Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44358 articles
Browse latest View live

Jay-R, Carlo Davis grand champion sa 2017 A Song of Praise Music Fest

$
0
0


ITINANGHAL na Song of the Year ang “Dahil Sa Iyo” sa katatapos lang na gospel songwriting competition na “A Song of Praise (ASOP) Music Festival” na ginanap sa Araneta Coliseum.

Ang “Dahil Sa Iyo” ay isinulat ng singer-turned-composer na si Carlo David at kinanta ng R&B King na si Jay R na siya ring nagwaging Best Interpreter sa naganap na grand finals.

“I’ve already joined a lot of big competitions but ASOP is totally different because there is a purpose. I believe that through God’s grace, I was able to write Dahil Sa Iyo. The last line gives a gist of the song: I’m complete because of You’ and only Him, not because of my beautiful wife and family. Thank you ASOP for the opportunity,” ayon kay Carlo.

Dugtong pa niya, “It’s not the money. I have been playing music. I will continue.” Nag-uwi ng P500,000 si Carlo matapos talunin ang iba pang contenders.

Punumpuno ang Big Dome nang ganapin ang finals night ng ASOP 2017, talagang sigawan at palakpakan ang audience sa bawat entry song na talaga namang tagos sa puso ang mga lyrics. May mga naiyak pa nga sa ilang performance ng mga guest performers dahil sa galing ng mga composers at interpreters.

Narito ang iba pang nagwagi sa ASOP 2017: 1st Runner-up, “You’re All I Need” ni Jessan May Mirador (interpreter, Kris Angelica); 2nd Runner-up, “Ikaw Ang Aking Dios” composed by Lorna Petrasanta (interpreter, Liezel Garcia) ; 3rd Runner-up, “Hallelujah To The One” ni Zion Aquino (interpreter, Gail Blanco.

Naiuwi naman ng kantang “Carry On” ang People’s Choice Award composed by Nonie Ramos, PA Atienza and Nino Cristobal and interpreted by Sam Mangubat.

Nag-perform din sa finals night ng ASOP 2017 ang ilang kilalang OPM singers who brought back the familiar gospel feels in a medley headed by Bugoy Drilon, Mela, Gidget dela Llana, Leah Patricio, Tim Pavino, Jason Dy, Marielle Montellano, Jex de Castro with Carlo David.

Isang segment naman sa programa ang inialay sa yumaong singer-actress na si Isabel Granada, na naging isa sa mga judges ng ASOP.

Ilan sa nagsilbing hurado sa taong ito sina Mon del Rosario, Dingdong Avanzado, Homer Flores, Carla Martinez, Moi Ortiz. The event was hosted by Richard Reynoso and Toni Rose Gayda.

By the way, ang ASOP ang nagwaging Best Talent Search Program sa nakaraang 31st PMPC Star Awards for TV.

The post Jay-R, Carlo Davis grand champion sa 2017 A Song of Praise Music Fest appeared first on Bandera.


Rocco nagpapatayo na ng dream house, asawa na lang ang kulang

$
0
0

ROCCO NACINO

TALAGANG pinaghahandaan na ni Rocco Nacino ang kanyang future, kabilang na nga riyan ang pagbuo ng sarili niyang pamilya.

Bukod sa afternoon serye niyang Haplos sa GMA opposite Sanya Lopez at sa ilang restaurant business, busy rin ngayon ang Kapuso hunk actor sa pagppatayo ng kanyang dream house.

Sa isang interview kamakailan ay naikuwento ni Rocco na kaibigan daw ng nanay niya ang architect ng kanyang ipinatatayong bahay at very impressive raw ang portfolio nito.

Modern at may pagka-rustic ang tema ng mansyon ni Rocco at magiging maaliwalas din ito dahil halos glass house ang design ng kabuuan nito.

Tantiya ng binata, mga one to two years pa bago matapos ang construction ng kanyang dream house pero ngayon pa lang ay super excited na siyang makita ang fruits of his labor.

Kapag nagawa na ang kanyang bahay, isa na lang ang kulang sa buhay ni Rocco – ang kanyang future wife!

Ang tanong, si Sanya na nga kaya ang kanyang “forever”? Yan ang aabangan natin.

Pero sa ngayon, patuloy lang kayong tumutok sa Afternoon Prime fantasy-drama series ng dalawa sa GMA, ang Haplos kasama pa rin sina Thea Tolentino, Pancho Magno, Celia Rodriguez, Francine Prieto at marami pang iba.

The post Rocco nagpapatayo na ng dream house, asawa na lang ang kulang appeared first on Bandera.

EB Bae muntik mag-suicide dahil sa photo scandal

$
0
0

KENNETH MEDRANO

NAGBALAK na rin palang magpakamatay ang That’s My Bae grand winner na si Kenneth Medrano matapos kumalat noon sa internet ang kanyang hubo’t hubad na litrato.

Kasabay nito, inamin ng binata na siya nga ang nasa nude photo na in-upload sa social media ilang araw after niyang manalo sa That’s My Bae contest ng Eat Bulaga.

Sey ni Kenneth, gusto na niyang tumalon noon mula sa tinitirhan niyang condo dahil sa kahihiyan. Matagal na raw kuha ang nasabing photo, noong nasa Cebu pa siya.

“Naging trauma po yun sa akin. Umabot na ako sa point na gusto ko nang magpakamatay kasi ako lang mag-isa dito sa Manila,” aniya.

