Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44504 articles
Browse latest View live

Winwyn: Napakalaking bahagi ng GMA sa pagkapanalo natin sa Reina!

$
0
0

MATAPOS pagtagumpayan at masungkit ang kauna-unahang korona ng Pilipinas sa katatapos lang na Reina Hispanoamericana sa Bolivia, bumisita ang international beauty queen na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez sa kanyang home Network.

Mainit siyang sinalubong ng GMA executives sa pa-ngunguna nina GMA Chairman and CEO Atty.

Felipe Gozon, GMA President and COO Gilberto Duavit, Jr. at GMA Board Director Joel Jimenez.

Nagpaabot si Atty. Gozon ng kanyang pagbati sa tagumpay ni Winwyn sa nasabing international pageant, “We are really very proud of Winwyn, this proves once again na nandito sa Pilipinas ang magagandang mga binibini.”

Pinasalamatan naman siya ni Duavit para sa pagbibigay karangalan niya hindi lang sa Kapuso community kundi pati na rin sa buong bansa. “Bukod sa karangalan nating lahat ay karangalan din ng buong bayan ang pagkapanalo ni Winwyn. We’re very, very proud sa kanyang pagiging Kapuso at sa karangalan na dinala niya sa bansa natin. Congratulations again and thank you for the pride you bring to all of us.”

Taos-puso namang nagpapasalamat si Winwyn sa pagiging malaking bahagi ng GMA sa kanyang tagumpay sa Reina Hispanoamericana.

“Hindi ko inakala na ganu’n yung attention na ibibigay nila sa akin so I am really thankful. Dito ako na-hone, dito lumabas yung talent ko. Dito ko nakita yung kaya kong gawin—acting, dancing.

“And I am really grateful for GMA kasi kung hindi ako dito nag-start ala akong confidence mag-perform sa Reina Hispanoamericana which is an essential part of the pageant na kailangan magaling ka mag-perform and hindi ka nahihiya. With that, thankful ako sa GMA kasi sa kanila ako galing and dito ko natutunan yung mga bagay na ‘yon,” anang dalaga.

Si Teresita Ssen Winwyn Marquez ang kauna-unahang Filipina at Asian delegate na lumaban at tinanghal na Reina Hispanoamericana sa taunang beauty pageant na nagbibigay halaga sa Hispanic heritage, language at culture.

 

The post Winwyn: Napakalaking bahagi ng GMA sa pagkapanalo natin sa Reina! appeared first on Bandera.


Robin naging emosyonal nang makita ang apo kay Kylie: Napakasaya ni lolo!

$
0
0

NAPAIYAK si Kylie Padilla nang magkita na sa wakas ang kanyang anak na si Alas at amang si Robin Padilla. Naganap ito sa first birthday party ng anak nina Binoe at Mariel Rodriguez na si Isabella last Saturday.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Robin ang isang video na kuha ng kanyang manager na si Betchay Vidanes. Dito mapapanood ang pagkikita nila ni Kylie kasama si Baby Alas. Mukhang hindi nila kasama ang ama ng bata na si Aljur Abrenica.

Unang sabi ni Robin sa kanyang apo bago niya kargahin, “Ang pogi naman nito.” Habang hinehele ni Binoe ang bata ay hindi na napigilan ni Kylie ang mapaluha.

Narito naman ang mahabang caption ni Robin sa kanyang IG post: “Purihin ang nag iisang Panginoong Maylikha!!! Walang pinakamasaya sa isang lolo kundi ang mayakap at mabuhat ang isa sa unang apo.

“Allah hu Akbar napakasarap iparinig sa kanyang tenga ang Adhan/call to prayer bilang unang pamana sa kanyang napakamusmos at matalas na pandinig.

“Maraming salamat sa iyo mahal kong anak na @kylienicolepadilla sa pagdala kay ALAS sa akin. Alhamdulillah ganon din sa iyo @marieltpadilla wala ng hihigit pang kaligayahan sa araw na ito.

“Pagpupugay sa lahat ng mga kumilos para maging matagumpay ang pagkikita na ito @vidanes_cm @kayegarcia13 …. we miss you @queeniepadillarevert.”

The post Robin naging emosyonal nang makita ang apo kay Kylie: Napakasaya ni lolo! appeared first on Bandera.

Kristoffer Martin kakaririn na ang pagiging singer

$
0
0

SA wakas, natupad na rin ang pangarap ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin na maipagpatuloy ang kanyang pagiging singer at makapag-record na sariling kanta.

Bahagi na ang binata ng GMA Records’ roster of talented musicians at looking forward na siyang mai-share ang kanyang talent sa singing sa buong mundo.

“Sobrang saya ko kasi gusto kong i-pursue yung singing career ko talaga kaya I’m thankful to GMA Records for giving me the opportunity to be part of the team. Gusto ko kasi talagang i-share yung music ko sa marami pang tao,” aniya.

Kristoffer Martin’s single “Paulit-ulit” is a product of Filscap Songwriting Camp, penned by Jam Ruiz.

The post Kristoffer Martin kakaririn na ang pagiging singer appeared first on Bandera.

Clique 5 handa nang sumabak sa kantahan, sayawan at aktingan

$
0
0


IN FAIRNESS, may promise at siguradong may future sa music industry ang bagong all-male group na Clique 5 na pormal nang ipinakilala sa publiko nitong weekend.

