Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44500 articles
Browse latest View live

Daniel may malakas na pasabog sa pagbabalik

$
0
0

daniel padilla
Napapansin lang namin, mukhang tahimik nang konti ang kampo ng baby nating si Daniel Padilla lately, ah. Maybe because there’s not much reason para mag-ingay ang mga nakapaligid sa kaniya.

Medyo nag-lie low sila sa promo kay bagets. Marami tuloy ang nagtatanong sa akin kung nag-wane na ba talaga ang popularity ng bagets natin.

Kasi nga, matagal-tagal ding nag-reign supreme si Daniel sa lahat ng form ng media – left and right ang balita on him pero of late nga, parang di siya gaanong napag-uusapan.

Sinadya ba nilang manahimik muna at magpabongga na lang ulit kapag malapit nang ipalabas ang bagong movie nila ni Kathryn Bernardo na sinu-shoot na ngayon?

Kungsabagay, kahit taon ang bibilangin bago mag-ingay ulit si Daniel ay nakapag-save na ito ng enough to last him a lifetime. He’s very rich na kasi. Nakaipon na iyan.

Magaling humawak ng pera ang mommy niyang si Karla Estrada – naitabi niya nang maayos ang pera ng anak, nakabili ng magagandang investments kumbaga.

Unlike some stars na natapos ang career na walang ipon kaya nagmukhang mga kawawa. Not Daniel! He’s soooo rich na. That’s good to know kaya walang dapat ikabahala ang fans niya, di ba? Kung hanggang kailan magla-lie low ang publicity kay bagets ay hindi ko alam.

Wait lang tayo nang konti – baka strategy nila ito para hindi naman maumay ang public na puro na lang siya ang laman ng entertainment news.

Malay niyo, may malaking balitang bubulaga on Daniel one of these days. Basta wish lang namin, very positive news on him ha. Ayaw ng mga fans.


Miss Universe-Jamaica may dugong pinoy?

$
0
0

keci
Totoo nga kayang may dugong Pinoy din si Miss Universe fourth runner-up Kaci Fennell ng Jamaica?

Ito kasi ang umiikot na balita ngayon sa social media – bukod sa pagiging Jamaican, meron din daw dugong African at Filipino rin si Miss Jamaica.

May interview raw kasi ito kung saan pinasalamatan niya ang kanyang Pinay sa pagsuporta lagi sa kanya. Narito ang nabasa naming pahayag daw ni Fennell nang manalo sa Jamaica’s Next Top Model: “I still can’t believe, I have finally won.

I am really thankful to my mother. She had always supported me and guided me through out the contest, she was herself a beauty pageant contestant in her home country the Philippines.

She had instilled her Filipino values in me and told me to always be humble, I guess that’s what helped me win.”

Gerald minulto sa Baguio: May mga naramdaman talaga ako!

$
0
0

gerald anderson
MERON palang nakakatayo ng balahibong experience si Gerald Anderson habang nagsu-shooting sila ni Julia Montes para sa  romance-horror movie na “Halik sa Hangin.”

Kuwento ni Gerald, may isang eksena sila sa pelikula na kinunan sa isang abandoned American house kung saan kailangan nilang buksan ang pinto sa isang kwarto.

Habang rumorolyo raw ang mga camera, at nasa gitna sila ng nasabing eksena, bigla na lang daw bumukas ang pinto kahit walang tao. “Ang galing ng timing kasi akala ko effects.

Biglang bumukas. Hinawakan ko si Julia, nasa gitna kami ng take, medyo naano kami du’n, pero itinuloy pa rin namin yung eksena. After ng cut, nagsigawan kaming lahat, ‘Ano yun?’” pag-alala ng Kapamilya actor na umaming talagang tumayo ang balahibo nila habag nagkukuwentuhan tungkol sa nangyaring kababalaghan.

Ayon naman sa direktor nilang si Manny Palo hindi na nila tinanggal ang nasabing eksena sa kabuuan ng movie dahil mas naging epektib ang dating nito.

“In this scene, the cameras were already rolling tapos there was one door na ang hirap hirap buksan, kailangang itulak siya. Tapos tamang tama, on cue, bumukas siya mag-isa.

Ginamit na namin sa movie talaga yung eksena. Hindi na namin inulit,” anang direktor.Bukod dito, may mga eksena rin sina Gerald sa Diplomat Hotel sa Baguio City na napapabalita ring pinamamahayan ng mga ligaw na kaluluwa.

“Pagpasok mo pa lang, makakaramdam ka na. Abandoned building na siya tapos madilim tapos yung ilaw ni direk, chill lang, hindi masyadong bright tulad ng ibang movies.

Medyo makakaramdam ka talaga ng something different pero wala naman po akong (sobrang nakakatakot na) experience, thank God,” dagdag pa ni Gerald.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga Pinoy na talagang maraming ligaw na kaluluwa sa iba’t ibang bahagi ng Baguio dahil nga sa naganap na malakas na lindol doon ilang taon na ang nakararaan.

