Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44568 articles
Browse latest View live

Direktor gawa nang gawa ng pelikula hindi naman alam kung saan ipinalalabas

$
0
0
Direktor gawa nang gawa ng pelikula hindi naman alam kung saan ipinalalabas

“SAAN kaya niya pinalalabas? Hindi naman sa sinehan o sa anumang platrform?” ang sabi ng kilalang artista na nakatsikahan namin kamakailan.

Ang nasabing artista ay nakuwentuhan ng mga kakilala niyang talents na lumalabas din sa mga pelikula niya tungkol sa isang indie director na panay daw ang gawa ng pelikula pero hindi naman alam kung saan niya ito ipinalalabas at wala ring nababalitang isinasali niya ito sa film festivals abroad.

“Ang kuwento sa akin, ‘si ____ (indie director) panay ang kuha sa amin ng mga sexy scenes tapos ayaw kami pagamitin ng plaster kasi abala pa raw, since pumapayag ‘yung iba, okay na rin.  Kaso pag tinanong na kung saan ito ipalalabas laging sagot, ‘sabihan ko kayo.’

“Siyempre ‘yung mga bata nagtatanong kasi kahit paano ay napapanood na rin sila sa ibang mainstream movies, siyempre kahit paano na-earn na rin nila ang pangalan nila, e, ‘yun nga, anong nangyayari,” pahayag ng kausap naming artista.

Dagdag pa niya, “Kilala mo ba siya (indie director)?”

Minsan lang namin na-interview ang indie director na binanggit sa amin at hindi na naulit pa at during the interview ay okay naman siyang kausap, at sabi nga niya marami siyang projects.

Baka naman ipinalalabas ito sa mga probinsya, ito kasi ang uso ngayon kapag hindi naipalabas sa sinehan o anumang platform.

“Ano, for private viewing?” tumawang sabi sa amin.

Natawa na rin kami, saan nga ba mapapanood ang mga pelikula mo direk?

* * *

Bilang mandato ng Board na isulong ang responsableng panonood at tulungan ang mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa programa sa telebisyon, nagsagawa ng Responsableng Panonood (RP) Pulong ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at National Council for Children’s Television (NCCT) noong Miyerkules, Mayo 7 sa tanggapan ng MTRCB.

Dumalo sina MTRCB Board Members Maria Carmen Musngi at Jose Alberto V, Legal Affairs Division Chief Anna Farinah Mindalano, at ang Public Information Unit. Ilan sa mga naging tanong ng NCCT sa pangunguna ni Executive Director III Daisy Atienza ay ang pangunahing programa ng MTRCB, partikular ang responsibilidad at mga inisyatibo ng Board sa pag-iinspeksyon.

Layunin nito na maibahagi ng MTRCB ang mga pinakamahusay na gawain at kasanayan ng Board pagdating sa content regulation, monitoring at edukasyon sa media. Ang programang RP, pagsasanay at kolaborasyon ang ilan sa pangunahing tinalakay sa pulong.

Nagpahayag ng interes ang NCCT na tularan ang mga hakbang ng MTRCB para mapaigting ang kanilang mga inisyatibong may kinalaman sa mga pambatang palabas.

Patuloy namang tinitiyak ng Board ang dedikasyon nito na mapalago ang ugnayan at kolaborasyon sa iba’t ibang stakeholders tungo sa pagtataguyod ng ligtas, may alam, at angkop na programa para sa pamilya at kabataang Pilipino.

The post Direktor gawa nang gawa ng pelikula hindi naman alam kung saan ipinalalabas appeared first on Bandera.


Netizens sa pagkapanalo ni Duterte sa Davao City: ‘Work from Hague?’

$
0
0

Netizens sa pagkapanalo ni Duterte sa Davao City: ‘Work from Hague?’

MARAMI sa mga netizens ang napataas ang kilay at napatanong matapos maibalita ang pagkapanalo ng dating Presidente Rodrigo Duterte sa pagka-alkalde sa Davao City.

Base sa lumabas na resulta mula sa Commission on Elections (Comelec), landslide victory ang nangyari matapos magkamit ng dating pangulo ng mahigit 660,000 votes.

Tulad niya ay panalo rin ang anak niyang si Baste na tumakbo naman bilang vice mayor sa Davao City.

Baka Bet Mo: Rodrigo Duterte panalo bilang mayor ng Davao City

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kaya naman marami ang nagtataka kung paano mapu-fulfill ni Duterte ang kanyang trabaho bilang Davao City mayor gayong kasalukuyan itong naka-detain sa The Hague, Netherlands.

Sa katunayan, sa comment section ng naunq naming naisulat sa pagkapanalo ng dating presidente ay iba-iba ang mga komento ng netizens.

“Taray ni Duterte, naka-WFH. Work from Hague.”

“Pinagtatawanan nalang Tayo Ng mga taga ibang bansa sa klase Ng politika Ng pilipinas kahit nkakulong at maraming Kaso.”

“You can make a lot of noise but obviously Duterte is very much loved by filipinos.”

“Dun po tayo sa The Hague kukuha ng Mayors permit [emoji] soshal [emoji].”

Base naman kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, maaari pa ring i-proclaim bilang mayor si Duterte sa kabila ng absentia basta walang legal order na pumipigil dito.

“Wala po tayo natatanggap na order from any court or [COMELEC] na hindi dapat ma-proclaim. Kung wala kang order of suspension of proclamation at ikaw ang nanalo, ikaw ang ipro-proclaim. Ganon ka-simple ‘yun,” saad ni Laudiangco noong May 13.

Hindi rin problema kung wala physically dating pangulo sa public proclamation ceremony.

Ayon naman sa anak niyang si Sara Duterte, pinag-aaralan ng kanilang legal team kung pupwedeng gawin remotely ang oath taking ng ama bilang alkalde.

“Sabi ng lawyer sa ICC, once we get proclamation papers, pag-uusapan namin ulit kung paano makapag oath si dating pangulong Rodrigo Duterte,” lahad ng bise presidente.

Sa ilalim ng Philippine law, pinayagan ang dating pangulo na takbo sa pagka-alkalde dahil hindi pa naman ito nako-convict sa kahit anong local court.

Sa tanong naman kung sino ang magsisilbing acting mayor ng Davao habang wala si Duterte, ang sagot ay ang anak niyang si Baste na nanalong vice mayor.

Ito ay base sa Local Government Code kung saan ang vice mayor ang magsisilbing alkalde ng isang lungsod habang wala o incapacitated ang sitting mayor.

Matatandaang kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands si Duterte matapos siyang arestuhin ng International Criminal Court noong March 2025 dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay sa ipinatupad niyang war on drugs.

Naka-schedule naman ang hearing niya sa September 23, 2025.

Ito ang ika-walong termino ni Duterte bilang mayor ng Davao City.

Bago ang kanyang pagkapanalo, naging alkalde na siya ng lungsod noong February 1988-June 1998, July 2001-June 2010, at July 2013-June 2016.

The post Netizens sa pagkapanalo ni Duterte sa Davao City: ‘Work from Hague?’ appeared first on Bandera.

