Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44437 articles
Browse latest View live

Arjo Atayde kay Sylvia: Para siyang catering, ang hilig magpakain!

$
0
0

SYLVIA SANCHEZ AT ARJO ATAYDE

WORKING with his mom Sylvia Sanchez in Hanggang Saan is something that Arjo Atayde is so ready for kaya lang ay hindi pa ito nagsi-sink in sa kanya.

“I can’t describe the feeling. Siguro kasi hindi pa kasi nagsi-sink in sa akin. It’s unexpected, I guess. I wasn’t expecting to work with her this early. Siguro I will take it as part of my journey, everything that happens to me right now, every blessing I just enjoy it. It’s a blessing. I am thankful. I’m very excited,” he said when asked how it was working with his mom in a full-length teleserye.

“Pakain nang pakain. Para na siyang catering. As a mom loving, seryoso at times. May times na seryoso, may times na masaya, depende siguro sa mood niya. Bilang co-worker, she’s also protective, matanong.

“Before grabe, ibang klaseng magtanong. ‘Umuwi ka na.’ parang baby. As co-worker, tulad ng sinasabi ng lahat at alam ng lahat, lagi siyang nagpapakain. We talk about serious stuff on the set also. Masaya lang kami,” dagdag pa ng magaling na aktor.

Sylvia plays a mom to Arjo and Yves Flores and she played her character with aplomb. Sa trailer pa lang ay ang galing-taling na niya bilang isang inang gagawin ang lahat mabuhay lang ang kanyang anak na may sakit.

The post Arjo Atayde kay Sylvia: Para siyang catering, ang hilig magpakain! appeared first on Bandera.


Horror, musical, action-fantasy, romcom pasok sa MMFF ‘Magic 8’

$
0
0

PORMAL nang in-announce ng Executive Committee ng 2017 MMFF kahapon ang walong official entries na mapapanood ngayong Pasko.

Narito ang mga pelikulang bubuo sa Magic 8: “Siargao” (Romance/TEN17p Productions) nina Jericho Rosales at Erich Gonzales; “Deadma Walking” (Musical/ Drama-Comedy/T-Rex Entertainment) starring Joross Gamboa and Edgar Allan Guzman; “Haunted Forest” (Horror/Regal Entertainment) nina Jane Oineza, Jameson Blake, Jon Lucas, Maris Racal at Jerald Napoles; “Ang Larawan” (Musical/Culturtain Musicat Productions) na pinagbibidahan nina Rachel Alejandro at Paulo Avelino; “Ang Panday” (Action Fantasy/CCM Creative Productions) ni Coco Martin; “Gandarrapido: The Revengers” (Comedy/Action/Fantasy/Star Cinema, Viva Films) nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach; “Meant To Beh (Comedy/M-Zet/OctoArts) starring Vic Sotto and Dawn Zulueta; at “All Of You” (RomCom/Quantum Films) nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay.

Mismong ang Chairman ng MMFF Selection Committee na si National Artist Bienvenido Lumbera ang nag-announce ng masusuwerteng pelikulang nakapasok sa taunang pestibal.

The post Horror, musical, action-fantasy, romcom pasok sa MMFF ‘Magic 8’ appeared first on Bandera.

Wedding nina Ai Ai at Gerald ninega ng basher

$
0
0

AI AI DELAS ALAS AT GERALD SIBAYAN

“NAKAKALOKA ang kadramahan ni Ai Ai delas Alas sa nalalapit nilang kasal ni Gerald Sibayan sa Christ The King Church sa Greenmeadows next month.

“Sampung pari at walong bishop daw ang mag-o-officiate sa wedding nila. Para que? Para masabing bongga siya, ganoon ba? Ayaw patalbog sa ibang ikinakasal? Pag ganoon ba guarantee nang forever na silang magsasama bilang mag-asawa? OA naman sa dami ng pari, may obispo pa. Baka maging santa na si Ai Ai niyan!” pagtataray ng isang kakilala naming antipatika.

Pakialam mo naman, Ining. Eh sa iyon ang gusto nila eh, anong problema mo? E di, magpakasal ka rin at mag-imbita ng 15 archbishops para talbugan siya. Baka may dahilan siyang personal kung kaya ganoon kadaming pari at opispo ang kaniyang inimbita. Malay mo, with so much religious heads officiating the ceremony baka makatulong nga na mas lalong tumibay ang kanilang pundasyon bilang mag-asawa.

Huwag kang epal, okay? Inggitera!

Daming mema ng kausap naming antipatikang ito – masyado raw kulang sa pansin si Ai Ai. Gusto lang daw nitong pag-usapan ng press para masabing sikat siya. Eh sa totoo lang naman, aminin mo na kasing sobrang sikat naman talaga ni Ai Ai.

Siya yata ang Comedy Concert Queen kaya manahimik ka! Kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya wala kang pakialam. Kung gusto niyang magpakasal sa tuktok ng Mt. Everest, karapatan niya ‘yun. Kayo talaga.

Sino ba ang minamanok mong komedyana at parang ayaw mo kay Ai Ai? Maka-Eugene Domingo ka, ‘no? Hindi naman puwede si K Brosas dahil malayo ang level nila, starlet lang siya compared to Ai Ai, right?

Ha! Ha! Ha! Siguro nga, maka-Eugene ka. Ayyyyy, buking na buking na may iba kang idol kaya gusto mo lang siraan si Ai Ai. Di mo ba alam na magkaibigan sina Ai Ai at Uge? Patay kang bata ka. Charrrotttt!