Maraming gusali at bahay ang nawasak matapos ang nasabing killer earthquake. At ayon sa mga bali-balita, hanggang ngayon ay patuloy na gumagala ang mga kaluluwa ng mga taong nasawi sa nasabing trahedya.

‘BANGKAY’ biglang nabuhay sa teleserye nina Enrique at Liza

$
0
0

liza soberano
ISA sa mga inaabangang karakter sa seryeng Forevermore nina Enrique Gil at Liza Soberano sa ABS-CBN ay ang komedyanteng si Bangkay o mas kilala ngayon bilang si Bangki.

Nonong de Andres ang totoong pangalan ni Bangki na isa sa mga nagbibigay katatawanan sa nasabing programa ng ABS-CBN. Nakilala noong dekada 80 at 90 ang aktor sa mga horror at comedy films kung saan laging patay o zombie ang kanyang role, kaya naman binigyan siya ng pangalang “Bangkay.”

Mas nakilala pa si Bangki nang paulit-ulit siyang napapanood sa mga pelikula ng Comedy King na si Dolphy. Matagal na hindi napanood ang aktor sa telebisyon at pelikula dahil sa personal na kadahilan.

Pero matapos nga ang pitong taon, bumalik sa pag-arte si Bangkay na sinwerteng napasama Forevermore. Sa interview ng Rated K  sinabi nitong, “Kung kailan nga tumanda e.

Masayang-masaya ako. Di ko akalaing darating ang suwerte na ito.”Sey pa ng komedyante, dahil sa super close na samahan nila sa serye dahil na rin sa tagal na nilang pamamalagi sa Tuba, Benguet kung saan sila nagte-taping, ay nakatagpo siya ng ikalawang pamilya.

Sabi naman ng leading lady ni Enrique sa serye na si Liza, “Super happy ako para kay Tito Bangki. Love niya ang craft niya. Kahit may sakit siya, andito siya sa taping and he enjoys everything, so deserve talaga niya (ang tagumpay).”

Hirit naman ni Enrique, “Sabi niya, ‘parang alam ko sa 30 years ko sa business sa showbiz, ngayon lang ako nabigyan ng importance.’ Ako parang, seryoso, 30 years tapos ngayon lang? E ang galing-galing niya e!”

Tinanong naman ng host ng Rated K na si Korina Sanchez kung anu-ano sa mga horror movies na nagawa niya ang hinding-hindi niya makalimutan.

“Yung ‘Huwag Mong Buhayin Ang Bangkay’. Talagang natakot sa ‘kin ang mga tao doon. Isipin mo nga e, kapag bumaba ako sa isang kalsada, ‘yung naglalarong mga bata, mawawala lahat ‘yun.

Pati matatanda rin, pati taxi driver, di ako pinaparahan pag wala akong kasama.”  In fairness, hindi lang sina Liza, Enrique at iba pang sikat na artista sa Forevermore ang pinagkakaguluhan ngayon ng mga turistang dumadalaw sa location ng serye, dahil kahit si Bangki ay laging nire-request ng fans para maka-selfie.

Horoscope, January 28, 2015

$
0
0

Para sa may kaarawan ngayon:  Malawakang pagtitipid ang magandang ipatupad ngayong 2015 upang mas madaling umunlad.  Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo sa sandaling natuklasan niyang marunong kang magtipid. Mapalad ang 3, 15, 28, 31, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at apple green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Gamitin ang kakayahan sa pagtulong sa kapwa! Habang  isinasagawa ang public service, kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sa isang charitable event ay darating bigla ang true love.  Mapalad ang 3, 12, 18, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Om.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Pagdating sa kaibigan, ikaw ang pinakamapalad dahil marami kang mga tapat at mabuting kaibigan. Pero dapat ka pa ring mag-ingat sa isang kaibigang Leo. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong pagkatiwalaan,  ang kasuyong Virgo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Salva-Me-Om.” Red at purple ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)—Maaari nang magkatotoo ang iyong mga pangarap basta’t huwag ka lang magpabago-bago ng isip. Mag-concentrate sa dalawang gawain lamang – pagkakamal ng maraming salapi at maligayang pamilya. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Om.” Violet at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Kailangan ang pagmamahal mula sa  opposite sex. Kapag kasi may muling dumating ay huwag ka nang maging pihikan, sunggab agad. Sa Araw ng mga Puso, aanhin ang maraming salapi kung wala ka namang special someone? Mapalad ang 2, 7, 20, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Green at yellow ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Bago magpasarap ay unahin muna ang pagse-savings. Kapag marami ka ng ipon, kusang sasarap ang buhay. Sa pag-ibig isama ang kasuyo sa binabalak na pamamasyal. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Durga-Om.” Green at white ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Kahit na sobrang busy ang mga araw, gumawa ng paraan na laging makausap ang minamahal. Sa pinansyal, wag hayaang sumama ang loob ng mga kaibigan ng dahilan lang sa pera. Mapalad ang 6, 19, 21, 27, 38, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Pink at yellow ang buenas.

