Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44603 articles
Browse latest View live

Tumbok Karera Tips, January 24, 2015 (@Metro Turf)

$
0
0

Race 1 – PATOK – (8) Son Of Thunder; TUMBOK – (1) Sta. Monica One; LONGSHOT – (5) The Thing
Race 2 – PATOK – (2) Iwo Jima; TUMBOK – (4) The Fountainhead; LONGSHOT – (3) Dwindwindwin
Race 3 – PATOK – (1) Newton’s Gal; TUMBOK – (5) Love A Belle; LONGSHOT – (2) Kiss Me
Race 4 – PATOK – (2) Lucky Dream; TUMBOK – (4) Lady In Waiting; LONGSHOT – (5) Graceland
Race 5 –PATOK – (8) Five Star; TUMBOK – (9) Batang Craig; LONGSHOT – (7) Satin Lace
Race 6 – PATOK – (4) Time To Explode; TUMBOK – (5) Patricia’s Dream; LONGSHOT – (2) Holy Nitro
Race 7 – PATOK – (8) Matang Tubig; TUMBOK – (7) Topnotcher; LONGSHOT – (5) Lady Marilyn
Race 8 – PATOK – (3) Etonako; TUMBOK – (2) King Samer; LONGSHOT – (7) Kornati Island
Race 9 –  PATOK – (1) Eskapo; TUMBOK – (4) Good Son Carlo; LONGSHOT – (3) The Reason Why
Race 10 – PATOK – (6) Mrs. Teapot; TUMBOK – (8) Royal Reign; LONGSHOT – (5) Bullbar
Race 11 – PATOK  – (8) Rightsaidfred; TUMBOK – (1) Blue Material; LONGSHOT – (10) Champs


Kris tinira si Dennis; binatikos sa pagkampi kay Julia

$
0
0

kris aquino
Tinatanong kami ng a-ming mga kaibigan, meron daw bang personal na galit si Kris Aquino kay Dennis Padilla, halatang-halata raw kasi na sa isyung namamagitan sa komedyante at sa anak nitong si Julia Barretto ay kamping-kampi si Kris sa panig ng batang aktres.

Buong-ningning kasing nag-opinyon si Kris na dapat ay si Dennis na ang unang bumati sa kanyang anak, ang ganda-ganda raw ni Julia, na para bang pagandahan ang labanan at hindi ugali ang mas binibigyan ng katwiran.

Taliwas ang opinyon ni Kris sa katwiran ng mas nakararami nating kababayan, lalo na’t inamin ng aktor na tahasan itong i-nisnab ng kanyang anak, mas kumakampi pa raw si Kris sa isang malditang anak kesa sa unawain ang damdamin ni Dennis.

“Dapat, kung magbibigay ng personal na opinion niya si Kris, e, alamin niya muna ang puno’t dulo ng pangyayari. Hindi ‘yung basta mag-oopinyon na lang siya na dapat, e, si Dennis ang unang bumati sa anak niya.

“Okey ba sa kanya ang ganu’n? As a mother, lalo na’t nasa ganu’ng situation din ang mga anak niya, e, naging ba-lanse dapat siya sa pagbibigay ng opinion.

“Makakampi lang? Akala ko ba, e, malapit ang loob niya sa mga artistang mabait sa magulang? Palagi niyang sinasabi ‘yun, pero bakit napaka-inconsistent niya?

“Parang sinasabi pa niya ngayon na okey lang na bastusin ng mga anak ang parents nila. Si Kris talaga!” kuwento pa ng aming kausap.

Edgar sa paglipat sa ABS-CBN: Gusto ko nang bago!

$
0
0

edgar allan guzman
Mula TV5 ay tumawid naman sa ABS-CBN ang da-ting Kapatid artist na si Edgar Allan Guzman. Ang last show ng aktor bago siya nagpaalam at ang kanyang manager na si Noel Ferrer sa Happy network ay ang gag show na Tropa Mo ‘Ko Unli.

Nagpaalam naman daw sila ng maayos sa TV5 bago umalis. Nais naman nilang subukan ang bagong opportunity na mabibigay sa kanya ng Kapamilya network.

Pumirma sila ng kontrata sa ABS-CBN on a per show basis. At ang unang show na lalabasan ni Edgar ay ang daytime drama-series na Oh My G! na pinagbibbidahan ni Janella Salvador.