The post Wedding nina Ai Ai at Gerald ninega ng basher appeared first on Bandera.

Ruffa nag-shopping sa Divisoria, pero walang nakakilala

$
0
0

RUFFA GUTIERREZ

RUFFA Gutierrez got a bit daring nang pumunta siya sa Divisoria recently.

To blend with the crowd, simple lang ang outfit ni Ruffa – black shirt, white cap at face mask.

“There’s a first time for everything! Keeping it simple and blending in with the crowd. SPOT ME!

Thanks for the invite @jordanmouyal! #holidaze,” caption ni Ruffa sa kanyang Instagram photo.

Ang daming humanga sa pagiging simple ni Ruffa.

“Marami namang artista talaga ang namimili sa Divisoria. Kasi marami kang ma bibili at mapipili.

Okey lang yan para naman sa lahat ng tao ang Divisoria. Go lang Miss Ruffa my idol.”

But one basher wailed, “Wearing a mask is like….hhmm mabaho ang Divisoria? If you go to places like that you shoud not wear mask.”

Sinagot naman ito ng fan ng aktres and said, “Pagkakaguluhan siya. At pag hindi nagpapicture, suplada sasabihin ng iba. Hayaan niyo na siya ng mag enjoy naman sa pag sashopping sa Divisoria.”

The post Ruffa nag-shopping sa Divisoria, pero walang nakakilala appeared first on Bandera.

Mocha palalamunin ng alikabok ni Kris sa 2019

$
0
0

KRIS AQUINO AT MOCHA USON

PARANG kailan lang nang magpakawala ng mapang-insultong komento tungkol kay Kris Aquino si ASEC Mocha Uson. Okey lang daw sa paganyan-ganyan si Kris pero kapag tumungtong na ang aktres-TV host sa mundo ng pulitika ay ibang usapan na.

Huwag na raw sanang madagdagan pa ng isa, tama na raw ang mga kapalpakan sa serbisyong ibinigay nina dating Pangulong Cory Aquino at P-Noy, hindi pa man ay hinusgahan na ni Mocha ang kapalaran ni Kris.

Pero mapagbiro ang kapalaran, nu’ng isang araw lang ay pinangalanan si ASEC Mocha bilang isa sa mga napipisil na tumakbo para senador ng PDP-Laban sa 2019, kaya maraming tagasuporta ni Kris Aquino ang nag-angat ng boses.

Nauna nang nagpaliwanag ang dating singer-dancer na ikinagulat niya ang pagkabanggit sa kanyang pangalan dahil wala naman siyang planong pumasok sa pulitika pero kapag si Pangulong Rodrigo Duterte na raw ang kumausap sa kanya ay wala na siyang maisasagot pang iba.

Sabi ng isang kaibigan naming propesor, “See? Napakabilis namang nasagot ang tanong kung bakit ayaw niyang pumasok sa politics si Kris Aquino. E, siya naman pala ang may planong tumakbo, e!

“Ano ang ibig sabihin nu’n? Di ba, takot siyang makilahok sa pulitika si Kris dahil siguradong sa kangkungan ang bagsak niya? No match ang laban, siguradong pakakainin siya ng alikabok ni Kris!

“Kaya tantanan na ang pakikialam sa buhay at kinabukasan ng kapwa niya, ang trabaho niya na lang ang asikasuhin niya, dahil walang planong naililihim sa publiko,” madiing komento ni prop.

The post Mocha palalamunin ng alikabok ni Kris sa 2019 appeared first on Bandera.

Epal na tatay ni young actress problema ng produksyon

$
0
0

GASGAS nang katawagan ang stage mother na ikinakambal sa mga nanay ng mga artistang pakialamera. Pagmamalasakit ang kanilang katwiran, na hindi naman naiintindihan ng mga nakapaligid, kaya nagkakaroon ng problema ang mga nanay at mga produksiyon.

Nagkalat ang stage mothers, kahit saang network ay nang-aagaw sila ng atensiyon, kaya kadalasan ay nagkakaroon ng cause of delay sa trabaho ng kanilang mga anak.

Pero bibihira lang tayong makarinig ng kuwento tungkol sa mga stage father. May mga personalidad na sa halip na nanay nila ang sumasama sa kanilang trabaho ay tatay nila ang nag-aasikaso sa kanila sa tulong ng isang PA.

Kuwento ng aming source, “Tahimik lang ang tatay ng mga artista, pero siyempre, meron din silang kuda tungkol sa mga ipinagagawa sa kanilang mga anak sa shooting or taping.

“Nag-eeport din silang pakinggan ng production. Kapag may ayaw silang ipagawa sa anak nila, kinakausap nila ang staff na baka naman puwedeng baguhin ang atake sa eksena.

“Ganu’n ang nangyayari ngayon sa isang young actress na palaging tatay niya ang kasama sa line of work niya. Pinakiusapan ng production staff ang tatay na puwede naman siyang sumasama sa anak niya, pero hindi siya puwedeng lumapit sa mismong scene na kinukunan.

“Kasi nga, maraming beses nang nagkakaroon ng delay dahil sa pakikialam nu’ng tatay ng girl. Hindi naman nalalagay sa alanganin ang buhay at career ng anak niya, pero meron siyang suggestion na hindi puwedeng gawin.

“Nasa-sacrifice kasi ang kuwento kung ang gusto ni father ang masusunod. So, parang nagkakaroon na ng friction between him at sa production,” pagdedetalye ng aming impormante.

