Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44415 articles
Browse latest View live

Gwen Garcia inendorso si Kiko bilang ika-11 Senatoriable ng One Cebu

$
0
0

Gwen Garcia inendorso si Kiko bilang ika-11 Senatoriable ng One Cebu

PORMAL nang inendorso ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia si Senador Francis “Kiko” Pangilinan bilang ika-11 kandidato sa pagka-senador ng makapangyarihang grupong politikal na One Cebu, na siyang kauna-unahang kandidatong hindi kabilang sa administrasyon na sinuportahan ng lalawigan.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga lokal na opisyal mula sa ika-5 at ika-6 na distrito ng Cebu noong Martes ng gabi, buong loob na ipinahayag ni Garcia ang kanyang suporta kay Pangilinan. Binanggit niya ang kanilang matagal nang pagkakaibigan at ang katapatan ng senador, na aniya’y hindi nagbabago kahit pa iba-iba ang pulitikal na mga alyansa.

“Pagiging palagian at matatag. Iyan ang tanda ng tunay na pagkakaibigan. Iyan ang tanda ng tunay na tao,” sey ni Garcia.

Inilarawan niya ang kanilang relasyon bilang isang pagkakaibigang tumatag sa kabila ng pabago-bagong politika.

Baka Bet Mo: Frankie Pangilinan nanawagan sa lahat ng mayor na suportahan si Kiko

“Diyan mo talaga makikita kung anong klaseng tao siya,” dagdag pa ng gobernadora habang umani ito ng masigabong palakpakan mula sa mga kapitan ng barangay at alkalde sa lugar.

Nagpasalamat naman si Pangilinan sa suporta ni Garcia, na aniya’y dumating sa isang mahalagang yugto ng kanyang kampanya.

Sa mga nagdaang linggo, nakatanggap ang senador ng sunod-sunod na pag-endorso mula sa iba’t ibang grupo at sektor sa bansa.

“Lubos po akong nagpapasalamat kay Governor Gwen sa kanyang suporta at tiwala. Naniniwala kaming sa patuloy niyang pamumuno, lalo pang uunlad ang One Cebu,” ani Pangilinan.

Sa buong kampanya, iginiit ni Pangilinan ang kahalagahan ng pagtutulungan sa kabila ng magkakaibang paniniwala sa politika, lalo na upang maisulong ang mga polisiya na makakapagpababa ng presyo ng pagkain at makakatulong sa pagpigil sa inflation.

Ayon sa kanya, kapag abot-kaya ang pagkain, mas kayang makaraos ng karaniwang Pilipino.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi rin ni Garcia ang ilang personal na karanasan niya kay Pangilinan.

Naalala niya ang isang okasyon noong dekada 2000 na pinuntahan siya ng senador upang kamustahin.

“Talagang pinuntahan ako ni Kiko para lang batiin at kumustahin ako. Sinabi pa niyang ipaabot ang pagbati kay Pablo John. Napaka-personal ng gestong iyon at talagang na-touch ako,” wika niya.

Dumating ang endorsement na ito ilang araw matapos suportahan si Pangilinan ng mga pangunahing lider ng Bangsamoro.

Noong nakaraang linggo, bumisita ang senador at ang kanyang asawang si Sharon Cuneta sa Camp Darapanan sa Sultan Kudarat.

Doon, tinanggap sila nina dating Bangsamoro chief minister at MILF chair Ahod Ebrahim at vice chair Mohaqer Iqbal, na kapwa nagpahayag ng kanilang suporta.

Nauna nang sinabi ni Garcia na sampung kandidato lamang mula sa administrasyon ang kanyang susuportahan sa ilalim ng Alyansa sa Bagong Pilipinas.

Ngunit ibinunyag niyang ang ika-11 niyang kandidato ay isang matalik na kaibigan — at ito ay walang iba kundi si Pangilinan.

The post Gwen Garcia inendorso si Kiko bilang ika-11 Senatoriable ng One Cebu appeared first on Bandera.


Vice Ganda inendorso sina Kiko Pangilinan, Bam Aquino: Ibalik sa senado

$
0
0

Vice Ganda inendorso sina Kiko Pangilinan, Bam Aquino: Ibalik sa senado

PROUD na ibinandera ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang pagsuporta sa kandidatura nina Atty. Kiko Pangilinan at Bam Aquino sa pagkasenador.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang videos kung saan matapang niyang ipinahayag ang pag-endorso sa dalawang senatorial aspirant.

Nitong Linggo, May 4, nagbahagi si Vice ng video kung saan makikitang nagbabasa siya ng mga “profile’ ng mga tumatakbo ngayong eleksyon.

Sa una ay tila puro palpak ang mga nakikita niya kaya napapatapon siya ng folder at napapa-react sa mga nababasa.

Baka Bet Mo: Vice Ganda binatikos dahil sa pag-endorso kay Benhur Abalos

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Di pwedeng mawala sa Top 12 ang TAPAT at TOTOO,” saad ni Vice sa caption.

Sumunod naman na inendorso ng “It’s Showtime” sa pagkasenador si Bam Aquino.

Nitong Martes, May 6, isa reels ang in-upload ni Vice kung saan kinakanta niya ang “Bam Bam Bidam Bam” ng “King Imxge.

Makikita rin sa reels na kasama niya ang ilang “It’s Showtime” hosts gaya nina Darren Espanto at Ogie Alcasid.

“Ibalik sa senado ang matino at matalino. Bam Aquino, number 5 sa balota,” sey ni Vice Ganda sa huling bahagi ng video.

Bago pa man ang pag-endorso ng kilalang personalidad kina Kiko at Bam, nauna na niyang pinakita ang suporta kay former DILG Sec. Bengur Abalos.

Matatandaang noong nagdaang 2022 presidential elections ay nagbigay rin ng suporta si Vice kay Atty. Leni Robredo.

The post Vice Ganda inendorso sina Kiko Pangilinan, Bam Aquino: Ibalik sa senado appeared first on Bandera.

Jackie Lou Blanco may promise kay Ricky: I’ll take care of the kids

$
0
0

Jackie Lou Blanco kay Ricky: I'll take care of the kids

NAGING bukas ang beteranang aktres na si Jackie Lou Blanco patungkol sa pagkamatay ng kanyang dating asawa na si Ricky Davao.

Sa kanyang interview sa ABS-CBN News, inamin ng aktres na na-diagnose si Ricky ng stage 4 lymphoma noong December 2024.

“We also kind of knew na baka the end is near but we never expect it this to be this soon,” lahad ni Jackie Lou.

Pagpapatuloy niya, na-confine at na-intubate sa ICU si Ricky ngunit nakitaan naman ito ng improvement.

Baka Bet Mo: Jackie Lou Blanco sa pagpanaw ni Ricky Davao: Lumaban talaga siya!

“Things were looking better. He was transferred to a regular room, tinatanggal na ‘yung tube. After a while, after a couple of weeks, nagstart na yung treatment. Gumaganda, lumiliit ‘yung tumor kaya nga lang, you know what cancer is, and it was also a delayed stage,” saad pa ni Jackie Lou.

Sa kabila ng mga pagsubok sa kabilang pamilya ay patuloy pa rin ang pagsulit nila sa oras at nag-celebrate pa ng Christmas together.

Amin ni Jackie Lou, hindi perpekto ang relasyon nila ni Ricky pero sa mga huling buwan niyo ay nagkaroon na ng kapatawaran at kapayapaan sa pagitan nila.

