Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44557 articles
Browse latest View live

Horoscope, July 09, 2018

$
0
0

Para sa may kaarawan ngayon: Mahirap talagang kitain ang pera, kaya sa araw na ito matapos magsimba, simpleng selebrasyon na lang ang dapat kasama ang mga mahal sa buhay. Mapalad ang 3, 6, 18, 27, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Om.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sundin ang mungkahi ng kasuyo. Hindi dapat na maging magastos. Sa pinansyal, isa lang ang susi upang yumaman, maging masinop at matipid. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Pink at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Magiging matagumpay ang larangan ng pag-ibig at romansa, ngunit sa salapi, nganga pa rin. Hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap, mainam yan, nakatipid ka na lalo ka pang seseksi at gaganda. Mapalad ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Habang patuloy na nagpapabago-bago ang lagay ng panahon, may babala ng karamdaman. Ang pagdarasal ng taimtim mamayang gabi bago matulog ang magpapalakas ng immune system at ang pagsiping sa minamahal ay mainam ding pampalakas at pampasigla. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aspera-Astra-Om.” Violet at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Anoman ang problema wag mabubugnot alalahanin masarap pa ring mabuhay at damahin ang presenya ng kalikasan. Sa pinansyal, kapag lagi kang masaya, mas maraming pera ang darating. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa tahimik at malamig na silid. Mapalad ang 7, 14, 22, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Om-Hagiel.” Lilac at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Kahit ano ang mangyari ugaliing magpasalamat. Ang taong laging nagte-thank you, maraming biyaya ang matatanggap. Sa pag-ibig, mamayang gabi sabihin sa kasuyo, “Salamat Love,” sabay halik sa kanyang pisngi. Mapalad ang 2, 7, 18, 24, 33 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Agra-Om.” Maroon at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, mas magiging okey ang relasyon kung pansamantalang lalayo muna sa kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 12, 30, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Green at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa pinansyal kung hindi ka aalis ng bahay, darating ang mga maniningil. Sa susunod wag ka ng mangutang kung wala ka namang pambayad. Sa pag-ibig, kung sadyang kinakapos, sa isang Aquarius ka manghiram ng pera. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 37 at 43. Mahiwagwa mong mantra: “Mandala-Dosya-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Ituloy ang pagiging romantiko at caring upang muling mag init ang relasyon. Sa pinansyal, isa-isang negosyo lang ang dapat ipatupad sa bawat taon, upang wag magulo ang iyong konsentrasyon. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Ikaw ang nakatakdang suwertehin sa mga panahong ito at ang suwerteng dadapo sa iyo ay maipamamahagi mo pa sa mga taong malalapit sa buhay mo. Upang magtuloy-tuloy ang suwerte kung may matitira pa, ibahagi ito sa mga mahihirap at kapos palad. Tuloy ang masarap na romansahang hatid ng isang kayumanging nilalang. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Maroon at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Ikaw ngayon ang hihirangin ng langit upang tumulong sa mga kaibigan mong nangangailangan. Hindi mo sila dapat tanggihan at wag kang mag-alala, dahil tutulungan ka ng nasa itaas upang magampanan mong lahat ng maayos ang mga gawaing ipinatong sa iyong balikat. Sa bandang huli, dahil bukal sa loob mo ang pagtulong, mas marami pang biyaya at mga pagpapala ang darating sa iyong buhay. Mapalad ang 1, 8, 17, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kebanam-Karam-Aum.” Beige at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Mas mainam kung ibabahagi sa iba ang iyong mga problema. Sabi nga, “Shared joy is a double joy; shared sorrow is half a sorrow.” Ganon ang gawin mo, anumang kalagayan ng damdamin mo sa kasalukuyan, mas mainam kung makipagkuwentuhan lagi sa mga malalapit na kaibigan. Mapalad ang 1, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bis-Bnevit-Om.” Red at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Kahit nagpatong-patong ang mga gawain, kaya mong matapos ang lahat ng iyan. Bilis ang susi upang yumaman. Sa pag-ibig, isa isantabi muna ang mga bagay na may kaugnayan sa emosyon, puro salapi muna ang isipin at siya ring dapat na pahalagahan. Mapalad ang 5, 14, 25, 38, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Lilac at silver ang buenas.

The post Horoscope, July 09, 2018 appeared first on Bandera.