Nagsimula na last Monday, bago mag-It’s Showtime, ang Oh My G! at makakasama ni Edgar dito bukod kay Janella sina Janice de Belen, Sunshine Cruz, Dominic Ochoa at marami pang iba.

Bukod dito, mapapanood din si Edgar sa episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi. Makikipagtagisan siya ng husay sa pag-arte sa aktor na si  Nonie Buencamino sa nakakaantig na kwento ng relasyonn ng isang ama at ng kanyang anak na binabae sa programa ni Charo Santos.

Gaganap si Edgar bilang ang bading na caregiver na si Jing, habang gagampanan ni Nonie ang role ni Adoy, na bagaman noong una ay kontra sa pagiging bading ni Jing ay nanatiling lakas ng kanyang anak sa gitna ng mga pagsubok na pinagdaraanan nito.

Kasama rin dito sina Shamaine Centenera, John Spainhour, Mikylla Ramirez, Casey da Silva, Neil Coleta, Kokoy de Santos at ex-PBB housemates na sina Vicky Rushton at Rica Paras. Ito’y sa direksyon ni Efren Vibar.

Horoscope, January 24, 2015

$
0
0

Para sa may kaarawan ngayon: Ang pagdadalawang isip ang maghahatid sa kabiguan. Kapag may dumating na oportunidad wag matakot sunggaban agad. Sa pag-ibig, wag pag-alinlanganan ang pag-ibig ng kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Blue at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Kung magpapaganda kang muli, mas maraming kliyente ang maaakit. Sa pag-ibig, kahit na malamig ang panahon kung maliligo lagi-lagi, matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Krisna-Govinda”. Red at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Isang malaking sorpresang may kaugnayan sa salapi ang darating. Kapag hindi iningatan, mauubos din agad. Kapag maraming pera kailangang matututong magtipid. Sa pag-ibig, tuloy ang agos ng ligaya habang kadikit ang kasuyong Virgo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 42, at 45. Mahiga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Kung hindi naging maganda ang pasok ng pera nitong Enero, umasa kang pagpasok ng Pebrero, mabilis uling dadami ang pera. Sa pag-ibig kapag nagkapera, ilibre naman ang kasuyo sa isang romantic at mamahaling restaurant. Mapalad ang 4, 10, 28, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Yellow at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Sa taong ito iwasang maging tamad. Damihan ang pagkilos na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang matiyagang pakikipagbolahan sa kasuyong nagpapa-hard to get. Mapalad ang 1, 14, 23, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” Silver t green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa taong ito alalahaning kapag hindi ka naging stable sa aspetong pang-pinansyal paano mo mabibigyan ng masayang buhay ang iyong pamilya? Ngayon pa lang mag-isip ka na kung paano ipaplano ang future financially. Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Yellow at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Lagyan ng dagdag na kulay ang papalapit na Valentine’s day, bagong istilo ng pakikipagromansa ang dapat upang muling sumiklab ang mainit na pagsuyo. Sa pinansyal, ituloy mo lang ang pagtitipid upang yumaman ka na agad. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Gita-Bhagava.” Blue at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) —Disiplinahin ang sarili. Sa pagkain, iwasan ang pagiging matakaw upang hindi ka masyadong tumaba. Sa pag-ibig at salapi, kasaganaan at maligayang relasyon ang hatid ng isang Virgo. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Lilac at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Ipayapa ang isipan kahit na maraming problema. Malulusutan mo ring lahat ng iyan. Mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, itutok ang atensyon sa isang Cancer. Mapalad ang 6, 9, 21, 29, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Om.” Red at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig unti-unti nang bibigay ang kasuyo, ituloy mo lang ang pang-aakit. Sa pinansyal, isa-isang negosyo lang ang dapat ipatupad sa bawat taon, upang wag magulo ang iyong konsentrasyon. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Panahon na upang magipon ng maraming pera sapagkat ang salapi ay lubhang makapangyarihan. Tandaang kapag marami kang pera ito ay magdudulot ng kaligayahan sa buong pamilya. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Red at black ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Kahit medyo luhaan sa pang-emosyonal na aspeto sa susunod na mga araw bigla ring magbabago ang kapalaran. Alalahanin mong nagkaka-edad ka na, dapat mong itama at iaayos ang mga nakaraan mong pagkakamali. Sa pag-ibig hindi na dapat pang balikan ang nakaraan. Mapalad ang 1, 7, 19, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) —Ingatan ang natitirang pera! Alalahanin mong mahirap maghanap ng mauutangan. Kaya nga wag kang gastos ng gastos ng walang kabuluhan. Sa pag-ibig, ipatago ang hawak na pera sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 6, 10, 29, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla-Om.” Apple green at white ang buenas.