Abot-langit daw ang pasasalamat niya sa Eat Bulaga dahil hindi siya tinanggal sa programa dahil sa nasabing photo scandal. Sa katunayan, kasama pa siya ngayon sa pelikulang “Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies” ng APT Entertainment at M-Zet Films.

Marami raw siyang natutunan habang ginagawa nila ang nasabing pelikula, lalo na sa mga bidang sina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros. Showing na ang “Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies” sa darating na Nov. 22 nationwide, sa direksyon ni Mark Reyes.

The post EB Bae muntik mag-suicide dahil sa photo scandal appeared first on Bandera.

Mel ayaw pang i-share ang buhay sa Magpakailanman: Baka corny!

$
0
0

MEL TIANGCO

LIMANG taon na ang award-winning GMA drama anthology na Magpakailanman hosted by Mel Tiangco.

At sa pagpasok ng programa sa ikaanim na taon, nais ng buong produksyon na makapagpalabas pa ng mas maraming inspiring stories na maaaring makapagpabago ng buhay ng bawat Pilipino.

“Gusto namin ng mga kuwentong lalong mag-i-inspire sa mga viewers. Hindi lang ‘yung nagagandahan sila sa istorya, gusto namin na kapupulutan talaga ng aral, kapupulutan nila ng impormasyon na magagamit nila sa kanilang pang-araw-araw na buhay,” sabi ng multi-awarded news anchor na si Mel Tiangco nang humarap sa entertainment media para sa 5th anniversary presscon ng kanilang weekly drama series.

Dugtong pa niya, “We wanted stories na talagang inspiring on every scene. We want stories na talagang malinaw na malinaw ang inspirasyon na ibibigay sa mga televiewers namin.”

Nauna nang napanood ang dalawa sa month-long anniversary presentation ng Magpakailanman, ang “BSF: Best Sisters Forever” na pinagbidahan nina Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Sheena Halili at Sanya Lopez, at ang trending episode na “My heart Belongs to You: The Bud & Gloria Brown Story” nina Denise Barbacena at Ivan Dorschner.

Ngayong Sabado ng gabi, tutukan naman ang episode na “Isang Bata, Dalawang Ina” starring Yasmien Kurdi and Sharmaine Arnaiz, directed by Gina Alajar.

Ito’y kuwento ng isang bata na nawalay sa kanyang ina, at napunta sa pangangalaga ng isang babae. Inalagaan ng babae ang bata at itinuring niya na rin itong parang anak. Hanggang sa dumating ang araw na magkita ang dalawang nanay.

Sa Nov. 25 naman, tampok ang istorya ng isang sundalong nakikipaglaban para sa bayan ang “Kuwentong Marawi Sa Mata Ng Isang Sundalo.” Ito’y pagbibidahan naman ng Pambansang Bae na si Alden Richards and direction by Mark dela Cruz.

“‘Yung sundalo sa Marawi. This guy continued to fight despite ng mga tama niya ng bala. So nandu’n ‘yung pagmamahal sa bansa mo. Nandoon ka na eh, ‘yung pagkakataon na ipagtanggol mo ‘yung mga kababayan mo, ipagtanggol mo ‘yung bansa mo. ‘Yung ganu’ng klaseng pagmamahal, ipi-feature namin ‘yan,” pahayag ni Mel.

Napapanood pa rin ang Magpakailanman tuwing Sabado ng gabi after Pepito Manaloto sa GMA.

Samantala, natanong din ang Kapuso newsanchor kung payag ba siyang itampok sa MPK ang kanyang life story, ang tugon niya, “May be not. Corny lamang eh. Kapag naging makulay na. Ang ibig ko lang sabihin, walang extraordinary sa buhay ko. Hindi naman boring, pero routinary lang ang buhay ko.”

The post Mel ayaw pang i-share ang buhay sa Magpakailanman: Baka corny! appeared first on Bandera.

Coco, Angeline patok na patok sa ‘Probinsyano’

$
0
0

COCO MARTIN AT ANGELINE QUINTO

NAGBABADYANG masira ang lahat ng plano ni Cardo (Coco Martin) at Romulo (Lito Lapid) sa pagbabalik nila ng Maynila dahil kasado na ang pagsuplong sa kanila ni Regine (Angeline Quinto) upang makuha ang pabuyang nakapatong sa kanilang mga ulo sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa muling pagtapak ni Cardo sa Maynila kasama si Romulo, nakilala nila ang pamilya ni Daga (Rico J. Puno), isa sa mga dating kasapi ng pangkat, upang tulungan silang mahuli si Alakdan (Jhong Hilario).
Ngunit hindi naging maayos ang pagtanggap sa kanila ng anak nito na si Regine dahil inihahalintulad sila ng dalaga sa mga taong pumatay sa kanyang kuya, kaya naman matindi ang galit nito sa miyembro ng rebeldeng grupo.

Upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng kapatid, sasamantalahin ni Regine ang tiwalang ibinibigay nina Cardo at Romulo sa kanyang ama at sisiguruhing mahuhuli sila ng mga awtoridad, para na rin makuha ang P10 milyong pabuya.

Hindi naman magpapatalo si Cardo at gagawin ang lahat upang maisakatuparan pa rin ang kanyang planong pagtugis kay Alakdan at pagsiwalat sa kasakiman ni direktor Hipolito (John Arcilla).

