Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44557 articles
Browse latest View live

BINI, iba pang Pinoy achievers pasok sa Forbes ‘30 Under 30 Asia’

$
0
0
BINI, iba pang Pinoy achievers pasok sa Forbes ‘30 Under 30 Asia’

PHOTO: Facebook/BINI_ph

MASAYANG-MASAYA ang P-Pop fans dahil pasok ang nation’s pop group na BINI sa prestihiyosong “30 Under 30 Asia” list ng Forbes magazine ngayong 2025!

Ang girl group na binubuo nina Gwen Apuli, Aiah Arceta, Sheena Catacutan, Mikha Lim, Maloi Ricalde, Jhoanna Robles, Stacey Sevilleja, at Colet Vergara ay kinilala sa kategoryang Music & Entertainment dahil sa kanilang “unstoppable rise” sa industriya. 

Pero hindi lang sila ang bida, bumabandera din ang iba pang kabataang Pinoy na kasama sa listahan.

Kabilang na si Renren Galeno, isang Davao-based illustrator na tumatak sa international stage bilang isa sa mga nasa likod ng Pulitzer Prize finalist na “Searching for Maura” na lumabas sa Washington Post. 

Baka Bet Mo: BINI Sheena ‘di lang P-pop artist, babandera na rin sa aktingan sa ‘MMK’

Graduate siya ng UP Diliman at magna cum laude pa! 

Ang kanyang gawa ay tumatalakay sa kasaysayan ng mga Pilipinong inalipusta sa 1904 World’s Fair sa St. Louis.

Next up, ang boss lady na si Ysabel Chua na ngayon ay vice president ng Singapore-based venture capital firm na Forge Ventures. 

Dati siyang associate lang, pero ngayon, she’s handling five major investments.

Syempre, hindi rin pahuhuli ang batang chess genius na si Daniel Quizon. 

Sa edad 20, siya ang pinakabagong Grandmaster ng Pilipinas matapos talunin ang 64-year-old na si Igor Efimov sa 45th FIDE Chess Olympiad sa Hungary. 

At take note mga ka-BANDERA, national chess champ na siya simula 2021!

Present din sa listahan si Raya Buensuceso, ang managing director ng Kaya Founders. 

Siya ang nasa likod ng maraming startup investments sa bansa at sa buong Southeast Asia. 

At syempre, hats off din tayo kay Anna Beatriz Suavengco, isang agriculture graduate na gumagawa ng ingay sa Social Impact category. 

Siya ang nasa likod ng “Urban Farmer” TV series na nagtuturo kung paano magtanim ng sariling gulay gamit ang hydroponics.

The post BINI, iba pang Pinoy achievers pasok sa Forbes ‘30 Under 30 Asia’ appeared first on Bandera.


Rhaila Tomakin ‘good friend’ lang si Kobe, sey kay Kyline: I wish her all the best!

$
0
0
Rhaila Tomakin ‘good friend’ lang si Kobe, sey kay Kyline: I wish her all the best!

Kobe Paras, Rhaila Tomakin, Kyline Alcantara

MAGKAIBIGAN lang daw ang basketball player na si Kobe Paras at ang pinaniniwalaang “mystery girl” nito na si Rhaila Tomakin.

‘Yan ang inamin mismo ni Rhaila sa TikTok post ng record label na O/C Records kamakailan lang.

Siya kasi ang tinutukoy ng maraming netizens na bagong girl umano ni Kobe na nahuling ka-holding hands habang magbakasyon sa Bali, Indonesia.

Mapapanood na ini-interview ng ilang reporters ang dalaga at diretsahan siyang tinanong kung ano ang real score nila ni basketbolista.

Baka Bet Mo: Babae sa viral video na kuha sa condo ni Ricci hinamon ng netizens na lumantad na, pinayuhang magreklamo kung walang kasalanan

Ang sagot ni Rhaila: “Kobe is such a great guy and a very good friend, but that’s about it.”

May nag-usisa at nanigurado pa kung magkaibigan lang talaga ang dalawa.

Ang giit ni Rhaila, “Yeah, we’re friends.”

Nang tanungin naman siya tungkol sa ibinibintang ng ilang fans na siya raw ang third party umano sa hiwalayang Kobe at Kyline Alcantara.

“Gets ko naman ‘yung mga tao, like, how easily it can be misunderstood. And I don’t want to invalidate anyone’s feelings kasi as Filipinos, we have that three month rule kind of thing,” sambit niya.

Paliwanag pa niya, “It’s 2025 now guys and we have same day delivery now and it’s not international shipping anymore…But for me personally, I wasn’t really trying to insert my feelings or hurt anyone’s feelings.”

“It was just a matter of the same place, same time, we have this simple moment and I don’t read too much into it,” aniya pa.

@ocrecordsph @rhaila_xx clarifies her relationship with Kobe Paras #Rhaila ♬ original sound – O/C Records

Sa hiwalay na post, inamin ni Rhaila na hindi niya kilala si Kyline: “Because I grew up in Dubai and I don’t really watch –laki akong Disney Channel, Nickelodeon, Cartoon Network.”

Gayunpaman, ang mensahe niya raw sa aktres: “I wish her all the best, I wish her more projects, more love, more happiness.”

Dagdag pa niya, “Grabe, people are so critical with women, so I wish her all the best because at the end of the day, we have our own blessings. Like, I wish her blessings in the world and I have my own.”

@ocrecordsph @rhaila_xx ‘s message to Kyline #Rhaila ♬ Bite – Rhaila

Magugunitang nagsimula ang chikang naghiwalay na sina Kyline at Kobe nang mapansin ng fans na naka-unfollow na sila sa isa’t-isa sa Instagram.

Kasunod niyan ang viral pictures ni Kobe na may ka-holding hands na ibang babae sa Bali.

Kasunod niyan ay nag-trending na nga si Rhaila matapos mapansin ng netizens ang isa sa mga posts niya na may parehong background ng naging post ni Kobe sa IG.

Tila kuha ang mga litrato sa sinasabing nirentahang Airbnb na bahay sa Bali.

Para sa mga hindi pa nakakakilala kay Rhaila, siya ay isang singer under ng O/C Records na pagmamay-ari ng celebrity couple na sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.

The post Rhaila Tomakin ‘good friend’ lang si Kobe, sey kay Kyline: I wish her all the best! appeared first on Bandera.

Carla nais ulitin ang pagpapa-freeze ng egg cells: ‘Para keri magbuntis anytime’

$
0
0
Carla nais ulitin ang pagpapa-freeze ng egg cells: 'Para keri magbuntis anytime'

PHOTO: Instagram/@carlaangeline

PANGARAP pa rin ni Carla Abellana na magkaroon ng anak kaya inihanda niya ang sarili sa isang proseso na pupwede siyang magkaroon ng anak kahit walang asawa.

Aminado ang aktres na sa edad niyang 38 going 39 sa June 12 ay mahihirapan na siyang magkaanak kaya naman umamin siya sa panayam niya kay Julius Babao sa vlog nitong “Unplugged” na nagpa-freeze siya ng egg cells niya.