“Our relationship was a work in progress. I mean, in the beginning, parang hindi pa masyadong okay.

“When things got better, we were able to [celebrate] as a family, we were able to take a trip as a family. Things were really in a better place, and I am happy that it was in that place because at least naging maayos before he passed. I think that’s what I am really thankful for,” sabi pa ni Jackie Lou.

Aniya, noong mga panahong nasa ICU pa si Ricky ay nagkausap na sila at siniguro niyang hindi niya pababayaan ang kanilang mga anak.

“When he was in the ICU, before kasi siya nauwi sa bahay, parang there was a scare, parang we thought na that was it na during that time. We all said our piece na. I was able to tell him na ‘You know, I am here, I’m here with the kids [and] we’re praying for you.

“I said ‘Whatever happens between us, I pray that you are forgiving me kasi ako rin naman I forgive you,’ and nasabi ko ‘Don’t worry, I’ll take care of the kids,'” chika pa ni Jackie Lou.

Thankful nga rin siya na nagkaroon sila ng pagkakataon na magkausap at walang samaan ng loob at napuno ng pagmamahal sa isa’t isa bago pa ito bawian ng buhay.

“I reassured him na magiging okay kami and huwag siyang matakot because Jesus is waiting him in heaven where there is no more pain. So, I have been blessed to be able to have that opportunity and for him to have passed with so much love around him,” sey pa ni Jackie Lou.

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong 1989 at nagkaroon ng tatlong anak na sina Kenneth, Rikki Mae, at Ara.

The post Jackie Lou Blanco may promise kay Ricky: I’ll take care of the kids appeared first on Bandera.

Dapat bawian ng lisensiya ang ‘kamote, hot drivers’– Chiz Escudero

$
0
0
Dapat bawian ng lisensiya ang 'kamote at hot drivers' - Chiz Escudero

Chiz Escudero

DAPAT bawiin ang lisensiya sa pagmamaneho ng mga driver na nasasangkot sa “road rage” at mga nasasangkot sa mg aksidente.

Ito ang nakikitang paraan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero para magkaroon ng ganap na disiplina sa pagmamaneho.

“Naging uso na content sa social media ang video ng kamote drivers pero sa totoo lang ay hindi nakakatawa o nakakaaliw ang kilos ng mga ito.

“Ang daming napeperwisyo at kadalasan nauuwi sa karahasan ang mga insidenteng ito,” sabi pa ni Escudero.

Kaya aniya agad bawiin ang lisensya sa pagmamaneho ng mga nasasangkot sa mga trahedya sa kalsada at sa mga “road rage” na nag-uugat naman sa init ng ulo.

Dagdag pa ng senador seryosong isyu na ang kawalan ng disiplina sa kalsada.

Hindi din aniya sapat ang 90 na araw na suspensyon sa driver’s license dahil hindi nito nababago ang masamang ugali ng mga motorista.

“Kapag walang disiplina ang motorista dapat na tanggalan sila ng lisensya,” diin ni Escudero.

The post Dapat bawian ng lisensiya ang ‘kamote, hot drivers’ – Chiz Escudero appeared first on Bandera.

Autopsy report ng 2 pumanaw sa NAIA accident inilabas na

$
0
0

Autopsy report ng 2 pumanaw sa NAIA accident inilabas na

LUMABAS na ang resulta ng autopsy report ng dalawang biktima na namatay dahil sa nangyaring aksidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Linggo, May 4, 2025.

Base sa inilabas na pahayag ng Philippine National Police (PNP)-Aviation Security Group (AVSEGROUP) noong Martes, May 6, parehong nagkaroon ng blunt-force trauma sa ulo ang 5 taong gulang na batang babae at 29-anyos na lalaki na siyang dahilan ng kanilang pagkamatay.

“Autopsy results confirmed that the 29-year-old victim died due to blunt force trauma to the head and spinal cord; his remains are currently in Hagonoy, Bulacan for his funeral wake.

Baka Bet Mo: OFW na namatayan ng anak sa NAIA accident hindi na nakaalis ng Pinas

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“The minor, who also died of blunt force trauma to the head and left lower extremities, is now in Lipa City, Batangas for her wake,” saad ng PNP-AVSEGROUP.

Matatandaang dalawa ang nasawi matapos araruhin ng isang SUV ang departure area ng NAIA Terminal 1.

Ayon sa pahayag ng driver, nangyari ang insidente dahil sa taranta niya noong pinapaalis siya sa parking nang biglang may sedan na dumaan sa harapan niya at imbes na preno ay silinyador ang kanyang natapakan.

Nahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in two counts of homicide, multiple physical injuries, at damage to properties.

Siniguro naman ng PNP-AVSEGROUP na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima.

“AVSEGROUP assures the public that justice will be pursued with the full extent of the law. We remain steadfast in our commitment to safeguarding lives and maintaining peace and order within airport premises,” pahayag pa ng ahensya.

The post Autopsy report ng 2 pumanaw sa NAIA accident inilabas na appeared first on Bandera.

Mother’s Day 2025: Anu-anong ugali ang namana ni Iza sa namayapang ina?

$
0
0
Mother's Day 2025: Anu-anong ugali ang namana ni Iza sa namayapang ina?

Maria Antonia Ussher, Iza Calzado at Deia Amihan

DIRETSAHANG binanggit ng award-winning actress na si Iza Calzado na super istrikto raw ng kanyang namayapang inang si Maria Antonia Ussher.

Kaya naman ngayong isa na rin siyang proud mommy, ito raw ang ugali ng nanay niya na hindi niya ginaya o in-adapt.

Eksklusibong nakapanayam ng BANDERA si Iza at natanong nga namin siya kung anu-anong mga katangian ng mommy niya ang namana o nakuha niya noong nabubuhay pa ito.

Ito’y bilang bahagi na rin ng selebrasyon ng Mother’s Day sa darating na linggo, May 11.

“Sobrang strict si Mommy so I went the opposite, so ayokong maging ganu’n. But I think yung nakuha kong traits kay mom…kasi my dad para siyang…free spirit, as an artist.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado)

“And I guess my mom was parang structured at merong part nu’n na nakuha ko kahit paano.

“Tsaka yung hilig niya sa books, bata pa lang ako talagang mahilig na ako sa mga libro and that’s because my mom really loves books when she was still alive,” pagbabahagi ni Iza na proud hands-on mom din sa anak nila ni Ben Wintle na si Deia Amihan.

Patuloy ng aktres, “Then she was also very funny, both of my parents are funny. And actually yung mama ko maawain so, nakuha ko yun.”

Narito naman ang message niya sa lahat ng ina para sa darating na Araw ng Mga Ina.

“Sa lahat po ng kapwa nanay ko, happy Mother’s Day po sa ating lahat. Please take this day and more days to celebrate, to rest, to empower yourself and to remind yourself of how amazing you are.

“Because as a mama, you are truly amazing!” sey pa ni Iza.

Inamin ng aktres na nagiging emosyonal siya kapag dumarating ang kaarawan ng kanyang ina tuwing January.

Sabi niya sa isang Instagram post, “Mama, your birthday today hits hard. As I cradle my first child in my arms, I can’t help but think what it felt like for you to hold me in yours and wonder what it would look like to see my sweet Deia in your loving arms.

“So many questions I wish I could ask you, so many things I wish I could tell you. I would be so lucky to see you and hug you tight in my dreams tonight.

