Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44568 articles
Browse latest View live

JoWaPao: Marami pa kaming kakaining bigas bago maabot ang level ng TVJ!

$
0
0

JOSE MANALO, WALLY BAYOLA AT PAOLO BALLESTEROS

HINDI lang sa longest running noontime variety program na Eat Bulaga masasaksihan ang wit at comedic chemistry nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros, kundi pati na rin sa kanilang morning talk show at bagong pelikula.

Nagpapasabog ng hugot at good vibes ang tatlong TV host-comedian na mas kilala ng sambayanang Pinoy as the JoWaPao – bilang sina Lola Tidora, Nidora at Tinidora sa kanilang late morning program na The Lolas’ Beautiful Show.

Ang 30-minutong programa bago ang Eat Bulaga ay nagbabahagi ng mga kuwento ng mga paborito nating artista at mga aral na kanilang natutunan sa buhay at pag-ibig. Mapapanood din ang pagbibigay ng mga lolas ng words of wisdom sa manonood.

“Ang programa ay extension na ng Kalyeserye. Pareho pa rin ang mga karakter namin pero mas madami na kaming nakakausap at nakikilalang tao. Mas nakakapaghatid kami ng tuwa at ligaya sa manonood dahil na din sa good vibes na hatid ng show,” saad ni Wally.

Ayon sa tatlo, isang sorpresa sa kanila ang mabiyayaan ng bagong proyekto tulad ng The Lolas’ Beautiful Show. Nabigyan lamang daw sila ng dalawang linggo upang mapaghandaan ang kanilang pilot episode na umere noong 25 ng Setyembre. Ayon kay Paolo, hindi nila talaga in-expect na magkakaroon sila ng sarili nilang talk show.

“Masaya kami sa oportunidad na ito dahil alam namin na hindi araw-araw ay may dumarating na ganitong blessing. Andoon din yung pakiramdam na mas may malaki kaming responsibilidad sa manonood. Pinag-aaralan namin ang lahat. Pinag-uusapan ang bawat episode ng programa dahil gusto namin na makapagbigay ng dekalidad na show sa kanila,” saad nito.

Para naman kay Jose, nagpapasalamat siya dahil kahit dalawang taon na ang lumipas simula nang maipakilala sa telebisyon ang mga lolas ng Kalyeserye, patuloy pa rin itong sinusundan at tinatangkilik ng manonood. Nagpapasalamat din ito sa suporta na ibinibigay ng kanilang Eat Bulaga family.

Sa ngayon, nananalangin ang tatlo na ang pagmamahal at suportang kanilang natatamasa ngayon ay maibigay din sa kanilang bagong pelikula, ang “Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies” mula sa APT Entertainment at M-ZET TV Production.

Sa nasabing pelikula ay patuloy ang pagbibigay buhay ng JoWaPao sa kanilang mga karakter sa Kalyeserye ngunit sa puntong ito ay hindi upang gabayan sina Alden Richards at Maine Mendoza, kundi ipakita ang kanilang mga personal adventures. Kasama nila rito sina Miggy Tolentino, Kenneth Medrano, Caprice Cayetano, Shaira Mae dela Cruz, Taki Saito, Arthur Solinap, Angelika dela Cruz at Ryzza Mae Dizon.

“Ibang-iba ang proyekto na ito sa Lolas’ Beautiful Show dahil na rin sa action-adventure na tema ng movie,” saad ni Wally. Dagdag ni Jose, ipapakita nila na kahit na may edad ang mga lolo at lola natin ay marami pa rin silang magagawa sa buhay.

q q q

Samantala, kahit na busy ang tatlo sa kaliwa’t kanang showbiz commitments, hindi nila alintana ang pagod at stress.

“Nagtatrabaho kami araw-araw pero di mo kami mariringgan ng kahit na anong reklamo kasi gusto namin ang ginagawa namin. Mahal namin ang trabaho at ang mga kasama namin dito. Nagpapasalamat kami sa lahat ng pagmamahal at suporta,” saad ni Paolo.

Para naman sa mga patuloy na nagkukumpara o nagsasabi na sila na ang pwedeng sumunod sa mga yapak ng haligi ng Eat Bulaga na sina Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, ang kanilang magkakasabay na tugon ay, “Marami pa kaming kakaining bigas.”

Dagdag pa ni Jose na lahat ng jokes, hosting style at kung paano makipag-interact sa audience ay natutunan nila sa TVJ, pero hindi nila kayang pantayan ang mga nagawa at putuloy na nagagawa ng mga main men ng Eat Bulaga sa showbiz.

“Masaya kami pag naikukumpara sa TVJ pero napakalayo pa. Wala pa kami sa kalingkingan nila.

Walang makakalampas sa nagawa at patuloy na ginagawa ng TVJ. Ang tanging magagawa lang namin ay gawin silang inspirasyon at laging isapuso kung bakit kami nasa harap ng kamera – ‘yun ay para magbigay saya at ligaya sa lahat,” ani Jose.

Wag palampasin ang The Lolas’ Beautiful Show tuwing 11:30 a.m. sa GMA at ang “Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies” na showing na ngayon sa mga sinehan. nationwide.

