Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44632 articles
Browse latest View live

Andrea Brillantes haba ng hair, Justin Bieber napa-follow sa IG

$
0
0

Andrea Brillantes haba ng hair, Justin Bieber napa-follow sa IG

TALAGA nga namang mapapasabi ka na lang ng “sana all” sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes dahil talagang nagniningning ang ganda nito.

Sabi nga nila, sobrang latina ng eabab dahil hindi lang pang-Pilipinas ang ganda ng dalaga dahil maski international stars ay na-hook na sa kanyang ganda.

Paano ba naman kasi ay nag-follow sa Instagram page ni Andrea ang international singer na si Justin Bieber.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes palaban sa ABS-CBN Ball, boobs muntik mag-hello?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ang bilis nga ng mga matanglawing netizens dahil agad nilang napansin ang ginawang pag-follow ni Justin kay Andrea.

Umani rin ng samu’t saring koment mula sa madlang pipol ang pangyayari.

“Andrea, paawat ka. Awa na lang.”

“Blythe once said ‘Hindi to totoo, hindi to totoo.'”

“Si Andrea palihim rin ang atake. Sobrang latina!”

“kahit binabash siya, maganda parin siya, kahit ibash pa siya ng ibash, mas lalo siyang gumaganda.”

Matatandaang nitong 2024 lang nang mag-number 1 si Andrea sa “The Top 100 Most Beautiful Faces of 2024” ng TC Candler.

The post Andrea Brillantes haba ng hair, Justin Bieber napa-follow sa IG appeared first on Bandera.


Sanggol natabunan sa landslide sa Davao, patay

$
0
0

Sanggol natabunan sa landslide sa Davao, patay

NASAWI ang isang limang buwang gulang na sanggol sa Sitio Mundohill, Barangay Marilog, Davao City.

Ito ay matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang tahanan na dulot ng isang landslide.

Ayon sa mga lumabas ba ulat, pinapatulog umano ang sanggol sa kanyang duyan ng kanyang

56-anyos na lola nang biglang gumuho ang lupa sa kanilang bahay.

Baka Bet Mo: Sanggol na naiwang mag-isa sa bahay 6 na beses tinuklaw ng ahas, patay

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Gumuho na rin at natabunan ng lupa ang kanilang bahay kabilang ang sanggol at kanyang lola.

Agad namang naitakbo sa ospital ang lolang natagpuang sugatan.

Samantala, idineklara namang dead on the spot ang sanggol

Bago pa ang insidente ay napag-alamang ilang beses na umanong pinapalikas ang mga residente sa naturang lugar ng lokal na pamahalaan dahil prone ito sa landslide.

Ang dahilan na itinuturong paglambot at pagguho ng lupa ay ang sunud-sunod na pag-ulan sa lugar.

The post Sanggol natabunan sa landslide sa Davao, patay appeared first on Bandera.

Kristel Fulgar ikinasal na sa boyfriend, for good na sa South Korea?

$
0
0

Kristel Fulgar ikinasal na sa Korean boyfriend

IKINASAL na ang actress-turned-content creator na si Kristel Fulgar sa kanyang Korean boyfriend na si Ha Su-hyuk nitong Sabado, May 10.

Ibinandera ng Nice Print Photo ang sa kanilang Instagram page ang mga larawqn na kuha sa kasal ng dalawq.

“It’s official! Just married [ring and red heart emoji] @kristelfulgar [Kristel] and Suhyuk wedding in Seoul South Korea,” saad sa post.

Agad naman itong nakita ng madlang pipol at nagpaabot ng kanilang congratulatory messages para sa bagong kasal.

Baka Bet Mo: Kristel Fulgar todo handa sa kasal, ipinasilip ang pinagpipiliang wedding gowns

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Congrats Kristel!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Best wishes to the happy couple [emojis] congratulations!”

At ngayong kasal na nga si Kristel at si Su-Hyuk ay plano na ng aktres na mamalagi sa Korea.

Sa katunayan nasabi na niya ito sa kanyang nagdaang vlog

Lahad ni Kristel, “Since nandito ako sa Pilipinas naka LDR kami ni Su-hyuk so ang hirap pala ng LDR. Patagal nang patagal, palalim nang palalim ang relasyon namin, pahirap nang pahirap ‘yung LDR. Nag-decide na rin naman ako na dun na titira sa Korea. Magmo-move na ako sa Korea.”

Sa kabila ng pagse-settle down sa Korea ay madalas pa rin itong uuwi ng Pilipinas.

“Babalik-balik ako dito. Nandito ang pamilya ko, nandito ang business ko, nandito ‘yung mga kaibigan ko, madali lang naman kasi four hours lang naman ang biyahe,” dagdag pa niya.

The post Kristel Fulgar ikinasal na sa boyfriend, for good na sa South Korea? appeared first on Bandera.

Angelica Panganiban kay Amila Sabine: Ikaw ang best teacher ng buhay ko!

$
0
0
Angelica Panganiban kay Amila Sabine: Ikaw ang best teacher ng buhay ko!

Angelica Panganiban at Amila Sabine

EMOSYONAL ang Kapamilya actress at celebrity mom na si Angelica Panganiban sa pagdiriwang ngayong Mother’s Day.

Todo ang pasasalamat niya sa anak nila ni Gregg Homan na si Amila Sabine dahil tinupad nito ang isa sa mga ultimate dream niya sa life – ang maging isang nanay.

Sa kanyang Instagram page, nagbahagi ang aktres ng mga litrato nila ng anak kalakip ang madamdaming caption tungkol sa motherhood.

“I only get to discipline you, guide you and shower you with my unconditional love. Dahil ang totoo, ikaw ang best teacher ng buhay ko,” ang bahagi ng caption ni Angelica.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica P Homan (@iamangelicap)


Sey pa ng aktres, napakaraming naituro sa kanya ni Amila hinggil sa pagiging ina, kabilang na riyan ang pagkakaroon ng mahabang pasensya, ang pagngiti at pagtawa sa kabila ng mga pagsubok.

“Dahil sa ‘yo, I get to celebrate mother’s day. Dahil sa ‘yo, narinig ko ang pinakamasarap na pangalan na pinangarap ko, dahil sa ‘yo, ako na si mommy, mama, at mom.

“Thank you for making me one. I love you bubs. Happy Mother’s day sa lahat ng Ina,” ang pahayag pa ni Angelika.

Sa comments section ng kanyang IG post ay bumuhos ang pagbati sa kanya sa Araw ng Mga Ina, kabilang na ang isa sa mga BFF niyang si Bela Padilla, sina Alex Gonzaga, Agot Isidro at marami pang iba.

The post Angelica Panganiban kay Amila Sabine: Ikaw ang best teacher ng buhay ko! appeared first on Bandera.

Comelec muling nagpaalala sa oras ng botohan para sa PWD, senior, buntis

$
0
0
Comelec muling nagpaalala sa oras ng botohan para sa PWD, senior, buntis

PINAALALAHANAN muli ng  Commission on Elections (Comelec) ang publiko tungkol sa oras ng botohan bukas, May 12, 2025, para sa midterm elections.

Partikular na tinukoy ng Comelec ang mga espesyal na oras ng pagboto para sa mga senior citizen, persons with disability (PWD), at buntis.

Magbubukas ang mga polling precinct ng 5 a.m. para sa Early Voting Hours na eksklusibo para sa mga nakatatanda, PWD at buntis.

Magtatagal ito hanggang 7 a.m. pero paglilinaw ng Comelec, maaari pa rin namang bumoto ang mga nabanggit na sektor hanggang 7 p.m..

Para naman sa regular na botohan, magbubukas ang polling centers mula 7 a.m. hanggang 7 p.m. para sa lahat ng botante.

Matatagpuan din sa bawat presinto ang mga Express Lane para sa mga bobotong senior citizen, PWD, Indigenous People (IP) at buntis.

Bukod dito, siniguro rin ng Comelec na may mga Priority Polling Place sa ground floor ng mga polling precinct para hindi na mahirapan ang mga nakatatanda,  PWD at buntis. Meron ding mga Satellite-Priority Polling Place sa mga Assisted Living Facility.