Magtagumpay kaya si Regine sa kanyang plano? Makaligtas naman kaya si Cardo? Patuloy na subaybayan ang maaaksyong tagpo sa nangungunang serye sa bansa, ang FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

In fairness, maraming natutuwa sa muling pagsasama sa serye nina Coco at Angeline, ayon nga sa ilang netizens, matindi rin ang chemistry ng dalawa on screen. Sana raw ay magtagal pa si Angge sa FPJAP.

The post Coco, Angeline patok na patok sa ‘Probinsyano’ appeared first on Bandera.

John Lloyd iniwan si Ellen, mag-isang nagpakaligaya sa US

$
0
0

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

MARAMING umasa na sa pagbabalik-bansa nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ay magte-taping na ang magaling na aktor para sa kanyang sitcom sa ABS-CBN.

Pero hindi pa pala, kinailangan pang bumiyahe ni JLC papuntang New York, dadalo siya sa kasal ng kanyang pinsan sa Manhattan.

Hindi niya kasamang umalis ang kanyang girlfriend, nandito lang si Ellen, siguradong may pag-uusap na sila bago lumipad si John Lloyd papuntang New York.

Sana raw naman, sabi ng mga tagahanga ng magaling na aktor, ay magpakaaktibo na uli siya sa pagtatrabaho. Siguro raw naman ay hindi na kulang ang mahabang panahong ipinagsama nila ni Ellen sa pagliliwaliw.

Indefinite leave ang sinasabing sitwasyon ni JLC sa Dos, walang katiyakan, kung kailan niya gustong bumalik ay okey lang. Pero siguradong nami-miss din ni Lloydie ang showbiz.

Para sa isang personalidad na tulad niya na halos hindi na nakapag-enjoy ng kanyang pagiging teenager dahil maaga siyang sumalang sa pag-aartista ay hindi ganu’n kadaling talikuran ang isang mundong inikutan na ng kanyang buhay.

The post John Lloyd iniwan si Ellen, mag-isang nagpakaligaya sa US appeared first on Bandera.

3 lola may pasabog na sorpresa para sa fans nina Alden at Maine, pero secret pa

$
0
0

PAOLO BALLESTEROS, JOSE MANALO, WALLY BAYOLA AT CAPRICE CAYETANO

FIGHTING Lolas sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa unang big screen break nilang “Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies.” In character kasi sila bilang Lola Nidora (Wally), Lola Tidora (Paolo) at Lola Tinidora (Jose) na nakikipagpalaban sa zombies sa movie hindi tulad ng napapanood natin sa Eat Bulaga as themselves, JoWaPao.

Kaya naman sa pagtatapos ng grand presscon ng kanilang pelikula, naranasan nilang hikayatin ang lahat na panoorin ang movie na silang tatlo talaga ang ibebenta sa movie.

“Madalas na sinasabi kapag nagpi-presscon, nagpu-promote ng movie, nandito na lahat. ‘Yun po ang madalas na sinasabi. Kami po, mula nu’ng naging artista kami, hindi pa po kami nakaupo sa presscon at hindi pa namin nasabi ito.

“Pero sisiguraduhin namin na nandito lahat. ‘Yung aksyon na nangyayari dito, ‘yung fight scenes, hindi po kami nag-comedy sa fight scenes dito. Ginawa namin ‘yung totoo kahit nahihirapan din kami dahil ‘yung iba hindi pa masyadong sanay sa fight scenes.

“Ipinakita namin ‘yung laban talaga para ‘yung viewers na nararamdaman nila kung ano ‘yung ginagawa namin. Kahit sa comedy, lalo doon sa drama. Mahirap gawin ‘yung nagdadrama tapos magpa-fight na. Sinama-sama na namin dito. Kumpleto po ang pagkakaluto ng Trip Ubusan,” pahayag ni Jose/Lola Tinidora.

“Sigurado kaming matutuwa kayo rito. Kung ano ang napapanood ninyo sa Eat Bulaga, mas madami kasi ang dami namin. Mas maraming tawa, mas maraming drama at mas maraming aksyon. Mas maraming katatakutan!” saad naman ni Paolo/Lola Tidora.

“Ito, same mukha pa rin ng mga Lola. Ang pagkakaiba nga lang, ibang lugar at ibang adventure ang tatahakin ng mga Lola. Meron pa ring sorpresa, ‘yun po siguro ang sinasabing apo namin sa tuhod.

Kumpleto po ito at may aral ang pelikula na matututunan ninyo,” sey naman ni Lola Nidora/Wally.
Mula sa direksyon ni Mark Reyes ang horror-comedy film mula sa APT Entertainment at M-Zet Productions.

At sa mga nagtatanong kung may special participation sina Alden Richards at Maine Mendoza sa pelikula, yan ang dapat abangan ng AlDub Nation dahil may pasabog na sorpresa ang mga lola para sa inyo.

The post 3 lola may pasabog na sorpresa para sa fans nina Alden at Maine, pero secret pa appeared first on Bandera.

Christian tsugi sa ‘Born Beautiful’, Martin bagong Barbs

$
0
0

MARTIN DEL ROSARIO AT CHRISTIAN BABLES

ETSAPUWERA na si Christian Bables sa digital series na Born Beautiful, ang spin off ng award-winning and blockbuster film na “Die Beautiful” na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros.

Pinapelan ng baguhang aktor ang character ni Barbs, best friend ni Trishia (Paolo), kung saan palung-palo sa manonood ang performance niya.

Sa pelikulang “Die Beautiful” umangat ang pangalan ni Christian kung saan nanalo siya ng Best Supporting Actor sa 2016 Metro Manila Film Festival at sa nakaraang Gawad Urian. Mula noon, nagsunud-sunod na ang break niya sa movies, kabilang na riyan ang “Recipe For Love” ng Regal.