“Thank you, Mama, for giving us the opportunity to live in this wonderful world. Enjoy your birthday in Heaven! I love you so much,” saad pa ni Iza Calzado.

The post Mother’s Day 2025: Anu-anong ugali ang namana ni Iza sa namayapang ina? appeared first on Bandera.

Mother’s Day 2025: Ria Atayde namana pagkapraning ni Sylvia Sanchez

$
0
0
Mother's Day 2025: Ria Atayde namana pagkapraning ni Sylvia Sanchez

Sylvia Sanchez at Ria Atayde

NAPAKABILIS talaga ng panahon mga ka-BANDERA ‘no! Parang kailan lang nu’ng mag-celebrate tayo ng Mother’s Day last 2024.

Ngayon, three days na lang muli na naman nating bibigyang-pugay ang ating mga ina, nanay, mommy, mama, mudra at kung anu-ano pang espesyal na tawag natin sa kanila.

At bilang bahagi ng taun-taon nating pagdiriwang ng Araw ng Mga Ina, natanong ng BANDERA ang aktres at first-time celebrity mom na si Ria Atayde kung anu-anong qualities ang namana niya sa kanyang nanay.

In fairness, kilalang napakabuti, mapagbigay at super supportive na ina si Sylvia sa kanyang mga anak kaya naman napalaki niyang mabubuti at marespeto ang mga ito.

Question namin sa wifey ng seasoned actor na si Zanjoe Marudo, anu-anong ugali ni Ibyang (palayaw ni Sylvia) ang namana o nakuha niya.

Sagot ni Ria, “Siguro yung willingness to give everything you can, like energy and time, all of that, I think that’s what I got sa nanay ko.

“And maybe yung pagiging…grabe kasi siyang mag-worry. Pero medyo siya yung mas praning,” ang natatawang pahayag ng Kapamilya actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ria Atayde Marudo (@ria)

Ngayong nanay na rin siya, mas naiintindihan na niya ngayon ang ugali ng mga ina at mas bumilib pa siya sa mga ito dahil napatunayan niya kung gaano kahirap ang maging hands-on mom.

Ano naman ang mensahe niya sa lahat ng mother all over the universe?

“O, wow! You know I used to be very grateful to all mothers because the work and effort they put in for us children but now I’m a mother myself, I now understand how difficult it is to give up the autonomy of yourself.

“So, I hope in your day to day you’ll be able to find support, find time to breath, and find time for yourself so you would not lose yourself and enjoy motherhood,” pahayag pa ni Ria na enjoy na enjoy sa pag-aalaga kay Baby Sabino.

Nauna rito, ibinandera ni Sylvia kung gaano siya ka-proud kay Ria, “Even when you were little, while I was away at work, you instinctively took on the role of protector and nurturer for your siblings.

“And now, seeing you step into this beautiful new chapter, my heart overflows with pride.

The message is a testament to the enduring love and admiration between a mother and daughter. Sanchez’s closing words, “I know you will be an incredible mother to Sabino! Love u, my Potpot,” saad ni Ibyang.

The post Mother’s Day 2025: Ria Atayde namana pagkapraning ni Sylvia Sanchez appeared first on Bandera.

Sam Verzosa: Minsan lang po ako tatakbo, sana wag n’yo pong sayangin

$
0
0
Sam Verzosa: Minsan lang po ako tatakbo, sana wag n'yo pong sayangin

Sam Verzosa at Rhian Ramos

MAY kumakalat na chika na ubos na raw ang pera at kayamanan ng mayoralty candidate na si Sam Verzosa dahil sa pangangampanya.

Sa dami raw ng tinutulungan niyang mga kababayan nating nangangailangan at sa laki raw ng ginagastos nito sa pangangampanya ay nasaid na raw ang milyun-milyon niyang savings.

“Hindi naman, pero nabawasan. Siyempre naman ang daming humihingi ng tulong, talagang mababawasan.

“Kaya kailangan kong kumayod, kailangan kong magnegosyo. Kaya nga kaka-re-launch lang namin, e (Frontrow International).

“Nag-launch kami ng mga bagong products at ngayon sobrang lakas ng benta, ganu’n yun e,” ang paglilinaw ni SV na ang tinutukoy ay ang mga bagong produkto Frontrow.

“Alam n’yo, you think of ways paano mong masu-sustain yung ginagawa mo, e di mag-isip ka ulit, ang maganda doon, nagawa ko na dati, hindi na siya bago sa akin e.

“Alam mo, kapag natikman mo ang success, madali lang i-repeat yan. You know what it takes e, discipline, focus, creativity, consistency, hard work, lahat yan normal na sa akin.

“Hindi iyan yung tipong pinakaaralan ko pa. So kung ano man ang ginawa ko dati, uulitin ko lang para mas kumita ako, mas makatulong pa ako sa mas maraming tao.

“So yung mga tsismis na…kasi naniwala sila sa campaign namin, di ba pinasakay natin kunwari na titigil namin yung pagbebenta?

“Sinakyan naman nung mga kalaban natin na nagsara yung kumpanya, e sumakay lang naman sila sa…it’s just a marketing strategy.

“Ngayon pinag-usapan tayo ng lahat, yun pala we came out bigger, better, and stronger,” aniya pa.

Samantala, muling ipinagdiinan ni Sam na “limited offer” lang ang pagtakbo niya bilang mayor ng Maynila. Ibig sabihin, one time, big time lang ang kanyang kandidatura.

“Lahat ng meron ako ibinigay ko na po sa mga kababayan ko, walang pansariling interes. Puro tulong at kawanggawa simula 2009. Minsan lang po ako tatakbo sa Maynila, sana wag n’yo pong sayangin,” ang pahayag ni SV.

Samantala, todo pa rin ang suporta kay SV ng kanyang girlfriend na si Kapuso actress Rhian Ramos na napakasipag ding sumama sa mga campaign rally.

Walang arte-arteng nakikipagchikahan at nakikipag-selfie ang aktres sa mga residente ng Maynila kaya naman tuwang-tuwa rin sa kanya ang mga nakakasalamuhang tao.

The post Sam Verzosa: Minsan lang po ako tatakbo, sana wag n’yo pong sayangin appeared first on Bandera.


Mother’s Day 2025: Nora Aunor naging nanay din ng napakaraming artista

$
0
0
Mother's Day 2025: Nora Aunor naging nanay din ng napakaraming artista

Nora Aunor at ang limang anak

HINDI lang sa lima niyang anak naging nanay ang Superstar na si Nora Aunor kundi maging sa napakaraming artistang nakasama niya sa teleserye at pelikula.

Patunay diyan ang walang katapusang pagpapasalamat sa kanya ng napakaraming artista na nakatrabaho niya sa ilang dekadang pamamayagpag niya sa mundo ng showbiz.

Bukod pa riyan ang pagdalaw ng mga  celebrities at pagbabahagi ng kanilang hindi makakalimutang karanasan tungkol sa National Artist for Film and Broadcast Arts.

Lahat sila’y nagsabing itinuring din silang parang anak ng namayapang Superstar dahil sa ipinaramdam nitong tunay na pagmamahal at pagkalinga kapag nagkakasama sila sa shooting at taping.

Ilan sa mga kabataang nakatrabaho ni Ate Guy na nagbigay-pugay sa kanyang pagpanaw ay sina Barbie Forteza, Kyline Alcantara, Jeric Gonzales, Edgar Allan Guzman, Carol Banawa, Bianca Umali at marami pang iba.