EcoWaste Coalition nanawagan, mga kandidato maglinis ng basura

$
0
0

EcoWaste Coalition nanawagan, mga kandidato maglinis ng basura

NAKIUSAP ang EcoWaste Coalition sa mga tumakbo sa nagdaang 2025 midterm elections na linisin at baklasin ang mga ginamit na kani-kanilang campaign materials.

Sa inilabas na pahayag ng organisasyon nitong Martes, May 13, dapat raw ay huwag basta maging multo ang mga kandidato sa mga kalat at iwan na lang ito matapos ang halalan.

“This isn’t just about picking up trash. It is about setting the tone for responsible leadership… Candidates should not disappear after election day,” saad ng EcoWaste Coalition.

Dagdag pa nila, “Candidates should not disappear after election day. The mess they leave behind speaks volumes, and the least they can do is clean it up.”

Baka Bet Mo: Basurero bigyan ng hazard pay – EcoWaste

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Giit ng EcoWaste Coalition, ito ang paulit-ulit na problema na kinakaharap ng bansa tuwing natatapos ang pangangampanya at eleksyon.

“The mess they leave behind speaks volumes, and the least they can do is clean it up. This is a recurring problem every election season, revealing how candidates often neglect the environmental impact of their campaigns,” lahad pa ng organisasyon.

Sa katunayan, nanguna na ang EcoWaste Coalition sa isang clean-up drive upang magpahatid ng accountability at environmental responsibility sa mga tumakbo sa eleksyon.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tinatayang nasa 6.1 tonelada ng mga basura ang nakolekta sa kasagsagan ng 2025 midterm elections.

Ilan sa mga lokal na pamahalaan na rin ang nagsagawa ng pagbabaklas mv mga tarpaulin at posters sa kanilang lugar katuwang ang Task Force Baklas ng Commission on Elections (Comelec).

The post EcoWaste Coalition nanawagan, mga kandidato maglinis ng basura appeared first on Bandera.

Bea Alonzo, Vincent Co madalas magkasama, nasa ‘meet the parents’ stage na?

$
0
0

Bea Alonzo, Vincent Co madalas magkasama, nasa 'meet the parents' stage na?

TRULILI kaya ang sitsit ng aming source na ‘madalas’ magkasama na ngayon sina Bea Alonzo at rumored boyfriend niyang Presidente ng Puregold Price Club na si Ferdinand Vincent Pe Co?

Bukod sa mga travels sa ibang bansa ay nakikitang magkasama ang dalawa sa ilang meetings na dinadaluhan nila, say ng aming source ay may kinalaman ito sa brands n aini-endorso ng aktres.

Bilang president ng nasabing one stop shop supermarket ay maraming kumakausap sa kanya ng mga kilalang brands at sa bawa’t brand ay may kanya-kanya silang mga endorsers at lahat ng pa-events ng Puregold ay may partisipasyon ang bawa’t brand.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo naka-jackpot, sobrang lucky kung totoong dyowa na si Vincent Co

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka isa sa mga meetings na ito nakilala ni Ginoong Vincent Co si Bea? Hanggang sa naging magkaibigan at nagka-ibigan na?

Tinanong namin kung nagkaroon na ng ‘meet the parents’ sina Bea at Vincent, “si Bea nakilala na ang parents ni guy. Not sure kung nadala naman n ani Bea si Vincent sa Zambales to meet her family.”

Tulad nga ng nasulat namin dito sa BANDERA kamakailan na pabor daw sina Mr. Lucio at Mrs Susan Co sa aktres para sa kanilang panganay na anak.

Banggit namin sa aming source na hindi naman nagkakalayo sina Vincent at Bea ng itsura dahil pareho naman silang tisoy at tisay at tumawa lang ang aming source.

Teka, may malaking event ang Puregold sa Friday para sa Tindahan ni Aling Puring (TNAP) Sari-Sari Store Convention 2025 sa World Trade Center sa Pasay City simula Mayo 15 hanggang 17 dadalo kaya sina Vincent at Bea?

The post Bea Alonzo, Vincent Co madalas magkasama, nasa ‘meet the parents’ stage na? appeared first on Bandera.

Cheryl Cosim feeling ‘blessed’ nang makamayan si Pope Leo XIV

$
0
0

Cheryl Cosim emosyonal nang makamayan si Pope Leo XIV

HINDI maiwasang maging emosyonal ng broadcaster na si Cheryl Cosim matapos personal na makamayan si Pope Leo XIV.

Naganap ang kanilang encounter sa nagdaang media event sa Vatican matapos ianunsyo ang bagong Santo Papa na papalit sa yumaong Pope Francis.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ni Cheryl ang isang video kung saan kuha ang pakikipag-hawak kamay niya kay Pope Leo.

Kalakip rin nito ang kanyang pagbabahagi kung gaano siya kasuwerte na makita nang personal at makamayan ang bagong Santo Papa.

Baka Bet Mo: Cheryl Cosim, Raffy Tulfo walang sapawan, inggitan bilang news anchor ng TV5

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cheryl Cosim (@cherylcosim)

Lahad ni Cheryl, “Isa ako sa iilang pinalad na makahawak kay Pope Leo XIV ngayong araw.

“Isang sandaling hindi ko kailanman malilimutan — isang biyayang hindi kayang ilarawan ng salita.”

Chika pa ni Cheryl, isang magandamg mensahe ang hatis sa media ng bagong pontiff.

“Kanina, nagbigay siya ng napakagandang mensahe sa media sa Paul VI Hall tungkol sa kahalagahan ng katotohanan, kabutihan, at responsableng pamamahayag.

“Ipinaalala niya na sa gitna ng ingay at pagkakahati-hati sa mundo, ang ating mga salita ay dapat maging daan ng pag-asa, paghilom, at pagkakaisa,” pagpapatuloy ni Cheryl.

Super thankful ang broadcaster na masaksihan ang isa sa mga historic events sa mundo.

“Lubos ang aking pasasalamat na maging saksi sa makasaysayang pagkakataong ito,” sey pa ni Cheryl.

Matatandaang isa ang broadcaster sa mga nagpunta sa Vatican para ibalita ang mga pangyayari sa Conclave para sa susunod na bagong pontiff na hahalili sa namayapang Pope Francis na pumanaw matapos ma-stroke na nagdulot ng coma at irreversible heart failure.

The post Cheryl Cosim feeling ‘blessed’ nang makamayan si Pope Leo XIV appeared first on Bandera.

Chel Diokno sa mga CHELdren: May mas malakas tayong boses sa Kongreso

$
0
0

Chel Diokno sa mga CHELdren: May mas malakas tayong boses sa Kongreso

LUBOS ang pasasalamat ni Atty. Chel Diokno sa madlang pipol matapos manguna sa botohan ang AKBAYAN party-list sa nagdaang midterm elections.

Sa kanyang Facebook page ay isang taos pusong pasasalamat ang ipinaabot niya sa mga naniwala at bumoto para mahalal ang AKBAYAN party-list sa Kongreso.

“Mula sa puso, maraming salamat. Hindi ko maipaliwanag ang saya at pasasalamat na nararamdaman ko ngayon. Over 2.2 million votes and counting — isang tagumpay na bunga ng inyong tiwala, ng ating paninindigan, at ng sama-samang pagkilos para sa isang makatao at makatarungang lipunan,” saad ni Atty. Chel.