Sunud-sunod na patayan nangangamoy eleksyon

$
0
0

SA Oktubre 1 ang simula ng paghahain ng certificates of candidacy ng mga tatakbo sa May 13, 2019 elections, kaya naman maraming pulitiko ngayon ang nagkukumahog.
Kulang na sa 90 days o tatlong buwan, sumiklab na ang digmaan ng pulitika, pera, at impluwensya.
Palakasan ng orga-nisasyon at line-up ng ticket, habang iba naman ay nagbabanta, nananakot at pumapa-patay ng makakalaban.
Tatlong sunud-sunod na krimeng pawang “in broad daylight” nangyari: Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili, napatay ng sniper sa umagang flag ceremony; Gen Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote, napatay alas 4:50 ng hapon ng “riding in tandem” na may back-up na AUV; at si Trece Martires City Vice Mayor Alex Lubigan ng Cavite, ay napatay alas 2:59 ng hapon ng mga armado sakay ng itim na Mitsubishi Montero.
Nasa narco list si Mayor Halili pero hindi ba’t retired PNP general ang nakalaban at tinalo niya nitong 2016? Hindi ba’t PNP ang naglalagay ng mga pangalan sa narco list?
Si Mayor Engineer Bote ay pangatlong engineer at contractor na pinatay sa Nueva Ecija sa loob ng dalawang linggo. May kaugnayan kaya ito sa gagawing imbestigasyon ng House of Representatives sa maanomalyang quarry operations at pulitika?
Anggulong pulitika rin ang tinitingnan sa pagpaslang kay Trece Martires Vice Mayor Lubigan matapos mabalitang lilipat ito sa PDP-Laban mula sa dating partido na UNA.
Marami na ring patayan doon tulad ng dalawang babaeng vendor officials sa city market noong Oktubre 2016 at naunang pag-ambush sa bodyguard ni Mayor De Sagun sa Batangas.
Huwag din nating kalimutan ang pagpatay kay ex-La Union congressman Eufranio Eriguel at dalawang bodyguard nito sa barangay Capas, Agoo nitong Mayo 11 ng mga suspects na sakay ng black Mitsubishi Montero.
Ang solusyon sa mga patayang ito’y matin-ding hamon sa kakayahan ni PNP Director General Oscar Alba-yalde.
Karaniwan na kasing walang nahuhuling suspect sa ganitong mga “political killings”, ha-limbawa na natin ang kay Ex-Congressman Eriguel na higit dalawang buwan na ang nakakaraan. Maski NBI, wala ring resulta. Kaya’t ang malamang na mangyayari ay gantihan na lamang.
Kunsabagay, talagang marahas ang eleksyon sa atin. Noong 2004, 295 ang namatay sa 152 election related incidents (ERI). Bumaba noong 2010 kung saan 45 lang ang napatay sa 67 ERI. Noong 2013 baranggay elections, 33 ang namatay at 55 ang su-gatan.
Dumami muli noong Presidential elections 2016 sa 50 patay sa 146 ERI. At nitong Mayo 14 baranggay elections, idineklara ng PNP na 35 ang nasawi kabilang ang 18 baranggay chairman, apat na kandidato at walong sibilyan.
Hindi pa tayo pumapasok sa pre-election period, pero ngayon pa lamang meron nang 15 napapatay na Mayor at Vice Mayor kasama na rin ang mga sangkot sa illegal drugs.
Masakit mang sabihin, mukhang magiging madugo ang nalalapit na eleksyon. At sa panahong nerbyos na nerbyos ngayon ang mga gobernador, city at municipal mayors lalo na sila na nasa narco list, ang panganib ng assassination ay totoo at dapat bantayan.
Sinong local official ang hindi matatakot sa mga flag ceremony lalo’t pwede ka palang ma-sniper? Sinong local official ang makakatulog lalot nagkalat ang mga murang “riding in tandem assassins” sa paligid? Sinong local official ang nakakasiguro sa kanya mismong kakamping pulitiko o sariling mga bodyguard?
PNP at NBI, Hoy gising!

The post Sunud-sunod na patayan nangangamoy eleksyon appeared first on Bandera.

Faith in the shadow of death

$
0
0

July 09, 2018 Monday,
14th Week in
Ordinary Time
1st Reading: Ho 2:16-22
Gospel: Mt 9:18–26
While Jesus was speaking, an official of the synagogue came up to him, bowed before him and said, “My daughter has just died, but come and place your hands on her, and she will live.” Jesus stood up and followed him with his disciples.Then a woman who had suffered from a severe bleeding for twelve years came up from behind and touched the edge of his cloak. For she thought, “If I only touch his cloak, I will be healed.” Jesus turned, saw her and said, “Courage, my daughter, your faith has saved you.” And from that moment the woman was cured.When Jesus arrived at the official’s house and saw the flute pla-yers and the excited crowd, he said, “Get out of here! The girl is not dead. She is only sleeping!” And they laughed at him. But once the crowd had been turned out, Jesus went in and took the girl by the hand, and she stood up. The news of this spread through the whole area.
D@iGITAL-EXPERIENCE
(Daily Gospel in the Assimilated Life Experience)
In his “Sermons”, Saint Augustine wrote: “Faith is to believe what you do not yet see; the reward for this faith is to see what you believe!” This statement comes alive in the story of Jairus, an official in the Synagogue of Capernaum.
Jairus left his daughter unconscious at home as he embarked on a mission of taking Jesus to their house to bring her back to life. When he got Jesus’ commitment, and realizing he had no time to waste, they hurried back to the house. Then a woman stole the show. She had been bleeding for twelve years and she badly needed a cure. She touched the edge of Jesus’ cloak and in an instant she got what she wanted. Perhaps she did not really intend to steal the show, which is why she just surreptitiously touched Jesus’ clothing. But this did not escape Jesus’ attention, for he felt that power came out of him at that moment. The journey to Jairus’ house was interrup-ted, but it was a welcome interruption. The miracle the woman experienced was a boost to Jairus’ faith that Jesus could bring his daughter back to life.
Arriving at the house, Jairus found the situation not as inspiring as what happened while they were on their way. People were crying because the child was already dead. There were no signs of hope in their faces. Against this background of hopelessness Jesus showed his mighty power over death. Jairus deserved it. The miracle that happened before his very eyes came as a reward for keeping the faith. Rightly did Saint Augustine write in his Sermons: “Faith is to believe what you do not yet see; the reward for this faith is to see what you believe!” – (Atty.) Rev. Fr. Dan Domingo P. delos Angeles, Jr., D.M.