“Ako po ay nagpa egg harvest and freeze. Kung alam ko po about it, mas earlier ginawa ko ng mas maaga, ideally nasa mid to late twenties n’yo dapat gawin sa mga kababaihan po, e, ako mid-thirties ko na nalaman.

“So, basically option po ‘yan sa mga kababaihan na ang inyong egg cells po ay ipapa-harvest ninyo of course by an accredited facility/clinic (pinakita ang video) ipi-freeze po nila ‘yun (egg cells) for future purposes para kung gusto n’yo nang mag-anak or magbuntis, kung baga nasa inyo ‘yung timing at tsaka nila gagamitin ‘yung mga frozen na egg cells. Let’s say you are married or have a husband, call n’yo po ‘yun kung kailan ninyo gagamitin ang egg cells,” esplika ni Carla.

Baka Bet Mo: Alice Dixson tama ang naging desisyon na magpa-freeze ng ‘egg cells’ 10 years ago

Hirit ng mommy niyang si Gng. Rea Reyes, “Or even if you’re single (puwedeng mag-anak pa rin).

Sabi pa ni Carla, “Gagamitin na ‘yung frozen eggs, gagawin ng embryo through fertilization of IVF (in vitro fertilization) puwede na po kayong magbuntis.”

Pero hindi raw naging madali ang ginawang ito ni Carla dahil bukod sa magastos ay kailangang well-rested siya pero paano kapag lagi siyang may tapings.

“Mahal po talaga ang presyo pero may ways naman po, may options naman po na hindi naman kaagad buo ‘yung pera na pambayad.

“Dapat emotionally ready kasi medyo mahaba ang process. There are a lot of emotions involved tapos may hormones pang ini-inject kasi the more (iniiksyunan), the more na nati-trigger ‘yung emtions niyo.

“Dapat open minded kayo dapat ready kayo (sa maririnig mula sa duktor) sa sasabihing, ‘ay hindi successful or wala tayong nakuhang egg cells dapat accepting kayo kung anuman ang nangyari,” paliwanag ni Carla.

Nagsimula raw si Carla no’ng Pebrero ay may nakuhang dalawang egg cells.

“But hindi po gaanong kaganda kaya magta-try na lang ulit hangga’t hindi nape-perfect ‘yung egg cells. Kaya as much as possible na dapat mas maaga (ginawa) and you have to harvest a lot kasi sasalain pa,” kuwento ng aktres.

Hirit pa ng mommy ni Carla, “Kaya hindi mo na kailangan ng asawa para magka-anak, if you’re not the marrying type you can still have children.”

Sa kasalukuyan ay maraming single women na raw ang hindi pa nag-aasawa agad dahil mas prayoriad muna ang career kaya nagpapa-freeze muna sila ng kanilang egg cells.

The post Carla nais ulitin ang pagpapa-freeze ng egg cells: ‘Para keri magbuntis anytime’ appeared first on Bandera.

Candy nag-birthday sa ospital: Tinanggal po ‘yung gallbladder and stones

$
0
0
Candy nag-birthday sa ospital: Tinanggal po ‘yung gallbladder and stones

Candy Pangilinan

IMBES na party o handaan, na-confine at inoperahan ang actress-comedienne na si Candy Pangilinan sa kanyang ika-53rd birthday.

Sa latest YouTube vlog, ibinalita ni Candy na sumailalim siya sa tinatawag na laparoscopic surgery upang tanggalin ang kanyang gallbladder at mga bato.

Ayon sa aktres, hindi na niya nakayanan ‘yung sakit na nararamdaman niya sa ilang bahagi ng katawan.

“Bakit po ako nagpa-ano? Kasi sumasakit na po ‘yung sa right ko, sa may rib part and medyo matagal na siyang masakit. Hanggang likod na kasi ‘yung masakit,” kuwento niya, habang nakaupo sa hospital bed.

Baka Bet Mo: Candy Pangilinan bumilib sa sipag ni Quentin sa ‘first job’ sa isang resto

Nabanggit pa niya na hindi naman niya sinasadyang magpa-opera sa kanyang kaarawan, pero ‘yun lang daw kasi ‘yung available na schedule ng doktor.

“It just so happened that my doctor was only available on May 7 and 8, so I had to celebrate my birthday here,” sey niya sa video.

Dagdag pa niya, “So san daw nakukuha ‘to? Sa fatty food. ‘Yung ma-oil, preservatives, ‘yung mga masasarap. Basta fatty food.”

Pero kahit pa naka-gown at may swero sa kamay, tuloy pa rin ang pagdiriwang ng kanyang birthday.

Sa vlog, mapapanood ang mini surprise mula sa mga hospital staff at siyempre, ang anak niyang si Quentin ay nandoon para batiin siya.

May special guest din na dumalaw sa komedyana upang maki-birthday –ang kaibigang si Gelli de Belen.

“In fair ha, parang nakaka-relax mag-birthday sa ospital at tsaka ang haba ng tulog ko. Parang na-destress ako kasi ang iniisip mo lang, sarili mo eh,” birong sabi ni Candy.

Paglilinaw niya, “Pero ayokong gawing tradisyon ha!”

Sa huli, nagpaalala si Candy sa kanyang followers na magkaroon ng executive check-ups yearly upang matiyak ang “peace of mind” at walang pangamba pagdating sa kalusugan.

The post Candy nag-birthday sa ospital: Tinanggal po ‘yung gallbladder and stones appeared first on Bandera.

Jericho Rosales nagbabala sa poser: We will look for you and we will find you!

$
0
0
Jericho Rosales nagbabala sa poser: We will look for you and we will find you!

PHOTO: Instagram/@jerichorosalesofficial

NAGKAROON ng warning ang isang fake social media account na nagpapanggap na si Jericho Rosales.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, ibinandera ng batikang aktor ang screenshot ng isang Facebook account na may pangalan niya at mismong mukha niya rin ang nasa profile picture.

Ang nakakagulat pa ay umabot na sa two million followers ang nasabing account.

Dahil diyan, sey ng aktor sa caption: “We don’t know who you are. But we know what you want.”

Baka Bet Mo: Jericho Rosales mas magiging ‘bold’ ngayong 2025: More fearless!

Siningitan pa niya ito ng linya na tila galing sa pelikulang “Taken,” “We do have a very particular set of skills we have acquired over a very long career. Skills that make us a nightmare for people like you.”

Kasunod niyan, nagbabala si Echo na burahin ang account bago pa lumala ang sitwasyon.

“We will look for you and we will find you. But if vou take this down FAKE ACCOUNT, we will not pursue you and that will be the end of it,” aniya.

Jericho Rosales nagbabala sa poser: We will look for you and we will find you!

PHOTO: Instagram Story/@jerichorosalesofficial

As of this writing, hindi na namin makita ang nasabing account –posibleng binura at tinanggal na ito ng poser.

Samantala, hindi ito ang unang beses na may celebrity na nag-post ng fake accounts online.

Ilan lamang sa nagkaroon din ng poser noon ay sina Andi Eigenmann at Jennica Garcia.

The post Jericho Rosales nagbabala sa poser: We will look for you and we will find you! appeared first on Bandera.