Pagpapatuloy pa niya, “Sa aking mga Cheldren, at sa bawat isa na nakipag-Akbayan sa amin — sa kalsada, sa social media, at sa mga komunidad — kayo ang tunay na bayani ng laban na ito. Hindi kami nakarating dito kung wala ang inyong pagmamahal at suporta.”

Baka Bet Mo: Mister ni Alex na si Mikee napagkamalang sina Whamos at Chel Diokno

Nagpasalamat rin si Atty. Chel sa naibigay na tulong ni Sen. Risa Hontiveros na isa sa naging malaking bahagi ng tagumpay ng kanilang pagkakapanalo.

“We also share this victory with our allies in our fight for a better future: Sen. Bam Aquino, Sen. Kiko Pangilinan, ML Party-list nominee Leila de Lima, Naga Mayor-elect Leni Robredo, former COA Commissioner Heidi Mendoza, Pasig Mayor Vico Sotto, and Dinagat Rep. Kaka Bag-ao,” dagdag pa niya.

Masaya rin si Atty. Chel dahil mas malaking oportunidad na maiangat ang mga mamamayang nasa laylayan.

“Ngayon, may mas malakas tayong boses sa Kongreso — at gagamitin natin ito para sa kapakanan ng mga nasa laylayan, at para ipaglaban ang ating soberanya at demokrasya. Ito ang simula ng panibagong yugto. At sa laban na ito, magka-akbay tayo. Muli, taos-pusong pasasalamat,” pahayag pa ng abogado.

Si Atty. Chel Diokno ang first nominee ng Akbayan party-list na nagkamit ng mahigit na  milyong boto sa nagdaang 2025 midterm elections.

The post Chel Diokno sa mga CHELdren: May mas malakas tayong boses sa Kongreso appeared first on Bandera.

Andres Muhlach ibinuking ni Ashtine Olviga, madalas manlibre sa katrabaho

$
0
0

Andres Muhlach ibinuking ni Ashtine Olviga, madalas manlibre sa katrabaho

“WOW, hindi siya anak ni Aga Muhlach, ha, ha, ha,” ito ang birong sabi ni Nanay Cristy Fermin kay Ashtine Olviga tungkol kay Andres Muhlach.

Ang lead actress ng TV series na Ang Mutya ng Section E ang special guest sa “Cristy Ferminute” program nina ‘nay Cristy kasama si Romel Chika nitong Miyerkoles ng tanghali na napakinggan at napanood sa True FM 105.9 sa Mega Manila.

Natanong kasi ni ‘nay Cristy kung kumusta si Andres bilang isa sa leading man ni Ashtine sa “Ang Mutya ng Section E” at ano ang nadiskubre niya sa binata.

“Si Andres po hindi ko ini-expect na magkakasundo po kami, hindi ko po ini-expect na magki-click po ‘yung personality naming,”paglalarawan ni Ashtine.

Ang isa pang leading man ni Ashtine na si Rabin Angeles ay generous at inililibre raw ang mga kasama nito sa series kapag sumabay sa food delivery.

Baka Bet Mo: Aga Muhlach proud tatay, naiyak dahil sa tagumpay nina Andres at Atasha

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kaya ang tanong ni ‘nay Cristy kung si Andres din ba ang nanlilibre.

“Si Andres po ganu’n din po siya,” kaswal na sagot ni Ashtine.

Kaya nagulat si ‘nay Cristy, “wow, hindi siya anak ni Aga Muhlach, ha, ha, ha.”

Natawa rin si Ashtine sa naging reaksyon ng CFM host at maging si Romel Chika ay ganu’n din.

Dagdag biro pa ni ‘nay Cristy, “kuringking ang tatay ni Andres, hindi pala like father like son. O, di ba nakakatuwa ‘yung mga ganu’n pambata talaga.”

Samantala, hiningan din ni Romel Chika si Ashtine tungkol kay Andres lalo’t sa ibang bansa ito nag-aral, “hindi ba kayo na-intimidate kay Andres bilang anak ni Aga at ni Charlene (Gonzales-Muhlach).”

“Nu’ng una po na-intimidate kami, pero ang maganda po kasi kay Andres sobrang down to earth niya po at saka siya po ‘yung naga-approach po sa amin kaya hindi rin po kami nahirapan sa kanya,” pahayag ni Ashtine.

Susog naman ni ‘nay Cristy, “sobrang low profile nga si Andres.”

At komento rin ng listeners ng CFM na napansin na nilang napaka-gentleman ng anak nina Aga at Charlene na sinang-ayunan naman ni Ashtine.

Anyway, mapapanood na ang Ang Mutya sa Section E sa TV5 simula sa Lunes, Mayo 17.

The post Andres Muhlach ibinuking ni Ashtine Olviga, madalas manlibre sa katrabaho appeared first on Bandera.

#SerbisyoBandera: Mga buntis VIP treatment sa bagong ‘panganakan’ sa Nueva Ecija

$
0
0
#SerbisyoBandera: Mga buntis VIP treatment sa bagong 'panganakan' sa Nueva Ecija

PHOTO: Courtesy of BDO Foundation

SA bawat sigaw ng inang nagluluwal ng buhay, may kwento ng lakas, tapang, at pag-asa.

At sa lungsod ng San Jose sa Nueva Ecija, isa na namang hakbang ang naisakatuparan para mas mapagaan ang panganganak ng mga soon-to-be moms!

Matagal nang hiling ng mga residente ang maayos at ligtas na panganakan.

At ang CHO Panganakan ng San Jose ay isa sa mga health centers sa bansa na napaayos kamakailan lang para mas mapangalagaan ang kalusugan ng mga buntis at bagong silang na sanggol.

Baka Bet Mo: Janine Tugonon ‘struggle’ sa breastfeeding: ‘More difficult than pregnancy!’

Mula sahig hanggang kisame, pati na ang mga banyo at waiting area, pinaganda na para komportableng-komportable ang mga nanay habang sila’y naghihintay mag-labor.

May proper ventilation, ligtas na delivery room, at may espasyong sapat para sa mga tagabantay.

Ang proyektong ito ay bahagi ng mas malawak na adhikain ng BDO Foundation na tulungan ang mga komunidad sa pamamagitan ng rehabilitasyon ng mga rural health unit, lalo na sa mga liblib at probinsyang lugar.

Ang ganitong mga pagbabago sa mga health center ay patunay na may pag-asa pa tayong lahat sa maayos na serbisyo publiko, lalo na para sa mga ilaw ng tahanan!

The post #SerbisyoBandera: Mga buntis VIP treatment sa bagong ‘panganakan’ sa Nueva Ecija appeared first on Bandera.


Shamcey matapos ang halalan: Proving that heart still have a place in public service

$
0
0
Shamcey matapos ang halalan: Proving that heart still have a place in public service

PHOTO: Instagram/@supsupshamcey

HINDI man pinalad sa pagkakapanalo bilang konsehal ng Pasig, nananatiling matatag at positibo si Shamcey Supsup-Lee.

Sa isang Instagram post, buong tapang sinabi ni Shamcey: “We have already won because we never lost who we are.”