Isasagawa maman ang botohan sa loob mismo ng mga detention centers para sa sa mga PDL o People Deprived of Liberty.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, “Kapag ginusto ng mga nakatatanda o may kapansanan na hindi sila bumoto sa 2nd floor or 3rd floor ng isang building dahil nandu’n ang kanilang regular na presinto, mayroon po kaming priority polling place na nandu’n lang po lahat sa ground floor.”

Ayon pa kay Garcia, may 12 million registered senior citizen voters at 600,000 mula sa PWD sector ngayong eleksyon.

Paalala pa ng COMELEC, gamitin ang Precinct Finder upang malaman ang eksaktong lugar ng inyong botohan sa precinctfinder.comelec.gov.ph.

The post Comelec muling nagpaalala sa oras ng botohan para sa PWD, senior, buntis appeared first on Bandera.

Ate Gurl problema sa lovelife, 2 ka-LDR: Wag n’yo kong husgahan

$
0
0
Ate Gurl problemado sa lovelife, 2 ang ka-LDR: Wag n'yo kong husgahan

Stock photo

PROBLEMADO ngayon ang isang female netizen sa kanyang lovelife dahil naiipit siya sa dalawang lalaking pareho nang napamahal sa kanya.

Nag-share ng kanyang sitwasyon si Ate Gurl sa pamamagitan ng Facebook page na Peso Sense kung saan ibinahagi nga niya ang “pakikipagrelasyon” sa dalawang lalaking nakilala niya online.

“Hello! Please hide my identity. Wag niyo sana ako husgahan.Gusto ko kasi manghingi ng advice sa inyo. Sana mapost ni admin thank you.

“Ganito kasi yun may kachat ako taga US magatal na kami nag uusap 4yrs na. Lagi naming pinag uusapan na pag visit niya dito sa pinas papakasal kami tapos dalhin niya ako sa bansa nila. Hindi nawawala sa conversation namin yun mapachat man or video call.

“Sa tagal namin mag usap hindi ko kilala parents niya hindi rin ako pinakilala sa parents niya pero nagsend lang ng picture silang magkakapatid,” simulang pagbabahagi ng netizen.

Patuloy niya, “Minsan on and off yung pag-uusap namin. Sa 4yrs namin walang  money involved kasi may work naman ako at never din ako nanghihingi sa kanya ng pera!

“Bigla ko lang talaga naisip na 4yrs ko na siyang inantay baka sayang lang yung oras ko sa kanya kasi di rin naman ako nakikipag date sa iba tapos paano pala pag hindi talaga siya pupunta ng pinas sayang yung years nilaan ko sa kanya.

“At ilang beses ko na din sinabihan na stop nalang kami kasi ilang taon na din kami nag usap pero nauumay ako sa puro plano at di nawawala yung kasal sa usapan,” chika pa niya.

Sinubukan daw niya uling mag-try sa dating site at in fairness, marami naman siyang  naka-match at maraming nakausap pero tinatamad siyang mag-reply dahil uulit na naman daw siya sa umpisa.

“Hanggang sa binura ko yung apps kasi mag focus nga ako doon sa 4yrs ko nakakausap pero minsan di rin kasi nag memessage hangang sa nag DL ulit ako at may nakausap ako (AKA YELLOW) after namin mag usap ng isang buwan kasi araw-araw talaga nagmessage.

“Hanggang pumayag na ako makipagkita at kumain kami sa labas hanggang sa nasunod -sunod na tapos naging kami  nainlove na ako sa kanya kasi sobrang bait niya talaga at napaka gentleman niya pa .

“Pinakilala niya ako sa parents niya ok lang sa mama niya sa dad lang may probs ayaw nang-ibang lahi gusto yung girl kalahi at taga sa kanila. Mag anniversary na kami next month napamahal na ako sa kanya siya rin naman laging pinaparamdan sakin na mahal niya ako at walang ibang babae.

“Pero hindi niya ako pwdi pakasalan kasi uuwi din daw siya sa bansa nila. Napag-uusapan kasi namin yung ganyan bagay..kahit baliktarin ko man mga tanong ko sa kanya wala talaga sa plano na isama ako.

“Sayang lang kasi gusto ko siya maging asawa na nakikita ko kasi siya kanya na ok siya maging tatay. Pero siya susundin niya daddy niya at nag iisang anak lang din kasi siya.

“Ito na biglang nag chat yung tag US pupunta na daw dito para makilala family ko may stay daw siya mga 1 month  at papakasal na daw kami  at asikasuhin daw mga papers ko maybe next month pero di pa sure yun kasi lagi naman plano punta ng pinas tapos di natutuloy yun lagi kong pinang hahawakan na uuwi daw siya ng pinas.

“Pero this time nagdalawang isip na ako na mag Go ba sa nakakausap ko ng apat na taon or sa taong napamahal ako pero walang plano mag settle down.

“Same naman silang dalawa no money involved. Seryoso relasyon lang talaga gusto ko. Sana mabigyan niyo po ako ng advice!” ang buong kuwento ni Ate Girl.

Oh, ayan mga ka-BANDERA, chance n’yo nang payuhan nang bonggang-bongga ang problemadong netizen about her lovelife. Go, go, go!

The post Ate Gurl problema sa lovelife, 2 ka-LDR: Wag n’yo kong husgahan appeared first on Bandera.

Bernard Palanca pinagsisihan ang pagkalulong sa ilegal na droga

$
0
0
Bernard Palanca pinagsisihan ang pagkalulong sa ilegal na droga

Bernard Palanca

KUNG makakabalik lamang sa nakaraan ang aktor na si Bernard Palanca, nais niyang baguhin ang bahagi ng kanyang buhay nang malulong sa ilegal na droga.

Pinagsisisihan ng aktor ang paggamit noon ng ipinagbabawal na gamot at nagpapasalamat siya sa lahat ng taong naging bahagi ng kanyang pagbabago hanggang sa tuluyang malagpasan ang naturang pagsubok.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, nabanggit ni Bernard na kung makakabalik nga siya sa past, hinding-hindi niya titikman ang droga.

“If it is possible to go back Tito Boy, if that possibility was there, and if I could, I would definitely go back to the very first day that I tried, you know, doing something,” ang pahayag ni Bernard.

Dagdag pa niya, “I will tell myself I wouldn’t do it at all, because that was the start, eh. When that happened, that caused already the rest of the way.

“So, if I didn’t take the first puff as they say back then, I don’t think my life would have went in that direction at all,” sey pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Palanca Beej (@iambjp.76)


Matagal-tagal ding nawala sa mundo ng showbiz si Bernard noon dahil nagdesisyon siyang sumailalim sa rehabilitation upang muling ayusin ang kanyang buhay at career.

Matatandaang sumikat si Bernard  dekada 90 at nakilala bilang isa sa mga heartthrob ng ABS-CBN at naging miyembro ng grupong The Hunks, na kinabilangan din nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo, at Carlos Agassi.

May dalawang siyang anak na lalaki mula sa mga dating nakarelasyon – sina Meryll Soriano at Jerika Ejercito.

Ka-join si Bernard sa seryeng “Slay”, ang first Viu Original series ng GMA 7, na pinagbibidahan nina Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose, Ysabel Ortega, Mikee Quintos at Derrick Monasterio.

The post Bernard Palanca pinagsisihan ang pagkalulong sa ilegal na droga appeared first on Bandera.

Sara Duterte: Tinawag ako ng tadhana dahil kinidnap ang tatay nating lahat!

$
0
0
VP Sara: Tinawag ako ng tadhana dahil kinidnap ang tatay nating lahat!

Rodrigo Duterte at Sara Duterte

IPINAGDIINAN ni Vice President Sara Duterte na “kinidnap” daw ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na tinawag niyang “tatay ng lahat”.

Naglabas ng video ang bise presidente sa kanyang official Facebook page nitong Sabado, May 10, kung saan nagpasalamat siya sa lahat ng supporters ng kanilang pamilya.

