Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44325 articles
Browse latest View live

LTFRB bibigyan ng tig-P400K pamilya ng mga nasawi sa SCTEX accident

$
0
0
LTFRB bibigyan ng tig-P400K pamilya ng mga nasawi sa SCTEX accident

PAGKAKALOOBAN ng tig-P400,000 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamilya ng bawat nasawing pasahero sa SCTEX accident noong May 1, Labor Day.

Inatasan agad ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III ang Passenger Accident Management and Insurance Agency (PAMI) na asikasuhin ang indemnification para sa mga nasawing biktima.

Kasabay nito, ipinag-utos din ng LTFRB ang pagsuspinse sa bus operator ng Solid North matapos mabangga ang SUV sa SCTEX toll plaza na nagdulot ng karambola ng mga sasakyan.

Sampung katao ang nasawi sa naturang aksidente habang mahigit 30 naman ang nasugatan. Walo sa mga namatay na biktima ay patungo sana sa Pangasinan para dumalo sa isang youth religious  camp.

Samantala, naglabas na rin ng preventive suspension order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa 15 bus na pagmamay-ari ng Solid North Bus, ang kumpanyang nagmamay-ari sa bus na sangkot sa aksidente.

Kabilang na riyan ang pagsailalim ng mga driver sa road safety seminar at drug testing at ang pagsasagawa ng roadworthiness inspection sa mga unit ng bus company.


Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad sa aksidente habang nagluluksa ang mga pamilya ng mga biktima.

Nabatid din na sinagot na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac ang burol ng mga nasawing biktima.

The post LTFRB bibigyan ng tig-P400K pamilya ng mga nasawi sa SCTEX accident appeared first on Bandera.


Alicia Alonzo buhay-madre na: Ang goal ko lang, sana makarating ako sa langit

$
0
0
Alicia Alonzo buhay-madre na: Ang goal ko lang, sana makarating ako sa langit

Alicia Alonzo at Julius Babar

“ANG goal ko lang is sana makarating ako sa langit,” ang pahayag ng TV and movie icon na si Alicia Alonzo sa naging desisyon niyang ialay nang buong-buo ang sarili sa Panginoon.

Buhay-madre na ngayon ang veteran actress bilang lay person sa Caryana Monastery na matatagpuan sa Pampanga.

Nais daw niyang gugulin ang mga natitirang taon ng kanyang buhay sa pagsisilbi sa Diyos at sa komunidad na kanyang pinagsisilbihan ngayon.

“Ilang taon na ba ako ngayon, I am turning 79 sa June. All my life puro gusto ko ang ginawa ko. Ngayon naman naisip ko itong age kong ‘to, kung ano pa natitira siguro dapat lang ibigay ko na sa Kanya (kay Lord),” pahayag ni Alicis sa panayam ni Julius Babao para sa kanyang YouTube channel.

Kuwento ng beteranang aktres, nadiskubre raw niya ang Caryana sa pamamagitan ng isang kaibigan. Niyaya raw siya nito na magsimba roon.

“Meron kasi akong neighbor sa village namin na member siya dito. Tapos inimbita niya ako na mag-simba dito so nagsimba ako and then nakilala ko ‘yung founder si Father Odon (de Castro) tapos nagkaroon ng recollection.”

“Medyo active na ako sa charismatic, eh. Pero dumating ‘yung time after so many years na parang may kulang.

“Hindi ko alam kung ano so kapag nagpe-pray ako, ang prayer ko talaga nu’n kay Lord, ‘Lord please show me the way, show me the truth. You’re the way, the truth, and the life.’ So nadala ako dito ng friend ko,” pagbabahagi ng aktres.

Patuloy pa niya, “I kept on coming talaga, hanggang sa every weekend andito ako. Punta na ako ng Friday and papayagan nila akong mag-stay hanggang Sunday for the mass.”

Mas humaba pa raw ang pananatili niya sa naturang monasteryo nang magkasakit at maospital siya, “Akala ko okay na ‘yung pasimba-simba pero nu’ng time na nagkasakit ako, na-vertigo ako eh. Naospital ako.

