Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44347 articles
Browse latest View live

DQ case vs Laguna couple binawi, pirma ng 4 na petitioner pineke

$
0
0
DQ case vs Laguna couple binawi, pirma ng 4 na petitioner pineke

NADISKUBRE na peke ang inihain sa Commision on Elections (Comelec) na disqualification case laban kina Laguna Governor Ramil Hernandez at Laguna Second District Representative Ruth Hernandez.

Mismong ang apat na sinasabing naghain ng petisyon na sina Ma. Lanites Greganda, Darren John Cantalejo, Alena Nicole Dequillo, and Niño Greganda ang bumawi sa sinasabing petisyon.

Sinabi nila na hindi nila alam na ginamit sila sa paghahain ng petisyon.

Ayon sa kanilang abogado na si Kenneth Beo pineke ang pirma ng apat niyang kliyente.

Nalaman na lamang nila ang tungkol sa petisyon sa Facebook page ng isang local media outlet.

Nabatid na inihain ang petisyon, na may petsang Abril 30, 2025, ay inihain sa Comelec noong nakaraang Biyernes, Mayo 2.

Hinala ng abogado mga kalaban ng mag-asawang Hernandez ang nasa likod ng paghahain ng petisyon.

Ang gobernador ay kandidato sa kasalukuyang posisyon ng asawa at ang kanyang misis naman ay kandidato sa pagka-gobernador ng lalawigan.

The post DQ case vs Laguna couple binawi, pirma ng 4 na petitioner pineke appeared first on Bandera.


Sharon Cuneta iyak nang iyak dahil sa mga fake news laban kay Kiko

$
0
0
Sharon Cuneta iyak nang iyak dahil sa mga fake news laban kay Kiko

Kiko Pangilinan, Sharon Cuneta, Roselle Monteverde at Keith Monteverde

ILANG beses napaiyak si Megastar Sharon Cuneta nang humarap sila ng kanyang asawang si Kiko Pangilinan sa members ng entertainment media kahapon, May 6.

Ramdam na ramdam ng mga taong nasa Valencia Events Place sa Quezon City ang sakit na nararamdaman ni Sharon dahil sa ginagawang paninira at pambabastos sa kanyang mister, lalo na sa social media.

Tumatakbo uling senador si Atty. Francis “Kiko” Pangilinan para sa midterm elections na magaganap na ngayong darating na Lunes, May 12.

Kahapon nga, sabay na humarap sina Mega at Kiko sa presscon na in-organize ng Regal Entertainment producers na sina Roselle Monteverde at Keith Monteverde bilang pagsuporta sa kandidatura ng dating senador.

Simula pa lamang ng Q&A session ay umiyak agad si Sharon habang nagpapasalamat kina Roselle at Keith, pati na rin sa yumaong Regal matriarch na si Mother Lily.

Sey ni Mega, napakalaki ng utang na loob niya kay Mother Lily dahil nu’ng panahong sobrang laki raw niya at walang nagbibigay sa kanya ng acting projects ay nag-offer sa kanya ng pelikula ang Regal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)


Bukod dito, lagi rin daw suportado ni Mother Lily ang bawat pagsabak ni Kiko sa politika.

Kasunod nga nito ay lumuluha ring ipinagtanggol ni Sharon ang asawa sa  pambabatikos at pangnenega ng ilang grupo at indibidwal dahil sa muli nitong pagsabak sa public service.

Sey ng showbiz icon, ang pinakamatinding kalaban nila ngayon ay ang talamak na pagkalat ng fake news at misinformation sa publiko.

“I never liked politics kasi nga, in the Philippines, pagkaganda-ganda man ng intensyon mo, pagkaayos-ayos man ng puso mo, natatalo ka ng fake news saka budget na bilyon-bilyon ng ibang kandidato na wala naman kami.

“Lahat ng meron kami, pinaghirapan naming dalawa,” ang masamang-masama ang loob na sabi Sharon habang punas nang punas ng luha.

Pagpapatuloy pa niya, “Bakit po ba ayaw n’yong iboto si Kiko? Ano po ‘yung mga doubts ninyo? Kasi lahat ng kasinungalingang nilalabas against him, may resibo kaming katapat.

“Mayroon kaming magpapasawalang-katotohanan du’n sa mga binibintang nila, sa mga paninira nila.

“Siguro, bilang asawa niya at nanay ng mga anak niya, ang pride kasi namin, dahil du’n sa matinong pagkatao namin. Wala namang perpekto, ‘di ba, lalo tayo sa showbiz, Diyos ko po!

“Pero maayos ang pinanggagalingan namin, maayos kaming pinalaki ng mga magulang namin.

“Napaka-blessed ko dahil binigyan ako ng asawang hindi ako sasaktan at magiging mabuting ama. You know, Kiko doesn’t have a lot but everything he has, he gives to us.

“This is also his heart for the country, kasi ‘di naman kami yumaman, eh, sa politika. He served for over two decades. Wala kaming inasenso. Nagtatrabaho pa rin kami.

“At 59, I still work because my husband still works because we think of our children. Everything we have has come from honest hard work,” ang emosyonal pang pahayag ni Sharon.

Anyway, thankful din naman si Kiko na mataas ang resulta ng survey niya at lagi siyang nasa top 12.

Nagpapasalamat din ang mag-asawa sa napakaraming celebrities na boluntaryong sumusuporta sa kandidatura ni Kiko.

Nandiyan sina Vice Ganda, Iza Calzado, Darren Espanto, Enchong Dee, Ogie and Regine Alcasid,  Anne Curtis, Janine Gutierrez, Maja Salvador, Jolina Magdangal, Parokya ni Edgar, Robi Domingo, Nadine Lustre, Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos at marami pang iba.

Samantala, ayon naman kay Roselle Monteverde, noong nabubuhay pa ang kanyang inang si Mother Lily ay talagang todo-suporta na ito lagi sa kandidatura ni Kiko.