Si Martin del Rosario na ang papalit kay Christian para sa expanded role ni Barbs.

Ayon kay direk Jun Lana, “Christian Bables expressed to us that he is no longer available to do Born Beautiful, that allowed me and the creative team to rethink the character of Barbs and what the character can do.

“We thought of Martin because we recently worked with him when we produced Prime Cruz’s ‘Ang Manananggal sa Unit 23B’ and we know he can bring in a new dimension to the character now that the entire series revolve around Barbs.”

‘Yun nga lang, hindi sa big screen mapapanood ang “Born Beautiful” kundi sa digital platform ng Cignal Entertainment simula sa early 2018.

The post Christian tsugi sa ‘Born Beautiful’, Martin bagong Barbs appeared first on Bandera.


Jessy Mendiola nagkamali sa spelling ng ‘price’, pinagtawanan, tinawag pang bobita

$
0
0

JESSY MENDIOLA

JESSY Mendiola unwittingly opened herself to bashing after she made a mistake in using the right word.

“How much was it @senorita_jessy?” one fan asked Jessy.

“Starting prize at 350 NZ dollars,” came her reply.

When someone corrected her, nag-apologize naman si Jessy and said, “Sorry guys! Price* typo. Thanks for pointing it out!!!”

But one basher took it to demean the actress more.

“Typo ka jan. Hahahaha! Lau ng c at z eh. Petmalu ka din eh. Hahahaha…Boba lang..,” the female basher said, to which Jessy retorted, “Okay. Mas petmalu ka kasi hindi mo papakita face mo. Perfect mo siguro no?”

When it surfaced sa isang popular website, nagtalo-talo ang bashers at defenders ni Jessy.

“It’s more than a spelling issue. It’s the meaning of prize and price. Clearly she doesn’t know the difference,” wailed one basher.

“Baka akala nya libre kaya prize tinype nya. Hahahaha,” another guy opined.

“SA MGA BASHERS, SPELLING LANG YAN. MGA AMERICANO NGA PATI GRAMMAR MALI-MALI…WAG MAGPAKA-HENYO SA INGLISAN, BAKA KAYO MAPALABAN! U R 2 JUDGMENTAL, PWE!!!” said one defender of Jessy.

“Ateng mas pipiliin ko pang mali ang grammar basta naiintindihan kesa sa mali ang spelling lalo na sa mga salitang pag nagkamali ang spelling ay nagkakaron ng ibang kahulugan. di yan basta spelling lang kaloka ka,” sagot naman ng isang bahser.

“When you already know bashers are just waiting for your next wrong move you’d think she’d have been more careful. So yeah, I think it was more likely hindi niya talaga alam it was not the right spelling to use,” one guy observed.

“Naaawa tlga ako kay Jessy. Binubully masydo. sana lang di nyo maranasan pinagdadaanan nya. lahat may issue lahat mali,” say ng isang supporter ng dyowa ni Luis Manzano.

The post Jessy Mendiola nagkamali sa spelling ng ‘price’, pinagtawanan, tinawag pang bobita appeared first on Bandera.

Angel mahilig manlibre; Richard lumabas ang pagka-joker

$
0
0

MARICAR REYES-POON, RICHARD GUTIERREZ AT ANGEL LOCSIN

In a recent interview ay itsinika ni Maricar Reyes-Poon ang kanyang experience working with Angel Locsin, Richard Gutierrez, Daniel Padilla and Kathryn Bernardo sa La Luna Sangre.

Mahilig manglibre si Angel according to Maricar.

“Nu’ng may location kami na parang nagbebenta sila ng buko pie, mahilig siyang magpakain ng mga tao. I think first time niyang kumain ng buko pie na may ube,” Maricar said.

More than this, nagalingan siya kay Angel, “Of course, from Imortal, si Angel sobrang galing niya talaga. Minsan I find myself watching her. Oo nga pala, in character dapat. Sobra niyang galing,” she added.

“Si Richard naman, palatawa siya. Akala mo Supremo siya, sobrang serious, pero nagjo-joke siya. Humihirit-hirit siya,” chika pa ni Maricar who played Samantha Imperial.

“Si Richard ang intense niya lagi. Si Supremo talaga siya kapag nag-action Supremo na talaga siya,” dagdag pa niya.

As for KathNiel, sobrang sweet ang dalawa off-cam.

“They’re so cute but they can also be intense. Sobra akong natutuwa na at their age ay nakukuha na nila ang lalim ng character nila.

“Sobra nilang sweet even off-cam and I don’t think that’s anything new kasi I’m sure there’s a lot of their sweetness off-cam,” say pa ng aktres na recently lang pinatay ang kanyang character sa LLS.

The post Angel mahilig manlibre; Richard lumabas ang pagka-joker appeared first on Bandera.

Ryan na-wow mali: Hiyang-hiya kina Bossing at Danica

$
0
0

RYAN BANG, DANICA SOTTO-PINGRIS AT VIC SOTTO

NAKAKATAWA ang eksena ni Ryan Bang sa Showtime nu’ng isang araw. May konek ito sa mag-amang Vic Sotto at Danica Sotto-Pingris.

Ibinuking kasi ni Vice Ganda na na-meet recently ni Ryan si Danica at nagkuwento tungkol sa mga bago nilang segment sa Showtime. Wala raw idea ang komedyante na tatay pala ni Danica si Bossing Vic na isa sa mga host ng kalaban nilang noontime show na Eat Bulaga.