“Ang puwesto na kinatatayuan ko ay hindi para sa akin. Ito ay para sa Pangulong Rodrigo Duterte. Pero tinawag ako ng tadhana dahil kinidnap ang tatay nating lahat,” ang pahayag ni VP Sara.

Patuloy pa niya, “Ako si Inday Sara, isang botanteng nagmamahal sa ating bayan at natatakot para sa ating kinabukasan.”

Nasa kustodiya pa rin ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands si dating Pangulong Duterte matapos arestuhin noong March 11 dahil sa umano’y mga nagawa niyang “crimes against humanity.”

Samantala, nanawagan din si VP Sara sa sambayanang Filipino na iboto ang mga nararapat na kandidato ngayong araw ng eleksyon dahil sa mga mahahalal na politiko nakasalalay  ang kinabukasan ng bansa.

Pahayag ng bise presidente, “Iniibig ko ang Pilipinas. Iniibig ko kayong mga Pilipino. This election will decide the future of our country.

“Ang boto ninyo ang magbibigay katiyakan kung maituloy ang pagbabago o tuloy-tuloy na lang tayo sa kapahamakan,” aniya.

The post Sara Duterte: Tinawag ako ng tadhana dahil kinidnap ang tatay nating lahat! appeared first on Bandera.


Chuckie Dreyfus pinatunayan sa asawa na walang bahid ng kabadingan

$
0
0
Chuckie Dreyfus pinatunayan sa asawa na walang bahid ng kabadingan

Chuckie Dreyfus

KALAT na kalat noon sa mundo ng showbiz ang chika na bading daw ang aktor at dating child star na si Chuckie Dreyfus.

Isa si Chuckie sa mga kabataang artista na pinaniniwalaang beki nu’ng kapanahunan niya, sa katunayan, kahit daw ang kanyang asawa ngayon ay inakalang bading talaga siya.

Kuwento ng aktor sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, kahit paano’y nakaapekto rin sa kanyang personal life at showbiz career ang mga tsismis na bading siya.

“Yes. Especially back in the day, 80s, 90s. Because now, it’s so accepted now. I mean, it doesn’t really matter,” pahayag ni Chuckie.

“Noong una nagtataka ako, bakit ba? First, issue ba if you’re gay or not?” dagdag ng aktor.

Sabi pa ni Chuckie, marami ang nagsasabing beki siya dahil lamang sa malamya niyang pagkilos at pananalita.   Pero naniniwal siya na walang konek ang kilos sa sexuality ng isang tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chuckie Dreyfus (@chuckiedreyfus)


“Of course not. Eh, ganu’n ako kumilos eh,” depensa ni Chuckie.

Pagbabahagi ng aktor, dahil sa mga tsismis na ito, pati raw ang misis niyang si Eileen ay inakalang bading siya.

“I don’t know if people know this, blind date kasi kami nu’n (ni Eileen). We were hooked up to date,” saad niya. “And naalala ko pa ang sabi daw is, ‘Oh, i-hook up kita kay Chuckie Dreyfus.’

“Ang unang sinabi pa ng wife ko ngayon, ‘Ayoko du’n kasi ‘di ba bading ‘yun?’ ‘Iba na lang,’ gumaganu’n siya. Eh wala nang choice nu’ng time na ‘yun,” sey ni Chuckie sabay tawa.

Kasunod nito, pinatunayan daw ni Chuckie kay Eileen na lalaking-lalaki siya at walang bahid ng kabadingan.

“So, pinakita ko sa kanya na, ‘hmmm,’ ayon nagkaanak kami agad,” sey pa ng aktor.

Kasali si Chuckie sa seryent “Slay”, ang unang Viu Original series ng GMA. Bida rito sina Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose, Ysabel Ortega, Mikee Quintos, at Derrick Monasterio.

The post Chuckie Dreyfus pinatunayan sa asawa na walang bahid ng kabadingan appeared first on Bandera.

Ahtisa Manalo sa amang Finnish-Swedish: We don’t have a relationship

$
0
0
Ahtisa Manalo sa amang Finnish-Swedish: We don't have a relationship

Ahtisa Manalo

NAGPAKATOTOO ang Miss Universe Philippines 2025 na si Ahtisa Manalo tungkol sa estado ng relasyon niya sa kanyang ama.

Rebelasyon ng magiging bet ng Pilipinas sa gaganaping Miss Universe 2025, hindi raw sila naging close ng kanyang biological dad na isang Finnish-Swedish.

Kuwento ni Ahtisa sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, isinunod daw ng kanyang nanay ang pangalan niya sa amang foreigner pero hindi sila nabigyan ng chance na maging malapit sa isa’t isa.

“My father’s name, my biological father who’s Finnish, his name is Ahti. And my mom added an ‘sa’ for it to be more feminine,” saad ni Ahtisa

Ayon sa dalaga, ang single mother niyang nanay ang nagpalaki sa kanya katuwang ang kanyang lola.

“I think there was no anger on my end. But it was more of an indifference. Because we don’t have a relationship.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ma Ahtisa Manalo (@ahtisa)


“It’s hard to be angry at someone when you don’t know them,” ang pahayag ni Ahtisa nang tanungin tungkol sa feelings niya kanyang ama.

Pero pag-amin ni Ahtisa, sinubukan naman daw ng kanyang tatay na makipag-communicate sa kanya.

“He reached out to me online for a few times. But even then, it feels like a distant person.

“You don’t even know what you guys are up to, hindi niyo alam kung ano nangyayari sa buhay. So, it’s not really a relationship as I would call it. It is what it is,” aniya.

The post Ahtisa Manalo sa amang Finnish-Swedish: We don’t have a relationship appeared first on Bandera.

‘Rapsa’, ‘Ligaw’ ng VMX mas paiinitin ang summer; palaban pa rin sa hubaran

$
0
0
'Rapsa', 'Ligaw' ng VMX mas paiinitin ang summer; palaban pa rin sa hubaran

Ang cast members ng ‘Ligaw’ at ‘Rapsa’

TULUY-TULOY ang siklab ngayong summer sa VMX! Abangan ang “Rapsa” at “Ligaw” — dalawang mapangahas na pelikulang magpapainit ng inyong mga damdamin.

Sa isang munting kapihan, magtatagpo at maaakit sa isa’t isa ang apat na tao at magsisimula ang mapusok na pag-iibigan at pagnanasa sa isa’t isa. Simula na ng tikiman sa “Rapsa”, available na sa VMX.

Kuwento ito nila Ariel (Vern Kaye), manager sa isang coffee shop. Kasama niya sa trabaho sina Dino (JD Aguas), isang master baker, at si Ella (Micaella Raz), isang server na mula sa probinsya.

Madalas bumisit at naging suki na nila ang customer na si Rita (Shiena Yu), palagi itong nagpupunta sa coffee shop dahil may gusto ito kay Ella.

Ang hindi alam ng iba, dating nobya pala ni Ariel si Rita, at nang malaman ni Ariel na may gusto si Rita kay Ella ay naging mapait ang pakikitungo nito sa katrabaho.

Pero hindi na para isipin pa ni Ella ang nararamdaman ni Rita at Ariel dahil karelasyon na niya si Dino. Kahit na subukan nila itong itago sa trabaho, mapapansin din ni Ariel na may namamagitan sa dalawa, at sa hindi malamang dahilan, mas lalong magiging mahigpit at masungit si Ariel kay Ella.

Isang gabi ay nag-celebreate sila ng birthday ni Ariel sa coffee shop, at bilang sorpresa kay Ariel, inimbitahan ni Ella si Rita. Silang apat, kasama na si Dino ay magsasaya at ‘di kalaunan ay makakaramdam ng pagkaakit sa isa’t isa na mauuwi sa mapusok at mainit na “foursome.”

Paano babaguhin ng pangyayaring ito ang pakikitungo nila sa isa’t isa? Manumbalik kaya ang nararamdaman ni Ariel kay Rita dahil sa nangyari? O mas pipiliin niyang alamin kung anong tunay niyang nararamdaman para kay Ella?