Desidido ang 3:16 Events & Management Company na pasikatin at bigyan ng puwang sa industriya ng entertainment ang limang young, fresh and talented members ng Clique 5.

Ito’y binubuo nina Marco, Karl, Sean, Clay at Josh na may kanya-kanyang katangian at personalidad na angat sa iba. Bukod sa kanilang ta-lento sa pagkanta, may ibubuga rin sila sa pagsasayaw.

Sa katunayan, bago sila ipakilala isa-isa sa ginanap na presscon last Saturday, nagpasampol muna ang grupo ng kanilang galing sa paghataw at pagkanta na talaga namang pinalakpalan ng audience.

Kinanta rin nila ang kauna-unahan nilang Christmas single, ang “Tuwing Pasko” na nilikha ng award-winning songwriter na si Joven Tan. Mapuso ang nasabing kanta at siguradong maraming makaka-relate sa tema nito ngayong malapit na ang Pasko.

Ni-launch na ito last Nov. 18 in digital format.

Kasama rin sa mga kantang ginawa ni Joven para sa Clique 5 ang hugot song na “Bakit Hindi?” at ang upbeat track na “Pwede Ba, Teka Muna” na ang lakas maka-LSS (last song syndrome).

Bago sumalang sa recording, hinasa munang mabuti ang grupo sa pamamagitan ng acting workshop sa PETA, tuloy-tuloy din ang kanilang voice lesson at personality development training.

“Ayaw namin na half-baked o hilaw ang Clique 5 kapag isinalang na namin. Gusto namin prepared sila at ready na talaga sa mundong papasukin nila,” sabi ni Kathy, ang isa sa mga namamahala ng 3:16 Events & Management.
Nang tanungin kung ano ang pagkakaiba ng mga bago nilang alaga sa ibang boy group sa showbiz, sagot ng isa pang taga-3:16 na si Len, “The group is a total package. Pwede silang kumanta, sumayaw at umarte. Hindi limited ang kanilang talento kahit saan pwede silang isalang.”

Apat sa mga miyembro ng Clique 5 (Josh, Karl, Sean at Marco) ay produkto ng artista search na Circle of 10 na naglunsad din sa showbiz career nina Jennylyn Mercado, Jason Abalos, Dion Ignacio at marami pang iba.

Nilinaw naman ng mga namamahala sa career ng limang bagets, kahit na isang grupo sila, maaari ring magsolo ang bawat isa tulad sa serye o pelikula, commercial endorsements o modelling assignments.

Pagkatapos ng presscon sa Circle Events Place sa Timog, Q.C., ginanap naman ang meet and greet ng grupo para sa kanilang mga fans and supporters kung saan game na game silang nakipag-bonding at nakipag-picture taking.

 

The post Clique 5 handa nang sumabak sa kantahan, sayawan at aktingan appeared first on Bandera.

Cesar Montano binanatan ni Marlene Aguilar, idinamay sa isyu ng kotong

$
0
0

NAKOW! Matindi ang kalaban ngayon ni Cesar Montano! Wala siyang puwedeng pamilian kundi ang manahimik na lang dahil kapag nakipagpalitan siya ng hagupit ng mga salitaan kay Marlene Aguilar ay siguradong sa kangkungan siya pupulutin.

Nakakailang araw pa nga lang ang pagpo-post nito sa social media ng kanyang galit sa aktor at sa tagapamahala sa promosyon ng DOT ay sobra-sobrang upak na ang inaabot niya, paano pa kapag sinagot niya si Aling Marlene, di giyera mundial na ang kauuwian ng kanilang laban?

Si Marlene Aguilar pa? Kahit nga ang CIA ay hinahamon na nito nu’ng hulihin-ikulong ang kanyang anak na si Jason Ivler?

Kahit si Kaka Freddie Aguilar ay hindi pumapatol sa kanyang kapatid, pi-nababayaan lang nitong bumula ang bibig ni Aling Marlene sa galit, hindi kakayanin ni Cesar Montano ang bibig ng umuupak sa kanya nga-yon.

Ayon sa giyererang utol ni Ka Freddie ay nag-ugat ang kanyang galit kay Cesar Montano dahil sa technical rider-sound equipment na ginamit nu’ng nakaraang ASEAN Summit na hanggang ngayon ay hindi pa nababayaran ng Department of Tourism.

Matindi ang mga rebelasyon ni Aling Marlene, na-ngongotong daw si Cesar sa mga suppliers ng ahensiya, kesyo isang call boy raw nu’n ang aktor at pati ang pagpapakamatay ng kanyang anak ay idinamay rin ni Aling Marlene sa kanyang mga atake.

Isa-isa kayang sasagutin ni Cesar Montano ang mga akusasyon ni Ms. Marlene Aguilar, o mas makagaganda kung mananahimik na lang siya?

The post Cesar Montano binanatan ni Marlene Aguilar, idinamay sa isyu ng kotong appeared first on Bandera.

Beauty certified Hot Mama, maraming napanganga

$
0
0

NAPA-WOW at napanganga ang mga kalalakihan at katomboyan nang rumampa ang Kapamilya hot mama na si Beauty Gonzales sa nakaraang “Under The Stars” fashion show.