“My mom has been an advocate for giving good governance for our country. As children of Mother, we just wanna continue the legacy that she left us because she loves this country a lot.

“Love din niya ang showbiz industry. Love din niya kayong lahat. We’re here to support Kiko because we believe in him,” ang pahayag pa ni Miss Roselle.

The post Sharon Cuneta iyak nang iyak dahil sa mga fake news laban kay Kiko appeared first on Bandera.

Bea Alonzo naka-jackpot, sobrang lucky kung totoong dyowa na si Vincent Co

$
0
0
Bea Alonzo naka-jackpot, sobrang lucky kung totoong dyowa na si Vincent Co

Vincent Co at Bea Alonzo

MAINIT ngayong pinag-uusapan ang viral photos ng presidente ng Puregold Price Club, Inc. na si Ginoong Ferdinand Vincent Co na may kasamang babae sa ibang bansa.

Ang hula ng mga netizen, ang kasamang girl ni Vincent ay si Bea Alonzo base sa mga larawang nagtugmang kasuotan nito na pinost naman niya sa kanyang Instagram account

Naka-trousers ang dalaga na namamasyal sa Sevilla, Spain. Matatandaang nakabili ng property ang aktres sa nasabing bansa.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo super rich businessman ang ipinalit kay Dominic Roque?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Naka-private ang IG account ni Ginoong Vincent pero base sa mga kumalat na litrato niya sa social media, isa nga raw sa followers niya ay si Bea.

Ayon sa taong aming nakausap na kilala ang presidente ng Puregold, kung sakaling si Bea nga ang tinutukoy na kasama ni Vincent Co ay, “Whoever he picks to marry is the luckiest woman on earth.”

Kaya ito nasambit ng aming kausap ay sa dahilang hardworking si g
Ginoong Vincent Co na nagsimula bilang manager sa ilang branches ng negosyo ng pamilya hanggang sa marating nito ang kinaroroonan.

“Vincent is a rare bachelor he’s tall and good looking, intelligent, and truly a good person,” sambit sa amin.

Base sa pagkakakilalanlan sa panganay na anak nina Ginoong Lucio at Ginang Susan Co na owner ng nasabing retail giant supermarket ay mas inuna nitong palaguin ang negosyo ng pamilya kaya sa edad na 45 ay nananatiling itong binata

Sabi pa sa amin, “Siyempre he can’t just date anyone also.”

Walang anak si Ginoong Vincent kahit na nagkaroon na raw ng ilang karelasyon noon.

Dagdag sitsit pa sa amin ay alam daw ng magulang ni Ginoong Vincent ang tungkol sa babaeng kasama ng kanilang anak sa Spain at botong-boto sila rito.

Tanong namin sa aming kausap kung kailan kaya ang “big reveal” ni Ginoong Vincent sa kanyang “lucky girl.”

“Ha-hahaha!” ang tanging sagot ng aming kausap.

The post Bea Alonzo naka-jackpot, sobrang lucky kung totoong dyowa na si Vincent Co appeared first on Bandera.

Defective bollards sa NAIA ipinasisilip ni Pangulong Bongbong Marcos

$
0
0

Defective bollards sa NAIA ipinasisilip ni Pangulong Bongbong Marcos

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa sinasabing defective bollards sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Communications Usec. Claire Castro na inatasan ni Marcos Jr., si Transportation Sec. Vince Dizon na busisiin ang bollard project sa NAIA Terminal 1 na isinagawa noong 2019.

Baka Bet Mo: Sigaw ng OFW sa pagkamatay ng 5-anyos na bata sa NAIA accident: Anak ko ‘yan!

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ang utos sa pag-iimbestiga sa defective bollards ay nag-ugat sa trahedya noong araw ng Linggo na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang katao, kabilang ang limang taong gulang na batang babae, at pagkakasugat ng apat iba pa.

“Nakakalungkot po, may mga nasawi dahil sa diumanong depektibo na bollards na na-install sa Terminal I at ito po ay na-install ng dating administrasyon at sa panahon po ni Transportation Sec. Arthur Tugade,” ani Castro.

Idinagdag ni Castro na susuriin ang lahat ng safety bollards sa lahat ng mga paliparan sa bansa.

The post Defective bollards sa NAIA ipinasisilip ni Pangulong Bongbong Marcos appeared first on Bandera.

May 12 idineklarang holiday ni Bongbong Marcos

$
0
0

May 12 idineklarang holiday ni Bongbong Marcos

PORMAL nang idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na national non-working holiday ang May 12, 2025.

Nangyari ang anunsyo ngayong Martes, May 6.

Baka Bet Mo: Eleksyon sa May 10 na dahil sa sobrang init ‘fake news’, ayon sa Comelec

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa inilabas na proclamation no. 878 na pirmado ng pangulo, dinedeklara na “Monday, May 12, a special non-working holiday throughout the country”.

Ito ay para mahikayat ang publiko para na i-exercise ang karapatan ng bawat Pilipino na bumoto sa buong bansa.

Nauna nang ipahayag ni PCO Usec. Claire Castro na walang pasok sa May 12 at lalabas ngayong araw ang pormal na anunsyo.

Matatandaang hiniling ng Commission on Elections na gawing holiday ang araw ng eleksyon.

“[Ito ay] para naman po mabigyan ng pagkakataon ng sambayanang Pilipino, ang mga botante natin, na makaboto [sa May 12] kahit na iisipin nila na hindi na makapasok sa araw na iyon, tutal naman declared holiday po siya.”

The post May 12 idineklarang holiday ni Bongbong Marcos appeared first on Bandera.

BINI Sheena sa ‘Maalaala Mo Kaya’: You have healed me

$
0
0

BINI Sheena sa 'Maalaala Mo Kaya': You have healed me

NAGPASALAMAT si BINI Sheena Catacutan sa returning drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” matapos maere ang kanyang life story noong Sabado, May 3, 2025.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin matapos mailathala sa madlang pipol ang kanyang kuwento ng buhay.