Ina ni Maymay pumanaw na dahil sa cancer: Malaking karangalan na ikaw ang nanay ko

$
0
0

 

Maymay Entrata

Maymay Entrata/Instagram

WALA na si Gng. Lorna Entrata, ang pinakamamahal na nanay ng singer-actress na si Maymay Entrata.

Ayon sa aktres, dalawang taon nang lumalaban sa sakit na cancer.

May video post si Maymay sa kanyang Instagram account kasama ang kanyang inay na naglalakad-lakad sila sa Japan habang nagkukuwentuhan, nagbibiruan at sasabayan ng pagkanta.

Kinukunan ni Maymay ang ina habang ginagaya ang sayaw niya sa awitin nitong “Amakabogera,” at maririnig din sa video na sinabi ng inay ni Maymay, “Suwerte ako sa mga anak ko, peace. ‘Wag mo ako alalahanin, I can manage myself. The way you worried about my situation that I’m weak, dapat normal lang.”

Baka Bet Mo: Maymay slay na slay sa US magazine: I’ll never forget how special this is!

Tanong ni Maymay, “Paano ba ‘yung normal?”

Sabay nag-freeze ang inay niya kaya nagkatawanan sila, sabay kumanta ang mag-ina ng ‘That’s What Friends Are For’ at maganda ang boses ng mama ng dalaga.

Kinanta rin nila ang “Hawak Kamay” at magaganda raw kanta ni Yeng Constantino na sinagot ni Maymay ng, “oo sobra.”

Ang mahabang caption ng dalaga tungkol sa video.

“Mahal kong Inay, Isang malaking karangalan na ikaw ang naging Inay ko. Matapang mong hinarap ang lahat ng pagsubok at sakrpisyo para maitaguyod kaming buong pamilya.

“Mami-miss kita Inay, mamimiss ko ang taong nagmahal at habang buhay mamahalin ako ng buo. Sa’yo ko natutunan ang mag mahal ng walang kapalit at habang buhay dala-dala ko lahat ng natutunan ko mula sayo. Maraming salamat sa iniwan mong kayamanan Inay, Kayamanang hindi galing sa lupa pero kayamang galing sa pagmahahal ng walang katumbas. Mahal na mahal kita Inay ko at wala akong pinagsisihan sa lahat ng sakrpisyo kong makita ka lang maging masaya lagi. Hanggang sa muli nating pagkikita mahal kong Inay.”

Ang nasabing video marahil ang huling pagsasama nilang mag-ina habang masaya silang naglalakad sa Japan bago sila bumalik ng Pilipinas.

Dagdag pa, “Ps. Eto ang isa sa mga huli kong sinabi kay Inay bago siya pumanaw kaya hangga’t maaari, kasama n’yo pa ang mahal n’yo sa buhay…yakapin n’yo sila, iparamdam nyo kung gaano nyo sila kamahal, at huwag n’yong sayangin ang kahit isang araw na hindi ipinapakita po ‘yon. Sapagkat darating ang araw na ang mga yakap ay alaala na lang, at ang mga salitang hindi nasabi ay magiging bigat sa puso. Huwag kayong maghintay ng huli bago magsimulang magmahal nang buo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Ang aming pakikiramay sa buong pamilya Entrata.

The post Ina ni Maymay pumanaw na dahil sa cancer: Malaking karangalan na ikaw ang nanay ko appeared first on Bandera.

Vico Sotto kinaaliwan ng netizens: ‘Mayor nanaman si Kyungsoo!!!’

$
0
0
Vico Sotto kinaaliwan ng netizens: ‘Mayor nanaman si Kyungsoo!!!’

Mayor Vico Sotto, Doh Kyungsoo

HINDI lang landslide win ang pasabog ni Mayor Vico Sotto sa 2025 midterm elections, kundi pati na rin ang kanyang viral ka-lookalike.

Siya’y walang iba kundi si Doh Kyungsoo ng K-pop group na EXO!

Matapos ang official proclamation ni Vico bilang reelected mayor ng Pasig, biglang nag-viral sa social media ang memes, fan edits, at nakakatuwang “congratulatory posts” para sa kanya.

Nanalo si Vico sa mayoral race bitbit ang 345,375 votes kontra sa 29,104 votes ng katunggaling si Sarah Discaya. 

Baka Bet Mo: Bossing member din ng fans club ni Vico: Pwede kang magpatakbo ng gobyerno na hindi nangungurakot

Wagi rin ang buong Giting ng Pasig slate kasama ang running mate niyang si Robert “Dodot” Jaworski Jr.

At kasunod nga ng panalo ay nag-trending sa X (dating Twitter) at Facebook ang mga litrato ni Doh.

Ang karamihang nakalagay sa caption: “Congratulations, Mayor!”

May mga fans pang tinawag silang twinnie, habang ang ilan ay pinagtagpi ang pangalan ng dalawa para mabuo ang pangalan na: “Kyungsotto.”

May nagsabi pa na: “Congrats po sa third term. (kahit di po ako taga-Pasig) pero boto po ako sa inyo para sakin.”

Biro naman ng isa pang netizen, “Congratulations na agad Mayor Kyungsoo! Matatalino talaga bumoto ang mga taga South Pasig River [red heart emoji]”

Wika naman ng isang FB user: “Secured another term in public service, Congratulations Mayor Vico Sotto [laughing emoji] Greetings from your twinnie Kyungsoo [thumbs up emoji].”

Tuwang-tuwa ang netizens kay Vico dahil sa uncanny resemblance nito kay Kyungsoo mula sa kanilang matangos na ilong, makakapal na kilay, at expressive na singkit na mga mata. 

Bukod pa diyan, pareho rin daw silang may “no-nonsense” na ugali at may pagka-dry ang sense of humor. 

Hindi ito ang unang pagkakataon na ikinukumpara si Mayor Vico sa K-Pop star.

Kung matatandaan noong January 2021, pabirong sinabi ni Vico sa publiko: “Hindi po ako EXO member.”

Para sa mga hindi aware, si Doh Kyungsoo ay nag-debut bilang main vocalist ng EXO noong April 2012. 

Bukod sa pagkanta, pinabilib din niya ang mga fans sa kanyang acting skills sa mga K-drama at pelikula.

Kabilang na riyan ang “100 Days My Prince,” “It’s Okay,” “That’s Love,” “Bad Prosecutor,” “The Moon,” at “Secret: Untold Melody.”

The post Vico Sotto kinaaliwan ng netizens: ‘Mayor nanaman si Kyungsoo!!!’ appeared first on Bandera.

K-12 program tatanggalin na sa SY 2025-2026 ‘fake news’, sey ng DepEd

$
0
0
K-12 program tatanggalin na sa SY 2025-2026 ‘fake news’, sey ng DepEd

INQUIRER file photo

PINABULAANAN ng Department of Education (DepEd) ang mga kumakalat sa social media na aalisin umano ang K-12 program para sa darating na school year 2025-2026.

Sa pamamagitan ng Facebook post, binigyang-diin ng ahensya na walang katotohanan ang mga naturang balita.

“Fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa pagtanggal ng K to 12 program sa darating na SY 2025-2026,” bungad ng DepEd.

