Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44535 articles
Browse latest View live

Macoy Dubs, Pipay milyun-milyon na ang kinikita bilang vlogger?

$
0
0
Macoy Dubs, Pipay milyun-milyon na ang kinikita bilang vlogger?

Pipay, Macoy Dubs at Boy Abunda

DIRETSAHANG tinanong ng King of Talk na si Boy Abunda ang content creator at TV personality na si Macoy Dubs kung totoong milyones ang kinikita ng mga vlogger.

Sa guesting ni Macoy Dubs kamakailan sa “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang kapwa social media star na si Pipay, napag-usapan nga ang tungkol sa perang involved sa pagiging YouTuber.

Sumagot si Macoy pero hindi niya diretsahang sinabi kung umaabot na rin ng milyun-milyon ang nakukuha niya sa pagba-vlog.

“Siguro sabihin natin may capacity to help others kapag content creator ka. Before kasi sa opisina ako. Malaki rin ang difference ng kita,” chika ng vlogger.

Agree rin si Macoy sa paniniwala ni Tito Boy na “money is good” sa pagiging content creator pero kailangan din itong paghirapan at dapat laging mag-ingat sa pagpo-post ng video sa publiko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Macoy Averilla (@macoydubs)


Samantala, tinanong naman ng premyadong TV host si Pipay kung paano nabago ang buhay nito bilang isang content creator.

Paglalarawan ng viral vlogger sa nagawang pagbabago sa kanya ng YouTube at sobrang “malala”.

“Kasi like wala akong experience na any other job. Talagang college ako nu’ng nag-start ‘to. Tapos talagang blessing siya ni universe na parang hindi ko siya hiniling pero dumating siya.

“Actually, wala po akong idea kung ano gagawin ko in the future. After college talagang sinabi ko, ‘Ano kaya magiging work ko in the future?’

“Hindi naman ako matalino. Hindi naman malakas ang katawan ko. Tapos bigla siyang dumating ‘yung content creating and naiba ‘yung nasa isip ko na mangyayari sa buhay ko,” ani Pipay.

May 2.6 million followers na si Pipay sa TikTok at 1.8 million followers sa Facebook. Si Macoy Dubs naman ay humamig na ng one million followers sa TikTok habang 1.5 million naman sa Facebook.

The post Macoy Dubs, Pipay milyun-milyon na ang kinikita bilang vlogger? appeared first on Bandera.


Kylie, Jak intense ang reunion sa My Father’s Wife; Vina aarte, bibirit uli

$
0
0
Kylie, Jak intense ang reunion sa My Father's Wife; Vina aarte, bibirit uli

Kylie Padilla, Jak Roberto at Vina Morales

MAGRE-REUNION ang dalawang Kapuso stars na sina Kylie Padilla at Jak Roberto para sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “My Father’s Wife.”

Unang nagkasama sina Kylie at Jak sa GMA Prime series na “Bolera” na umere noong 2022 kung saan isa nga ang aktor sa mga leading man ni Kylie.

But this time, mas mature, mas palaban at mas challenging na ang kanilang mga karakter dahil sa nakakaintrigang tema at konsepto ng “My Father’s Wife.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)


Sabi nga ni Jak, “Happy ako na maka-work ulit si Kylie kasi I worked with her na, hindi na namin kailangang mag-adjust sa isa’t isa.”

Mas lalo rin daw dapat abangan ang serye dahil sa unique role ni Kylie. Pagmamalaki ni Jak, “Excited ako for her kasi parang ngayon niya lang din gagawin tong character na ‘to.

“Grabe! Abangan ninyo guys, sobrang nakaka-excite!” ang pahayag pa ng ex-boyfriend ni Barbie Forteza.

Abangan ang “My Father’s Wife” soon sa GMA Network.

* * *

Ipinasilip ng seasoned actress-singer na si Vina Morales ang kanyang recording para sa theme song ng pagbibidahang serye na “Cruz vs. Cruz.”

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Vina na grateful siya sa GMA Network at excited siyang muling mapakinggan ng mga Kapuso ang kanyang boses tuwing hapon.

Bukod diyan, malapit na ring mapanood ang pagbabalik-teleserye ni Vina na matagal-tagal na ring hindi napapanood ng publiko na umaarte.

Star-studded ang cast ng “Cruz vs. Cruz” kung saan makakasama ni Vina sina Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Pancho Magno, Lexi Gonzales, Gilleth Sandico, Elijah Alejo, Caprice Cayetano, at Cassy Lavarias.

In fairness, ngayon pa lang ay abangers na ang kanyang fans sa muling pagsabak ni Vina sa aktingan, very soon ba rin iyan sa GMA Afternoon Prime.

The post Kylie, Jak intense ang reunion sa My Father’s Wife; Vina aarte, bibirit uli appeared first on Bandera.

Charo Santos chicharon lang ang talent fee bilang co-host ni Kuya Germs

$
0
0
Charo Santos chicharon lang ang talent fee bilang co-host ni Kuya Germs

Charo Santos

INALALA ng showbiz icon at dating presidente ng ABS-CBN na si Charo Santos ang pagiging co-host noon sa programa ni German “Kuya Germs” Moreno sa GMA 7 na “Germspesyal”.

Makalipas ang ilang dekada, muling nakapasok sa GMA Network building si Charo para sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda”.

Kasama niyang bumisita sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda nitong Biyernes, May 16, kasama si Dingdong Dantes para sa promo ng kanilang pelikula na “Only We Know”.

Kuwento ng award-winning veteran actress, siya raw ang unang co-host ng yumang TV host at star builder sa Sunday morning variety program ng GMA 7 noong 1979 na “Germspesyal.”

Chika ni Charo, wala pa raw siyang natatanggap na talent fee noon, ang natatandaan niya ay ginigibsung siya ng production ng chicharon after ng show.

“That was my first show here. I was the first co-host of the late German Moreno. Before it became GMA Supershow, it was called Germspesyal.

“I would come here every Sunday and do the hosting chore with him.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Charo Santos- Concio (@charosantos)


“Tapos nung araw, wala pang talent fee. You have to do everything on your own. That’s why it also trained me to be self-reliant and to be independent.

“I remember, after the show, binibigyan ako ng isang basket ng chicharon. Yun na yung talent fee.

“I think ex-deals or whatever. I didn’t know any better. I never had a manager so I was doing things on my own,” natatawang chika ng aktres.

Pero kahit daw chicharon lang ang TF niya noon sa naturang show, “I had fun doing it. Siguro mga three months, and then after three months, basta one Sunday, he gave me a small amount.

“Sabi ko, ‘Ay, may talent fee na! Siguro the advertising revenues are coming in. Maybe so.

