Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44546 articles
Browse latest View live

Knows n’yo ba kung saan, kailan nagsimula ang Mother’s Day?

$
0
0
Knows n'yo ba kung saan, kailan nagsimula ang Mother's Day?

Anna Jarvis

TAUN-TAON ay ipinagdiriwang natin ang Araw ng Mga Ina. As in palaging punumpuno ang mga restaurant at iba pang establishment kapag Mother’s Day.

Marami nga ang nagkokomento na tila mas binibigyan ng bigat at importansya ang pagse-celebrate ng Mother’s Day sa Pilipinas kesa sa Father’s Day.

Pero alam n’yo ba mga besh kung saan at kailan nagsimula ang pagdiriwang ng Mother’s Day? Kilala n’yo ba kung sino ang nagpasimuno ng selebrasyon na ito?

Sa Pilipinas, pinaniniwalaang nag-start ang pagdiriwang ng Araw ng Mga Ina noong 1921 nang simulan ng grupong Ilocos Women’s Club ang kauna-unahan nilang proyekto.

Pagsapit ng 1936, sa bisa ng deklarasyon ni President Manuel L. Quezon, ginawa nang taon-taon ang Mother’s Day celebration sa buong bansa tuwing first Monday ng Disyembre.

Nagpatuloy ito hanggang sa isang proklamasyon na pinirmahan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. noong 1980.

Ngunit nang umupo si dating Pangulong Cory Aquino sa Malacañang, inilipat ang Araw ng Mga Ina tuwing ikalawang Linggo ng Mayo, na isinunod sa pagdiriwang ng Amerika at iba pang bansa.

Ngunit nang mahalalna presidente si former President Joseph Estrada, ibinalik umano ito noong 1998 tuwing unang Monday ng December. Pero dahil nakasanayan na ng lahat ng Pinoy ang pagdiriwang nito tuwing Mayo kay ito pa rin ang sinunod.

Pero mga ka-BANDERA, narinig o nabasa n’yo na ba ang istorya kung saan at paano nagsimula ang tradisyon ng pagdiriwang ng Mother’s Day? Kilala n’yo ba si Anna Jarvis at ang pinakamamahal niyang ina na si Ann Reeves Jarvis o “Mother Jarvis”?

Sila ang mga personalidad na involved kung bakit may Mother’s Day, base na rin sa ulat ng Legacy Project, isang independent research at education group.

Sabi sa report, naganap ang kauna-unahang selebrasyon ng Araw ng Ina sa Amerika noong 1908, kung saan ni-request ni Anna sa isang simbahan sa Grafton, West Virginia na ipagdiwang ang okasyon sa death anniversary ng kanyang nanay na si Ann Reeves Jarvis.

Kilalang matapang, matalino at advocate ng iba’t ibang mahahalagang isyu sa lipunan si Ann o si “Mother Jarvis”. Siya ang nasa likod ng “Mothers Day Work Clubs” na nakilala ring “Mothers Friendship Clubs” noong 1850s sa West Virginia.

Lumaban siya para maitaguyod at mapaganda ang kondisyon ng kalusugan at sanitasyon sa iba’t ibang lugar bukod pa sa pagtulong niya para makontrol ang pagdami ng mga namamatay na bata, kabilang na riyan ang kanyang mga anak.

Marami rin siyang naitulong sa kanyang mga kababayan nang magkaroon ng Civil War katuwang ang apat sa mga itinatag niyang organisasyon. Nag-alaga sila ng mga sundalo at nagligtas ng maraming buhay.

Nang mamatay si Mother Jarvis (second Sunday ng May) noong 1907, nagsagawa ang anak niyang si Anna ng isang pagtitipon upang bigyang-parangal ang mga ina.

At nang sumunod na taon, hinikayat ni Anna ang simbahan na palaging pinupuntahan ng ina sa Grafton, West Virginia na ipagdiwang ang Mother’s Day sa mismong araw ng pagpanaw ni Mother Jarvis, ito’y para saluduhan at parangalan ang lahat ng nanay.

Kasunod nito, sa hangaring gawing pambansang pagdiriwang ang Mother’s Day, sumulat sa mga opisyal ng kanilang pamahalaan ang grupo nina Anna para parangalan ang lahat ng mga nanay.

Taong 1914 opisyal ngang idineklara ni Pangulong Woodrow Wilson ang Mother’s Day bilang isang national holiday na gaganapin sa bawat taon sa ikalawang Linggo ng Mayo.

Sumulat din ang grupo nina Anna sa iba’t ibang bansa para hikayating ipagdiwang din ang Mother’s Day na nagtagumpay naman.

Sumakabilang-buhay si Anna noong 1948 sa edad na 84.

Sa ngayon, iba’t iba pa rin ang petsa ng Mother’s Day. Bukod sa Pilipinas, ipinagdiriwang din ito tuwing second Sunday ng May sa United States, Canada, Denmark, Finland, Italy, Turkey, Australia, Belgium, Japan at iba pang Asian countries.

Sa Great Britain, nagse-celebrate naman sila every fourth Sunday of Lent habang sa Norway ay tuwing second Sunday ng February, sa France at Sweden naman ay last Sunday ng May. Sa South Africa ay tuwing first Sunday ng May.

The post Knows n’yo ba kung saan, kailan nagsimula ang Mother’s Day? appeared first on Bandera.


Kathryn Bernardo, Alden Richards itinanghal na 2024 Box Office Queen at King

$
0
0
Kathryn Bernardo, Alden Richards itinanghal na 2024 Box Office Queen at King

PHOTO: Instagram/@aldenrichards02

ANIM na buwan mula nang magpakilig sa mga sinehan, ramdam pa rin ang magandang chemistry nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Dahil kasi sa pelikula nilang “Hello, Love, Again,” pormal silang kinilala bilang Box Office Queen at King!

Ang naghirang sa kanila ay ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).

Proud pa ngang ibinandera ng Star Cinema at GMA Pictures ang isang Instagram post na makikitang hawak ni Alden ang kanyang tropeyo sa naganap na awarding ceremony, habang hindi naman nakadalo sa event si Kathryn.

Baka Bet Mo: Alden Richards nakasama si Tom Cruise sa Korea: ‘Mission accomplished!’

At hindi lang ‘yan, pati mismo ang pelikula nila ay kinilala ng CEAP dahil sa pambihira nitong performance sa takilya!

“HANGGANG SA HULI, THANK YOU FOR YOUR LOVE! Kathryn Bernardo and Alden Richards were awarded 2024 Box Office King and Queen by Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP),” saad sa caption.

Dagdag pa, “‘Hello, Love, Again’ was also recognized by the CEAP for its historic success as the top-grossing Filipino movie of all time.”

Ang latest movie ng dalawa ay ang sequel ng 2019 blockbuster na “Hello, Love, Goodbye.”

Sinundan nito ang emosyonal na love story nina Joy at Ethan na unang nagkakilala sa Hong Kong at muling nagpatuloy nang muli silang magkita sa Canada kung saan naging abala ang una sa kanyang nursing career.

Matatandaan na ang nasabing pelikula ay nagtala ng kasaysayan bilang highest-grossing Filipino film of all time na kumita ng P1.6 billion sa takilya!

The post Kathryn Bernardo, Alden Richards itinanghal na 2024 Box Office Queen at King appeared first on Bandera.

Sulat ni Frankie Pangilinan sa mga mayor pinusuan, proud na proud kay Kiko

$
0
0
Sulat ni Frankie Pangilinan sa mga mayor pinusuan, proud na proud kay Kiko

PHOTO: Facebook/Kiko Pangilinan

MARAMING na-touch sa naging panawagan ni Frankie Pangilinan sa lahat ng mayor sa bansa na suportahan ang kandidatura ng kanyang amang si Kiko Pangilinan.

Mismong ang nanay ni Frankie na si Sharon Cuneta ang nag-post ng sulat ng kanyang anak sa social media kung saan ibinandera nga ng dalaga sa publiko ang mga magagandang katangian ng ama.

Ang caption dito ni Sharon, “Our dearest Kakie paused from completing all her graduation requirements and wrote this heartfelt letter for all the Mayors in our country to ask for their help for her Daddy.

“We are so blessed with the most loving, supportive children who are as devoted to us as we are to them! Thank you, Baba. We love you so very much.”

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta iyak nang iyak dahil sa mga fake news laban kay Kiko

Nakasaad sa handwritten letter ni Frankie ang kanyang emosyonal na pakiusap sa mga mayor na sana’y suportahan ng mga ito ang pagtakbong senador ni Kiko.

Aniya, hindi lamang isang politician ang kanyang tatay, kundi isa ring “humble, hands-on dad” na hindi deserve ang mga natatanggap na paninira mula sa ilang grupo.