May comment ka ba sa column ni Father Dan? May tanong ka ba sa kanya?
I-type ang BANDERA REACT <message/ name/age/address> at i-send sa 4467.

The post Faith in the shadow of death appeared first on Bandera.

Mark in love na kay Jennylyn; Tom hostage ni LJ

$
0
0

BUKOD sa sandamkamak na taong infected na ng killer virus sa Kapuso primetime series na The Cure, mas affected ngayon ang viewers sa masalimuot na love story ng mga bida sa kuwento.

Pinag-uusapan ngayon ng mga manonood ang nakakalokang “pag-iibigan” at “agawan” sa pagitan nina Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez, Mark Herras at LJ Reyes bilang sina Charity, Greg, Darius at Katrina.

Status “it’s complicated” na kasi ang peg ng love story nila ngayon lalo pa’t nahuhulog na ang loob ni Darius kay Charity, ito’y sa pag-aakalang patay na ang asawa nitong si Greg.

Ito namang si Katrina, ginagawa ang lahat para maitago kay Greg ang katotohanang buhay pa si Charity. Pero hanggang kailan niya maililihim ang katotohanan?

Kung pinaghihinalaang nahanap na ni Elizabeth (Jaclyn Jose) ang cure sa patuloy na kumakalat na infection sa kanilang paligid, mahanap din kaya ng apat ang solusyon sa kumplikado nilang sitwasyon? ‘Yan at ang iba pang pasabog na eksena ang dapat abangan sa pagpapatuloy ng The Cure gabi-gabi sa GMA Telebabad.

The post Mark in love na kay Jennylyn; Tom hostage ni LJ appeared first on Bandera.

Pokwang sa bashers: May balls ako kahit nanay ako!

$
0
0

POKWANG

KUNG may kumampi kay Pokwang, may mga nang-okray naman sa kanya matapos mag-emote tungkol sa pagtawag daw ni Australian Boomers player Chris Goulding ng “monkey” sa mga Filipino.

Ito’y matapos ngang magrambulan ang Team Australia at mga player ng Gilas Pilipinas sa Fiba World Cup qualifier game sa Philippine Arena noong July 2. Sinasabing ang naging hudyat ng gulo sa hardcourt ay ang balyahan sa pagitan ni Chris at Gilas player RR Pogoy.

Sa kanyang Instagram account, ni-repost ni Pokwang ang screenshots ng sinasabing tweet ni Chris kung saan tinawag nga nitong unggoy ang mga Pinoy.

Caption ng komedyana, “Wow!! umabot na talaga sa ganito? Kaloka! sa mga nagtatanggol sa team na ito, Oo lalo ka na pilipino ka di ba? O ayan unggoy daw tayo!!!

“Maaaring may mali both team pero yung umabot na sa ganitong pang-aalipusta ng lahi, aba hoy!! gising gising…wag maging higop pwet pa rin!”

Ilang bashers ang nang-away kay Pokwang at nagsabing nagpapakalat siya ng fake news.

Ipinaalam sa kanya ng mga netizen na fake ang viral “monkey” tweet ni Chris matapos mag-issue ng official statement ang kampo ng Boomers player.

Resbak naman ni Pokwang, “Pilipino ka ipagtanggol mo naman kahit wag na sarili mo yung pamilya mo nalang na may dugong pinoy na dumadaloy. O wag ako ha opinyon ko ito, wag kang nang aano.

“Iba ang fake news sa deleted na tweet! At wag nyo akong mautusan na i delete itong post ko dahil may bayag ako kahit nanay ako!!! #Doonkanga,” pahayag pa ng komedyana.

The post Pokwang sa bashers: May balls ako kahit nanay ako! appeared first on Bandera.

Paolo Valenciano nagalit sa 2 news agency na nagbalitang may kidney cancer si Gary V

$
0
0

PAOLO Valenciano, son of Gary Valenciano, fumed when two news organizations reported that his father has kidney cancer.

Mataray ang kanyang retort sa report as he said, “Hi..FYI he is already cancer free. You can’t post sh***t like this without informing the family. My head started spinning after I read that msg. Jesus.”

Sa isang news org ay ito naman ang kanyang concise pagtataray: “HAD cancer.”

With that, na-bash si Paolo as some netizens gave him some enlightenment about cancer.

“Fyi, someone who had recently been cured from cancer isn’t cancer free yet, after the first five years from when it was diagnosed and treated, if di bumalik that’s when you’re pronounced cancer free. For breast cancer patients i think initial is 5yrs but they wait out to the 8th and 10th year since most ngrerecur cancer sa breast cancer patients.”

“It’s a matter of tenses morelike ung hanash nya, but the fight isnt over yet, so prayers a lot of it and watching one’s health to get to the goal. Mejo mayabang anak nya to blow his temper over this when the fight isnt even over yet, not even half. – cancer patient here on my 2nd year ‘cancer free.’”