“Now that I understand television, sometimes you start a show without ad revenues,” pagbabalik-tanaw pa ni Charo.

Paglilinaw naman ng dating pangulo ng Kapamilya Network, nanalo na siya ng best actress sa 1977 Asian Film Festival para sa pelikulang Itim bago siya nakasama sa show ni Kuya Germs.

“I think I already won one best actress for Itim, and I was in the crossroads, choosing between pursuing acting or going into hosting,” chika pa ni Charo Santos.

The post Charo Santos chicharon lang ang talent fee bilang co-host ni Kuya Germs appeared first on Bandera.

David Licauco nagluluksa sa pagpanaw ng lolo: ‘The wisest man I knew’

$
0
0
David Licauco nagluluksa sa pagpanaw ng lolo: ‘The wisest man I knew’

PHOTO: Facebook/David Licauco

NAGLULUKSA ang Kapuso actor na si David Licauco matapos pumanaw ang kanyang lolo na si Jaime Licauco, isang kilalang parapsychologist at author.

Sa isang Facebook post nitong Sabado, May 17, ibinahagi ni David ang kanyang hinagpis habang inaalala ang kabutihan at katalinuhan ng yumaong lolo.

“The wisest man I knew—always chasing greatness, always sharing his wisdom,” bungad niya sa caption, kalakip ang ilang litrato nilang magkasama.

Mensahe pa niya, “Thank you for the life talks, the lessons, the power of your mind. I’ll hold them close, always. Rest easy, Lolo.”

Baka Bet Mo: Hirit ni David Licauco sa mga naboringan sa kanya sa PBB: Sorry na po

David Licauco nagluluksa sa pagpanaw ng lolo: ‘The wisest man I knew’

PHOTO: Screengrab from Facebook/David Licauco

Para sa kaalaman ng marami, si Lolo Jaime ay kinilalang eksperto sa larangan ng parapsychology at metaphysics.

Sa loob ng mahigit dalawang dekada, nakapagsulat siya ng 17 bestselling books at iba’t ibang artikulo tungkol sa mga usaping may kinalaman sa isip, espiritwalidad, at kakaibang karanasan.

Bago siya pumanaw, naging kolumnista rin siya sa pahayagang Daily Tribute.

Samantala, patuloy na namamayagpag ang karera ni David sa telebisyon.

Mas lalo siyang sumikat dahil sa mga historical fantasy dramas kagaya ng “Maria Clara at Ibarra” at “Pulang Araw.”

Siya rin ang onscreen partner ngayon ng Kapuso actress na si Barbie Forteza.

Kamakailan lang, gumanap si David bilang si Deacon Sam sa seryeng “Samahan ng mga Makasalanan,” kung saan bumuo siya ng isang church group na may layuning hikayatin ang mga makasalanan na magbagong-buhay at manumbalik sa pananampalataya.

The post David Licauco nagluluksa sa pagpanaw ng lolo: ‘The wisest man I knew’ appeared first on Bandera.

Chris Brown inaresto sa UK dahil sa umano’y pananakit noong 2023

$
0
0
Chris Brown inaresto sa UK dahil sa umano’y pananakit noong 2023

PHOTO: Facebook/Chris Brown

ARESTADO sa United Kingdom ang American R&B singer na si Chris Brown!

Ayon sa ulat ng The Sun, ito ay kaugnay ng umano’y pananakit sa isang nightclub sa London noong 2023.

Ang pagdakip kay Chris ay nangyari sa isang hotel sa Manchester noong Huwebes, May 15.

Inilahad din na ang inireklamo sa kanya ay ‘yung ginawang pananakit gamit ang bote laban sa isang music producer sa Tape nightclub sa central London.

Baka Bet Mo: Chris Brown hindi pinayagang makaalis ng Pinas

Saad naman sa pahayag ng Metropolitan Police ng London, na hindi binanggit ang pangalan ni Chris, sinabi nilang may isang 36-year-old na lalaki ang inaresto sa isang hotel sa Manchester bandang 2 a.m. ng Huwebes dahil sa suspetsang “grievous bodily harm.”

“He has been taken into custody where he remains. The arrest relates to an incident at a venue in Hanover Square on 19 February 2023,” sey ng tagapagsalita ng pulisya.

Hindi pa nakukuhanan ng pahayag ang kampo ni Chris hinggil sa insidente.

Nako, dahil sa nangyari ay mukhang mapo-postpone ang world tour niya na magsisimula sa susunod na buwan.

Si Chris ay kilala sa mga kantang “Loyal,” “Run It,” at “Under the Influence.”

The post Chris Brown inaresto sa UK dahil sa umano’y pananakit noong 2023 appeared first on Bandera.

Bong Revilla sa pagkatalo: Tama na ang gibaan, let’s move forward!

$
0
0
Bong Revilla sa pagkatalo: Tama na ang gibaan, let's move forward!

Bong Revilla, Jolo Revilla kasama ang mga apo

TANGGAP na ng veteran actor at public servant na si Sen. Bong Revilla ang kanyang pagkatalo sa senatorial race sa katatapos lang na 2025 midterm elections.

Sa pamamagitan ng isang Facebook video, sinabi ni Sen. Bong na huwag mag-alala ang kanyang fans and supporters dahil maayos ang kanyang pakiramdam sa kabilla ng pagkabigo sa nakaraang eleksyon.

“Hello and good afternoon, everyone. Nandito tayo ngayon sa farm, okay naman po ako. Ganu’n talaga, but I would like to congratulate lahat ng mga nananalo na mga kaibigan ko,” simulang pagbabahagi ng senador.

Ang tinutukoy ng tinaguriang Titanic Action Star ay ang Magic 12 na naproklama na kahapon sa pagkasenador: sina Bong Go, Bam Aquino, Bato dela Rosa, Erwin Tulfo, Kiko Pangilinan, Rodante Marcoleta, Ping Lacson, Tito Sotto, Pia Cayetano, Camille Villar, Lito Lapid, at Imee Marcos.

Base sa resulta ng halalan mula sa Commission on Elections (Comelec) nasa ika-14 puwesto si Bong na re-electionist senator para sana sa panibagong anim na taon na termino.


Nabanggit din niya na wala siyang nararamdamang sama ng loob sa kanyang pagkatalo, at baka raw may iba pang plano para sa kanya ang Diyos.

“Bagamat tayo’y hindi pinalad, okay lang po ‘yon. Ang importante po ngayon ay magkaisa para sa bayan. I-solve natin ‘yung tunay na problema ng bayan. Sana magkaisa, magkaayos din.

“Kung ano man po ang nangyari e, tanggap natin ‘yan. Ang importante ay masaya tayo. Tama na ‘yung gibaan, let’s move forward para sa bayan, para sa bansa.