Amin ni Sheena, ang pinakabatang miyembro ng nation’s girl group na BINI, nakaramdam siya ng takot na muling buhayin ang parte ng kanyang buhay na nangwasak sa kanya.

“I was so scared of reliving moments in my life that completely ruined me, akala ko hindi ko kaya and I would just be a mess.

Baka Bet Mo: BINI Sheena ‘di lang P-pop artist, babandera na rin sa aktingan sa ‘MMK’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“But God was here, He has always been here for me kahit I have resented Him so much back then. He made me feel my mommy and ampa’s love all over again as if they never left me. And right there and then I got their message for me,” lahad ni Sheena.

Aniya, ang pagpapalabas ng kanyang istorya ay nagsilbing inspirasyon sa mga taong “broken, lost and hopeless.”

“Through me I can tell a message that once you lost something, It will not be the end for you, Instead it can be a start of something.

“We grieve and cry until we feel nothing, and it is okay. The Lord is close to the broken hearted and He will comfort and never leave us, I promise you,” saad pa ni Sheena.

Nagpasalamat naman ang dalaga sa oportunidad na ibinigay sa kanya na maibahagi ang kanyang buhay.

“@mmkofficial, u have healed me in ways I never thought I needed. Thank you for making me feel what it feels like to have a complete family again. It is an honor for my life to be featured and be an inspiration to everyone,” hinging pasasalamat ni Sheena.

Nagbigay rin siya ng message sa mga yumaong mahal sa buhay, ang kanyang ina at lolo.

“Mommy and ampa, death may have taken so much from us pero it will never take away the dreams we all promised together for me and for our family. Lalaban ako okay ? para kay amma and kuya. I miss you both and I love you so much mommy ko and ampa ko,” sey pa ni Sheena

The post BINI Sheena sa ‘Maalaala Mo Kaya’: You have healed me appeared first on Bandera.

Vice Ganda binatikos dahil sa pag-endorso kay Benhur Abalos

$
0
0

Vice Ganda binatikos dahil sa pag-endorso kay Benhur Abalos

TILA hindi nagustuhan ng ilang netizens sa ginawang pag-endorso ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa senatorial aspirant na si Benhur Abalos.

Kamakailan ay nag-post ang “It’s Showtime” host sa kanyang social media pages ng kanyang pagsuporta sa dating Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary.

“Kesa naman ‘yong mga walang kuwenta ang pumasok sa Top 12, dito na ako #1 Abalos, Benhur,” mababasa sa video post ni Vice.

Hindi naman napigilan ng madlang pipol na mag-react sa ginawang pag-endorso ng komedyante.

Baka Bet Mo: 11.7M napanood pag-endorso ni Vice Ganda kay Benhur Abalos

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“ay bahala ka diyan vice ganda.”

“Trabaho lang daw mga boss [laughing emoji]

“Pass po muna, Vice.”

“Sorry meme, BIG NO!”

Sa kabila ng mga natanggap na komento ay tahimik pa rin tungkol sa pangyayari si Vice.

Samantala, nagpasalamat naman si Abalos dahil malaking bagay ang ginawang pag-endorso sa kanya ng Kapamilya star.

“Sa mga huling araw ng kampanya, hindi po natin akalaing makatatanggap tayo ng ganito kalaking suporta. Maraming salamat sa nag-iisang unkabogable, Vice Ganda!

Taos-puso akong nagpapasalamat sa tiwalang ibinigay mo. Pangako, iingatan at susuklian ko ito ng tapat at solidong paglilingkod sa Senado!” saad niya sa kanyang Facebook post.

Bukod kay Abalos, nagpahayag rin ng suporta si Vice kay Atty. Kiko Pangilinan.

The post Vice Ganda binatikos dahil sa pag-endorso kay Benhur Abalos appeared first on Bandera.

Ina ni Bianca de Vera durog ang puso sa lagay ng alagang aso: Save both of my babies

$
0
0

Ina ni Bianca de Vera durog ang puso sa lagay ng alagang aso: Save both of my babies

ISANG hiling ang ipinaabot ng ina ni Bianca de Vera na si Aileen Therese sa mga fans ng anak na ipagdasal ito pati na rin ang kanilang alagang aso na si Peach.

Sa kanyang Instagram stories nitong Lunes, May 5, ay makikitang nag-aagaw buhay at nakahiga na sa isang surgical bed ang alaga.

Saad pa ng ina ni Bianca, mayroon na lamang “less than 24 hours to live” si Peach.

“Bianca’s fans, friends, and family, I need you now. Please pray for Peach. She has less than 24 hours to live,” mababasa sa post ng ina ng aktres.

Baka Bet Mo: AC Bonifacio, Bianca de Vera nagkaayos na, nag-sorry sa isa’t isa

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Maririnig rin sa video ang pag-iyak ng ina ni Bianca at ang pakikiusap nito kay Peach na manatiling malakas para sa kanila.

Aniya, deserve ng kanyang anak na kasalukuyang nasa loob ng “Pinoy Big Brother” house na malaman ang tunay na lagay ng kanyang alagang aso.

“For me, she [Bianca] deserves to know talaga. Kung pwede lang i-pull out ko siya sa PBB, kasi alam ko mas importante ‘to sa kanya eh kaysa sa career na gusto niyang marating doon,” umiiyak na sabi ng kanyang ina.

Sey pa niya sa isang pang IG story, “Lord, save both of my babies pls.”

Agad namang nag-trending sa X (dating Twitter) ang sitwasyon ng alagang aso ni Bianca at nanawagan ang fans ng aktres sa pamunuan ng “Pinoy Big Brother” na hayaan ang aktres na malaman ang lagay ni Peach at payagan itong pansamantalang lumabas ng “PBB” house.