Shooting ng sexy movie nina Sam at Coleen laging ‘minamalas’

$
0
0

sam milby
Speaking of friends with benefits ay tungkol naman ito sa pelikulang “Ex With Benefits” nina Sam Milby at Coleen Garcia mula sa Star Cinema, tinatanong kasi kami ng fans ng aktor kung kailan daw ito ipalalabas?

“Ms Reggee, ask lang po namin, kailan po ipalalabas ang ‘Ex with Benefits’ nina Sam at Coleen? Kasi ang tagal ng sinu-shoot, hindi pa tapos, lagi pang pack-up?” tanong sa amin ng Milby Addicts, supporters ng aktor.

Oo nga balita nga rin namin ay parating pack-up, anyare? Nagtanong kami sa taga-Star Cinema, “conflict of schedules po.  Maraming inaayos,” matipid na sabi sa amin.

Conflict of schedules? Paano nangyari, e, Showtime lang naman ang show ni Coleen at si Sam naman ay wala kaming alam na ginagawa o pinagkakaabalahan maliban sa pag-aalaga ng aso niyang si Thor?

Yes bossing Ervin, nakikita namin sa social media account ni Sam na parating kasama niya ang aso niyang si Thor habang nagigitara. Nu’ng isang araw ay nakita naming nasa 25th year anniversary celebration ng Diana Stalder Skin Care si Sam sa Manila Hotel na balita namin ay hindi rin nagtagal sa event.

Anyway, sana nga mag-resume na ang shooting sina Sam at Coleen para magka-alamanan na kung ano ang revelation sa kanilang dalawa sa pelikula.

Piolo naaksidente sa bike habang nagsu-shooting ng Commercial

$
0
0

piolo pascual
NAAKSIDENTE si Piolo Pascual kamakailan habang nagsu-shooting ng isang commercial para sa ABS-CBNMobile. Pero ayon sa kampo ng Kapamilya actor maayos na ang kalagayan ng aktor.

Sa episode ng Aquino & Abunda Tonight nu’ng Huwebes ng gabi, kinumpirma ni Kris na naaksidente si Piolo habang nagba-bike sa nasabing commercial at agad na dinala sa ospital.

Nagkaroon lang daw ng   “few scratches” at “small fracture in his finger”.Agad din siyang pinauwi ng doktor matapos gamutin ang kanyang mga sugat. Na-rito ang official statement na ipinadala ng kampo ni PJ.

“Piolo Pascual had a minor bike accident while shooting an ad for ABS-CBN Mobile earlier today, January 22. He has a few scratches and a small fracture in his finger.

He already received proper medical attention for his injuries and has been cleared by the doctors to go home and rest.”
Nakiusap naman sina Boy Abunda at Kris Aquino sa ilang netizens na itigil na ang pagkakalat ng mali-ma-ling balita tungkol sa pagkaaksidente ni Piolo,  “Huwag nila i-exage (exaggerate),” sey ni Kris.

“Bakit sinasabi natin ito mga kaibigan? Dahil lumabas po ang iba’t ibang balita kanina na napakalaking aksidente ang nangyari kanina kay Piolo Pascual, hindi po totoo ito,” dagdag ni tito Boy.

Kathryn nanguna sa bentahan ng album, inilampaso si Taylor Swift

$
0
0

katrhyn bernar
Kinabog ni Kathryn Bernardo in terms of album sales ang album ni Taylor Swift.

Nangunguna sa Overall at OPM Charts ang album ng ka-love team ni Daniel Padilla and easily she was targeted by bashers. Walang makapaniwalang kakabugin ni Kath si Taylor.

Basag na basag si Kathryn sa bashers. Inulan talaga siya ng tira left and right. “Is the world really in reverse now? Or just there in the philippines which jejes are widespread.. Not just jeje ha. But tasteless jeje.”

“Palm Face. Ganito na ba tlga pinoy ngaun hndi na marunong mkinig ng totoong music??” “Tsk tsk tsk…only in the Philippines nagnunumber 1 at nagkakaconcert mga walang talent kumanta.”

Guys, you can’t argue with success. Why can’t you be happy that one Pinay was able to outsell a Hollywood superstar? Hindi ba karangalan ‘yon?