“Right. Whether ‘has’ or ‘had’ was used at dahil ang pamilya nila ay God fearing at para yatang isa sa mga active sa kanilang church sana Paolo should have just talked to the powers that be sa network para na rectify ang si-tuation instead of posting his sentiments on social media. Kung ayaw pag usapan ng pamilya ang cancer baket may interview.”

“You’ll have to wait five years with no cancer detected before you can be declared cancer free. He is just being OA. Be thankful and shut up nalang. He is ignorant of facts.”

For a supposedly Christian guy, medyo nagulat siguro ang netizens when Paolo used the word “sh***t”.

The post Paolo Valenciano nagalit sa 2 news agency na nagbalitang may kidney cancer si Gary V appeared first on Bandera.

Jameson Blake mas lalong na-bash dahil sa epal na GMA writer

$
0
0

IPINAGTANGGOL ni Suzette Something si Jameson Blake for asking some netizens who are willing to do his cover photo for his social media accounts kapalit ng shoutout.

With that ay na-bash nang husto si Jameson at nag-sorry naman ang binata sa graphic designers na na-offend sa kanyang post.

But this Suzette felt hindi need ni Jameson na mag-sorry.

“Di niya need magsorry, walang masama sa ginawa na mag ask ng pabor. Nasa artist kung papayag magbigay ng libre. Kapag ayaw then ignore his request. May mga artist na need ng practice so nagbibigay ng libre lalo at gusto nila ang tao. Ganun lang. may choice po! di big deal,” sey ni Suzette.

Lalo tuloy na-bash si James dahil sa pakikialam ni Suzette.

“Syempre parang insult na din sa mga artist un imagine shout out lang kapalit. Kaya siguro nagreact ung ibang netizen. Para bang tinatawaran nya kakayanan ng mga artist natin.”

“Sino itey? Eto ba yung freeloader na nagpapagawa ng artwork kapalit ng shout out? Bwahahahaha.”

“Hindi naman sikat amputa na nyan. Wala atang pambayad.”

“If @Hashtag_Jameson is as famous as JayZ or Beyonce, people will do it for free. But the dude isn’t. So…now you have learned your lesson.”

The post Jameson Blake mas lalong na-bash dahil sa epal na GMA writer appeared first on Bandera.

Alamin: Mga lugar na nagdeklara ng walang pasok ngayong araw, Hulyo 9

$
0
0

SA harap ng banta ng bagyong Gardo, maraming lokal na pamahalaan sa Metro Manila at kalapit na lugar ang nagdeklara na ng suspensyon ng klase ngayong araw, Hulyo 9.

NCR (all levels, public and private)

•Caloocan City

•Las Piñas City

•Malabon City

•Mandaluyong City

•Marikina City

•Maynila

•Muntinlupa City

•Navotas City

•Parañaque City

•Pasay City

•Pateros

•San Juan City

•Taguig City

•Valenzuela City

 

Abra (all levels, public and private)

 

Pangasinan

•Mangaldan (pre-school hanggang high school, public and private)

 

Bulacan (all levels, public and private)

•Balagtas

•Marilao

•Meycauayan

•Obando

 

Bataan (all levels, public and private)

 

Zambales

•Subic (all levels, public and private)

•natitirang bahagi Zambales, liban ang Olongapo City (pre-school hanggang high school, public and private)

 

Cavite (all levels, public and private)

•Bacoor City

•Dasmariñas City

•Imus City

•Noveleta

•Silang

 

Rizal (all levels, public and private)

•Angono

•Binangonan

•Cainta

•Cardona

•Morong

•Pililia

•San Mateo

•Tanay

•Taytay

•Teresa

•Rodriguez

 

Laguna (all levels, public and private)

 

Ang suspensyon ng pasok ay dahil sa sama ng panahon dulot ng umiiral na habagat na pinalakas pa ng bagyong Maria na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Antabayanan ang iba pang mga anunsyo tungkol sa suspensyon ng klase.

The post Alamin: Mga lugar na nagdeklara ng walang pasok ngayong araw, Hulyo 9 appeared first on Bandera.


Juliana Segovia iyak nang iyak habang pumaparada sa Pasay

$
0
0

JULIANA SEGOVIA

Iyak nang iyak si 2018 Miss Q & A Juliana Parizcova Segovia nang pumarada sa kanilang lugar sa Pasay bilang bahagi ng pasasalamat niya sa suporta ng kanyang mga kababayan.

Ipinalabas sa Magandang Buhay kahapon ang ginanap na grand motorcade para kay Juliana at mainit nga siyang tinanggap ng mga taga-Pasay.

“Sobrang saya! Hindi ko inakala na mangyayari sa akin ito. Habang papatagal nang papatagal ang pag-ikot namin ay paluha ako nang paluha. Nakikita ko ‘yung mga tao, kababayan ko, kabarangay ko, kaibigan na sobra-sobra ang ibinigay nilang suporta sa akin sa finals. Thank you talaga,” ani Juliana.

“Sobrang nagpapasalamat ako sa mga taga-Pasay na sumuporta at nagmamahal sa akin. Todo ang pasasalamat ko sa kanila,” dagdag pa ng komedyante.

Dumalaw din si Juliana sa kanyang alma mater sa Pasay, ang Padre Burgos Elementary School, “Naiiyak ako kasi parang naaalala ko noong elementary ako kapag may nagpupunta rin ditong artista ganu’n din ako, nakikihiyaw ako.”