“Our family has stood by helplessly for several years now as the smear campaigns have persisted against him.

“The misrepresentations of his character are as heartbreaking as they are untrue—My father is a deeply humble, consistent man who keeps decades-old T-shirts and listens to disco music and makes it a point to attend all our sport meets, recitals, parent- teacher conferences,” bahagi ng sulat ni Frankie.

Sey pa ni Frankie, more than 20 years nang naglilingkod sa mga Filipino ang ama, “and continues to demonstrate honesty and integrity while possessing the experience, qualifications and professional accomplishments.”

Patuloy pa niya, “We do not have a billion-peso budget to push for him as loudly as we ought to—as loudly as he deserves.

“We understand that resources are tight, and we cannot offer much in return, but should we succeed, you now have a most assured promise that we will support your local programs and whatever else you may need in the years to come.

“He has worked quietly and tirelessly for years in pursuit of our agricultural development. Our agricultural sector is the backbone of all our systems, our national economy, our entire lives.

“Please help us carry this dream forward—for the future of our meal tables, for the dignity and protection of our farmers and fisherfolk and for all other Filipinos who still believe in true and compassionate leadership,” ang bahagi pa ng sulat ni Frankie.

“I am reaching out to you as a young Filipino who still believes in our country’s fundamental kindness. Our potential for true strength and stability.

“I know that what is easy is not always right, and that often the difficult route must be taken in order to arrive at something good,” aniya pa.

Kasunod nga nito ay pinuri ng netizens ang singer na anak nina Mega at Kiko dahil kahit nasa ibang bansa ay talagang gumagawa pa rin ito ng paraan para makatulong sa kampanya ng ama.

Napakaraming celebrities ang sumusuporta kay Kiko, kabilang na sina Anne Curtis, Janine Gutierrez, Maja Salvador, Jake Ejercito, Iza Calzado at marami pang iba.

The post Sulat ni Frankie Pangilinan sa mga mayor pinusuan, proud na proud kay Kiko appeared first on Bandera.

EXCLUSIVE: Dia Maté sa pagpili kay Regine para sa ‘INA’: Siya ang OG baklang babae!

$
0
0
EXCLUSIVE: Dia Maté sa pagpili kay Regine para sa ‘INA’: Siya ang OG baklang babae!

PHOTO: Instagram/@diaxmate

HINDI lang kanta, kundi isang paalala ng pagtanggap at pagmamahal para sa queer community.

‘Yan ang sinabi ng viral pop singer-songwriter at beauty queen na si Dia Maté tungkol sa inilabas niyang single na “INA” tampok ang tinaguriang OG baklang babae ng Pilipinas na si Regine Velasquez-Alcasid.

Kamakailan lang, nagkaroon ng exclusive online interview ang BANDERA sa nag-iisang Reina Hispanoamericana 2025 at isa sa mga chinika niya ay ‘yung malalim na hugot sa bago niyang kanta.

Kwento sa amin ni Dia, kasama niyang nagsulat nito ay ang BFF niyang si Dom Guyot na isang ring miyembro ng LGBT community.

Baka Bet Mo: Dia Mate ibinandera ang love kay JK: You are my ray of light!

Ginawa raw nila ang “INA” bilang tribute at safe space anthem para sa lahat ng nakikipaglaban sa identity at acceptance.

Ipinaliwanag din ng beauty queen na ang “INA” ay para sa lahat ng nahihirapan, nalilito, at pinanghihinaan ng loob dahil sa kung sino sila.

Ang nais pa niyang iparating mula sa kanyang single: “You have to remember that there’s always gonna be people that love you, they’re gonna be the mothers that will love you and take care of you. And remember that don’t let that fire die inside of you just because of the scrutiny that you may get –be confident of who you are because at the end of the day, there’ll always be people that will support you.”

Nabanggit din ni Dia na ang kanta ay inaalay rin para sa The Golden Gays, ang legendary drag group na nagsilbing pintuan para sa visibility ng LGBTQIA+ community sa bansa. 

“The Golden Gays really dressed up performed, they didn’t care what people thought about them, they really went out of their way to be who they wanted to be unapologetically dressed up the way they wanted, performed the way they wanted in front of the crowd, even though they went under so much scrutiny. And because they did this so much, it really created a space for them,” sey ng singer-songwriter.

Patuloy niya, “So it’s really a song that’s meant for who paved the for all of us.”

Nang tanungin naman namin si Dia kung bakit si Regine ang napili niyang maka-collab sa bagong kanta.

Ang sagot niya, “Kasi according to the queer community, she’s the gay icon of the Philippines…She is an inspiration to so many people in the queer community.”

“Even Ate Reg said herself when we were at the recording studio, so many of her fans are gay or from the queer community and siya talaga ‘yung OG baklang babae –that’s the title that they gave her,” chika niya.

Giit din ni Dia, ang Asia’s Songbird ang perfect fir para sa kanyang kanta at tuwang-tuwa siya nang mapa-OO agad niya ang batikang singer.

“She looked at the lyrics and listened to the demo, she really loved it because it really had a message that was for the community and she really acknowledged that babaeng bakla siya…so she said yes kaagad and she was the best person to work with, it was like being in a masterclass talaga with her,” kwento ng young singer.

At bukod sa vocal tips at performance advice, ibinunyag din sa amin ni Dia ang isa pa sa mga payo ni Regine na tumatak sa kanya.

“When it comes to the community, be sensitive,” sambit ni Dia.

“I don’t know what they’re going through ‘di ba because I’m just an ally in a sense. I can only observe, I can only help but in reality is I am not part of the community, so as much as possible, be sensitive to them –say what’s respectful, be respectful, and really immerse myself to the community as much as possible,” esplika niya sa panayam.

Bago matapos ang aming interview, masayang inanunsyo ni Dia na maglulunsad siya ng fundraising event para matulungang magkaroon ng permanenteng tirahan at medical need ang The Golden Gays.

Ito ay mangyayari sa Hoesik Bar & Lounge sa Makati sa darating na May 15.

“It’s open for all, it’s gonna be a regular night with regular ticket prices. The Golden Gays and I will be performing there,” anunsyo niya.

Mensahe naman niya para sa kanyang loyal fans at supporters: “To all my Diamantes, I just want to say thank you so much for sticking with me from the beginning of my music and pageant journey until now.”

“I truly wouldn’t be the queen and the pop girl I am now without all of you,” aniya pa.

The post EXCLUSIVE: Dia Maté sa pagpili kay Regine para sa ‘INA’: Siya ang OG baklang babae! appeared first on Bandera.

Maja Salvador balik trabaho na, miss na miss ang pag-arte pero bet munang mag-hosting

$
0
0
Maja Salvador balik trabaho na, miss na miss ang pag-arte pero bet munang mag-hosting

Maja Salvador

NAKIPAG-MEETING na raw kaagad si Maja Salvador sa TV5 nang mawala na ang konting taba-taba niya sa katawan bunga ng kanyang panganganak.

Inamin ng aktres-TV host na sobrang na-miss niyang mag-trabaho pero mas prayoridad niya ang pagiging ina sa anak niyang si Maria Reanna o Maria kaya dala-dala niya sa taping ng “emojination” Season 5.

“Alam nila (TV5 management) na kakapanganak ko lang po, alam nila na gusto ko pang alagaan ang anak ko at the same time na mapagbigyan nila ako na gusto ko ring magtrabaho.

“Ito kasing Emojination ‘yung energy namin dito masaya lang sandali lang ‘yung working hours namin, nagte-taping kami ng 8 hours, so mga 8 hours lang po ako nawawala kay Maria minsan dinadala ko siya since studio naman kami kaya na-consider ko na ito (Emojination) na isa sa project na dapat kong gawin kapag gusto ko na agad bumalik,” kuwento ni Maja sa nakaraang mediacon para sa season 5 ng Emojination handog ng APT Entertainment at Cignal.

Baka Bet Mo: Maja iwas muna sa paggawa ng teleserye: ‘Nakaka-stress, ayoko namang magmukhang haggard sa kasal ko’

Dagdag pa niya na marami rin siyang projects na offer, “May pelikula po and soon teleserye.

Anyway, sa season 5 ng Emojination ay mas maraming games na ipapakita pa at kaya nadagdag na rin sa co-host niya si Chad Kinis (season 1 grand winner) at kasama pa rin si Chamy Aguedan na nagsimula sa season 3.

“Pang season 5 po ang energy nitong Cha-Cha duo at at hindi ko alam kung paano ko sila sasabayan, ‘yung editor po naming namumublema kung paano ie-edit dahil lampas na kami sa oras (daldalan) kaya ‘yung prompter namin ginagalaw na kasi hindi namin pinapansin,” natawang sabi ni Maja.