 Libra – (September 23-October 23)—Sa taong ito,  umiwas sa mga intriga dahil ito ang sisira sa iyo at magbibigay ng malaking problema. Sa pinansyal, huwag ikalungkot ang kawalan ng salapi dahil pagdating ng buwan ng Pebrero ay kusa nang gaganda ang pasok ng pera. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Blue at silver ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Ganoon talaga ang pag-ibig— kahit ilang ulit at ilang beses ka pang masaktan, siya pa rin ang tinitibok ng iyong puso at isipan. Mag-ipon ka ng maraming pera at magpayaman upang muling bumalik  ang kasuyong dating minahal. Mapalad ang 6, 19, 24, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Magenta at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag magdamdam sa mga puna at pintas ng mga kasamahan. Sa mga pula at pintas, lalong tatatag ang iyong personalidad. Sa pag-ibig, ang matatag na personalidad ang hihigop ng magandang kapalaran.  Mapalad ang 5, 17, 22, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Arjuna-Govinda-Om.” Beige at pink ang buenas.

 Capricorn – (December 22 – January 19)—Ubusin ang oras sa paggawa ng mga bagay na pagkakaperahan at tigian muna ang pagpe-Facebook. Sa pag-ibig, ang ngiti ng kasuyo ay sapat nang magpapaligaya sa bawat araw. Mapalad ang 4, 18, 22, 31, 39, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Purana-Om-Padma.” Red at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Bigyan muli ng pagkakataon ang puso na umibig at mag mahal. Sa ganyang paraan ay kusa nang darating ang maganda at masayang kapalaran. Sa pinansyal, muling magsimula ng bagong kalakal na may kaugnayan sa pagkain  at modernong kumunikasyon. Mapalad ang 5, 7, 18, 27, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Apo-Roque-Apo-Roque.” Gray at lilac ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Tulad ng dati, kakapusin na naman sa salapi. Higit mong kailangan ngayon ang suporta ng iyong pamilya. Sa pag-ibig, wala na talagang maaasahan sa kasuyong tatamad-tamad. Palitan na siya at maghanap ng isang masipag na Capricorn. Mapalad ang 2, 7, 29, 37 40 at 46.  Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Pink at green ang buenas.

Frencheska Farr mala-Jennifer Lopez sa bagong MTV

$
0
0

francheska farr
Speaking of talino, nire-re-invent ng magaling na singer na si Frenchesca Farr ang kanyang sarili.

Matagal-tagal na rin sa showbusiness ang singer-actress at ngayon lang daw niya parang gustong makawala sa sarili.
“May mga past po kasi tayo na gusto nating ibaon sa limot, na gustong kalimutan.

With my passion now to writing songs and making music of my own, ang sarap lang mag-express. Sana po ay magustuhan at makilala ako through my songs,” pahayag ng morenang singer sa amin.

Ang past nga na binabanggit ni Frenchesca ay ang tila pagkakaroon nila ng hindi usual at normal na communication set-up sa bahay nila. “Ako po kasi ang naging breadwinner sa amin.

Dalawa lang kaming magkapatid, panganay ako at lalaki yung sumunod sa akin na medyo malayo ang age-gap. “Tahimik ang father ko habang maingay ang mama ko.

Sa ganu’ng set-up, talang maraming problemang lalabas. Good thing po na ngayon ay mas naging open na kami. And I’m proud to say na malaking bagay yung naibubuhos ko sa pagsusulat ng mga kanta ang lahat ng nangyayari sa buhay ko,” dagdag pa ng Kapuso singer-actress na sa tingin namin ay nagiging kamukha na ni Nikki Gil.

“Let My Fire Out,” ang unang kanta na naisulat at nagawan ng music video ni Frenchesca at nang marinig at mapanood namin ito, na-impress naman kami sa simpleng mensahe ng song – na sa buhay ay maaari ring sumigaw at kumawala sa isang emosyon lalo na kapag nahihirapan ka na.

Napakaseksi at may mga moves si Frencheska sa kanyang MTV na mala-Jennifer Lopez ang dating. Sana nga ay maging succesful pa siya sa mga susunod niyang endeavors.

Zsa Zsa binigyan ni Conrad ng promise ring

$
0
0

zsazsa padilla
Promise ring at hindi engagement ring ang ibinigay kay Zsa Zsa Padilla ng kanyang live in partner na si Conrad Onglao.
Ayon kay Zsa Zsa, hindi pa nagpo-propose sa kanya ang negosyanteng BF pero may mga ipinangako ito sa kanya na sana raw ay matupad.

“May promise siya sa akin and tignan natin kung may matupad,” sey ng Divine Diva sa interview ng The Buzz last Sunday.
Ayon kay Kris Aquino, ipinagtanong na niya kung anu-ano ang meaning ng iba’t ibang kulay sa promise ring na suot ni Zsa Zsa.

“The pink gold symbolizes love, the yellow gold symbolizes fidelity, and the white gold symbolizes friendship. So it’s like love and friendship that will last forever,” esplika ng TV host-actress.