E, grabe naman pala kasi ang kaseksihan at kakinisan ngayon nitong si Beauty. Hindi mo talaga aakalain na may asawa’t anak na ang aktres.

Tilian at palakpakan ang audience nang lumabas na sa runway ang Pusong Ligaw star na meron nang 2-year-old baby girl. Naglaway ang mga guys habang rumarampa si Beauty nang naka-two piece lang at halos lumuwa na ang mga dibdib.

In fairness, talagang pinanood din siya ng kanyang asawang si Norman Crisologo para bigyan si misis ng moral support. Siyempre, proud na proud si Norman sa kanyang asawa habang ibinabandera nito ang kanyang sexy body.

Samantala, sa mga susunod na episode ng afternoon serye ng ABS-CBN na Pusong Ligaw, magaganap na ang muling pagtutuos nina Tessa (Beauty) at Marga (Bianca King). Siguradong mabubuhay na naman ang dugo ng Team Marga at Team Tessa sa kanilang mga pasabog na confrontation scenes.

Sa napapanood na trailer ngayon ng Pusong Ligaw, muling magkukrus ang landas ng dalawa. Dito na nga sasabihan ni Tessa si Marga ng, “Wala kang kwentang asawa!”

Siyempre, magpapatalo ba ang asawa ni Caloy (Joem Bascon). Kung ano ang gagawing resbak ni Marga sa mortal niyang kaaway, ‘yan ang kailangan n’yong abangan sa pagpapatuloy ng Pusong Ligaw Ikalawang Yugto.

Napapanood pa rin ang Pusong Ligaw after It’s Showtime, kasama pa rin ang love triangle ng taon, sina Sofia Andres, Diego Loyzaga at Enzo Pineda na rumampa rin ng naka-underwear sa nakaraang “Under The Stars” fashion event.

The post Beauty certified Hot Mama, maraming napanganga appeared first on Bandera.

Tumbok Karera Tips, November 21, 2017 (@SANTA ANA PARK)

$
0
0

Race 1 : PATOK – (1) Desert Gold; TUMBOK – (5) Iconic Cat; LONGSHOT – (4) Milagrosa
Race 2 : PATOK – (4) Morning Breeze; TUMBOK – (1) Sky Hook; LONGSHOT – (2) Stravinsky/Faithful Wife
Race 3 : PATOK – (3) El Mundo; TUMBOK – (6) Hookbung Dagat; LONGSHOT – (5) Love Hate
Race 4 : PATOK – (3) Geologist; TUMBOK – (1) Flintridge; LONGSHOT – (6) Toscana
Race 5 : PATOK – (1) Villa Ni Biboy/Wessfacckol; TUMBOK – (4) Spectacular Ridge; LONGSHOT – (3) Prince Kuntil/Leave My Mark
Race 6 : PATOK – (2) Gold Digger; TUMBOK – (6) Port Angeles; LONGSHOT – (4) Golden Hands
Race 7 : PATOK – (1) Oceanside; TUMBOK -(3) Hidden Moment; LONGSHOT – (5) Angel Brulay
Race 8 : PATOK – (6) River Mist; TUMBOK – (8) Popsicle; LONGSHOT – (4) Seni Seviyorum

The post Tumbok Karera Tips, November 21, 2017 (@SANTA ANA PARK) appeared first on Bandera.

Male personality feeling pogi, mahilig mang-ahas

$
0
0

NAKU, kung nakatitigok lang ang pagpipista sa isang tao, siguradong pinaglalamayan na ngayon ang isang male personality na kinaiinisan ng kanyang mga katrabaho.

Hindi siya artista, hindi rin siya TV host, pero may kinalaman siya sa pagbubuo ng isang proyekto ke sa pelikula man ‘yun o sa telebisyon.

Feeling-guwapo ang tawag sa kanya dahil pakiramdam ng male personality ay kaya niyang ligawan at maging karelasyon ang kahit sinong artistang matipuhan niya.

Sabi ng isang miron, “Okey lang naman kung ang tingin niya sa sarili niya, e, siya na ang pinakaguwapo at pinakamadatung na lalaki sa buong mundo. Trip niya ‘yun, e, kaya ibigay na natin sa kanya ang ilusyon niya!

“Pero ang ikinabubuwisit sa kanya ng mga katrabaho niya, e, sobrang confident niya, wala siyang respeto sa karelasyon ng girl. Kahit alam niya na taken na ang babae, e, nililigawan pa rin niya!

“Kapag me may-ari na, e, huwag nang umepal pa, huwag nang magpapogi, dahil siguradong magagalit ang BF ng babaeng inuungguy, di ba?

“Sarilinin na lang ang ilusyon na super-pogi siya at kaya niyang regaluhan ng mga branded stuff ang girl. Manahimik na lang para hindi siya malagay sa alanganin,” kuwento ng aming source.

Gaano katotoo na may gusto kasing patunayan ang male personality kaya ganu’n na lang siya kahilig manligaw? Minsan lang niyang makasama ang babae ay popormahan na niya agad-agad.

“Kulang ba siya sa research o talagang nagtatanga-tangahan lang siya para makalusot sa mga ginagawa niya? E, showbiz naman siya, alam niya ang mga nangyayari sa paligid niya, pero ganu’n pa rin ang ginagawa ng mokong na ‘yun?