Maja Salvador balik trabaho na, miss na miss ang pag-arte pero bet munang mag-hosting

Sa rami ng ginagampanang papel ni Maja bilang ina, asawa, artista, manager (Crown Artist Management, Inc) ay paano niya pinagkakasya ang oras.

“Hindi ko rin po alam kung paano, pero isa lang ang masasabi ko, hindi ako puwedeng mag-reklamo kasi ginusto ko ito kaya kapag pagod na, bawal magreklamo, at sobrang grateful po ako at ang pagiging isang ina walang maaring pumalit doon kaya ito ang isa sa paborito kong ginagampanan ngayon,” sagot ng wifey ni Rambo Nunez.

Dagdag pa, “Sobrang enjoy ako ngayon kay Maria kasi 1 year old na siya at marami na siyang ipinapakita kaya mas lalo ko siyang minamahal.”

Sa pag-arte o hosting ang mas bet gawin ni Maja.

“Ngayon hosting kasi natsa-challenge ‘yung Maja na kung kaya mong maging host, kung kaya kong maka-relate sa bawa’t makakasalamuha namin.

“Ang acting, nami-miss ko po ‘yan pero pag host ka nakakausap mo ‘yung mga tao na marami ka ring matutunan sa araw na ‘yun.

“Kapag artista ka, o acting alam mo ‘yung ginagampanan mo pero minsan may role na never mo pang na-experience at kailangan mong mag-jump sa emosyon kasi ‘yun ang requirement sa script.

“So, itong hosting ang saya na iba-ibang players ‘yung nakakausap namin (kasama sina Chad at Chamy) kasi may teachers kami, may magicians, tapos may kuwento (sila sa buhay) na paano ka makaka-relate o paano mo sila maiintindhan, so, ‘yun ang ini-enjoy ko as a host,” paliwanag ng TV host-actress.

Tungkol naman sa guestings ay gusto ni Maja na sana mga OFWs at mga Guro ang makapaglaro sa Emojination para kahit paano ay makatulong ang programa sa kanila dahil alam ng aktres kung gaano kahirap ang trabaho nila sa ibang bansa at ang mga maestra naman ay hirap din sa pagtuturo.

Samantala, masaya ang TV5 President at CEO na si Ginoong Guido R. Zaballero sa muling pagbabalik ni Maja sa kanila.

“Maja has always had a special place in the hearts of our Kapatid audience, and her energy lights up every show she’s in. Her return to Emojination has been eagerly awaited, and we’re all excited to see her bring even more fun and unforgettable moments to the TV screens,” mensahe niya.

Sey naman ni Direk Michael Tuviera, Presidente at CEO ng APT Entertainment: “Our production team has worked tirelessly to ensure that season 5 brings something new and exciting to the table. We’ve put in the effort to create unforgettable moments that will truly make this season stand out.”

Mula naman sa Cignal’s First Vice President/Head of Channels at Content Management na si Sienna G. Olaso na sobrang saya sa pagbabalik ng game show, “Because this format truly stands out. It’s not just fun, it’s an experience filled with entertainment, laughter, and surprises — and we’re grateful that our viewers continue to enjoy and support it.”

Mapapanood na ang Emojination Season 5 sa May 17 (Sabado), 5:30 p.m. sa TV5 — at may same-day catch-up sa BuKo Channel ng 8:00 p.m..

The post Maja Salvador balik trabaho na, miss na miss ang pag-arte pero bet munang mag-hosting appeared first on Bandera.

REVIEW: ‘Black Bag’ hindi lang tungkol sa espiya, kundi pelikulang may puso rin

$
0
0
REVIEW: ‘Black Bag’ hindi lang tungkol sa espiya, kundi pelikulang may puso rin

PHOTO: Courtesy of Ayala Malls Cinemas

LALONG magpapainit ngayong summer ang spy film na pinamagatang “Black Bag” mula sa award-winning director na si Steven Soderbergh.

Pinagbibidahan ito ng power duo na sina Michael Fassbender at Cate Blanchett at showing na exclusively sa Ayala Malls Cinemas!

Napanood na namin ang pelikula at tinitiyak namin na hindi lang ito puro barilan at tungkol sa pagiging tapat sa bayan.

May dala din itong matinding hugot tungkol sa pag-ibig, tiwala, at katapatan pagdating sa asawa.

Baka Bet Mo: LIST: Mga pelikula sa Mayo na may sari-saring kwento at aksyon

Yes, yes, yes mga ka-BANDERA, spy movie ito…pero may puso! 

Ang kwento ay umiikot kay George Woodhouse, isang top-level British intelligence officer sa National Cybersecurity Center. 

Maganda ang takbo ng kanyang karera, ngunit susubukin ang kanyang katapatan hindi lang sa bayan kundi pati na rin sa kanyang asawa na si Kathryn St. Jean, na kapwa niya rin ahente.

Ang twist? Biglang nabunyag na may “mole” o espiya sa loob ng kanilang organisasyon, at isa si Kathryn sa limang pangunahing suspek!

Mula rito ay magsisimula ang tensyon, hinala, at pagsubok sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Bagamat hindi ito kasing intense ng ibang spy films pagdating sa barilan o habulan, binabawi ito ng “Black Bag” sa lalim ng emosyon at aral tungkol sa tiwala, komunikasyon, at pagmamahalan sa gitna ng pagdududa.

Maliban kina Michael at Cate, tampok din sa “Black Bag” sina Rege ́-Jean Page, Marisa Abela, Naomie Harris, Tom Burke, at Pierce Brosnan.

The post REVIEW: ‘Black Bag’ hindi lang tungkol sa espiya, kundi pelikulang may puso rin appeared first on Bandera.

Lani Misalucha game na game pa ring mag-concert kahit hindi na masyadong nakakarinig

$
0
0

Lani Misalucha game na game pa ring mag-concert kahit hindi na masyadong nakakarinig

BALIK entablado ang tinaguriang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha para sa 40th anniversary concert niyang may pamagat na “Still, Lani” na gaganapin sa The Theater at Solaire sa August 21.

Tiyak na sold-out concert ito produced by Backstage Entertainment, isang dibisyon ng Backstage Manila, at pinangunahan ng mga producer na sina Nate Quijano at Cris Mananquil, ang konsiyerto ay pinangunahan ng direktor na si Calvin Neria.

Ang direksyon sa musika naman ay pinamumunuan ni Toma Cayabyab, anak ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika na si Ryan Cayabyab, na gumagabay sa isang 40 pirasong orkestra.

Bagama’t may iniindang disability dahil hindi na siya gaanong nakaririnig ay hindi naman ito gaanong nakakaapekto sa kanyang pagkanta.

Baka Bet Mo: Bong ibinandera ang 37 years na pagsasama nila ni Lani bilang mag-asawa: ‘Imagine, ang tagal na niyang nagtitiis!’

Limang taon na ang nakararaan nang sabay silang nagkasakit ng asawang si Noli Misalucha ng Bacterial Meningitis.

“Nagkaroon kami ng bacterial meningitis noong October 2020, ang effect nu’ng bacterial meningitis na ‘yun was deafness, vestibular disorder. And vision mo, gumagalaw consistently, and meron din ang tinnitus. So, for a while, hindi ko talaga nakayanang kumanta,” sey ni Lani.

Lani Misalucha game na game pa ring mag-concert kahit hindi na masyadong nakakarinig

Ang effect naman daw sa asawa niya ay apektado ang mata at tenga.

Chika niya pa, “You are consistently nahihilo, as in dizzy. Like dizzy and gumagalaw ‘yung vision. As in hanggang ngayon, ganun pa rin ang condition namin.

“And then we’re partially deaf. Sa right ear. So, it was really a difficult time for me because siyempre naman, singer ako, and mahirap ‘yung pandinig. I went through that phase wherein… should I say nagkaroon ng depression?

“I don’t know if I’m going to admit it. I don’t know if it was actually depression nga ‘yung naramdaman ko. Pero ano, e, mahirap i-describe. Na parang ayaw mo nang kumilos. Number one, ayaw mong kumilos physically. At ayaw mo nang kumilos because the minute na gumalaw ka, e, nakakahilo talaga. Sa totoo lang.

“Number two, you don’t want to socialize. You don’t wanna talk to people because yung hearing namin nu’n was parang, feeling ko, should I use the word painful? Painful in a way because what we only hear was high frequency. High frequency. Ang mga taong nadidinig namin na nagsasalita lahat matinis, matalas, mataas.