Maraming bawal, maraming hindi puwedeng gawin ang young actress, ‘yun ang nagiging problema sa tatay niya. Maayos naman ang kanilang pag-uusap ng mga staff, tiwalaan lang ang kailangan, para walang maging delay sa trabaho ng proyekto ng anak nito.

“Okey lang na nasa location ang tatay ng young actress, pero hanggang du’n lang, hindi na siya puwedeng lumapit sa mismong ginagawang eksena dahil baka may kontrahin na naman siya.

“Sayang ang anak niya, magaling pa namang artista, puwede siyang makipaglaban nang sabayan sa mga co-stars niya na kaidaran niya. Blue ang favorite color ng tatay ng girl,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong getlak n’yo na kung sino ang mag-amang ito, pramis!

The post Epal na tatay ni young actress problema ng produksyon appeared first on Bandera.

Sirena movie nina Elmo at Janella Etsapwera sa MMFF 2017; ‘Larawan’ ni Paulo naka-jackpot

$
0
0

ELMO MAGALONA AT JANELLA SALVADOR

UNUSUALLY quiet ang kampo ni Liza Diño-Esguerra, Film Development Council of the Philippines Chairman and CEO, sa napiling Final 4 entries sa 2017 Metro Manila Film Festival. Sa nakaraang taong festival, frontrunner si Diño at very vocal sa pagdepensa sa mga napiling kalahok.

Wala kaming nakitang reaksyon sa Facebook ni Liza tungkol sa announcement ng Selection Committee sa natitirang apat na slots. Napunta ito sa mga pelikulang “Ang Larawan”, “Dedma Walking”, “Haunted Forest” at “Siargao.”

Sa last entries, huling tinawag ang “Ang Larawan” produced by Culturtain Musical Productions. Maraming natuwa sa pagkakasali nito dahil nga naisnab na ito sa unang submission nila ng script.

Ayon kay Girlie Rodis na, isa sa producers, natugunan din ang dasal at hirap sa paggawa ng musical-historical film matapos ang apat na taon. Isinalang na ito sa nakaraang International Tokyo Film Festival at umani naman ng papuri. Bida rito sina Paulo Avelino, Rachel Alejandro at Joanna Ampil mula sa direksyon ni Loy Arcenas.

Ngayon lang din nakapasok ang T Rex Productions sa MMFF. Ilang beses silang sumubok pero bigo. Nakapasok ang ginawa nitong “Patay na Si Hesus” sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino at isa ito sa kumitang indie film. This time, ang MMFF naman ang mako-conquer niya sa entry nitong “Dedma Walking” nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman.

Pasok din ang Paul Soriano movie na “Siargao” nina Jericho Rosales, Erich Gonzales at Jasmine Curtis-Smith. Ito ang pelikulang ipinalit ni Echo dapat sana’y pagbibidahan din niyang “All Of You” ng Quantum Films na isa rin sa naunang napili na official entry this year.

Nag-iisang horror film naman ang “Haunted Forest” ng Regal Entertainment. Comeback film ito ni Raymart Santiago with Jane Oineza, Maris Racal, Jameson Blake at Jon Lucas. Vindicated sa pagkakapili ng movie ang director nitong si Ian Lorenos na siyang nagdirek ng “Mano Po 7” na hindi pinalad last year sa festival.

Bigo nga lang ang fans nina Elmo Magalona at Janella Salvador na mapili ang movie nilang “My Fairy Tail Love Story”. Nalungkot ang ElNella supporters dahil marami sa kanila ang umasa na mapapanood na nila sa big screen ang dalawa at sa MMFF pa.

Ginanap ang announcement last Friday sa Club Filipino kung saan present ang MMFF Executive Committe headed by Chairman Tim Orbos.

Ang iba pang official entries ay ang “All Of You” nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado mula sa Quantum Films, “Meant To Beh” nina Vic Sotto at Dawn Zulueta at ang magkahiwalay na movie nina Vice Ganda at Coco Martin.

Mapapanood simula sa Dec. 25 hanggang Jan. 7 ang lahat ng official entries at ang Parada ng mga Bituin ay sa Dec. 23 gaganapin sa City of Muntinlupa bilang bahagi ng kanilang centennial anniversary.

 

The post Sirena movie nina Elmo at Janella Etsapwera sa MMFF 2017; ‘Larawan’ ni Paulo naka-jackpot appeared first on Bandera.

Marian pinaligaya si Ai Ai sa bonggang ‘spa’ bridal shower

$
0
0

AI AI DELAS ALAS, MARIAN RIVERA AT VALEEN MONTENEGRO

“kambal” na si Ai Ai delas Alas.

Relaxing ang spa-themed bridal shower para sa Comedy Queen at talagang binigyan pa ng personalized robes, spa kits, tote bags with bonggang handaan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Marian ng photo nila ni Ai Ai kasama ang ilang bisita na nakasuot pa ng kanilang mga robe. Ikakasal na si Ai Ai kay Gerald Sibayan sa Dec. 12.

 

The post Marian pinaligaya si Ai Ai sa bonggang ‘spa’ bridal shower appeared first on Bandera.


Arjo nagpasilip ng katawan: It’s not my thing, pero ginawa ko rin!

$
0
0

HANGGANG SAAN CAST: SUE RAMIREZ, TERESA LOYZAGA, SYLVIA SANCHEZ, ARJO ATAYDE, YVES FLORES AT ARIEL RIVERA

MAY bagong loveteam na aabangan sa bagong afternoon serye ng ABS-CBN na Hanggang Saan – sina Arjo Atayde at Sue Ramirez.