Pakiusap pa, “Pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa misinformation.”

Baka Bet Mo: DepEd: Klase para sa SY 2025-2026 magsisimula na sa June 16

Hinimok din ng DepEd ang publiko na i-report ang anumang uri ng maling impormasyon kaugnay ng basic education sa depedactioncenter@deped.gov.ph.

Matatandaang ipinatupad ang K-12 program noong 2012 upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. 

Sa ilalim ng programang ito, nadagdagan ng dalawang taon ang basic education system sa bansa, na kinabibilangan ng Senior High School  o Grades 11 at 12.

Layunin ng K-12 na mas mapaghandaan ng mga estudyante ang kolehiyo, trabaho, o negosyo pagkatapos ng high school.

The post K-12 program tatanggalin na sa SY 2025-2026 ‘fake news’, sey ng DepEd appeared first on Bandera.


John Arcilla saludo sa Gen Z voters: ‘Nakakabuhay muli ng tiwala sa Pilipino!’

$
0
0
John Arcilla saludo sa Gen Z voters: 'Nakakabuhay muli ng tiwala sa Pilipino!'

PHOTO: Facebook/John Arcilla

TODO ang papuri at pasasalamat ng award-winning actor na si John Arcilla sa mga kabataang botante, lalo na sa Gen Z na lumahok sa eleksyon noong May 12.

Sinabi kasi ni John na ang mga binoto nila ay mga kandidato ma hindi kurakot.

Sa kanyang post sa X (dating Twitter), inilarawan ito ng aktor bilang “hope-restoring” na nagbabalik ng tiwala sa kakayahan ng Pilipino na pumili nang tama.

“Congratulations GenZs at sa mga Kabataang Botante! Nakakasaya ng gising, NAKAKABUHAY ng TIWALA muli sa Pilipino. Nakakatanggal Trauma. Hindi man 100% A win is a WIN,” sey ni John.

Baka Bet Mo: John Arcilla pumalag sa mga bumabatikos sa iboboto niyang senador

Tila naging masaya ang batikang aktor dahil napasamansina Bam Aquino at Kiko Pangilinan sa Mayic 12 ng Senado,

Pero hindi riyan nagtatapos ang panawagan ni John dahil hinikayat pa niya ang mga botante na doblehin pa ang sipag at pagpili sa mga susunod na halalan para masigurong mas marami ang mga matinong opisyal kaysa sa mga tiwali.

“Hindi tayo makakakita ng SUPER SIGNIFICANT na pagbabago PERO SIGURADONG MERON! And it is a GOOD START, kasi magiging ‘ON THEIR TOES’ na ang iba. Kahit makalahati pa natin ang MATINO, magulo pa din ‘yan,” dagdag niya sa IG.

Lahad pa niya, “Galingan pa natin next time at gawing 100% na MATINO ang TRACK RECORD, HINDI CORRUPT at HINDI MIYEMBRO ng DYNASTY.”

Sa huli, hindi nakalimot si John na magpasalamat sa lahat ng bumoto, anuman ang resulta:

“Siyempre MASIGABONG PALAKPAKAN pa din sa ating LAHAT! YES!!! Galingan pa natin lalo! MABUHAY!!!” aniya sa post.

Magugunitang naglabas ng saloobin si John matapos makita sa araw ng halalan ang mga sirang upuan sa isang pampublikong paaralan na ginawang presinto.

The post John Arcilla saludo sa Gen Z voters: ‘Nakakabuhay muli ng tiwala sa Pilipino!’ appeared first on Bandera.

Luis Manzano balik-TV matapos ang halalan: ‘Anong mas trip ninyo show?’

$
0
0
Luis Manzano balik-TV matapos ang halalan: 'Ano mas trip ninyo bumalik?'

PHOTO: Facebook/Luis Manzano

MATAPOS matalo sa kanyang pagtakbo bilang vice governor ng Batangas, mukhang magbabalik telebisyon ang TV host-actor na si Luis Manzano.

Sa Instagram, tila nagkaroon pa ng poll si Luis at tinanong ang kanyang followers kung anong game show ang nais nilang muling mapanood.

“Ano mas trip ninyo bumalik? ‘Rainbow Rumble,’ ‘Deal or No Deal,’ o ‘Minute to Win It’?” tanong ng TV host sa kanyang followers.

Baka Bet Mo: Luis Manzano sa pagkatalo sa #VotePH2025: Panalo pa rin ako

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Syempre, hindi nagpahuli ang kanyang misis na si Jessy Mendiola at kaibigan niyang si Melai Cantiveros.

Ang sagot ng dalawa sa comment section ay “Rainbow Rumble!”

Si Daniel Matsunaga naman, boto sa “Minute to Win It!,” habang si John Prats at courtside reporter na si Aiyana Perlas ay nais mabalik lahat ng nabanggit ni Luis.

Ang sagot ng ka-host niyang si Robi Domingo na kung siya raw ang masusunod ay dapat “It’s Your Lucky Day, ‘yung noontime show na pansamantalang ipinalit sa “It’s Showtime” noong 2023.

Pero teka, may mga netizens din na medyo throwback ang gusto dahil ang gusyo raw nila ay “Game Ka Na Ba? at “I Can See Your Voice!”

Sa totoo lang, kahit hindi pinalad si Luis kontra sa incumbent na si Gov. Dodo Mandanas, hindi naman siya natinag at sinabi pa nga niya na simula pa lang ito ng kanyang journey kasama ang mga Batangueños.

The post Luis Manzano balik-TV matapos ang halalan: ‘Anong mas trip ninyo show?’ appeared first on Bandera.

David Licauco muntikang maging housemate sa ‘PBB’: ‘I was considered this year’

$
0
0
David Licauco muntikang maging housemate sa ‘PBB’: 'I was considered this year'

PHOTO: Facebook/David Licauco

MUNTIK na palang maging opisyal na housemate si David Licauco sa “Pinoy Big Brother: Celeb Collab!”

Pero ayun nga, hindi natuloy kaya naging houseguest lang siya kamakailan lang.

Sa isang Instagram post, binalikan ni David ang mga hugot at history niya sa loob at labas ng Bahay ni Kuya.

Hindi alam ng madla, sumubok din pala siya noon na makapasok bilang regular housemate.

Baka Bet Mo: David Licauco inireklamo sa barangay dahil sa ‘ding-dong ditch’

“Wow. Crazy to think I once lined up for PBB auditions in 2015… and years later, I got to be a houseguest,” bunagd ni David, kalakip ang picture na naka-name tag pa sa harap ng PBB House.

Aminado rin ang heartthrob actor na nabigla siya sa mga ganap sa loob ng bahay.

“It was different from what I imagined—there is really magic inside Big Brother’s house,” sey niya.

chika pa ni David. “I may have been quiet, but I learned a lot about myself. Truth is, no one really knows what it’s like inside unless you’ve lived it.”

Kasunod niyan, nagpasalamat siya sa mga sumuporta sa kanya sa loob ng bahay, kahit daw may ilan na nainip sa kanyang “calm and collected” vibes.

Humingi pa siya ng sorry sa mga nagsabing “boring” siya.