Pelikula ng direktor na si Topel Lee na kilala sa kanyang mga horror movies, ngayon, kakaibang excitement at pananabik ang hatid niya sa mga manonood.

Pinagbibidahan nina Vern Kaye, Alona Navarro, Micaella Raz, JD Aguas, at Shiena Yu – subukan na ang sarap ng “Rapsa,” now streaming sa VMX.

Samantala, handa ka na bang mawala sa sarili sa sobrang init ng mga eksena? Abangan ang “Ligaw,” ang bagong sexy drama mula sa VMX sa direksyon ni Omar Deroca, tampok sina Robb Guinto, Ali Asistio, JC Tan, at Rash Flores.

Iikot ang kuwento ng “Ligaw” kay Dolores (Guinto), isang babaeng nakatira sa kabundukan na isa ring mapagmahal na asawa, at ang kanyang mister na si Rodel (Tan) na nabaldado matapos ang isang trahedya.

Araw-araw inaalagaan ni Dolores ang kanyang asawa, ngunit sabik na rin siyang muling maramdaman ang init ng laman.

Makikilala ni Dolores si Jayron (Asistio), isang mountaineer na nagpatulong sa direksyon. Hindi mapipigilan ni Dolores na maakit kay Jayron, at ang tuksong ito ay mauuwi sa isang mainit at sikretong affair. Ngunit walang lihim ang mananataling nakatago.

Kukumprontahin ni Olan (Flores) si Dolores sa affair nito. Si Olan ay isang dating kasintahan na may hawak na matinding ebidensya na puwedeng sumira sa lahat ng pinoprotektahan ni Dolores.

Sa gitna ng panggugulo, pananakot, at pagtataksil, kailangang harapin ni Dolores ang mga bunga ng kanyang desisyon—at ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.

Gaano kalayo ang kayang tahakin ng init ng damdamin bago tuluyang maligaw ang sarili? Alamin sa “Ligaw”, streaming na ngayon sa VMX. Para i-stream ang “Rapsa” at “Ligaw”, punta na sa web.vivamax.net.

The post ‘Rapsa’, ‘Ligaw’ ng VMX mas paiinitin ang summer; palaban pa rin sa hubaran appeared first on Bandera.

ChiKapalaran (May 12-May 18, 2025): Alamin ang horoscope n’yo ngayong linggo

$
0
0
ChiKapalaran (May 12-May 18, 2025): Alamin ang horoscope n'yo ngayong linggo

HALER, HALER mga ka-BANDERA? How’s your weekend? Naging productive ka ba or as usual, nganga pa rin? Oh well, read ka muna ng ChiKapalaran para malaman mo kung magiging lucky ka this week.

Guys, Monday na naman at malapit na ang sweldo kaya konting tiis muna kung ubos na ang budget. Huwag nang mangutang, mas mabuting magpalibre muna ng lafang sa iyong BFF.

Anyway, narito na naman ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa mga magiging ganap sa iyong buhay.

ARIES (March 21-April 19)
Besh, may isang taong magbabalik sa iyong life na hindi mo inaasahan pero mag-ingat sa matamis niyang dila dahil gagawin niya ang lahat para mabudol ka uli.

Dito masusubok ng universe kung gaano ka karupok pagdating sa love. Patunayang hindi ka basta-basta bibigay sa nakakaloka niyang “modus.”

Lucky Color: Blue
Lucky Number: 10
Swerte Meter: 4 Stars

TAURUS (April 20-May 20)
Sizt! Isantabi muna ang planong pagta-travel sa malayong lugar dahil maaaring may mangyaring pagsisisihan mo lang sa huli.

May matatanggap na magandang balita na matagal mo nang hinihintay kaya huwag nang mag-inarte. This is your sign na need mo nang magseryoso sa buhay.

Lucky Color: Pink
Lucky Number: 9
Swerte Meter: 5 Stars

GEMINI (May 21-June 20)
Frienship, itigil na ang pagluluksa sa iyong ex. Naka-move on na ang lahat ikaw na lang ang hindi. Hang-out with friends at mag-sign up na sa dating app.

Hindi mo deserve ang maging malungkot at magpaka-depress nang bonggang-bongga dahil siguradong marami ka pang makikilala na mas higit pa sa cheater mong dyowa.

Lucky Color: Yellow
Lucky Number: 20
Swerte Meter: 3 Stars

CANCER (June 21-July 22)
Ang dami mong reklamo sa buhay besh! Hindi yan nakakaganda o nakakapogi. Lahat na lang ng bagay ginagawan mo ng isyu. Try mo ring maging positive minsan para gumaan ang feelings mo.

This is the tamang panahon din para ituloy ang planong bumisita sa kaibigang may karamdaman. Matagal na siyang abangers sa ‘yo kaya pagbigyan mo na.

Lucky Color: Black
Lucky Number: 29
Swerte Meter: 4 Stars

LEO (July 23-August 22)
Hirap na hirap pumili sa mga manliligaw? Ganda yarn!? Well, kung naghahanap ka pa ng sign kung sino ang dapat sagutin sa kanila, stop na! Basta sundin ang  tibok ng puso mo.

Pero mag-ingat din dahil maaaring ang taong mapipili mo ay siya ring magiging greatest heartbreak mo kung hindi aalagaang mabuti ang relasyon.

Lucky Color: Yellow
Lucky Number: 30
Swerte Meter: 4 Stars

VIRGO (August 23-September 22)
Pabebe ka nang pabebe kaya ang taong tinatarget mong maging dyowa ay baka maagaw pa ng iba. Ikaw na ang mag-first move besh dahil magugulat ka sa magiging resulta.

Pero huwag naman garapalan ang galawan, mas keribels pa rin ang swabeng diskarte – yung simple lang pero matindi ang epek! Kailangan pa bang i-memorize yan!?

Lucky Color: Gray
Lucky Number: 23
Swerte Meter: 3 Stars

LIBRA (September 23-October 22)
Huy! Magseryoso ka na kung ayaw mong tuluyang masira ang life mo sa kakatambay at kakapanood ng Netflix.

Stop na sa pagiging palamunin ng pamilya at maghanap na ng trabaho. Tumatanda ka na friendship, ayaw mo naman sigurong dumating yung araw na para kang pulibi na nagmamakaawa sa mga kapamilya at kaibigan mo para lang makalafang.

Lucky Color: Violet
Lucky Number: 40
Swerte Meter: 2 Stars

SCORPIO (October 23-November 21)
Magkukrus muli ang landas n’yo ng taong naging bahagi ng iyong past. Magkakaroon uli kayo ng koneksyon. Give ng chance ang naunsiyaming love story, walang mawawala kung bibigyan siya ng pagkakataong mahalin ka. Wow! Kilig naman yarn!

Lucky Color: Orange
Lucky Number: 7
Swerte Meter: 5 Stars

SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Besh, this is the perfect time para makipag-ayos sa parents mo. Kalimutan na ang past at harapin nang punumpuno ng pag-asa at pagmamahal ang future. Hindi ka makaka-move on sa nakaraan kung patuloy na magmamatigas at paiiralin ang pride.

Mas maraming blessings ang matatanggap kapag ikaw ang nagpakumbaba kaya gora na, puntahan na sina nanay at tatay, now na!

Lucky Color: Light Green
Lucky Number: 50
Swerte Meter: 4 Stars

CAPRICORN (December 22-January 19)
Bakit masyado mo namang pinaghihigpitan ang partner mo sa mga bagay na magpapasaya sa kanya?

Oras na para mag-reflect at isipin kung worth it ba yang pagiging mahigpit mo dahil for sure pag nasakal yan, iiwan ka nyan. Gusto mo ba ‘yun? Di ba hindi? Kaya ayusin mo mga desisyon mo sa buhay.

Ang pagmamahal ay mapagpalaya. Kung hindi ganon ang pagmamahal mo, baka mamura ka ng partner mo. Char!