Pinatunayan din ni Nora na wala rin sa dugo ang pagiging nanay dahil sa ibinigay niyang unconditional love sa mga adopted children niyang sina Lotlot, Ian, Matet, Kenneth at Kiko. Tanging si Ian de Leon lamang ang naging biological son niya mula kay Christopher de Leon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sabi nga ni Matet sa isang panayam, “Never niya po ipinaradam sa amin iyon. Nalaman po namin kasi na ampon kami through the helpers. Si Kuya, anak ni mommy pero tayo, anak niya sa heart.“

Naniniwala naman si Ian na habangbuhay nang aalalahanin ng sambayanang Pilipino ang kanyang ina, “Ang pamana po ng nag-iisang Superstar ay hindi nananatili sa iisang henerasyon lamang. Ito ay patuloy nananatiling buhay sa puso at kamalayan ng sambayanang Pilipino.

“Nasaksihan namin kung pano siya lumaban, hindi lamang para sa kanyang karera, kundi para sa mga kwentong nais niyang bigyang buhay. Mga kwentong Pilipino, totoo at makabuluhan,” sabi pa ni Ian.

Nagbitiw naman ng pangako si Lotlot na ipagpapatuloy nila ang legasiyang iniwan ng kanilang ina sa entertainment industry.

“Ma, alam mo po I find myself talking to you every day at alam ko nakikinig ka. Nasabi ko na din naman sa’yo lahat mommy at alam ko din na ang bilin mo sa akin ay ang mga kapatid ko at mga apo mo. ‘Yung tinuro mo sa akin na maging atatag sinusubukan ko po talagang gawin.

“Ma, maraming nagmamahal sayo. Sobra! Sana nakikita n’yo po yun. They all showed up for you and our family and kami na mga anak mo sobrang grateful po.

“Si Ian, Matet, Kiko, Ken at ako. Basta look after us always ma. Alam ko hindi mo kami pababayaan sa bawat desisyon na gagawin naming magkakapatid. At lalo pa kami nagkakaisa dahil sa ‘yo.

“We promise to take care of your legacy, Ma, kame ng mga kapatid ko. Rest easy ma,” pahayag ni Lotlot.

Marami namang napaluha sa naging eulogy ni Matet tungkol sa hindi nila pagkakaintindihan nila noon ni Ate Guy.

“Syempre hindi naman po lingid sa kaalaman ng lahat na may mga ano kami ni Mommy. Ako po ang — according to her good friends na nag-aalaga sa kanya — palagi daw po akong binabanggit ni mommy sa kanila as ‘yung anak niyang sutil.

“Meron po kaming mga hindi pagkakaintindihan; maraming times na hindi po kami nakakapag-usap. ‘Yung mga kapatid ko po nakakausap nila si mommy pero ako hindi masyado.

“Ayoko po magsalita dahil I am still full of regrets,” she admitted, wiping the tears from her face. Alam mo na, Ma, kung ano po ‘yung sinabi ko sa inyo. Mahal na mahal ko po kayo, Mommy. Pahinga na po kayo,” ang pamamaalam pa ni Matet sa kanyang ina.

Pumanaw si Nora Aunor noong April 16 sa edad na 71 “due to acute respiratory failure.” Inihatid siya sa kanyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani noong April 22.

 

The post Mother’s Day 2025: Nora Aunor naging nanay din ng napakaraming artista appeared first on Bandera.

OFW sa driver na nakasagasa sa anak: Walang kapatawaran ang ginawa mo

$
0
0
OFW sa driver na nakasagasa sa anak: Walang kapatawaran ang ginawa mo

Danmark Masongsong at Malia Masongsong

“YUNG kasalanan mo, walang kapatawaran ‘yan, tandaan mo ‘yan!” Yan ang pahayag ng OFW laban sa driver ng SUV na nakasagasa sa kanyang anak sa departure area ng NAIA Terminal 1.

Ayon kay Danmark Masongsong, hindi niya kayang patawarin ang taong naging dahilan ng biglaang pagkamatay ng 5-anyos na anak niyang si Malia. 

Sugatan din sa aksidente ang kanyang asawa’t biyenan. Huli na nilang nalaman ang masaklap na nangyari sa bata na agad nasawi matapos ngang mabangga ng itim na SUV.

Ayon sa driver ng sasakyan nataranta raw siya kaya sa halip na break ay ang silinyador ang naapakan niya kaya mabilis na nagtuluy-tuloy ang sasakyan sa departure area ng NAIA Terminal 1.


“Sa ngayon po, hindi ko po mapapatawad dahil buhay po ang kinuha kaya ang gusto po namin, mabulok sa kulungan para mabigyan ng hustisya ang anak ko,” ang pahayag ni Danmark sa panayam sa kanya ng media.

Sabi pa niya sa driver ng SUV, “Walang kapatawaran ang ginawa mo sa aking asawa lalo na sa aking anak na nawalan ng buhay.

“Ikaw, nakakakain ka pa, ang anak ko wala na. Kaya ‘yung kasalanan mo, walang kapatawaran ‘yan, tandaan mo ‘yan. 

“Korte na lang ang bahala sa ’yo,” ang mariin pang pahayag pa ng nagdadalamhating ama.

The post OFW sa driver na nakasagasa sa anak: Walang kapatawaran ang ginawa mo appeared first on Bandera.

Jackie Lou Blanco ipinakilala ang ‘Aida, Lorna at Fe’ sa buhay ni Ricky Davao

$
0
0

Jackie Lou Blanco ipinakilala ang ‘Aida, Lorna at Fe’ sa buhay ni Ricky Davao

ALIW ngunit ramdam ang pagmamahal sa inialay na eulogy ng aktres na si Jackie Lou Blanco para sa namayapang ex-husband na si Ricky Davao.

Sa last day ng lamay ng actor-director, ibinahagi niya ang masasayang memories nila together noong nagsasama pa sila.

Kuwento ni Jackie Lou, joker at mahilig mag-prank si Ricky lalo na sa mga anak nila.

Pinuri rin niya ang dating asawa na siyang nagturo sa kanya kung paano maging masinop sa pera at laging magtabi ng 20-30% ng sahod para sa savings.

Baka Bet Mo: Jackie Lou Blanco may promise kay Ricky: I’ll take care of the kids

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Isa nga sa highlights ng eulogy ay ang paglalahad ni Jackie Lou sa mga babaeng naging parte ng buhay ni Ricky — siya, si Cheryl Songzon, at si Mayeth Malca.

Amin niya, present silang tatlo noong mga panahong nasa ospital ang aktor.

“I want to thank you, Malca, Ricky’s girlfriend, for taking such good care of Ricky,” pagpapasalamat ni Jackie Lou sa kasalukuyang partner ng dating asawa.

Sunod ay iponakilala niya si Cheryl na ina ng bunsong anak ni Ricky.

Biro nga ni Jackie Lou, nalito na raw ang doktor nang makita ang tatlong babaeng naging bahagi ng buhay ng aktor at nagulat pa dahil in good terms silang lahat.

“Ang joke nga namin, magkakasama kaming tatlo—si Aida, si Lorna, at si Fe.Pag kami lang ni Malca, ‘Ang Dalawang Mrs. Real’.

“I mean, we were all there to take care of Ricky in our own way. I was there not only to check on Ricky but to make sure that my children are okay because it was very difficult for them. But I’d like to say that the reason why we are all okay is because of the kind of man and person that Ricky was,” chika pa ni Jackie Lou.