In fairness, sa trailer pa lang ng nasabing teleserye ay mararamdaman na ang matinding chemistry ng dalawa, kaya siguradong isa ito sa mga aabangan ng manonood.

“I’m happy if they accept it, if they like it. I am more than happy to do 10, 20, 30 films with Sue. She’s so good, very professional, and napakabait. She’s a real person and that’s what matters the most,” pahayag ni Arjo.

Nang tanungin naman tungkol sa pagpapakita ng kanyang hubad na katawan sa Hanggang Saan, “Honestly speaking I’ve been working out a lot and I just don’t post. I don’t show people because it’s not for anything, it’s for myself, to be healthy, to be fit, you know.

“It’s not for people to see or for me to show. It’s not my thing but I guess siguro ‘yung pagtatanggal ng t-shirt, it’s not my thing, I don’t like doing it but for the sake of the show, I will do it, so I did it,” aniya.

Keri ba niyang magkaroon ng intimate scenes with Sue? “If it’s okay with Sue, it’s okay with me..”

Samantala, hanggang saan nga ba ang kayang gawin ng isang ina para sa kanyang anak? Iyan ang sasagutin ng Hanggang Saan na magsisimula na sa Nov. 27 sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Matapos siyang mahalin ng sambayanan bilang Gloria sa The Greatest Love, muling matutunghayan ng viewers si Sylvia Sanchez sa pagbibigay-buhay niya kay Sonya, isang matapang na nanay na gagawin lahat para sa mga anak.

Makakasama naman ng award-winning actress sa unang pagkakataon sa isang serye ang anak niyang si Arjo, na gaganap bilang Paco. Matalino at maaasahan, si Paco ay kasalukuyang kumukuha ng abogasiya at nagsusumikap na mabigyan ng mas komportableng buhay ang pamilya.

Makikilala rin nila ang mag-inang Jean (Teresa Loyzaga) at Anna (Sue) na magiging malapit nilang mga kaibigan at babago sa takbo ng kanilang mga buhay.

Sa unang tingin, isa lang pangkaraniwang pamilya ang tahanan ni Sonya. Ngunit mag-iiwan ng maraming katanungan ang kanyang kwento dahil hindi tulad ng nakasanayang kuwento ng mga ina, madadawit si Sonya sa isang krimen upang maipagpatuloy ang buhay ng nag-aagaw-buhay niyang anak.

“Gagawa si Sonya ng argumento sa mga nanay at mga anak. Ang tanong ay, ‘Gagawin ko ba ang ginawa ni Sonya? Dapat ba ginawa niya o hindi niya dapat ginawa ‘yung krimen?’” ani Ibyang.

“Babasagin namin ang imahe ng pagiging isang ‘ideal’ na ina. Dito makikita natin kung paano mamahalin ang isang taong alam nilang may bahid,” sey naman ni Arjo.

Kasama rin sa Hanggang Saan sina Ariel Rivera, Yves Flores, Maris Racal, Marlo Mortel, Nikko Natividad, Rommel Padilla, Mercedes Cabral, Rubi Rubi, Viveika Ravanes, Sharmaine Suarez, Ces Quesada, Arnold Reyes, Maila Gumila at Junjun Quintana, sa direksyon nina Mervyn Brondial at Jeffrey Jeturian.

Mapapanood ang Hanggang Saan, tuwing hapon after Pusong Ligaw sa ABS-CBN.

The post Arjo nagpasilip ng katawan: It’s not my thing, pero ginawa ko rin! appeared first on Bandera.

Kris muling pinatunayan ang pagmamahal kay Kim

$
0
0

KRIS AQUINO AT KIM CHIU

PINATUNAYAN ni Kris Aquino na solid pa rin ang friendship nila ni Kim Chiu kahit na hindi na sila madalas magkasama. Tinupad ng Queen of All Media ang promise niya kay Chinita Princess na magpapa-block screening para sa bagong horror movie nitong “The Ghost Bride”.

Sa napanood naming video sa Instagram ni Kris, makikitang tuwang-tuwa sina Bimby at Joshua na nakita at naka-bonding muli nila ang kanilang Ate Kimmy.

Pagkatapos ng block-screening, agad nag-post ng kanyang thank you message si Kim kay Kris sa IG, “As always, thank you ate @krisaquino for supporting #TheGhostBride.

“You’re always there to support me sa lahat ng ganap ko, concert, album launch and now sa movie!

Sobrang thankful ako ate! Thank you ate sa block screening today, for your time despite being busy and jet lag pa from your trip.

“I love you ate always and forever ‘yan no questions asked, I’m very happy to see you and looking forward to see you again next week. Miss ko na ang kwentuhan and tawanan natin. Sobrang cute din ni Bimby, sobrang talino cant believe na 10 years old lang siya. Super smart kid, nice to see kuya josh also!!!

“I love you ate again thank you thank you thank you, i will always be your panganay!!! Aww! So touching!” sabi pa ni Kim.

The post Kris muling pinatunayan ang pagmamahal kay Kim appeared first on Bandera.

Vice sa magulang ni Hashtag Franco: Mahal ko ang anak n’yo, pero hindi kami magdyowa!

$
0
0

VICE GANDA AT FRANCO HERNANDEZ

PINASAYA ni Vice Ganda kahit paano ang mga taong nasa huling gabi ng burol ni Hashtag Franco Hernandez, na pumanaw last week matapos malunod sa isang beach sa Davao Occidental.