“As a fur parent, this is something I don’t want to see, but [I know] it will break her even more if she won’t be given a chance to see her dog one last time. pls, maawa naman @pbbabscbn give Bianca a chance to say goodbye to her dog. Allowing her to step outside your house won’t hurt,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Her mom knows her best and her saying her fur is more important than anything else is enough reason to let her see her dog even for a while. This is tough for a fur parent.”

Sa ngayon ay wala pang update ang ina ni Bianca tungkol sa sitwasyon ni Peach.

Wala pa ring malinaw na balita kung aware na ba ang Kapamilya actress sa lagay ng alagang aso.

Si Bianca ay isa sa mga natitirang housemate sa pinakabagong edisyon ng “Pinoy Big Brother” at kasalukuyang nominado at posibleng mapalabas sa paparating na eviction night sa Sabado, May 10.

Una itong nakilala sa kanyang pagganap bilang si Patricia Cunanan, kapatid ng karakter ni Kathryn Bernardo sa “2 Good 2 Be True” at bilang si Gwen Zhang sa collab series ng ABS-CBN at GMA na “Unbreak My Heart.”

The post Ina ni Bianca de Vera durog ang puso sa lagay ng alagang aso: Save both of my babies appeared first on Bandera.


Matteo Guidicelli sa NAIA incident: The driver must face the consequences

$
0
0

Matteo Guidicelli sa NAIA incident: The driver must face the consequences

NAG-REACT ang aktor na si Matteo Guidicelli sa nangyaring trahedya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na pumatay sa dalawang katao.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ng aktor ang CCTV footage na ipinalabas sa “Unang Hirit” kung saan ipinakita ang kalunos-lunos na pangyayari noong Linggo, May 4.

“This is horrible. Thoughts and prayers to the victims of this devastating accident,” saad ni Matteo sa kanyang post.

Pagpapatuloy pa niya, “The driver must face the proper consequences.”

Baka Bet Mo: Matteo umalis sa ‘Unang Hirit’ para mag-focus sa relasyon nila ni Sarah

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Gaya ni Matteo, maging si Anne Curtis ay nagpahayag ng kanyang saloobin hinggil sa sunud-sunod na mga car accidents na nangyayari ngayon.

“Seeing so many vehicle accidents on the news, with lives tragically taken. So many young lives being taken away so soon. I truly pray and hope this is a wake-up call for those in the DTO and LTO to find ways to ensure that drivers and vehicles on the roads meet the highest safety and licensing standards. My heart goes out to all those left to grieve for their parents, significant other, family member, and their children,” sey ni Anne.

Matatandaang noong Linggo, isang aksidente sa NAIA Terminal 1 ang kumitil ng buhay ng limang taong gulang na babae at isang 29-year-old na lalaki.

Bago ito, isang insidente sa SCTEX ang nangyari kung saan nagkaroon ng karambola ng mga sasakyan dahil sa isang passensger bus na kumitil ng 10 katao.

The post Matteo Guidicelli sa NAIA incident: The driver must face the consequences appeared first on Bandera.

SK leaders ng Biñan City sinuportahan 1-Pacman Party-list

$
0
0

SK leaders ng Biñan City sinuportahan 1-Pacman Party-list

NAKUHA ng 1-Pacman Party-list ang suporta ng mga opisyal ng 23 na barangay ng lungsod ng Biñan sa Laguna.

Ang pag-endorso kay 1-Pacman 1st nominee Milka Romero ay isinagawa sa Youth Volunteers Grand Assembly sa Barangay Canlalay, sa lungsod.

Kasabay nito ang paglulunsad ng Kabataan ng Biñan para sa 1-Pacman.

Pinangunahan ni mayoralty candidate Vice Mayor Gel Alonte ang pagpapahayag ng suporta kay Romero.

Baka Bet Mo: 1-Pacman nominee Milka Romero tumakbo sa fun run para sa cancer patients

“Actually kaya ako andito maninindigan, susuporta dahil naniniwala ako sa tao na ieendorso natin. Dahil naniniwala ako kapag ang youth o kabataan ang tumulong pafa sa ating manunungkulan sa nasyonal sigurado ako hindi tayo magkakamali sa ating tutulungan,” ani Alonte.

Dagdag pa niya; ” Tumindig ako at malakas ang loob ko at titindig ako dito, tataya ako dito huwag natin kalilimutan number 22 sa balota, 1-Pacman party-list.”

Sinabi naman ni Biñan SK Federation President Alonzo Garcia hindi na sila nahirapan na kumbinsihin na suportahan ang 1-Pacman dahil naniniwala sila na tunay ang mga adbokasiya ni Romero para sa mga kabataan, edukasyon, kalusugan at kabuhayan.

Sa bahagi naman ni Romero, sinabi nito na ang mga lider-kabataan ng Biñan ang pinakamalaki na nilang youth support group sa buong Pilipiinas.

“Over 15 years of experience na po ako sa sports as an athlete, as an entrepreneur and as a public servant as I have helped 1-Pacman with its advocacies,” aniya.

Diin pa ni Romero napakahalaga ang pakikipagtulungan ng party-list sa mga lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng mga adbokasiya.

Sabi pa niya na tutulong sila sa pagbibigay ng scholarship sa mga kabataan na pinapangarap na mapaganda ang buhay sa pamamagitan ng edukasyon.

Binigyan diin ni Romero ang kahalagahan ng sports sa paglinang ng disiplina at determinasyon ng mga kabataan na abutin ang kanilang mga pangarap.

Binanggit niya ang pagbibigay ng sports clinics, athlete’s scholarship hanggang medical assistance ang kanilang iniaalok.

Bukod pa ang tulong sa senior citizens at maliliit na negosyante.

The post SK leaders ng Biñan City sinuportahan 1-Pacman Party-list appeared first on Bandera.

