope of finding greener pasture. Peter himself once asked what they could get in return for leaving behind their families. The reasons of the others were probably just as mundane.

It was to these people with imperfect motives that Jesus entrusted the mission. By implication it was also to them that Jesus gave the authority to heal and to drive out demons (Mark 3: 13-16). Through these weak people, God’s strength was manifested as “many signs and wonders were done among the people at the hands of the Apostles” (Acts 5:12). Because they cooperated with God’s grace, they went through a process of intention purification as they went about fulfilling that mission.

When God calls, he empowers. He has to, if he continues choosing the weak and the powerless. — (Atty.) Rev. Fr. Dan Domingo P. delos Angeles, Jr., DM. Email: dan.delosangeles@gmail.com.

May comment ka ba sa column ni Father Dan? May tanong ka ba sa kanya?
I-type ang BANDERA REACT at i-send sa 4467.

The post The Apostolic instruction appeared first on Bandera.

Male personality naudlot ang showbiz career dahil sa mga epal na kamag-anak

$
0
0

NAGPAPARAMDAM pala ang isang nagtangka pero hindi nagtagumpay na male personality na magbalik-showbiz. Gusto niyang patunayan uli na meron siyang ikakasa bilang artista kahit pa napakaordinaryo ng kanyang pinagmulan.

Minsan nang nagtangka ang lalaking personalidad, nakuha niya naman ang atensiyon ng publiko, kaya nga lang ay nadiskaril ang inaasam niyang pangarap.

Kuwento ng aming source, “Naku, nagpaparamdam na naman siya ngayon, ayaw talaga niyang sumuko, gusto niyang bumalik. Sabi niya, e, baka raw naman sa ikalawa niyang pagta-try, mangyari na ang gusto niyang kauwian ng career niya.

“Ang unang tanong, nagkaroon ba siya ng career? Ang ganda-ganda na sana ng entrada niya, e, pero naudlot ‘yun dahil sa pakikialam ng mga nakapalibot sa kanya!

“Nakialam agad ang mga ‘yun, pati ang discoverer-manager niya, e, naetsa-puwera, kasi nga, ang dami-dami nang umepal na mga kamag-anak niya.

“Napakaaga pa, pero humihingi na agad ng sasakyan ang mga kamag-anak niya, napakahirap daw kasing bumiyahe papunta sa Manila, lalo na’t bulubundukin pa ang pinanggalingan nila.

“Aysus, may service na nga sila kapag lumuluwas, pinahihiram na nga sila ng sasakyan ng network na umaayuda sa kanila, sariling van agad ang hirit ng mga kamag-anak niya?

“Binitiwan na siya ng tumatayo niyang manager, aanhin mo nga naman ang isang talent na napakaraming amuyong sa paligid? Para silang mga bubuyog na bulong nang bulong sa bagitong talent, kaya ang sabi na lang ng manager na hindi naman nangangailangan ng datung, ‘Mag-sama-sama na lang kayo diyan, exit na ako!’

“So, nadiskaril ang inaasam na kasikatan ng bagitong male personality, pero meron pa ring pangarap ang mga kamag-anak niya! Bumalik daw siya uli, pumasok daw siya sa isang malaking bahay na dumidiskubre ng mga artista, baka raw nandu’n na ang sagot sa mga pangarap niya!

“Naku, no! Kung ganu’n pa rin sila sa dati na pakialam dito pakialam du’n ang ginagawa niya, e, tantanan na ng bagitong ‘yun ang ambisyon niya!

“Mas mabuti pang ituon niya na lang ang panahon niya sa pag-aani ng isang kulay orange na sangkap sa pagluluto ng iba-ibang klaseng ulam!” pagbibigay pa ng clue ng aming source.

Ay, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, pampalinaw pa nga ng mga mata ang produkto niya, di ba?

The post Male personality naudlot ang showbiz career dahil sa mga epal na kamag-anak appeared first on Bandera.

Jennylyn: Hindi ako buntis! Uulitin ko pa ba yung nangyari dati?