At nang malaman ni Ryan na mag-ama sina Danica at Vic abot-abot ang pakiusap nito sa asawa ni Marc Pingris na huwag na huwag sasabihin kay Bossing ang naikuwento niya.

“Direk, sorry po talaga. Naikuwento ko lahat ng segment ng show, kasi akalain ko ba na tatay niya si Bossing. Pero direk, promise ni Danica na hindi siya magkukuwento sa tatay niya,” ani Ryan on national TV.

Muli pang pakiusap ng comedian, “Danica, huwag mo ikuwento kay Bossing, baka matanggal ako dito. Bossing, kahit sabihin sa iyo ng anak mo, huwag mong gawin doon.

“Nagkita kami ni Bossing sa baba ng condo ko. Sabi niya batiin ko daw siya, ‘Hi.’ Binati ko na pero di ko talaga (alam),” chika pa ng Kapamilya actor-TV host.

The post Ryan na-wow mali: Hiyang-hiya kina Bossing at Danica appeared first on Bandera.

Wonder Woman may payo sa mga Pinay na gustong maging beauty queen

$
0
0

GAL GADOT

May payo pala si Wonder Woman sa kahat ng mga Pinay na gustong maging beauty queen.

“Drink lots of water,” ang advice ng Hollywood star na si Gal Gadot na gumaganap na Wonder Woman sa “Justice League,” sa panayam ng ABS-CBN.

Nang tanungin naman kung ano ang advice na maibibigay niya sa mga Pinay na gustong sundan ang kanyang mga yapak, aniya, “I’m the worst. Don’t take any advice from me.”

Kung hindi n’yo pa alam, bago siya makilala bilang Wonder Woman lumaban muna si Gal Gadot sa 2004 Miss Universe pageant representing her country, Israel.

Sabi niya, sumali lang siya sa Miss Israel for the experience, “I never thought I would win, then I won.”

In fact, ginawa raw niya ang lahat para hindi siya mapansin sa pageant. “So I’m not a very good person to ask for advice.”

The post Wonder Woman may payo sa mga Pinay na gustong maging beauty queen appeared first on Bandera.

Laiterang female personality lubog na lubog ngayon ang career

$
0
0

MAY pinagpistahang female personality sa isang umpukan ng mga becki isang gabi. Matagal nang naganap ang lahat pero hanggang ngayon ay naaalala pa rin ng tropa dahil baligtad na ang kuwento ng kasaysayan ng babaeng personalidad.

Kasikatan nu’n ng female personality, ang ilusyon niya ay wala nang katapusan ang mga tinatanggap niyang suwerte at papuri, kaya lumobo ang kanyang ulo.

Kaliwa’t kanan ang kanyang trabaho, meron sa pelikula, telebisyon, sumisingit pa ang kanyang mga shows sa iba’t ibang probinsiya dahil singer din daw siya.

Kuwento ng isa sa mga nasa umpukan, “’Yun ang time na kung makapanglait siya ng mga kasamahan niyang artista, e, parang wala nang bukas pa. Grabe ang bibig ng babaeng ‘yun, parang siya na ang may-ari ng buong planeta.

“Meron lang siyang hindi magustuhan, e, siguradong bibirahin na niya ang personality nang walang kalaban-laban. Halatang-halata na wala siyang breeding dahil kung meron, mararamdaman din ‘yun ng mga nakakasama niya sa trabaho.

“Napakatindi niyang magpahintay. Umaga ang calltime niya, pero dumarating siya nang after lunch na, kundi man padilim na. Sayang ang mga kukunan na eksenang day-effect ang requirement. Maghihintay na naman kinabukasan.

“Ang feeling niya nga kasi, e, siya ang bida, kaya may karapatan siyang magpa-late at magpahintay sa mga co-stars at production. Kapag sinita siya, lalong magkakaroon ng problema ang director, kasi, bigla na lang siyang nawawala.

“Umaalis siya nang walang paalam, nagpapatay siya ng phone, ipinao-off din niya ang phone ng PA niya. Isa siyang malaking sakit ng ulo ng lahat!” kuwento ng aming impormante.

Pero umiikot nga ang gulong ng kapalaran. Ang mapagmalabis na female personality ay biglang nawala sa eksena, magkaroon man siya ng trabaho ngayon ay hindi na siya ang bumibida at isa na lang siya sa maraming pangdagdag sa proyekto, lipas na ang kanyang panahon.

“Ma-realize din sana ng ibang mga artista na walang may hawak ng bukas, lahat ng bagay, e, lumilipas, lalo na ang popularity. Tulad ng girl na ito, nasaan na ba siya ngayon?

“Wala na ang popularity niya nu’n, nawala na rin ang mga ipinundar niya, kaya totoong-totoo na life is not always a bed of roses. Pana-panahon lang ang pagsikat. Pero palaging naghihintay ang paglubog,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nang kailangang clue, kilalang-kilala n’yo kung sino ang naging palalong female personality na ito!

The post Laiterang female personality lubog na lubog ngayon ang career appeared first on Bandera.

10 pari, 8 obispo sa kasalang Ai Ai-Gerald

$
0
0


KAKAIBA ang imbitasyon sa nalalapit na pag-iisang-dibdib nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan.

Unlike most embossed invites often with fancy trimmings ay mukhang fairy tale book ‘yon, and the biggest surprise is in the MTV on a small screen built in the card.