The post Juliana Segovia iyak nang iyak habang pumaparada sa Pasay appeared first on Bandera.

Kilalang female celebrity super tamad, walang kaalam-alam sa gawaing-bahay

$
0
0

TOTOO ang sinabi ng mga kaibigan ng dating mag-asawang singers, hindi sila magtatagal, dahil magkaibang-magkaiba ang mga atake nila sa buhay. Isang super-disiplinado at isang may katamaran.

Kung bakit naman parang nagkabaligtad ang kanilang mga katangian dahil ang lalaki pa ang masipag at ang babae naman ang may kabigatan ang katawan.

“Talagang hindi sila magtatagal, hindi sila magkasundo sa maraming bagay. Ang girl, e, lumaking napapalibutan ng mga maids, samantalang ang lalaki naman, e, namulat sa isang klase ng buhay na siya ang nagtatrabaho sa house.

“Ang alam lang ng girl, e, kumanta, samantalang ang husband niya, e, magaling magluto at malinis sa bahay. Paano nga sila magkakasundo kung ganu’n katamad ang girl?” unang pasakalyeng chika ng aming source.

Ibang klase nga raw ang kasipagan ng male performer, hindi siya pumapayag sa basta-bastang klase lang ng paglilinis, palibhasa nga ay lumaki siyang nagtatrabaho sa bahay.

“Wala naman kasing maid-of-cotton sa bansang kinalakihan ng male singer, di ba? Kaya natuto siyang magtrabaho sa bahay, siya mismo ang naglalaba, nagluluto, naglilinis at lahat-lahat na!

“Alam n’yo ba kung gaano katindi ang pagiging ozzy ng guy? Paalis na lang siya ng bahay, pero kapag may nakita siyang frame na hindi pantay ang pagkakakabit, e, babalikan pa niya ‘yun, saka niya papantayin.

“Ganu’n siya katindi, ganu’n siya kadisiplinado, very ozzy ang male singer na ‘yun, sa totoo lang,” chika pa uli ng aming impormante.

Kung ganu’n kalinis ang male performer ay kumusta naman ang kanyang dating misis? Kumusta naman ito sa housing authority nila?

“Aysus, walang alam ‘yun kundi ang mag-sing lang nang mag-sing! Hanggang du’n lang talaga siya, hindi siya kumikilos sa house nila. Kahit nga ang mismong bedroom nila, e, hindi man lang niya makuhang linisin!

“Kasi nga, e, lumaki siyang maraming naaasahan, sa totoo lang. Marami silang kasambahay habang lumalaki siya, masyado pang spoiled, kaya wala siyang alam sa mga trabahong bahay!

“Kaya talagang hindi sila magtatagal, incompatible sila, parang may taning na ang pagsasama nila dahil sa laki ng pagkakaiba nila sa maraming-maraming bagay,” pagtatapos ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na! Wala talagang forever!

The post Kilalang female celebrity super tamad, walang kaalam-alam sa gawaing-bahay appeared first on Bandera.

Erik madaling katrabaho kaya favorite ng concert producers

$
0
0

ERIK SANTOS

Napakabilis talagang lumipad ng panahon. Parang kailan lang ‘yun nang maging champion ng Star In A Million si Erik Santos pero labinglimang taon na pala ang nakalilipas mula nu’n.

Makabuluhang labinglimang taon na nga ang itinatakbo ng kanyang singing career. Mabunga dahil marami na siyang napasikat na piyesa at siya ang isa sa mga inaasahang singers sa kahit anong klase ng okasyon.

Sa September 22 ay ipagdiriwang na ni Erik ang kanyang 15th year anniversary, isang malaking concert ang kanyang pinaghahandaan na gaganapin sa Mall Of Asia Arena, ang kanyang management outfit na Cornerstone Productions at ang Lucky 7 Koi Productions ni Tita Lily Chua ang mga producers ng kanyang concert.

Nang makita namin ang line-up ng mga makakasama niya bilang guests sa “Erik Santos: My Greatest Memories” ay isa lang ang naisip namin.

Grabe, parang anniversary na ng ASAP ang magaganap, dahil puro poste ng mundo ng musika ang kanyang makakasama.

Isa si Erik Santos sa mga kilalang singers na puso ang kumakanta at hindi ang bibig lang. Emosyonal ang kanyang atake, wala kang masasabi sa kinis ng kanyang boses, maging sa kabuuan ng kanyang performance.

Dagdag pa ng kanyang producer na si Tita Lily Chua, “Saka masarap siyang ipag-produce dahil napaka-professional niya. Mabait si Erik, mabuti pa siyang anak at kapatid, walang kaarte-arte at talagang magaling siyang singer at director.”

The post Erik madaling katrabaho kaya favorite ng concert producers appeared first on Bandera.

Pagiging recording artist ni Maine wala nang atrasan; Mainelandia Fair tagumpay

$
0
0

MAINE MENDOZA

NAGPASIKLAB ang fans ni Maine Mendoza sa selebrasyon ng ikatatlong taon sa showbiz ng Phenomenal Star nang isagawa ang Mainelandia Fair 2018 last Sunday sa isang event ground sa Makati City.