The post JoWaPao: Marami pa kaming kakaining bigas bago maabot ang level ng TVJ! appeared first on Bandera.


Kim, Yeng hahataw sa Phil-Chi Star Concert sa MOA Arena

$
0
0


ISA na namang malaking milestone ang haharapin ng Pop-rock Princess na si Yeng Constantino at Chinita Princess Kim Chiu sa kanilang career.

Nakatakdang mag-perform ang dalawa kasama ang ilan sa mga kilalang Chinese singers sa kauna-unahang Phil-Chi Star Concert na pinamagatang “Nice To Meet You” sa Jan. 17, 2018, 8 p.m. sa Mall of Asia Arena.

Makakasama nila in one stage ang mga sikat na Chinese performers na sina G.E.M., Della Wu, Chief (Chao Chuan) and Da Zhuang sa isang bonggang concert na pinrodyus ng Philippine Dragon Media Network (PDMN).

Inaasahan ngang magdadala ng libu-libong Chinoy na manonood sa show na ito na naglalayong magdala ng pinaka-exciting na music event sa simula ng bagong taon para higit pang ipakilala ang parehong local at Chinese music.

Nakipagsanib-pwersa ang kumpanya sa Star Music at Cornerstone Entertainment upang magdala ng local artists na aawit kasama ng mga bisitang Chinese celebrities.

Mayroong Mandarin version ang sumikat na awitin ni Yeng na “Ikaw,” habang si Kim, na kamakailan lamang ay naglunsad ng kanyang ikatlong album na “Touch Of Your Love” mula sa Star Music, ay nakapag-record na rin ng ilang Chinese songs noong mga nakaraang taon, tulad ng “Peng Yu” at “Yue Liang Dai Biao Wo de Xin.”

Bukod sa dalawang Kapamilya singers, kaabang-abang din ang gagawing performance ng tanyag na Loboc Children’s Choir mula sa Loboc, Bohol sa nasabing concert.

Mabibili ang tickets sa lahat ng SM Tickets counter, Lucky Chinatown Mall Ground Floor Concierge, at sa smtickets.com. Abangan ang ticket launch date sa Sabado (Nob. 25) at magkakaroon din ng preselling activity ngayong Martes (Nob. 21), na may handog na 10 percent discount.

Makibahagi sa pinaka-inaabangang “Nice To Meet You” concert sa bansa. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Starmusic.ph o sundan ito sa Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.

The post Kim, Yeng hahataw sa Phil-Chi Star Concert sa MOA Arena appeared first on Bandera.

Nikki Gil nanganak na, di makapaniwalang mommy na

$
0
0

NANGANAK na si Nikki Gil kahapon. Finn ang name ng baby boy na kanyang isinilang at ipinagmalaki niya ito sa kanyang Instagram.

“Dear moms, I get it now…Hello my darling Finn. I still can’t believe you’re mine. Thank you God for this beautiful beautiful gift also, happy second wedding anniversary to my co-producer @bj_albert,” caption ni Nikki.

Tuwang-tuwa naman sina Anne Curtis at Iya Villania sa bagong mommy.

The post Nikki Gil nanganak na, di makapaniwalang mommy na appeared first on Bandera.

Jerald Napoles, Neri Naig nagluluksa sa pagkamatay ng mga magulang

$
0
0

KAPWA nagluluksa ang komedyanteng si Jerald Napoles at ang aktres na si Neri Naig, asawa ni Chito Miranda.

Namatay ang nanay ni Jerald habang tatay naman ang nawala kay Neri. Mas madamdamin nga lang ang pahayag sa IG ni Neri. Base sa post ng dating aktres, binalak niyang dalawin ang ama kasama ang apo niya.

Pero hindi na niya ito naabutang buhay. Sa post niya, nakalagay sa caption ang, “Pero matagal na kitang pinatawad. Si Miggy pala, Dad, ang anak ko. Hindi mo man siya nabuhat pero paglaki niya, ikukuwento ko lang ang lahat ng masasayang alaala ko sa ‘yo.”

Ang aming pakikiramay.

The post Jerald Napoles, Neri Naig nagluluksa sa pagkamatay ng mga magulang appeared first on Bandera.

Dingdong: Yung Alyas Robin Hood Book 2 bonus na ‘yun sa amin!

$
0
0


DAHIL sa pinaghalong action, drama at comedy, tinutukan at sinubaybayan ng loyal Kapuso viewers ang pangalawang season ng primetime series na Alyas Robin Hood.

Ngayong nasa finale week na ang action serye ng GMA 7 sa Telebabad, mas maiinit at maaaksyong eksena pa ang dapat abangan.

Ayon sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, malaki ang pasasalamat nila sa network dahil nabigyan sila ng second season.

“Yun buong book 2 is really a bonus para sa amin. Hindi rin namin in-expect na magkakaroon ng pangalawa. Para sa amin, grabe na yung pasasalamat namin sa Network dahil binigyan kami ng another chance para maipakita ang istorya ni Pepe,” pahayag ni Dingdong.