Mystica isusugal ang 2 bilyon dolyar matuloy lang ang bakbakan nila ni Marlene

$
0
0

mystika
THE Marlene Aguilar-Mystica saga is not over just yet.

Merong bagong pakulo si Mystica now that Marlene has snubbed her challenge. Ang bagong aria ni Mystica, willing siyang mag-bet ng, hold your collective breath at baka atakihin kayo, 2 billion dollars.

“OK GUYS, LET’S GET SERIOUS! FIRST OF ALL, MARLENE AGUILAR MAY THINK THAT I AM JUST BLUFFING WITH MY CHALLENGE FOR A FATAL ONE-ON-ONE STREET FIGHT (AWAY-KALYE) WITH HER.THIS IS NOT JUST A CELEBRITY BLUFF TO MAKE A JOKE OUT OF ALL THESE.

“I AM DEAD SERIOUS! THIS IS TO ANNOUNCE TO THE WHOLE WORLD THAT I AM WILLING TO BET MY WHOLE LIFE IN HONOR OF POPE FRANCIS AND THE WHOLE CATHOLIC AND NON-CATHOLIC RELIGION WHO HAS BEEN MALIGNED, AFFECTED AND HUMILIATED THROUGHOUT THE WORLD BY THIS COLD-BLOODED, BOASTFUL AND ARROGANT HUMAN BEING WITH A DISGRACED SOUL!” post ni Mystica sa kanyang Facebook account.

Then, she dropped the ear-shattering bomb. “AS I HAVE CHALLENGED FROM DAY-ONE, I AM WILLING TO BET TWO BILLION DOLLARS ($2,000,000,000) FOR THIS FIGHT. WHAT SHE’S BEEN DOING IS A CHARACTER ASSASSINATION TO THE POPE. I BELIEVE THAT WITH THE DIGNITY, INTEGRITY, AND THE MORAL VALUES OF HUMANITY THAT THIS SHE DRAGON HAS PERSONALLY ATTACKED AND SABOTAGED, SHE HAS TO PAY THE PRICE,” dagdag pa niya.

Ano raw? 2 billion dollars? That’s a lot of moolah, ‘di ba? Ang tanong, where she will get that $2 billion? Meron ba siyang ganoon kalaking halaga in her possession?

Hindi kinagat ni Marlene ang away-kalye challenge ni Mystica. Inisnab nga niya ito at wala pa rin siyang statement matapos na una niyang hamunin ang sinuman sa isang duel.


inquirer bandera luzon edition

Makapagsi-seaman na ba ngayong 2015?

$
0
0

Sulat mula kay Rommel ng Nazareth St., Bansalan, Davao del Sur
Dear Sir Greenfield,
Matagal na akong nag-aaplay sa barko, kaya lang parang malas. Kasi mag-iisang taon na hindi pa rin ako nakakasampa, kaya naisipan ko pong sumulat sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong makapag-barko? Dati na po akong nag-seaman ang kaso local lang ang company na napasukan ko fishing po ang trabaho ko at maliit lang ang suweldo, kaya sa ngayon pang-abroad na barko na ang balak ko. Matutuloy na ba ako sa taong ito ng 2015 o may travel line ba sa palad ko? April 28, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Rommel ng Davao del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw namang Travel Line sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin tama ang binabalak, ang iniisip at ang plano mo – sa malapit na hinaharap, hindi lang pang-local, may pagsi-seaman na itatala sa iyong takdang kapalaran.
Cartomancy:
King of Clubs, Three of Diamonds at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaking mas matanda sa iyo na may posisyon, sa buwan ding ito ng Pebrero mas madali kang makakasampa sa barko ng magreresulta ng ikaw ay kikita ng maraming-maraming pera.
Itutuloy….

Nash papalit sa trono nina Piolo, Echo at Lloydie

$
0
0

nash aguas
Para sa mga sumusubaybay sa Primetime Bida series na Bagito, si Nash Aguas na nga ang posibleng pumalit sa trono ng mga top leading man ng ABS-CBN.

Ang galing-galing naman kasi ni Nash sa Bagito na gumaganap ngang batang ama sa serye. Natural na natural ang akting niya na para bang totoong nagkaroon na siya ng anak sa murang edad.