$
0
0

“HINDI ako buntis!” Ito ang sigaw ni Jennylyn Mercado nang kulitin ng ilang members ng entertainment press na bumisita sa taping ng GMA series niyang The Cure.

Kung mabubuntis daw siya uli, gusto niya ay sa tamang paraan at sa tamang panahon.

“Uulitin ko ba uli ang pagkakamaling ‘yon? Ay hindi naman pagkakamali. Hindi siya pagkakamali,” diin ng Ultimate Star.

Rason niya, “Ayoko lang nu’ng ganoong paraan kasi si Jazz (anak nila ni Patrick Garcia), blessing naman kaya happy ako na dumating siya sa buhay ko.”

Nais ni Jen na kapag nasundan na si Jazz na 10 years old na ngayon ay planado na talaga at hindi biglaan.

“Ang payat ko nga kaya ‘yan ba ang buntis? Darating din ang tamang panahon para diyan,” saad pa ni Jennyln.

Siyempre hindi pa puwedeng mabuntis si Jen dahil kailangan pa niyang tapusin ang The Cure lalo na’t marami pa siyang maaaksyong eksena na gagawin sa programa, huh!

The post Jennylyn: Hindi ako buntis! Uulitin ko pa ba yung nangyari dati? appeared first on Bandera.

John Lloyd pinanindigan ang simpleng buhay sa Cebu; naka-bike lang nang magpagupit sa barberya

$
0
0

MARAMI ang na-happy nang maglabasan ang simple life ni John Lloyd Cruz sa Cebu.

Nag-biking ang actor at nagpagupit sa isang ordinaryong barber shop at kitang-kita naman sa kanya ang payak na pamumuhay ngayon.

Bagama’t may mga nanglait because they felt the actor deglamorized himself, marami naman ang nagtanggol sa kanya.

“This man chose to live a simple life. For years, he had been working, can’t freely decide for his own, controlled by his mngt. Now, he is living life to the fullest. Deserve niya yan. For how many times he gave us movies worthy of a lifetime. Be happy JLC. God bless you.”

“I’m a JLC fan for the longest time. Though I don’t agree with some of his life choices (including Adarna #sorrynotsorry), seeing those photos of him having simple life away from limelight, makes me wanna hug and say ‘this is the life you’ve always dreamed of and you deserved it’. Happy ako para sayo JLC!”

“Baka ito talaga ang life na gusto ni JLC, simple and walang nagdidikta kung paano sya magsasalita at gagalaw. Hayaan na natin, baka naman masaya talaga sya.”

The post John Lloyd pinanindigan ang simpleng buhay sa Cebu; naka-bike lang nang magpagupit sa barberya appeared first on Bandera.


Vice may promise sa Star Cinema kaya pumayag kunin sina Dingdong at Richard sa ‘Fantastica’

$
0
0

DAHIL sinabi ni Vice Ganda na aabot sa P900 million ang kikitain ng Metro Manila Film Festival 2018 entry niyang “Fantastica”, pumayag ang Star Cinema executives na kunin sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes bilang mga leading man niya sa pelikula.

Kuwento ni Vice, “Tinanong kasi nila kung sino mga gusto kong makasama this time, e, siyempre kinapalan ko na ang mukha ko sa rami na rin naman ng mga nakasama ko siyempre nagkakaubusan na rin.

“Sabi sa akin masyadong malaki at mahal, sabi ko, ‘sige na kunin n’yo na tutal makaka-900 million naman tayo. Kaya sabi nila, okay, sige. Kaya i-claim natin na maka-P900 million nga,” pahayag ni Vice.

Nakatsikahan namin si Vice kasama ang internal media ng ABS-CBN pagkatapos ng storycon ng “Fantastica” sa Star Cinema office nitong Biyernes at sinabi nga nito na personal niyang kilala sina Richard at Dingdong kaya napadali ang pagkuha sa kanila.