Para sa mga hindi aware, ang reference ng “Aida, Lorna, at Fe” ay hango sa ng sikat na kanta ni Marco Sison noong 90s habang ang “Dalawang Mrs. Real” naman ay ang Kapuso teleserye ni Maricel Soriano sa GMA kasama sina Dingdong Dantes at Lovi Poe.

The post Jackie Lou Blanco ipinakilala ang ‘Aida, Lorna at Fe’ sa buhay ni Ricky Davao appeared first on Bandera.

Jon Santos bongga ang pagbabalik entablado, may pasabog para sa Pride Month

$
0
0
Jon Santos bongga ang pagbabalik entablado, may pasabog para sa Pride Month

PHOTO: Courtesy of The Sandbox Collective

MALAPIT na ang Pride Month, kaya naman nagbabalik sa entablado ang nag-iisang Jon Santos!

Ang exciting pa ay hindi lang isa ang pagbibidahan niyang bonggang produksyon, kundi dalawa.

Magkakaroon ng rerun ang one-man play niyang “Bawat Bonggang Bagay (BBB)”, at may kasunod pa itong “Side Show: The Musical.”

Matapos ang sold-out runs noong 2023 at 2024, muli tayong bibigyan ng rollercoaster of emotions ng “Bawat Bonggang Bagay,” ang Filipino adaptation ng “Every Brilliant Thing” nina Duncan Macmillan at Jonny Donahoe.

Baka Bet Mo: Jon Santos, Kakai, Donita Nose nanggulo sa bahay ni Regine

Ang kwento niya ay muling iikot sa isang LGBT member na lumalaban sa gitna ng mental health struggles gamit ang listahan ng bonggang bagay na nagbibigay saysay sa buhay niya.

Ang show na ‘yan ay mula sa direksyon ng award-winning director na si Jenny Jamora at sa salin ng multi-talented Guelan Luarca.

Mapapanood ang “BBB” sa Power Mac Center Spotlight Black Box Theater sa Circuit Makati, simula June 14 hanggang June 22.

Walang extension kaya gora na sa TicketWorld via bit.ly/bbonggab25 habang may tickets pa!

Jon Santos bongga ang pagbabalik entablado, may pasabog para sa Pride Month

PHOTO: Courtesy of The Sandbox Collective

Pagkatapos niyan, aarangkada naman ang kanyang “Side Show: The Musical” na babandera sa darating na Hulyo.

Ipapakita naman diyan ni Jon ang kakaibang mundo ng “freaks.”

Ito ay base sa kwento ng tunay na buhay ng conjoined twins na sina Daisy at Violet Hilton na sumikat noong 1920s at 1930s sa Amerika.

Ang magiging direktor ay si Toff de Venecia, kaya aasahan natin ang isang visually stunning, emotionally gripping na musical na tiyak na magpapaisip at magpapaindak sa ating lahat.

Musical director naman dito si Ejay Yatco –so expect powerhouse music and heart-hitting numbers.

Ang iba pang cast naman para sa musical ay hindi pa nari-reveal kaya isa ‘yan sa mga kaabang-abang.

Gaganapin din ang “Side Show: The Musical” sa Power Mac Center Spotlight Black Box Theater mula July 26 hanggang August 17.

The post Jon Santos bongga ang pagbabalik entablado, may pasabog para sa Pride Month appeared first on Bandera.

‘Ashtine’ o ‘Ashley’, netizens nagkagulo sa viral video ng BINI

$
0
0

'Ashtine' o 'Ashley', netizens nagkagulo sa viral video ng BINI

TILA nalilito ang mga netizens kung “Ashley” o “Ashtine” ang pangalang nabanggit ni BINI Stacey sa video na kumakalat ngayon sa social media.

Kasalukuyang nahaharap sa malaking eskandalo ang tatlong miyembro ng tinaguriang “nation’s girl group” na sina Colet, Jhoanna, at Stacey matapos kumalat ang sensitibong video kasama sina Ethan David at Shawn Castro.

Mapapanood sa video ang “kulitan” nila kung saan makikitang may hindi kaaya-ayang ginagawa ang dalawang lalaki habang maririnig sa background ang boses ng mga BINI members.

“Ganyan ‘yung ginagawa niya kay [Ashtine o Ashley] yiee,” saad ni Stacey.

Baka Bet Mo: Colet, Jhoanna, Stacey ng BINI nasangkot umano sa ‘iskandalo’, fans dismayado

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Yes, 13 years old,” sabi naman ni Colet.

“Sinasabunutan and all,” dagdag pa ni Stacey.

Kasabay ng pag-viral ng naturang video ay ang hating opinyon ng mga netizens kung “Ashtine” ba o “Ashley” ang kanilang narinig.

May mga nagsasabing Ashley ang nabanggit na pangalan.

Habang ang ilan naman ay sinasabing Ashtine ang narinig nila.

“guys ewan, paulit ulit kong pinakinggan yung video, nagtatalo talaga yung ashtine at ashley eh,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Women empowerment daw.. tsk tsk.. protect our mutya sana tama yung video sa tktok na ashley hndi ashtine.”

“doesn’t matter kung ashley or ashtine,,, issues here are: gal’s 13 n the very obv inappropriate joke,” sey pa ng isa.

Pero base naman sa nakararami ay “Ashley” ang binanggit sa naturang video.

May nagsasabing malabong maging si Ashtine Olviga, kasama ni Ethan sa hit adaptation series na “Ang Mutya Ng Section E” dahil 23 years old na ito.

Ang nabanggit sa video ay menor de edad at 13 years old pa lamang.

Samantala, bago mag-hit ang “Mutya Ng Section E” ay naging magka-love team sina Ethan at Ashtine kaya marahil nadamay ang pangalan nito sa isyu.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang BINI members o ang management hinggil sa isyu.

The post ‘Ashtine’ o ‘Ashley’, netizens nagkagulo sa viral video ng BINI appeared first on Bandera.

Yul Servo Nieto kalmado lang sa ingay ng politika, niyanig ang sistema

$
0
0

Yul Servo Nieto kalmado lang sa ingay ng politika, niyanig ang sistema

SA gitna ng ingay ng politika sa Maynila, isang lider ang nananatiling kalmado, buo ang loob, at matatag ang prinsipyo —si Vice Mayor Yul Servo Nieto.

Halos dalawang dekada na siyang naglilingkod sa lungsod, at sa bawat yugto ng kanyang karera, pinapatunayan niyang siya ay hindi lamang politiko, kundi isang sundalo ng paglilingkod —handang magsakripisyo at kumilos para sa kapakanan ng kanyang mga kababayan.

Bilang konsehal ng ika-3 Distrito ng Maynila, agad niyang niyanig ang nakasanayang sistema.

Sa halip na limitado lamang sa batas, sinimulan niya ang Araw N’yo, Serbisyo Ko: Medical Mission—isang programang nagbibigay ng libreng check-up, gamot, gupit, masahe, at pagkain sa mga nangangailangan.

Baka Bet Mo: Yul Servo sa pagkahirang kay Ate Guy bilang National Artist: Siyempre, tuwang-tuwa ako!

Isa itong patunay na ang tunay na serbisyo ay hindi kailangang mamahalin, kundi may puso.

Sa isang medical mission, isang matandang babae ang napaluha nang mabigyan ng libreng gamot sa high blood—gamot na dati ay hindi niya kayang bilhin. Iyan ang uri ng serbisyong may tunay na saysay.