Naibsan ang matinding kalungkutan at pangungulila ng pamilya at mga kaibigan ni Franco na nasa Arlington Memorial Chapel sa Q.C. nang magsalita si Vice sa huling lamay ng kanyang anak-anakan.

Isang video ni Vice ang ipinost sa YouTube ng ilang netizens na naroon sa burol ni Franco. Sey ng Phenomenal Box-Office Star, “Pinapatawa ko lang sila para masaya lang ang mood. Actually ayaw ko nang magsalita, ang sakit-sakit na ng dibdib ko. In fact, after the live episode of Showtime yesterday.

“Nakiusap ako sa management, sabi ko ipa-pack up ko na ang taping ng GGV, hindi ko talaga kayang magpatawa. Ang sakit-sakit na ng dibdib ko, di ko kayang magharot, magsaya. Just give me a day to mourn for my son, Franco,” pahayag ng TV host-comedian.

“Siguro kaya ginawa na rin akong bakla ng Diyos, para hindi talaga ako magkaanak. Kasi ito pa lang, hindi ko totoong anak pero hindi ko kinakaya.” Biro naman ni Vice sa magulang ni Franco, “Mahal ko po ang anak niyo. Pero hindi po kami mag-jowa, hindi po ako pumapatol sa below 5’7. Halos lahat po ng jowa ko ay 6-footer, mythical 5, PBA level, joke, charot!” aniya.

“Maraming salamat, Franco, I will miss you. For now, iiyak ako kapag iniisip kita but I know in time, give me like a month or two, kapag inisip kita tatawa na ako ulit, kapag inisip kita ay magiging masaya na ako ulit,” pagtatapos ng komedyante.

Samantala, siguradong tuwang-tuwa si Vice sa sinabi ni National Artist Bienvenido Lumbera, ang Chairman ng MMFF Selection Committee, tungkol sa entry nilang “Gandarrapido The Revengers” kung saan makakasama niya sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.

Si G. Lumbera ang nag-announce ng walong official entry sa taunang MMFF at isa nga rito ang pelikula nina Vice. Sabi ng National Artist, highly-recommended daw niya ang nasabing action-fantasy-comedy film, lalo na sa mga bata. “Sasabihin ko sa mga apo ko na panoorin ang movie nina Vice, Daniel at Pia dahil talagang maganda.”

Ang “Gandarrapido The Revengers” ay sa direksyon ni Joyce Bernal under Viva Films and Star Cinema.

The post Vice sa magulang ni Hashtag Franco: Mahal ko ang anak n’yo, pero hindi kami magdyowa! appeared first on Bandera.

2017 MMFF Magic 8: Iba’t ibang putahe sa Pasko

$
0
0

VIC SOTTO, VICE GANDA, COCO MARTIN JENNYLYN MERCADO AT DEREK RAMSAY, EDGAR ALLAN GUZMAN AT JOROSS GAMBOA, PAULO AVELINO, JANE OINEZA, ERICH GONZALES AT JERICHO ROSALES

BUKOD sa “Gandarrapido The Revengers” nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach, narito ang pito pang pelikulang masusuwerteng nakapasok sa 2017 MMFF na magsisimula na sa Dec. 25: “Ang Panday” directed by Rodel Nacianceno produced by CCM Creative Productions, starring Coco Martin, Mariel de Leon, Kylie Verzosa, McCoy de Leon, Elisse Joson at Gloria Romero; “All Of You” ni Dan Villegas under Quantum Films and MJM Productions na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay; “Meant To Beh” directed by Tony Reyes, produced by OctoArts/M-Zet nina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

Pasok din ang “Deadma Walking”, ni Julius Ruslin Alfonso mula sa T-Rex Entertainment, starring Joross Gamboa, Edgar Allan Guzman, Dimples Romana, Candy Pangilinan and Bobby Andrews; “Siargao” ng Ten17 Productions, directed by Paul Soriano, na pagbibidahan nina Jericho Rosales, Erich Gonzales and Jasmine Curtis Smith.

Nandiyan din ang “Haunted Forest” ng Regal Films, directed by Ian Loreños, starring Jane Oineza, Jameson Blake, Jon Lucas, Maris Racal and Jerald Napoles; at “Ang Larawan” mula sa Culturtain Musicat Productions sa direksyon ni Loy Arcenas. Bida rito sina Rachel Alejandro, Joanna Ampil at Paulo Avelino, with Nonie Buencamino, Celeste Legaspi, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid at Aicelle Santos.

Bukod kay G. Lumbera, kasama rin sa Selection Committe sina Atty. Alu Dorotan, Allana Yulde (Cinema 2000), Bing Advincula (Robinsons Cinemas), Maryo J. delos Reyes, Mel Chionglo, Gordon Ting (Vista Cinema), Roy Iglesias, Consoliza Laguardia at Jessie Ejercito.

The post 2017 MMFF Magic 8: Iba’t ibang putahe sa Pasko appeared first on Bandera.

Sara Duterte kay Mariel De Leon: Insecure agad? Di ba pwedeng maldita lang tulad mo?!

$
0
0

 

MARIEL DE LEON AT SARA DUTERTE

SUPALPAL si Bb. Pilipinas International Mariel de Leon kay Davao City Mayor Sara Duterte. Mukhang walang planong tumahimik ang Presidential daughter sa bangayan nila ng beauty queen.

Nagkasagutan ang dalawa matapos magpahayag ng kanyang saloobin si Mayor Sara tungkol sa pagkatalo ni Mariel sa kakatapos lang na 2017 Miss International.