“Alam n’yo, may makakatagpo ring katapat ang male personality na ‘yun. Tingnan lang natin kung makasisigaw pa siya ng action at cut kapag nangyari ‘yun!” pagtatapos ng aming impormante.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, madalas palang sumisigaw ng action at cut ang male personality na ito! Getlak n’yo na kung sino siya?

The post Male personality feeling pogi, mahilig mang-ahas appeared first on Bandera.


Direktor umamin: Joross, Edgar Allan pasaway idirek

$
0
0

MEDYO  pasaway raw idirek sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman ayon sa director ng festival movie na “Dedma Walking” na si Julius Alfonso.

“Hirap kaming purihin ni direk. Matipid siyang pumuri. Hindi siya ‘yung, ‘O, ang galing mo!’ Ha! Ha! Ha!” sagot naman ni Joross sa pocket presscon ng movie.

Three years ang natapos bago pinrodyus ng T-Rex Entertainment ang pelikula. Eh, bigla raw sumulpot last year ang “Die Beautiful” kaya na-postpone muli ang paggawa nito.

“Ang daming pinagdaanan nito. Sa isang festival, number 11 kami. Tapos, sabi sa amin, stand by lang kayo in the event that may isang mawawala. Ha! Ha! Ha! Pero nang may mawala, hindi rin naman nila kami pinasok,” chika pa ni Alfonso na unang directorial job ang “Dedma Walking.”

Hanggang sa napunta ang project sa T-Rex ni Rex Tiri nu’ng Dec. 31, 2016, “Parang binigyan niya na rin ng taning ang pagiging producer niya. Pag may nahawakan daw siyang script before the year ends na magugustuhan niya, magpo-produce pa rin siya.

“Sabi niya (Rex), nagpa-fireworks na, binabasa pa rin niya ang script. Tapos, kinabukasan, nakatanggap ako sa Facebook ng friend request kay Rex. From then on, tuluy-tuloy na ang journey ng movie.

“And finally, hindi na kami nadedma. Binigyan na kami ng paa na lumakad, rumampa, kumembot sa diwa ng manonood!” pagmamalaki ni direk Julius.

Sa panig naman ng producer, tatlong beses na silang nabigo na mapasali sa festival. Titigil na sana talaga siya sa pagpu-produce.

“Dahil finally nakapasok na kami, walo hanggang 10 movies ang gagawin namin next year. Sana makabawi na this time!” sabi ni Rex.

The post Direktor umamin: Joross, Edgar Allan pasaway idirek appeared first on Bandera.

Sarah G. ka-join Int’l Bulletin Display ng US, lumebel kay Adelle

$
0
0

SARAH GERONIMO

SI Sarah Geronimo lang ang pasok na Pinay sa International Bulletin display sa isang sosyal na school sa US.

Nakita namin ang photo ng nasabing display as one of Sarah’s fans posted it.

“Sarah Geronimo featured in International Bulletin display in Jet’s school, in Washington DC, USA (she represent the Philippines) as they celebrate international week,” said the fan.

Ang nakalagay sa display ay ito: “They make the world a better place and now is your turn.”
Kasama ni Sarah sina Adelle at Calvin Harris of England.

Ibang level na si Sarah, ha. She deserves it naman because she has become an inspiration to the youth. Napakaganda ng image niya, untarnished kasi siya and she has become an icon for the youth.

Nagwagi rin si Sarah sa Daf BAMA Music Awards na ginanap sa Germany.

In an Instagram post, it said that “Our #PopstarRoyalty bags another international award as Best Filipino Act for Daf BAMA Music Awards 2017. Congratulations Sarah Geronimo!”

The post Sarah G. ka-join Int’l Bulletin Display ng US, lumebel kay Adelle appeared first on Bandera.

Sarimanok costume lucky charm ni Rachel Peters sa 2017 Miss U

$
0
0

BONGGA ang national costume ni Bb. Pilipinas Universe Rachel Peters! Talagang nang-agaw ng atensyon sa social media ang ipinost na litrato ng ating kandidata sa kanyang Instagram account.

Ginaganap na ngayon ang Miss Universe 2017 preliminary round at isa nga sa mga highlight ng event ay ang pagrampa ng mga kandidata suot ang kani-kanilang National Costume sa Planet Hollywood Las Vegas.

Ang national costume ni Rachel ay nilikha ni Val Taguba, isa itong gold-sequined bodice na may high bikini cut with matching golden winged tail skirt.

Meron din siyang suot na Sarimanok-inspired headpiece, gold arm bangles at knee-high gladiator stilettos, na dinisenyo naman ni Jojo Bragais.

Ayon sa ilang netizens, sa national costume pa lang ng ating kandidata ay malaki na ang laban nitong makapasok sa finals. Kering-keri raw ni Rachel na muling maiuwi ang korono at titulo tulad ng ginawa ni Pia Wurtzbach.

May isa namang nagkomento na sana’y magdala nga ng swerte ang “legendary Sarimanok” na suot niya na sumisimbulo sa “good fortune.”

 

The post Sarimanok costume lucky charm ni Rachel Peters sa 2017 Miss U appeared first on Bandera.

Arjo kay Sylvia: Ang taba-taba mo, magpapayat ka na!

$
0
0

SYLVIA SANCHEZ AT ARJO ATAYDE

SINCE she’s played Gloria in The Greatest Love, talagang nag-effort si Sylvia Sanchez na gawing iba ang Sonya character niya sa TV series ma Hanggang Saan.