Dagdag pa nito, parang pamilya na raw sila sa set at masaya siyang nakatrabaho ang ilan sa pinakamahuhusay na mga aktor sa industriya. Aniya, “Siyempre, higit isang taon ba naman kayong magkakasama at masaya lahat. Tapos nadagdagan pa ng mga kwelang tao, mga bagong cast. ‘Yun ang unforgettable talaga.”

Samantala, parehong ikinagulat nina Pepe (Dingdong) at Emilio (Edu Manzano) ang rebelasyong sila pala ang tunay na mag-ama. Ngayong ligtas na ang plaza, hahabulin ni Pepe ang van na sinasakyan ni Emilio.

Sa paghaharap ng dalawa, itutuloy ba ni Emilio ang planong patayin si Pepe kahit na alam na niya ang totoo? Tuluyan na bang mawawala si Pepe kay Venus (Andrea Torres)? At mababawi pa ba ang hustisyang matagal nang ipinaglalaban ni Alyas Robin Hood?

Huwag palampasin ang huling tatlong gabi ng Alyas Robin Hood after Super Ma’am sa GMA Telebabad.

The post Dingdong: Yung Alyas Robin Hood Book 2 bonus na ‘yun sa amin! appeared first on Bandera.

Joel Cruz binatikos matapos pagsuotin ng uniform ang mga yaya sa binyag ng anak

$
0
0

NA-BASH si Joel Cruz dahil pinag-uniform niya ang mga yaya ng kanyang dalawang anak sa binyag nito.

Ang daming kumuda against Joel sa social media.

“Sana khit hindi uniform ba pangyaya, maayos na damit ok na. Nakakalungkot tignan.”

“Buti pa si Vicki Belo na sobrang yaman, mayaman pa kay Joel Cruz nung kasal nya naka gown din yung yaya ni Scarlet.”

“The helpers face, unhappy. LOL! Imagine how inferior they felt makin them wear uniform to identify them as the helpers! Bakla alam ng lahat na boss ka, pinagbihis mo man lang sana sila ng appropriate sa okasyon. Di naman sila andyan para maglinis ng simbahan!!! Bitbit pa mga babies mo at the end of the day sila ang totoong nag aalaga sa mga anak mo 24/7. Mukha talaga silang hindi masaya.”

“I feel like I’m looking at a medieval times slavery. This is sad and pathetic.”

That was the comments we read on Pinoy Trending Portal.

May nag-defend naman kay Joel as one said, “I don’t think there’s nothing wrong with that as long as they are happy with their job and paid well. Napakasuwerte nga nila dahil mayaman ang amo nila and kung deprived sila they shouldn’t be there as part of the occasion.

“Joel Cruz can hire models to handle the babies, kung gusto nya. That’s the problem with you people, you always judge people in negative ways. Positive lng para darating swerte.”

The post Joel Cruz binatikos matapos pagsuotin ng uniform ang mga yaya sa binyag ng anak appeared first on Bandera.

John Lloyd isinakripisyo ang bonggang career para kay Ellen

$
0
0

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

WALA pang lumalabas na kumpirmasyon tungkol sa malakas na ikot ng balita na nagdadalantao ngayon ang sexy star na si Ellen Adarna.

Ayon sa malalapit na kaibigan ni Ellen ay walang problema kung nagdadalantao na ito ngayon dahil nasa wastong edad na ang aktres.

Si John Llolyd Cruz, wala nang iba pa, ang itinuturong ama ng dinadala diumano ngayon ni Ellen.

Walang ibang puwedeng tukuyin kundi ang magaling na aktor dahil silang dalawa lang naman ang palaging magkasama nitong mga huling buwan.

Hindi siya puwedeng mapalitan ng iba, si JLC lang talaga, pero mukhang hindi tanggap ng mga tagahanga ng sikat na aktor ang kuwento.

Pero nasa wastong edad na rin ngayon si John Lloyd, kaya kung gusto na talaga niyang magbuo ng pamilya ay puwede na, lalo na’t mukhang nasa kasagsagan ang pagmamahalan nila ngayon ni Ellen Adarna.

Walang makapipigil sa kanilang emosyon ngayon, napakalaki ng isinakripisyo ni Lloydie para sa kanilang relasyon, ang suwerte raw naman ng sexy star dahil sa dami ng nakarelasyon ni JLC ay ito pa ang nakatuluyan.

The post John Lloyd isinakripisyo ang bonggang career para kay Ellen appeared first on Bandera.

Jesus Cries

$
0
0

Thursday,
November 23, 2017
33rd Week in
Ordinary Time
1st Reading:
1 Mac 2:15-29 Gospel:
Luke 19:41-44

When Jesus had come in sight of Jerusalem, he wept over it and said, “If only today you knew the ways of peace! But now your eyes are held from seeing. Yet days will come upon you when your enemies will surround you with barricades and shut you in and press on you from every side. And they will dash you to the ground and your children with you, and leave not a stone within you, for you did not recognize the time and the visitation of your God.”