Dasuri Choi kay Winwyn Marquez: You’ll always be my Miss Universe

$
0
0

Dasuri Choi kay Winwyn Marquez: You’ll always be my Miss Universe

ISANG sweet na mensahe ang alay ng social media personality na si Dasuri Choi para sa kanyang malapit na kaibigang si Winwyn Marquez.

Sa kanyang Instagram page ay ibinandera niya ang mga video ni Winwyn habang rumarampa sa entablado sa nagdaang Miss Universe Philippines 2025 coronation night noong Biyernes, May 2.

“[Y]ou’re forever my queen. We all saw how much effort you poured into this journey while balancing your work, your family, and of course, being a loving mom to Luna,” panimula ni Dasuri.

Dagdag pa niya, “You’ve proven that motherhood isn’t a limitation but a powerful strength.”

Baka Bet Mo: Dasuri Choi natuwa pa nang madamay sa MavLine breakup: Parang ang ganda ko

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Chika ni Dasuri, hindi lang basta sumali ng pageant si Winwyn bagkus nagsilbi itong representative para sa mga ina na patuloy sa pag-abot ng pangarap habang bumubuo ng munting pamilya.

“You made us believe that nothing is impossible, no matter your age, your situation, or your responsibilities.

“You even made me reflect more deeply on my own mother. You reminded me that before she became my mother, she was a woman with dreams too. And so many mothers like you deserve to be seen, heard, and celebrated,” sey pa ni Dasuri.

Nagpasalamat rin ito sa kaibigan sa pagpapaalala ng kahalagahan ng pag-abot ng pangarap ng may tapang.

Hirit pa ni Dasuri kay Winwyn, “You’ll always be my Miss Universe.”

The post Dasuri Choi kay Winwyn Marquez: You’ll always be my Miss Universe appeared first on Bandera.

Abby Binay: Healthcare isama sa Public-Private Partnership

$
0
0
Binay: Healthcare isama sa Public-Private Partnership

Abby Binay

IPAPANUKALA ni Makati City Mayor Abby Binay ang pag-amyenda sa Public-Private Partnership (PPP) Code para maisama ang mga proyektong pangkalusugan.

Sinabi ng kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas dapat maalis ang mga probisyon sa PPP Code na nagsisilbing sagabal para maipatupad ito sa mga proyektong pangkalusugan lalo na sa mga liblib na lugar.

Aniya dapat ay magkaroon ng aktibong pagtutulungan ang mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor sa paghahatid ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan.

Inihalimbawa ni Binay ang requirement na idaan sa PPP Center ang mga pag-aaral sa proyekto na aniya ay tumatagal at hindi na naipapatupad dahil tapos na ang termino ng alkalde at nawawalan ng gana ang pribadong sektor.

Ibinigay niyang halimbawa ng magandang PPP project ang Makati Life Medical Center na pinakikinabangan ng libo-libong residente ng kanilang lungsod.

The post Abby Binay: Healthcare isama sa Public-Private Partnership appeared first on Bandera.

Yanna may death threats daw kaya no-show sa road rage hearing ng LTO

$
0
0
Yanna may death threats daw kaya no-show sa road rage hearing ng LTO

Yanna Aguinaldo

HINDI nakapunta ang motovlogger na si Yanna Aguinaldo sa pagdinig ng Land Transportation Office (LTO) kahapon, May 6, para sa kinasasangkutan nitong “road rage” incident.

Isang viral social media personality si Yanna na nakilala sa kanyang Yanna Motovlog.

Ang naturang LTO hearing ay may kaugnayan nga sa kinasangkutang insidente ng road rage na nangyari sa Zambales kung saan nakipag-away siya with matching dirty finger pa sa isang motorista.

Sa kabila ng pag-iisyu ng public apology ay hindi pa rin tumitigil ang mga netizens sa pagbatikos sa motovlogger na pinadalhan nga ng LTO ng show cause order dahil sa nasabing pangyayari.

Base sa naging pahayag ng kanyang abogado, hindi raw nakarating ang vlogger sa pagdinig dahil sa isyu ng seguridad.

May mga natatanggap daw kasing mga pagbabanta sa buhay si Yanna mula nang mag-viral ang kanyang video, bukod pa iyan sa pang-iinsulto at pambabastos sa kanya ng bashers.


Humingi ng paumanhin si Yanna sa LTO sa pamamagitan ng isang sulat pati na rin sa pick-up driver na si Jimmy Pascua, na nakaalitan niya sa naturang insidente.

Handa rin daw niyang harapin ang  anumang parusang ipapataw sa kanya ng LTO.

Kasunod nito, inatasan ng LTO si Yanna na isuko ang kanyang driver’s license at iharap ang kanyang motorsiklo sa susunod na hearing na itinakda bukas, May 8.

Sa kabila ng paghingi ng paumanhin ni Yanna, desidido pa rin si Pascua na sampahan siya ng kaukulang kaso dahil sa umano’y ginawa nitong pambabastos sa kanya.

The post Yanna may death threats daw kaya no-show sa road rage hearing ng LTO appeared first on Bandera.

5-anyos na estudyante tinali, nilagyan ng masking tape sa bibig ng teacher

$
0
0
5-anyos na estudyante tinali, nilagyan ng masking tape sa bibig ng teacher

Photos from Shaney Pepito Facebook page

TINALI umano ng kanyang teacher at nilagyan pa ng masking tape sa bibig ang isa niyang estudyanteng nasa kindergarten level pa lamang.

Galit na galit ang mga netizen sa viral post ng isang nanay sa Facebook kung saan inilahad nito ang masaklap na karanasan umano ng kanyang 5-anyos anak na babae mula sa guro nito.

Ibinahagi ng Facebook user na si Shaney Pepito ng Bataan, ang sakit na naramdaman nang madiskubre ang pang-aabuso sa anak ng mismong teacher nito sa isang private school.