Ayon sa kanya, hindi niya isinuko ang kanyang prinsipyo sa gitna ng matinding laban sa politika.

“In every step of this journey, we chose integrity over shortcuts, truth over convenience, and compassion over division,” sey niya sa caption.

Baka Bet Mo: Ian Sia instant celebrity sa ‘single mother’ joke, Shamcey pumalag

Para sa beauty queen, mas mahalaga ang dignidad, katapatan, at puso sa paninilbihan.

kaya’t kahit hindi raw siya nanalo, tagumpay pa rin ang turing niya sa kanyang kampanya.

“We stood firm in our principles, spoke up for what we believed in, and remained grounded in purpose. This was never just about a position; it was about proving that dignity, honesty, and heart still have a place in public service,” wika niya sa post.

At syempre, hindi niya nakalimutang pasalamatan ang mga sumuporta at sumama sa kanya sa bawat hakbang ng kanyang kampanya.

“Thank you for walking with me,” mensahe niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shamcey Supsup (@supsupshamcey)

Isa sa mga unang bumati sa comment section ay ang kapwa niya beauty queen na si MJ Lastimosa, na nagpahayag ng paghanga at pag-asa para sa kinabukasan ni Shamcey sa public service.

“You’ve always been a great example, a leader, and an inspiration to many,” bungad niya.

Patuloy ni MJ, “I can’t wait for the day when they finally give you the chance to lead, and for them to see what you’re truly capable of.”

“Congratulations for trying and wanting to offer your whole self to your community,” aniya pa.

Nasa ika-pitong pwesto si Shamcey sa Pasig councilor race na may 32,399 na boto.

Tumakbo siya sa grupo ni Sarah Discaya, ngunit kalaunan ay tumiwalag din siya matapos ang kontrobersyal at sexist na pahayag ni Christian “Ian” Sia, ang kanilang congressional candidate na tuluyang diniskwalipika ng Commission on Elections (Comelec).

The post Shamcey matapos ang halalan: Proving that heart still have a place in public service appeared first on Bandera.

Ser Geybin dapat imbestigahan sa paggamit ng bata sa content –Rendon

$
0
0

Ser Geybin dapat imbestigahan sa paggamit ng bata sa content — Rendon

DAPAT daw paimbestigahan ang content creator na si “Ser Geybin” matapos mag-viral ang ginawa niyang video na may involved na batang menor de edad.

Iyan ay ayon sa social media personality na si Rendon Labador na isa sa namboldyak kay Ser Geybin dahil nga sa content nitong may titulong “Slide” na deleted na ngayon.

Sa naturang video, makikitang pinaupo at pina-slide ng vlogger ang kanyang pamangkin sa upuan na ayon sa mga netizen ay isang “sex chairman.”

Paninita ni Rendon kay Ser Geybin, “HINDI NAKAKATAWA AT HINDI BIRO!!! Ginagamit ninyo ang mga bata sa kagaguhan ninyo.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

“Mga content creators huwag kayo masasanay na BASTA MAG PUBLIC APOLOGY lang ay okay na. Dapat ito maimbestigahan at hindi dapat palampasin,” katwiran ni Rendon.

Patuloy pa niya, “Apology accepted palagi at dapat talaga itama. PERO dapat ito mapag tuunan ng pansin.

“Tinatawagan ko ang karapat dapat na ahensya ng gobyerno para aksyunan ito, oras na para maging accountable ang mga content creators dito sa pinas,” saad pa ng motivational speaker.

Paliwanag pa ni Rendon, kailangan daw talagang ipinamumukha sa mga iresponsableng content creator ang mga mali nilang ginagawa sa social media.

“Kung walang sisita, hindi natin maitatama.

“Lumalala na yung pag gawa ng mga iresponsableng content ng mga content creators, siguro oras na para tutukan yung mga ganitong issue. Nakakabahala na at hindi dapat pabayaan lang.”

“Anong ahensya ng gobyerno ang dapat umaksyon sa mga ganitong usapin? Gising gising baka natutulog na naman tayo sa pansitan.

“Yung kay Yanna issue, na aksyunan ng tama. Tumalino ang LTO sa issue na yun at gumalaw talaga sila. Salamat po at mababawasan na ang mga entitled na tao sa public roads. Kung wala kasing sampol walang matatakot at walang matututo,” pahayag pa ni Rendon Labador.

The post Ser Geybin dapat imbestigahan sa paggamit ng bata sa content –Rendon appeared first on Bandera.

Ser Geybin nag-sorry sa ‘Slide’ content: Patawad po, hindi na mauulit

$
0
0

Ser Geybin nag-sorry sa 'Slide' content: Patawad po, hindi na mauulit

NAG-SORRY sa publiko ang content creator na si “Ser Geybin” matapos ma-bash at manega sa ipinost niyang video kung saan ginamit niya ang babaeng pamangkin.

May titulo ang video na “Slide” (na deleted na ngayon) kung saan pinaupo at pina-slide ng naturang vlogger ang bagets sa upuan na ayon sa mga netizen ay isang “sex chair.”

Ayon sa mga nakapanood ng naturang video reel, maling-mali ang ginawa ni Ser Geybin dahil maaari raw magamit ang naturang material ng mga sindikato at mapagsamantala sa social media para pagkakitaan.

Binatikos din ng mga magulang ang content creator sa paggamit sa isang inosenteng bata para sa kanyang vlog na pwede raw gawing ebidensya kapag may nagdemanda sa kanya.

Baka Bet Mo: Rendon Labador kinastigo si Yanna: Sasampalin kita ng katotohanan!

Ito rin ang punto ng social media personality na si Rendon Labador na kumastigo kay Ser Geybin nang mapanood ang video ng bata.

“HINDI NAKAKATAWA AT HINDI BIRO!!! Ginagamit ninyo ang mga bata sa kagaguhan ninyo.

“Mga content creators huwag kayo masasanay na BASTA MAG PUBLIC APOLOGY lang ay okay na. Dapat ito maimbestigahan at hindi dapat palampasin.

“Apology accepted palagi at dapat talaga itama. PERO dapat ito mapag tuunan ng pansin.

“Tinatawagan ko ang karapat dapat na ahensya ng gobyerno para aksyunan ito, oras na para maging accountable ang mga content creators dito sa pinas.

“Kung walang sisita, hindi natin maitatama.

“Lumalala na yung pag gawa ng mga iresponsableng content ng mga content creators, siguro oras na para tutukan yung mga ganitong issue. Nakakabahala na at hindi dapat pabayaan lang.”

“Anong ahensya ng gobyerno ang dapat umaksyon sa mga ganitong usapin? Gising gising baka natutulog nanaman tayo sa pansitan.

“Yung kay Yanna issue, na aksyunan ng tama. Tumalino ang LTO sa issue na yun at gumalaw talaga sila. Salamat po at mababawasan na ang mga entitled na tao sa public roads. Kung wala kasing sampol walang matatakot at walang matututo,” ang sabi ni Rendon.

Matapos tanggalin ni Ser Geybin ang kanyang video sa social media, naglabas agad siya ng public apology at tinatanggap ang nagawang pagkakamali.

“Magandang Araw po mga Mam and Ser.