Sa kanyang social media post tila masaya pa ang anak ni Pangulong Duterte sa pagkatalo ni Mariel. Kasabay nito, sinabi rin ng alkalde na meron siyang hindi kagandahang na-experience noon sa dalaga.
Hirit pa ng mayor, marahil ay nakarma lang si Mariel dahil sa mga kanegahang pinagsasasabi nito laban sa kanilang pamilya, lalo na kay Pangulong Duterte.

Hindi man pinangalanan ni Mariel, naniniwala ang netizens na para kay Inday Sara ang tweet nitong, “If another person’s ‘misfortune’ pleases you, it just shows how insecure and unhappy you are with your life.

“It’s okay, maybe one day you’ll be truly happy? I’m sending you good vibes and prayers!” sabi pa ng anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Dahil dito rumesbak uli si Mayor Sara, “Nase-schadenfreude kami, insecure at unhappy agad, di ba pwedeng tulad mo ay sadyang maldita lang talaga kami. Ano ika-insecure sa talo mo?

“Pinili ko maging lawyer hindi beauty queen at naipasa ko ang bar exam ng isang take lang.
“Ikaw ilang beses ka nga ba natalo? At take note, pareho tayo mataba, wala ka lamang jan. Juicekow.”

Hirit pa ng alkalde laban kay Mariel, “’Di kami insecure at unhappy, that’s your freudian slip about your schadenfreude moments.

“Nase-schadenfreude lang kami kasi we are born pala-away, lalo na kapag inuunahan kami.

“Nakita mo yung kadami ng camera sa SMX, lahat yun recording with your comments and you making faces. Lols.”

Ang “schadenfreude” ay isang German word na ang ibig sabihin ay ang pagiging maligaya raw ng isang tao kapag may mga nahihirapan o nagdurusa.

Ayon naman sa ilang netizens, sana raw ay hindi na pinatulan ni Mayor Sara ang anak nina Boyet at Sandy. Parang hindi raw tama na ang isang mayor ay nakikipagtalakan sa tulad ni Mariel.

Pero sey naman ng mga maka-Duterte, tama lang daw na sagutin ni Sara si Mariel para maturuan ito ng leksyon. Masyado na raw kasing maepal at sukdulan na ang pagiging sawsawera ng dalaga.

 

 

The post Sara Duterte kay Mariel De Leon: Insecure agad? Di ba pwedeng maldita lang tulad mo?! appeared first on Bandera.

Betong, Sheena, Maey, Boobay nag-Road Trip sa SG

$
0
0

SHEENA HALILI, MAEY BAUTISTA, BOOBAY AT BETONG SUMAYA

FIRST out of the country trip ng Road Trip ngayong Linggo at biyaheng Singapore ang programa!

Lalo pang magiging espesyal at masaya ang lakad na ito dahil ang mga Kapusong komedyante na sina Betong Sumaya, Maey Bautista, Boobay at Sheena Halili ang magiging travel buddies sa SG.

Patok nga raw na pang-barkada ang lakwatsang ito. Nag-nature tripping sila sa river safari at nasubukan din nilang makipag-swimming sa mga pating! Todo enjoy rin ang apat sa iba’t ibang thrilling rides at attractions gaya ng luge, sky ride, Southeast Asia’s Zip wire, at bungee vertical skywalk.

At may bonus pa, dahil may amazing birthday surprise palang naka-ready para kay Betong! Angkas na sa Road Trip at laugh trip nina Betong, Maey, Boobay at Sheena sa Singapore ngayong Linggo, 5 p.m., sa GMA 7.

The post Betong, Sheena, Maey, Boobay nag-Road Trip sa SG appeared first on Bandera.

Miss India waging Miss World 2017, Laura Lehmann nganga

$
0
0

TULAD ni Bb. Pilipinas International Mariel de Leon, bigo rin ang bet ng Pilipinas sa kata-tapos lang na Miss World 2017 beauty pageant na ginanap sa Sanya, China.

The grand coronation night was hosted by our very own Miss World 2013 Megan Young.

Umabot sa Top 40 si Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann ngunit hindi na siya pinalad na makapasok sa Top 15.

Kinoronahang Miss World 2017 si Miss India Manushi Chhillar na kitang-kita ang pagkabigla nang tawagin ang kanyang pangalan bilang pinakamagandang babae sa buong mundo ngayong taon.

Waging 1st Princess si Andrea Meza ng Mexico habang 2nd Princess naman si Stephanie Hill mula sa England. Mahigit 100 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang rumampa sa Miss World 2017 pageant.

Ang mga nakapasok sa Top 15 bukod nga kay Miss India ay sina Miss Mongolia (People’s Choice Winner) Enkhjin Tseveendash, Miss Russia Polina Popova, Miss Indonesia Achintya Holte Nilsen, Miss El Salvador Fatima Cuellar, Miss Korea Ha-eun Kim, Miss Nigeria Ugochi Ihezue, Miss South Africa Adè van Heerden, Miss Japan Haruka Yamashita, Miss Mexico Andrea Meza, Miss France Aurore Kichenin, Miss England Stephanie Hill, Miss Kenya Magline Jeruto, Miss Jamaica Solange Sinclair at Miss China Guan Siyu.

The post Miss India waging Miss World 2017, Laura Lehmann nganga appeared first on Bandera.


Kilalang female celebrity nilait ang anak ng bff na aktres

$
0
0

ANAK din lang ang pinag-uusapan, kuwento ito tungkol sa pag-uusap between a popular actress and her not so openly gay friend. Halos tatlong dekada na ang kanilang pagkakaibigan.