D@iGITAL-EXPERIENCE
(Daily Gospel in the
Assimilated Life
Experience)

Jesus wept over the aloof disposition of God’s chosen people. He wept not because he’d lose anything if he’d win none of them back to the Father. He wept because he knew they would not have peace outside the embrace of God’s love. “If only today you knew the ways of peace!” Jesus cried out.

Today, Jesus continues to weep because we do not know the ways of peace. One sure way of peace is remaining in God’s love. Outside God’s love, life is a “helter skelter”. At the social level alone, the absence of God’s love already triggers emotional and psychological tension. The following analogy illustrates the point.

Try this simple experiment on a well-tuned six-stringed guitar. With a finger of your left hand press the first bass string at the fifth fret and pluck it together with bass string number 2. Although you are only pressing the first string with your finger while leaving the second string to vibrate freely, both give a harmonious sound. You don’t get the same harmony on an out of tune guitar. What we’d get instead would be a discordant sound called dissonance. To cure the dissonance the musician adjusts the tension on both strings. The right tension results to harmony. The clue, in fact, of musicians that the guitar is already tuned properly is when the sound produced by the two strings plucked together is no longer dissonant.

In like manner, one has to accept his fair share of tension in order to live in peace in society. Tension is involved because people, by nature, think only of themselves, and personal interests could clash. To live harmoniously one must be altruistic by practicing the highest form of love, the kind that Jesus meant when he said, “Love one another as I have loved you.” The measure is “No greater love than to lay down one’s life for one’s friend”.

Such love is found only in God. We need to marinate ourselves in God’s love to manage the tensions of social life, and to persevere in loving the unlovable. We will then have peace, at least at the social level, and Jesus would shed lesser tears. – (Atty.) Rev. Fr. Dan Domingo P. delos Angeles, Jr., D.M.

May comment ka ba sa column ni Father Dan? May tanong ka ba sa kanya?
I-type ang BANDERA REACT <message/ name/age/address> at i-send sa 4467.

The post Jesus Cries appeared first on Bandera.


Lasenggang female performer bumubula ang bibig sa pagmumura pag nalalasing

$
0
0

ISANG gabi ay may mga nakakita sa isang female singer na walwal-to-the-max ang drama. Wala siyang pakialam sa mundo habang toma nang toma kasama ang kanyang mga kabarkadang lalaki.

Nu’ng una ay okey lang siya, pero nu’ng magtagal-tagal na ay umariba na ang kanyang bibig na walang direksiyon ang mga pinagsasasabi, talak nang talak ang walwal nang female singer.

“Malakas pala talaga siyang uminom! E, nakikipagsabayan siya sa mga boys na kasama niya na malalakas ding magmamam! Talaga palang walwalera ang babaeng ‘yun!

“Nu’ng ngenge na siya. E. talagang wala na siyang ginagawa kundi ang magmura nang magmura, matindi siguro ang pinagdadaanan ng hitad, kasi, marami siyang gustong sugurin!

“Natural, nakikinig sa mga kuda niya ang mga nandu’n, libreng show na raw kasi ‘yun, para lang silang nanonood ng talk show habang talak naman nang talak ang hitad na singer!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun. Hindi na siya nahiya sa mga pinaggagagawa niya, ni hindi na nga siya makatayo nu’ng gusto niyang mag-CR! Pahapay-hapay na siyang humakbang, parang babagsak na siya, pero sige pa rin siya sa kawawalwal!” napapailing na kuwento ng aming source.

Hindi na nakapagtataka ang nakita ng mga miron, lasing o hindi naman ang female singer ay ganu’n na katindi ang kanyang dila, mahilig talaga siyang mang-away.

“Bago pa ba naman ‘yun, e, talaga namang talakera ang babaeng ‘yun at kahit sino, inaaway niya! Kahit nga mismong pamilya niya, e, binebengga ng babaeng ‘yun!

“Kahit mismong mga taong dapat niyang pasalamatan at tanawan ng utang na loob, e, kinakalaban niya, di ba, kaya hindi na bago ang magdamagan niyang pagkuda habang walwal nang walwal sa bar.

“Dahil sa kanyang ginawa, handugan natin siya ng isang magandang kanta para maging scoring habang laklak siya nang laklak, i-dedicate natin sa kanya ang piyesang Anak,” pagtatapos ng aming impormante.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, may kulang pa ba sa ating clue?

The post Lasenggang female performer bumubula ang bibig sa pagmumura pag nalalasing appeared first on Bandera.

Aktres nagdurusa, asawa nabuntis ang kabit?

$
0
0

THERE must be a situation this actress is coming from for her to take to social media all her hush-hush hanash.

Yes, Virginia, meron ngang pinanggagalingan ang mga sentimyento ng aktres: marriage-related.

Sasadyain naming ilahad ang nasagap naming kuwento in a manner that will baffle our readers.

Gagayahin din namin ang paraan ng pag-e-emote ng aktres that is both confusing and intriguing.

Second person ang aming gagamitin sa pagkukuwento nang patanong.

Tanggap mo ba ang katotohanang “Boys will be boys,” na hindi isang santo ang kahit na sinong tapat na lalaking pinagkalooban mo ng iyong tiwala’t pagmamahal?