Wala silang keber kung masama ang panahon at umaambun-ambon, sanib-puwersa pa rin silang dumagsa sa venue ng Mainelandia Fair mula umaga hanggang gabi, huh!

Iba’t ibang events ang naganap sa anniversary celebration ni Maine gaya ng costume contest, film showing ng “Meet Me At St. Gallen” at may pa-concert pa.

Siyempre, hindi lang kasiyahan sa mga dumayo ang hatid ng fans ni Meng dahil meron ding fund raising sa pamamagitan ng pagbebenta ng well-loved items ng kanilang idolo. Hindi lang kasi pang-showbiz ang rason ng unity ng fans ni Maine kungdi may adbokasiya rin siyang makatulong sa mga nangangailan.
Of course, present si Maine sa event na abot-langit ang pasasalamat sa kanyang mga fans na naging bahagi ng kanyang 3rd anniversary celebration.

Samantala, inilabas na rin ang picture ng pormal na pagpirma ni Maine ng record deal sa Universal Records PH kasama ang executives ng company na si Kathleen Dy-Go at producer ng album niyang si Ito Rapadas.
Naghahanda na rin ang AlDub Nation sa anniversary nina Maine at Alden Richards bilang loveteam.

The post Pagiging recording artist ni Maine wala nang atrasan; Mainelandia Fair tagumpay appeared first on Bandera.

Beliebers ipagluluksa ang kasalang Justin-Hailey

$
0
0

HAILEY BALDWIN AT JUSTIN BIEBER

Mix ang reactions ng mga fans ni Justin Bieber matapos mabalitang nag-propose na ito sa kanyang model girlfriend na si Hailey Baldwin, anak ng Hollywood actor na si Stephen Baldwin. May mga nag-congratulate sa dalawa, pero mas marami ang nangnega.

Ayon sa ulat, ang marriage proposal ay naganap nitong nakaraang Sabado sa isang restaurant sa The Bahamas. May chika na walang litrato o proposal video na lumabas dahil sinabihan daw ng security team ni Justin ang lahat ng tao sa resto na huwag kukunan ang nasabing eksena.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang tatay ni Justin na si Jeremy Bieber ng litrato ng kanyang anak na may caption na, “Proud is an understatement! Excited for the next chapter!” Habang ang kanyang nanay na si Pattie Mallette ay nag-tweet naman ng, “Love Love Love Love Love Love Love.”

Ilan sa fans ni Justin ang nagsabing umaasa pa rin sila na si Selena Gomez ang mapapangasawa ng international singer at maghihiwalay din daw ang newly-engaged couple. Sey naman ng ilang Beliebers ipagluluksa nila ang engagement ni Justin.

The post Beliebers ipagluluksa ang kasalang Justin-Hailey appeared first on Bandera.

Lalaking umaaligid kay aktres, kaduda-duda ang gender

$
0
0

Hindi affected ang isang aktor sa non-showbiz guy na umaaligid sa isang kilalang aktres.

Nag-imbestiga na rin kasi ang aktor sa background ng non-showbiz guy. Nalaman niyang since birth ay wala itong naging girlfriend, huh! Ibig sabihin, mukhang kuwestiyonable raw ang gender nito.

Kaya kampante ang aktor na hindi ito papatulan ng aktres na never pang na-link sa lalaking may kaduda-dudang kasarian.

‘Yun nga lang, takot ang aktor na patusin nang totohanan ang aktres dahil alam niyang once patulan niya ito, wala na siyang kawala, huh!

The post Lalaking umaaligid kay aktres, kaduda-duda ang gender appeared first on Bandera.

Pakiusap ng fans ni Kris kay Gideon: Wag mo siyang sasaktan, paligayahin mo siya!

$
0
0

GIDEON PEÑA AT KRIS AQUINO

Nagpasalamat si Kris Aquino sa kanyang lawyer-friend na hindi niya pinangalanan sa kanyang post.

“This is a much deserved #gratitude post- because in a short period of time, he has consistently shown me genuine concern, friendship, respect & trust. Promised my sons some ‘just US’ no social media posting time for until we get home on Monday… so keeping my word & unplugging. #familytime

“I didn’t want to complicate his life & weaken our strengthening bond by naming him in this gratitude post but i was shown @pepalerts FB post that they thought this was for QC Mayor HB (Herbert Bautista). To clarify: from my I Love You Hater character Sasha’s tagline #satruelang- this post was for my now GOOD FRIEND, @the.mightywarrior,” she added.

That was her caption sa photo message niya which said: “Thank you, for wanting to stay, come what may.” That message was for Atty. Gideon Peña. Ang daming kinilig sa message na iyon ni Kris.

“Miss Kris si Atty. Gideon na siguro si Mr. Right mo, hoping. Ang saya-saya . #Lovelovelove.”

“Awww! Ms Kris so really happy for you both. I hope he’s genuine and will take care of you and your kids.

We all hope he’d be the ONE. You deserve happiness. Attorney wag mong sasaktan si Ms Kris we love her that much! Overjoy. Approve kami sa kanya mukha namang mabait and matalino just like you.”

“Hope he make u happy. U deserve it@krisaquino Praying for u and family. Atty. G paligayahin mo siya ha!”

So, approve sa fans ni Kris si Atty. Gideon.