Bukod diyan, nagbigay rin siya ng shoutout sa kanyang fellow housemates na umano’y tumanggap sa kanya ng buong-buo.

“Warm welcome and solid conversations,” paglalarawan niya sa IG.

At ang plot twist niya sa dulo, “I was actually considered to be a housemate earlier this year,” ngunit hjndi nabanggit kung bakit nauwi siya sa pagiging house guest.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)

Bukod kay David, ilan pa sa mga celebrity houseguests ngayong season ay sina Michelle Dee, BINI members na sina Jhoanna at Stacey, Korean oppa Kim Ji-soo, at Donny Pangilinan.

The post David Licauco muntikang maging housemate sa ‘PBB’: ‘I was considered this year’ appeared first on Bandera.

Solenn nagka-‘black eye’ dahil sa anak: ‘Mother’s Day gift by Maelys!’

$
0
0
Solenn nagka-‘black eye’ dahil sa anak: ‘Mother’s Day gift by Maelys!’

PHOTO: Instagram Stories/@solenn

TILA isang “special gift” ang nakuha ni Solenn Heussaff nitong Mother’s Day celebration mula sa kanyang anak.

Siya ay nabigyan ng black eye!

Nakakaloka ang nangyari, pero nilinaw ni Solenn sa isang social media post na aksidente lamang ang nangyari.

Sa Instagram Stories, ibinandera ng celebrity mom ang picture na ipinapakita ang isang mata na nangingitim sa pasa.

Baka Bet Mo: Solenn Heussaff bakit nga ba ‘missing in action’ sa social media?

“To those asking, no biggie. This was a Mother’s Day gift by Maelys. Haha,” sey ni Solenn.

Ang kwento niya, “Accident head butt while sleeping.”

“Next time I’ll sleep with a helmet,” biro pa ni Solenn.

Solenn nagka-‘black eye’ dahil sa anak: ‘Mother’s Day gift by Maelys!’

PHOTO: Instagram Story/@solenn

Sa isa pang post, makikita naman ang mata ng aktres na nagkulay ube at naninilaw na ang ilang bahagi ng kanyang black eye, na senyales na gumagaling na ito.

At siyempre, dahil na rin sa makeup ay naitago niya nang maayos ang black eye.

“There we go. That looks better,” masaya pa niyang sinabi, habang ibinabandera ang kanyang bagong fresh look.

Solenn nagka-‘black eye’ dahil sa anak: ‘Mother’s Day gift by Maelys!’

PHOTO: Instagram Stories/@solenn

Bukod kay Maelys, may isa pang anak si Solenn at ang mister niyang si Nico Bolzico –si Thylane. 

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong 2016, at mula noon ay kinagigiliwan na sila bilang #CoupleGoals ng maraming netizens.

Si Thylane ay ipinanganak noong January 2020, habang si Maelys naman ay dumating noong December 2022. 

Last year, lumipat na ang pamilya sa kanilang bagong dream home.

Si Solenn, na unang sumabak sa showbiz matapos sumali sa “Survivor Philippines” noong 2010, ay mas lalong sumikat sa kanyang pagganap bilang Cassiopea sa fantasy series na “Encantadia.”

At good news nga riyan, balik-Etheria na naman si Solenn! 

Inaasahan na siyang muling gaganap sa inaabangang Encantadia spin-off na “Sang’gre.”

The post Solenn nagka-‘black eye’ dahil sa anak: ‘Mother’s Day gift by Maelys!’ appeared first on Bandera.

Marjorie naka-bonding, nakachika ang ex-partner ni Dennis na si Linda Gorton

$
0
0
Marjorie naka-bonding, nakachika ang ex-partner ni Dennis na si Linda Gorton

PHOTO: Instagram/@marjbarretto

MARAMI ang nagulat nang magsama at mag-bonding ang dalawang ex-partners ni Dennis Padilla na sina Marjorie Barretto at Linda Marie Gorton.

Kung si Marjorie ay dating asawa ng actor-comedian, si Linda naman ang Pinoy-Australian na ex-girlfriend ng huli.

Sa Instagram, masayang ibinandera ni Marjorie ang masayang pagkikita nila ni Linda na tinawag pa niyang “beautiful friend.”

Kitang-kita ang genuine na smiles ng dalawa, habang magkasamang naka-pose sa isang restaurant upang ipagdiwang ang kaarawan ni Linda.

Baka Bet Mo: Marjorie sa mga kapatid ni Dennis: ‘Grabe kayo, alam niyo ‘yung ginawa sa akin!’

Super sweet din ang naging mensahe ni Marjorie para kay Linda: 

“Happy Birthday to my beautiful friend Linda. Its been wonderful getting to know you. Our late night 2 hour FaceTime calls are never enough. Can’t wait to see you at the end of May. Let’s celebrate our birthdays together!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marjorie Barretto (@marjbarretto)

Nag-reply naman diyan ang ex-girlfriend ni dennis upang pasalamatan ang kabaitan ng batikang aktres.

“This is so sweet of you Marj,” bungad ni Linda sa comment section.

Aniya pa, “True, we always have a good laugh and meaningful conversations… Hugs and kisses to you and the kids. And yes, let’s celebrate soon.”

Marjorie naka-bonding, nakachika ang ex-partner ni Dennis na si Linda Gorton

PHOTO: Screengrab from Instagram/@marjbarretto

Hindi pa malinaw kung kailan nagsimula ang friendship nina Marjorie at Linda, pero mukhang solid na agad ang connection nila.

Matatandaang noong April 2024, naging usap-usapan si Linda matapos niyang pabulaanan ang mga pahayag ni Dennis na nagbibigay umano ito ng suporta sa kanilang mga anak na sina Gavin at Maddie, at may co-parenting setup pa raw sila.

Samantala, si Marjorie naman ay matapang ding naglahad noon ng umano’y physical, verbal, at emotional abuse na naranasan niya sa kamay ni Dennis noong sila pa ang mag-asawa.

Ang rebelasyon na ito ay kasunod ng pagtatanggol niya sa kanilang mga anak na sina Julia, Claudia, at Leon Barretto matapos umani ng batikos kaugnay ng pahayag ni Dennis na tila itinuring lang siyang “visitor” sa kasal ni Claudia noong Abril.

The post Marjorie naka-bonding, nakachika ang ex-partner ni Dennis na si Linda Gorton appeared first on Bandera.

Magic 12 sa Senado opisyal nang ibinandera ng Comelec; Bong, Bam, Bato nangunguna

$
0
0
Magic 12 sa Senado opisyal nang ibinandera ng Comelec; Bong, Bam, Bato nangunguna

Bong Go, Bam Aquino, Bato Dela Rosa

OPISYAL nang inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) ang mga bagong miyembro ng Senado ngayong 2025!

Ito ay matapos ilabas ang National Certificate of Canvass (NCOC) nitong Biyernes ng umaga, May 16.

Ayon sa Comelec, lima sa mga nanalong senador ay mula sa ticket na suportado ni Pangulong Bongbong Marcos, lima ay endorsed ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at dalawa naman ay mula sa oposisyon.