Naglalaman ‘yon ng mga snippets nina Ai Ai at Gerard na wari’y teaser ng isang romance movie of epic proportion. Kuha ‘yon sa Temple of Lea sa Cebu na kinapapalooban ng isang kuwento ng dakilang pag-ibig.

A vast expanse as far as the eyes can see, the temple covers three mountains na pag-aari pala ng mga grandparents ni Ellen Adarna who traces her roots to Cebu.

Personal palang iniabot ng ikakasal kay Tita Cristy Fermin (one of the principal sponsors) ang paanyaya with a traditional token from the couple.

Isang separate page contains other sponsors at ang mga nasa entourage.

A quick glimpse of the names makes one momentarily forget there exists a raging network war.

Naroon kasi ang mga pangalan ni Mr. Felipe L. Gozon ng GMA at Ms. Cory Vidanes ng ABS-CBN. Minsan isang panahon naman kasi’y nakatrabaho ni Ai Ai ang mga pinagpipitaganang pigura sa Kapamilya, and their presence is only tantamount to relishing fond memories with them.

Pumreno lang si Tita Cristy na pag-anunsiyo kung saan idaraos ang kasal, pero ayon sa text message ni Ai Ai sa kanya’y isang concelebrated mass ang gaganapin kung saan walong obispo at 10 pari ang magkakasal sa kanila ni Gerald.

Kalabisan nang ipanalangin na sana’y panghabambuhay na ang pagsasama nina Ai Ai at Gerald.

Despite aspersions cast upon them by the public, magsilbi sanang hamon ‘yon sa would be-couple to strengthen their union.

The post 10 pari, 8 obispo sa kasalang Ai Ai-Gerald appeared first on Bandera.

Ika-6 diretsong panalo hangad ng F2 Logistics Cargo Movers

$
0
0


Mga Laro Ngayon
(De La Salle Lipa Sentrum)
4 p.m. Foton vs Sta. Lucia
6 p.m. Victoria Sports-UST vs F2 Logistics

Team Standings: F2 Logistics (5-0); Petron (5-1); Foton (4-1); Cocolife (3-3); Cignal (2-3); Generika-Ayala (2-4); Sta. Lucia Realty (1-3); Iriga City (1-4); Victoria Sports-UST (0-3)

IKAANIM na sunod na panalo ang tatangkain ngayon ng F2 Logistics Cargo Movers sa pagsagupa sa Victoria Sports-UST Lady Tigresses sa tampok na laro ngayon ng Philippine Superliga Grand Prix 2017 sa pagdayo nito sa De La Salle Lipa Sentrum.

Maghahaharap sa unang laro ganap na alas-4 ng hapon ang hangad makabangon sa unang pagkatalo na Foton Tornadoes kontra Sta. Lucia Lady Realtors na natikman ang unang panalo bago ang alas-6 ng gabi na salpukan ng Victoria Sports-UST at F2 Logistics sa mga laro na iniaalay para sa Marawi.

Naputol ang apat na sunod na pagwawagi ng Tornadoes matapos malasap ang 1-3 set na kabiguan kontra Petron Blaze Spikers, 21-25, 22-25, 25-12, 20-25, na naghulog dito sa ikatlong puwesto sa 4-1 panalo-talo kartada habang winalis ng Lady Realtors ang Victoria Sports-UST para sa una nitong panalo, 25-19, 25-21, 25-19.

Huli naman winalis ng Cargo Movers para sa ikaapat nitong sunod na panalo ang Generika-Ayala Lifesavers, 25-21, 25-17, 25-17.

Inaasahang masosolo ng Cargo Movers ang liderato dahil sa ipinapakita nitong matinding paglalaro tampok ang mga import nito na sina Kennedy Lynne Bryan at Maria Jose Gonzales Perez, na tinanghal na Game MVP sa huli nitong laro kontra Lifesavers sa itinala na 12 attacks, isang block at ace.

Nakatuwang din nila ang mga middle blocker na sina Majoy Baron at Aby Maraño na itinala ang pito sa 10 blocks ng F2 Logistics para mapigilan ang mga Generika-Ayala import na sina Katarina Pilepic at Darlene Ramdin.

The post Ika-6 diretsong panalo hangad ng F2 Logistics Cargo Movers appeared first on Bandera.


Bonggang wedding invitation may ‘MTV’ ng bride & groom

$
0
0

UBOS at naiere nang lahat ang mga nakabankong taped episodes ng Celebrity Bluff while its host Eugene Domingo was on European tour with her Italian boyfriend, kaya apurahan ang production sa pagte-tape upon her arrival.

Pero kaabang-abang ang mapapanood tonight dahil magkakampi ang “magbiyenan” na sina Alma Moreno at Mark Herras as they hope to score victory against Edgar Allan Guzman and Jinri Park (ng My Korean Jagiya), and Derrick Monasterio and Kristoffer Martin.

Fresh pa kasi ang pagkakapanalo ng nobya ni Mark na si Winwyn Marquez from Miss Reina Hispanoamericana kaya for sure ay hihingan ng thoughts ang dalawang major rooters ng dalaga.

As usual, mamba-bluff sina Boobay, Brod Pete at Edu Manzano sa tatlong pares while Donita Nose and Boobsie will churn out their share of their punchlines.

Pero higit sa lahat, abangan ang mga ibabahaging kuwento ni Uge mula sa ilang araw rin nilang paglilimayon ng kanyang dyowang foreigner sa iba’t ibang bahagi ng Europe.