“Si Richard kasi magkaibigan kami, magkumpare kami kaya nakakausap ko siya. Si Dong naman nagkakabiruan na ‘gawa naman tayong movie.’ Tapos nakausap ko si Perry (Lansigan-manager ng aktor) nilambing-lambing ko siya. Pumayag naman sila,” pahayag ng Unkabogable Star.

Magkakaroon ba ng kissing scene si Vice kina Richard at Dingdong? “Oo, para may abangan din tayong sapak kay tita Annabelle (Rama) at kay Marian (Rivera),” natatawang sagot ng komedyante sabay sabing, “Kasi pambata ‘yung pelikula kaya hindi naman puwede.”

Sabi namin baka puwedeng smack lang, “Ipu-push ko ‘yung smack. Ha-hahaha! Okay na ako sa yakapan.”

Masaya si Vice dahil pasok sa MMFF 2018 ang mga pelikula ng mga kaibigan niyang sina Coco Martin kasama si Vic Sotto (Popoy En Jack: The Pulisincredibles) at Anne Curtis (Aurora). “Ang saya nga kasi magkakaibigan kaming pumasok. Ang saya ng float, magkakawayan kaming lahat.”

Ang magdidirek ng “Fantastica” ay si Barry Gonzalez na naging assistant director noon ni Wenn Deramas, “Pero si direk Joyce (Bernal) pa rin ang creative consultant namin at siya pa rin ang mag-e-edit,” ani Vice.

Sa Hulyo 17 na ang first shooting day ng “Fantastica” kasama sina Maymay Entrata at Edward Barbers, Kisses Delavin at Donny Pangilinan, Chokoleit, Bela Padilla, Jaclyn Jose at marami pang iba mula sa Star Cinema at Viva Films.

The post Vice may promise sa Star Cinema kaya pumayag kunin sina Dingdong at Richard sa ‘Fantastica’ appeared first on Bandera.

Marian sumuko sa kalupitan ni Boobay

$
0
0

NGAYONG hapon, bibida sa Dear Uge ang real life BFFs na sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at ang komedyanteng si Boobay sa episode na pinamagatang “Me And Madam.”

Isang maganda at simpleng babae si Icia (Marian) na nagtatrabaho bilang personal assistant ng isang mayamang businesswoman na si Madam Martha (Boobay).

Kilalang terror at malupit magsalita si Madam Martha. Sa mga unang araw ni Icia bilang
kanyang personal assistant, matitikman niya ang bangis at talim ng dila ni Madam Martha.

Halos sumuko na si Icia at gusto nang mag-resign ngunit pipigilan siya ni Madam Martha.

Ngunit kung kailan unti-unti nang nagkakasundo ang dalawa, isang sikreto ni Madam Martha ang malalaman ni Icia. Maging dahilan kaya ang sikretong ito para lalong tumagal si Icia sa kanya, o maging simula ito ng tuluyang paghihiwalay ng dalawa?

Subaybayan ang “kuwentuwaang” ito sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge, hosted by Eugene Domingo, ngayong Linggo pagkatapos ng Sunday Pinasaya sa GMA.

The post Marian sumuko sa kalupitan ni Boobay appeared first on Bandera.

Kris: Marami talaga akong emotional issues!

$
0
0

NAG-EXPLAIN si Kris Aquino tungkol sa genre at tema ng pelikulang ” I Love You, Hater” matapos makatanggap ng mensahe mula sa isang kapitbahay.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng Social Media Queen ang nasabing mensahe kung saan sinabi ng sender na grabe ang iyak nila sa habang nanonod lalo na sa drama moments niya with Ronaldo Valdez and Joshua Garcia.

“This is an excerpt of a SUPER heartwarming WhatsApp message sent to me by our neighbor… to give her privacy we covered her name… Yes- i love you hater is a romcom, but at the movie’s core is an exploration of each of our relationships w/ our FATHERS.