Lucky Color: Dark Blue
Lucky Number: 13
Swerte Meter: 5 Stars

AQUARIUS (January 20-February 18)
Ayon sa message ng universe, on the way na ang matagal mo nang inaasahan na true love. Well, long overdue naman na talaga kaya deserve na deserve mo. Madidiligan ka na mars, congrats!

May mga struggles along the way. Tatagan mo lang ang loob mo dahil magiging masaya rin kayo sa huli eventually.

Lucky Color: Dirty White
Lucky Number: 9
Swerte Meter: 4 Stars

PISCES (February 19-March 19)
Ipagpaliban muna ang pagbili ng gadget. May problemang darating na hindi mo ine-expect na haharapin mo this week. Kakailanganin mo rito ng malaki-laking halaga.

Be wise rin sa pag-spend ng iyong hard-earned money para sa pagdating ng pagsubok sa financial aspect ng iyong buhay ay ready ka.

Lucky Color: Maroon
Lucky Number: 16
Swerte Meter: 3 Stars

Basta palaging tandaan mga ka-BANDERA, ang mga nakasulat sa ChiKapalaran ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Meron tayong freewill, gamitin natin.

The post ChiKapalaran (May 12-May 18, 2025): Alamin ang horoscope n’yo ngayong linggo appeared first on Bandera.

‘Nasa Atin ang Panalo’ mas pinabongga; G22, Skusta Clee, KAIA may pasabog

$
0
0

'Nasa Atin ang Panalo' mas pinabongga; G22, Skusta Clee, KAIA may pasabog

WINNER ang OPM! Patuloy na isusulong ng Puregold Nasa Atin ang Panalo ang musika ng Pinoy tampok ang mga bagong musikero at mga pasabog na music video.

Muling itatampok ang talentong Pinoy kaugnay ng pangakong kumonekta sa kabataang Pilipino, sa mga nagmamahal sa musika, at mga araw-araw na nangangarap at nakikita ang musika bilang ritmo ng buhay.

Nagbabalik ang “Nasa Atin Ang Panalo” na mas pinalaki at pinabongga ngayong taon.

May mga bagong miyembro ang pamilya ng Puregold, tatlo sa mga pinakamaingay na pangalan sa lokal na industriya ng musika—G22, Skusta Clee, at KAIA—handog ang kanilang tinig, pagsusumikap at lakas, at ang kanilang kuwentong panalo.

Kilala bilang alpha females ng P-Pop, pinabibilib ng G22 ang mga tagapanood sa boses nilang malakas ang dating, at hindi-mapapantayang enerhiya. Mula sa kanilang debut noong 2022, nakapaglabas na sina AJ, Alfea, at Jaz ng mga hit gaya ng “Bang,” “Boomerang,” “Limitless”—at ang pinakabago, “Pa-Pa-Pa-Palaban.”

Inilabas ng G22’s ang music video na kolaborasyon nito kasama ang  Puregold, ang “Pagpili,” noong April 9, at mabilis itong nakalikom ng higit tatlong milyong view sa loob lamang ng dalawang linggo. <blockquote class=”instagram-media” data-instgrm-permalink=”https://www.instagram.com/p/DI-VHg3TKfK/?utm_source=ig_embed&amp;utm_campaign=loading” data-instgrm-version=”14″ style=” background:#FFF; border:0; border-radius:3px; box-shadow:0 0 1px 0 rgba(0,0,0,0.5),0 1px 10px 0 rgba(0,0,0,0.15); margin: 1px; max-width:540px; min-width:326px; padding:0; width:99.375%; width:-webkit-calc(100% – 2px); width:calc(100% – 2px);”><div style=”padding:16px;”> <a href=”https://www.instagram.com/p/DI-VHg3TKfK/?utm_source=ig_embed&amp;utm_campaign=loading” style=” background:#FFFFFF; line-height:0; padding:0 0; text-align:center; text-decoration:none; width:100%;” target=”_blank”> <div style=” display: flex; flex-direction: row; align-items: center;”> <div style=”background-color: #F4F4F4; border-radius: 50%; flex-grow: 0; height: 40px; margin-right: 14px; width: 40px;”></div> <div style=”display: flex; flex-direction: column; flex-grow: 1; justify-content: center;”> <div style=” background-color: #F4F4F4; border-radius: 4px; flex-grow: 0; height: 14px; margin-bottom: 6px; width: 100px;”></div> <div style=” background-color: #F4F4F4; border-radius: 4px; flex-grow: 0; height: 14px; width: 60px;”></div></div></div><div style=”padding: 19% 0;”></div> <div style=”display:block; height:50px; margin:0 auto 12px; width:50px;”><svg width=”50px” height=”50px” viewBox=”0 0 60 60″ version=”1.1″ xmlns=”https://www.w3.org/2000/svg” xmlns:xlink=”https://www.w3.org/1999/xlink”><g stroke=”none” stroke-width=”1″ fill=”none” fill-rule=”evenodd”><g transform=”translate(-511.000000, -20.000000)” fill=”#000000″><g><path d=”M556.869,30.41 C554.814,30.41 553.148,32.076 553.148,34.131 C553.148,36.186 554.814,37.852 556.869,37.852 C558.924,37.852 560.59,36.186 560.59,34.131 C560.59,32.076 558.924,30.41 556.869,30.41 M541,60.657 C535.114,60.657 530.342,55.887 530.342,50 C530.342,44.114 535.114,39.342 541,39.342 C546.887,39.342 551.658,44.114 551.658,50 C551.658,55.887 546.887,60.657 541,60.657 M541,33.886 C532.1,33.886 524.886,41.1 524.886,50 C524.886,58.899 532.1,66.113 541,66.113 C549.9,66.113 557.115,58.899 557.115,50 C557.115,41.1 549.9,33.886 541,33.886 M565.378,62.101 C565.244,65.022 564.756,66.606 564.346,67.663 C563.803,69.06 563.154,70.057 562.106,71.106 C561.058,72.155 560.06,72.803 558.662,73.347 C557.607,73.757 556.021,74.244 553.102,74.378 C549.944,74.521 548.997,74.552 541,74.552 C533.003,74.552 532.056,74.521 528.898,74.378 C525.979,74.244 524.393,73.757 523.338,73.347 C521.94,72.803 520.942,72.155 519.894,71.106 C518.846,70.057 518.197,69.06 517.654,67.663 C517.244,66.606 516.755,65.022 516.623,62.101 C516.479,58.943 516.448,57.996 516.448,50 C516.448,42.003 516.479,41.056 516.623,37.899 C516.755,34.978 517.244,33.391 517.654,32.338 C518.197,30.938 518.846,29.942 519.894,28.894 C520.942,27.846 521.94,27.196 523.338,26.654 C524.393,26.244 525.979,25.756 528.898,25.623 C532.057,25.479 533.004,25.448 541,25.448 C548.997,25.448 549.943,25.479 553.102,25.623 C556.021,25.756 557.607,26.244 558.662,26.654 C560.06,27.196 561.058,27.846 562.106,28.894 C563.154,29.942 563.803,30.938 564.346,32.338 C564.756,33.391 565.244,34.978 565.378,37.899 C565.522,41.056 565.552,42.003 565.552,50 C565.552,57.996 565.522,58.943 565.378,62.101 M570.82,37.631 C570.674,34.438 570.167,32.258 569.425,30.349 C568.659,28.377 567.633,26.702 565.965,25.035 C564.297,23.368 562.623,22.342 560.652,21.575 C558.743,20.834 556.562,20.326 553.369,20.18 C550.169,20.033 549.148,20 541,20 C532.853,20 531.831,20.033 528.631,20.18 C525.438,20.326 523.257,20.834 521.349,21.575 C519.376,22.342 517.703,23.368 516.035,25.035 C514.368,26.702 513.342,28.377 512.574,30.349 C511.834,32.258 511.326,34.438 511.181,37.631 C511.035,40.831 511,41.851 511,50 C511,58.147 511.035,59.17 511.181,62.369 C511.326,65.562 511.834,67.743 512.574,69.651 C513.342,71.625 514.368,73.296 516.035,74.965 C517.703,76.634 519.376,77.658 521.349,78.425 C523.257,79.167 525.438,79.673 528.631,79.82 C531.831,79.965 532.853,80.001 541,80.001 C549.148,80.001 550.169,79.965 553.369,79.82 C556.562,79.673 558.743,79.167 560.652,78.425 C562.623,77.658 564.297,76.634 565.965,74.965 C567.633,73.296 568.659,71.625 569.425,69.651 C570.167,67.743 570.674,65.562 570.82,62.369 C570.966,59.17 571,58.147 571,50 C571,41.851 570.966,40.831 570.82,37.631″></path></g></g></g></svg></div><div style=”padding-top: 8px;”> <div style=” color:#3897f0; font-family:Arial,sans-serif; font-size:14px; font-style:normal; font-weight:550; line-height:18px;”>View this post on Instagram</div></div><div style=”padding: 12.5% 0;”></div> <div style=”display: flex; flex-direction: row; margin-bottom: 14px; align-items: center;”><div> <div style=”background-color: #F4F4F4; border-radius: 50%; height: 12.5px; width: 12.5px; transform: translateX(0px) translateY(7px);”></div> <div style=”background-color: #F4F4F4; height: 12.5px; transform: rotate(-45deg) translateX(3px) translateY(1px); width: 12.5px; flex-grow: 0; margin-right: 14px; margin-left: 2px;”></div> <div style=”background-color: #F4F4F4; border-radius: 50%; height: 12.5px; width: 12.5px; transform: translateX(9px) translateY(-18px);”></div></div><div style=”margin-left: 8px;”> <div style=” background-color: #F4F4F4; border-radius: 50%; flex-grow: 0; height: 20px; width: 20px;”></div> <div style=” width: 0; height: 0; border-top: 2px solid transparent; border-left: 6px solid #f4f4f4; border-bottom: 2px solid transparent; transform: translateX(16px) translateY(-4px) rotate(30deg)”></div></div><div style=”margin-left: auto;”> <div style=” width: 0px; border-top: 8px solid #F4F4F4; border-right: 8px solid transparent; transform: translateY(16px);”></div> <div style=” background-color: #F4F4F4; flex-grow: 0; height: 12px; width: 16px; transform: translateY(-4px);”></div> <div style=” width: 0; height: 0; border-top: 8px solid #F4F4F4; border-left: 8px solid transparent; transform: translateY(-4px) translateX(8px);”></div></div></div> <div style=”display: flex; flex-direction: column; flex-grow: 1; justify-content: center; margin-bottom: 24px;”> <div style=” background-color: #F4F4F4; border-radius: 4px; flex-grow: 0; height: 14px; margin-bottom: 6px; width: 224px;”></div> <div style=” background-color: #F4F4F4; border-radius: 4px; flex-grow: 0; height: 14px; width: 144px;”></div></div></a><p style=” color:#c9c8cd; font-family:Arial,sans-serif; font-size:14px; line-height:17px; margin-bottom:0; margin-top:8px; overflow:hidden; padding:8px 0 7px; text-align:center; text-overflow:ellipsis; white-space:nowrap;”><a href=”https://www.instagram.com/p/DI-VHg3TKfK/?utm_source=ig_embed&amp;utm_campaign=loading” style=” color:#c9c8cd; font-family:Arial,sans-serif; font-size:14px; font-style:normal; font-weight:normal; line-height:17px; text-decoration:none;” target=”_blank”>A post shared by G22 Official (@g22official_)</a></p></div></blockquote>
<script async src=”//www.instagram.com/embed.js”></script>