“Gusto ko lang po mag-sorry sa video reels na pinost ko po nung mga nakakaraang araw na ang title po ay ‘Slide.’

“Aminado po akong biglaan ko po yun inupload sa mga oras na iyon at hindi ko po agad naisip ang kamalian ko.

“Maraming salamat po sa lahat ng pagtatama at pangaral n’yo po sa akin, lahat po ito ay magiging isang malaking aral po sa akin na babaunin ko po sa tinatahak po naming landas.

“Muli po, patawad po at hindi na po mauulit” sabi pa ni Ser Geybin.

The post Ser Geybin nag-sorry sa ‘Slide’ content: Patawad po, hindi na mauulit appeared first on Bandera.

Jon Santos ‘boss’ sa Side Show: The Musical, powerhouse cast ibinandera na

$
0
0
Jon Santos 'boss' sa Side Show: The Musical, powerhouse cast ibinandera na

PHOTO: Courtesy of Colin Dancel, Sandbox Collective

MAY bagong pasabog ang The Sandbox Collective ngayong 2025!

Matapos ang matagumpay na produksyon ng “Little Shop of Horrors” at “Next to Normal,” ihahandog naman nila ang kakaibang musical na “Side Show.”

Ito ay aarangkada sa darating na July 26 hanggang August 16 sa Power Mac Center Spotlight sa Circuit Makati.

Ang kwento ng upcoming musical ay iikot sa buhay ng conjoined twins na sina Daisy at Violet Hilton, mga totoong personalidad na sumikat noong 1930s sa Amerika bilang mga bituin sa vaudeville.

Baka Bet Mo: Jon Santos bongga ang pagbabalik entablado, may pasabog para sa Pride Month

Powerhouse Cast ng Hilton Twins

Jon Santos 'boss' sa Side Show: The Musical, powerhouse cast ibinandera na

PHOTO: Courtesy of Colin Dancel, Sandbox Collective

Dalawang power pairs ang magpapalit-palitan sa mga role nina Daisy at Violet.

Una na riyan sina Tanya Manalang at Marynor Madamesila, mga beterana sa teatro na parehong kayang bumirit, umarte, at magpaiyak!

Si Tanya ay international star, na gumanap bilang Kim sa “Miss Saigon” (West End, London) at si Joy sa “Ang Huling El Bimbo.”

Samantalang si Marynor ay galing UP Diliman at kilala sa “Walang Aray at Rak of Aegis.”

Hindi rin papahuli ang tambalang Krystal Kane at Molly Langley!

 Si Molly ay isang UK-trained singer-actress na tumatak sa “RENT” at finalist sa “The Clash” Season 6.

Si Krystal naman ay theater baby na at award-nominated pa! Bonus: siya rin ang stylist ng ilang Sandbox shows.

Si Bossing, si Jon Santos!

Si Jon Santos ang gaganap bilang The Boss, ang mastermind ng sideshow.

Bukod sa pagiging judge ng “RuPaul’s Drag Race Philippines,” kilala siya sa mga top-tier plays tulad ng “Priscilla, Queen of the Desert” at “Bituing Walang Ningning.”

Mga Leading Men: Terry, Buddy, at Jake

Jon Santos 'boss' sa Side Show: The Musical, powerhouse cast ibinandera na

PHOTO: Courtesy of Colin Dancel, Sandbox Collective

Magkakaroon ng tatlong heartthrobs sa entablado at narito ang mga dapat niyong malaman:

Terry Connor, ang press agent-slash-love interest ni Daisy, ay gagampanan nina Reb Atadero at dating Goin’ Bulilit star na si CJ Navato.

Buddy Foster, ang musician na may soft spot kay Violet, ay pagbibidahan ng award-winning actors na sina Vien King at Tim Pavino.

At si Jake, ang kaibigan na may sariling kwento, ay ikukuwento nina Marvin Ong at Joshua Cabiladas na palaban sa teatro at pelikula.

Siyempre, hindi kumpleto ang isang sideshow kung walang quirky at talented ensemble!

Sa line-up ng performers, asahan na ninyo sina Arion Sanchez, Rhap Salazar, Red Nuestro, Raflesia Bravo, Fay Castro, Ian Hermogenes, Mikee Baskiñas, Reine Paisley, at marami pang iba na magbibigay-buhay sa mundo nina Daisy at Violet.

Ang direksyon ay mula kay Toff de Venecia, habang si Ejay Yatco naman ang magmamaestro sa musika.

Kasama rin sa production dream team sina Mark Dalacat (assistant director/set designer), Carlos Siongco (costume design), JM Cabling (choreographer), at Gabo Tolentino (lighting design).

Abangan ang anunsyo tungkol sa tickets at show buying.

The post Jon Santos ‘boss’ sa Side Show: The Musical, powerhouse cast ibinandera na appeared first on Bandera.

Pinakamalaking ‘centerhung’ ng Pinas ibinandera, matatagpuan sa MOA Arena

$
0
0
Pinakamalaking ‘centerhung’ ng Pinas ibinandera, matatagpuan sa MOA Arena

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

ISANG high-tech, super laki, at internationally competitive na LED centerhung ang ibinandera sa Pasay City.

Ito ang tinatawag na “The Cube” na proud na proud na ibinida ng SM Mall of Asia Arena para sa kanilang ika-13th anniversary.

At guess what? Ang BANDERA ang isa sa mga unang nakakita nito nang personal noong grand launch nitong Miyerkules, May 14.

Live na live naming nasilayan ang bagong pambato ng MOA Arena pagdating sa tech and visual experience at masasabi naming ibang level ito, mga ka-Bandera!

Baka Bet Mo: LIST: Taeyeon, j-hope, Lee Min Ho, iba pang major acts raratsada sa PH concert

Ang The Cube ay gawa ng Daktronics, ang kilalang global leader pagdating sa LED display tech.

Kung basketball fan ka, tiyak kilala mo na ang mga arena gaya ng Madison Square Garden, Crypto.com Arena, at Intuit Dome ng NBA –lahat ‘yan may Daktronics scoreboard.

Pero ngayon, may sarili na tayong bonggang version dito mismo sa Pinas.

Kung dati ay 138 sq m lang ang LED display ng event venue, ngayon ay level up sa 176 sq m!

Imagine mo ‘yung laki niyan habang nanonood ka ng concert o sports event –kitang-kita kahit nasa pinakataas ka pa ng arena.

May high-resolution display rin ito na crystal-clear images at vibrant colors.

Bukod diyan, may top ring (30 sq m) at bottom ring (18 sq m) pa, kaya talagang 360-degree ang visual experience.

Sa sideline interview kasama ang ilang reporters, inamin ni SM MOA Arena General Manager Arnel Gonzales na super excited siya sa bagong paandar.

“We’re very much excited… It’s something that the full house capacity crowd will be able to enjoy and see the difference. We will see interactive graphics that will be shown on screen,” sey niya.

Ayon pa kay Sir Arnel, matagal itong plinano: “We started planning on this one since 2023, right after hosting the FIBA World Cup. It took us two years to develop the concept, then seven days lang ang installation. We had the entire Holy Week just to install it.”