Sa Kongreso, si Yul ay naging larawan ng dedikasyon. Naghain siya ng 1,224 House Bills, na 128 ang naging batas—isang rekord na hindi matatawaran. Bilang Deputy Majority Floor Leader, hindi siya kailanman lumiban sa sesyon, isang disiplina na bihirang makita.

Ipinaglaban niya ang mga panukalang may konkretong benepisyo sa mga mamamayan, lalo na sa mga mahihirap.

Ngayon bilang vice mayor, tuluy-tuloy ang kanyang serbisyo. Naitayo ang 69 imprastruktura sa lungsod, kabilang ang 220 silid-aralan sa 16 paaralan, mga barangay hall, court, library, health centers gaya ng Calalang Dialysis Center, at iba pa.

Pinalawak din niya ang mga makataong programa tulad ng Kasalang Bayan tuwing Valentine season, Operation Tuli at Binyagan sa Tag-Araw, at ang feeding program na Kusina Manileño na nakatulong na sa mahigit 30,000 katao.

Bukod pa rito, namahagi siya ng P107 million sa Guarantee Letters bilang medikal na tulong sa kapuspalad.

Ngunit ang isa sa pinakamakabuluhang pamana ni Yul ay ang kanyang bisyon na gawing makabago at digital ang pamahalaang lungsod.

Bilang vice mayor, pinangunahan niya ang paglulunsad ng opisyal na website ng Konseho ng Maynila, kung saan maaaring makita ng publiko ang mga ordinansa, resolusyon, at iba pang impormasyon—isang hakbang patungo sa transparency at accessibility.

Hindi lamang ito tungkol sa teknolohiya, kundi tungkol sa pagbibigay ng kapangyarihan pabalik sa mga mamamayan.

Pinangunahan din niya ang General Code of Ordinances 2024, isang sistematikong rebisyon at pagsasaayos ng mga lokal na batas para mas madaling maintindihan ng publiko.

Para kay Yul, ang makabagong pamahalaan ay dapat mabilis, bukas, at tapat—at ito ang direksyong kanyang tinatahak.

Sa kabuuan, pinatunayan ni Yul Servo na sa kabila ng politika, posible pa rin ang tunay na serbisyo.

Sa kanyang panibagong pagtakbo bilang bise alkalde, dala niya ang karanasan, malasakit, at kongkretong plano—isang lider na hindi lang gumagawa ng ingay kundi gumagawa ng pagbabago.

Ayon kay Yul, “Mananatili kaming naglilingkod para sa nagkaisang Manilenyo, para sa Maynila.”

The post Yul Servo Nieto kalmado lang sa ingay ng politika, niyanig ang sistema appeared first on Bandera.

Camille Villar inendorso ni Isko Moreno sa Kampanya sa Manila

$
0
0

Camille Villar inendorso ni Isko Moreno sa Kampanya sa Manila

PORMAL na inendorso ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso si senatorial candidate Camille Villar sa isang kampanyang ginanap sa Paco, Maynila.

Ito ay ilang araw bago ang halalan sa May 12, na ikinatuwa ng libu-libong tagasuportang dumalo sa kabila ng pag-ambon.

Isinabay ang pag-endorso sa kampanya ng buong local slate ni Moreno na tinaguriang “Yorme’s Choice,” na kinabibilangan ni vice mayoral bet Chi Atienza, 5th District congressional candidate Rep. Amado Bagatsing, at isang kumpletong hanay ng mga kandidato para sa city council.

Sa kanyang talumpati sa Pedro Gil Street, hinikayat ni Moreno ang mga Manileño na isama si Villar sa kanilang listahan ng 12 senador na iboboto.

Baka Bet Mo: Camille Villar naki-join sa Bangus Festival sa Dagupan, susuportahan ang pangingisda

“Pwede ba isingit na natin ito sa labing dalawa? Ang ating senador, Camille Villar!” sigaw ni Moreno na sinalubong ng masigabong palakpakan mula sa mga dumalo.

Nagpasalamat si Villar sa mainit na suporta ni Moreno at nangakong isusulong sa Senado ang mga programang kapaki-pakinabang sa mga taga-Maynila, tulad ng tulong sa maliliit na negosyo, abot-kayang pabahay, serbisyong pangkalusugan, at karapatan ng kababaihan at LGBTQ+.

Ibinahagi rin niya ang kanyang pinagmulan, lalo na ang kuwento ng kanyang amang si dating Senate President Manny Villar, na ipinanganak at lumaki sa Moriones, Tondo at nagsimulang magtinda ng seafood sa Divisoria — karanasang aniya ay nagturo sa kanya ng malasakit at sipag.

Katulad niya, si Isko Moreno ay galing din sa Tondo at umangat mula sa kahirapan tungo sa pagiging kilalang lingkod-bayan.

Bilang alkalde, nakilala si Moreno sa mga makabuluhang proyekto at pagtutok sa mga batayang serbisyo para sa mamamayan. Ngayon, nangunguna siya sa mayoral race sa Maynila bilang bahagi ng kanyang pagbabalik sa serbisyo publiko.

Ani Villar, kapwa sila ni Moreno ay may layunin na matiyak na ang bawat Manileño ay may maayos na tirahan, edukasyon, serbisyong medikal, at oportunidad sa kabuhayan.

Itinuturing ang pag-endorso ni Moreno bilang malaking tulong sa kampanya ni Villar sa Maynila, lalo’t malaki ang impluwensiya ng dating alkalde sa mga botante sa lungsod.

The post Camille Villar inendorso ni Isko Moreno sa Kampanya sa Manila appeared first on Bandera.


Camille Villar isinusulong ang ‘mental health’ sa pagtatapos ng kampanya

$
0
0

Camille Villar isinusulong ang 'mental health' sa pagtatapos ng kampanya

ILANG araw bago ang halalan sa May 12, lalong pinaigting ni senatorial candidate Camille Villar ang kanyang panawagan para sa mas malawak na pagkilala at suporta sa mental health, na itinuturing niyang mahalagang bahagi ng kalusugan ng publiko at isa sa pangunahing adbokasiya ng kanyang kampanya.

“OK lang na hindi OK,” sey ni Villar, na nanawagan sa mga Pilipino na harapin at pag-usapan ang mga hamon sa mental health, lalo na sa gitna ng stress sa trabaho at personal na buhay.

Dagdag pa niya, “Ang mental health ay kalusugan rin.”

Sa isang campaign event, binigyang-diin ng millennial na kandidata ang kahalagahan ng bukas na pag-uusap tungkol sa mental health at ang pagwawaksi ng stigma na kaakibat nito.

Baka Bet Mo: Maxene sa paglaban sa mental health problem: It’s OK not to be OK…

“Isang totoong isyu ito na nakakaapekto sa lahat, anuman ang edad. Hindi ito dapat ikahiya,” wike ni Villar.

Nanawagan din siya sa PhilHealth na palawakin ang sakop ng kanilang benepisyo upang maisama ang mas komprehensibong mental health services para sa mga nangangailangan ng tulong o counseling.

Sa paggunita ng Mental Health Awareness Month ngayong Mayo, muling ipinaalala ni Villar na ang kalusugang pangkaisipan ay kasinghalaga ng pisikal na kalusugan.

“Ang mental health ay isang batayang pangangailangan. Karapatan ng bawat Pilipino ang tamang suporta at pag-unawa,” sambit niya.