“Ayokong ma accuse na ‘spoiler’ ako- but after portraying #SASHA, mas naintindihan ko nang marami nga talagang ’emotional issues’ na natira sa puso ko. Ang naging tadhana ko was to grow up w/ no father- 3 years ko lang na experience to share a home w/ my Dad.

“And siguro nga pinagsikapan ko talagang MAKABAWI sa Dad ko dun sa mga pagkakamali na hindi sya magiging proud sa kin by over compensating when it came to how much i push myself to be a professional success.

“Binilin ni Tito Ronaldo bilang Cesar kay Joko (@garciajoshuae) to make #sasha feel #loved. Every single day of my life- i am blessed kasi ramdam na ramdam ko yun from kuya josh & bimb. #family.”

Samantala, ibinalita naman ni Tetay ang bagong partnership ng Kris C. Aquino Productions sa Cathay Pacific, “I was given the GO SIGNAL to post my happy news that @cathaypacific is our new airline partner… so very blessed for this new KCAP milestone. And it’s all THANKS TO YOUR SUPPORT!

“I still ask myself- what did i do to deserve to be blessed by God w/ far more than i’d even dared to pray for? I hope these opportunities i’m being given will inspire all of you to #alwayssayyes #neversaynever #livelifetothefullest & to #keepthefaith. #lovelovelove!”

The post Kris: Marami talaga akong emotional issues! appeared first on Bandera.

Noven nakabili na ng sariling farm: Kung walang TNT, baka nag-aararo pa rin ako!

$
0
0

NOVEN BELLEZA

NAPAKARAMI nang nagbago sa buhay at career ni Tawag Ng Tanghalan Season 1 grand champion Noven Belleza.

Bukod sa P2 million cash, nanalo rin si Noven ng house and a lot at ngayon daw ay meron na rin siyang nabiling mga properties para sa kanyang pamilya.

Sa press launch ng TNT Records kamakailan, sinabi ni Noven na meron na siyang sariling farm na nabili niya mula sa napanalunan niyang cash sa Tawag Ng Tanghalan ng Showtime.

“Kung hindi po ako pinalad sa TNT, siguro nag-aararo pa rin po ako ngayon sa probinsya. Araw-araw po talaga naming kayod sa tubuhan para mapunan ‘yung pagkukunan namin sa buong linggo.

“Malaki po talaga ang naitulong ng Tawag Ng Tanghalan sa akin—lalong-lalo na po sa pamilya ko,” pahayag ni Noven. Ilan na ba ang farm niya? “Konti pa lang po. Pero may balak akong dagdagan pa.”

Isa si Noven sa mga dumalo sa launching ng TNT Records dahil kasama siya sa mga magpe-perform sa “TNT All-Star Showdown” concert kasama ang iba pang TNT winners and grand finalists.

The post Noven nakabili na ng sariling farm: Kung walang TNT, baka nag-aararo pa rin ako! appeared first on Bandera.

OST ng The Clash nakaka-LSS, patok sa mga millennial

$
0
0

BUKOD sa mainitang battles sa The Clash, isa pang paborito ng fans sa pinakabagong singing competition ng GMA ay ang nakaka-LSS na OST nito.

Ito ay ang “Mangarap Ka, Laban Pa” na kinanta at sinulat ng singer, rapper at songwriter na si Quest. In fairness, patok na patok ito sa mga OPM lovers lalo na sa mga millennial.

Matapos itong i-upload sa official YouTube channel ng The Clash, naging instant hit agad itong sa mga Kapuso viewers. Sa ngayon ay may mahigit 12,000 views na ito. Ayon sa mga netizen hindi malayong maraming gagawa ng cover nito dahil sa ganda ng tunog at lyrics nito.

Samantala, good luck na lang sa mga natitirang clashers na maglalaban-laban para mapasama sa Top of the Clash. Kitang-kita kasi na sa unang walong clashers na nakapasok, napakahigpit na agad ng laban.

Abangan ang The Clash tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa GMA hosted by Regine Velasquez-Alcasid with judges Ai Ai delas Alas, Christian Bautista and Lani Misalucha.