“’Yun ang pandinig naming mag-asawa. So, imagine-in nyo, you’re talking to a person with low base C voice, pero ganun pa rin ang pandinig mo sa kanya. Parang Donald Duck ganun ‘yung pandinig namin nu’ng mga first six months, I guess.”

Ang maganda naman kina Lani at asawa niya ay nakikilala nila ang boses ng mga kakilala nila.

“Nare-recognize na namin kung boses ni ganito ‘yan. So, ‘yung part na ‘yun, I think, we got better. But the hearing, parang hindi. Yung deafness, parang hindi. Until now, it’s pretty much the same. ‘Yung right ear.

“Yung sa husband ko, almost 90 percent hindi na nakakarinig yung right ear niya. Ako naman, almost ganun din, hindi na ito nakakarinig. It only absorbs very loud sound but it’s distorted,” saad pa ng mang-aawit.

Aminadong nakaapekto ito sa pagkanta ni Lani.

“It did affect my singing! So, nangyari yun noong 2020, and then 2021 talagang struggle. Struggle talaga. Parang I was like a child again trying to train myself and teach again myself to sing in this current situation. In this current kalagayan,” pagtatapat nito.

At paano nalaman ang sakit na dumapo sa mag-asawa, “From the lumbar tap, nakita na nila exactly kung ano ‘yung klaseng bacteria, which is Streptococcus suis. Suis, meaning swine. So the bacteria came from baboy, OK.

“Now, kaming mag-asawa, hindi kami kumakain ng baboy, OK. The only thing that we recall that week, Tuesday, we went to a restaurant.

“Kasi nung time na ‘yun, kasi Oktubre na, unti-unti nang nagbubukas ang restaurant nun, ‘di ba? And then half capacity lang, o 50 percent lang ang capacity ng restaurant.

“So, we went to this particular restaurant, hindi ko na sasabihin kung saan. We were there, kaming dalawa, and I believe there was another table. Two ladies, I think.

“So that was a Tuesday. Bumalik na kami ng condo after that. And then siyempre Wednesday, may kinain pa rin kami. And then, wala na.

“Thursday, wala na, ‘yun na. Inatake na kami ng high fever, body pains, severe headache. Severe headache. And then to make it short, sabi nga daw nila, naka-ingest kami ng bad meat. So,’ yun na ‘yung nag-ravel sa buong katawan namin, especially of course sa brain.

“Yun ang nag-destroy sa amin, ‘yung particular na bacteria na yon na nakain namin. Sinabi ng infectious disease doctor na zoonotic ang particular na bacteria na yon.

“So, puwede siyang galing sa baboy, nag-transfer sa another kind of meat, or puwedeng contamination.

“They probably used kitchen utensils and then put it down sa anong tawag mo dun na nag-touch sa gulay, and then na-transfer yung bacteria sa gulay,” pagtatapat ni Lani.

Sabi naman ng publicist ng show na si Jemuel Salterio ll ay may gadget na gagamitin si Lani sa “Still, Lani” concert para sa tenga niya.

Samantala, sa nasabing concert ay hindi mawawala ang signature songs ni Lani tulad ng “Tunay Na Mahal,” “Bukas Na Lang Kita Mamahalin,” “Tila,” “You Don’t Own Me,” “Malaya Ka Na,” and “Ikaw Lang ang Mamahalin” na naging national anthem ng mga Pinoy hanggang sa ibang bansa.

The post Lani Misalucha game na game pa ring mag-concert kahit hindi na masyadong nakakarinig appeared first on Bandera.

Arjo Atayde inendorso ng Iglesia Ni Cristo sa muling pagtakbo sa kongreso

$
0
0
Arjo Atayde inendorso ng Iglesia Ni Cristo sa muling pagtakbo sa kongreso

Arjo Atayde at Maine Mendoza

MULING inendorso ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang kandidatura ni Arjo Atayde na tumatakbong kongresista sa 1st District ng Quezon City para sa ikalawa niyang termino.

Isa si Arjo sa mga celebrity at public servant na kumakandito ngayong 2025 midterm elections na nakakuha ng suporta mula sa INC.

Ibinandera ng premyadong aktor ang kanyang pasasalamat sa lahat ng opisyal at miyemrbo ng Iglesia Ni Cristo, “Lubos po ang aking pasasalamat muli sa tiwalang ipinagkaloob ng mga Kapatid sa Iglesia Ni Cristo, lalo na kay Ka Eduardo V. Manalo.

“Ang inyong suporta ay inspirasyon namin upang ipagpatuloy ang tapat at maagap na serbisyo para sa bayan. Sama-sama tayong kikilos, aksyon agad,” pahayag ng anak ng award-winning actress at film producer na si Sylvia Sanchez.

Matapos ang tatlong taong paninilbihan sa kanyang mga constituents sa unang distrito ng Quezon City, muling tumatakbo ang husband ni Maine Mendoza para sa kanyang second term.

Naka-focus pa rin ang kanyang plataporma sa “employment, health care, education, and food security.” Nangako si Arjo na patuloy ang kanyang commitment “to sustain his ongoing projects, fulfill his legislative duties, and continue delivering honest public service” in Quezon City’s first district.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde)


Nu’ng umupo si Cong. Arjo noong Hulyo, 2022 ay nag-file na agad siya ng anim na panukalang-batas kabilang na ang The Eddie Garcia Bill katuwang ang kapwa kongresistang si Christopher de Venecia.

Dumiretso ito sa senado na inaprubahan din kaagad at pinirmahan ni Presidente Bongbong Marcos, Jr. noong Mayo, 2024 kaya naging ganap na itong Batas Republic Act 11996.

Ang nasabing batas ay tumatalakay sa iba’t ibang regulasyon para maisaayos ang oras ng trabaho, suweldo, kaligtasan sa lugar ng trabaho sa entertainment industry. Narito ang ilan pa sa mga nagawa ng kongresista.

*11,498 workers assisted through the TUPAD emergency employment program

*1,500 applicants connected to overseas jobs through the Taiwan Job Fair

*1,100 residents trained under TESDA and other livelihood initiatives

* 245 small entrepreneurs supported with ₱15,000 in capital via the Sustainable Livelihood Program

*60 dialysis patients a day receiving free treatment at the district’s new facility

*75,466 individuals provided with medical assistance

*4,598 students receiving CHED educational aid, and 1,410 scholars supported under Tulong Dunong and SMART

*132,567 families benefiting from the Rice Distribution Program

* 65,300 residents receiving free meals through Kusina on Wheels

*64,000 families given Pamaskong Handog during the holiday season

*7,789 families aided after fires and 3,501 families provided with burial assistance

*40,684 individuals extended financial assistance for various needs

Sabi ni Arjo, “On education and youth development, he shared that sa pamamagitan ng CHED Educational Assistance, 4,598 mag-aaral ang nabigyan ng suporta para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, a total of
P2,817,000 in cash allowance ang naipamahagi sa 929 senior high school students sa ilalim ng Tulong Eskwela Program.”

Tumatakbo si Arjo sa ilalim ng Team Aksyon Agad kasama si Quezon City Mayor Joy Belmonte at anim na konsehal na nakakuh rin ng endorses ng INC.

The post Arjo Atayde inendorso ng Iglesia Ni Cristo sa muling pagtakbo sa kongreso appeared first on Bandera.


Benhur Abalos una sa Senate bets, malaki ang itinaas sa SWS survey

$
0
0
- [ ] EXCLUSIVE: Dia Maté update on Reina Hispanoamericana, future plansBenhur Abalos una sa Senate bets, malaki ang itinaas sa SWS survey

PHOTO: Facebook/Benhur Abalos

NANGUNA si dating Interior Secretary Benhur Abalos sa hanay ng lahat ng kandidato sa pagka-senador na may pinakamalaking pagtaas sa Social Weather Station (SWS) survey.

Sa resulta ng pinakabagong survey, na isinagawa noong May 2 hanggang 6, pitong porsiyento ang inangat ni Abalos.

Sa nakuha niyang 24%, dumikit na si Abalos sa “Magic 12 Circle” ng mga kandidato.

Baka Bet Mo: Vice Ganda binatikos dahil sa pag-endorso kay Benhur Abalos

Kasabay ng naturang survey ang pag-endorso sa kanya ni dating Vice President Leni Robredo at TV host Vice Ganda.

Sa SWS survey, nasa ika-10 hanggang ika-20 puwesto si Abalos.

The post Benhur Abalos una sa Senate bets, malaki ang itinaas sa SWS survey appeared first on Bandera.