Bilang patunay ng kanyang malasakit, binanggit ni Villar ang kanyang inihaing House Bill No. 10933 o ang “Teacher’s Mental Health and Wellness Act,” na naglalayong magbigay ng sistematikong suporta sa mental at emosyonal na kalagayan ng mga guro.

“Ang mga guro ang humuhubog sa kinabukasan ng ating bansa. Dapat nating tiyakin na sila rin ay may sapat na suporta sa kanilang kalusugan pangkaisipan, dahil direktang naaapektuhan nito ang kalidad ng edukasyon,” paliwanag niya.

Habang papalapit ang araw ng halalan, patuloy ang panawagan ni Camille Villar para sa isang pamahalaang may malasakit at handang tumugon sa mga suliraning pangkaisipan ng bawat Pilipino.

“Hindi ka nag-iisa. Nandito tayo para sa isa’t isa,” pagtatapos niya.

The post Camille Villar isinusulong ang ‘mental health’ sa pagtatapos ng kampanya appeared first on Bandera.

‘Picnic’ movie swak sa panlasang Pinoy; Ces Quesada sad sa pagkawala ni Ricky

$
0
0

'Picnic' movie swak sa panlasang Pinoy; Ces Quesada sad sa pagkawala ni Ricky

ALIW ang Tagalized version ng Korean movie na “Picnic” sa pangunguna ng boses nina Ces Quesada at Nova Villa plus si Fyang Smith.

Sakto ang pelikula for Mother’s Day na sana ay mapanood ito ng buong pamilya lalo na ng mga anak para maalala nila kung gaano sila kamahal ng kanilang ina.

Nagsimula nang mapanood ang “Picnic” noong Miyerkoles sa 110 sinehan nationwide at distributed ito Nathan Studios.

Sa ginanap na premiere night ng pelikula na ginanap sa Gateway Cinema 3 ay nakuwento ng Chief Operating Officer ng Nathan Studios na si Sylvia Sanchez ay wala siyang balak bumili ng pelikula basta nagpunta lang daw sila sa Busan, Korea at pagpasok nila sa entrance kasama ang Executive Producer na si Chocs ay napansin niya ang teaser ng “Picnic”.

Baka Bet Mo: Fyang Smith graduate na ng Senior High School, JM Ibarra todo suporta

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Napa-stop ako at sabi ko, parang ang ganda no’n dalawang nanay (Na Moon-hee as Eun-sim) at (Kim Young-ok as Geum-soon), dalawang lola tapos may lolo (Park Geun-hyung as Tae-ho) kunin natin kasi tayo maka-pamilya tayo kaya ito ang istorya (binili).

“Actually pag bumibili ka (pelikula) sa abroad hindi ipapakita sa ‘yo ‘yung buong pelikula, gut feel lang, nakita mo lang at nagustuhan mo, papadalhan ka at bahala ka sumugal at dito (Picnic) hindi kami nagkamaling sumugal.

“At pagdating dito tiningnan (pinanood) namin ang pelikula tapos pinag-aralan namin ang karakter at kinailangan namin ng dalawang artistang magkadikit talaga ang relasyon bilang mag-bestfriends at kaya namin nakuha sina Tita Nova at Ate Ces kasi close ko sila at nakita ko ‘yung samahan nila, kasama na rin sina Fyang at JM (Ibarra). Doon po nabuo,”kuwento ni Ibyang.

Habang pinapanood ang pelikula ay maraming tawanan kaming narinig dahil may komedyante ang mga bida lalo’t may mga edad na at nagre-reminisce sila nu’ng kabataan nila.

Hatid ng “Picnic” ang mga tema na tunay na mahalaga para sa mga Pilipino gaya ng pagtanda, mga kumplikadong family dynamics, pakikipag-kaibigan, at ang paglalakbay ng mga kababaihan bilang mga ina.

Boses ni Ces Quesada ang ginamit kay Eun-sim at si Nova Villa naman ang boses na ginamit ni Geum-soon bilang bestfriends sila for life and beyond.

Napuri rin ang voice acting ng “Pinoy Big Brother: Gen 11” winner na si Fyang Smith — na ginampanan ang younger version ni Eun-sim. Boses naman ni Bodjie Pascua ang ginamit sa karakter ni Tae-ho.

Sa Village South Gyeongsang Province ang location ng pelikula, isang tahimik na lugar kung saan maraming lush visuals at serene rural landscapes na lalong nagpaganda sa pelikula.

Kumita ang “Picnic” ng US$2.2M sa budget nitong 1.2 billion KRW (US$911,000.00) at nasa top spot na ito sa loob nang dalawang linggo sa independent at art-house box office charts ng South Korea na umani ng critical acclaim para sa sensitibong atake nito sa mga seryosong paksa.

Nominated din si Park Geun-hyung sa Best Supporting Actor category ng Baeksang Arts Awards — patunay sa husay ng pelikula.

Makikita ang husay ng pelikula sa Pinoy dub ng Nathan Studios sapagkat ramdam pa rin dito ang lumalalim na misyon ng studio: ang makapaghatid ng magagandang istorya na kumakausap sa puso ng bawat Pinoy.

Kilala ang Nathan Studios sa mga kakaibang content nito. Mapa-genre-defying series man o daring casting choices, o kakaibang storytelling directions, tiyak na hindi “play safe.”

Para sa screening schedules, sundan ang @nathan.studios sa Instagram at bisitahin ang facebook.com/nathanstudiosinc.

* * *

Pagkatapos mapanood ang “Picnic” ay hiningan ng reaksyon si Ces Quesada bilang si Na Moon-hee as Eun-sim ang tumira sa city kung sakaling mangyari sa kanya sa totoong buhay ang karakter niya sa pelikula.

Umiling kaagad si Ces dahil hinding-hindi raw ito mangyayari dahil aalagaan siya at mahal siya ng anak niya.

“Proven na yan sa anak ko, ganyan nga hindi mo (rin) masabi mga bagay-bagay and it happens talaga kaya accept mo na lang sad no, nangyayari talaga ‘yan sa maraming tao,” reaksyon ni Ces nang maka-tsikahan namin paglabas ng sinehan.

Pero kung naniniwala ka naman daw sa Diyos ay hindi ka mag-aalala sa pagtanda mo.

“Hindi ka magwo-worry ‘coz everything will be okay and spiritually dapat ganu’n ang tingin mo sa buhay,” sabi pa ng beteranang aktres.

Samantala, maraming senior stars na ang namaalam at apektado si Ces dahil mga kaibigan niya ang mga ito at naka-trabaho pa niya.

“Affected ako kasi naka-trabaho ko at mga kaibigan lalo na si Direk Ricky (Davao) pero siyempre since nandito ka na rin sa twilight years mo dapat alagaan mo ang sarili mo, mahalin mo na lahat ng tao na mamahalin, magdasal, mag-enjoy ka habang nandito ka.

Kasi kapag malungkot ka o kaya iisipin mo ‘yung future sayang ang mga taon,” say ng aktres.

Sa paanong paraan ni Ces na gusto siyang maalala ang mga happy times na magkakasama sila, mg ana-touch niya ang puso.

“Siyempre choose to always be kind para mawala ka man ay matatandaan ka ng lahat,” saad nito.

The post ‘Picnic’ movie swak sa panlasang Pinoy; Ces Quesada sad sa pagkawala ni Ricky appeared first on Bandera.

Hiling ni Euleen Castro sa Comelec, upuan para sa plus size sa bawat presinto

$
0
0

Request ni Euleen Castro sa Comelec, upuan para sa plus size sa bawat presinto

NANAWAGAN ang kilalang social media personality na si Euleen Castro sa Commission on Elections (Comelec) na san’y magkaroon rin ng upuan para sa mga bobotong plus size sa darating na eleksyon.