“Nagsalita na ang bawat isa, atin pong dapat pakinggan. Ang importante, mahalin natin ang Pilipinas,” sabi ng aktor.

Sabi pa ni Sen. Bong sa kabila ng pagkatalo ay ipagpapatuloy pa rin niya ang pagtulong.

“Siguro to spend more time with my family, my apo. Mag-aalaga muna tayo ng apo, pahinga. Mahal ko po kayo,” aniy pa.

Samantala, nanalo naman ang kanyang misis ni Lani Mercado bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Cavite, habang ang anak nilang si Jolo Revilla ay nagwagi rin sa pagka-cogressman sa unang distrito ng Cavite.

Naihalal din ang isa pang anak ni Bong na si Ram bilang vice governor ng Cavite habang mayor pa rin ng Bacoor ang kapatid niyang si Strike Revilla.

The post Bong Revilla sa pagkatalo: Tama na ang gibaan, let’s move forward! appeared first on Bandera.

Kathryn Bernardo na-shock sa kantang ‘Nagloko Ka Rin Naman’, Donny tawang-tawa

$
0
0
Kathryn Bernardo na-shock sa kantang 'Nagloko Ka Rin Naman', Donny tawang-tawa

Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo

ALIW ang reaksyon ni Kathryn Bernardo nang tanungin ang auditioner na si Esay Belanio sa “Pilipinas Got Talent” episode kagabi, May 17, kung ano ang entry song niya.

Nagalingan ang “PGT” judges na sina Ginoong Freddie M. Garcia o FMG, Donny Pangilinan, Eugene Domingo at si Kathryn nga sa performance ni Esay dahil ibang-iba raa sa mga napanood na nila.

Posible naman dahil magaling naman talaga si Esay na sayang nga lang at hindi siya nagtagumpay noong nauna na siyang sumali sa “Idol Philippines Season 2” dalawang taon na ang nakararaan dahil tinalo siya ni Khimo Gumatay.

Going back to Kathryn ay binati niya si Esay ng, “What’s up rockstar? That performance was so powerful. Can I just say na ‘yung pag-sacrifice sa ‘yo ng parents mo sobrang worth it, naniwala sila sa ‘yo and ngayon nandito ka sa Pilipinas Got Talent lahat kami naniniwala sa ‘yo.”

Patapos na sana si Kath nang bigla niyang hinabol na tanungin si Esay ng, “Yung kanina mong kinanta, sorry anong title no’n?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pilipinas Got Talent (@abscbnpgt)


Kaswal na sagot ni Esay, “Nagloko Ka Rin Naman.”

Halatang nagulat si Kathryn at natawa na lang sabay lingon kay Donny at umikot ang mata. Tawang-tawa rin sa kanya ang TV host-actor.

Sabi ni Donny, “Tapos ikaw ang nagtanong?”

Samantalang si Eugene ay hindi rin napigilan ang pagtawa to the max sa reaksyon ng dalaga sabay tapik sa balikat ni Kathryn.

Hirit ni Kath, “Kasi pinatanong nila sa akin, ‘nagloko ka rin naman (mataas ng tono), atsutsu. (tawa pa rin ng tawa sina Eugene at Donny).

“Ganda (sabi kay Esay), good job, congratulations!” say pa ng aktres.

The post Kathryn Bernardo na-shock sa kantang ‘Nagloko Ka Rin Naman’, Donny tawang-tawa appeared first on Bandera.

Lito Lapid nakapasok sa Top 12 senator dahil sa powers ni Coco Martin?

$
0
0
Lito Lapid nakapasok sa Top 12 senator dahil sa powers ni Coco Martin?

Coco Martin at Lito Lapid

MARAMING nagsasabi na napakaswerte pa rin ng veteran action star na si Lito Lapid dahil nakapasok siya sa Top 12 senator para sa 2025 midterm elections.

Ipinroklama na ng Commission on Elections (Comelec) ang 12 kandidato na nanalo sa senatorial race kung saan nanguna nga si Bong Go at sinundan nina Bam Aquino at Bato dela Rosa. Nasa ika-11 pwesto naman si Sen. Lito Lapid.

Ayon sa mga netizens, mukhang sinuwerte pa rin si Lito Lapid dahil sa mga tumakbong taga-showbiz ay sila lamang ni Tito Sotto ang pumasok sa Top 12.

May mga nagkomento naman na si Coco Martin daw ang nagdala sa beteranong action star dahil nga ang “Batang Quiapo” lead star ang nangampanya at nag-endorso sa kanyang kandidatura.

Matagal na nagkasama sina Coco at Lito sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at “Batang Quiapo” kaya naman hindi maitatanggi ang pagiging super close nila ngayon sa isa’t isa.

Marami naman ang nagtatanong kung anu-ano nga ba ang mga nagawa ni Lito Lapid sa Senado at bakit lagi siyang binoboto ng mga tao?

Sa mga hindi pa masyadong aware, ilang dekada na ring naglilingkod sa bayan ang veteran actor. Taong 1992 nang maging vice governor siya ng Pampanga at nanalong governor noong 1995.

Una siyang naging senador noong 2004 at nare-elect taong 2010. Pagkatapos nito, tumakbo siya bilang alkalde ng Angeles City, Pampanga noong 2016 pero natalo siya ni Mayor Edgardo Pamintuan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CCM Productions (@ccmfilmproduction)


Tumakbo uli siyang senador noong 2019 at nanalo uli. At ngayong 2025 ay magtutuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagiging senador.

May mga netizens ang nag-research tungkol sa pagiging public servant ng aktor dahil na-curious sila kung bakit patuloy na ibinoboto ng mga Pinoy si Lito Lapid.

Isa na nga riyan ang writer at digital creator na si Rhadson Mendoza. Sa kanyang Facebook page mababasa ang ginawa niyang pagre-research about the actor-senator.

“Sobrang curious ko bakit palaging nananalo si Lito Lapid. Chineck ko yung mga laws na naipasa niya authored/co-authored and okay naman pala.

“These legislative efforts reflect Senator Lapid’s commitment to social justice, education, healthcare, and cultural preservation. His work continues to impact various sectors of Philippine society,” ang simulang pahayag ni Rhadson.

Patuloy pa niya, “Madalas natin siya ma-judge pero pag nabasa mo yung mga nagawa niya, malalaman mong nag-benefit na rin ang mga Pilipino. Kahit ako, I judged him always kasi palagi siyang tahimik lang.

“Pero may aksyon din naman pala siya. Di kailangan mag-ingay palagi and nakatulong din siguro yung Batang Quiapo kaya until now relevant pa rin siya. Saludo, Senator Lito Lapid,” aniya pa.