Ang makapangyarihang mensahe ng kanta ay paalala sa lahat na pumilo nang buong tapang at ipagmalaki ang pinili.

Samantala, naglabas naman ng kantang “Sari-Saring Kwento” si Skusta Clee, isa sa pinakaimpluwensyang pangalan sa Pinoy hip-hop, kasama ang talentadong rapper din na si Flow G. Tampok sa kanta ang matatalas na mga linya at mensaheng paniguradong tatama sa Pinoy listeners.

Kasama rin sa “Nasa Atin Ang Panalo” ang KAIA, isang P-Pop group na kilala sa kanilang mga visual at nakaka-inspire na mga kanta. Ilalabas nina Angela, Charice, Alexa, Sophia, at Charlotte ang kanilang “Kaya Mo” music video sa June 12, sa Araw ng Kalayaan, upang ipagdiwang ang kalayaan at tatag ng mga Pilipina.

“Nagbago na rin ang Nasa Atin Ang Panalo at nagkaroon ng mas malaking kahulugan higit sa isang kampanya—isa itong pagdiriwang ng mga pangarap at talento ng mga Pilipino,” ani Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold.

“Sa pamamagitan nito, umaasa kaming maibibida ang mga artistang Pinoy at mahikayat ang mga miyembro at tumatangkilik ng Puregold na mangarap pa habang nakikita ang musikang panalo sa entablado,” aniya pa.

Pero paparating pa lamang ang pinakamalaking selebrasyon. Dapat nang markahan ng mga nagmamahal sa musika at mga mamimili ng Puregold ang June 5, 2025 sa kanilang mga kalendaryo, ang araw na titingkad ang Philippine Arena dahil sa OPMCON 2025.

Mapapanood dito ang pagtatanghal ng SB19, BINI, G22, KAIA, Skusta Clee, Flow G, at Sunkissed Lola. Ito na ang pinakamalaking kaganapan sa OPM ngayong taon, isang gabi ng musika at talentong Pinoy.

Abangan ang unang pagbebenta ng tiket sa May 16 at 17 sa Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention sa World Trade Center sa Pasay City.

The post ‘Nasa Atin ang Panalo’ mas pinabongga; G22, Skusta Clee, KAIA may pasabog appeared first on Bandera.

Dennis Trillo iwas na iwas sa mga tukso: Napakasuwerte ko kay Jen!

$
0
0
Dennis Trillo iwas na iwas sa mga tukso: Napakasuwerte ko kay Jen!

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Dylan

AMINADO ang award-winning actor at Kapuso Drama King na si Dennis Trillo na hindi pa rin nawawala ang mga tukso sa kanyang buhay.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Dennis after ng contract signing niya bilang latest brand ambassador ng Beautéderm Corporation, na pag-aari ni Miss Rhea Anicoche-Tan.

Dito nga siya natanong kung lapitin pa rin ba siya ng tukso kahit matagal na silang nagsasama ni Jennylyn Mercado bilang mag-asawa, lalo pa ngayong may anak na rin sila.

“Siyempre, mga tukso, laging nandiyan yan. Pero du’n masusubok yung tibay ng pagsasama ninyo pag hindi na kayo nagpapaapekto sa mga tukso.

“Doon masusubukan kung gaano kayo katatag, kung gaano kayo katibay. And napakasuwerte ko sa aming relasyon ni Jen.

“Feeling ko, talagang na-master na namin yung isa’t isa, kilala na namin, kaya siguro harmonious na kaming magkasama,” pahayag ni Dennis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)


Sundot na tanong sa kanya kung nagkakaselosan pa rin ba sila ni Jen, “Wala na kasi ano, e, mas malawak na ngayon ang pag-iisip namin bilang mga mature individuals.

“Siyempre, merong mga pagkakataon na darating, pero parang hindi na ganun kalakas yung impact sa aming mag-asawa,” aniya pa.

May mga pagkakataon bang nag-aaway o nagkakatampuhan pa rin sila ni Jennylyn? “Away, pagtatalo, kasama naman po yan sa relasyon, e.

“Kahit magkakaibigan, magkakasama lang sa bahay, nag-aaway. Ano pa kaya yung mag-asawa? Pero ang importante diyan, hindi kayo sumusuko sa isa’t isa.

“Lagi ninyong inuuna yung pagmamahalan n’yo. Lagi ninyong iniisip yung pamilya, yung kapakanan ng lahat,” sey pa ng aktor.