Aniya, bukod daw sa anak niya, may iba pa raw naging biktima ang naturang guro. Sa katunayan ang ilan raw sa mga ito ay nasa college na ngunit hindi pa rin daw makalimutan ng mga ito ang pang-aabuso sa kanila ng naturang teacher.

Narito ang bahagi ng Facebook post ni Shaney, “GAANO KASAKIT SA MAGULANG MALAMAN YUNG GANITONG EXPERIENCE NG ANAK FROM SCHOOL?

“TRIGGER WARNING: SENSITIVE CONTENT, TRAUMA AND MENTAL HEALTH TALKS,” ang simulang bahagi ng post ng ina.

Pagpapatuloy pa niya, “Kaya pala araw araw nagwawala anak ko ayaw pumasok sa school, ayaw daw niya sa Teacher niya dahil may ganitong nangyayari pala.

“This is a confession from my daughter and her classmate 5 year old. A shocking revelation… A nightmare that I can’t get over.

“This happened in one of the PRIVATE PRESCHOOLS in LALAWIGAN SAMAL BATAAN (2024-2025),” rebelasyon pa ng nanay.

Ini-report na raw ni Shaney ang nangyari sa Department of Education (DepEd)-Balanga, “Awaiting for the response of DEPED BALANGA. Already talk to the BOARD OF DIRECTORS of the school but they were told (mahirap naman paniwalaan ang mga bata sa mga ganyang sinasabi).

“To the Mommies who told me na sana nagpatawad nalang ako, hindi ko kaya hanggat hindi humihingi ng SORRY man lang yung mga teachers na gumawa nito sa anak ko, lahat tayo pinagkatiwala sa school yung mga anak natin pero hindi simpleng bagay to,” sabi pa.

Tinanong daw sa kanya ng anak, “‘Mommy yung Teacher ko ba sa grade 1 itatali din ako?’ And that question cut deep!’

“Sorry anak naging busy si Mommy sa work hindi ko namalayan na ganyan na nangyayari sayo,” post pa ni Shaney.

Sa isang video na ibinahagi ng nanay sa FB makikita ang pagmuwestra ng batang biktima sa umano’y pagtali at paglalagay ng masking tape sa kanyang bibig.

Makikita rin dito ang ilang screenshots  ng palitan ng mensahe ng nanay, ng guro at ng prinsipal ng paaralan.

Wala pang inilalabas na official statement ang naturang eskwelahan dahil iniimbestigahan na raw ang reklamo ng nanay.

Nakipag-ugnayan na rin ang BANDERA kay Shaney Pepito para sa karagdagang detalye hinggil sa kaso ng kanyang anak ngunit wala pa rin kaming natatanggap na tugon.

The post 5-anyos na estudyante tinali, nilagyan ng masking tape sa bibig ng teacher appeared first on Bandera.

Joel Villanueva okay sa pag-amyenda sa Maternity Leave Law

$
0
0

Joel Villanueva okay sa pag-amyenda sa Maternity Leave Law

PABOR si Senator Joel Villanueva sa plano na amyendahan ang Maternity Leave Law.

Suportado ng senador ang balakin na bawasan ang oras ng pagta-trabaho ng mga magbabalik mula sa maternity leave para magkaroon ng dagdag na oras sa pag-aalaga ang mga “working mother.”

Baka Bet Mo: Kris tuloy na ang pangingibang-bansa para magpagamot; nag-sorry kay Joel Villanueva

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bukod dito, hirit ng senador sa mga kompanya na bigyan din ng konting luwag sa trabaho ang ama ng sanggol upang makatulong sa pag-aalaga.

Hindi dapat aniya pabayaan na maging “underemployed” ang mga ina dahil sila ang mag-isang gumagawa ng mga responsibilidad, partikular na ang pag-aalaga sa sanggol.

Ipinaalala din ni Villanueva na ang pagtaguyod sa pamilya ay hindi solong responsibilidad ng mga ina kundi dapat ay katulong ang itinuturing na haligi ng tahanan.

The post Joel Villanueva okay sa pag-amyenda sa Maternity Leave Law appeared first on Bandera.


Bilang ng mga may trabaho na Filipino bumaba noong Marso

$
0
0

Bilang ng mga may trabaho na Filipino bumaba noong Marso
HIGIT isang milyong Filipino ang nawalan ng trabaho noong nakaraang Marso, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay National Chief Statistician Dennis Mapa base sa March Labor Force Survey patuloy na nabawasan ang bilang ng mga may trabaho sa sektor ng agrikultura.

Nakapag-ambag din ang pagpapatupad ng “election ban” o ang pagbabawal sa mga ahensya ng gobyerno na kumuha ng mga bago o karagdagang kawani.

Baka Bet Mo: Janine balik-trabaho na matapos pumanaw ang 2 lola: ‘It’s difficult, unbelievable’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bunga nito, umakyat sa 3.9% ang unemployment rate sa bansa noong Marso mula sa 3.8% noong Pebrero.

Paliwanag naman niya ang kabawasan sa mga may trabaho na 1.13 milyon ay mula sa 49.15 milyon sa katulad na panahon noong 2024.

Noong Marso, 48.02 milyong Filipino, na nasa edad 15 pataas, ang may hanapbuhay.

Samantala, ikakasa ng gobyerno ang Trabaho Para sa Bayan (TPB) program upang mabago ang kalidad ng mga trabaho sa bansa at matugunan ang mga karaniwang isyu sa sektor ng paggawa.

Ito ang pahayag ng Department of Economy, Planning and Development kasunod nang pagpapalabas ng resulta ng Labor Force Survey.

The post Bilang ng mga may trabaho na Filipino bumaba noong Marso appeared first on Bandera.