Inisa-isa pa niya ang mga nagawang batas ng aktor, kabilang na ang Free Legal Assistance Act of 2010 (Republic Act No. 9999), Biometrics Law (Republic Act No. 10367), National Legal Knowledge and Assistance System Act, at iba pa.

“This measure heralded other policy initiatives that look to bridge the great divide between the rich and the poor. Since then, he never wavered on making proposals that would uplift the living standards of the little people of the society whose caused he has been championing, being the ‘Bida ng Masa.’

“Consistent with his excellent showing when he was then a neophyte Senator, he did what he could, not to disappoint the more than eleven million Filipino voters who granted him a fresh mandate in the 2010 National Elections. At the close of the 15th Congress, Senator Lapid filed 239 measures earning him the distinction as the fifth most prolific members of the Upper Chamber.”

“He authored the Meat Labeling Act of 2011, Comprehensive Unilateral Hearing Loss Research and Development and Rehabilitation Act, Urban Agriculture and Vertical Farming Act, Corporate Social Responsibility Act, Kindergarten Education Act, and the Adopt-A-Wildlife Species Act, among others.”

“As the Chairman of the Senate Committee on Games, Amusement and Sports, he saw to it that measures are in motion to sufficiently ensure the development of sports in the grassroots, seeing to it that the youth develop a keen interest on participation to sports competition.”

“He looks forward to further coordination between concerned government agencies so that appropriate support is afforded to the national sports development program.”

“In his first year at the helm of the Senate Committee on Tourism, he has initiated initiatives to oversee the development of the tourism potential of the country and gather the tools to ensure the country’s success as it joins the tourism race with our Asian neighbors,” lahad pa ng writer.

The post Lito Lapid nakapasok sa Top 12 senator dahil sa powers ni Coco Martin? appeared first on Bandera.


Bato dela Rosa: Bakit parang atat na atat kayo na ikulong ako?!

$
0
0
Bato dela Rosa: Bakit parang atat na atat kayo na ikulong ako?!

Bato dela Rosa at Rodrigo Duterte

TULOY ang balak ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na bisitahin sa The Hague, Netherlands si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nasa detention center pa rin ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague si Duterte at naghihintay sa pagsisimula ng pagdinig para sa umano’y mga nagawa niyang “crimes against humanity.”

Inialay ni Bato kay former President Duterte ang kanyang pagkapanalo para sa ikalawa niyang termino sa Senado matapos ang proklamasyon ng Commission on Elections (Comelec) sa 12 kandidatong nanalo sa senatorial race.

Sa panayam ng media kay Bato kahapon, May 17, nabanggit nitong nagbabalak siyang mag-apply ng visa patungong The Hague.

“Mag-try ako mag-apply ng Schengen visa. At kung bibigyan ako, tanungin ko sa ES (Executive Secretary Salvador) Medialdea kung okay ba kung pumunta ako doon,” saad ng nanalong senador.


Samantala, natanong muli si Bato tungkol sa balitang posibleng siya na raw ang susunod na aarestuhin ng ICC kaugnay ng ipinatupad na war on drugs Duterte.

Siya ang nagsilbing hepe ng Philippine National Police (PNP) sa Duterte administration na siyang nanguna sa pagpapatupad ng giyera kontra droga.

Ayon kay Bato, wala pa siyang naririnig o nababalitaan tungkol sa posibleng arrest warrant laban sa kanya ng ICC.

“Bakit ba…gustung-gusto n’yo ko agad ikulong doon? Atat na atat kayo na ikulong ako doon, ah?” ang birong pahayag ng senador sa media.

Sa isang panayam kay Bato, nasabi na rin niya ang planong pagbisita sa dating Pangulo. Aniya pa, handa siyang gumamit ng wig para hindi siya makilala sa The Hague.

The post Bato dela Rosa: Bakit parang atat na atat kayo na ikulong ako?! appeared first on Bandera.

8th The EDDYS awards night ng SPEEd kasado na sa Hulyo, 2025

$
0
0
8th The EDDYS awards night ng SPEEd kasado na sa Hulyo, 2025

ASAHANG mas magiging exciting at maningning ang idaraos na 8th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ngayong taon.

Ang espesyal na pagtatanghal ng ikawalong edisyon ng The EDDYS mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ay gaganapin sa Hulyo,  2025.

Ang annual event na ito, na mula sa samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas, ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula, artista at iba pang personalidad na itinuturing na pinakamagagaling sa Philippine Cinema.

Mamimigay ng 14 acting at technical awards ang SPEEd para sa 8th The EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2024.

Bukod sa pagkilala sa mga natatanging pelikula nitong nagdaang taon, magiging highlight din ng pinakaaabangang awards night ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry.

Sila ang mga artista, direktor at iba pang personalidad na hindi matatawaran ang kontribusyon, dedikasyon at pagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng mahabang panahon.


Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).

Bukod dito, kikilalanin din sa gabi ng parangal ang Rising Producer of the Year at Producer of the Year.

Muli ring pararangalan ng SPEEd ang mga naging bahagi at lumaban para sa patuloy na pagbangon ng Philippine movie industry sa ikalawang taon nito – ang The EDDYS Box Office Heroes.

Dito, bibigyang-pugay nga ang mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan upang muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.

Abangan ang iba pang mga detalye tungkol sa inaabangan nang 8th The EDDYS mula sa SPEEd ngayong darating na Hulyo.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas.

The post 8th The EDDYS awards night ng SPEEd kasado na sa Hulyo, 2025 appeared first on Bandera.

Chito Miranda 2 weeks tumira sa presinto nang makulong si Neri

$
0
0
Chito Miranda 2 weeks tumira sa presinto nang makulong si Neri

Neri Miranda at Chito Miranda

NEVER iniwan ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda ang asawang si Neri Miranda noong maaresto at makulong ito nang madamay sa investment scam.

Sa unang pagkakataon, nagbahagi ang singer-songwriter tungkol sa matinding pagsubok na pinagdaanan nila ni Neri nitong mga nagdaang buwan na itinuturing nilang “most traumatic experience” sa kanilang buhay.

Napatunayan naman ng Pasay Regional Trial Court na hindi guilty si Neri sa mga kasong isinampa sa kanya kabilang na ang violation ng Securities Regulation Code (RA 8799) at syndicated estafa na may kaugnayan sa pakikipag-collab sa isang beauty clinic.

Sa panayam ng broadcast journalist at TV host na si Bernadette Sembrano, inamin ni Chito na isa sa pinakamatitinding challenge na hinarap nila ni Neri ang naturang kaso.

Ngunit napagtagumpayan nga nila ito dahil na rin sa tatag ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa at sa pagmamahal nila sa isa’t isa. At siyempre sa tulong at suporta na rin ng mga taong nagmamalasakit sa kanilang pamilya.