If Mark’s Winwyn bagged an international crown, aba’y panalo rin si Uge sa larangan ng pag-ibig she doesn’t need a beauty title!

Sabeee?

The post Bonggang wedding invitation may ‘MTV’ ng bride & groom appeared first on Bandera.

Hashtag member kay Joey: Wala akong pake kahit sikat ka, sobrang bastos mo!

$
0
0

“NUKNUKAN ka na ng katangahan pag sa DEAD SEA nalunod ka pa.”

That was Joey de Leon’s caption sa isang photo niya sa Dead Sea which infuriated some netizens.

Ang daming bumatikos sa laos na komedyante dahil sa kanyang insentivity. Namatay kasi ang Hashtag at It’s Showtime member na si Franco Hernandez dahil sa pagkalunod sa Davao Occidental recently.

“Sana binigay mo na lang muna sa amin ang maipagluksa ang kaibigan at kapatid namin, kahit isang araw lang. Kahit ngayon lang. Nakakalungkot ka po. Ipapag pray po kita na gabayan ka ng puong Maykapal,” said Teddy Corpuz of It’s Showtime.

Matapang din ang reaction ni Hashtag Paulo Angeles, “Tanda mo na bastos ka pa. Wala akong pake kahit sikat ka. Mga joke mo wala sa lugar. Sobrang bastos mo.”

Sa isang popular website, ang dami ring kumuda against the has-been comedian.

“Seriously? Walang connect? Imposible naman hindi niya nabalitaan yung pagkamatay ng bata. At sige, dun tayo sa ‘account ko, post ko’, – pero ipasok nya naman sa utak nya ang respeto since public figure sya at marami syang followers. Kung hindi nyo pa din maintindihan at ipagtatanggol nyo pa eh mali na nga, eh pati kayo may problema na! Sick people!”

“Considering na 2014 pa pala talaga yung pic, one would wonder about the choice of a throwback pic plus the use of the term ‘lunod’, we can’t also blame those who reacted from feeling what they did. JDL tends to exhibit insensitivity to others.

“Those who reacted were understandably hurting, having so recently suffered a painful and senseless loss. The ‘lunod’ post was really rather off and badly timed. We all really need to be more responsible sa mga posts.”

Nuknukan din pala ng duwag itong si Joey. Why? Kasi iniba na niya ang caption sa kanyang photo at ginawang “TBT Dead Sea 2014”. Hindi lang ‘yon. Tinanggal pa niya ang comment section sa IG account niya.

Sa paningin ng bashers ay bastos na matanda na walang pinagkatandaan itong si Joey.

 

The post Hashtag member kay Joey: Wala akong pake kahit sikat ka, sobrang bastos mo! appeared first on Bandera.

Hugot ni Paulo: Wag kayong makialam sa buhay ko!

$
0
0

PAULO AVELINO

HUGOT ang latest tweet ni Paulo Avelino kahapon sa Twitter account niyang @mepauloavelino.

“I DO NOT WORK TO BE FAMOUS,” ang unang tweet ng aktor. Kasunod nito ang, “Please do stop giving celebrities or people that aren’t even in your life advice. We don’t need to hear crap that you don’t even know about. You have your life to handle. Concentrate on it.”

Wala naman sigurong kinalaman ang tweet ng aktor sa matatapos niyang teleserye, huh! Feeling lang namin, parang napaiksi ang telecast nito. To think na ang tagal nitong natengga bago umere ang serye, huh!

No wonder, kasali agad si Tonton Gutierrez sa bagong Kapuso series dahil tapos na ang series na kasama niya si Paulo, huh!

The post Hugot ni Paulo: Wag kayong makialam sa buhay ko! appeared first on Bandera.

Vilma pinapili ni Ralph ng regalo para sa 25th wedding anniversary: Around the world o bonggang kasalan?

$
0
0

SUPER enjoy ang Star For All Seasons at Lipa City Cong. Vilma Santos sa kanyang birthday celebration sa Hongkong.

Kasama niya na nag-celebrate roon si Sen. Ralph Recto, ang anak nilang si Ryan Christian, mga kapatid na sina Emelyn at Sonny, pamangkin na si Carla at ilang family friends.

After her birthday, looking forward naman si Cong. Vi sa nalalapit na silver anniversary nila ni Sen. Ralph on Dec. 11.

Last year pa lang ay excited na siya sa pagkukuwento sa plano ni Sen. Ralph on how they will celebrate their 25th wedding anniversary. Pinapipili siya ng asawa between a trip around the world or a grand church wedding for the renewal of their vows. Undecided pa si Cong. Vi during that time. But now, nakapag-decide na siya – pinili niya ang mag-travel around the world.

Samantala, hindi nakarating ang kongresista sa double gala premiere ng dalawang Vilma Santos classic films na digitally restored, ang “Tag-Ulan Sa Tag-Araw” at “Langis At Tubig” in celebration of her 55th showbiz anniversary sa Glorietta Cinema 4 last Tuesday, sponsored by Cinema One and ABS-CBN Restoration.

May affair daw kasi sa Lipa, Batangas si Cong. Vi that time. Pero in full force naman ang kanyang ever loyal Vilmanians headed by the officers and members ng VSSI and of course, ang prexy nila na si Jojo Lim.

Ang “Tag-ulan Sa Tag-Araw” ang first “adult” role ni Ate Vi at unang pagtatambal nila ni Christopher de Leon sa direksyon ni Celso Ad Castillo, habang ang “Langis at Tubig” naman ay isa lang sa mga pelikulang pinagsamahan nila ni Dindo Fernando with Amy Austria directed by Danny Zialcita.