Umiigting ang huling paghabol ni Kiko Pangilinan para sa pagkapanalo sa Senado

$
0
0
Umiigting ang huling paghabol ni Kiko Pangilinan para sa pagkapanalo sa Senado

PHOTO: Facebook/Kiko Pangilinan

NANINIWALA si dating senador at kandidato sa pagka-senador na si Kiko Pangilinan na ang kanyang huling bugso ng kampanya ang magtutulak sa kanya upang makakuha ng inaasam na puwesto sa Senado sa darating na halalan sa May 12.

Habang nakatayo sa ibabaw ng isang pick-up truck na ginawang pansamantalang entablado sa harap ng Ilocos Sur Provincial Capitol noong Huwebes, Mayo 8, ipinaliwanag ni Pangilinan kung paanong nasa 20 porsyento ng mga botante ang nagdedesisyon lamang kung sino ang iboboto sa mismong araw ng halalan.

“Walang bibitiw. Tuloy-tuloy ang pagkukumbinsi. Sa totoo lang, base rin sa research hanggang 20% po ng botante hanggang sa araw ng halalan hindi pa magde-decide. Doon na lang sa araw ng halalan sasabihin, ‘Teka nga muna, sino nga ba ang ating senador?’,” sey ni Pangilinan.

“Kaya kinakailangan puntahan pa sila, mag-marites na wag maniwala sa kasinungalingan. Doon lamang sa katotohanan,“ dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Frankie Pangilinan nanawagan sa lahat ng mayor na suportahan si Kiko

Sa nalalabing dalawang araw ng campaign period, magsasagawa si Pangilinan ng sunud-sunod na kampanya sa Hilagang Luzon ngayong araw, simula sa Ilocos Sur, kung saan aniya ay palagi siyang nananalo sa tuwing siya’y tumatakbo bilang senador.

“Pito hanggang walo ang naglalabanan sa huling tatlo o apat na slot kaya sabi nga nila, it’s neck-and-neck at dahil neck-and-neck, pwe-pwede pa ba na tuloy-tuloy pa natin ’yung pagkukumbinsi dito sa Vigan, dito sa Ilocos Sur?” tanong niya sa kanyang mga tagasuporta.

Tumakbo si Pangilinan sa plataporma ng food security at pagpapababa ng presyo ng pagkain, at plano niyang higit pang paigtingin ang kampanya sa natitirang mga araw bago ang halalan.

Ang kanyang caravan sa Luzon ay dadaan sa Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan ngayong Mayo 8, bago tumuloy sa Tarlac at Pampanga sa Mayo 9, at magtatapos sa Bulacan at Quezon City sa Mayo 10, ang huling araw ng campaign period.

The post Umiigting ang huling paghabol ni Kiko Pangilinan para sa pagkapanalo sa Senado appeared first on Bandera.

Intense scenes ng ‘Incognito’ sa Japan inaabangan; MTRCB nakilahok sa Cine Expo 2025

$
0
0

Intense scenes ng 'Incognito' sa Japan inaabangan; MTRCB nakilahok sa Cine Expo 2025

“PARANG painting ‘yung mga kuha sa ‘Incognito,’ yung nasa yelo sila,” ito ang komentong narinig namin sa isang showbiz event na dinaluhan namin.

Nagkita kami ng kilalang TV-movie executive at tuwang-tuwang binanggit na avid viewer siya ng “Incognito” nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, Anthony Jennings, Maris Racal, at Daniel Padilla.

“Nakikita ko ‘yung mga post mo pag nanonood ka ng ‘Incognito,’ ako rin, grabe ang ganda-ganda. Updated ako, ah,” sabi sa amin.

Napangiti kami dahil may ibang programa naman din na napapanood sa network nila ay ang seryeng ito ang nasambit.

Kapag nakakapanood kasi kami ng “Incognito” ay pino-post namin sa aming Facebook account ang cast o guest star na maganda ang performances sa particular na episode at nababasa raw ito ng nasabing TV-movie executive na agree rin naman siya.

Baka Bet Mo: Daniel, Anthony nagpakajologs; Jane de Leon pak na pak magkontrabida

At dahil Incognito ang topic ay nabanggit nga ng kasamahan namin ang mga episodes na napanood niya na mahirap ang tapings dahil mahirap makipaghabulan sa yelo.

Ito raw pala ‘yung kinukuwento ng cast sa nakaraang midterm presscon na ginanap sa Seda Hotel last month na hindi madaling mag-shoot sa Japan kapag winter season.

“In fairness ha, hindi nasayang ang kwento kay Baron kasi hindi siya nakasama sa Japan, ‘yun pala may sarili siyang kwento o pinagdadaanan sa Baguio, ha, ha,” chika sa amin.

Bina-blackmail kasi si Baron ng mga nakapatay sa dating partner na si Adrian Alandy ng asawa niyang si Yesh Burce.

Pinalalabas na siya ang nakapatay at kumuha ng P20 million kaya pinababayaran sa kanya.

Dating militar si Baron as Miguel Tecson kaya may hinala siyang pinaiikot siya ng grupong gustong pumatay sa kanya at pamilya niya, ang ending ay siya ang nakaisa sa lider dahil tinurukan niya ito ng gamot na unti-unti nitong ikamamatay.

Sabi pa ng aming kausap, “Alam mo palaisipan ang role ni Ian (contractor). ‘Di ba siya ang taga-utos ng kontraks kung ano ang gagawin, hindi kaya ang ending siya pala ‘yung kaaway?”

Make sense baka nga kaya laging late dumating kapag tapos na ang trabaho ng kontraks para wala na siyang dadatnan at hindi siya makilala kung sino ang mga nakasagupa ng grupo niya.

Anyway, kaabang-abang mamayang gabi ang sagupaan ng subject ng Kontraks at ng mga kalaban nitong grupo sa Japan at kung totally ma-e-eliminate na ni Baron ang buong sindikato na naghahabol sa kanya.

Handog ng Star Creatives at Studio Three Sixty ang “Incognito” na napapanood sa Kapamilya channel, iWantTFC, TV5, A2Z at cable channel mula sa direksyon nina Lester Pimentel Ong, Ian Lorenos at Wang Yan Bin.

***

Umabot sa 12,000 na materyal ang nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), ngayong buwan ng Abril 2025.

Kabilang diyan ang 11,097 na materyal mula sa TV programs, 676 mula sa plugs at trailers na pang-telebisyon at pelikula, 123 na publicity materials at 39 na pelikula.

Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang mahalagang papel ng Ahensya sa patuloy na paglago ng teknolohiya at media.

“Ang lahat ng angkop na klasipikasyon na ibinibigay sa mga materyal ay isang hakbang tungo sa pagtataguyod ng responsableng panonood.

Baka Bet Mo: Anthony Jennings, Maris Racal mabenta sa mga senior; lola nahilig sa bakbakan

“Ating tinitiyak sa publiko na ang Board ay nananatiling aktibo sa lahat ng palabas sa telebisyon at pelikula.” Sa unang tatlong buwan ng 2025, naklasipika ng MTRCB ang 70,000 materyal. Ito’y patunay sa masidhing dedikasyon ng 31 Board Members upang matiyak na ang mga materyal ay ligtas panoorin ng pamilyang Pilipino,” sey ni Chair Lala.

***

Bilang ahensya na may hurisdiksyon sa pelikula at telebisyon sa bansa, aktibong nakilahok ang MTRCB sa isinagawang Cine Expo 2025 na inorganisa ng Cinema Exhibitors Associationof thePhilippines (CEAP) nitong March 5 to 6 sa Quezon City.

Sa talumpati ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa ikalawang araw ng programa, sinabi niyang “walang tuntunin ang makakapagpalit sa responsibilidad,” at ibinida ang patuloy na pagsisikap ng Board sa pagtataguyod ng ligtas na panoorin sa pamamagitan ng pangunahing programa ng MTRCB—ang Responsableng Panonood (RP).

“Ang ating RP program ay isang aksyon para maitaguyod sa mga magulang ang kaalamansa paggamit ng media, paghihikayat sa tamang pagpili ng panoorin, at co-regulationsaating mga stakeholders,” sambit ni Sotto-Antonio sa mga producers, direktor, distributors, artista, at cinema operators.

Dagdag pa niya, na ang sentro ng RP ay ang salitang “PROTECT” na ang kahuluganay:

P – pagbibigay ng patnubay tungkol sa mga angkop na palabas

R – regulasyon sa oras ng panonood;

O – obserbahan at makiisa sa panonood kasama ang pamilya;

T – turuan sila ng media literacy;

E – educate o imulat ang mga bata sa mabuti at masamang epekto ng media;

C – create o gumawa ng tamang plano sa oras ng panonood ng pamilya;

T – tanggapin at magsilbing mabuting halimbawa sa responsableng panonoodat paggamit ng media. Ibinahagi din niya ang apat na pangunahing inisyatibo ng programang RP: ang RP Seminars; RP Pulong; Responsableng Paglikha; at, Responsableng Paggabay.