The post OST ng The Clash nakaka-LSS, patok sa mga millennial appeared first on Bandera.

TNT Records aariba na; Tawag Ng Tanghalan stars may showdown sa Big Dome

$
0
0

GAGAWA ng kasaysayan ang pinakamalaking singing competition sa bansa na Tawag ng Tanghalan sa paglulunsad ng TNT Records, ang magiging tahanan ng bagong tunog at musika ng bagong henerasyon ng OPM.

Sa unang pagkakataon sa bansa, nagbigay-daan ang isang singing competition sa pagbuo ng isang record label na maghahandog ng panibagong OPM sound. Ito ay binuo at tatakbo sa ilalim ng gabay ng ABS-CBN at Star Music.

Pumirma ng kontrata sa TNT Records ang ilan sa unang artists na kasama sa pamilya nito, kabilang na ang worldwide sensation at Pinoy pride na TNT Boys at ang bagong grand champion at ang tinaguriang New Gem of OPM na si Janine Berdin.

Kasama rin sa TNT Records ang folk-rock mover na si Ato Arman, ang powerhouse performer na si Eumee, ang songsmith na si Froilan Canlas, ang ballad prince na si Anton Antenorcruz, ang all-out teen diva na si Arabelle Dela Cruz, ang spectacular performer na si Reggie Tortugo, and inday wonder na si Sheena Belarmino, at Mr. Rhythm na si Steven Paysu.

Pinagsamang lakas at talento naman ang angkin ng mga grupong Cove na binubuo nina JM Bales, Christian Bahaya, at Sofronio Vasquez, at ang bagong bandang biritera na Bukang Liwayway nina Lalainne Araña at Pauline Agupitan.

Asahan ding maraming orihinal na awitin ang ire-release ng artists na mabubuo sa pagtutulungan at pagsasama-sama ng lumalaking pamilya ng TNT na binubuo ng singers, composers at arrangers.

Una na rito ang single ni Eumee na “Bratatat” at ang “Biyaya” ni Janine na parehong isinulat ng TNT Records music producer na si Chochay Magno.

Tuloy-tuloy naman ang projects para sa TNT singers, kasama na sina Sam Mangubat, Marielle Montellano at Noven na namamayagpag sa Star Music family.

Magsasama-sama nga ang lahat ng TNT singers sa kanilang first major concert na “TNT All-Star Showdown” na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Hulyo 28 produced by TNTV, Star Events, at ABS-CBN Events.

Makakabili na ng tickets sa Ticketnet at sa Araneta Coliseum Box Office, tawag lang sa 911-5555 o mag-log on sa www.ticketnet.com.ph.

The post TNT Records aariba na; Tawag Ng Tanghalan stars may showdown sa Big Dome appeared first on Bandera.

Robin galit na galit sa kumalat na Pinas-China propaganda: Napakalaking katrayduran…nakakabobo!

$
0
0

ROBIN PADILLA

ANG haba ng reaction ni Robin Padilla sa controversial tarpaulins na nagkalat lately which said: “Welcome to the Philippines, province of China.”

“Bukod sa Katangahan ay Isang napakalaking KATRAYDURAN ang propaganda na ito ng mga taong nais bahiran ng Pulitika ang gumagandang relasyon ng Inangbayang Pilipinas at ng ninunong China.

“Marahil iisipin natin na mga pulitikong pabor sa Amang Amerika ang nakaisip nito? Maaaring mga pulitiko rin na pabor naman sa Ninunong Europa? Mahirap magbintang! Masama yun! Baka rin naman mahilig lang magpatawa ang gumawa nito eh napakaraming nagiging komedyang pulitiko lalo kapag papalapit na ang eleksyon.

“Ang Pag ibig sa Bayan ay hindi nasusukat sa mga ganitong paandar! Halatang walang alam sa kasaysayan at katotohanan ang nag isip nito, ika nga sa salitang inglis ay isa itong Stupid Joke! Nakakatawa pero Nakakabobo! Wala ka man lang natutunan sa Patawang Political Statement na ito.