Kamakailan lang ay nag-celebrate sina Zsa Zsa at Conrad ng kanilang 10th monthsary at malamang dito ibinigay ng businessman ang promise ring kay Zsa Zsa.

Inamin din ng dalawa na na magkasama na sila ngayon sa isang bahay. Natatawa ring ikinuwento ng Divine Diva na talagang tinanong pa niya sa anak nasi Karylle kung bakit ba nagse-celebrate ng “monthsaries” ang mga magdyowa.

Ani Zsa Zsa, “Gusto kong makigaya ng monthsary. Sabi ko kay K (Karylle), bakit ba nagma-monthsary?’ Sabi niya, ‘Kasi mama, ang mga relationships ngayon mahirap na mag-last kaya kada-month na talaga (sine-celebrate).’”

Sinabi rin ng dating partner ng yumaong Comedy King na si Dolphy na iba ang kaligayahang nadarama niya ngayon sa piling ni Conrad at talaga raw ipinagdasal niya ang pagdating nito sa kanyang buhay matapos nga siyang “iwanan” ni Pidol noong July, 2012.

“I did (nagdasal sa pagdating ni Conrad sa kanyang buhay). I even asked the universe na this is what I want. Sabi ko kailangan talaga kumpleto,” aniya pa.

Sa huling interview naman namin sa mommy ni Karylle, sinabi nitong hindi na siya masyadong nag-e-expect ng kasal dahil parang may trauma na rin siya rito matapos ngang mapurnada ang wedding nila noon ni Mang Dolphy.

inquirer bandera luzon edition


Bandera Lotto Results, January 27, 2015

$
0
0
Lotto Game Combinations Draw Date Jackpot Winners
Superlotto 6/49 01-47-02-27-37-24 1/27/2015 16,000,000.00 0
6Digit 6-3-0-1-3-1 1/27/2015 2,661,647.00 2
Swertres Lotto 11AM 1-0-6 1/27/2015 4,500.00 871
Swertres Lotto 4PM 9-2-5 1/27/2015 4,500.00 801
Swertres Lotto 9PM 0-1-3 1/27/2015 4,500.00 806
EZ2 Lotto 9PM 21-12 1/27/2015 4,000.00 352
Lotto 6/42 08-07-09-20-02-41 1/27/2015 45,839,564.00 0
EZ2 Lotto 11AM 27-29 1/27/2015 4,000.00 201
EZ2 Lotto 4PM 11-28 1/27/2015 4,000.00 250

Heart maglalakad mag-isa sa kasal nila ni Chiz sa Balesin

$
0
0
CHIZ ESCUDERO AT HEART EVANGELISTA

CHIZ ESCUDERO AT HEART EVANGELISTA

NAKAKALUNGKOT  naman kung totoong maglalakad nang isa si Heart Evangelista patungo sa altar sa wedding nila ni Sen. Chiz Escudero.

May nabasa kasi akong item na sinabi nga ni Heart na handa na siyang maging “alone” sa kanyang kasal na gaganapin sa Feb. 14 sa Balesin Island dahil hindi na talaga dadalo ang kanyang mga magulang. Kailangan daw niyang magpakatatag para sa kanyang husband-to-be na si Sen. Chiz.

Hindi rin sure ang aktres kung makaka-attend sa Manila reception ang parents niya na magaganap naman a week after their wedding. How sad naman, di ba?

But of course, mas maganda pa rin kung pupunta ang magulang ni Heart sa wedding para kumpleto talaga ang kaligayahan ng kanilang anak sa espesyal na araw na iyon.

Julia, Gerald game na game sa kama; hubad kung hubad

$
0
0
GERALD ANDERSON AT JULIA MONTES

GERALD ANDERSON AT JULIA MONTES

STAR-STUDDED ang ginanap na premiere night ng “Halik Sa Hangin” na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, JC de Vera at Julia Montes last Tuesday.

Dumating ang teleserye leading man ni Julia na si Coco Martin at executives ng Dreamscape Entertainment TV, headed by Deo Endrinal.

Sinuportahan naman si Gerald ng kanyang teammates sa basketball tulad nina EJ Falcon, Ken Anderson and Xian Lim. Isa sa mga pinakaunang dumating sa premiere night si Xian pero maaga rin siyang umalis.

Namataan din namin si Meryll Soriano na tila ‘di rin tinapos ang movie. Most probably, humabol si Meryll sa birthday party ng kanyang ama na si Willie Revillame sa Will Tower Mall.

Earlier, panay na ang announce ni Eric John Salut sa loob ng sinehan na manonood din ng “Halik Sa Hangin” that night si Vice Ganda. Na-late ng dating si Vice at ‘di na namin namalayan na umakyat sa premiere section sa loob ng sinehan. And after ng premiere night, nakita namin si Vice na dumaan sa isa sa secret exit doors ng SM Megamall.

Sa cast party ng “Halik Sa Hangin” nakausap namin si Julia na overwhelmed na overwhelmed sa mga papuri sa performance niya sa movie. Pinakatinilian talaga sa movie ang bed scene nila ni Gerald.