Habang lulan ng sasakyan ng aktres, out of the blue ay na-ging topic ng kanilang pag-uusap ang anak ng isang showbiz couple.

Aktres: Bakit hindi nagmana ‘yung anak nila sa ganda ng madir niya?

Gay Friend: Cute naman ‘yung bagets, ah.

Aktres: In fairness, cute naman pero kung ikukumpara mo ‘yung bagets du’n sa anak nina _____ (pangalan ng sikat na magnobyong ikinasal kailan lang), ‘di hamak na mas maganda si ____ (pangalan ng anak ng newlyweds), ‘no!

No comment lang ang gay friend. Sa isip-isip niya, “’Kala ko ba, mag-BFF kayo nu’ng madir ng bagets na nilalait mo ang itsu? Hay, kapag nalaman-laman ‘yan ni ____ (name ng madir ng bagets), naku, tiyak na maghahalo ang balat sa tinalupan!”

Oo naman, let’s spare the innocent child. Ayaw ng RA 9262!

The post Kilalang female celebrity nilait ang anak ng bff na aktres appeared first on Bandera.

Mabilis na Internet sa 2019; salamat Facebook, Google

$
0
0

SA ngayon, anim na “undersea cables” ang ginagamit sa Pilipinas pero lahat ay pag-aari o kasosyo ng PLDT at Globe Telecom.
Ibig sabihin, wala tayong pupuntahan kundi ang naturang duopoly na ang serbisyo, ayon kay Chinese billionaire na si Jack Ma, ay “no good”.
Bukod sa tayo ang isa sa pinakamabagal na 13.41 mbps, tayo rin ang pinakamahal sa $40.96 sa buong mundo. Kahit pa bilyun bilyong piso ng government tax incentives ang ibinigay sa dalawang telco na ito, wala ring “improvement” o kaya’y sulit sa bayad para sa mga Internet users.
Pero ngayon, merong napakalaking pagbabago na hulog ng langit. Hindi galing sa Globe o PLDT kundi galing sa Facebook at Google.
Pagdating ng 3rd quarter ng 2019, ilatag at aandar na ang 12,874 kms. na trans-Pacific under sea cable ng Pacific Light Cable Network na magdudulot ng 120 terrabits ng data/second sa pagitan ng Los Angeles, USA at Hong Kong.
Magkakasosyo rito ang Facebook, Google at Pacific Light Data Communication na ang layunin ay pabilisin at gawing mas moderno ang Internet para sa cloud users at ekonomiya ng maraming bansa.
Pero, ito’y hindi dadaan sa karaniwang “Luzon strait” sa pagitan ng Luzon at Taiwan, dahil doon karaniwang napuputol ang mga “undersea cable” katulad noong 2006 Hengchun earthquake na nakaapekto sa mga transaksyon sa Hong Kong at Amerika.
Ang bago at “bypass” na undersea cable na ito ng Facebook at Google mula Los Angeles, USA ay dadaan sa Baler, Aurora tapos sa 250 km “Luzon bypass infrastructure” na itatayo ng gobyerno hanggang Poro Point, La Union at de-deretso naman sa Hong Kong.
Bukod sa gastusin para sa “bypass infrastructure” at “landing rights para sa Facebook at Google, magkakaroon ng “2,000,000 mbps bandwidth” ang gobyerno. Pwedeng pwede na kung kumpara sa kapasidad ng PLDT at Globe na 2,300,000 mbps.
Ilulunsad ng gobyerno ang SECUREGO-VNET sa pangunguna ng DICT,BCDA at PCOO para bumuo ng ultra high speed information highway para sa isang National Broadband plan.
Kung totoo ang pa-ngakong “free public wifi” sa mga public places, parks, plazas, train stations, airports at marami pang iba, sobrang ginhawa ito sa taumbayan. Titindi rin ang online services ng gobyerno tulad ng mga passports, licenses at iba pang pangangailangan pati na koneksyon ng lahat ng opisina ng gobyerno, ospital, military, pulis at iba pa.
Lalo na kung magtatayo ang gobyerno sa mga lugar, bayan man o lungsod, kung saan masama ang serbisyo ng PLDT at Globe, mala-king tulong ito. Sa tindi ng bilis, hindi malayong putaktihin tayo ng mga bagong Internet services sa mga lalawigan, tulad ng call centers, medical transcriptions” o kaya’y mga tinatawag na “next wave cities” na tatayuan ng IT-BPM companies.
Maraming taon na tayong naghintay, nagtiis sa masamang serbisyo ng komunikasyon. Pagdagting ng 2019, iba na ang laban ng mga Pilipino. Isa na tayo sa mga bansa sa buong mundo na aani ng matinding biyaya ng “information technology” hindi lamang dahil ok na ang ating “network readiness” kundi ang tiyak na pagsikat ng “digital ready Filipino workforce”na pinaka-magagaling sa buong mundo.
Abangan sa 2019, mabilis na darating ang 22 months na iyan!

The post Mabilis na Internet sa 2019; salamat Facebook, Google appeared first on Bandera.