“Hindi ako nakapagtrabaho, so dito ako nag-request, kung pwede ako mag-stay. Nag-stay ako dito for one week so nakita ko ‘yung buhay so du’n ako parang nag-umpisa na maging seryoso.

“Yung regular na talaga weekends ko dito tapos pag Holy Week, minsan ‘yung buong Lenten season, 40 days, ganyan,” saad pa ni Alicia.

“Dito ginagawa ko nagdyo-join ako sa prayers nila, like merong Divine office, we pray seven times a day. Everyday ‘yun we start the prayer at 5:30 in the morning and then tumutulong ako kung saan ako pwedeng makatulong,” lahad pa niya.

May kakaiba raw siyang naramdaman sa matagal na pananatili roon at feeling niya mas nagkaroon siya ng purpose sa life.

“Nu’ng nandito na ako, parang feeling ko naramdaman ko ‘yung freedom, parang I’m free, basta ang focus mo lang is sana makarating ako, parang ang goal ko lang is sana makarating ako sa langit. Salvation,” ang pahayag pa ni Alicia Alonzo.

The post Alicia Alonzo buhay-madre na: Ang goal ko lang, sana makarating ako sa langit appeared first on Bandera.

Bibeth Orteza, Coney Reyes may ibinuking tungkol kay Ricky Davao

$
0
0
Bibeth Orteza, Coney Reyes may ibinuking tungkol kay Ricky Davao

Coney Reyes, Ricky Davao at Bibeth Orteza

NAGBAHAGI ang kilalang manunulat, aktres at direktor na si Bibeth Orteza na asawa ng award-winning director na si Carlitos Sigueon-Reyna, ng hindi malilimutang kuwento tungkol sa namayapang aktor na si Ricky Davao.

Sa kanyang Facebook account ay ipinost ni Bibeth ang black and white na litrato ng kanyang kaibigang si Ricky ay inalala ang pagiging gentleman nito.

Kaya raw mahal ng lahat ang namayapang aktor ay dahil sa mabuting puso nito at higit sa lahat, wala kaming nabalitaang may nakaalitan siya o hindi siya gusto sa industriya.

Ang caption ni Bibeth sa kanyang post, “If I had to choose my favorite story about our dearly just departed, this would be it.

“One night, in 1982, a group of ‘loveless’ women gathered at the Cafe Adriatico, to analyze why we could not find fulfilling relationships: Helen Vela (+), Coney Reyes, Susan Valdez, Chato Villanueva, and others I can’t recall as of now, in this emotional re-telling.

“There was only one man with us. A young student just about beginning to get acting jobs, and also joining acting workshops. He kept quiet while we talked, laughed and cried.

“Someone suggested: ‘Why don’t we just turn lesbian? After all, we’re independent women who’ve proven ourselves capable of taking care of a family, without just depending on men?’

“A beat. And, without meaning to cast aspersion on lesbian friends, another blurted out: ‘But can we seriously eat pussy?

“Silence.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Our lone male companion quietly stood up and went outside. We thought he left to give us privacy. He returned shortly after, with a rose for each of us. He bought roses for women feeling unloved one Valentine’s Day, with his student’s allowance.

“Frederick Charles Caballes Dabao; Ricky Davao.

“May 30, 1961 – May 1, 2025.”

Marami kaming nabasang komento sa post na ito ni Direk Bibeth tulad ng, “What a sweetheart, what a sweet soul. What a sweet gesture. His momma brought him up right. (But for a while there, I thought he went out so that he could guffaw at the pussy question.”

Kasama pala si Ms. Coney Reyes noon sa Café Adriatico na nagkomento ng, “That’s my favorite story, too about our dearest Ricky! But Bibeth, if I remember right, he had no cash on him that night, so, he begged a young rose vendor outside the cafe to ‘lend’ him the red roses and promised to pay her back. That made his gesture even more touching!”

Komento rin ng aktor na si Ronnie Quizon, “He was one of the nicest and most decent men that I knew. Even when he was being naughty or funny, he was decent and respectful.”

