![Ruffa payag pa ring magpakasal uli; pinayuhan 2 anak tungkol sa boys]()
Ruffa Gutierrez, Venice Bektas, Lorin Bektas at Harry Lopez Chua
KITANG-KITA sa awrahan ni Ruffa Gutierrez ang kanyang freshness at obvious na super happy siya ngayon sa kanyang career at personal life.
Iwas na iwas pa rin ang TV host-actress na pag-usapan ang relasyon nila ng actor at dating public servant na si Herbert Bautista dahil aniya, gusto niya lang maging tahimik at pribado ang kanyang lovelife.
Ito’y matapos nga siyang mag-post ng video sa TikTok na naglalaman ng mga sweet pictures at bonding moments nila ni Bistek kalakip ang birthday greeting niya para sa kanyang partner.
Nakachikahan ng BANDERA si Ruffa at ng ilang piling miyembro ng entertainment media kahapon, May 20, sa launching ng kanyang latest endorsement, ang jewelry brand na Magical Gems by Isabel and Alexandria.
Bahagyang napag-usapan ang tungkol sa relationship nila ni Herbert kaya naman sa isang bahagi ng question and answer ay natanong si Ruffa kung pinapangarap pa rin niyang maikasal someday.
“I’m not closing my doors. I remember after the breakdown of my marriage with Yilmaz (Bektas, ex-husband), ayoko na magpakasal. I was traumatized.
“I go to Bible studies as well, sabi nila never say never. Kasi nga hindi natin masabi ang future.
So I’m not closing my doors, but I’m happy with the way things are right now. So kung dumating man ang pagkakataon na magpapakasal uli ako in the future, sana yun na yung huli hanggang sa last breath of my living life.
“Siya na yung kasama ko. If not, dyowa-dyowa na lang,” ang tugon ng aktres.
Ikinasal si Ruffa sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas noong 2003 at biniyayaan ng dalawang anak, sina Lorin at Venice. Taong 2012 naman nang mapawalang-bisa ang kanilang kasal.
Samantala, excited na rin si Ruffa sa pag-uwi nina Lorin at Venice sa Pilipinas habang school break nila sa Amerika. Dalagang-dalaga na ang kanyang mga anak kaya napag-usapan din ang mga advice niya sa mga ito pagdating sa pakikipagrelasyon.
“I tell Lorin and Venice, huwag kayong makipagkita sa kalye. Or mag-uusap lang kayo sa Instagram at nagpapakilala. Hindi ako naniniwala sa ganu’n. Kailangan pumunta sila sa sa bahay, humarap sila, magpakilala sila, at magbigay sila ng fruits,” sey ni Ruffa.
“But sabi nila, ‘Why fruits? Puwede bang macaroons naman?’ Sabi ko pwede basta magpakilala sila sa bahay. I still stand for those values. The values that our parents taught us. So ayoko yung nagkikita sila sa labas unless barkada lang nila talaga,” pahayag pa ng aktres.
Tinanong din ng BANDERA si Ruffa kung anu-ano ang mga tips niya sa mga anak pagdating sa mga boys, “Kanina si Venice sabi niya meron daw siyang cute na crush. But I tell them straight na para lang kaming magkakabarkada.
“I told her tapusin mo muna pag-aaral mo. The boys will come. Pero pareho kami ng sinabi. ‘We don’t have to look for a crush. They have to look for me.’ Tama!
“Sabi ko then have to look for you so bakit ikaw ang naghahanap ng crush mo? Lagi ko silang bine-brainwash, and I have succeeded. With the kids, I always tell them that one day, if they get married, they have to be with someone who is God-fearing, masipag, and someone who loves them.
“Set them free and make them fly using their wings so that they will become independent and not just rely on me. I also want them to be financially independent. Most especially, they should never rely on a man,” saad pa ni Ruffa,
Samantala, masaya ring ibinalita ni Ruffa na malapit nang mapanood ang upcoming series niyang “Beauty Empire,” na bonggang collaboration ng GMA Network, Viu Philippines at CreaZion Studios.
Chika ng aktres, karamihan sa mga product line ng bago niyang endorsement na Magical Gems, ay makikita at irarampa niya sa “Beauty Empire”.
Nagpasalamat nga si Ruffa sa may-ari ng naturang jewelry brand na si Harry Lopez Chua, dahil pinayagan siyang gamitin ang mga ineedorso niyang alahas sa bago niyang serye na mapapanood na sa June, 2025.
Makakasama ni Mr. Harry si Ruffa bilang special guest sa grand opening ng Magical Gems by Isabel and Alexandria boutique sa Abreeza Mall, Davao City, sa darating na June 3.
Ayon kay Harry Lopez Chua sa pagpayag ni Ruffa na maging celebrity ambassador ng kanilang brand, “This is such a blessing. Ruffa, you are a gift from heaven. I never expected this to happen.
“We are homegrown Davao company. We’re small, modesty aside, this is our first outing,” aniya pa.