Perseverance in discipleship

$
0
0

Monday,
November 20, 2017
33rd Week in Ordinary Time
1st Reading: 1 Mac 1:10-15,41-43,54-57,62-63
Gospel: Luke 18:35-43
When Jesus drew near to Jericho, a blind man was sitting by the road, begging. As he heard the crowd passing by, he inquired what it was, and they told him that Jesus of Nazareth was going by. Then he cried out, “Jesus, Son of David, have mercy on me!” The people in front scolded him, “Be quiet!” but he cried out all the more, “Jesus, Son of David, have mercy on me!”
Jesus stopped and ordered the blind man to be brought to him, and when he came near, he asked him, “What do you want me to do for you?” And the man said, “Lord, that I may see!” Jesus said, “Receive your sight, your faith has saved you.” At once the blind man was able to see, and he followed Jesus, giving praise to God. And all the people who were there also praised God.
D@iGITAL-EXPERIENCE
(Daily Gospel in the Assimilated Life Experience)
Today’s Gospel reading takes us to the outskirts of Jericho not very far from the city of Jerusalem. There a blind begged Jesus for healing but people made it difficult for him. The people scolded him, “Be quiet!” but he cried out all the more, “Jesus, Son of David, have mercy on me!” He stood his ground sustained by his faith that Jesus could grant what he was asking for. Jesus rewarded him for this with the restoration of his sight. He even got more!
Perseverance in prayer obtains for us something even more meaningful than that which we ask for. The blind man only asked for restoration of his sight. More than sight, he received vision – the vision of the Word Incarnate. With the restoration of his vision he received a mission – the mission to be a disciple of the Light of the world. Jesus called him to deeper relationship of discipleship. This call to intimate relationship generated a deeper kind of vision in him, for indeed discipleship requires a keener sight for spiritual things.
It was significant that the blind man asked for the restoration of his sight near Jerusalem, for it was in Jerusalem that Jesus suffered and laid down his life for the world. When we are in need for something and choose to pray without let up, let us transport ourselves near Jerusalem, to where the blind man cried out to Jesus for healing. This will purify our intentions. Remembering that Jesus suffered so much, perhaps even more than the sufferings that goad us into incessant prayer, we’d never ask to be spared from trials. We’d ask instead for the sense of mission, so that we may see meaning in what we suffer. This way, each time we pray, we get more, as the blind man did. – (Atty.) Rev. Fr. Dan Domingo P. delos Angeles, Jr, D.M., Email: dan.delosangeles@gmail.com.

May comment ka ba sa column ni Father Dan? May tanong ka ba sa kanya?
I-type ang BANDERA REACT <message/ name/age/address> at i-send sa 4467.

The post Perseverance in discipleship appeared first on Bandera.

Rocco pinaligaya ang mga beki, grabe ang ‘pabukol’

$
0
0

 

GINULAT, pinaglaway at pinaligaya ni Rocco Nacino ang mga beki sa nakaraang underwear fashion show ng isang clothing line last Saturday night.

E, kasi nga, rumampa nang bonggang-bongga ang Kapuso hunk actor nang naka-T-back lang kaya talagang pinagpiyestahan ng audience ang kanyang bukol at puwet. First time itong ginawa ng binata kaya tilian at palakpakan ang mga nasa event.

Lumabas si Rocco sa stage suot ang isang mahabang jacket at itim na briefs. Nang lumakas na ang sigawan ng mga tao, hinubad na ng binata ang jacket at ang kanyang underwear kaya ang natira na lang ay ang suot niyang T-back. Pero mas lalong dumagundong sa venue nang tumalikod na siya at tumambad sa lahat ang kanyang puwet.

“Told you guys you’d be seeing a different Rocco tonight. Thank you for the roar guys! You all made my night,” ang caption na inilagay ng aktor sa kanyang hot and sexy photo na kuha sa nasabing fashion event.

Bukod kay Rocco, ang iba pang Kapuso stars na rumampa sa nasabing underwear fashion show ay sina Tom Rodriguez, Derrick Monasterio, Addy Raj, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Andrea Torres, Ken Chan, Pancho Magno, Kim Domingo, Maine Mendoza at marami pang iba.

 

The post Rocco pinaligaya ang mga beki, grabe ang ‘pabukol’ appeared first on Bandera.

Netizens kumontra sa pagtakbo ni Mocha sa Senado: Stop fake news!

$
0
0

MOCHA USON

RUNNING for a senate seat pala si Mocha Uson.

This early, ang dami ng hanash against her lalo pa’t sinabi ni Sec. Martin Andanar na malaki ang chance na manalo siya.

In one popular website, nag-react ang netizens against Mocha. One even rattled off ang mga nagawa ni Mocha.

“Oo nga andami kaya nyang nagawa.

1. Spread fake news
2. Be rude to other people just because they are/she thinks they are Anti Duterte.
3. Spread fake news.
4. Try to undermine democracy using the excuse of po-pulism.
5. Spread fake news.
6. Stand like a broom propped against the wall while her friend almost assaults a journalist during a state event.
7. Spread fake news.”

Another guy said, “May bo-xer na may dancer pa… Gone are the days when the erudite and the distinguished statesmen sit on the Senate. Hahay.”

But this guy’s comment nailed it: “If we really dont want her to be in the SENATE and embarrass the whole of PINAS more, do your act, vote who u think is more deserving and will really SERVE the people. Enough of fake news queen. Enough gi-ving her your taxes. Useless.”

Mocha gunning for a senate seat is the biggest joke we’ve ever seen on social media.

For sure, her bashers will have a grand time reposting her nude photos, her pagdukot sa ari ng isang guy, her lesbian kiss with another woman, her pagpapalamas ng boobs sa isang episode ng podcast show ni Mo Twister. Si-guradong pagpipiyestahan na naman siya sa social media.

 

The post Netizens kumontra sa pagtakbo ni Mocha sa Senado: Stop fake news! appeared first on Bandera.

Viewing all 44437 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>