Bukas ba ang iyong isip na tao lang ang iyong karelasyon na iginugupo rin ng naglipanang tukso sa kanyang paligid kahit gaano ka pa niya kamahal?

Kung sakali kayang magbunga ang pakikipagrelasyon niya sa ibang babae, matanggap mo kaya?

Granting that you have no other choice but to accept things as they are dahil nariyan na ‘yan, no matter how painful, would you be less loving and less trusting as a wife?

O, magse-set ka ng mga kundisyon na siyempre’y pabor sa iyo?

But what if your husband commits the same mistake again, will you put your foot down or will you still choose to save your marriage?

Ito ang nababapabalitang mabigat na dalahin ngayon ng aktres. On her rests what she wants her marriage to be.

The post Aktres nagdurusa, asawa nabuntis ang kabit? appeared first on Bandera.

Heart feeling-Cinderella nang makasayaw si Christian Louboutin

$
0
0

FEELING-CINDERELLA raw si Heart Evangelista nang makita, makausap at makasayaw pa ang isa sa mga taong iniidolo at nirerespeto niya.

Ang tinutukoy namin ay ang sikat na sikat na designer na si Christian Louboutin na nasa Pilipinas ngayon para sa isang fashion event.

May collection si Heart ng mga sapatos na gawa ni Louboutin, sa katunayan, nagsuot ng pair of Louboutin Daffodile Strass Swarovski crystal platform heels ang aktres noong ikasal siya kay Sen. Chiz Escudero.

Kaya naman dream come true talaga para kay Heart ang makita up close and personal ang kanyang idol na French designer. At mas lalo pang na-excite ang Kapuso leading lady nang magsayaw sila ni Louboutin sa nasabing event.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Heart ng picture nila ng designer na may caption na: “Not waiting for the clock to strike midnight. My own version of a Cinderella moment…dancing with not a prince but the shoe king!”

Nu’ng gabing ‘yun, suot ni Heart ang kanyang Louboutin heels with her off-white, floral-embellished gown na gawa naman ni Mark Bumgarner.

The post Heart feeling-Cinderella nang makasayaw si Christian Louboutin appeared first on Bandera.

Matteo kay Sarah: Ipagsisigawan ko sa mundo kung gaano ko kamahal ang girlfriend ko!

$
0
0

SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI

PINAKILIG ni Matteo Guidicelli ang madlang pipol sa mensaheng ibinigay niya para sa kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo.

Sa episode ng Magandang Buhay kahapon, ipinagdiinan ng singer-actor na kahit may mga taong nagdududa sa pagmamahal niya kay Sarah, nananatili pa rin ang 100 percent na pagmamahal at pagtitiwala niya sa dalaga.

“I will say this to the one girl in my life. Don’t worry even though you know maraming mga doubts and whatever. At the end of the day you know you are the person that I love, that I trust, that I hold things to,” pahayag ni Matteo.

Nagpaliwanag din ang binata kung bakit hindi siya masyadong nagpo-post ng mga photo nila ni Sarah sa Instagram o sa Twitter.

“We never post. But if I could, if the situation is different, I would show the whole world how much I’m in love with my girlfriend.

“Because you know some people say, I’m always talking about her. We are in love with each other. We are happy. You know what I’m saying? If you love the person, you care for the person, you are passionate about the person, say it, love it, talk about it.

“Don’t wait for the day na hindi mo na siya mahal, hindi mo na siya kakausapin or you won’t talk about it.

“But since you love the person, since you love whoever that person is, you’re going to spread the love, show the love, appreciate the love,” ang diretsong pahayag pa ng Kapamilya hunk actor-athlete-singer.

Apat na taon nang magkarelasyon ang dalawa at marami ang umaasa na sa kasalan din mauuwi ang kanilang pagmamahalan.

The post Matteo kay Sarah: Ipagsisigawan ko sa mundo kung gaano ko kamahal ang girlfriend ko! appeared first on Bandera.

Kris lumabas ang natural na ganda, in love na naman

$
0
0

KRIS AQUINO

COULD someone be giving Kris Aquino inspiration these days?

Sa kanyang Instagram caption kasi ay parang she dropped hints that she’s in love again.

Well, that’s how we see it when she said, “I just blurred my surroundings but pretty much just zoomed in on my reflection, because while looking at my face i noticed – the smile is back in my eyes so i won’t use an app to remove my eyebags.

“I fought hard to be able to do this – smile again naturally, from my heart- not just from discipline or because I was in front of people… this was actually a quick picture taken after a full day of work.

“My necklace is called the ‘Circle of Love’ – I’ve been loved & I’m continued to be loved by so many who really prayed & supported me to bring this smile back. So this is a very grateful me sincerely saying, eyebags and all- THANK YOU FOR GIVING ME SO MANY REASONS TO SMILE AGAIN.”

Maraming followers niya ang na-happy sa kanyang post as one said, “That smile shows you’re really happy and contented with your life right now. I love ?watching your videos but I still want to see you in tv.

“Sana balik k na sa 2 sa Kris TV, miss your shows iba pag ikaw yung nag iinterview sa mga artista.”