“Mga mahal kong kababayan ayon sa mga ebidensya ng archeology at anthropology ang ating pinagmulan na lahi ay Austronesian. Magkamag anak na talaga ang kultura natin ng ninunong China bago pa dumating ang ninunong Europa at salinan tayo ng kanilang kultura.

“Hindi pa dumarating ang mga dayuhang Puti ay meron na tayong trade at political relationship sa Ninunong China. Katunayan ay 65 percent ng mga Pilipino sa ngayon ay may Chinese Ancestry bago pa ang Spanish, European, American, Japanese atbp. Malapit ang relasyon natin pero HINDI tayo probinsya ng Ninunong China! Tayo ay isang malayang Bansa at malayang mamamayan. Ang sigalot sa South China Sea/West Philippine Sea ay dulot ng mga maling desisyon ng mga nagdaang gobyerno!

“Una sa paghandle ng North Borneo, pangalawa sa Spratlys, pangatlo itong Scarborough Shoal na ayon sa A-1 information ay binili mismo ng ninunong China sa mga local governments ng Pilipinas ang mga lupang ginamit nila sa pagtatayo ng air strip at military base sa mga isla na pinag aagawan. Panahon po ito noong nakaraang administrasyon.”

That said, sinisi ng lead star ng Sana Dalawa Ang Puso ang nakaraang administrasyon sa controversial tarpaulin.

Anyway, sa Sana Dalawa Ang Puso ay buong pusong ibinigay ni Leo Tabayoyong (Robin) ang kanyang permission na si Martin (Richard Yap) ang mag-train kay Lisa (Jodi Sta. Maria).

The post Robin galit na galit sa kumalat na Pinas-China propaganda: Napakalaking katrayduran…nakakabobo! appeared first on Bandera.


Suko na: Bagets actor nakipag-break sa duderang GF na aktres

$
0
0

MAINIT na mainit pala ang dugo ng isang kilalang young actress sa isang kasamahan niyang kaedad niya sa network na pinagseserbisyuhan nila.

Ang dahilan, pinagseselosan ng young actress ang dalaga, ito raw ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng kanyang boyfriend na young actor.

Maraming nagtataka sa inaasal ng kilalang batang aktres dahil wala namang namamagitan sa kanyang boyfriend at sa babaeng pinagseselosan niya.

Kuwento ng aming source, “Naku, ilusyon lang niya ‘yun! Walang katotohanan ang kutob niya na siguro raw, kaya matabang na sa kanya ang boyfriend niya, e, dahil kay ____ (pangalan ng young singer-actress)!

“Napakatindi ng insecurity niya, kahit sino lang na naka-text ng BF niya, e, agad-agad na niyang pinagdududahang nanglalandi kuno sa boyfriend niya. ‘Yun ang totoo!” madiing chika ng aming impormante.

Ang ganda-ganda naman ng young actress, binibigyan naman siya ng magagandang proyekto ng kanilang istasyon, ano pa ba ang kailangang gawin ng young actor para matahimik ang kalooban niya?

“Actually, napakapasensiyoso nga ng lalaking ‘yun, e! Paulit-ulit na lang na ganu’n ang ugali ng girlfriend niya. Pinagbibigyan lang niya, pero sumosobra na!

“Ang akala kasi ng girl, e, hindi siya kayang hiwalayan ng boyfriend niya, pero ano ang nangyari? Ang guy ang nakipag-break sa kanya. Kuliling-kulili na kasi ang tenga nu’ng guy sa kaseselos at kadududa niya!

“Maraming nanghihinayang sa relasyon nila, matagal na kasi silang mag-boyfriend, pero hindi lang sila umaamin. Pero marami na ring masaya para sa guy, nakatakas na nga naman siya sa sumpa!

“Palagi kasing nagseselos ang girlfriend niya, lahat na lang ng kasamahan nilang artistang babae sa istasyon, pinagdududahan niya! Lalo na ‘yung young singer-actress na ka-network nila, juice colored, galit na galit sa kanya ang girl!