The post Pakiusap ng fans ni Kris kay Gideon: Wag mo siyang sasaktan, paligayahin mo siya! appeared first on Bandera.


Richard Yap feeling blessed: nakita, nakausap si Pope Francis

$
0
0

RICHARD YAP AT POPE FRANCIS

SOBRANG na-happy si Richard Yap dahil sa dumating na suwerte sa kanya.

Nakapiling kasi niya si Pope Francis on his trip abroad and he narrated on his Instagram account kung paano ito nangyari.

“When God wills it, it will happen. We had the chance to meet Our Holy Father Pope Francis and attend First Friday Mass with Him celebrating it. We were even given the chance to shake his hand and say a few words.

“Feeling so blessed since the mass we were supposed to attend was to be on Sunday with Dylan and the rest of the boys, i was not supposed to catch it since i was leaving on Saturday, but suddenly we were invited to attend the mass on Friday. hope to share more pictures when we get it from the official photographer.”

That was his caption sa picture niya with Pope Francis. With that, ang daming nagpahatid ng mensahe sa isa sa bida ng Sana Dalawa Ang Puso.

“Sir Chard you and your family are blessed ! I’m very happy for you! Having been blessed attended mass , met personally in private by The Holy Father Francis is a Huge Blessing! I feel the Holy Spirit putting

His hands over you and your family protecting you always!”

“A wonderful experience indeed for you and your family.”

“You are so blessed…you meet Pope Francis. all your prayers will be granted through him. God Bless sir Martin Co.”

Samantala, sa Sana Dalawa Ang Puso ay pinakiusapan ni Martin (Richard) si Lisa (Jodi Sta. Maria) na sabihin sa kanya kung saan nakatira si Mona (Jodi) dahil gusto niyang makitang safe ito. Nagtampo si Mona nang mabili ang Tagpuan kaya pinagtaguan niya ito.

The post Richard Yap feeling blessed: nakita, nakausap si Pope Francis appeared first on Bandera.

Baron luminis na ang itsura, gumanda rin ang katawan

$
0
0

BARON GEISLER

Maganda na ang aura ni Baron Geisler ngayon.

Kitang-kita na ang pagbabago sa kanyang katawan. Nagkalaman na siya at hindi na haggard looking. Wala na ang aura niyang parang walang tulog. He has become cleaner looking kahit na mahaba na ang kanyang buhok.
Of late, he also posts biblical verses on his Facebook account. And a lot of photos of his trips, his exercise, his biking expeditions.

Sa isang post, he cited “1 John 4:11-12”. “Dear friends, since God so loved us, we also ought to love one another. 12 No one has ever seen God; but if we love one another, God lives in us and his love is made complete in us. An experience like no other.”

In another post of a photo na kuha sa kanyang trip sa isang lugar, he cited “Isaiah 18:5”.

“For before the harvest, as soon as the bud blossoms And the flower becomes a ripening grape, Then He will cut off the sprigs with pruning knives And remove and cut away the spreading branches.

“His pruning is all about growth rather than death. The Lord is concerned with trimming back our lives in order to produce more fruit, so what if you perceived God’s pruning shears to represent promise of the good that is yet to come?

“Think about how that ‘no’ is really about enjoying the present. That rerouting is an opportunity for a scenic route on the way to your destination.”

Ang daming na-happy na fans niya. Sana tuluy-tuloy na ang pagbabago ni Baron.

The post Baron luminis na ang itsura, gumanda rin ang katawan appeared first on Bandera.

Zoren nakipag-wrestling nang walang underwear

$
0
0

ZOREN LAGASPI

TAWA nang tawa si Zoren Legaspi sa isang eksenang ginawa niya para sa bagong daytime series ng GMA, ang Kapag Nahati Ang Puso na magsisimula na sa July 16 bago mag-Eat Bulaga.

Inamin ng mister ni Carmina Villaroel na napilitang siyang sumabak sa isang “maaksiyong eksena” sa nasabing serye nang walang suot na underwear. Ito ‘yung napapanood sa trailer kung saan lumusong sa putikan ang aktor.

“Usually, I bring four to five underwears kapag taping. Nakalimutan yatang isama ng P.A. (personal assistant) ko yung container na nandoon ang mga underwears ko.

“Kaya kung ano ang suot ko that day, yun lang ang underwear ko talaga. E, mud wrestling yung eksena. Kapag naputikan na ang suot kong brief, wala na akong masusuot for the rest of the taping.

“Kaya tinanggal ko na lang yung underwear ko at naka-shorts lang ako. Kaya going commando ako!

Nag-suggest na lang ako kay Direk Gil (Tejada) na huwag kaming kunan na nakatayo na nag-aaway sa eksena.

“Since mud wrestling iyon, nakadapa na lang kami sa putik. Doon na lang kami umiikot-ikot. Mahirap na kasi at baka may biglang may makita sila! Baka kasi biglang may mag-good morning sa mga tao!” natatawang chika ni Zoren sa nakaraang presscon ng Kapag Nahatid Ang Puso.

Makakasama niya rito sina Bea Binene, Benjamin Alves, Sunshine Cruz, Bing Loyzaga at marami pang iba.

Kuwento pa ni Zoren, maraming bagong aabangan ang manonood sa Kapag Nahati Ang Puso. Bukod sa ilang beses daw siyang pinaghubad ng kanilang direktor, may kissing scene at love scene rin daw siya with Sunshine and Bing.