The post Kris lumabas ang natural na ganda, in love na naman appeared first on Bandera.

Mocha masusukat ang talino kung itutuloy ang pagtakbong senador

$
0
0

MOCHA USON

BARELY 18 months away from the mid-term national elections ay buo na—or almost filled up—ang 12-man senatorial slate ng PDP Laban.

Ito ang ipinahayag ni Speaker Pantaleon Alvarez kung saan kabilang sa pambato ng partido ay si PCOO Asec Mocha Uson.

Our thoughts.

Bawat kuwalipikadong Pilipino ay may karapatang tumakbo sa anumang public office. Mocha—for satisfying all the requirements of a senatorial seat—enjoys that right.

Taumbayan o ang electorate naman ang huhusga kung karapat-dapat bang bilugan opposite her name ang oval sa balota. It’s the voice of the people which will prevail sa araw ng halalan.

Susukatin si Mocha sa kanyang mga accomplishments—or lack of it—sa ipinagkatiwalang puwesto sa kanya. Pero sa mga nakaraang panahon, mukhang hindi nagtala si Mocha ng mga kapuri-puring gawain to make her worthy of public trust and admiration.

Mas nagmamarka kasi ang pagiging purveyor ng fake news ng katuwang ni Sec. Martin Andanar. Eh, kung sakaling palarin si Mocha sa Senado ay ano naman kaya ang palalaganapin niya, “fake bills” (not to be mistaken for counterfeit money, huh!)?

Hindi namin maimadyin ang isang tulad ni Mocha na nasa isang institusyon where intelligent discourse may be compared to a debate on national TV. Writing-wise nga lang ay sumasablay siya, paano pa kaya in verbal communication where much is expected of her dahil nasa puwesto siya ng pagpapalaganap ng impormasyon?

Campaign-wise ay walang dudang panalo si Mocha sa bawat gabing sumasampa siya sa entablado mounted even in the remotest part of the country. Pero senador ang sinusungkit niyang puwesto, hindi parang dancer sa isang high-end club.

Pag-akda ng bill ang inaasahan sa kanya, hindi bill o chit na dapat bayaran ng bar patron.

The post Mocha masusukat ang talino kung itutuloy ang pagtakbong senador appeared first on Bandera.

Sunshine Dizon best actress sa Gawad Amerika Awards 2017

$
0
0

WAGI ang award-winning Kapuso actress na si Sunshine Dizon bilang Most Outstanding Filipina Actress in Television sa 2017 Gawad Amerika Awards na ginanap kamakailan sa Franklin Avenue Celebrity Center sa Hollywood, California.

Sunshine was recognized for her exceptional performance in GMA Network’s highest-rating daytime drama series Ika-6 Na Utos as Emma. Personal na nagtungo sa US ang aktres para tanggapin ang kanyang award.

Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat si Sunshine sa Gawad Amerika Awards at sa lahat ng bumubuo ng Ika-6 Na Utos, “Thank you very much Gawad Amerika most specially to the Filipino Community for this recognition.

“I would also like to share this recognition to all our hardworking cast members, production staff, and crew of Ika-6 Na Utos, as well as to director Laurice Guillen for her guidance. It is ultimately a group effort to give our audience the best.”

The post Sunshine Dizon best actress sa Gawad Amerika Awards 2017 appeared first on Bandera.


Ai Ai nagpakain na nga ng mga batang kalye, napasama pa

$
0
0

DAMN if you do, damn if you don’t ang nangyari kay Ai Ai delas Alas when she posted an Instagram photo where it showed na she spent some time for the street kids na humingi sa kanya ng pera pambili ng pagkain.

Ai Ai posted their conversation which led her to buy the kids food sa isang fastfood chain. Sinabi kasi ni Ai Ai na baka hindi sa pagkain mapunta ang perang ibibigay niya kaya para maniwala siya, siya na lang ang pinabili ng food ng street kids.

When it appeared sa isang popular website, praise and lait ang inabot ng komedyana.

“Sobrang bait naman niya ibinili niya talaga ng McDo. Kung ako maiinis ako kasi inutusan pa ako ha, hindi pa nakuntento sa 7/11. Hehe,” said one fan.

“Alam ko mabait si ate girl pero d talaga ko nata touch sa mga pagpopost ng ganito para malaman ng madla na may ginawa kang mabuti sa kapwa. Oh well Ai kahit may disclaimer ka pa,” said one basher.

“At may cameraman sa labas talaga para kita mukha niya mismo? So gnito set up. Labas muna si cameraman, then saka lalapit ang mga bata then capture. Kasi kung impromptu yan, wala ng time para lumabas pa ng kotse at kumuha ng photo. Magegets ko pa sana kung nasa loob ng kotse yung kumukuha. Susko!” said another basher.

q q q

Dinadayo ng sikat na celebrities ang Omotenashi Japanese resto na matatagpuan sa Congressional Avenue Extension, Tandang Sora, Quezon City.

The resto is owned by businesswoman Leng Borres, wife of former Quezon City councilor Jimmy Borres.