First time pala ni Julia na gumawa ng ganoong eksena sa pelikula. Kabadung-kabado raw siya noong ginawa nila ni Gerald ang eksenang ‘yun. Kaya patutul-putol daw ang kuha ng mga anggulo.

Present ang lola ni Julia sa premiere night. Ang lola niya ang namamahala ng beauty salon na itinayo ni Julia sa bandang Paco, Manila. May balita na nagsara na raw ang naturang parlor. Pero ayon mismo sa handler ni Julia sa Star Magic, nandoon pa rin daw ‘yung beauty parlor ni Julia.

OFW tumalon sa gusali

$
0
0

NAULIT na naman ang balitang tumatalon ang ating mga kababaihan mula sa gusaling nagsisilbing kulungan nila bilang mga sex slave, habang pinagkakakitaan naman sila ng ibang tao.

Isa na namang OFW ang na-engganyo ng kapwa babaeng OFW.  Lumipat na lang daw ng trabaho sa coffee shop sa Kuwait kaysa magsilbing domestic helper.

Natural, nagkainteres ang OFW kung kayat nakipagkita sa Pilipinang inasahang tutulong sa kanya na mapabuti ang buhay sa Kuwait.

Ipinakilala siya ng Pinay sa ibang lahi at dinala sa isang apartment at doon ikinulong. Isa pang Pinay ang nakita niya sa lugar.

Dalawa anya silang biktima na naroroon.

Dinadalhan sila ng mga kostumer sa gusali, at tantiya niya halos 40 kalalakihan ang araw-araw na nagtutungo roon para gumamit sa kanila.

Kaya nang magkaroon ng pagkakataon itong ating OFW, nagawa niyang tumalon mula sa ikatlong palapag na naturang gusali.

Bahala na ‘anya, kaysa naman manatili siyang bilanggo sa kamay ng mga nagsasamantala sa kanila. Sa kasalukuyan, ligtas na ang ating kabayan.

Maraming taon na ang nakararaan, isang OFW naman ang tumalon din sa isang gusali mula sa Kuwait nang gawin din siyang sex slave.

Lumapit ang mga kamag-anak ng biktima sa Bantay OCW at ayon sa kanila, may asawa at tatlong mga anak ang OFW.

Nagpumilit ‘anyang umalis ito upang makatulong sa asawa.

Ayon sa kapatid ng biktima, may itsura ang kanyang kapatid.

Nagulat na lang sila na ilang buwan ang nakalipas ay hindi na ito nakipag-ugnayan sa kanila.

Ni pangungumusta ay walang narinig mula sa kanya.

Hindi naman agad nag-alala ang pamilya at nagtiwala na tatawag at kokontak muli ito sa kanila.

Kaya makalipas ang ilang mga buwan, laking gulat na lamang nila nang itawag sa kanila ng ating embahada na natagpuan ang ating OFW na lasug-lasog ang katawan dahil sa pagbagsak nito matapos tumalon mula sa na-turang gusali.

Nakiusap ang OFW na huwag na lang sanang ipaaalam sa pamilya ang tunay na nangyari sa kaniya. Pakiusap niya, sabihin na lamang na tumakas siya mula sa mapang-aping employer kung kaya’t tumalon siya sa building kung saan sila nakatira.

Ganon ang itinanim niya sa isip ng mister at mga anak.  Pero  nagawa niyang ipagtapat ang totoo sa kanyang kapatid na siya namang nagsabi sa Bantay OCW.

Ayaw nang magreklamo ng OFW. Ayaw niyang malaman ng asawa ang nangyari sa kaniya.

Lalo lang ‘anya silang magkakagulo, pati na mga anak nila madadamay pa.

Hinayaan na lamang namin ang OFW sa kaniyang kahilingan. Nabalitaan na lang namin na nakipag-hiwalay na ito sa asawa at ramdam ni mister, para ‘anyang nasisi-raan ng bait si misis.

Palibhasa’y hindi nga niya ipinagtapat ang masakit na karanasan sa Kuwait, kung kaya’t na-ging mahirap  para sa ating OFW na maka-recover mula sa traumang pinagdaanan sa takot din niyang pagpistahan ang nangyari sa kaniya.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Inquirer Radio dzIQ 990 AM mula  Lunes – Biyernes, 10:30 am 12:00 noon.  Aaudio/video live streaming:                                       E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/ susankbantayocw@yahoo.com  www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0927.649.9870

MJ mas lalong ginalit ang mga beki dahil sa ipinost ng red gown

$
0
0
MJ LASTIMOSA

MJ LASTIMOSA

MJ Lastimosa probably wants the public to get a glimpse of the controversial gown she was to wear sana during the Miss Universe peageant.

Hindi siguro napigilan ni MJ na ipakita sa kanyang adoring public ang gown na type niya sanang isuot sa pamosong beauty pageant.