Ang The Cube ay hindi lang daw pang-display ng score o video replay dahil kaya nitong magpakita ng multiple camera angles, split-screen views, at kahit live fan cams.

Pati Twitter at Facebook feeds, kayang ibandera!

“It’s not just a big TV. It can multi-task… In terms of the technology behind it, we are ahead simply because the latest one is in 2022, our technology is 2025. So mas upgraded na siya in terms of the back end,” proud na sinabi ni Sir Arnel.

At hindi pa rito nagtatapos ang upgrades sa MOA Arena.

Ibinahagi rin ng general manager na tuloy-tuloy ang kanilang future-proofing efforts:

“We’re moving towards the digital age, so we’re getting ready for it. We’re also doing a lot of physical operations. We changed and we reengineered our acoustic panels, next is the seats –We’ll try to make the seats comfortable,” sambit niya.

Aniya pa, “Again, we have to make sure that we will address all of your concerns and be ahead on what any fan can imagine.”

The post Pinakamalaking ‘centerhung’ ng Pinas ibinandera, matatagpuan sa MOA Arena appeared first on Bandera.

REVIEW: ‘Final Destination: Bloodlines’ balik-terror na may halong Pinoy pride

$
0
0
REVIEW: ‘Final Destination: Bloodlines’ balik-terror na may halong Pinoy pride

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures

14 YEARS matapos ang huling pelikula, mapapanood na sa big screen ang iconic horror franchise na “Final Destination.”

May pamagat na “Bloodlines,” ito ay pinangungunahan ng Filipino-Canadian Broadway actress na si Kaitlyn Santa Juana at Filipino-American actor na si Teo Briones bilang magkapatid na sina Stefanie at Charlie na nabitag sa isang nakakatakot na cycle ng kamatayan.

Isa ang BANDERA sa mga naimbitahan sa special screening kamakailan lang at hindi makakaila ang thrill at kaba na hatid ng pelikula.

Mapapahawak ka talaga sa upuan mo sa bawat eksena, lalo na sa mga tilted camera angles at intense cinematography na parang ikaw mismo ang hinahabol ni Death!

Baka Bet Mo: Kris feeling nasa ‘Final Destination’, lapitin ng aksidente

Ang kwento’y sumusunod sa classic formula ng franchise: Isang babae ang biglang nakakakita ng mga premonition.

Pero this time, namana niya ang abilidad ng kanyang lola.

At mula roon, sunod-sunod nang nangyayari ang mga malas na trahedya sa mga taong tumakas sa kanilang tadhana.

Pero ang standout sa pelikula ay ang performance nina Kaitlyn at Teo.

Ayon kay Kaitlyn, ginamit niya ang kanyang pagka-Pinoy para lalong maramdaman ang lalim ng karakter niyang si Stefanie.

“I mapped her out and, maybe this is a personal thing for me but, I think Stefani is three different people over the course of the movie. She’s kind of a detective in the beginning, trying to find answers to why she’s having the dream and why it keeps happening. And once she finds out, she becomes the protector of her family. And towards the end, she becomes a survivor,” sey niya sa isang pahayag.

Si Teo naman, na una nating napanood sa “Chucky” TV series ay napaamin na isa sa paborito niyang horror movies ay “Final Destination 3,” kaya’t sobrang espesyal para sa kanya ang project na ito.

“My relationship and connection with my own sister is one of the most important things in my life. Being able to recreate that a little bit in this movie was very special. Kaitlyn’s amazing, she’s so easy to work with. It didn’t really feel like acting in our scenes; it just felt like I was talking to my big sister,” kwento ng aktor.

Bukod sa kanila, tampok din sa pelikula sina Richard Harmon, Owen Patrick Joyner, Rya Kihlstedt, Anna Lore, Brec Bassinger, at ang OG himself na si Tony Todd!

Sa kabuuan, “Final Destination: Bloodlines” ay puno ng tension, kilig, at karumal-dumal pero oddly satisfying na mga kamatayan.

Hindi man ito lumihis nang husto sa formula, solid pa rin ang execution.

Final verdict: 8/10, dahil sakto lang ang timpla ng takot at aliw, may dagdag pogi points din dahil may dugong Pinoy sa bida!

Showing na ang “Final Destination: Bloodlines” sa mga sinehan sa buong bansa.

The post REVIEW: ‘Final Destination: Bloodlines’ balik-terror na may halong Pinoy pride appeared first on Bandera.

Ai Ai inalok tumakbong mayor ng Calatagan: ‘Ayoko…bugbog na bugbog na puso ko’

$
0
0
Ai Ai inalok tumakbong mayor ng Calatagan: ‘Ayoko…bugbog na bugbog na puso ko’

PHOTO: Facebook/AiAi Delas Alas

MATAPOS ang midterm elections, inamin ni Comedy Queen Ai-Ai delas Alas na may nag-aalok sa kanya upang tumakbo bilang alkalde ng Calatagan.

Pero nilinaw ng actress-comedienne na wala pa siyang planong pasukin ang pulitika.

Sa guesting niya sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong May 12, sinabi ni Ai-Ai na ilang beses na siyang nakatanggap ng ganitong klaseng offer, pero hindi pa niya ibinubunyag kung anong posisyon sa gobyerno.

Kasama pa nga raw niyang nakatanggap ng alok ang batikang singer na si Lani Misalucha.

Baka Bet Mo: Sharon nag-sorry sa lahat ng nasaktan sa ipinost laban kay Panelo: Ayoko na nga ng politika kaya never akong tumakbo

“Ako, na-offer ako. Marami nang times. Totoo. Kaya nag-aral ako sa UP, diba? Ng public governance,” sey ni Ai-Ai.

Nang tanungin ni Tito Boy kung kinonsidera ba niya ang pagtakbo sa gobyerno, agad naman siyang tumango.

Kasunod niyan ay nausisa ni Lani kung anong posisyon ang ibinibigay kay Ai-Ai, na sinagot naman niyang mayor ng Calatagan.

Bagamat naisip niyang pagbigyan ang alok, umatras rin si Ai-Ai dahil sa kanyang mental health.

“Una sa lahat, feeling ko, hindi ko pa kaya ‘yung gan’un kataas na posisyon. Bukod sa dapat mag-aral muna ako, mababang posisyon muna saka tayo mag-Mayora,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, “Bukas ang loob ko pero hindi na. Okay na ako, ayoko na. Bugbog na bugbog na puso ko. Ayoko nang mabugbog pa.”

Sa parehong panayam, ibinahagi rin ng “Tanging Ina” star na pangarap niyang makapasok sa Hollywood.

Ayon pa sa kanya, bahagi ito ng plano niya hanggang taong 2026.

“‘Yan ang gagawin ko ngayon. Gusto ko talaga, ‘yun talaga ang plano ko for this year until 2026. ‘Yun ang plano ko na gusto kong [mag-try] sa Hollywood kasi wala namang mawawala. Mag-isa na lang ako and there’s no harm in trying,” wika ni Ai-Ai.

Green card holder si Ai-Ai sa Amerika, at noong Marso ay kinumpirma niyang binawi na niya ang green card petition para sa estranged husband na si Gerald Sibayan.

Matatandaang naging usap-usapan ang aktres noong November last year matapos niyang kumpirmahin ang hiwalayan nila ni Gerald.