Say naman ni Direk Laurice Guillen, “Kasi naman you must have seemed desperate, he had to do something.”

Ibinahagi naman ng aktres na si Bing Pimentel ang experience niya kay Ricky sa pinagsamahan nilang pelikula.

“Yes he is decent & a gentleman! We had a scene in MARIQUINA (2014), where I seduce him and give him a passionate kiss. I was trembling inside cuz kolehiyala po ako! I must have peed 3x before the take!

“I suggested how I envisioned the kiss would go. Just before our take, he tells ME, ‘Please lang, ‘wag mong dilaan ang face ko!’ Huh??? Do I look like I would do that? Where did that come from? Apparently, our dashing gentleman got traumatized by someone who did exactly that!”

The post Bibeth Orteza, Coney Reyes may ibinuking tungkol kay Ricky Davao appeared first on Bandera.

Ilang pasahero sa NAIA Terminal 1 sugatan matapos araruhin ng SUV

$
0
0
Ilang pasahero sa NAIA Terminal 1 sugatan matapos araruhin ng SUV

Photos from Facebook

SUGATAN ang ilang pasahero matapos araruhin ng isang SUV sa kahabaan ng walkway at departure entrance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ngayong umaga, May 4.

Base sa official statement ng New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), tumama umano ang naturang sasakyan sa outer railing at pumasok sa walkway malapit sa terminal entrance ng naturang airport.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) ang driver ng SUV habang ginagamot na ang mga taong nasugatan sa aksidente.

“Individuals who sustained injuries are now currently being treated. The driver involved in the incident is now in the custody of the PNP,” ang bahagi ng pahayag ng pamunuan ng NNIC.

“At this time, we are awaiting official confirmation on the cause of the incident and reports of injuries. We are closely coordinating with all concerned agencies to gather accurate information,” dagdag pa ng NNIC.

Ayon naman sa San Miguel Corp. (SMC) na siyang nangangasiwa sa operasyon ng NAIA Terminal 1, “The area has since been secured, and access is now limited to authorized personnel from NNIC, the PNP and MIAA Security, who are currently conducting a full investigation.”

Nakiusap din ang mga otoridad na hintayin muna ang official report mula sa mga ahensiya ng gobyerno hinggil sa naturang aksidente bago mag-post at mag-share sa social media.

The post Ilang pasahero sa NAIA Terminal 1 sugatan matapos araruhin ng SUV appeared first on Bandera.

4-anyos na batang babae, 1 pa patay sa aksidente sa NAIA Terminal 1

$
0
0
4-anyos na batang babae, 1 pa patay sa aksidente sa NAIA Terminal 1

DALAWA ang kumpirmadong nasawi, kabilang ang 4-anyos na batang babae sa naganap na aksidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kaninang umaga, May 4.

Bukod sa naturang bata, isang lalaki rin ang naiulat na namatay sa aksidente pero hindi pa batid kung isa itong OFW o naghahatid lamang na kaanak sa airport.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, tumama umano ang naturang sasakyan sa outer railing at pumasok sa walkway malapit sa terminal entrance ng naturang airport.

Kinumpurma ng Philippine Red Cross ang pagkasawi ng dalawang biktima nang araruhin ng itim na SUV ang mga taong nasa departure area ng NAIA Terminal 1

Makikita sa Facebook post ng PRC ang isinagawa nilang pagresponde at pagtulong sa mga biktima ng pangyayari.

“At around 8:55 AM, a sports utility vehicle (SUV) crashed through the outer railing and walkway before slamming into the entrance of the Departure Area at NAIA Terminal 1 in Pasay City. The incident tragically resulted in the deaths of two individuals—a male adult and a 4-year-old girl,” ang mababasa sa FB post ng PRC.

Sa official statement ng New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC), nasa kustodiya na ng Philippine National Police (PNP) ang driver ng SUV habang isinugod sa ospital ang mga nasugatan sa aksidente.

Samantala, kinumpirna rin ni Transportation Secretary Vince Dizon ang pagkamatay ng 4-anyos na bata sa aksidente na anak daw ng OFW.