Ging Reyes dismayado sa pag-endorso ni Sol Aragones kay Marcoleta

$
0
0

Ging Reyes dismayado sa pag-endorso ni Sol Aragones kay Marcoleta

DISMAYADO ang dating ABS-CBN News and Current Affairs head na si Ging Reyes sa ginawang pag-endorso ng dating Kapamilya reporter-turned-politician na si Sol Aragones sa kandidatura ni Rodante Marcoleta.

Agad na nag-viral ang larawan ni Sol na itinaas ang kamay ni Marcoleta na nagpataas ng kilay ng mga netizens.

Sa katunayan, ibinahagi ni Ging ang screenshot ng isang tweet ng netizen sa kanyang Facebook page.

“Mababasa sa nabanggit na X post, “Hindi ka ba nandiring itaas ang kamay ng taong nasa forefront ng pagtutol sa renewal ng franchise ng mother network mo? Ang bilis makalimot ng pulitiko ‘no?” caption ng naturang netizen.

Baka Bet Mo: Ging Reyes nagretiro na bilang chief ng ABS-CBN News

Samantala, ipinahiwatig naman ni Ging ang kanyang saloobin sa nakita.

“The month of May is always eventful. More so this year, with the upcoming elections.

“For me and thousands of kapamilya, marking 5 years since ABS-CBN’s broadcast shutdown brings back painful memories. That wound was deep. Apparently, not for everyone,” saad ni Ging.

Matatandaang limang taon na ang nakalilipas buhat nang tanggalan ng prangkisa ang ABS-CBN noong May 5, 2020.

Ito ay nagresulta ng pagkawala ng trabaho ng libu-libong kasamahan ni Ging sa Kapamilya network.

At si Marcoleta, ang inendorso ng Laguna 3rd district solon, ay isa sa mga kongresista na nanguna kontra sa franchise renewal ng Kapamilya network.

Wala pa namang inilalabas na pahayag si Sol hinggil sa isyung kinasasangkutan.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Aragones tungkol dito.

The post Ging Reyes dismayado sa pag-endorso ni Sol Aragones kay Marcoleta appeared first on Bandera.

Tagalized version ng K-movie na ‘Picnic’ tagos sa puso, intriguing ang ending

$
0
0
Tagalized version ng K-movie na 'Picnic' tagos sa puso, intriguing ang ending

GRABE ang impact sa amin ng kuwento ng Korean movie na “Picnic” matapos namin itong mapanood sa naganap na premiere night kahapon, May 6.

Unang ipinalabas ang “Picnic” sa South Korea na idinirek ni Kim Yong-gyun at pinagbidahan nina Na Moon-hee (Eun-sim), Kim Young-ok (Geum-soon), at Park Geun-hyung (Tae-ho).

Ni-reimagine ito ng Nathan Studio bilang isang Filipino-language movie na swak na swak sa panlasa ng mga Pinoy.

Patuloy sa pagiging tapat at consistent ng Nathan Studios sa commitment nito sa paghain ng mga kakaiba at de kalidad na istorya para sa mga Pinoy. Kaya naman pinili nito ang “Picnic” bilang Mother’s Day offering ngayong 2025.

Sa pamumuno ni Ria Atayde na President at CEO ng Nathan Studios kasama ang kanyang inang si Sylvia Sanchez, binigyan nila ng distinct Pinoy flavor ang “Picnic” kung saan pinagsama-sama ang isang intergenerational cast na tiyak na kagigiliwan ng mga manonood.

Nais ng Nathan Studios na ma-experience ng mga Pinoy ang istorya ng pelikula na siguradong pag-uusapan ang kuwento.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nathan Studios Inc. (@nathan.studios)

Hatid ng “Picnic” ang mga tema na tunay na mahalaga para sa mga Pilipino gaya ng pagtanda, mga kumplikadong family dynamics, pakikipag-kaibigan, at ang paglalakbay ng mga kababaihan bilang mga ina.

Nakakaantig ang “Picnic” dahil ipinapakita nito ang tunay na  pagmamahalan na subok na ng panahon.

Gagampanan ng award-winning actress na si Ces Quesada ang papel ni Eun-sim. Markado ang paganap ni Ces puno ito ng quiet strength at vulnerability.

Isinalarawan naman ng mga early reviews ang voice acting ng “Pinoy Big Brother: Gen 11″ winner na Fyang Smith — na ginampanan ang younger version ni Eun-sim — bilang isang scene-stealer.

Tampok din ang industry legend na si Nova Villa, na gagampanan ang papel ni Geum-soon, ang childhood best friend ni Eun-sim. Kaabang-abang ang kakaibang performance ni Nova na talaga namang tutunaw sa puso ng mga manonood.

Ang acting legend naman na si Bodjie Pascua ang kukumpleto sa central trio ng pelikula sa kanyang sensitibong paganap sa papel ni Tae-ho na haharapin ang kanyang mga nakatagong emosyon.

At gagampanan naman ng on-screen partner ni Fyang na si JM Ibarra ang papel ng batang Tae-ho na siyang nagbigay ng karagdagang lalim sa karakter.

Kinunan ang pelikula sa Pyeongsan-ri, Namhae-gun na isang tahimik na village sa South Gyeongsang Province, kung saan maraming lush visuals at serene rural landscapes na lalong nagpaganda sa pelikula.

Sa budget nitong 1.2 billion KRW ($911,000.00), USD$2.2M ang kinita ng original South Korean version ng “Picnic.”

Dalawang linggong nasa top spot ito ng independent at art-house box office charts ng South Korea at umani ito ng critical acclaim para sa sensitibong atake nito sa mga seryosong paksa.

Nominated din si Park Geun-hyung sa Best Supporting Actor category ng Baeksang Arts Awards — patunay sa husay ng pelikula.

At makikita pa rin ang husay ng pelikula sa Pinoy dub ng Nathan Studios sapagkat ramdam pa rin dito ang lumalalim na misyon ng studio: ang makapaghatid ng magagandang istorya na kumakausap sa puso ng bawat Pinoy.