Sabi ng ilang kapitbahay naming parents na walang pinalalagpas na episode ng nasabing programa, feel na feel nila ang pinagdaraanan ni Nash at ng mga magulang nito na ginagampanan naman nina Ariel Rivera at Angel Aquino.

Kaya naman isa pa rin sa mga nangungunang serye ang Bagito nina Nash at Alexa Ilacad dahil sa epekto nito sa mga magulang at sa mga kabataan.

Sabi naman ng ilang nakakausap namin, ilang taon na lang ay si Nash na ang papalit sa iiwang trono nina Piolo Pascual, Jericho Rosales at John Lloyd Cruz na mga pambatong leading man ng Dos pagdating sa pagdadrama.

inquirer bandera mindanao edition

inquirer bandera visayas edition

Vice Ganda: Baka di ako pumasok sa Showtime, may kukulamin lang ako!

$
0
0

vice ganda
Ilang celebrities naman ang nalungkot sa pagkatalo ni MJ, kabilang na ang dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez at si Vice Ganda. Naniniwala kasi sila na bitbit ng dalaga ang lahat ng qualities para tanghaling Miss Universe.

Sabi ni Vice nang  makapasok sa top 10 si MJ, “Pag di pumasok si MJ sa Top 5 walang kakaiiiiiiiiiiiinnnnn! #MissUniversePhilippines!”

Ayon pa sa TV host-comedian, sa mga Pinay candidate na sumali sa Miss Universe, tanging si MJ lang daw ang hindi nakapag-guest sa show niyang Gandang Gabi Vice, post pa ni Vice sa kanyang IG, “Si MJ Lastimosa lang ang pala ang di nag GGV bago sumabak sa MissU. Di ko napadala ang bertud.”

Hirit pa nito, “Congrats pa din MJ Lastimosa! You did your best! Baka po di muna ko makapasok sa Showtime mamaya. May kukulamin lang ako.”

Para naman kay Ruffa na nanalong 1993 Miss World 2nd Princess, “This is just sooooo sad!!! I feel like going back to sleep. Lahat Kami tunganga dito!

As in like…may namatay!? Well let’s see who’s the smartest of all! The crown can be anyone’s!” Tweet pa ni Ruffa, “This is the worst q&A ever! Sayang si @MJ. I believe she could’ve answered with confidence and flying colors!”

Gown ni MJ Lastimosa pinakachaka sa 2014 Miss Universe top 10 Finalists

$
0
0

miss philippines
LATE na akong natulog yesterday morning dahil past 5 a.m. na kami dumating ng alaga kong si Michael Pangilinan from Quezon Province dahil nag-guest ito sa kapistahan ng Municipality of Pitogo, Quezon along with GMA 7’s artist Diva Montelaba.

Ito’y sa imbitasyon ng guwapong-guwapong birthday boy nating si Quezon Gov. Jayjay Suarez and mom, Cong. Aleta Suarez. Pero siyempre, bago ako matulog ay nag-request ako sa kasambahay ko to wake me up by 11 a.m. dahil maliban sa meron akong mahalagang appointment ay gusto kong mapanood ang 2014 Miss Universe sa ABS-CBN.

Tamang-tama namang paggising ko ay announcement na ng Top 10 at nakasali nga ang napakaganda nating si Ms. Philippines, MJ Lastimosa, who looked so radiant and truly winnable.

Oh no, ang gaganda nilang lahat. Walang tapon – very elegant and sooo beautiful in their long gown. Honestly, ang kay MJ yata ang pinakachakang gown – no offense meant ha – kasi nga, some gowns just flowed naturally while yung kay MJ ay ang kapa and looked heavy.

In fairness to Ms. MJ, she tried to carry it well pero mahirap talagang dalhin ang ganoong uri ng gown. Alanganing Filipiniana or something that you could just swing around. Slightly suman-like ang dating compared to the super-sexy, revealing and naturally-designed outfits ng ibang kandidata.

After some commercial breaks ay announcement na ng Top 5 – pero hindi na nakasama ang ating bet who has always been a crowd’s favorite.

In fairness to her, she shone in every monent except for this one thing na napansin namin – bad gown. Sayang kasi hindi nagpabaya si Ms. MJ, she stood out in many categories.

It’s not her fault anyway, whoever designed her gown did not capture the svelte figure of our love candidate. Enough na sana of the suman-fit – let’s get rid of these types of gowns.

Let it be flowing next time. Yung very elegant na pwedeng laruin sa entablado sana as you walk. Hope Ms. Stella Marquez Araneta reads this. Ha-hahaha!