Baka Bet Mo: ‘Sexy Babe’ contestant walang alam sa Comelec, sey ni Vice: Bothersome!

Narito ang kumpletong listahan ng Magic 12, pati na rin ang bilang ng mga bumoto sa kanila:

  1. Bong Go – 27,121,073 boto

  2. Bam Aquino – 20,971,899

  3. Ronald “Bato” dela Rosa – 20,773,946

  4. Erwin Tulfo – 17,118,881

  5. Francis “Kiko” Pangilinan – 15,343,229

  6. Rodante Marcoleta – 15,250,723

  7. Ping Lacson – 15,106,111

  8. Vicente “Tito” Sotto III – 14,832,996

  9. Pia Cayetano – 14,573,430

  10. Camille Villar – 13,651,274

  11. Lito Lapid – 13,394,102

  12. Imee Marcos – 13,339,227

Ayon sa Comelec, ang resulta ng boto ay kapareho ng mga tally mula sa poll watchdogs at media partners na binigyan ng access sa kanilang servers.

Mainit ang tutok sa bagong Senado, lalo’t naka-schedule ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa July 30.

Ayon sa NCOC, ang PDP-Laban na kinabibilangan ni Duterte ay nagpatakbo kina Go, Dela Rosa at Marcoleta, at inampon din bilang guest candidates sina Villar at Marcos.

Ang administrasyon ni Marcos ay may sariling ticket na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas kung saan kabilang sina Tulfo, Lacson, Sotto, Cayetano at Lapid.

Samantala, sina Aquino at Pangilinan ay tumakbo sa ilalim ng magkaibang partido –ang Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino at Liberal Party, na parehong bahagi ng oposisyon. 

Kasama rin nila ang grupong Akbayan, na nanguna sa party list race.

Anim na party list groups ang tiyak nang magkakaroon ng puwesto sa Kamara matapos makakuha ng mahigit 2% ng kabuuang boto. 

Ito ay ang Akbayan, Duterte Youth, Tingog, 4Ps, ACT-CIS, at Ako Bicol.

Target ng Comelec na mapuno ang lahat ng 63 pwestong nakalaan para sa party-list reps.

Sa kabuuan, 57.3 million ang bumoto mula sa 69.6 million registered voters.

Ito ay katumbas ng 82.2% voter turnout.

Sa isang presscon, inihayag ni Comelec Chair George Garcia na gaganapin ang proklamasyon ng mga nanalong senador ngayong araw, May 17, habang sa Lunes, May 18, naman para sa mga partylist.

Natapos ang national canvassing bandang 9 p.m. nitong Huwebes, May 15.

The post Magic 12 sa Senado opisyal nang ibinandera ng Comelec; Bong, Bam, Bato nangunguna appeared first on Bandera.

Darren hindi raw marunong kumanta, depensa niya: ‘Hindi ko ito matatanggap’

$
0
0
Darren hindi raw marunong kumanta, depensa niya: 'Hindi ko ito matatanggap'

PHOTO: Facebook/ Darren Espanto

TILA nasaktan ang feelings ng singer-actor na si Darren Espanto nang punahin ng isang basher ang kanyang recent performance sa variety show na ASAP Natin ‘to.

Ang nakakalokang sinabi kasi sa kanya, hindi siya marunong kumanta!

Magugunnita noong May 11 nang mag-perform si Darren ng “Mona Lisa” na latest release ng BTS member na si J-Hope.

Ang kasama pa nga niya sa pagkanta at pagsayaw ay ang kapwa-artista na sina Kyle Echarri at Inigo Pascual.

Baka Bet Mo: JK Labajo, Darren Espanto nagkabati na sa ABS-CBN Ball 2025?

Ngunit mukhang hindi natuwa ang isang nakapanood kaya ang sabi niya sa isang X post: “Dare I say…people who can’t sing need to stop covering his songs. Seriously”

Nag-reply naman diyan si Darren upang dumepensa at sinabing: “Please consider watching my other vocal performances cuz one thing I won’t take is someone telling me I “CAN’T SING” [laughing emoji].”

Kasunod niyan ay nilagay pa niya ‘yung mga link ng dati niyang performances na tampok ang kanyang mahusay na pagkanta.

Kabilang na riyan ang kanyang cover sa kantang “Chandelier” ni Sia, at ang “Bibitaw na” performance na ginanap sa Milan.

Burado na ang hate post kay Darren, pero marami ang nakapag-screenshot at nag-share sa social media.

Darren hindi raw marunong kumanta, depensa niya: 'Hindi ko ito matatanggap'

PHOTO: Screengrab from Facebook

Sa comment section, maraming netizens at fans ang nag-disagree sa basher at ipinamukha ang talento ni Darren pagdating sa pagkanta.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“This person just dig his/her own grave. She just happened to shook an entire nation who knows what a REAL singer is. Not relying too much on back tracks, auto tune, and a big NO to lip syncing! Don’t ever mess with THE Darren Espanto! Dungka tonta”!

“Omg The Darren Espanto! No need to prove anything. Muah [red heart emoji]”

“Darren started joining singing contests since he was 9 years old, and this year, he’s turning 24. 15 years of experience!”

“WHO ON EARTH WILL CALL THE DARREN ESPANTONAS SOMEONE WHO CAN’T SING??????????? LIKE…… ARE THEY DEAF?????”

“You mess with the wrong person girl! Lol Don’t mess to Filipino specially when it comes to singing talent.”

The post Darren hindi raw marunong kumanta, depensa niya: ‘Hindi ko ito matatanggap’ appeared first on Bandera.


#SerbisyoBandera: Michelle Dee suportado ang Angels Walk 2025, lampas 40k ang sasali

$
0
0
#SerbisyoBandera: Michelle Dee suportado ang Angels Walk 2025, lampas 40k ang sasali

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

ISANG makulay at makabuluhang panawagan para sa inklusibong lipunan ang inaasahang muling babandera sa taunang “Angels Walk for Autism.”

Ito ang pinakamalaking pagtitipon para sa autism inclusion sa bansa na mangyayari sa Mall of Asia Arena sa Linggo, May 18.

Nitong May 16, dinaluhan ng BANDERA ang isang intimate press conference kung saan present si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, ang Autism Society Philippines (ASP) at SM Cares.

Masaya nilang inanunsyo na umabot na sa mahigit 40,000 ang rehistradong kalahok sa nasabing event.

Baka Bet Mo: Troy, Aubrey sa ‘stem cell therapy’ ng anak na may autism: Big change!

Mula sa simpleng pagtitipon ng 200 walkers sa Quezon Memorial Circle noong 2000, ang ASP Angels Walk for Autism ay lumago bilang makapangyarihang simbolo ng lakas, pag-asa, at pagtanggap. 

Ngayon, ang ASP ay may 106 chapters na at higit 16,000 members sa buong bansa.

Ngayong taon, mas lalawak pa ang epekto ng Angels Walk hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. 

Sa mga nakaraang linggo, sabay-sabay na isinagawa ang mga community-led walks sa SM City Lipa, Lucena, Iloilo, Tuguegarao, Davao, Butuan, Baguio, Bacolod, SM Seaside Cebu, at maging sa Malaybalay sa Bukidnon.