“Talagang pinag-aralan ko kasi masyadong strong ‘yung Gloria. Nakatatak ‘yun mula mga bata hanggang sa mga lola. Ang ginawa ko ay binago ko lahat, ‘yung lakad, ‘yung atake, ‘yung klase ng pag-iyak. Humingi ako ng tulong sa director ko kasi siya rin ang director ko sa Greatest Love,” she said.

Nagpasalamat si Sylvia sa kanyang anak na si Arjo Atayde who reminded her na kailangang physically prepared siya for the role in Hanggang Saan.

“Nu’ng nalaman niyang meron kaming show, siya talaga ang nagsabi na ‘Mommy, sumama ka sa akin sa pagtakbo.’ ‘Pagod ako, matanda na ako.’ ‘Tumakbo tayo sa ULTRA.’

“Ang naging motivation niya sa akin is, ‘Mom, nagbida ka sa TGL, so what’s next? Ano ang ipapakita mo? Umpisahan mo sa katawan mo. Ang taba mo. Magpapayat ka kahit paano.’ So, ‘yun, doon nag-umpisa ang lahat. In-open ko na sa staff, sa production na magtulungan kami para malayo ‘yung Gloria kay Sonya.”

The post Arjo kay Sylvia: Ang taba-taba mo, magpapayat ka na! appeared first on Bandera.

Andre Yllana: Gusto ko si Liza pero wala akong balak na agawin siya kay Enrique!

$
0
0

“WALA naman po akong planong ligawan o agawin si Liza Soberano kay Enrique Gil!” Ito ang nakangiting sabi ni Andre Yllana nang tanungin namin kung sino ang ultimate crush niya sa showbiz.

Inamin ng binatilyong anak nina Jomari Yllana at Aiko Melendez na kinikilig siya kapag nakikita niya si Liza pero hanggang doon lang daw iyon.

As of now ay walang ka-loveteam si Andre at hindi naman daw siya namimili kung sino ang ibibigay sa kanya ng ABS-CBN.

Nang banggitin ang pangalan ni Heaven Peralejo na kasama niyang pumirma ng kontrata bilang bagong BNY endorsers nitong Sabado ay napangiti ang binata. “Puwede rin naman po, wala namang kaso,” saad niya.

Bench endorser ang tatay ni Andre na si Jomari at kung hindi kami nagkakamali ay nasubukan na ring rumampa ng bagets sa isang fashion event ng nasabing clothing brand pero mas pinili niya ang BNY.

“Nu’ng bata pa po ako, nakasama ako sa fashion show, pero ngayon po, mas gusto ko ang BNY para maiba naman, saka sakto po kasi ang mga design, pang millennials at ang maganda pa po, puwede kaming mag-design ng gusto namin,” katwiran ni Andre.

Samantala, final na ang desisyon ni Andre na pasukin ang showbiz at hindi na raw siya uurong pa.
“Nag-usap po kami ni mommy (Aiko), sabi niya, ‘alam mo anak, nasa sa ‘yo ‘yan kung gusto mo ituloy o ayaw mo, pero ito lang ang masasabi ko sa ‘yo, hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganitong oportunidad.’

“So ‘yun po, napag-isip-isip ko, siyempre tumatanda na ako (19 years old), lumalawak na rin ang isip ko na gusto ko naman pala talaga (mag-artista), may mga ilang bagay lang talaga na (bumabagabag) sa akin.

“Siguro nga po ‘yung expectations o pressure po sa akin na naghahatak sa akin pababa, pero hindi ko naman po ginawang rason ‘yun para ma-discourage ako,” ani Andre.

Lagi raw kasing naiisip ng panganay nina Jomari at Aiko na parehong sikat ang magulang niya at baka raw lagi siyang ikumpara sa mga ito.

“Okay lang naman po kasi ganu’n talaga, may mga taong ganu’n mag-isip, hindi natin maiiwasan ‘yun.

Nandito lang po ako (showbiz) para gawin kung ano talaga ang gusto ko, umarte,” saad ng bagets.
Alam din ni Andre na mas bata pa sa kanya noong sumikat ang tatay niya at naging miyembro ng

Gwapings kasama sina Eric Fructuoso at Mark Anthony Fernandez.

“Sana nga po magkaroon ulit ng Gwapings part 3 at gusto ko makasama si Grae (Fernandez) kasi anak din siya ng isa sa gwapings,” say pa ng bagitong aktor.

q q q

Anyway, kamakailan ay nanalong Best Supporting Actress ang nanay ni Andre na si Aiko para sa seryeng Wildflower sa karakter nitong si Emilia na nuknukan ng sama kaya maraming nagagalit na viewers.

Ipinagtanggol ng anak si Aiko, “Ang galing kasi talaga ni mommy para magalit sa kanya ‘yung viewers.
“Siguro po ikaklaro ko rin sa mga tao na huwag silang mag-aalala dahil hindi naman ganu’n si mommy in real life, talaga pong trabaho lang. Mabait naman po si mommy.”

Anyway, natanong din kay Andre kung ano ang pakiramdam niya na magkakaroon na siya ng bagong kapatid sa ama dahil buntis nga ang non-showbiz girlfriend ni Jom.