“Nakakalungkot talaga ‘yung nangyari. Nakikiramay tayo lalo sa OFW na namatayan ng anak niya ngayon. Masakit. Kausap ko ‘yung father kanina. Hinatid lang siya nu’ng anak niya, nu’ng pamilya,” ani Dizon.

The post 4-anyos na batang babae, 1 pa patay sa aksidente sa NAIA Terminal 1 appeared first on Bandera.

Sigaw ng OFW sa pagkamatay ng 5-anyos na bata sa NAIA accident: Anak ko ‘yan!

$
0
0
Sigaw ng OFW sa pagkamatay ng 5-anyos sa NAIA accident: Anak ko 'yan!

MARAMING nadurog ang puso sa kumalat na video sa social media kung saan sumisigaw ang isang tatay matapos masawi ang kanyang 5-anyos na anak sa aksidenteng nangyari sa NAIA Terminal 1 nitong Linggo, May 4.

Mapapanood sa naturang video ang isang OFW na nag-iiyak habang dinadamayan ng ilang security personnel at pulis sa Ninoy Aquino International Airport departure area.

“Anak ko ‘yan!” ang maririnig na isinisigaw ng lalaki matapos madiskubre na ang batang namatay nang araruhin ng isang itim na SUV ang departure area ng airport ay ang nag-iisa niyang anak.

Base sa salaysay ng driver ng sasakyan na si Leo Sinlao Gonzales, 47, residente ng Batangas, nakaparada lang daw siya sa isang nasabing bahagi ng airport ngunit nataranta raw siya nang biglang may dumaan na sedan. At sa halip na preno ay silinyador daw ang kanyang natapakan.

Ayon sa ulat, bago pa pumasok sa loob ng Terminal 1, ay nayakap at nahalikan pa ng OFW ang kanyang namatay na anak. Talagang sinulit umano ng nagdadalamhating ama ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang kanyang bakasyon para makapiling ang nag-iisang anak.

Base pa sa report, sugatan naman ang ina ng bata at misis ng OFW na agad ding isinugod sa pinakamalapit na ospital.


Wala pang pahayag ang OFW kung itutuloy pa rin niya ang pagtatrabaho sa ibang bansa matapos ang pangyayari.

Maraming netizens ang nakiramay at nakisimpatya sa pamilya ng nasawing bata kasabay ng panawagang hustisya sa lahat ng biktima ng sunud-sunod na aksidente sa bansa. Narito ang ilan sa mga comments sa social media.

“Nakaka durog ng puso. Sana man lang nag ingat yung driver , sana .. madaming sana pero nangyari na , may the father who lost his child today find the justice he deserves and peace … I hope he finds peace eventually.”

This is so devastating. Sobrang ramdam yung pighati at sakit.”

“Paalis na yung tatay pabalik sa abroad para mag work.. Tapos ayan.. Paano pa siya makakabalik kung ganyan… Mahirap yung katayuan niya ngayon ..”

“Heartbreaking yung driver ng SUV ga** kung hindi ka pa sanay magmaneho bakit ka nagdrive diyan?”

“In 1 week. We had like 3 vehicular accidents minimum with fatalities and injuries. Do you guys think LTO should be more strict on their exams on providing licenses to new drivers?”

“Sana maging mahigpit na LTO sa pag issue ng driver’s license kasi yung iba binabayaran lang makakuha lang ng license.”

“Shit bro. Ang sakit. As a father myself to a 5yr old girl and a 1yr old boy, ramdam ko ang pighati nya. Measures need to be made to avoid this kind of accidents ever again.”

“Ang sakit sa dibdib, nakakaiyak. Di pa ko Maka recover dun sa accident sa SCTEX na Yung toddler lang ang survivor.”

Ayon sa LTO, sinuspindi na ang lisensya ng driver ng naturang SUV sa loob ng 90 na araw.

Inanunsiyo na rin ng New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) na sasagutin na ng kanilang presidente na si San Miguel Corporation Chairman Ramon Ang, ang lahat ng gastusin at kakailanganing assistance ng mga biktima at ng kanilang pamilya.