Kinarir din daw ni Zoren ang pagpapapayat, “After my last teleserye with GMA na I Heart Davao, sinabi sa akin ni Ms. Lilybeth (Rasonable) na may gagawin akong bagong teleserye. Sa kakahintay ko, tumaba na ulit ako.

“E, biglang tumawag na si Ms. Lilybeth na kasama ako sa cast ng teleserye na ito. Kaya bago mag-taping, nag-program na ako ng workout ko. Nag-biking ako tapos I hit the gym twice a day. Iniba ko ang diet ko para ma-achieve ko yung look ng character ko. Ang hirap na i-maintain, pero mabilis akong nakapag-adjust sa ginagawa ko,” pahayag pa ng aktor.

“At isa pa, napasabak din ako sa medyo intimate scenes. E, first time ko to work with both Sunshine and Bing. Never ko silang nakasama sa mga movies and TV shows noon.

“Kaya nandoon yung maiilang ka pa, pero dahil kailangan believable ang mga characters ninyo, gagawin ninyo. It’s just being professional lang. Tulad ng bed scene namin ni Bing, nagtatawanan lang kami bago mag-take. Kasi nga, sa edad namin ngayon, nagagawa pa namin ang mga gano’ng eksena,” aniya pa.

Inamin din ni Zoren na hindi niya ipinaalam kay Carmina ang mga ginawa niyang intimate scenes sa KNAP.

“Hindi ko sinasabi kay Mina. Bahala na lang kung ano ang reaction niya kapag napanood niya! Si Mina rin naman, hindi niya sinasabi sa akin ang mga eksena niya sa Kambal, Karibal.

“E, napanood ko na may kissing scene sila ni Alfred Vargas. Sabi ko, ‘Teka nga, ilan ba ang kissing scenes ko with Bing and Sunshine?’ Gantihan na lang, di ba?” tumatawang kuwento ni Zoren.

In fairness, promising ang kuwento ng Kapag Nahati Ang Puso na siyang papalit sa My Guitar Princess ni Julie Anne San Jose.

The post Zoren nakipag-wrestling nang walang underwear appeared first on Bandera.

Klase sa ilang lugar sa MM kinansela ngayong araw, Hulyo 10

$
0
0

 

NAGDEKLARA pa rin ng suspensyon ng klase ngayong araw ang ilang lugar sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan dahil sa pag-ulan dulot ng hanging habagat na pinaiigting ng bagyong Gardo.

Kabilang sa mga nagkansela ng klase ay ang mga sumusunod: 

All Levels (Public and Private)

Malabon City

-Marikina City

-Navotas City

-Valenzuela City

-Cainta, Rizal

-San Mateo, Rizal

-Mamburao, Occidental Mindoro

-Zambales

– San Luis, Batangas

-Taal Batangas

The post Klase sa ilang lugar sa MM kinansela ngayong araw, Hulyo 10 appeared first on Bandera.

Matthysse kampante kontra Pacquiao

$
0
0

HABANG papalapit ang laban nina Manny Pacquiao at WBA welterweight champion Lucas Matthysse ng Argentina ay lalong nag-iinit ang paligid ng Kuala Lumpur, Malaysia kung saan gaganapin ang kanilang title fight.
Llamadong maituturing ang 35-anyos na kampeon sa labang ito at kampante siyang magwawagi sa kanilang sagupaan sa darating na Linggo sa Axiata Arena.
“I’ve been preparing for this (fight). I feel like Malaysia’s my home. I feel happy to be here,” wika ni Matthysse ayon sa kanyang interpreter.

“We trained really, really hard for this fight. I feel comfortable here in Malaysia so I’m ready to give my best.”
Naunang dumating sa Kuala Lumpur ang Argentinian champion noong Huwebes mula Los Angeles, California habang si Pacquiao ay dumating Lunes ng gabi lulan ng isang chartered flight mula Gen. Santos City.
“I’m 100 percent confident,”dagdag pa ni Matthysse.
Hindi naman padadaig ang kampo ni Pacquiao.
Sa katunayan ay nagbanta ang kanyang chief trainer na si Buboy Fernandez ng isang bagyong darating sa Linggo.
“Abangan nila yung pagbabalik ng storm from the Pacific. Antayin nila. Kung lumihis man yun bagyo na pumasok sa Pilipinas, ito talagang papasok,” sabi ni Fernandez.
Naniniwala si Fernandez na nagbalik na kay Pacquiao ang dati niyang lakas at liksi at sa darating na linggo ay maaagaw ng 39-taong-gulang na Senador ng Pilipinas ang korona ng kalaban.
Hindi rin umano malayo na magwawagi si Pacquiao sa pamamagitan ng knockout.
Huling nanalo ng knockout si Pacquiao siyam na taon na ang nakalilipas laban kay Miguel Cotto.
At sa kanyang huling siyam na laban ay limang beses lamang siyang nanalo.
Ang huling laban niya ay tinalo siya sa isang kontrobersyal na desisyon kontra Jeff Horn noong isang taon sa Brisbane, Australia. —Inquirer.net

The post Matthysse kampante kontra Pacquiao appeared first on Bandera.

Viewing all 44557 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>