Inamin din ni Dennis na nagkakaroon din sila ng diskusyon ni Jennylyn pagdating sa pagdidisiplina sa mga anak nila, “Opo, yung mga clashes na ganyan, hindi talaga maiiwasan yan dahil magkaibang tao kami.

“Meron kaming mga iba’t ibang prinsipyo, mga pananaw sa buhay. Iba’t ibang pinaniniwalaan.

“Pero yun na nga, since magkasama naman kami halos araw-araw, marami kaming time din na pag-usapan kung ano talaga yung puwede nating pagkasunduan.

“Dito tayo magkakasundo, mag-meet tayo sa isang neutral ground na, alam mo yun, magiging patas ang lahat,” saad pa ng premyadong aktor.

Samantala, hindi raw uso sa celebrity couple ang pagpo-post ng cryptic message sa social media kapag meron silang issue bilang married couple.

“Naku, yun ang hindi namin gagawin. Dahil siyempre, unang-una, bilang mag-asawa, kung ano yung problema niyo, mas magandang ayusin niyo muna, kayong dalawa lang, kesa i-broadcast niyo sa iba.

“Dahil maraming manghihimasok na maaring makaapekto ng relasyon niyo. Siguro kung mga twenty years ago or ten years ago, baka ganu’n.

“Pero ngayon, medyo naging mature na kami. So, parang hindi na namin naging ugali,” aniya pa.

The post Dennis Trillo iwas na iwas sa mga tukso: Napakasuwerte ko kay Jen! appeared first on Bandera.

John Arcilla pinuna bukbuking mesa sa classroom: Tapos boboto ng corrupt

$
0
0
John Arcilla pinuna bukbuking mesa sa classroom: Tapos boboto ng corrupt

John Arcilla

BINOLDYAK ng award-winning actor na si John Arcilla ang mga taong nakaupo sa gobyerno matapos bumoto ngayong araw para sa 2025 midterm elections.

Napansin kasi ni John ang kundisyon ng napuntahang classroom na nagsilbing waiting area para sa mga botante.

Sa kanyang Facebook page, nag-share si John ng mga litrato kung saan ipinakita niya ang sira at bukbuking lamesa na matatakpuan sa loob ng nasabing classroom.

Ang mababasa sa inilagay niyang caption, “Nandito ako sa loob ng isang classroom na ginawang WAITING ROOM sa MAHABANG PILA para bumoto at ganito ang lamesa ng mga estudiyante sa loob ng classroom.

“Asan ang budget sa EDUKASYON?” ang bahagi ng kanyang patutsada sa mga opisyal ng gobyerno.


Pagpapatuloy pa niya, “Tapos boboto tayo ng mga corrupt eh nakaharap mismo satin ang EBIDENSIYA NG MGA MALI NATING PAGPILI?

“Ano na mga kababayan? AYUSIN NAMAN NATIN ANG PAGBOTO KAHIT LAST MINUTE,” ang hugot pa ng aktor.

Sandamakmak naman ang nag-react sa post ng premyadong aktor. Narito ang ilan sa nabasa namin.

“Nasa mga ayuda napunta ang pondo.”

“Sir, your on point. Nakaka disappoint talaga. Tapos 18.4M aged 10 to 64 functional illiterate. Ayaw nila ng matalinong botante.”

“Nagsisimula yan sa Barangay Officers na hinahayaan din ang public schools papuntabsa Mayor… at Gobernador ng probinsya na lahat sila ay mayroon naman pondo upang maipaayos ang eskwelahan.”

“Dyan yan sa lugar niyo dito samin ok naman mga chairs, yung may problem dyan is local saan napupunta yung binibigay sakanila?”

“Di ba nahihiya mga current officials dyan pgboto nla today gnyan ang sitwasyon ng baramgay school nla….smantala sila panay pasok sa bulsa,..kakapal nman oi.”

“Makakatulong ang mga TV networks sa  hindi paggawa ng teleserye na lalabas ang mga artistang tatakbo sa politica.”

“Nakakalungkot kung simpleng mesa ni hndi naaus man lng, samantalang xla my mga luxury bags at mamahaling relo.”

“Yung iba po sir gawa tlg ng mga students sinisira nila …s amin sir binabalibag, inuupuan (lamesa).”

“Tila likas na talaga kay John ang pagiging kritiko sa ilang mga isyung pampolitika.”

Isa si John sa mga celebrity na lantaran ang pagbatikos sa mga government officials na wala naman aniyang nagagawa para mapabuti ang kalagayan ng mga Filipino.

Nasabi rin niya sa isang interview na mas gusto niyang punahin ang mga nasa posisyon kesa sumabak sa mundo ng politika.

The post John Arcilla pinuna bukbuking mesa sa classroom: Tapos boboto ng corrupt appeared first on Bandera.


Go, Aquino, Dela Rosa nanguna sa partial, unofficial result sa pagkasenador

$
0
0
Go, Aquino, Dela Rosa nanguna sa partial, unofficial result sa pagkasenador

NANGUNGUNA sa isinasagawa ngayong bilangan si Sen. Bong Go sa mga kumakandidatong senador para sa 2025 midterm elections.

Ito’y base sa partial and unofficial results para sa 2025 senatorial elections as of 8:15 p.m. ngayong Lunes, May 12.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), ang inilabas nilang resulta ay ibinase sa 67.76 percent ng local election returns at 19.42 overseas election returns na kanilang natanggap as of 8:15 p.m..

Narito ang nangungunang 15 kandidato sa partial and unofficial results ng Comelec.

1. Bong Go – 14,314,235
2. Bam Aquino – 11,883,138
3. Bato Dela Rosa – 10,847,704
4. Erwin Tulfo – 9,388,634
5. Kiko Pangilinan – 8,685,135
6. Ping Lacson – 8,463,506
7. Tito Sotto – 8,336,888
8. Rodante Marcoleta – 8,152,307
9. Pia Cayetano – 8,057,337
10. Camille Villar – 7,296,803
11. Imee Marcos – 7,263,703
12. Lito Lapid – 7,242,819
13. Ben Tulfo – 6,701,301
14 Bong Revilla – 6,484,536
15. Abby Binay – 6,450,315

The post Go, Aquino, Dela Rosa nanguna sa partial, unofficial result sa pagkasenador appeared first on Bandera.

Vico Sotto nangunguna sa pagka-mayor sa Pasig, malayo agwat sa mga kalaban

$
0
0
Vico Sotto nangunguna sa pagka-mayor sa Pasig, malayo agwat sa mga kalaban

Vico Sotto

ILANG oras lamang pagkatapos ng botohan ngayong araw, May 11, ay marami na ang bumabati sa anak nina Vic Sotto at Coney Reyes na si Vico Sotto.

Si Vico ang nangunguna sa mga kandidatong tumatakbong mayor sa Pasig City base sa partial and unofficial results ng halalan as of May 12, 9:19 p.m..

Ayon sa datos mula sa Commission on Elections (Comelec) ang kasalukuyang mayor ng Pasig na tumatakbo sa kanyang ikatlong termino ay nakakuha na ng 262,906 votes.

Ang sinasabing pinakamahigpit niyang kalaban na si Sarah Discaya ay nakakuha ng 21,775 boto habang ang iba pang kandidato na sina Cory Palma at Eagle Ayaon ay nakapagtala ng 238 at 219 votes, respectively.

Para naman sa pagka-vice mayor, ang incumbent candidate na si Dodot Jaworski ay nangunguna rin sa labanan with 217,750 votes.

Ang kanyang mga kalaban na sina Iyo-Caruncho Bernardo at Kuya-Marc Dela Cruz ay may 53,005 at 4,342 votes, respectively.

Sa labanan sa pagka-congressman, nangunguna naman si Roman Romulo na may 260,566 votes na tumatakbo rin sa ikatlo niyang termino sa House of Representatives.

Nakakuha naman si Ian Sia ng 12,574 votes na na-disqualify sa eleksyon base sa naging desisyon ng Comelec kaugnay ng “pambabasto” umano niya sa mga single mother sa isa niyang campaign rally noong April.