“Ayun tuloy, umali, este, umalis na sa piling niya ang guy. Sino ngayon ang nganga sa break-up nila?” pagtatapos na chika ng aming source.

Bigay na bigay na ang mga bumibida sa kuwento, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, baka naman maupo pa kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

The post Suko na: Bagets actor nakipag-break sa duderang GF na aktres appeared first on Bandera.

Jesus: a cause of division

$
0
0

July 16, 2018 Monday, 15th Week in Ordinary Time
1st Reading: Is 1:10-17
Gospel: Mt 10:34–11:1
Jesus said to his apostles, “Do not think that I have come to establish peace on earth. I have not come to bring peace, but a sword. For I have come to set a man against his father and daughter against her mother; a daughter-in-law against her mother-in-law. Each one will have as enemies those of one’s own family.
“Whoever loves father or mother more than me is not worthy of me. And whoever loves son or daughter more than me is not worthy of me. And whoever does not take up his cross and come after me is not worthy of me. One who wants to benefit from his life will lose it; one who loses his life for my sake will find it.
“Whoever welcomes you welcomes me, and whoever welcomes me welcomes him who sent me. The one who welcomes a prophet as a prophet will receive the reward of a prophet; the one who welcomes a just man because he is a just man will receive the reward of a just man. And if anyone gives even a cup of cold water to one of these little ones, because he is a disciple of mine, I assure you, he will not go unrewarded.”
When Jesus had finished giving his twelve disciples these instructions, he went on from there to teach and to proclaim his message in their towns.
D@iGITAL-EXPERIENCE
(Daily Gospel in the Assimilated Life Experience)
The nature of the kingdom Jesus wanted to establish on earth was manifest in the kind of demands he was making. We have seen how radical he was in his determination to pull down unhealthy social structures. Consider for example what he said in today’s Gospel. “I have not come to bring peace, but a sword”, he said. “For I have come to set a man against his father and daughter against her mother; a daughter-in-law against her mother-in-law. Each one will have as enemies those of one’s own family.” His listeners, didn’t hear this the first time, for Jesus was apparently quoting from this Old Testament passage: “For the son dishonors his father, the daughter rises up against her mother, the daughter in law against her mother in law, and a man’s enemies are those of his household”. (Micah 7:6).
It is not hard for us to understand why Jesus had to sound radical. Because his teachings were diametrically opposed to worldly values, his followers were likely to experience alienation from worldly people. Moreover, the kingdom he was proclaiming was too important to accommodate compromises. The nice thing with Jesus was that at the outset he already warned people not to expect peace in following him.
As serious followers of Jesus, are we ready for the serious implications if discipleship? – (Atty.) Rev. Fr. Dan Domingo P. delos Angeles, Jr., D.M.

May comment ka ba sa column ni Father Dan? May tanong ka ba sa kanya?
I-type ang BANDERA REACT <message/ name/age/address> at i-send sa 4467.

The post Jesus: a cause of division appeared first on Bandera.

Kris umagos ang luha sa ‘I Love You, Hater’ dahil kina Ronaldo at Joshua

$
0
0

KRIS AQUINO

NASA Hongkong ngayon ang KCAP Team sa pangunguna ni Kris Aquino. Business trip ito para sa bagong brand partner niyang Cathay Pacific.

Pero kahit nasa ibang bansa, updated pa rin si Kris sa takbo ng pelikula nilang “I Love You, Hater” sa takilya. Pinipilahan pa rin ito hanggang ngayon sa 240 cinemas nationwide.

Nagdagdag pa kasi ang mga sinehan para sa “ILYH” nitong weekend kaya naman tuwang-tuwa si Kris at ang buong production.

Mensahe ng Queen of Online World & Social Media, “Personally I’ve learned you can only give a character LIFE if you can 1; Identify w/ her feelings & emotions either because you’ve lived them, you’ve witnessed them, or you are longing for them. And 2; If you are acting w/ superb actors like tito Ronaldo Valdez & @garciajoshuae.