Ayon kay Leng, iba-iba ang choices ng celebrities. Favorite nina Gabby Concepcion, Agot Isidro, Enchong Dee and Arjo Atayde ang tenashi maki. Martin del Rosario likes salmon tatake salad. Piolo Pascual would always request for chicken teriyaki and takoyaki. Si Maja Salvador likes anything with shrimps naman.

“We specialize more on sauces. Ayun po ang ipinagkaiba namin sa ibang Japanese resto. We also have delivery with in the area lang po,” say ni Leng.

Ang name na Omotenashi ay nakuha ni Leng sa isang teacher niya sa Japan, “Ano ‘yan, eh, naghahanap ako ng magandang name, it was the idea of one of my professors in Japan. Omotenashi which means the highest form of service and hospitality in Japan. This is what I want to give our customers.”

The post Ai Ai nagpakain na nga ng mga batang kalye, napasama pa appeared first on Bandera.

Bailey May int’l star na rin, bagong member ng Now United

$
0
0


CERTIFIED international star na ang Star Magic artist na si Bailey May matapos mapili ng American Idol producer na si Simon Fuller na maging bahagi ng global pop group na Now United.

Ayon sa Kapamilya star hindi niya akalain na magkakatotoo ang kanyang ultimate dream na maging miyembro maswerteng napili mula 50 participants ng Now United bootcamp matapos mag-audition sa Los Angeles.

“My heart was racing, I was so nervous. I thought my life could change in a matter of minutes and then Simon Fuller said my name and then like just a burst of happiness rushed through my body.

“Ever since then it’s been on my mind, I feel like I’m bringing you all here (in LA) and I’m proud to represent our country,” pahayag ni Bailey.

“I’m very proud because there are three other people who came to audition to Now United. And to be able to represent the Philippines, the place where I grew up, where I was born is just a dream come true,” dagdag pa niya.

Aminado ang former PBB teen housemate na hindi biro ang mga training sa bootcamp at malaking tulong ang mga natutunan niya sa ABS-CBN para mapili sa Now United. Ngayong iba na ang tatahaking career ni Bailey, sinuguro ni Bailey na lalo niyang pagbubutihin ang kanyang performance para maging proud ang sambayanang Pinoy.

Opisyal at huling ni-reveal si Bailey sa kumumpleto sa culturally-diverse 14-member sing at dance group na iikot sa buong mundo para sa kanila series of shows.

Samantala mismong ang Now United Project Manager na si Yonta Taiwo ang kumumpirma na maraming aabangang proyekto mula sa grupo na kabibilangan ni Bailey.

“We’re currently in the process of selecting because there are lots of offers coming from different promoters throughout Asia and internationally. So we’re just assessing where the best place is to be the launchpad for Now United,” sabi ni Yonta.

Ngunit ayon kay Bailey mananatili pa rin siyang Kapamilya at nais ipaabot ang pasasalamat sa kanyang mga fans.

“I’m still a Kapamilya. Sobrang miss ko kayo at maraming salamat sa suporta sa akin. Since day one, you’ve been supporting me and you I’m so blessed to have you as a fan of mine. You know I pray that the future has good things for us as a fanbase. Mahal ko kayo,” pagtatapos ni Bailey.

The post Bailey May int’l star na rin, bagong member ng Now United appeared first on Bandera.

Marvin nagdenay, wala raw itinatagong gay lover

$
0
0

TIME out muna si Marvin Agustin sa pagiging negosyante. Showbiz uli ang focus niya ngayon. Kasama siya sa latest GMA tearjerker series na Kambal, Karibal bilang bad guy na obsessed kay Carmina Villaroel.

Ang magdirek ang gusto sanang gawin ni Marvin sa GMA habang ka-text ang GMA boss na si Annette Gozon. Nag-aral kasi siya ng filmmaking sa New York University last year.

“Gusto kong mag-practice at nag-online workshop ako sa scriptwriting. Gusto kong mag-entertainment uli but supposedly off cam. Nag-usap kami nina Anette, Tita Redgie (Magno), Tita Lilybeth (Rasonable) tapos sabi, ‘May soap kami.’ ‘Anong gagawin ko?’ ‘Aarte ka muna!’ Ha! Ha! Ha! Sabi ko naman, okay fine.

“Alam ninyo naman, ang acting, hindi ko matatanggihan lalo na pag maganda ang role. Ang gusto nila pag magdidirek ako, ‘yung mga anthology muna and at the same time, with Don Michael Perez on the set, gina-guide niya ako sa pagpindot ng button.

“Sa NYU kasi one cam set up parang pelikula. TV muna ako. Habang nagti-training, at least may bayad! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Marvin sa presscon ng bagong Kapuso serye na Kambal, Karibal.

Kahit masasabing mayaman na, hinahanap pa rin ng katawan niya ang pag-arte.

“Ang pangarap ko, ako ang maging Eddie Garcia na kahit matanda na, may edad lang pala, talaga namang first on the set, last to leave on the set. Mahal na mahal ‘yung craft. Dito sa industriya natuto ako sa maraming bagay. Naging masaya, nabago ang buhay ko, ng pamilya ko. This is something I think I will ever, ever forget and leave!” katwiran ni Marvin.