“Honestly po, sobrang excited ako kasi napakahilig ko po sa bata, kaya may aalagaan na po ako.

“Kasi po ‘yung kapatid ko ngayon, si Martina (anak ni Aiko kay Martin Jickain), nagulat nga po ako kasi recently lang naglambing ako. Niyakap ko siya, sabi ko, ‘Kiss mo ako.’

“Sabi niya, ‘Ayoko nga!’ Kaya naisip ko, ay matanda na si Mimi (palayaw ng bagets). Kaya nakaka-excite na finally, mayroon na uli akong malalambing na baby,” masayang sabi ni Andre.

The post Andre Yllana: Gusto ko si Liza pero wala akong balak na agawin siya kay Enrique! appeared first on Bandera.

Mga miyembro ng Clique 5 dedma muna sa lovelife

$
0
0

NAPANOOD namin ang medyo sizzling performance ng bagong boy group na Clique 5 sa Circle Events Place sa Timog Avenue last Saturday at malaki ang promise ng mga bagets na grabe kung ipagmalaki sa amin ng isa sa kanilang publicists na si Dominic Rea.

Limang gwapong boys (Marco, Karl, Sean, Clay and Josh) kung saan ang isa sa kanila ay parang younger brother ni Carlo Aquino (Sean) who caught my attention. They are being managed by 3:16 Events and Talent Management Company.

Sumalang na rin sa acting workshop under PETA ang grupo with regular voice lessons on the side dahil in fairness, the all carry good tunes naman. Konting hasa lang puwede nang pakawalan sa concert stage.

“We made sure na ready na sila sa laban kapag pinakawalan na namin ang Clique 5. Gusto namin prepared sila at ready talaga sa mundong papasukin nila,” katwiran nina Kathy and Len who are both behind this management company.

Nakakatuwa ang limang bagets when asked kung may lovelife na sila – iisa ang sagot nilang lahat – WALA. Kasi raw focused muna sila sa kanilang career. Mahirap daw kasing pagsabayin which some of us disagree. Ha! Ha! Ha! But you know, that’s how respectful we are.

Kasabay ni-launch nu’ng Sabado, Nov. 18, ang kauna-unahang digital Christmas song nila entitled “Tuwing Pasko” na nilikha ng award-winning songwriter na si Joven Tan and right after their media launch ay tumakbo na sila agad sa meet and greet with their fans and supporters.

Apat sa members ng Clique 5 (Josh, Karl, Sean and Marco) ay produkto ng artista search na Circle of 10 kung saan din nagsimula sina Jennylyn Mercado, Jason Abalos, Dion Ignacio, among others while Chay naman hails from Canada.

“We hope na mabigyan din sila ng space sa ating industriya, puwede silang kumanta, sumayaw at umarte. Hindi limited and kanilang talento,” pagmamalaki pa ng taga-3:16 Events and Management.

Well, we will see in the next days kung paano pakikiligin ng mga bagets na ito ang sandamakmak na millennials na siyang market ng grupo Good luck boys!

The post Mga miyembro ng Clique 5 dedma muna sa lovelife appeared first on Bandera.

Karla humingi ng tawad kay Nadia Montenegro

$
0
0

KARLA ESTRADA

NAG-SORRY  si Karla Estrada sa kanyang kaibigan na si Nadia Montenegro sa birthday celebration niya kahapon sa Magandang Buhay.

Personal na binati ni Nadia ang TV host-actress kasabay ng pag-amin na may pagkakataong nagtampo talaga siya sa kaibigan.

Unang pahayag ni Karla, “Ang friendship ko with Nadia, sa mayroon at sa wala, sa hirap at sa ginhawa. Sabi ko nga, ilang beses akong nakapunta sa bahay ni Nadia na kasama ko ang mga anak ko para kumain.

“Pero napakalaking bagay. Sino ba ang pwedeng magpapasok sa iyo para pakainin ang buong pamilya mo, hindi ba ang hirap? Si Nadia ang isa sa magpapatunay kung anong klase akong tao at ano akong klaseng ina, dahil nakita niya lahat yon,” kuwento ng nanay ni Daniel Padilla.

Ayon kay Nadia nagtampo siya sa kaibigan dahil hindi na sila nagkakasama, “Kung hinahanap ka ng kaibigan mo maybe because nami-miss lang kita. Happing happy ako sa naging buhay mo Karla, alam mo yan.

“Kasi dumaan din ako sa point na nagtampo rin ako at alam ko na naramdaman niya ‘yon. Pero nagtampo ako palipad na siya. Pero dito sa puso ko ay masaya ko na nangyayari sa kanya ‘yon.

Kumbaga ang kanta ko lang sa iyo ay ‘Hinahanap Hanap Kita,'” mensahe ni Nadia kay Karla.

Narito naman ang tugon ni Karla, “Nads, katulad ng sinabi ko, puntahan niyo lang ako. Kasi alam mong ang tagal kong binuno kaya pagdating ng panahon ay hindi ko binitawan si Daniel. Pasensiya na, I’m so sorry, kung hindi kita nakita. Ang tagal na panahon na hindi tayo nag-bonding, pero hindi nagbago ang pagtingin at pagmamahal ko, hindi nagbago Nads.”

Present din sa birthday episode ng MB para kay Karla sina Shirley Fuentes at ang ninang ni Daniel na si Donita Rose.