“I never left her side. Talagang siyempre there were parts that I wasn’t allowed to be there with her. I’ll be outside lang (ng police station),” pagbabahagi ni Chito noong nasa kulungan ang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“So basically I left (home) na tumira ako sa police station for the whole duration. That was around two weeks. I never went home. Hindi ako umuwi hanggang hindi kami sabay umuwi,” pahayag ng bokalista ng Parokya ni Edgar.

Hanggang ngayon daw ay nasa healing process pa rin si Neri pero unti-unti nang nakaka-recover mula sa naranasan nitong trauma.

Sabi pa ni Chito, sa kabila ng nasabing pagsubok, mas pinili pa rin nila ang maging mabuting tao at kumapit sa kanilang pananampalataya sa Diyos.

Kung may gusto siyang ipaalala lagi sa kanyang mga anak, “First maging kind. Maging mabait lang even when the world is not kind. Kasi kahit we’re so exposed sa social media, akala masama mga tao. When you go sa real world, the world is still beautiful.

“Just to have faith na kung anuman mangyari, kung ano ang pinagdadaanan mo, everything happens for a reason.

“It’s a blessing in disguise. Kahit ‘di mo maintindihan, and you don’t even need to understand what happens, just have faith na okay lang di mo maintindihan, kasi si God naintindihan,” aniya pa.

Matatandaang pagkatapos ma-clear ang name ni Neri sa kinasangkutang legal battle, nag-renew sila ng wedding vows kasama ang kani-kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan para sa kanilang 10th anniversary.

Pahayag ni Chito sa kanyang wifey, “Mahal na mahal kita. I’ve never loved anyone as much as I love you. Dahil sa ‘yo at sa mga anak natin, naunawaan ko ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal.”

Mensahe naman ni Neri kay Chito, “Ang suwerte-suwerte ko kasi mahal na mahal mo ako. Ang even in my moments of doubt, you love me harder.”

The post Chito Miranda 2 weeks tumira sa presinto nang makulong si Neri appeared first on Bandera.

Miguel Tanfelix nag-deliver ng leche flan ni Mommy Grace, customer na-shookt!

$
0
0
Miguel Tanfelix nag-deliver ng leche flan ni Mommy Grace, customer na-shookt!

Miguel Tanfelix at Grace Tanfelix

KAHIT sikat at malaki na ang kinikita bilang artista, todo pa rin ang suporta ni Miguel Tanfelix sa food business ng kanyang inang si Mommy Grace.

In fairness, talagang personal siyang tumutulong sa negosyo ng ina na isa na ring sikat na content creator ngayon featuring her own dishes and other yummy food creations.

Nito nga lang nagdaang araw ay inutusan ng kanyang nanay ang “Mga Batang Riles” lead star na mag-deliver ng leche flan sa isa nilang customer.

Ibinandera pa ng ina ni Miguel sa pamamagitan ng official Facebook page nitong Mommy Grace Kitchen, ang litrato ng kanilang customer kasama ang Kapuso actor na super happy sa in-order na leche flan.

“SURPRISE! Order na kayo ng #MommyGraceLecheFlan, mga anak! Baka si Miguel pa ang personal na mag-deliver sa inyo hihi,” ang mababasa sa caption ng FB post ni Mommy Grace.


Komento naman ng customer, talagang shookt siya nang makitang si Miguel ang mismong nag-deliver ng inorder niyang leche flan. Aniya napaka-yummy daw talaga nito at nag-promise pa na oorder uli.

Sikat na sikat na rin ngayon si Mommy Grace dahil sa kanyang cooking contents sa Tiktok at Facebook. Ginagaya at bukambibig na rin ngayon ng netizens ang pinasikat niyang linya sa mga cooking video niya na “Okay na ‘to”.

Ayon kay Miguel, ang Mommy Grace Kitchen ay pa-surprise niyang business para sa ina pero aniya, hindi niya in-expect na magiging instant social media star ang kanyang nanay.

Chika ng binata, nagsimula silang mag-post ng cooking videos ni Mommy Grace noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic bilang katuwaan lamang.

“And then nag-hit ‘yung kaldereta, and then ‘yung pinaka-recent, ‘yung naging trending ‘yung ‘Okay na ‘to.’ Du’n talaga parang nag-sky rocket,” sey ng aktor.

“Ako po minsan ‘yung handler niya dahil may mga kumo-contact po sa akin, tapos ako ‘yung middle man. Ako ‘yung kunyari may inquiry, sasabihin po sa akin,” sey pa ni Miguel.

The post Miguel Tanfelix nag-deliver ng leche flan ni Mommy Grace, customer na-shookt! appeared first on Bandera.

Leila de Lima bumuwelta sa ‘bloodbath’ remark ni VP Sara: D’yan sila magaling!

$
0
0
Leila de Lima bumuwelta sa 'bloodbath' remark ni VP Sara: D'yan sila magaling!

Leila de Lima st Sara Duterte

MATAPANG na bumuwelta si congresswoman-elect Leila de Lima sa tila pagbabanta ni Vice President Sara Duterte kapag nagsimula na ang impeachment trial laban sa kanya.

Sinagot ni De Lima ang nabanggit ni VP Sara tungkol sa umano’y madugong pagdinig sa impeachment complaint na haharapin niya sa Senado.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ibinahagi ni De Lima ang kanyang sagot sa naging pahayag ng bise presidente kung saan ipinagdiinan niyang walang lugar ang karahasan sa isang “constitutional process.”

“Diyan naman sila magaling eh: braggadocio, mindless arrogance, toxic rhetoric, violence,” simulang pagresbak ni De Lima.

Aniya pa, “To stress, an impeachment trial is not a show of brute force but a sacrosanct constitutional process of accountability.

“No room for chaos, drama, and theatrics that Sara asked her defense team to orchestrate. Contempt ang naghihintay sa kanila if they even dare to,” dagdag pa ng bagong halal na kongresista para sa partylist group na ML (Mamamayang Liberal).


Patuloy pa niya, “In an impeachment trial, the only one who is on trial is the person impeached. So there can be no bloodbath.

“If any blood is spilled, it can only be that of the person impeached, not the prosecutors’, not the senators-judges’, not the administration’s, not the people’s. We will make sure of that,” sabi pa ng kongresista.

Nitong nagdaang Sabado, May 17, sinabi ni VP Sara na gusto niyang matuloy ang impeachment trial laban sa kanya,  “Sinabihan ko na rin talaga sila. I truly want a trial because I want a bloodbath talaga.”

Inaasahang magsisimula ang pagdinig sa impeachment complaint laban sa ikalawang pangulo ng bansa pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos sa darating na July, 2025.