Ang naturang mga resulta ay ibinase sa  74.57% naprosesong election returns ng Comelec mula sa 288,430 out of 463,885 voters. Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pa rin ang bilangan ng mga boto sa Pasig.

The post Vico Sotto nangunguna sa pagka-mayor sa Pasig, malayo agwat sa mga kalaban appeared first on Bandera.

KC bongga Mother’s Day surprise kay Sharon: My turn to spoil the queen!

$
0
0
KC bongga Mother's Day surprise kay Sharon: My turn to spoil the queen!

Sharon Cuneta at KC Concepcion

MUKHANG tuluy-tuloy na nga ang maayos, tahimik at magandang relasyon ng mag-inang celebrity na sina Sharon Cuneta at KC Concepcion.

Pinusuan at ni-like ng mga netizens ang Mother’s Day greeting ni KC para sa pinakamamahal niyang ina sa pamamagitan ng social media.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng dalaga ang litrato nila ng nag-iisang Megastar kalakip ang madamdamin niyang mensahe. Tinawag pa niyang “My Queen” ang ina.

“Exactly a month ago, getting quality time with my Mama herself! Still one of the most iconic moments of my life with my one and only @reallysharoncuneta ~ our time together at the beach for my birthday.

“Happy Mother’s Day, Ma~ my queen, my day one, and now… my favorite girlfriend to hang with. I love you more than words can ever say. Here’s to more belly laughs and beautiful memories with you!” ang pagbati pa ni KC.


Sa isa pa niyang Instagram post, ibinandera rin niya ang ibinigay na regalo kay Mega kabilang na ang bouquet ng pitong magkakaibang klase ng rosas, freshly from Ecuador.

Binigyan din niya si Ate Shawie ng jewelry na siya mismo ang nag-design. Aniya sa caption, “My turn to spoil the queen!”

“I also personally designed a bespoke pair of solid white & yellow gold heart-shaped drop earrings for her: ‘Four of Hearts’ is pavé-set with natural brilliant-cut diamonds, natural pink sapphires, and lustrous, round, soft pink Edison pearls (specially grown in freshwater mussels!)… 4 hearts, 1 bond… each gold heart representing us, her 4 children.

“Love you, Mom! You’ll always be our queen… @reallysharoncuneta,” sey pa ni KC.

Nagpasalamat naman si Sharon sa pagbati ng anak at sa Mother’s Day gifts nito para sa kanya, “My KC @kristinaconcepcion sent me these flowers (garden na ang dami eh…) and these beautiful earrings with the most beautiful pearls and four hearts representing my four babies!!!

“The messages on the cards are so special to me, too. Thank you, Toot! I love you so much!” mensahe ni Sharon.

The post KC bongga Mother’s Day surprise kay Sharon: My turn to spoil the queen! appeared first on Bandera.

Kris nagsalita na sa kulam at sa mga ‘pumatay’ sa kanya: PLEASE STOP!

$
0
0
Kris nagsalita na sa kulam at sa mga 'pumatay' sa kanya: PLEASE STOP!

Kris Aquino

NAGSALITA na ang Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa mga nagpapakalat ng fake news na nakulam siya at namatay na.

Nakiusap si Kris sa lahat ng netizens at vloggers na gumagawa ng content tungkol sa kanyang karamdaman, na kesyo dead na raw siya at nabiktima ng kulam.

Sunud-sunod ang pagpo-post ni Kris sa social media nitong weekend kung saan nagbigay siya ng update sa hinggil sa kanyang health condition.

Sa isa niyang Instagram post, nabanggit ng TV host-actress na meron siyang update na ilalabas pagkatapos sumailalim sa PET scan.

Sey ni Kris, napapagod na siya sa mga fake news na naglalabasan sa socmed  about her health condition kasabay ng pakiusap sa publiko na itigil na ang pagpapakalat ng pekeng balita.

“Matagal ko nang gustong tumira sa tabing dagat kasi yung simoy ng hangin sobrang nakakatulong, bukas na lang after my pet scan i will tell you the TRUTH because i am so tired of seeing i am dead, na itong healer ang may solusyon, na may kumulam sa kin – please STOP,” ang pahayag ni Kris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Patuloy pa niya, “My faith in God’s mercy, in the salvation from Jesus Christ becoming man, and in Mama Mary’s mantle of protection – it remains strong.

“Let’s all continue to pray for everyone experiencing pain daily. Sana gumanda pa ang sahod ng mga govt health workers sa (Philippine flag emoji) para hindi na hangad ng marami ang mag trabaho abroad,” ang sey pa ni Kris.

Sa unang post ng TV host ay mapapanood ang video ng bunso niyang anak na si Bimby kasama ang singer-actress na si K Brosas, ang online show host na si Mama Loi at Tarlac Gov. Susan Yap.

Ayon kay Kris, naka-confine siya sa ospital para sa 2D Echo test at bago ito ay sumailalim muna siya sa PET (Position Emission Tomography) test.

“You are going to get a lot of Bimb. I am currently confined, now getting a 2D Echo. Tomorrow it’s my PET SCAN.

“I will give you a complete health update and we are choosing where we will be living kailangan ko ng fresh air and a cooler climate. The sea breeze will be wonderful may suggestions kayo?

“Currently I am a disenfranchised voter. Hindi ako nakaboto nung 2022 and I was in the (USA flag emoji) getting medical treatment for the Barangay elections. After you watch all my videos care of Bimb plus some (videos) for next week, please help me decide? Where will i be able to breathe fresh air?” pahayag pa niya.

Samantala, ibinahagi rin ni Kris na may bago na namang na-diagnose sa kanya na autoimmune disease, “In case you are counting i now have 9 diagnosed autoimmune diseases plus a 10th that came as a result of… (binitin niya).”

Sa isa namang hiwalay na video na kanyang ipinost ay mapapanood ang kanyang interview sa isang politiko. Sey ni Kris sa caption, “It felt so good, I haven’t interviewed anyone in about 4 years. This is the only interview i did- because malapit na.

“Please watch my first interview in years- i felt that i was home,” ani Kris.

The post Kris nagsalita na sa kulam at sa mga ‘pumatay’ sa kanya: PLEASE STOP! appeared first on Bandera.

Isko Moreno nasungkit uli pagka-mayor ng Maynila – unofficial tally

$
0
0

Isko Moreno nasungkit uli pagka-mayor ng Maynila – unofficial tally

TAGUMPAY ang actor-turned-politician na si Francisco Domagoso o mas kilala bilang si Isko Moreno na muling mahalal bilang mayor ng Lungsod ng Maynila.

Base sa lumabas na unofficial Comelec tally ng mga boto mula sa lungsod, nagkamit siya ng kabuoang 541,963 votes.

Tuluyan ngang natalo ni Isko ang dating kaalyado at ang incumbent mayor ng Maynila na si Honey Lacuna na pumangalawa naman matapos makakuha ng 192,759 votes.

Samantala, pumapangatlo naman si Sam “SV” Versoza na may botong 166,070 na sinundan nina Raymond Bagatsing at Michael Say.

Baka Bet Mo: Isko Moreno inisip ang milyon-milyong Manilenyo kaya nangutang noong pandemya

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Marami naman sa mga Manilenyo ang nagdiwang sa muling pagbabalik ni Isko bilang “Yorme” ng Maynila.

Narito ang mga komento ng netizens sa pagkapanalo ni Isko.

“Congratulations Manila [emojis] linis na ulit! [emojis]”

“Balwarte talaga ni isko ang manila.”

“Manila will be great again.”

Matatandaang inihalal si Isko bilang ika-23rd na alkalde ng Maynila matapos niyang matalo ang dating Pangulo at incumbent Manila mayor na si Joseph “Erap” Estrada.

Matapos ang termino ay nagdesisyong tumakbo ang actor-politician sa pagkapresidente ng bansa noong 2022 national elections ngunit nabigo itong manalo.

The post Isko Moreno nasungkit uli pagka-mayor ng Maynila – unofficial tally appeared first on Bandera.

Viewing all 44632 articles
Browse latest View live


Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>