The post Ai Ai inalok tumakbong mayor ng Calatagan: ‘Ayoko…bugbog na bugbog na puso ko’ appeared first on Bandera.


Kapatid ni Rico Blanco na si Rey pumanaw na sa edad 50, nagka-skin cancer

$
0
0
Kapatid ni Rico Blanco na si Rey pumanaw na sa edad 50, nagka-skin cancer

Rey and Rico Blanco

PUMANAW na si Rey Blanco, ang bunsong kapatid ng singer-songwriter na si Rico Blanco, sa edad 50 

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanyang anak na si Daniela at ng Rivermaya drummer na si Mark Escueta sa pamamagitan ng social media ngayong araw, May 15.

“Our daddy King has peacefully joined our Creator,” ayon sa post ng anak.

Mensahe pa niya, “We love you always and forever, Dad. Like you always say: Thank you, love you.”

Baka Bet Mo: Rico Blanco mas naging open sa relasyon nila ni Maris Racal pero may ‘itatago’ pa rin sa publiko

Gaganapin ang burol ni Rey sa Heaven’s Park sa Biñan, Laguna (dating Arlington), habang ang libing ay gaganapin sa Martes, May 20 sa Everest Hills Memorial Park sa Muntinlupa, pagkatapos ng funeral mass sa Heaven’s Park sa ganap na 1 p.m.

Nagbigay rin ng mensahe si Mark, ang dating bandmate ni Rico sa Rivermaya bago ito nagdesisyong mag-solo sa kanyang music career. 

Sa kanyang Instagram page, isinulat ni Escueta: “Paalam, kapatid [folded hands emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mark Escueta (@markescueta)

Kung matatandaan nitong taon, humiling ng panalangin si Rico para kay Rey matapos itong ma-diagnose ng “advanced and very aggressive type of squamous cell carcinoma,” isang uri ng skin cancer.

Ayon sa dating bokalista, ito na raw ang pinakamahirap na laban ng kanilang pamilya at umaasa siyang hindi pa huli ang lahat para sa kanyang kapatid.

“Please pray for King’s strength and healing. Only heaven really knows what’s best for my dear brother but we are keeping our hopes up,” saad ni Rico noon sa post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rico Blanco (@ricoblanco100)

Aniya pa, “I cannot bear to imagine a world without him in it. This is our toughest battle. Please, please help us win.”

The post Kapatid ni Rico Blanco na si Rey pumanaw na sa edad 50, nagka-skin cancer appeared first on Bandera.

Ice Seguerra umalma sa fake news: Hindi po ako buntis! Bilbil lang po ito!

$
0
0
Ice Seguerra umalma sa fake news: Hindi po ako buntis! Bilbil lang po ito!

Ice Seguerra at Liza Diño

KUMALAT sa social media ang balitang buntis ang aktor at OPM icon na si Ice Seguerra sa unang anak daw nila ng asawang si Liza Diño.

Maraming naniwala sa naturang news item dahil bukod sa nakabalandrang litrato nina Ice at Liza ay may kalakip ding sonogram ang naturang post.

Kaya naman agad nag-post si Ice sa kanyang social media account para pabulaanan ang kumalat na fake news at ipinagdiinan na hindi siya nagdadalantao.

Sa kanyang Facebook page, ni-reoost ng award-winning singer at songwriter ang screenshot ng kumalat na socmed post at nilagyan niya ito ng nagsusumigaw na “FAKE NEWS!”

Hirit pa ni Ice sa kanyang caption, “HINDI PO AKO BUNTIS!!! Bilbil lang po ito. #FakeNewsAlert.”

Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na napabalitang buntis si Ice. Sa isang tweet sa X noong 2019, kumalat din ang chika na buntis daw siya.

“OMG! Shocking! Aiza Seguerra is PREGNANT after Many Years Wife Liza Seguerra REVEALED!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Seguerra (@iceseguerra)


“How Aiza Seguerra and Liza Dino seguerra made it possible to have a baby?

“Daming negative comments! PANOORIN DITO!” ang nakalagay sa caption ng naturang post.

Sinagot din ito ni Ice, “Ayos! May excuse na ako kung bakit ako mataba. (face with tears of joy emoji) #kahitakonashock.”

Sa ilang beses naming nakachikahan sina Ice at Liza, talagang aminado sila na pangarap nilang magkaroon ng sariling anak sa pamamagitan ng IVF o in-vitro fertilization.

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang
IVF ay isang assisted reproduction medical procedure kung saan kumukuha ng egg cells mula sa ovary ng babae at saka ipagsasama sa sperm ng lalaki sa isang laboratory.

Sa oras na na-fertilize na ang pinagsamang egg cells at sperm, kailangan itong maipunla sa uterus ng babae o ng surrogate mother na siyang magdadala ng sanggol sa sinapupunan nito.

Base sa kuwento ng mag-asawa, si Liza raw ang magiging surrogate mother habang ang eggs na ipupunla sa kanya ay manggagaling kay Ice.

Matagal nang balak nina Ice at Liza na sumailalim sa procedure na ito pero mukhang wala pa silang sapat na panahon para gawin ito dahil na rin sa dami ng kanilang projects at commitments.

The post Ice Seguerra umalma sa fake news: Hindi po ako buntis! Bilbil lang po ito! appeared first on Bandera.

Pinsan ni Emil Sumangil na si Philipp Santiago pumanaw sa Mount Everest

$
0
0
Pinsan ni Emil Sumangil na si Philipp Santiago pumanaw sa Mount Everest

Emil Sumangil at Philipp Santiago

KINUMPIRMA ng Kapuso broadcast journalist na si Emil Sumangil ang pagpanaw ng pinsang si Engineer Philipp “PJ” Santiago II sa Mount Everest ngayong araw, May 15.

Kasabay nito, humiling ng panalangin ang “24 Oras” anchor para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng namatay niyang kaanak na kabilang sa Mountaineering Association of Krishnanagar–Snowy Everest Expedition.

Ang Mount Everest ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na matatagpuan sa borders ng Nepal at China.

Ibinahagi ni Emil ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kalakip ng mga litrato ni Philipp.

“Our family is asking for prayers for the eternal repose of the soul of our beloved Engr. Philipp PJ Santiago II.

“We also continue to pray for the safety and well-being of Karl Miguel Santiago during this difficult time.


“The family respectfully requests privacy as we grieve and process these events. Your understanding, support, and prayers are deeply appreciated.

“Maraming Salamat po.

“#InGodWeTrust,” ang caption ni Emil sa ipinost na litrato ng pumanaw na pinsan.

Naglabas din ng report ang The Himalayan Times tungkol sa nangyari sa sumakabilang-buhay na engineer. Mababasa rito, “45-year-old Philipp II Santiago breathed his last at Camp IV while preparing for the summit push last night.

“The climber was part of the Mountaineering Association of Krishnanagar- Snowy Everest Expedition 2025.”

Habang sinusulat ang artikulong ito ay hindi pa tiyak kung ano ang sanhi ng pagkasawi ni Santiago. Gumagawa na umano ng paraan ang kanyang mga kasamahan sa ekspedisyon para maibaba at madala sa base camp ang kanyang labi.