The post Leila de Lima bumuwelta sa ‘bloodbath’ remark ni VP Sara: D’yan sila magaling! appeared first on Bandera.

Marjorie matapos ang halalan: ‘Hindi man pinalad, lumaban tayo nang patas!’

$
0
0
Marjorie matapos ang halalan: 'Hindi man pinalad, lumaban tayo nang patas!'

PHOTO: Instagram/@marjbarretto

BUONG loob na ipinagmalaki ni Marjorie Barretto na naging patas ang laban niya sa midterm elections 2025.

Sa isang Instagram post, ibinandera ng batikang aktres ang saloobin sa pagkatalo, habang ipinapakita rin ang ilang moments ng kanyang kampanya.

Matatandaang inanunsyo ng aktres ang kanyang kandidatura bilang konsehal noong October 2024 matapos ang halos isang dekadang pahinga mula sa pulitika.

“Hindi man tayo pinalad… Lumaban tayo ng patas,” bungad niya sa caption.

Baka Bet Mo: Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya!

Mensahe pa niya, “Maraming Salamat sa 112k votes. Grabe kayong magmahal district 1! Pinaramdam ninyo sa akin yan saan man ako nagpunta.”

Dagdag niya, marami pa rin siyang pangarap para sa komunidad kahit wala siyang posisyon sa pamahalaan. 

Nagpasalamat din siya sa mga tumulong sa kanya sa buong panahon ng election campaign.

Sey niya, “Hindi po tayo nagtatapos dito, pahinga lamang po ako ng kaunti at sa tulong ng Diyos matutupad pa rin ang mga pangarap ko para sa inyo nang hindi kailangan ng posisyon.”

“Grateful for the memories and the people I met along the way,” ani pa ni Marjorie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marjorie Barretto (@marjbarretto)

Samantala, natalo rin sa pagka-konsehal sa ikalawang distrito ng Caloocan ang dating asawa ni Marjorie na si Dennis Padilla.

Kung matatandaan, bago ang araw ng halalan ay nasangkot sa kontrobersiya ang dalawa dahil sa naging iringan na lumutang matapos ang kasal ng kanilang anak na si Claudia. 

Inireklamo ni Dennis na hindi raw siya nabigyan ng tamang pagtrato bilang “father of the bride.”

Matapang namang sinagot ni Marjorie ang akusasyon sa isang tell-all interview kasama si Ogie Diaz, kung saan isinalaysay niya ang umano’y pananakit at “toxic” na pag-uugali ng dating asawa sa kanya at sa kanilang mga anak na sina Claudia, Julia, at Leon.

The post Marjorie matapos ang halalan: ‘Hindi man pinalad, lumaban tayo nang patas!’ appeared first on Bandera.

Historic moment: Cardinal Tagle sinuot kay Pope Leo XIV ang ‘Fisherman’s Ring’

$
0
0
Historic moment: Cardinal Tagle sinuot kay Pope Leo XIV ang ‘Fisherman's Ring’

PHOTO: Facebook/CBCP News

ISANG makasaysayang tagpo ang bumandera sa Vatican, pati na rin sa Pilipinas!

Isinuot na kasi sa bagong Santo Papa na si Pope Leo XIV ang “Fisherman’s Ring.”

At ang nakaka-proud pa, si Cardinal Luis Antonio Tagle ang naatasang nagsuot nito sa daliri ng pope.

Ang naturang singsing ay may ukit ng imahe ni St. Peter na tinatawag ring “Piscatory Ring.”

Baka Bet Mo: Cardinal Tagle ‘first act of charity’ kay Pope Leo XIV: Binigyan ng candy 

Isa itong simbolo na nagpapakita na ang bagong Santo Papa ay kahalili ni San Pedro, ang unang Papa na isang mangingisdang pinili ni Hesus Kristo mismo!

“Cardinal Luis Antonio Tagle presents the Ring of the Fisherman to Pope Leo XIV during a historic Eucharistic celebration marking the start of the Petrine ministry of the Bishop of Rome, in St. Peter’s Square at the Vatican, May 18,” ayon sa Facebook post ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Dati, ginagamit ang singsing na ito para i-seal o lagyan ng selyo ang mga importanteng dokumento ng simbahan.

Ngayon, ito ay naging ceremonial na lamang, ngunit buo pa rin ang kahulugan nito na mamuno at tuparin ang misyon ng Santo Papa sa Simbahang Katolika.

Samantala, si Pope Leo XIV na kilala rin bilang Robert Francis Prevost ang kauna-unahang Santo Papa mula sa United States of America.

Ang kababayan naman nating si Cardinal Tagle ang isa sa mga Pilipinong kardinal na kabilang sa naganap na conclave para pumili ng bagong Santo Papa.

The post Historic moment: Cardinal Tagle sinuot kay Pope Leo XIV ang ‘Fisherman’s Ring’ appeared first on Bandera.


‘Renoir’ ni Sylvia Sanchez binigyan ng standing ovation sa 78th Cannes filmfest

$
0
0
'Renoir' ni Sylvia Sanchez binigyan ng standing ovation sa 78th Cannes filmfest

Sylvia Sanchez, Art Atayde at Alemberg Ang

BINIGYAN ng standing ovation ang Japanese film na “Renoir” na ipinrodyus nina Sylvia Sanchez at Alemberg Ang sa ginaganap ngayong 78th Cannes Film Festival sa France.

Ang “Renoir” ay idinirek ni Chie Hayakawa na isa nga sa masusuwerteng napili bilang bahagi ng main competition para sa Palme d’Or sa 78th Cannes Film Festival ngayong 2025.

Kasama nina Sylvia at Alemberg bilang co-producer ng pelikula sina Eiko Mizuno Gray, Jason Gray, Christophe Bruncher at Yulia Evina Bhara. Nakipag-sanib pwersa ang Nathan Studios sa iba’t ibang production companies mula sa Japan, France, Singapore, at Indonesia para sa “Renoir.”

Siyempre, super proud ang award-winning actress at Nathan Studios  producer na si Sylvia sa napakainit na pagtanggap ng manonood sa Cannes ngayong taon sa kanilang entry.

Sa kanyang Facebook page, nagbahagi ng madamdaming mensahe si Sylvia kalakip ang mga litrato nila sa red carpet ng Cannes Film Festival kung saan nakasama rin niya ang asawang si Art Atayde.


Maituturing ngang isang Pinoy pride moment ang pagrampa roon ni Sylvia as movie producer with her modern black terno OOTD.

“All the hard work, quiet perseverance, and countless sacrifices… they all led to this moment.

“After three years of coming back and forth to Cannes as a producer,
finally, one of the films co-produced by Nathan Studios has been selected
as part of the 2025 Cannes Main Competition slate.