Sa kanyang latest photo posted on her Instagram account, isang makulay na red gown na gawa ni Leo Almodal ang bumulaga sa kanyang followers.

Pabulosa ang gown at talagang world-class. Dapat ay nakita ni Stella Marquez Araneta kung gaano kagaling ang Pinoy designer na si Leo. Malayung-malayo siya kay Alfredo Barraza, ‘yung Colombian fashion designer na parang pang-perya lang ang mga creations tulad ng national costume gown na ginawa niya for MJ.

Sa kanyang Instagram photo ay ipinakita ni MJ na talagang world-class ang mga gown na gawang Pinoy. Walang binatbat ang mga Barraza na ‘yan na hindi naman kilala sa ibang bansa, no!

Lalo ngang nagwala ang netizens nang makita ang red gown ni MJ sa Instagram. Ang collective aria nila, tantanan na ang pagkuha kay Barazza.

Actually, bongga pala ang mga gown na gawa ni Leo like the ones worn by Megan Young for the Miss World pageant. Ang many netizens believe na kung ito ang isinuot ni MJ sa Miss Universe posibleng nakapasok din siya sa top 5.

Horoscope, January 30, 2015

$
0
0

Para sa may kaarawan ngayon:  Huwag gawing kumplikado ang buhay. Sa pag-ibig, maghanap ng simpleng taong mamahalin upang lumigaya ang buhay. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Libra. Mapalad ang 3, 18, 21, 30, 38, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Red at silver ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Disiplinahin ang sarili. Kung marami kang kahinaan, paano ka uunlad? Sa pag-ibig, hindi puro sex ang bumubuhay sa relasyon, kailangan din ng tiwala at paggalang. Mapalad ang 1, 13, 23, 26, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod- He-Vau-Weh.” Orange at white ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Habang nalalapit ang Araw ng mga Puso ay ituloy ang pagiging romantiko upang lalo pang sumarap ang nalalapit na romansahan. Sa pinansyal, sa isang negosyo may kaugnayan sa Valentine’s Day ay malaking halaga ng salapi ang kikitain. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Kikita ng malaking halaga kung ipapatupad agad ang anomang unang pumasok sa isipan. Sa pag-ibig, huwag pag-alinlanganan ang pag-ibig ng kasuyong Aquarius. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Blue at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Itigil muna ang sobrang bait. Minsan ang sobrang kabaitan ay isa na ring katangahan. Mas malaking halaga ang kikitain kung ietsapuwera na ang mga taong sumasamantala sa iyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Green at yellow ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Ingatan ang natitirang salapi! Ngayon pa lang ay paglaanan na ang nalalapit na Araw ng mga Puso. Sa pag-ibig at negosyo, habang lumalapit ang buwan ng Pebrero ay lalong magiging positibo ang karanasan. Mapalad ang 6, 10, 29, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla-Om.” Apple green at black ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Unahing kumbinsihin ang mga taong nakapaligid sa iyo upang sila ay mapagkakitaan. Sa pag-ibig, laging purihin ang magagandang katangian ng kasuyo upang ma-appreciate niya ang kanyang value. Mapalad ang 5, 8, 14, 19, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Om-Aum.” Gold at beige ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) —Panahon na upang disiplinahin ang sarili. Sa pagkain, iwasan ang pagiging matakaw upang hindi ka masyadong tumaba. Sa pag-ibig at salapi, kasaganaan at maligayang relasyon ang aanihin kung patuloy kang magpapaka-sexy. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.”  Lilac at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Mahirap talagang kitain ang pera kaya sa darating na Araw ng mga Puso, simpleng selebrasyon na lang ang dapat kasama ang mga mahal sa buhay. Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra:  Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Green at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi magiging maligaya sa pag-ibig kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Hindi  sa pamamagitan ng emosyon ka liligaya kundi sa pamamagitan ng maraming pera. Umpisahan nang magpayaman.  Mapalad ang 7, 16, 28, 37, 43 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor.” Yellow at black ang buenas na kulay.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi darating ang suwerte kung puro ka pangarap. Maraming pagkilos ang kailangan upang umunlad din ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang matiyagang pakikipagbolahan sa kasuyong Cancer.  Mapalad ang 1, 14, 23, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” Silver at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Huwag maniwala sa sinasabi ng iba, makinig ka sa sarili mong intuition. Sa ganyang paraan, sa pag-ibig ay maiiwasan ang kabiguan habang sa pinansyal ay tuloy ang dating ng maraming pera. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Viam-Inveniam-Om.” Blue at silver ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—          Sa pag-ibig, may suwerteng hatid ang isang Virgo kaya huwag mo na siyang pakawalan. Sa pinansiyal, iwasang ubusin ang salapi sa pagkain at mag-isip ng paraan kung paano madodoble ang kasalukuyang kinikita.  Mapalad ang 6, 18, 24, 40, 46 at 48. Mahiga mong mantra: “Klan-Kun-Shadi-Om.” Violet at red ang buenas.