#SerbisyoBandera: Michelle Dee suportado ang Angels Walk 2025, lampas 40k ang sasali

PHOTO: Courtesy of SM Cares

“Every year, Angels Walk grows louder and prouder,” sey ni ASP National Spokesperson Mona Magno-Veluz sa media launch. 

Patuloy niya, “But this time, we wanted to make sure that the community and their stories take center stage. This is about the families who live this reality every day and about creating a society that truly sees, hears, and supports them.”

Nagsalita rin si Michelle sa presscon bilang ASP Goodwill Ambassador, kung saan ibinahagi niya kung gaano kalapit sa puso niya ang misyong ito, lalo na’t dalawa sa kanyang mga kapatid ay nasa autism spectrum.

“This advocacy has always been personal. It is not just about winning titles or speaking on stages –it is about making sure my siblings and others like them are included, respected, and empowered,” sey niya.

Wika pa ng beauty queen, “ASP has been my home, and it’s the home of thousands of families across the Philippines.”

Proud din niyang ibinalita na ang natanggap niyang premyo mula sa “Voice for Change” award na napanalunan niya sa Miss Universe ay buong-buo niyang ibinigay sa ASP.

Para kay Michelle, ang Angels Walk ay hindi lamang pagpapakita ng dami, kundi ng layunin: “It’s not just about strength in numbers, it’s all about strength in purpose and a lot of us have known the feeling lost, and not getting what we want but life has its way in teaching us the value of experience and growth and doing things better the next time around.”

Dagdag pa niya, “Because different is not easy, being different means ignoring what everyone else is what telling you to do and believing that what you’re doing is right, and I know that in my heart what I’ve been doing with ASP is good, we’re affecting thousands of lives.” 

Ngayong taon, ibabandera rin sa event ‘yung mga nasa spectrum na may talento pagdating sa arts at musika.

Para sa mga hindi aware, ang nasabing event ay libre at bukas sa publiko. 

Kaya kung nais niyo pang humabol at sumali, mag-register na sa link na ito: https://click.smmallsonline.com/DFqS/SMANGELSWALK2025

The post #SerbisyoBandera: Michelle Dee suportado ang Angels Walk 2025, lampas 40k ang sasali appeared first on Bandera.

Ethan David ng GAT may nilinaw sa viral video: ‘I was the 13 year old’

$
0
0
Ethan David ng GAT may nilinaw sa viral video: 'I was the 13 year old'

PHOTO: Facebook/Ethan David

AKO yung 13 years old, hindi ibang tao.

‘Yan ang naging paglilinaw ni Ethan David, miyembro ng P-Pop boy group na GAT, kaugnay sa viral video kasama ang BINI members na sina Jhoanna, Colet, Stacey, at internet personality na si Shawn Castro.

Naglabas na ng paumanhin ang lahat ng nasangkot sa naturang video, ngunit muling naglabas ng pahayag si Ethan upang linawin ang mga espekulasyon sa social media.

“Over the past few days, I have been receiving a significant amount of hate across social media platforms, which has taken a toll on my mental health. It is painful to see false narratives being spread especially ones that affect not only me but also the people close to me,” sey niya.

Baka Bet Mo: BINI, iba pang Pinoy achievers pasok sa Forbes ‘30 Under 30 Asia’

Paliwanag pa niya, “The joking comments heard in the video led to a misunderstanding that I was grooming a 13 year old. In reality, I was the 13 year old being referred to.”

Ayon sa kanya, ang tinutukoy sa kanilang kwentuhan ay ‘yung panahon noong siya’y nasa Canada pa at nakaranas ng “puppy love” bilang isang batang teenager.

Dagdag pa ng GAT member, wala siyang naging relasyon kailanman sa menor de edad at mariin niyang tinututulan ang ganoong klaseng pag-uugali.

“I have always been firmly against it. The accusations being made are not only baseless but extremely damaging,” giit niya.

Bagama’t masakit umano sa kanya na ibahagi ang pribadong bahagi ng kanyang buhay, napilitan siyang magsalita upang malinawan ang publiko.

Sambit niya, “Again, I apologize to those who were affected by this issue, especially my friends and family.”

“I understand that I made a mistake and I will carry this experience moving forward with greater awareness and respect,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ethan David (@ethandavidd)

Magugunitang nag-top trending sa X (dating Twitter) ang “Colet,” “Blooms,” at “BINI” nitong buwan lamang.

Kumakalat kasi sa social media ang isang video na makikitang nakaupo sa isang couch si Jhoanna, habang nasa harapan niya sina Ethan at Shawn na tila nagkukulitan at pabirong nagbebembangan.

Maririnig pa sa background ang tila boses daw ni Stacey na ang sabi habang tumatawa, “Ganyan ginagawa niya kay Ashley…Sinasabunutan.”

Hirit naman ng isang babae na hindi kita sa video at ka-boses daw ni Colet, “Oo, 13 years old.”

Tapos ang sagot naman ni Jhoanna, “Ah, 13 years old.”

Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy na Ashley sa video, ngunit ang espekulasyon ng netizens, siya umano ang 13 years old na dating naka-date ni Ethan.

Dahil sa nangyari, sila ay binaha ng mga pambabatikos at karamihan sa fans ay nadismaya.

The post Ethan David ng GAT may nilinaw sa viral video: ‘I was the 13 year old’ appeared first on Bandera.

Michelle Dee naghatid inspirasyon sa autism community: ‘You’re not alone!’

$
0
0
Michelle Dee naghatid inspirasyon sa autism community: ‘You’re not alone!’

PHOTO: Instagram/@michelledee

“BEING different is not easy,” pero para kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, ang pagiging iba ay isang superpower!

Sa isang intimate press conference kasama ang BANDERA, muling ipinaramdam ni Michelle kung bakit siya ang reyna sa puso ng maraming Pinoy, lalo na sa mga pamilyang may miyembrong nasa autism spectrum.

Kasama ang Autism Society Philippines (ASP) at SM Cares, inanunsyo nila ang inaabangang “Angels Walk for Autism” na magaganap sa Linggo, May 18, sa Mall of Asia Arena. 

At guess what? Over 40,000 na ang rehistradong lalahok! 

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Michelle Dee suportado ang Angels Walk 2025, lampas 40k ang sasali

Pero higit pa sa numbers ang laban ni Michelle dahil sa aming panayam, ibinahagi niya ang kanyang journey bilang ate sa dalawang kapatid na na may autism.

Nagbigay pa nga siya ng advice para sa mga magulang na nahihirapang tanggapin ang sitwasyon.

“Number one, early intervention. That’s the best thing you can do habang bata pa ‘cause then we can create a structured program that can help them live a fulfilled life. Siyempre, you want to make sure ‘yung foundations nila tama para paglaki nila andoon na ang lahat ng kailangan nila,” sey niya.

Patuloy pa ng beauty queen, “Pero siyempre, for those that are going through it right now, baka mas matanda ‘yung anak niyo o mas bata, just know that you’re not alone, you have thousands of people willing to help you, guide you, help you through whatever it is you are going through.”