“Isang karangalan din na ibahagi sa inyo na ang ating MTRCB Responsableng Panonoodprogram ay tumanggap ng papuri mula sa iba’t ibang bansa at ang ilan sa kanilaaynagpahiwatig ng interes na ipatupad ang RP sa kani-kanilang mga bansa,” wika ng MTRCB chair.

Bukod diyan, iprinisenta rin ni Lala ang ilang mga hakbang ng Board para mapagtibayangmandato nito at makasabay sa nagbabagong pangangailangan ng industriya ng paglikha.

Ipinakilala rin niya ang bagong modernong inisyatibo ng ahensya, ang MTRCB Mobile Application.

Inimbita rin ni Sotto-Antonio ang lahat na makibahagi sa selebrasyonngMTRCB para sa ika-40 taong anibersaryo sa darating na October 2025.

“Sa loob ng apat na dekada, tayo ay nanatiling kakampi at nakatindig sa tabi ng atingmgakasama sa industriya ng paglikha. Ang ating misyon ay nananatili na pagseserbisyo para sa bayan serbisyo para sa pamilyang Pilipino, pagsuporta sa industriya ng pelikula at telebisyon, at pagpapahalaga sa kultura at kaugaliang Pilipino,” wika niya.

Sa loob ng dalawang araw na Cine Expo, namahagi ang Board ng mga Information and Education Campaign (IEC) materials at nagbigay ng serbisyo kabilang ang pagsagot samga katanungang may kinalaman sa rehistrasyon at angkop na klasipikasyon.

Ang mga pagsisikap na ito ng Board ay sumasalamin sa dedikasyon ng gobyernonagabayan at suportahan ang industriya ng telebisyon at pelikula.

Nagpasalamat naman ang mga opisyal ng CEAP sa patuloy na paggabay at pagsuporta ng MTRCB sa industriya ng paglikha at kanilang kinilala ang mandato nito na magbigay ng angkop na klasipikasyon sa lahat ng materyal habang aktibong sinusuportahanat gumagawa ng mga hakbang para mapaunlad ang pelikulang Pilipino.

The post Intense scenes ng ‘Incognito’ sa Japan inaabangan; MTRCB nakilahok sa Cine Expo 2025 appeared first on Bandera.

Kilalanin si Robert Francis Prevost: Ang unang Amerikano na naging Santo Papa

$
0
0
Kilalanin si Robert Francis Prevost: Ang unang Amerikano na naging Santo Papa

Pope Leo XIV

SABAY-SABAY nating kilalanin si Pope Leo XIV o si Robert Francis Prevost sa tunay na buhay, ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Magugunita nitong Biyernes, May 9 (Manila time), nang bumandera sa publiko ang bagong pope matapos lumabas ang puting usok mula sa Chimney ng Sistine Chapel ng Vatican City.

Siya ang pumalit kay Pope Francis na sumakabilang-buhay sa edad 88 dahil sa naging komplikasyon sa kalusugan.

Si Pope Leo ay ipinanganak sa Chicago noong September 14, 1955 at siya ang unang Santo Papa na nagmula sa Estados Unidos.

Baka Bet Mo: PBBM sa pakikipaglibing kay Pope Francis: ‘It’s a quiet tribute from Pinoys’

Sa kabila ng kanyang pinagmulan, ipinakita ni Pope Leo ang kanyang malalim na ugnayan at malasakit sa Latin America, kung saan siya ay naglingkod sa loob ng maraming taon bilang misyonero at lider. 

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Prevost ay na-ordena bilang pari ng Order of St. Augustine noong 1982.

Nagkaroon siya ng missionary work sa Peru mula 1985 hanggang 1998.

Nagsilbi rin siya bilang Provincial of the Augustinian Province in Chicago mula 1999 hanggang 2001, bago maging Prior General of the Order of Saint Augustine mula 2001 to 2013.

After niyan ay naging Apostolic Administrator siya ng Diocese of Chiclayo, Peru from 2014 to 2015, at itinalagang Bishop ng Chiclayo, Peru simula 2015 hanggang 2023.

Pagdating ng 2023 hanggang 2025, siya ay napiling President of the Pontifical Commission for Latin America at Prefect of the Dicastery for Bishops.

Sinabi rin ng CBCP na dalawang dekada ang naging serbisyo ni Prevost sa Latin America kaya nakakuha siya ng malakas na suporta mula sa mga cardinals ng nasabing rehiyon.

“He is multilingual and has a reputation as a listener. He will carry forward the legacy of Pope Francis. The Holy Spirit continues to surprise us,” pagbabahagi pa ng CBCP sa ulat ng INQUIRER.

Ani pa, “By picking the name Leo XIV, he shows he is committed to the social teaching of the church, which was made foundational by his predecessor Leo XIII.”

The post Kilalanin si Robert Francis Prevost: Ang unang Amerikano na naging Santo Papa appeared first on Bandera.

Ana Feleo ibinandera ang bonggang 72-pound weight loss: Importante consistency!

$
0
0
Ana Feleo ibinandera ang bonggang 72-pound weight loss: Importante consistency!

PHOTO: Instagram/@anagfeleo

MAY bago tayong “fitspiration” mga ka-BANDERA!

Nagbigay inspirasyon si Ana Feleo sa maraming followers matapos ibandera ang nakakabilib niyang weight loss journey.

Ang timbang na nabawas sa kanya? 72 pounds!

Sa ilang Instagram posts, pinatunayan ng aktres na kayang-kaya ang pagpapa-sexy o pagpapapayat basta’t may tiyaga at determinasyon.

Baka Bet Mo: Derrick Monasterio mas handa nang sumabak sa matitinding role dahil sa pa-workshop ni Ana Feleo

Buong tapang pa nga niyang ipinakita ang before-and after photo ng kanyang transformation.

“72 lbs lost,” bungad niya.

Caption pa niya, “Ashamed to post this, but posting it anyway to remind myself of all the hard work I’ve put in to fight for my health— mentally, physically and emotionally.”

“It’s an ongoing journey, pero kaya,” wika pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ana Guillen Feleo (@anagfeleo)

Sa isa pang post, ipinasilip ni Ana ang kanyang masarap, pero healthy na pagkain.

“High protein-low carb is an enjoyable lifestyle kung maparaan ka,” sey niya sa IG, habang ipinapakita ang kanyang healthy meal, kabilang na ang air-fried Indian chicken, homemade coffee na zero carbs at may cream, at isang hard-boiled egg. 

“Ito talaga ang nag stick sa aking lifestyle diet kasi ito ang kaya kong i-sustain and nakakatulong sa akin na hindi ako mag crash and magka hunger pangs while working, singing and teaching the whole day,” chika niya.

Aniya pa, “Basta you do YOU. Importante consistency.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ana Guillen Feleo (@anagfeleo)

Sa comment section, maraming kapa-celebrities ang napa-wow sa pagiging fit ni Ana.

“You should be so proud of the work that you’ve put in to get to where you are now. Inspiring! [red heart emoji]” komento ni Iza Calzado na kilala rin sa kanyang sariling wellness journey.

Ilan pa sa mga bumilib ay sina Marian Rivera, Arlene Muhlach, Rabiya Mateo, Rodjun Cruz, Jak Roberto, at marami pang iba.

The post Ana Feleo ibinandera ang bonggang 72-pound weight loss: Importante consistency! appeared first on Bandera.

Cardinal Tagle nagpasalamat sa mga sumuporta sa Conclave

$
0
0

Cardinal Tagle nagpasalamat sa mga sumuporta sa Conclave

THANKFUL si Cardinal Luis Antonio Tagle sa lahat ng mga nagtiwala sa kanila sa naganap na papal conclave noong May 7, 2025.

Sa nagdaang press conference noong Biyernes, May 9, kasama ang dalawa pang Pilipinong cardinal na sina Cardinal Jose Advincula at Cardinal Pablo David ipinaliwanag nila na iba ang paraan ng pagpili sa bagong Santo Papa sa eleksyon kahit na parehas itong idinadaan sa pagboto.

Lahad ni Cardinal Tagle, “When it comes to the ministry of the Church ang criteria, yung approach hindi tulad ng nangyayari sa mundo. ‘Pag sinabing we rely on the Holy Spirit ang pagpili through prayer, disiplinado dapat aming lahat na hindi isipin o magpadala na ‘kandidato ba ako?’

“Yung internal discipline ay kailangan kundi baka kainin ka rin. Walang kandidato para i-promote ang sarili mo, ang kababayan mo.”