Sa kanyang podcast kasama ang bestfriend na si Kevin Montillano na “Panalo Ka With Kebab” napag-usapan nila ang paparating na halalan.

Dito ay natanong si Euleen kung active siyang voter at doon na nagsimula ang kanyang pagbabahagi niya ng kanyang struggles bilang isang plus size na botante.

“Siguro sa mga susunod, hindi na ako maging active kasi hindi na ako kasya doon sa upuan sa botohan,” panimula ng TikTok star.

Baka Bet Mo: Viral vlogger Euleen Castro ayaw magkaroon ng kaibigang Korean noon

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagpapatuloy pa ni Euleen, “‘Di ba kasi kung nasaan ang mga botohan sa mga public schools. E di siyempre sa public schools ang mga upuan nila ‘yung may armchair.

“Yung huling boto ko… hindi na ako kasya. Siguro ‘yung ngayong boto ko, doon ako sa nagbabantay.”

Kaya naman hindi napigilan ni Euleen ang manawagan sa Comelec para naman maging kumportable siya pati na rin ang mga kapwa plus size niya sa pagboto sa darating na midterm elections.

“Siguro ang hiling ko lang, sana po magbigay kayo ng mga places para sa plus size. Or kahit man lang sa isang presinto may isang upuan para sa plus size kasi hindi naman ‘yan sabay sabay [boboto] eh.

“Sorry po pero kailangan ko lang ilabas to lasi nahihirapan na ako. Gusto ko lang po minsan [na araling mabuti ‘yung iboboto] pero bibilisan mo kasi ang sakit na, ‘hindi ako kasya dito,’” sey ni Euleen.

Aniya, kahit isang malaking upuan lang sa kada presinto ay malaking tulong na.

“Please. Nagmamakaawa po ako sa lahat ng sangay ng gobyerno, kung sino man po. Comelec, please. Isa lang po. Isa lang kada presinto. Isa lang para sa plus size nagmamakaawa na ako,” pakiusap pa ni Euleen.

The post Hiling ni Euleen Castro sa Comelec, upuan para sa plus size sa bawat presinto appeared first on Bandera.

John Arcilla pumalag sa mga bumabatikos sa iboboto niyang senador

$
0
0

John Arcilla pumalag sa mga bumabatikos sa iboboto niyang senador

PINALAGAN ng award-winning actor na si John Arcilla ang mga taong lumukuwestiyon sa mga kandidatong iniendorso at iboboto niya sa paparating na eleksyon.

Sa kanyang Facebook post nitong Miyerkoles, May 7, sinabi niyang karamihan sa mga nag-eendorso ng tamang kandidato ay hindi habol ang pera.

“Ang hindi natin pinapansin, yung KARANIWANG NAG-EENDORSO NG TAMA AY MAAYOS ANG BUHAY at NAGBABAYAD NG MATATAAS NA BUWIS, kaya alam nila kung sino ang MAGPAPALUWAG NG ating BUHAY,” pagbabahagi ni John.

Dagdag pa niya, “Hindi nila ito ginagawa para sa SARILI NILA KUNDI PARA SA MGA MAHIHIRAP NA MAMAMAYAN dahil ayaw nila na ang kanilang TAX ay NAPUPUNTA SA BULSA NG MGA PAYASO, TRAPO, BALIMBING AT DYNASTY.”

Baka Bet Mo: John Arcilla napamura sa Fast Talk, Boy nag-sorry; TF kayang isakripisyo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ani John, kung patuloy ang pagmamatigas ng iba sa pagpili sa maling kandidato ay walang magbabago sa buhay ng bawat Pilipino.

“Kaya kung MAGMAMATIGAS tayo sa mga CHOICES NATIN at ang mga PINAGPIPILITAN NATIN AY PAYASO, TRAPO, BALIMBING AT DYNASTY, mabubuhay talaga tayo na WALANG MAGBABAGO, samantalang yung mga BINOTO NATIN AY NAMAMAYAGPAG SA LUHO ANG BUHAY gamit ang pondo ng Bayan na dapat ay para sa atin.

“‘Yung mismong mga NAG EENDORSO NG TAMA na INAAWAY NATIN AT INIINSULTO ay HABANGBUHAY din na maayos ang buhay. PERO ang BUHAY nating MAMAMAYAN sa Bansang ito ay wala ngang MAGBABAGO. Sino ang LUGI?” sabi pa ni John.

Ilan sa mga iniendorsong senatorial aspirant ng batikang aktor ay sina Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Heidi Mendoza, at Luke Espiritu.

The post John Arcilla pumalag sa mga bumabatikos sa iboboto niyang senador appeared first on Bandera.

BINI Colet, Jhoanna, Stacey umaming nagkamali, humingi ng chance magbago

$
0
0

BINI Colet, Jhoanna, Stacey umaming nagkamali, humingi ng chance magbago

BINASAG na ng BINI ang kanilang katahimikan hinggil sa isyung kinasasangkutan ng mga miyembrong sina Colet at Stacey kasama ang kanilang leader na si Jhoanna.

Matatandaang nitong Miyerkules, May 7, isang sensitibong video ang kumalat sa X (dating Twitter) kung saan mapapanood ang dalawang lalaking kasama nila na sina Ethan David at Shawn Castro na may ginagawang kakaiba habang naririnig ang tawanan ng tatlong babae.

Nabanggit pa nga ng BINI members ang umano’y sekswal na pang-aabuso ni Ethan sa babaeng nagngangalang “Ashley” na isang menor de edad.

Agad ngang nag-viral ang naturang video dahilan para maraming mga tagasuporta ang mag-call out sa maling asal ng mga miyembro lalo na’t women empowerment pa ang isa sa kanilang adbokasiya.

Baka Bet Mo: Colet, Jhoanna, Stacey ng BINI nasangkot umano sa ‘iskandalo’, fans dismayado

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At ngayong Huwebes ng gabi, May 8, naglabas na ng pahayag ang BINI upang i-address ang kumakalat na isyu laban sa kanila.

“We know that the past couple of days have been triggering and disappointing for all of you. Sincerely, we understand where all of those feelings are coming from.

“The video shows a private moment of us with friends. We definitely did not intend to hurt anyone in the process,” bahagi ng official statement ng BINI.

Aminado rin sila na nagkamali ang tatlong miyembro ng kanilang grupo at walang excuse sa ginawq ng mga ito.

“We offer no excuse for our actions, reactions, and choice of words. We take full accountability. Nagkamali kami.

We deeply regret our mistake and sincerely apologize to our Blooms, friends, families, and the general public,” pagpapatuloy ng BINI.

Humingi rin sila ng panibagong pagkakataon sa madlang pipol para mas mapabuti pa ang mga sarili.

“We humbly ask for a chance to reflect on and learn from our mistakes and continue to work on becoming better versions of ourselves.

“Maraming salamat po sa inyong malasakit, suporta, at pang-unawa,” sey pa ng BINI.

Sa ilalim ng pahayag ay makikita rin ang pangalan ng lima pang miyembro ng nation’s girl group na sina Aiah, Maloi, Gwen, Mikha, at Sheena.

The post BINI Colet, Jhoanna, Stacey umaming nagkamali, humingi ng chance magbago appeared first on Bandera.

Viewing all 44415 articles
Browse latest View live