May trivia sa amin ang veteran entertainment writer na si Ed de Leon tungkol sa “Langis at Tubig.” Dahil daw sa pelikulang ‘yan na prodyus ng Sining Silangan kaya naging artista ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Si Sharon kasi ang kumanta ng theme song ng “Langis at Tubig” na isa sa best theme songs na inawit ni Mega. Hindi available si Cong. Vi sa premiere night ng movie nila ni Boyet na gaganapin sa Cebu. Kaya si Mega ang pinapunta doon ng mga producer.

Doon nakita nila ang lakas sa masa ni Sharon at nadiskrbreng napakarami pala niyang fans. Kaya naisip ng Sining Silangan na i-produce na rin ng movie si Sharon. At doon nga nabuo ang “Dear Heart” nila ni Gabby Concepcion.

Dahil sa lakas ng “Dear Heart,” naisip ng tatay ni Mega na si Mayor Pablo Cuneta na dapat sundan agad ang movie ni Sharon. Kaya lang ‘di naman ready pa ang Sining Silangan na gumawa agad ng follow-up movie for Sharon.

Nakalabas pa kasi ang pera nila sa ibang movie projects ng Sining Silangan at international films kung saan naka-invest din ang malaking pera nila that time.

Kaya ang ginawa raw ni Mayor Cuneta kinausap at binigyan niya ng pera si Vic del Rosario to produce Sharon’s next movie with Gabby, ang “P.S. I Love You,” na unang pelikula naman ng Viva Films. And the rest is history, ika nga nila.

q q q

Muling ipinamalas ng singer na si Nyoy Volante ang talent niya sa pag-arte sa nakaraang episode ng Maalaala Mo Kaya last Saturday. Gumanap si Nyoy bilang isang gurong ginamit ang musika upang itaguyod ang pamilya at makapagbigay-tulong sa kanyang komunidad.

Simula pagkabata, hilig na ni Joel (Nyoy) ang musika. Dahil na rin sa kanyang amang haranista, nagpatuloy ang pagmamahal ni Joel sa musika hanggang siya ay umabot sa kolehiyo. Pansamantalang natigil ang pangarap ni Joel na maging isang mang-aawit para pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral para maging guro.

Lumipas ang panahon at isa na siyang ganap na guro. Ginamit niya ang kaalaman para magturo sa mga katutubo sa bundok na salat na salat sa maayos na kagamitan o pasilidad pang-eskwela.

Nakasama rin sa nasabing episode ng MMK sina Antoinette Taus, Marlo Mortel, Louise Abuel, Buboy Garovillo, Suzette Ranillo at Marc Santiago.

Ang episode ay sa direksyon ni Dado Lumibao at sa panulat nina Mae Rose Balanay at Arah Jell Badayos. Ang MMK ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda dela Cerna at Star Creatives COO na si Malou Santos.

The post Vilma pinapili ni Ralph ng regalo para sa 25th wedding anniversary: Around the world o bonggang kasalan? appeared first on Bandera.

Mariel de Leon may resbak sa pang-ookray ni Sara Duterte?

$
0
0


NABASA namin ang pasaring ni Presidential daughter and Davao City Mayor Sara Duterte tungkol sa pagkatalo ni Ms. Mariel de Leon sa nakaraang Miss International 2017 held in Japan and we didn’t like it.

Nakaka-off dahil inaasahan pa naman nating maging role model ng bansa si Mayor Sarah at di sana nagsasalita ng hindi maganda against a Filipino candidate like Mariel in an international feat.

Na-mention ni Mayor Sarah na meron daw kasi siyang personal experience with Ms. Mariel na hindi niya gusto – ito yata yung kinuwestiyon ni Mariel ang appointment ni Mocha Uson sa public office by President Rodrigo Duterte, Mayor Sara’s dad. Hindi nagustuhan ng alkalde ang comment na iyon ni Mariel.

Kaya short of saying na karma raw ni Mariel ang pagkatalo nito sa Miss International kaya parang natuwa pa ito na hindi naiuwi ng dalaga ang korona.

It leaves a bad taste para sa ating mga Pinoy dahil unang-una, presidential daughter siya and she must have been magnanimous. Kahit pa halimbawa’y natuwa nga siya sa pagkatalo ni Ms. Mariel dahil obviously ay hindi nila kakampi ito sa kanila, sinarili na lang sana niya.

Kung feeling niya ay nakaganti na sila dahil natalo nga si Ms. Mariel, sana’y quiet na lang talaga siya. Siya pa nga ang dapat magpakita ng kortesiya at himukin ang mga tao to just accept the fact na hindi sa lahat ng oras ay panalo tayo. Baka hinangaan pa siya. How childlike of Mayor Sara, di ba?

As if naman panalo ang mga Pinoy sa uri ng pamamalakad nila sa ating mapahalaan. Kaloka! Hmp!
Anyway, nag-tweet din daw si Mariel tungkol sa isang taong nangnenega sa kanya. Hindi man niya pinangalanan ito, naniniwala ang ang mga netizens na si Mayor Sara ang kanyang pinatatamaan.

She said, “If another person’s ‘misfortune’ pleases you, it just shows how insecure and unhappy you are with your life. It’s okay, maybe one day you’ll be truly happy? I’m sending you good vibes and prayers!”

The post Mariel de Leon may resbak sa pang-ookray ni Sara Duterte? appeared first on Bandera.

Viewing all 44358 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>