“It’s such an honor to be part of this film—a beautiful collaboration between Japan’s Happinet Studios, France’s Ici et Là Productions, Singapore’s Akanga Film Asia, Indonesia’s Kawan Kawan Media, and from the Philippines, Daluyong Studios and our very own Nathan Studios. Grateful as well to Goodfellas for handling international sales.

“And today, we walked the red carpet here in Cannes… humbled, overwhelmed, and deeply thankful that our film was chosen to be part of the Main Competition.

“A heartfelt thank you to @mister_angst  of Daluyong Studios—this wouldn’t have been possible without you. Your trust, vision, and generosity brought us here, and for that, Nathan Studios will always be grateful. Love you Rommie. Alem Berg Ang #forevergrateful.

“#ThankuLORD!” ang buong mensahe ni Sylvia Sanchez.

Ang “Renoir” ay isang coming-of-age drama na pinagbibidahan ni Yui Suzuki na nakasama rin ng grupo nina Sylvia sa red carpet ng 2025 Cannes filmfest. Ang iba pang members ng cast ay sina Lily Franky, Hikari Ishida, Ayumu Nakajima, Yuumi Kawai at Ryota Bando.

Napakaraming movie critic ang pumuri sa “Renoir” after ng screening nito sa Cannes kaya naman abot-langit ang tuwa at pasasalamat nina Sylvia at Papa Art.

Ayon sa Hollywood Reporter, “Part of the reason ‘Renoir,’ despite its modesty, hits emotionally is because of Suzuki’s compelling performance. The newcomer has a wide-eyed, penetrating stare that at once communicates the reality of Fuki’s innocence and the depth of her curiosity.

“In the actress’ hands, the character becomes someone you come to feel deeply protective of. When Fuki decides to meet the young man she’s been talking to on the telephone in real life, an anxious tension creeps into ‘Renoir’ as you start to spiral about all the ways that interaction could go wrong.”

Sa darating na Biyernes, May 24, ang Closing Ceremony ng 78th Cannes Film Festival kung saan ibabandera ang mga nanalong entry.

The post ‘Renoir’ ni Sylvia Sanchez binigyan ng standing ovation sa 78th Cannes filmfest appeared first on Bandera.

Pinoy Pride: JJ Pietsch nag-champion sa 2025 Eurovision, 37 bansa pinataob

$
0
0

 

Pinoy Pride: JJ Pietsch nag-champion sa 2025 Eurovision, 37 bansa pinataob

“WE won Eurovision 2025!!!!!”

Ito ang proud na proud na ibinandera ng Filipino-Austrian countertenor na si Johannes Pietsch o mas kilala bilang JJ matapos niyang sungkitin ang kampeonato sa 69th Eurovision Song Contest na ginanap sa Basel, Switzerland kamakailan.

Ang winning song niya ay ang “Wasted Love” na mismong isinulat niya, kasama ang music producers na sina Teya at Thomas Thurner.

Baka Bet Mo: Pinay artist super proud na naging member ng Quadlips: True sisterhood

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eurovision Song Contest (@eurovision)

Sa Instagram, ramdam na puno ng tuwa at emosyon si JJ habang pinapasalamatan ang lahat ng sumuporta sa kanya sa kompetisyon.

“Guys, love is never wasted. There’s so much love that can be spread around in any field,” bungad niya.

 Sey pa ni JJ, “Love is literally the strongest force in planet Earth and let’s just love each other and live in a civil union. Thank you guys so, so much! I love you!”

Siyempre, hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang mentor na si Conchita Wurst, ang bearded drag queen na naging champion ng Austria noong 2014.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eurovision Song Contest (@eurovision)

 

Dahil sa kanyang multi-octave voice na sanay sa Vienna State Opera, pinatunayan ni JJ na pwede palang pagsamahin ang classical at pop, at gawing isang world-class na obra.

Sa post-victory press conference, inilahad ni JJ na ang mensahe ng kanyang kanta ay tungkol sa “unrequited romance” o pag-ibig na hindi nasuklian.

Pero aniya, “love persevered.” 

“Let’s spread love, guys,” dagdag pa niya, habang ipinagmamalaki rin na siya ang kauna-unahang Eurovision winner na may dugong Pilipino.

Si JJ ay anak ng Austrian IT professional at isang Pinay cook.

Lumaki siya sa Dubai, kung saan nagtayo ng negosyo ang kanyang ama.

Multilingual si JJ na kayang magsalita ng German, English, Tagalog, at may kaalaman sa Arabic at French.

The post Pinoy Pride: JJ Pietsch nag-champion sa 2025 Eurovision, 37 bansa pinataob appeared first on Bandera.

Ex-OWWA chief Arnell Ignacio iimbestigahan sa P1.4-B land deal

$
0
0
Ex-OWWA chief Arnell Ignacio iimbestigahan sa P1.4-B land deal

Arnell Ignacio

POSIBLENG kasuhan si dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio kaugnay ng umano’y hindi otorisadong P1.4-billion land deal.

Kinumpirma ni Malacañang press officer Claire Castro na may ipinadala ng letter of complaint laban sa TV host-actor at public servant sa Office of the President.

“Ignacio was even asked by Desla (Deputy Executive Secretary for Legal Affairs) to explain the matter. It became the reason for his immediate removal from the office,” ayon kay Castro.

Ang umano’y maanomalyang P1.4-billion land acquisition deal ng OWWA na dapat sana’y aprubado raw ng Board of Trustees ng ahensiya ay kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Department of Migrant Workers (DMW).

“Secretary Hans Cacdac (ng DMW) made a statement already, allow me to say this and as a lawyer I would also say this, there’s an investigation. I will allow due process to take its course,” ang pahayag ni DMW Undersecretary Patricia Yvonne “PJ” Caunan sa Saturday News Forum sa Quezon City.

Si Caunan ang pumalit kay Arnell bilang OWWA administrator, “As the new administrator of OWWA, we will perform the necessary audit, we will seek the required legal opinion from the Department of Justice and we will engage with the Commission on Audit.”

“The OFW Fund is sacred, we are very serious about. We take this very seriously,” aniya pa.

Nauna rito, nabanggit ni Hans Cacdac na hindi raw nag-resign sa kanyang pwesto si Ignacio kundi tinanggal ito dahil nga sa nabanggit na kontrobersyal land acquisition deal ng OWWA.

“Former administrator Ignacio did not resign from office. He was removed and replaced on the count of loss of trust and confidence due to an anomalous P1.4 billion land acquisition deal that did not go through the OWWA Board of Trustees on at least six counts,” aniya.