Everyone’s rooting for Miss Philippines to be Miss Universe this year pero hindi lang tayo sinuwerte this time but kudos to Ms. MJ Lastimosa dahil she did her best to shine.

Ang mahalaga ay hindi siya nagkalat, ‘no! We should be very proud of her. Congrats pa rin dahil nakasama tayo sa Top 10.
Bakit? Ang Ms. Venezuela nga na regular nang nananalo ay ligwak din sa Top 5? And the choices for the Top 5 ay wala rin namang tapon eh, lahat deserving, di ba?


Bandera Lotto Results, January 26, 2015

$
0
0
Lotto Game Combinations Draw Date Jackpot Winners
Megalotto 6/45 37-08-44-38-33-20 1/26/2015 25,647,920.00 0
4Digit 7-3-3-2 1/26/2015 33,930.00 23
Swertres Lotto 11AM 2-2-3 1/26/2015 4,500.00 699
Swertres Lotto 4PM 1-9-1 1/26/2015 4,500.00 596
Swertres Lotto 9PM 4-4-8 1/26/2015 4,500.00 671
EZ2 Lotto 9PM 27-28 1/26/2015 4,000.00 493
EZ2 Lotto 11AM 17-18 1/26/2015 4,000.00 101
EZ2 Lotto 4PM 16-14 1/26/2015 4,000.00 133
Grand Lotto 29-04-50-23-19-30 1/26/2015 123,280,376.00 0

Howell may misyong tatapusin sa Texters

$
0
0

Mga Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. Barako Bull
vs. Blackwater
7 p.m.  Talk ‘N Text
vs. Rain Or Shine

TATAPUSIN ni Richard Howell ang misyong nabigo noong nakaraang taon sa pagbabalik niya sa kampo ng Talk ‘N Text para sa 2015 PBA Commissoner’s Cup.

Makakaharap ng 6-8 na si Howell si Rick Jackson sa salpukan ng Tropang Texters at Rain Or Shine dakong alas-7  ng gabi sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Sa unang laro sa ganap na alas-4:15 ng hapon ay magkikita ang Barako Bull at Blackwater Elite na pangungunahan ng mga imports na seven-footers.

Ang 24-taong gulang ng si Howell, na siyang naging Best Import noong nakaraang season, ay naghahangad na ihatid ang Talk ‘N Text sa kampeonato.

Magugunitang sumegunda lang ang Talk ‘N Text sa San Mig Coffee (ngayo’y Purefoods) sa  Finals ng 2014 Commissioner’s Cup.
Sa 16 games, si Howell ay nag-average ng 19.5 puntos at 18.6 rebounds bukod sa 1.7 assists.

Si Howell ay makakatapat ng 6-9 na si Rick Jackson na produkto ng Syracuse. Ang 25-taong gulang na si Jackson ay naglaro sa Austin Toros sa NBA D-League.

Bukod sa pagkuha ng isang datihang import, kinuha rin ni Talk ‘N Text coach Joseph Uichico ang two-time Most Valuable Player na si Willie Miller upang punan ang puwes-tong  binakante ng nagretirong si Jimmy Alapag na ngayon ay team manager na ng Tropang Texters.

Ang Blackwater Elite, na nangulelat sa katatapos na Philippine Cup at hindi nanalo ni isang laro, ay pamumunuan ng 7-1 na si Chris Charles, isang two-time Best import sa ASEAN Basketbal League kung saan inihatid niya sa kampeonato ang Thailand Slammers.

Kinuha naman ng Barako Bull  ang 7-1 Nigerian na si Solomon Alabi na  napiling 50th overall sa 2010 NBA Draft.

Slasher Cup semis magpapatuloy ngayon

$
0
0

TULUY-TULOY ang pagdagundong ng  2015 World Slasher Cup-1 8-Cock Invitational Derby sa pag-arangkada ng ikalawang araw ng semifinal round ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

May nakalinyang 80 sultada at lahat ng entry ay naglalayong makausad sa  4-cock grand finals na gaganapin sa Pebrero 1.
Handog ng Pintakasi of Champions, ang 379-entry na labanan ay ginaganap sa pakikipagtulungan ng Thunderbird Platinum, Sagupaan, B-Meg and Petron.

Nagtapos ang ikatlo at huling 2-cock elims nitong Lunes kung saan nagbida ang entry ni  Engr. Sonny Lagon na BlueBlade RJM-1 at BlueBlade RJM-3.