Kulang pa sa SSS contribution

$
0
0

MAGANDANG araw sa Aksyon Line.
Tatlong taon na lamang ay mag-60 years old na ako. Gusto ko  sanang malaman kung pwede ba akong mag voluntary contribution  sa SSS para  makahabol at makapag-pension.
Gusto ko rin sana na malaman sa SSS kung ilan na ang aking contributions at kung may pagkakautang pa ako para magawan namin ng paraaan. Ang aking SSS no. …009.
Maryjane Lara

REPLY: Para sa  katanu-ngan ni Gng. Lara,  base sa aming record, mayroon kayong 80 contributions  at kinakailangan pa ng 40 contributions para  maka-avail ng pension benefits sa edad na 60 years old.

Maaari pa rin kayong magpatuloy sa pagbabayad ng contribution sa SSS bilang self employed. Mas magandang simulan na ngayon ang paghuhulog dahil tatlong taon at apat na buwan ka pang maghuhulog para mapunan ang 120 months contributions.

Lumalabas din sa SSS record na ikaw ay may  emergency loan at salary loan si-mula pa noong 1984  na hindi pa nababayaran na mahigit sa P30,000.
Maaari naman bayaran kahit paunti-unti para pagdating ng retirement age ay hindi na magkaproblema pa.

Maaaring magtungo sa anumang pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar para sa pagbabayad ng iyong obligations.

Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer
Media Affairs
Department
Social Security System

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa jbilog@bandera.ph,  jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.


The kingdom of God

$
0
0

January 30, 2015 Friday, 3rd Week in Ordinary Time 1st Reading: Heb 10:32-39 Gospel: Mk
4:26–34

Jesus also said, “In the kingdom of God it is like this. A man scatters seed upon the soil. Whether he is asleep or awake, be it day or night, the seed sprouts and grows, he knows not how. The soil produces of itself; first the blade, then the ear, then the full grain in the ear. And when it is ripe for harvesting they take the sickle for the cutting: the time for harvest has come.”Jesus also said, “What is the kingdom of God like? To what shall we compare it? It is like a mustard seed which, when sown, is the smallest of all the seeds scattered upon the soil. But once sown, it grows up and becomes the largest of the plants in the garden and even grows branches so big that the birds of the air can take shelter in its shade.”

D@iGITAL-EXPERIENCE
(Daily Gospel in the
Assimilated Life
Experience)

Drawing from his listeners’ farming experience Jesus compared the kingdom to the sprouting of seeds. Just as a farmer loses control over the seeds he has committed to the ground, so is the establishment of the kingdom of God beyond human control. This teaching revived in the Jews the longing for political stability so that they would no longer be a colonized nation. Earlier they had clamored for a human king despite their ancestors’ experience of the power of God leading them out of Egypt. God had given in to their clamor and instructed a prophet to anoint a king from among them.But as God had predicted through Samuel, these kings became unfaithful and began to act like gods. The result was disastrous because left to themselves they failed to protect God’s people from the enemies.

This bitter experience with human kings deepened their desire to take God as their only king. Jesus’ message by way of the parable of the seed was truly good news to them because it emphasized on the kingdom’s establishment independent of human strength.But Jesus hastened to add that this implied the abandonment of self-centeredness so that God can take full control. “Repent,” Jesus said to them, “for the kingdom of heaven is close at hand”(Matthew 4:17).

Today’s Gospel message directs our attention to the kingdom of God in our midst. The kingdom of God is among us offering us true deliverance through the sacraments. By these sacraments we are no longer nourished by manna in the desert but by the Body and Blood of Christ in the Eucharist. But to receive this deliverance and live as free citizens of this kingdom, we have to abandon our selfish ways and enthrone God as our only king.- Rev. Fr. Dan Domingo P. delos Angeles, Jr., DM. Email:dan.delosangeles@gmail.com. Website:www.frdan.org.

May comment ka ba sa column ni Father Dan? May tanong ka ba sa kanya? I-type ang BANDERA REACT <message /name/age/address> at i-send sa 4467.

Marian may ‘sakit’ kaya takot sa English

$
0
0
MARIAN RIVERA

MARIAN RIVERA

IS Marian Something suffering from xenoglossophobia?

We’re asking this because in one of the latest episodes of Eat Bulaga’s Juan for All, All for Juan segment ay nag-walkout ang bruha.

But don’t misinterpret it. Actually, her walking out was replete with humor. Tumalilis kasi ang hitad when the winner was already speaking in English.

Alam n’yo naman si Marianita, very vocal siya sa pagsasabing hindi siya kagalingan sa King’s language. Aminado naman siya na although she’s a college graduate ay ang pagsasalita sa wikang Ingles ang kanyang waterloo.

Now, going back to our question, hindi naman siguro nagsa-suffer si Marianita sa so called foreign language anxiety or xenoglossophobia which is described by Wikipedia as “the feeling of unease, worry, nervousness and apprehension experienced when learning or using a second or foreign language.

“These feelings may stem from any second language context whether associated with the productive skills of speaking and writing, or the receptive skills of reading and listening.”