Pagmamalaki pa ni Michelle, “That’s what I love about ASP, they’ve always guided me through, they are my mentors, they’ve helped me understand the things about my brothers and what I can do through their help and it’s completely free. Kaya you just have to knock on the doors and ask how we can help you and we have a chapter in almost every corner of the Philippines already kaya just know there’s always somebody willing to give you help.”

Nabanggit din ni Michelle sa presscon na kasama siya sa magiging highlight ng event.

Ayon sa kanya, may inihanda siyang pasabog na performance!

Hindi rin magpapahuli ang iba pang showbiz personalities na susuporta sa event na kung saan ay dadaluhan ito nina Melanie Marquez, Janice de Belen, Candy Pangilinan, Rhian Ramos at marami pang iba.

At ang Angels Walk, ayon kay Michelle, ay hindi lang basta parada –isa itong paninindigan.

“It’s not just about strength in numbers, it’s about strength in purpose,” wika niya. 

Aniya pa, “Because different is not easy, being different means ignoring what everyone else is what telling you to do and believing that what you’re doing is right, and I know that in my heart what I’ve been doing with ASP is good, we’re affecting thousands of lives.” 

At this year’s walk, spotlight din ang mga talented individuals sa spectrum pagdating sa sining at musika. 

Ngayon, may 106 chapters na ang ASP at mahigit 16,000 members nationwide. 

The post Michelle Dee naghatid inspirasyon sa autism community: ‘You’re not alone!’ appeared first on Bandera.

Chloe San Jose gustong gawing ‘private’ ang kasal nila ni Carlos Yulo

$
0
0
Chloe San Jose gustong gawing 'private' ang kasal nila ni Carlos Yulo

Chloe San Jose at Carlos Yulo

IBINALITA ng social media personality na si Chloe San Jose, na certified singer na rin ngayon, na totoong napag-uusapan na nila ni Carlos Yulo ang pagpapakasal.

Iyan ang inamin ni Chloe sa isang panayam nang matanong tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng 2-time Olympic gold medalist na si Caloy.

Napag-usapan muli ang love story ng celebrity couple dahil sa ni-launch na debut EP ni Chloe na may titulong “Chloe Anjeleigh…For Real” mula sa Star Pop under Star Music.

Ilan sa mga track sa EP ng dalaga ay mga love song, kabilang na ang isinulat ng hitmaker na si Rox Santos, na ayon mismo kay Chloe ay inspired by her real-life romance with Carlos.

Limang taon nang magdyowa ang dalawa kaya naman marami ang umaasa na sa kasalan din mauuwi ang kanilang pagmamahalan.

“Well, we talk about it naman. But we don’t wanna rush also. We don’t want to make it too social media-ish.

“We kind of want to make it private lang muna and then everybody eventually will know naman,” sabi ni Chloe.


Samantala, puno ng confidence at pagmamahal si Chloe o SJ sa kanyang bagong lunsad na debut extended play (EP) na “CHLOE ANJELEIGH…For Real.”

Umiikot ang mini album sa tema ng pagiging authentic at pagmamahal na sumasalamin sa naging karanasan at perspektibo ni Chloe sa buhay.

Bukod sa unang singles niya na “FR FR” at “Nonchalant,” tampok din dito ang mga bagong awitin na “Iyo,” “Something Right,” “Tanim,” “Dulo ng Bahaghari,” at “Shush” na mula sa over-all production ng StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.

Sa key track na “Iyo,” ibinahagi ni Chloe ang saya ng damdamin matapos matagpuan ang kanyang true love. Isinulat ito ni Trisha Denise at iprinodyus ni Roque “Rox” Santos.

Bago ilunsad ang kanyang debut EP, nagsimula si Chloe sa paggawa ng song covers sa social media. Sa kasalukuyan, may halos 500,000 subscribers siya sa YouTube at mahigit 1.3 million followers sa TikTok.

Noong 2021, inilabas niya ang single na “Aking Pagmamahal” na umani ng mahigit 1.8 million streams sa Spotify at 30 million views sa YouTube.

Sabi ni Chloe, “I’m just so grateful, always, and thankful. And it’s a full circle moment, everyone being here, it’s such a blessing po.

“We had to pick from a pool of songs and then we ended up coming up with seven songs pa for this EP. I think it took us two or three days to record everything. And then, yeah, ‘yun na. Like, polishing na lang,” aniya pa.

Pagpapatuloy ng singer-vlogger, “Sa family ko po wala talagang singers, but some of them knew how to sing. Pero professional or mga kontesera, no talaga. Bata pa lang ako talaga, pinapakanta nila ako sa karaoke, but just for fun.

“Then they got me to sing on YouTube, tapos guitar-guitar ako, piano, tapos puro cover songs lang,” sabi pa ni Chloe.

Napapakinggan na ang “CHLOE ANJELEIGH…For Real” EP sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

The post Chloe San Jose gustong gawing ‘private’ ang kasal nila ni Carlos Yulo appeared first on Bandera.

Sharon hugot na hugot: Nu’ng akala namin malabo na, mahirap at madilim na…

$
0
0
Sharon hugot na hugot: Nu'ng akala namin malabo na, mahirap at madilim na...

Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta

EMOSYONAL ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang mensahe ng pasasalamat sa lahat ng taong tumulong sa kandidatura ng asawang si Kiko Pangilinan.

Naniniwala si Mega na naipanalo ni Kiko ang pagtakbong senador last May 12, 2025 elections dahil na rin sa lahat ng volunteers at staff na nagsakripisyo noong panahon ng kampanya.

Ayon sa actress-singer, ito yung mga taong hindi sila iniwan ni Kiko sa matinding laban, mula noon hanggang ngayon – naniniwala pa ring may pag-asa pa ang Pilipinas.

“Nu’ng akala namin, malabo na, mahirap na, madilim na… Our hardworking volunteers and staff on Election Night. They are the ones who never gave up on their dreams and hopes for the future of our country,” ang panimulang post ni Ate Shawie sa Instagram.

“They worked tirelessly for Kiko to win – leaving their families and loved ones for days, weeks, months on end to bring us to the finish line. We love and value each and every one of you guys,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)


Nagbahagi rin ng video si Sharon kung saan makikita ang pagse-celebrate ng kanilang volunteers at staff nang malamang pasok sa Top 5 ng senatorial race si Kiko.

“When we saw this video on May 12, we were overwhelmed and touched and became emotional not just because of the amazing, unexpected results, but because we saw and felt the pure joy in your hearts…You are ours always.

“You took care of my husband when I couldn’t be with him. You kept him company and encouraged and supported him. We love and adore you. We will continue to fight because of you and those like you,” ayon pa kay Mega.

Pagpapatuloy pa niya sa pagkapanalo ng asawa, “This is truly just the beginning. And Kiko could never have won without your hard work, perseverance, prayers, patience, love, faith and belief in God – and in our candidate and in what the country can be – which is so much more.

“We love you. And you are so very precious to us. Thank you from the very depths of all our hearts!” pagbabahagi pa ni Sharon.

The post Sharon hugot na hugot: Nu’ng akala namin malabo na, mahirap at madilim na… appeared first on Bandera.

Viewing all 44557 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>