“Alam mo, sina Nads at Donita, si Shirley wala na noong ako ay nagbuntis kay Daniel. Pero itong mga taong ito bakit ko silang ginawang ninang? Ibig sabihin mahalaga ang pakikipagkaibigan na ibinigay ko sa kanila dahil ipinagkatiwala ko sa kanila ang anak ko, ginawa ko silang ninang,” pahayag pa ni Karla.

The post Karla humingi ng tawad kay Nadia Montenegro appeared first on Bandera.


Politika sa Pinas parang isang malaking comedy bar

$
0
0

 

ISANG nakakatamad na hapon ay nakatulog ako and when I woke up ay bigla na lang nakabalandra sa Facebook wall ko ang balitang tatakbo raw si Mocha Uson as senator in the next senate polls (2019).

Bigla akong napa-Hesusmayosep! I immediately prayed to God na huwag sanang mangyari ito. Ha! Ha! Ha! Totoo, nabahala talaga ko. Akala ko panaginip lang.

Akala ko joke pero mukhang seryoso sila. Kaya agad akong nanghingi ng one minute prayer sa mga friends natin para hindi ito matuloy. Kasi nga, pag naging senadora ang lola Mocha ninyo, saan na kaya pupulutin ang bansang ito?

Kaya niyo pa ba? Kasi kami di na. Hindi pa nga namin nakukuha ang malaking random sa Solaire kaya sana mauna iyon bago makaupo si Mocha. Kaloka!

Parang comedy lang ang kaganapan sa pulitika natin, di ba? Meron tayong presidenteng isinusulong na ang pangarap na revolutionary government supported by my Pangga Jimmy Bondoc, Kuya Phillip Salvador na ikinaasiwa ko dahil heto siya’t nakaprente against the Aquino administration samantalang ang anak niyang si Josh ay isang direct descendant ng mga Aquino.

Nandiyan din ang maingay na si Arnell Ignacio, ang biglang nanahimik na si Kat de Catro kasi nakaupo na sa posisyon, ang may halatang wig na si Sec. Aquirre na kung anik-anik ang pinaggagawa, si House Speaker Pantaleon Alvarez na kinasusuklaman ng marami, ang mga sipsip daw sa pangulo na sina Gordon, Sotto, Zubiri, Pacman, etcetera, who seemed to have lost their balls in some billiard games.

Hay naku, the Philippines looks like a huge comedy bar now with all these people doing some stand-ups.

Umeeksena na rin daw ngayon sina Piolo Pascual and Robin Padilla na super-dikit din daw sa kampo ni Duterte. Whew! Nakakapagod na. Well, huwag kayong magalit sa akin dahil opinyon ko ito. Gumawa kayo ng sarili ninyong opinyon. Trolls dear, this is my page, gawa na lang kayo ng meme niyo, okay? Ha! Ha! Ha!

Good luck sa bansa nating ito na sandamakmak na ang mga komedyante. Huwag na sanang madagdagan pa. Yung ibang mga pulitikong walang bayag diyan, magsigising naman kayo. Baka bangungutin na kayo niyan! Charrroottt!

The post Politika sa Pinas parang isang malaking comedy bar appeared first on Bandera.

Makukuha pa ba ang sahod?

$
0
0

MAGANDANG araw sa Aksyon Line. Ako po ay nagtrabaho sa isang publication company, may three months na po ang nakalilipas. Hindi po ako sumuweldo ng isang buwan sa company na dati kung pagtrabahuha.

Puwede ko po bang habulin pa ang sweldo ko. Ano po ang dapat kung gawin?
Camille de Guzman

A-77 Kapitbahayan, Navotas

REPLY: Magandang araw po.

Wala pong kaduda dudang makukuha n’yo ang inyong sweldo.

Subalit hindi n’yo po nabanggit kong ano po ang naging dahilan ng inyong pag-alis sa kompanyang inyong pinangalingan.

Meron po tayong prescription na after thre years lahat po ng klaseng backpay ay hindi na po pwedeng makuha.

Sa sitwasyon n’yo na three months ay malaking posibilidad na ang makukuha ninyo ang inyong money claims kong kayo ay nakasunod sa tamang patuntunan gaya ng:

1. Kayo ba ay nakapag-serve ng one month simula ng kayo ay inalis or kong kayo ay tinanggal?

2. Kong kayo po ay nakapag-turn over properly ng inyong accountability and liabilities kong meron man?

Mahalaga po ang mga kondisyon na nabanggit sapagkat kung kayo ay nakapag-comply na ng inyong clearance at patuloy pa rin ang hindi pagbibigay ng inyong employer ng inyong money claims, maari na kayong magsadya sa aming tangapan na may jurisdiction sa inyong pinangalingan pinapasukan.

Salamat po.

 

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

The post Makukuha pa ba ang sahod? appeared first on Bandera.

Hunk actor naghubo’t hubad sa harap ng mga kapwa artista

$
0
0

AY, grabe naman pala ang kaganapan sa back stage ng naganap na underwear fashion show kamakailan.

Mas daring at explosive raw ang mga ganap sa mga respective dressing rooms ng mga participants.

Take for instance this hunk actor na walang pakialam na naghubo’t hubad while getting ready for his entrance. At kahit may mga babae raw itong ka-join sa loob, dedma lang ito na ipagbuyangyangan ang kanyang bukol.