Baka Bet Mo: Cardinal Tagle kay Pope Leo XIV: ‘Very human, very humble, but very discerning’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nagulat rin si Tagle dahil hindi niya inakala na marami ang nakakita ng potensyal niya para maging Santo Papa.

“Maraming salamat sa mga parang nagtiwala sa amin, ewan ko kung anong nakita n’yo sa amin na pwede kaming posibleng maging Papa.

“Ako ‘pag tinitignan ko ang sarili ko parang hindi ko maisip yun eh. Kung may nakakaisip ng ganoon, maraming salamat,” dagdag pa ni Tagle.

Matatandaang isa ang cardinal sa mga naging matunog na pangalan sa mga posibleng italaga bilang bagong Santo Papa matapos itong mabakante dahil sa pagpanaw ni Pope Francis sa edad na 88 noong April 21 dahil sa kanyang sakit.

The post Cardinal Tagle nagpasalamat sa mga sumuporta sa Conclave appeared first on Bandera.

Camille Villar kumikinang ang kampanya sa Bukidnon sa suporta nina Zubiri at Gov. Roque

$
0
0

Camille Villar kumikinang ang kampanya sa Bukidnon sa suporta nina Zubiri at Gov. Roque

TILA lalo pang tumitibay ang kampanya ni senatorial candidate Camille Villar sa Mindanao matapos siyang suportahan ng dating Senate President Juan Miguel Zubiri at Bukidnon Governor Oneil Roque nitong Huwebes, May 8.

Nagpahayag ng pasasalamat si Villar sa mga lider at mamamayan ng Bukidnon, na aniya’y mahalaga sa nalalapit na halalan sa Lunes.

“Daghang salamat Senator Migz Zubiri, Governor Oneil Roque, at sa lahat ng lokal na opisyal ng Bukidnon sa inyong mainit na pag suporta. Ang inyong malasakit at pagtutulungan sa inyong lalawigan ay isang tunay na inspirasyon para sa akin,” sey ni Villar.

Baka Bet Mo: Camille Villar isinusulong ang ‘mental health’ sa pagtatapos ng kampanya

Bilang tugon sa ipinakitang tiwala, nangako si Villar na isusulong ang mga proyektong makikinabang ang Bukidnon sakaling mahalal siya sa Senado.

Si Camille Villar ay may 15 taong karanasan sa pamahalaang lokal at korporasyon.

Ang kanyang mga adbokasiya ay nakatuon sa gender equality, women empowerment, mental health, financial literacy, pagsuporta sa maliliit na negosyo (SMMEs), pabahay, at edukasyon.

The post Camille Villar kumikinang ang kampanya sa Bukidnon sa suporta nina Zubiri at Gov. Roque appeared first on Bandera.


Pamilya Villar nagpakitang-gilas sa motorcade sa Las Piñas

$
0
0

Pamilya Villar nagpakitang-gilas sa motorcade sa Las Piñas

ISANG makulay na pagpapakita ng pagkakaisa at lakas ang naging tampok sa isinagawang motorcade ng Pamilyang Villar nitong Biyernes ng umaga, May 9.

Makikitang nakiisa rin diyan sina dating Senate President Manny Villar at Senador Mark Villar sa kampanya nina senatorial candidate Camille Villar at muling tumatakbong Kinatawan Cynthia Villar sa Barangay BF International-CAA.

Libo-libong taga-suporta ang nagtipon sa kahabaan ng mga kalsada ng isa sa pinakamalaking barangay sa Las Piñas upang ipakita ang kanilang suporta sa Pamilyang Villar, na matagal nang aktibo sa politika ng lungsod.

Baka Bet Mo: Camille Villar inendorso ni Isko Moreno sa Kampanya sa Manila

Nagsilbi rin ang motorcade bilang lokal na kampanya at pambansang pagpapakilala para kay Camille Villar, isang millennial na kandidato sa pagka-senador na patuloy ang pag-angat sa survey.

Nagbigay din ng dagdag na kasikatan sa aktibidad ang aktres at TV host na si Mariel Rodriguez, na tahasang nagpahayag ng suporta sa kampanya ng mga Villar.

Pinagtibay ng nasabing motorcade ang matibay na impluwensya ng Pamilyang Villar sa Las Piñas at ang patuloy nilang lakas sa lokal at pambansang pulitika habang papalapit ang araw ng halalan.

The post Pamilya Villar nagpakitang-gilas sa motorcade sa Las Piñas appeared first on Bandera.

Camille Villar wagi sa malawak na suporta sa Davao Occidental

$
0
0

Camille Villar wagi sa malawak na suporta sa Davao Occidental

TUMATANGGAP ng mainit na suporta si millennial senatorial candidate Camille Villar sa Davao Occidental, kasunod ng matibay na pag-endorso ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte.

Sa isinagawang meet and greet nitong Huwebes, May 8, sa Tabat Gym sa Malita, sinalubong si Villar ng mga barangay officials, solo parents, tricycle drivers at operators, senior citizens, at mga kabataan mula sa iba’t ibang sektor ng lalawigan.

Ipinahayag nina Davao Occidental Lone District Representative Claude Bautista at DUMPER Partylist Representative Claudine Diana Bautista-Lim ang kanilang pagsuporta sa kandidatura ni Villar sa Senado.

Baka Bet Mo: Pamilya Villar nagpakitang-gilas sa motorcade sa Las Piñas

Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Villar ang kanyang dedikasyon sa pagsusulong ng mga batas at programang tumutugon sa kanyang mga adbokasiya tulad ng pagpapaunlad sa kababaihan, pabahay, edukasyon, mental health, pagkakapantay-pantay ng kasarian, financial literacy, at pagsuporta sa maliliit at katamtamang negosyo (SMMEs).

“Nagpapasalamat po ako sa mainit ninyong pagtanggap,” sey ni Villar.

Aniya pa, “Sa panahon na maraming batikos ang kinakaharap, napakalaking bagay po ng inyong ipinakitang suporta at pagmamahal.”

Dagdag pa ni Villar, ang pagmamalasakit ng mga taga-Davao Occidental ang nagsisilbing inspirasyon niya upang ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya, at nangakong ibabalik niya ito sa pamamagitan ng buong suporta sa kanilang mga pangangailangan.

The post Camille Villar wagi sa malawak na suporta sa Davao Occidental appeared first on Bandera.

PBBM kay Pope Leo XIV: May he continue to bring Church closer to poor, disadvantaged

$
0
0
PBBM kay Pope Leo XIV: May he continue to bring Church closer to poor, disadvantaged

President Bongbong Marcos, Pope Leo XIV

NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Bongbong Marcos para kay Pope Leo XIV.

Sa isang Facebook post, sinabi ng pangulo na ipinagdadasal niya na ipagpatuloy ng bagong Santo Papa ang pagiging close ng Simbahang Katolika sa mga mahihirap.

“On behalf of the Philippines, I congratulate Cardinal Robert Francis Prevost of the United States on his election as the successor of Pope Francis and leader of the 1.4 billion-strong Catholic Church,” bungad niya.

Ipinahayag din ng pangulo ang kanyang pag-asa na magsilbing inspirasyon sa mga Katoliko ang kauna-unahang Amerikanong Santo Papa.

Baka Bet Mo: Cardinal Tagle kay Pope Leo XIV: ‘Very human, very humble, but very discerning’

“As the new pontiff, who took the papal name Leo XIV, ascends the Chair of St. Peter and assumes the mantle of Bishop of Rome, I pray that he will continue to bring the Church closer to the poor and disadvantaged,” dagdag pa ni Marcos.

Patuloy niya, “The Filipino people are also praying for the new pope’s strength and good health as he leads the faithful with grace, wisdom and compassion.”

“May his life and ministry inspire us to persevere in our daily walk with our Lord Jesus Christ,” aniya pa. 

Bago maging pope si Cardinal Robert Francis Prevost, ilang beses na siyang bumisita sa Pilipinas noong 2004, 2008, at 2010.

Siya ang ika-267th na Santo Papa ng Simbahang Katolika matapos pumanaw si Pope Francis sa edad 88 dahil sa stroke.

The post PBBM kay Pope Leo XIV: May he continue to bring Church closer to poor, disadvantaged appeared first on Bandera.

BINI bumandera sa IG ni Ariana Grande sa kabila ng isyung kinakaharap

$
0
0

BINI bumandera sa IG ni Ariana Grande sa kabila ng isyung kinakaharap

SUPER proud ang mga Blooms dahil sa pagkakabandera ng kanilang iniidolong girl group na BINI sa official Instagram page ng international singer na si Ariana Grande.