Kung matatandaan, nagsilbing OWWA administrator noong 2022 si Ignacio matapos italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.. Taong 2018 hanggang 2019, ay nagsilbi siyang deputy administrator matapos italaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, sa phone interview naman kay Ignacio ng media, sinabi nitong sasagutin ang lahat ng isyu sa “proper forum.” Aminado rin siya na ikinagulat niya ang mga akusasyon laban sa kanya.

The post Ex-OWWA chief Arnell Ignacio iimbestigahan sa P1.4-B land deal appeared first on Bandera.

#SerbisyoBandera: DENR nais iligtas ang 6 endangered animals, naglabas ng ‘merch’

$
0
0
#SerbisyoBandera: DENR nais iligtas ang 6 endangered animals, naglabas ng 'merch'

PHOTOS: Courtesy of Sean Jimenez

KAHIT namamasyal sa mall, pwede pa ring makatulong sa kalikasan, lalo na sa pagsagip sa mga hayop na nanganganib nang mawala sa mundo!

Kamakailan lang, bumandera ang makulay na fashion show for a cause na ginanap sa SM Mall of Asia at diyan inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kampanyang “Save from Extinction.”

Bukod sa BANDERA at ilang media members, present din sa launch ang mga kinatawan mula sa mga NGO kagaya ng Forest Foundation Philippines, Katala Foundation, Philippine Eagle Foundation, WWF-Philippines, D’Aboville Foundation, at Zoological Society of London pati na rin ang mga opisyal ng DENR at SM.

Proud na ibinida ng DENR ang cute at makabuluhang merchandise items na layong iligtas ang anim na endangered animals sa bansa.

Baka Bet Mo: Michelle Dee naghatid inspirasyon sa autism community: ‘You’re not alone!’

Makikita sa mga bagong plushies mula Toy Kingdom ang mga bida ng kampanya: ang Philippine eagle, Philippine cockatoo, tamaraw, pawikan, dugong, at pangolin –mga cuddly na laruan na may dalang seryosong mensahe: iligtas kami mula sa extinction.

Bukod sa stuffed toys, may stylish t-shirts din mula sa Kultura at pambatang damit mula sa SM Fashion.

Available ang limited edition merch sa piling SM branches tulad ng SM MOA, SM Podium, SM North EDSA, SM Makati, at SM Aura.

Ayon kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, ang anim na hayop na tampok sa kampanya ay tinatawag nilang “Big 6” ng Pilipinas.

“These are not just wildlife icons, they are keystone species where their essential roles are maintaining the health and balance of our ecosystems, so that others including you human beings may actually thrive. We all know that they are facing the real threat of extinction,” sey ng kalihim.

Paliwanag pa niya, “We are losing forest, wetlands, coral reefs, and other critical habitats faster than we can restore them and that they can regenerate on their own. Our species are being pushed to the rink by illegal hunting, wildlife trafficking, pollution, and the growing impact of climate change.”

Dagdag pa ni Loyzaga, “It is clear that much more needs to be done as the risks are complex, they cannot be addressed just by the government but we all need to work together across all sectors at all levels of our society.”

At diyan na papasok ang exciting na merchandise na ayon kay Hanna Carinna Sy, ang Assistant Vice President ng SM Supermalls, ang lahat ng proceeds mula sa exclusive merch ay mapupunta sa mga NGO na katuwang ng DENR sa conservation work.

“Every effort is a step towards our real impact,” sambit niya.

Ani pa ni Hanna, “We hope today inspires more people to join us by lending your voice, your platform and your hearts to this cause. We can create a lasting change that can safeguard our planets for future generations.”

The post #SerbisyoBandera: DENR nais iligtas ang 6 endangered animals, naglabas ng ‘merch’ appeared first on Bandera.

Michelle Dee shocked sa pag-unfollow ni Chelsea Manalo: I was clueless!

$
0
0
Michelle Dee shocked sa pag-unfollow ni Chelsea Manalo: I was clueless!

Chelsea Manalo, Michelle Dee

“I WAS completely clueless of what was happening.”

‘Yan ang naging pahayag ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa gitna ng isyu tungkol sa pag-unfollow umano sa kanya ni reigning queen Chelsea Manalo sa social media.

Matapos ang naging presscon kamakailan lang para sa Angels Walk 2025, si Michelle ay nakachikan ng entertainment press at isa sa mga naitanong ay ang nasabing isyu.

Agad na inamin ng beauty queen na nagulat siya nang makita ang pangalan niya sa headlines recently.

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Michelle Dee suportado ang Angels Walk 2025, lampas 40k ang sumali

“I was honestly so surprised. I opened social media that day. I saw it in the headlines. I was completely clueless of what was happening,” sagot ni Michelle.

“I didn’t know I was making headlines, even if I didn’t do anything. I know that a tweet of mine was highlighted that had nothing to do with Chelsea or pageantry or showbiz in general. Kaya I don’t know,” paliwanag pa niya.

Sinabi rin ng aktres na nalaman niya ang isyu sa ilang kaibigan, kabilang na ang isang mutual friend nila ni Ahtisa Manalo, na tinanong siya kung ano raw ang nangyayari.

Kwento niya, “May common friend kami ni Ahtisa na nag-message sa’kin kaya na-flag sa akin ‘yung headline. Clueless po talaga ako.”

Sa kabila ng isyu, malinaw na sinabi ni Michelle na wala siyang sama ng loob at nananatili ang respeto niya kay Chelsea bilang kapwa-reyna.

“Maybe it was an accident, maybe she has reasons. I do know she followed us back…on my end, I really have nothing to say,” sambit ng Miss Universe Philippines 2023.

Chika niya, “We were able to interact naman between Miss Universe, the coronation night and after, kaya nagulat rin po talaga ako.”

Dagdag pa ni Michelle, simula nang manalo si Chelsea ay patuloy siyang nagbibigay ng suporta at gabay.

“Since she won, I’ve been extending my help, my advice…I welcome her with open arms, of course. As one queen to the next, gusto mong tumulong kung kailangan. Wala namang bad blood,” sambit niya.

Magugunitang naging usap-usapan ang dalawa sa social media matapos mapansin ng ilang fans na in-unfollow ni Chelsea sina Michelle at Ahtisa, na kapwa Miss Universe Philippines titleholders.

Lalo pa silang pinagchismisan dahil sa naging cryptic post ni Michelle na may linyang: “Practice what you preach.”

Ang hinala ng maraming Marites, ito ay patama umano kay Chelsea na bagay namang itinanggi ni Michelle sa interview with press.

Sa ngayon, mukhang chill lang si Michelle at ayaw nang palakihin pa ang isyu.

“I think we’re okay,” aniya.

The post Michelle Dee shocked sa pag-unfollow ni Chelsea Manalo: I was clueless! appeared first on Bandera.

Viewing all 44535 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>