“Si ____ (name ng famous young actress) ang grabeng tumitili at nagsisigaw. Friends naman silang lahat du’n, pero siyempre babae pa rin ang mga yun noh? Siguro yung mga female model oks lang sa kanila dahil mas sanay na sila, pero sa mga babaeng artista siyempre, iba,” tsika ng aming source.

Sa isang dressing room naman daw ay nagkatuwaang magsayaw at gawing props na parang “kalembang ng nagtitindang sorbetes” ang ginawang peg ng isang award-winning hunk actor sa kanyang “junjun.”

Isa si hunk actor sa mga nagpasabog that evening sa rampahan, though naging laman siya ng social media lalo pa’t halata umanong naglagay ito ng “palaman” sa kanyang pototoy as proven by his pictures from the same event years back.

“Ang laki kasi ng difference ng bukol niya kumpara dati. Don’t tell us na habang tumatanda siya eh, mas lumalaki pa yun?” ang pang-iintriga pa ng aming kausap.

More backstage stories pa sa next issue! Ha-hahahaha!

The post Hunk actor naghubo’t hubad sa harap ng mga kapwa artista appeared first on Bandera.

Baguhang male celebrity walang utang na loob, sobrang kapal daw ng mukha

$
0
0


HAPPY foundation day! “Yun ang paboritong sigaw ng mga nakakakita sa isang male personality na malakas mamakyaw ng punda para ikulapol sa buo niyang mukha.

Grabe ngang maglagay ng foundation ang lalaking personalidad na ito, halos parang maskara na ang dating nu’n, ano nga kaya ang itinatago niya kaya ganu’n na lang siya kung magpahid ng punda?

Kuwento ng isang source, “Nakakaloka siyang maglagay ng punda, para na siyang nakamaskara. Takip na takip ng punda ang face niya, nakakahinga pa kaya ang mga pores ng skin niya dahil du’n?

“Nu’ng una pa lang siyang nakikilala dahil sa magaling niyang pag-arte sa isang movie, e, ‘yun na ang napansin sa kanya ng marami. Makapal siyang maglagay ng punda, happy foundation daw talaga!

“Hindi na tuloy nakikita ang totoong face niya dahil kahit saan siya magpunta, e, palaging napakakapal ng foundation niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Isang miron naman ang nagkomento na dapat lang daw magpahid nang sakdal-kapal na punda ang aktor dahil sa isyung kinasasangkutan niya ngayon. Lumaki na kuno ang kanyang ulo at wala siyang utang na loob.

“Di ba, ang sama-sama ng loob sa kanya ngayon ng mga taong unang-unang nagtiwala sa kanya?

Masama talaga ang loob sa kanya dahil pagkatapos siyang tulungang makilala, aba, may mga kadramahan na siya ngayon na hindi katanggap-tanggap!

“Marami na siyang kaartehan, kung anu-ano na ang hinihingi niya, siya na kuno ang dapat masunod!

“Kaya dapat lang siyang maglagay nang super-kapal na punda para tablan naman siya ng kahihiyan!

Maraming close sa mga taong unang nagtiwala sa kanya ang inis na inis ngayon sa foundation king na ‘yun!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi bagay sa kanya ang name niya, ha? At ang apelyido niya naman, baka maging ganu’n ang takbo ng career niya!

“Baka magmukha siyang bula na sa isang iglap lang, e, nandiyan, pero pagkatapos, e, mawawala rin pala at puputok!” inis na pagtatapos ng aming source.

The post Baguhang male celebrity walang utang na loob, sobrang kapal daw ng mukha appeared first on Bandera.

Ellen posibleng mademanda kung totoong buntis kay John Lloyd?

$
0
0

ELLEN ADARNA

NAGSALITA na ang manager ni Ellen Adarna tungkol sa pagbubuntis diumano ng dalaga courtesy of her boyfriend John Lloyd Cruz.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng official statement ang sext star ngunit marami ang naniniwala na totoo ngang pregnant na ito dahil nga hindi na siya rumampa sa ginanap na Under The Stars fashion event last weekend.

May chika naman na hindi pa pwedeng aminin ni Ellen na buntis siya dahil sa ilan niyang advertising contracts na balitang mag-e-expire sa Bagong Taon. Ayon daw sa kontrata ng aktres, hindi siya pwedeng mabuntis hanggang matapos ang taon.

Ayon naman sa official statement ng manager ni Ellen na si Pia Campos na ibinalita sa ABS-CBN, “At the moment, I can assure you that Ellen is well and happy. And if there are rumors to be admitted or dispelled, it’s her story to tell when she is ready to do so.”

Samantala, sa gitna ng chikang nagdadalang-tao na si Ellen Adarna, nagbigay naman ng suporta ang ilang kaibigan nina Lloydie at Ellen sa bagong kabanata ng kanilang buhay.

Sabi ng BFF ni Ellen na si Beauty Gonzales, “They both love each other so I’m happy for them.”

Say naman ni Piolo Pascual na malapit din kay Lloydie at siya ring pumalit sa aktor sa sitcom nitong Home Sweetie Home, “We’re always gonna be here as a friend, as a family. I’ll protect him as a brother.”

The post Ellen posibleng mademanda kung totoong buntis kay John Lloyd? appeared first on Bandera.

Viewing all 44504 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>