Nitong Sabado ng madaling araw, May 10, may mga screenshots ng Instagram post ni Ariana sa social media kung saan makikita ang girl group.

Marami sa mga tagasuporta ang thankful dahil sa kabila ng pinagdaraanang kontrobersiya ng tatlo sa mga miyembro ng BINI ay may positive pa rin na dumarating.

Sa naturang post ay makikitang ginagawa ng grupo ang trending na “Kim Seon-Ho smile” mula sa Korean series na “When Life Gives You Tangerines” kung saan featured ang kanyang kanta na “Supernatural”.

Baka Bet Mo: BINI Colet, Jhoanna, Stacey umaming nagkamali, humingi ng chance magbago

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa katunayan, mayroong separate video na si BINI Sheena lamang ang mapapanood na gumagawa ng trend.

Kaya naman hindi mapigilan ng mga Blooms ang maging proud sa walong miyembro sa kabila ng ibinabatong kotrobersya laban kina Colet, Stacey, at Jhoanna.

“Imagine, after nung issue biglang pinost ni ariana grande yung BINI sa IG nya, like. ‘there’s a rainbow always after the rain’ din talaga no?” saad ng isang Bloom.

Dagdag naman ng isa, “Maiiyak kanalang talaga sa tuwa sa biglang blessings.”

May iba pa rin na nag-akalang fake news ang mga kumakalat na screenshots ngunit nang i-check namin ang official account ni Ariana ay talaga na-feature ang BINI pati na rin ang ibang mga nakisali sa trend.

Para sa mga loyal Blooms, isa itong blessing at encouragement para sa grupo na magpatuloy sa kabila ng sandamakmak na natatanggap na bashing na dulot ng recent scandal na kinasangkutan nina Colet, Stacey, at Jhoanna.

Isang video kasi ang kumalat sa X (dating Twitter) kung saan mapapanood sina Ethan David at Shawn Castro na may ginagawang hindi kaaya-aya at maririnig ang tawanan ng tatlong girls.

Marami ang nainis at sinabing “enabler” ang tatlo sa BINI at “hypocrite” dahil taliwas ang kanilang naging gawi sa kanilang ina-advocate na women empowerment.

Samantala, naglabas na ng pahayag ang girl group at inako ang pagkakamali sa pangyayari.

Humingi rin ng pagkakataon at pag-unawa ang tatlo sa mga pangyayari.

The post BINI bumandera sa IG ni Ariana Grande sa kabila ng isyung kinakaharap appeared first on Bandera.

Roselle Monteverde tiwala kay Benhur Abalos, subok na sa serbisyo

$
0
0

Roselle Monteverde tiwala kay Benhur Abalos, subok na sa serbisyo

SA unang pagkakataon ay narinig naming mag-speech with conviction ang presidente ng Regal Entertainment na si Miss Roselle Monteverde sa nakaraang mediacon ng senatorial candidate na si Benhur Abalos.

Si Ginoong Benhur ang dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA bago nalipat sa Department of the Interior and Local Government o DILG.

At bilang dating MMDA chairman ay hawak din ni ginoong Abalos ang Metro Manila Film Festival o MMFF na taunang isinasagawa simula pa noong 1975.

Si ginoong Benhur Abalos ay malapit sa movie industry kaya halos lahat ng film producers at filmmakers isama pa ang mga artista ay kilala siya dahil ramdam nila ang malasakit nito sa showbiz.

Baka Bet Mo: Sharon super idol ni Roselle Monteverde, gagawa uli ng movie sa Regal?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kaya maiintindihan talaga ng nakararami kung bakit suportado siya ng movie industry kasama na ang pamilya Monteverde.

Nitong Biyernes ay isa si ginoong Benhur sa iprinisinta ng Regal Entertainment producers headed by Ms Roselle at anak nitong si Atty. Keith Monteverde kasama si Dondon Monteverde ng Reality Entertainment.

Bungad ni Ms Roselle, “Matagal na po siyang naninilbihan, noong dati pa sa MMDA at sa DILG at alam natin na kayang-kaya niyang gawin para sa buong bansa, para sa atin. Iboto natin si Benhur Abalos for the Senate.”

Say naman ni Atty Keith ay tatlong dekada siyang wala sa Pilipinas at nu’ng nakaraang taon lang siya bumalik para ipagpatuloy ang legasiya ng kanyang lol ana si Mother Lily Monteverde katuwang ang inang si Ms Roselle para pamahalaan ang Regal Entertainment.

Aniya, “I haven’t been in the Philippines for a long time now, but in that time, I’ve gotten to know him (Abalos), what he stands for and I know that he will do great things for our country.”

Sa pagpapatuloy ni Ms Roselle,“more than the industry, ang talagang may kailangan talaga ng tulong is ang buong bansa at iyon muna ang unahin natin.

“At naniniwala ako na si Sen Abalos ay subok na sa serbisyo. Subok na ‘yan sa maraming natulungan at nagawa noong siya pa ay mayor, chairman ng MMDA, ay saka DILG. At naniniwala ako sa kanyang kakayahan.

“Siya ang kailangan natin sa senado at siya talaga ang iboboto natin. Iboboto ko siya sa Lunes. Kaya mag-isip naman tayong mamamayan kasi kailangan na natin ng progreso. Napag-iiwanan na tayo ng maraming bansa sa Asia. So, kailangan talaga natin ng isang taong marunong tumupad at marunong magserbisyo sa ating bansa.”

Hindi na halos makapagsalita pa si ginoong Abalos sa mga narinig niya mula sa anak ng namayapang si mother Lily.

Nangako ang si ginoong Benhur na kung papalaring makaupo sa senado ay,“ginawa ko na ito 20 years ago when I was a congressman. Uunahin ko ang koryente natin na alisan ng tax o buwis. Twenty years ago tinayuan ko, tinutulan ko ang pagpatong ng buwis. Bakit? Once tumaas ang koryente, tataas ang tubig, bilihin. Lahat tataas. Tataas ang overhead, mawawala ang mga kompanya, lilipat ng ibang bansa.

“Past forward 2025, pangalawa tayo sa pinakamahal na koryente sa buong Asean Region.

“Pangalawa, patong-patong ang buwis hindi lang isa,12 percent generation charge, 12 percent transmission charge, 12 percent distribution charge at may iba pang charge. On record, ipinapangako ko, babawasan natin ito kung kailangan natin tanggalin, aalisin natin. Kung bakit? Once bumaba ang koryente, dadami ang manufacturing firms, ‘yung sinasabi nilang industrialization dadami ang trabaho at gagaan ang pagbayad ng bawat Filipino.

“Tungkol naman sa pagkain, rice tariffication ay ginawan ko na rin ng programa kasi mahirap sa sariling bansa hindi kayang pakainin ang sarili. Ayaw kong mangyari na lahat ng taniman natin maging subdivision balang araw. Kapag nangyari iyon maniwala kayo ultimo sarili hindi kayang pakainin. Mahaba pa ito pero just to show you how sincere I am binibitawan ko ito sa harap ng kamera.”

Oo nga naman kung lahat na lang ng lumang puwedeng taniman ay gagawing subdibisyon, paano na ang mga magsasaka?

Mula Naman sa Mowelfund Chairman and CEO na si Gng. Boots Anson-Rodrigo.

“Even before na nag-serve si Sen Abalos as chairman of MMDA at lalong-lalo na nang pumasok siya sa DILG, alam na niya ang mga problema natin (showbiz industry).

“Even sa MMFF before every year umaabot iyon sa kanya, itong nakaraang dalawang taon hindi lang very active kahit hindi na siya ang MMFF head, si Sen Abalos remain very, very relevant and concern about specifically taxation in the industry kaya hindi ko makakalimutan pati mga foreign counterparts hindi lamamg hihinto sa exemption o reduction ng amusement taxes during the Metro Manila Film Festival and all year round kung aalisin ang taxation na ‘yan o mababawasan para sa kapakanan ng mga producer.”

Ipinagmamasalamat din ni ginoong Abalos ang mga kilalang celebrity na sumusuporta sa kanya tulad ni Vice Ganda, Jake Cuenca, Ai Ai delas Alas, Priscilla Meirelles, Bea Santiago, Jason Abalos at iba pa.

Sa nasabing mediacon ay dumalo sina Perci M. Intalan, producer/director ng IdeaFirst, Nico Antonio (anak ni Atty. Joji Alonso) representante ng Quantum Films, Phoebe Walker (artist ng Viva Films), at MMDA chairman Don Artes kasama rin ang MMFF Spokesperson na si Noel Ferrer.

The post Roselle Monteverde tiwala kay Benhur Abalos, subok na sa serbisyo appeared first on Bandera.

Viewing all 44546 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>