Alam din ni Marvin na buntis muli ang dating ka-loveteam na si Jolina Magdangal. Kumusta naman ang lovelife niya?

“Ang lovelife, nandiyan lang. Live and love. Still very, very happy! I love life! Meron naman kaya lang iniisip ko pa kung ito ang tamang panahon. Bata pa ako! Ha! Ha! Ha!” iwas ni Marvin.

Mariin namang pinabulaanan ni Marvin ang naglabasang chika noon na may “something” sa pagitan nila ng hunk actor-singer na si Markki Stroem. Magkaibigan daw silang dalawa at hindi rin siya affected sa mga tsismis.

Hindi rin daw totoong may gay benefactor siya kaya sandamakmak na ang kanyang business ngayon. Sa tagal na raw niya sa showbiz, sanay na sanay na siya sa mga malilisyosong balita about him.

The post Marvin nagdenay, wala raw itinatagong gay lover appeared first on Bandera.

Mocha basag na basag kay DJ Mo, pagtakbo sa 2019 election ikinumpara sa North Korea

$
0
0

MOCHA USON AT MO TWISTER

NAKARATING na kay Mo Twister ang report na posibleng tumakbo si Mocha Uson bilang senador sa 2019 elections.

Of course, bumula ang bibig ni Mo, spitting venom against Mocha ang kanyang aria.

“North Korea starting a war still wouldnt be worse than @MochaUson being elected Senator. How many times in the past year did she wasn’t going to hold a govt position? Just like #DU30 saying he wouldn’t, these people are fuc***ing with you. Clear yet?”

“And don’t you assh***s tell me she said she wasn’t going to run for Senate. She said ‘if’ she will run, it has to come from #DU’s mouth. Oh, there’s gonna be some cumming in the mouth alright. She’s running, for Senate, as I’ve been saying for a year.”

‘Yan ang magkasunod na aria ni Mo. Any comment, Mocha?

The post Mocha basag na basag kay DJ Mo, pagtakbo sa 2019 election ikinumpara sa North Korea appeared first on Bandera.

Bistek tuloy ang paglaban para sa mga karapatan ng LGBT

$
0
0

HERBERT BAUTISTA

ISANG makulay na selebrasyon ang magaganap ngayong Disyembre, as Quezon City hosts the most anticipated Pride March of the year.

May temang “Pride in QC: Safe And Free”, ang taunang LGBT event na ito ay magaganap sa Dec. 9, sa kahabaan ng Tomas Morato, Quezon City which will feature the pride and diversity of Pinoy Lesbians, Gays, Bisexulas and Transgender community.

Makisaya at makipiyesta sa mga engrandeng event na naka-line up this year, tulad ng fashion show, LGBT organization parade at ang recognition ng mga achievements ng QC Pride Council para sa kumunidad.

Pinangungunahan ng Quezon City Pride Council, ang 2017 QC LGBT Pride March ay isang testamento ng commitment ng siyudad sa pagtatanggol sa karapatan ng lahat ng Pilipino maging sa mga lesbians, gays, bisexuals at transgender.

Sa isang press conference na ginanap kamakailan sa Pork @ Your Own Risk resto sa Dr. Lazcano, Q.C., hosted by Mayor Herbert Bautista, siniguro ng city government na lagi silang nakahanda para protektahan ang karapatan ng lahat ng kanilang mamamayan lalo na ang mga kabilang sa LGBT community.

Si District 1 Councilor Mayen Juico ang humarap sa entertainment press para ibalita ang mga magaganap sa darating na QC Pride March. She said, QCPC was constituted to oversee the integration of all city programs and projects for the LGBT community.

Created by Mayor Herbert thru an office order, was formally launched March 25, 2013 to highlight the city government’s continuing support for the implementation and enforcement of gender-based policies, programs and activities.

Sabi nga ni Mayor Bistek, ang mission ng QCPC ay, “To mobilize LGBT communities, groups, clans, organizations and associations within Quezon City to stage LGBT related events. Encourage LGBT friendly business and investors to invest in Quezon City to the Pink Peso market concept.

“And raise resources for formation of the Quezon City LGBT Center under the QCPC Foundation.”

Inaanyayahan naman lahat ng gustong sumali sa Pride Parade na mag-register online sa http://bit.ly/2jb2Guh. Open ito hindi lamang sa LGBT kundi maging sa Straight Allies organizations. For more details, bisitahin ang kanilang Facebook Page sa http://www.facebook.com/qcp ridemarch or mag message sa @qcpridemarch.

Samantala, umaasa naman ang LGBT community na makikiisa sa nasabing event na boluntaryo ring dadalo ang mga kilalang gay and lesbian celebrities para sumuporta. Ilan sa mga kilalang proud LGBT supporter ay sina Boy Abunda, Vice Ganda, Aiza Seguerra, Jake Zyrus at marami pang iba.

The post Bistek tuloy ang paglaban para sa mga karapatan ng LGBT appeared first on Bandera.

Viewing all 44568 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>