Halos  walang hirap na nalusutan ng mga manok ni Lagon ang  mga katunggali para makuha ang perpektong apat na puntos sa apat na laban.

Galedo handang idepensa ang titulo

$
0
0

APAT na araw na lamang at lalarga na sa Balanga, Bataan ang natatanging pakarera sa bisikleta sa bansa na may basbas ng international cycling federation na UCI.

Ito ang 6th Le Tour de Filipinas. Ngayon pa lang ay  hindi na maalis kay Mark Galedo ang pananabik sa gagawing pagdepensa sa hawak na titulo laban sa 13 dayuhang koponan at isang continental team mula sa Pilipinas.

“Excited na sir at fully charge na po. Kami ng team po ay talagang handa nang sumabak sa karera,” wika ni Galedo sa isang panayam kahapon.

Lalaro ni Galedo para sa PhilCycling national team kasama ang mga kapwa niya  national riders na sina Ronald Lomotos, George Oconer, Ronald Oranza at Jun Rey Navarra.

Si Lomotos ang pinakabata sa edad na 20 habang si Oranza ay beterano ng Incheon Asian Games tulad ni Galedo. Si Galedo ang ikalawang Filipino cyclist na nanalo sa  karerang ito na inorganisa ng Ube Media, handog ng Air21 at suportado  ng MVP Sports Foundation at Smart.

Ang una ay si Baler Ravina na nagkampeon  noong 2012. Hindi biro ang hamong haharapin ni Galedo at ng mga kasamahan nito dahil dalawang bigating  Iranian teams ang kasali sa kareang ito.

Tune-up

$
0
0

motor for site
Tanong ng isa nating texter: Tuwing kailan ba dapat magpa-tune up ng motorsiklo?

Maraming motorcycle  rider na Pinoy ang sakay na lamang nang sakay sa kanilang kabayong de gulong. Habang umaandar pa ay sige lang nang sige.

Minsan kahit na mayroong ibang naramdaman habang minamaneho ang motorsiklo ay binabalewala lamang ito. Kapag madalas na ikaw ang gumagamit ng iyong sasakyan, agad mong mapapansin ang pagbabago sa iyong sasakyan kaya dapat itong maging senyales na panahon na upang ipasuri mo ito.

Baka kailangan mo nang ipa tune-up ang iyong motorsiklo.

Pero mas maganda siguro kung hindi mo na hihintayin na magkaganito at ipasusuri mo ang iyong sasakyan lalo na kung mayroon kang malayong biyahe.

Sa tune up sinusuri ang mga mahahalagang piyesa ng motorsiklo at pinapalitan ang kailangan ng palitan.Tinitignan kung tama ang clearance ng mga balbula para tama ang dami ng pumapasok na gasolina sa makina.

Iba-iba ang kailangang dami ng gasolina at dumedepende ito sa laki ng makina.Kung masyadong marami ang gasolina na pumapasok, nasasayang lang ito at nagiging mausok ang sasakyan.

Kung konti naman, kapos ang lakas na naibibigay ng makina. Tignan din kung kailangan ng palitan ang spark plug. Ang spark plug ang siyang nagpapasabog sa naghalong gasolina at hangin na pumasok sa makina.

Ang pagsabog na nalilikha ang siyang nagbibigay ng power na tutulak sa piston at magpapatakbo sa motorsiklo. Dahil kailangan na sapat ang hangin na pumasok sa makina, dapat malinis ang air filter element.

Kung barado ito kailangan itong linisin. Kung may budget naman, palitan na. Palitan na rin ang langis kung matagal na ito at isabay na ang oil filter.

Tignan ang manual ng inyong sasakyan para malaman kung tuwing kailan o gaano kahaba ang kailangang takbuhin bago magpalit ng langis at oil filter.

Ang preno ay dapat ding suriin. Tignan kung makapal pa ang mga brake pads at kung pantay ang pagbabawas nito. Kung hindi dapat na ipasuri ang brake system.

Pakatandaan na hindi natatapos sa pagbili ng motorsiklo ang gastos. Kailangan gumastos upang mapanatili na maayos ang pagtakbo ng inyong motorsiklo.

Kaya bago bumili ng motorsiklo dapat ding tiyakin na may extra budget para sa pagpapagawa at pag-maintain nito.

Viewing all 44603 articles
Browse latest View live


Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>