“For this scene- I was blessed to have a check for both. I Love You Hater from @starcinema now showing in 240 theaters in the Philippines,” aniya pa.

Hindi naman kataka-taka na ipinalalabas ngayon ang “I Love You, Hater” sa 240 sinehan dahil nakita namin kung gaano karami ang nanood sa Gateway nitong Sabado, pati na rin sa Trinoma, Robinson’s Magnolia, SM North Edsa at The Block.

Sa Martes pa nang gabi ang balik nina Kris sa bansa at siguradong masayang-masaya siya dahil sa magandang resulta sa takilya ng “I Love You, Hater”.

The post Kris umagos ang luha sa ‘I Love You, Hater’ dahil kina Ronaldo at Joshua appeared first on Bandera.

Sosyal na kumot ni Kris nagkakahalaga raw ng P80K

$
0
0

KRIS AQUINO

WHILEinside a plane, Kris Aquino posted a short video on her Instagram account.

Ipinakita sa video how comfortable Kris was while inside the plane which also include her sons Bimby and Joshua plus their yaya Bincai.

“I still ask myself- what did i do to deserve to be blessed by God w/ far more than i’d even dared to pray for? I hope these opportunities i’m being given will inspire all of you to #alwayssayyes #neversaynever #livelifetothefullest & to #keepthefaith… Thank you @cathaypacific for this opportunity. #gratitude #lovelovelove,” caption ng isa sa bida ng “I Love You, Hater” sa IG video.

But what caught our attention was the Hermes blanket which Kris was about to use. Kaloka pala ang presyo ng blanket na ito. It was an Avalon throw blanket which is pegged at $1,525.

Now, you do the Math and tell us how much it costs in peso.

The post Sosyal na kumot ni Kris nagkakahalaga raw ng P80K appeared first on Bandera.

Aiko natatakot para sa dyowang mayor, pinayuhang mag-ingat

$
0
0

AIKO Melendez has every reason to fear for her current boyfriend’s life amidst the spate of killings of late.

Sa loob lang nang isang linggo nitong mga nakaraang araw ay ilan nang mayor—including a vice mayor—na ang itinumba.

Whether politically motivated or otherwise ang itinuturong dahilan ng pamamaslang, it appears that these local officials are easy targets na bigla na lang bubulagta in broad daylight felled by fatal bullets.

Mula nang isapubliko ni Aiko kung sino ang kanyang bagong karelasyon last April this year, everything seems to be turning up roses for her and Mayor Jay Khonghun of Subic, Zambales.

Bagama’t tatlong buwan pa lang naman silang magnobyo—unlike Aiko’s previous relationships—theirs is a quiet one, nabahiran nga lang ng takot at pangamba given the escalating incidence ng pagpatay sa mga mayor.

May ipinost kasi ang kaibigan ni Aiko na si Ogie Diaz sa Facebook on how this series of murders could be frightening. Nag-comment naman si Aiko, sharing her gnawing fear dahil nga mayor ang kanyang nobyo.

Not one who can best give the couple a piece of advice, ibayong ingat na lang siguro ang gusto naming sabihin kay Mayor Jay. With being cautious comes an exercise of vigilance.

Maging mas mapagmasid siya (lalo kung kasama si Aiko o ang kanyang anak from his previous marriage) sa kanyang paligid.

Having begun his political career back in 2004 bilang provincial board member, alam naming fully aware si Mayor Jay kung anong uri ng mundo ang kanyang pinasok.

Ito ‘yung mundo where one finds it the hardest to tell an ally from a kaaway.

q q q

Personal: Nais naming batiin ng maligayang kaarawan ang aming kapatid na si Menchu Rogacion today (July 16). Hugs and kisses from Kuya.

The post Aiko natatakot para sa dyowang mayor, pinayuhang mag-ingat appeared first on Bandera.

Viewing all 44382 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>