Kilala ang Nathan Studios sa mga kakaibang content nito. Mapa-genre-defying series man o daring casting choices, o kakaibang storytelling directions, tiyak na hindi “play safe” ang Nathan Studios.

Sa kaso ng “Picnic,” muli na namang naghahain ang Nathan Studios na binabali ang nakasanayang konsepto ng pamilya.

Habang hindi naman nabago ng Filipino-dubbed version ang istorya, ginawa naman nitong mas swak sa panlasang Pinoy ang pelikula nang pinagsama-sama nila ang ilan sa mga respetadong artista ng Pilipinas para bigyang buhay ang mga karakter.

Ang resulta ay isang viewing experience na pamilyar na pamilyar para sa lahat — ang pag-aalaga sa mga nakakatanda at pagpapahalaga sa mga kaibigan at pamilya.

Solid ang Nathan Studios sa paniniwala nito sa kapangyarihan ng storytelling kaya naman pangangaralan nila ang mga ina at kanilang mga pamilya.

Pinapakita ng pelikula kung paano mabuhay ng may tunay na pagmamahalan.

Hindi lang tearjerker ang “Picnic” sapagkat kapupulutan din ito ng madaming aral.

Sapol sa puso ang “Picnic” na showing na ngayon sa 110 sinehan nationwide.Para sa screening schedules, sundan ang @nathan.studios sa Instagram at bisitahin ang facebook.com/nathanstudiosinc.

The post Tagalized version ng K-movie na ‘Picnic’ tagos sa puso, intriguing ang ending appeared first on Bandera.

Kitty Duterte sasabak na rin ba sa politika?

$
0
0

Kitty Duterte sasabak na rin ba sa politika?

NAGPAHAYAG ng interes ang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Kitty Duterte na nais nitong pasukin na rin ang mundo ng politika.

Sa naganap na miting de avance ng senatorial candidate na kabilang sa PDP Laban slate na si Rodante Marcoleta sa Bulacan ay ibinahagi nito ang kagustuhan ng dating pangulo para sa kanyang anak.

Aniya, nais raw ng dating pangulo na sundan ni Kitty ang kanyang yapak.

“Sabi ng anak ko, ayaw niya pumasok sa politika. Sabi ko, ‘Ako rin, ayoko sana.’ Pero sabi ng papa niya, ‘Mag-aral ka. Sumunod ka sa yapak ko,’” saad ni Honeylet.

Baka Bet Mo: Kitty Duterte may pa-‘hard launch’ sa real score nila ni Vic Singson?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Samantala, sa naturang miting de avance ay nagsalita rin si Kitty at magpahiwatig sa tila pagpasok sa politika.

Ito raw ay may kaugnayan sa pagkakaaresto ng kanyang ama na kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands para sa paglilitis sa kanyang kasong Crimes Against Humanity na inihain ng Internation Criminal Court.

“Ako ay isang 21-year-old college student lamang at ayaw ko sanang makisali sa politika. Pero nang dahil sa pag-kidnap at pag-abuso nila sa tatay ko, nandito ako ngayon para ipaglaban hindi lamang ang pamilya ko kundi ang bansang Pilipinas,” pagbabahagi ni Kitty.

Dagdag pa niya, “My love for my country is what brought me here. There was never any personal agenda involved. Mahal niya ang bayan niya. Pilipinas, Duterte pa rin!”

The post Kitty Duterte sasabak na rin ba sa politika? appeared first on Bandera.

Ivana Alawi sa paparating na eleksyon: Huwag tayong boboto dahil sikat

$
0
0

Ivana Alawi sa paparating na eleksyon: Huwag tayong boboto dahil sikat

MULING nagpaalala ang Kapamilya actress at content creator na si Ivana Alawi na bumoto ng tama sa paparating na midterm elections sa Lunes, May 12.

Sa kanyang recent vlog kung saan namigay siya ng pera sa mga may mabubuting puso na palengke vendors ay maraming natutunan ang dalaga na may kaugnayan sa estado ng mga mamamayan ng bansa.

“Ang dami kong realizations after ng vlog na to na napakamahal ng mga bilihin na talaga. ‘Yung mga manok, isda, baboy, ang tataas na ng mga presyo. Kahit sa mga palengke, minsan wala na silang mabenta [dahil wala nang bumibili],” lahad ni Ivana.

Pagpapatuloy niya, “Lahat talaga hirap na hirap. Kita naman natin ang struggle ng ating mga mangingisda. Kita rin natin ang struggle ng ating mga vendors sa palengke.”

Baka Bet Mo: Ivana Alawi game magpakita ng ‘kiffy’, ‘boobsie’ sa movie: Baka hindi nila kayanin!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Inilarawan rin niya ang naging sitwasyon ng isa sa mga tindera sa palengke na sa kabila ng tumal ng benta ay nagawa pang tumulong at magbigay ng libreng isda sa matandang kakuntsaba nila Ivana.

“Katulad po ni Ate Liza, wala na siyang mabenta, pinamimigay na lang niya kaysa mabulok sa kanya,” sabi ng dalaga.

Sa huli, muling nilitanya ni Ivana ang kahalagahan ng pagboto nang tama at ng mga taong talagang may malasakit na paunlarin ang bansa.

“Kaya lagi ko kayong nire-remind na sana sa darating na eleksyon, bumoto tayo nang tama. Mag-isip tayo bago tayo bumoto.

“Again, sa lahat, lagi kong nire-remind, from senators to mayors to congressman, huwag tayong boboto dahil sikat. Dapat ‘yung mayroong gagawin talaga sa bansa natin. Hindi ako tumatakbo as politiko, sumusuporta lang ako,” giit ni Ivana.

The post Ivana Alawi sa paparating na eleksyon: Huwag tayong boboto dahil sikat appeared first on Bandera.

Viewing all 44347 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>