Nauna rito, nitong nagdaang Miyerkules ng gabi, May 14, humiling pa ng panalangin si Emil sa kanyang mga followers na ipagdasal ang kanyang pinsan na makarating ito sa tuktok ng Mount Everest.

Aniya sa caption ng litrato ni Philipp, “Tuktok ng Mount Everest, inaasahang mararating ni Engr. PJ Santiago bukas (MAY 15).

“Sa kaluoban ng Mahal na Diyos Ama, maging matagumpay at ligtas ang lahat. Humihingi po kami ng panalangin mula sa inyo.”

Ngunit ang kasunod na nga niyang ipinost sa IG ay ang pagpanaw ng kanyang pinsan.

The post Pinsan ni Emil Sumangil na si Philipp Santiago pumanaw sa Mount Everest appeared first on Bandera.

Matandang babae natagpuang patay sa ‘dumpsite’ ng Payatas

$
0
0

Matandang babae natagpuang patay sa ‘dumpsite’ ng Payatas

NATAGPUANG patay ang isang matandang babae sa isang tambakan ng basura sa Quezon City.

Sinabi ng mga pulis, ang bangkay ay nakita sa loob ng isang itim na garbage bag sa Barangay Payatas nitong Miyerkules, May 14.

Sa isang pahayag noong Huwebes, May 15, kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima umano bilang isang 65-year-old na babae na nagngangalang “Verry,” residente ng nasabing barangay.

“According to the witness, ‘Verry’ was known in the neighborhood for living alone, having no known relatives, and was reportedly suffering from mental health issues,” sey ng pulisya base sa ulat ng INQUIRER.

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga na-trauma raw nang sigaw-sigawan ng ‘matandang artista: She’s painting me as a bad guy

Dagdag pa, “She was often seen wearing multiple layers of clothing and the same silver ring identified on the body.”

Ayon pa sa initial report ng QCPD, si Verry ay huling nakita sa kuha ng closed-circuit television camera (CCTV) na umaalis sa kanyang bahay noong Martes ng umaga, May 13, suot ang parehong damit na nakita sa kanya nang matagpuan ang kanyang bangkay.

Hanggang ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari.

Bukod diyan, nanawagan din ang mga pulis sa publiko na magbigay ng impormasyon kung may mga taong posibleng sangkot sa insidente. 

The post Matandang babae natagpuang patay sa ‘dumpsite’ ng Payatas appeared first on Bandera.

Carla Abellana bukas sa bagong pag-ibig, pero: Kailangan pipiliin ko ng mabuti

$
0
0
Carla Abellana bukas sa bagong pag-ibig, pero: Kailangan pipiliin ko ng mabuti

PHOTO: Instagram/@carlaangeline

“BUKAS ang puso ko now, bukas sa maraming bagay,” ito ang masayang sabi ni Carla Abellana sa tanong ng TV host-content creator na si Julius Babao kung bukas ang puso niya ngayon.

Dagdag pa niya, “Lagi ko sinasabing may mga nagpaparamdam pero siyempre nag-iingat din ako after what happened to me kailangan pipiliin ko po ng mabuti.”

Apat na taon nang hiwalay sina Carla at Tom Rodriguez, na kung saan ang huli ay may ibang pamilya na at kasalukuyang nasa Amerika.

Tinanong ni Julius kung ano ang mga katangiang hinahanap ni Carla ngayon para sa taong mamahalin niya.

Baka Bet Mo: Carla Abellana naloka sa naranasang food delivery scam: ‘Huwow’

“Importante po ang integrity, honesty tsaka respect,” nakangiting sagot ng aktres habang katabi ang inang si Gng. Rea Reyes.

Paano malalaman ni Carla kung ang lalaki ay may mga ganitong katangian.

“May times na lalo na sa mga naranasan ko may mga natutunan na po ako, siyempre may mga signs na po ‘yan,” esplika ng dalaga.

Susog naman ng mommy ng aktres, “She knows na (kung) may mga red flags ‘yung mga watch out for.”

Nasambit ni Julius na dapat daw ay mas longer ang relationship bago ulit magpakasal.

“Yes lagi ko naman sinasabi na wala ‘yan sa tagal whether a decade na kayo together or not. Napaka-importante na kilalanin n’yo talaga ‘yung pagkatao ng tao,” sey ni Carla.

May dine-date na ba ngayon si Carla?

“Ahhh, hmmm,” tumawang sagot nito pero ang mommy niya ay panay ang tango at sabay sabing, ‘yes!”

Sabi pa, “Hindi naman po dating or typical dating, lagi ko sinasabi open naman po ako.”

Tinanong naman ni Julius kung ano ang maipapayo ni Gng Rea sa anak.

“It’s hard, eh. She knew him (Tom) for seven years, so, we really thought he was the one. So, it was a really complete shock for all of us nu’ng naghiwalay sila. Dati kasi sabi ko, ‘oh you just follow your heart’ and she did that and follow your thoughts and she also did that and yet she was fooled.  Ang hirap, eh, so ano pang advice ang maibibigay ko sa kanya?

“Ngayon talagang she needs to read the signs, she needs to understand that this is not right.  She was ano, parang she ignored all the red flags, she thought it was normal.  Akala niya na okay lang ‘yan it’s not that important, but it builds up, eh.

“So, ‘yun, she would be able to distinguish the red flags and she should not compromise, she should be herself and kung ano talaga ‘yung nakikita niyang mali, she should call it out,” mahabang pahayag ng ina ng dalaga.

Nabanggit pa na ‘too nice’ ang aktres, “She’s too nice to people to a fault, so, a lot of people take advantage of that, she needs to stand up for herself and she needs to take care of herself first before others because I think for the longest time she was not taking care of herself first, she was always taking care of others.”

Non-negotiable raw ang one night stand para kay Carla kaya ‘yung sinabi ng daddy niyang si Rey Abellana (ipinakita ang quote ng aktor), “Honestly speaking hindi po natin mako-consider na third party, eh. Kasi po ang pangyayari ay one-night stand. So, hindi natin kino-consider na third party.”

“I disagree hindi po ‘yun normal at hindi po siya dapat maging normal. Okay lang po ‘yun kung iyon ang belief niya (Rey), magkaiba po kami ng belief at lumaki po ako na seeing the effects of that kaya hindi po ako maga-agree sa ganu’n,”

Hindi na raw napag-usapan ng mag-amang Carla at Rey ang nangyari ang tanging hiniling lang niya noon ay bigyan sila ng sapat na panahon ni Tom at huwag muna itong makikipag-usap sa media.

“Wag munang i-publicize, ‘yun lang naman at wala naman akong nasabing masama, o masasakit na salita, from time to time gini-greet ko pa rin siya for his birthday. At hindi pa po kami nagkikita ulit since then, 4 years ago (na),” kuwento ni Carla.

Tigas naman ng iling ni Rea Reyes na hindi naman talaga nagkikita ang ex-huusband niya at anak at hindi rin sila close na sinang-ayunan naman ni Carla.

The post Carla Abellana bukas sa bagong pag-ibig, pero: Kailangan pipiliin ko ng mabuti appeared first on Bandera.

Viewing all 44568 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>