BANDERA VISAYAS JANUARY 30, 2015

$
0
0
BANDERA VISAYAS JANUARY 30, 2015

BANDERA VISAYAS JANUARY 30, 2015

Tumbok Karera Tips, January 30, 2015 (@Metro Turf)

$
0
0

Race 1 –  PATOK – (1) Wise Decision; TUMBOK – (2) She’s Gorgeous; LONGSHOT – (6) Jet Setter’s Lim
Race 2 –  PATOK – (1) Time To Explode; TUMBOK -(2) Rider Of The Wind; LONGSHOT – (5) Angeluz
Race 3 –  PATOK – (1) Conqueror’s Magic; TUMBOK – (5) Echikatsu; LONGSHOT – (4) Lasting Rose
Race 4 –  PATOK – (6) Divine Zazu; TUMBOK – (5) Star Belle; LONGSHOT – (2) Spinning Light
Race 5 –  PATOK – (7) Gold On Fire; TUMBOK – (5) Fort Belle; LONGSHOT – (1) Allbymyself
Race 6 –  PATOK – (3) Gabbi’s Choice; TUMBOK – (6) Role Model; LONGSHOT – (8) Sweet Victory
Race 7 –  PATOK – (2) Matang Tubig; TUMBOK – (6) Top Meat; LONGSHOT – (3) Attila/Black Fury
Race 8 –  PATOK – (5) Kuya Yani; TUMBOK – (3) Lady Boss; LONGSHOT – (4) Esquisse Esquisse
Race 9 –  PATOK – (9) Fine Bluff; TUMBOK – (5) Lucky Man; LONGSHOT – (6) Sea Master

Sorry na lang LJ: JC dedma lang sa Valentine

$
0
0

lj reyes
MASAYANG ibinalita ni JC de Vera sa amin na puspusan na ang pagti-taping niya para sa bago niyang teleserye sa Kapamilya network kasama sina Richard Gomez at Dawn Zulueta, ang Will Never Say Goodbye.

Nakatsikahan namin si JC after ng premiere night ng movie nila nina Gerald Anderson at Julia Montes na showing na ngayon, ang “Halik sa Hangin.”

Nasa third week na raw sila ng script at mala-Maalaala Mo Kaya  ang sinu-shoot nila. Hindi sure ni JC kung kailan ito eere, although, malamang daw sa first quarter ng taong ‘to.

Pinatunayan lang nito na ‘di true ang tsikang nakarating sa amin na ayaw daw muna niyang gumawa ng teleserye when he is offered to be a part ng cast ng Flor de Liza.

During that time, dalawang pelikula ang sabay na ginagawa ni JC noong alukin siya para sa Flor de Liza. “Ah, hindi po siya nakarating sa akin.

Eto talaga ‘yung ginagawa ngayon, ‘yung Will Never Say Goodbye. Eto talaga ‘yung inupuan namin para mag-meeting,” paliwanag niya.

Actually, nagsu-shoot pa raw si JC ng “Halik Sa Hangin” ay nagsimula na rin siya ng taping para sa nasabing serye.
Anyway, diretsong  sinabi sa amin ni JC na hindi niya inimbita ang natsi-tsismis na girlfriend niya ngayon na si LJ Reyes sa premiere night ng “Halik Sa Hangin.”

Pero hindi lang daw dahil taga-GMA si LJ kundi sadyang pamilya lang daw ni JC ang inimbita niya. Maayos naman daw ang relasyon nila ni LJ.

“Yeah, okey naman kami.  Actually, busy lang talaga. Busy lang talaga ako sa work. So, wala. ‘Yung mindset ko napupunta sa work,” lahad ng binata.

Madiin naman niyang itinanggi na magsyota na talaga sila ni LJ, “Ay, hindi po. Hindi pa po talaga. Steady lang po kami. Usap-usap, ganyan.

Kapag may chance, siguro, minsan nagkikita. But not all the time. Hindi naman constant ‘yung communication dahil nga sa trabaho.”  Ilang linggo na lang at Valentine’s Day na.

For sure, magse-celebrate sila ni LJ, “Ah, magti-taping (ako, hehe. Oo, magti-taping po talaga ako. Ever since naman po   may trabaho ako lagi kapag Valentine’s day.”

Kahit daw mag-celebrate sila before or after ng Valentine’s day wala raw siyang nakikitang oras para makapag-date sila ni LJ. Araw-araw daw kasi may taping siya, “Siguro ang lovelife talaga nase-set aside ‘yan.

Kaya wala na munang date-date,” ngiti niya. Wala namang isyu sa pagitan ni JC at ex-lover ni LJ, na ama rin ng anak nito na si Paulo Avelino. Parati raw silang nagkikita ni Paulo since pareho silang nasa ABS-CBN at iisa ang kanilang manager na si Leo Dominguez.

But with regards sa relasyon nila ni LJ, hindi raw nila napapag-usapan ang tungkol kay Paulo. Wala rin daw problema kung magsama sila ni Paulo sa isang  proyekto.

Viewing all 44500 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>