The post Sigaw ng OFW sa pagkamatay ng 5-anyos na bata sa NAIA accident: Anak ko ‘yan! appeared first on Bandera.

Dia Maté, Regine sanib-pwersa sa kantang ‘INA’; tribute sa Mother’s Day, Pride Month

$
0
0
Dia Maté, Regine sanib-pwersa sa kantang ‘INA’; tribute sa Mother’s Day, Pride Month

PHOTO: Courtesy of Dia Maté

MAY bonggang paandar nanaman ang viral pop singer-songwriter at reigning Reina Hispanoamericana 2025 na si Dia Maté.

This time, hindi lang basta kanta ang hatid niya kundi isang makabuluhang collab kasama ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid!

Ang kanilang bagong single na pinamagatang “INA” ay isang hugot-filled tribute para sa elderly ng LGBTQIA+ community.

“It is such an honor to collaborate with an OPM legend. Having Ate Reg’s lyrics and vocals on the track makes the song even more meaningful and impactful. I’m really grateful she was game to hop on the track,” sey ni Dia sa isang pahayag.

Talagang goosebumps central ito dahil bukod sa napakahusay na pagkakagawa ng kanta, may layunin itong tumulong.

Baka Bet Mo: Dia Mate: ‘A win is not a win without the people who were part of the journey’

Ang “INA” ay iniaalay nina Dia, Regine, at co-writer na si Dom Guyot para sa The Golden Gays, isang non-profit organization para sa LGBTQIA+ elders na edad 60 pataas.

Ang The Golden Gays, na nabuo pa noong 1970s at muling nabuhay bilang pag-alala kay LGBT icon Walterina Markova, ay kilala sa kanilang nakakaaliw na blend ng comedy, music, at classic drag.

Pero sa kabila ng saya sa entablado, nangangailangan pa rin sila ng suporta, lalo na’t nangangarap silang magkaroon ng permanenteng tirahan.

Kaabang-abang din ang music video ng kanta dahil tampok diyan ang nasabing organisasyon, pati may special documentary pa para sa kanila.

Dagdag pa riyan, isang fundraising event ang gaganapin sa May 15 sa tulong ng Radical Music, Sindikato Studios, at Hoesik Bar & Lounge.

Ang lahat ng malilikom ay mapupunta sa The Home for the Golden Gays para sa kanilang tirahan at medical needs.

“Aside from The Golden Gays, I also dedicate this song to my family members, friends, mentors, and mamas within the community.” wika ng beauty queen.

Patuloy niya, “I have so much love and respect for all of them. They have stood by my side and guided me every step of the way in life, in my music career, and in my pageant journey. This song is also for them.”

Ang “INA” ay mapapakinggan na sa lahat ng streaming platforms –just in time for Mother’s Day at Pride Month!

Para sa mga hindi aware, hindi lang ito ang unang beses na ginamit ni Dia ang musika bilang paraan ng pagtulong at paghilom.

Simula pitong taong gulang pa lang siya, regular na siyang bumibisita sa CRIBS Foundation sa Antipolo, isang shelter para sa mga ulila at survivor ng abuse.

Itinuro niya rito ang musika sa mga batang babae bilang bahagi ng kanyang adbokasiya.

Noong 2024, nag-organisa rin siya ng isang fundraising concert para sa CRIBS, na nakalikom ng malalaking donasyon at musical instruments.

At isa pa, naalala niyo ba ang “Ganda Gandahan” na umarangkada sa TikTok at Spotify?

Ang kantang ‘yan ay isang patok na ode para sa women empowerment, kung saan nakipag-collab siya sa voguing at femme queens mula sa local ballroom scene.

Dahil dito, umabot sa higit isang milyong streams ang kanta at pumasok sa Spotify Philippines Viral 50 Charts noong March 2025!

Ilan pa sa playlists kung saan na-feature ang kanta ay sa New Music Friday, Viral Hits, OPM Rising, at OPM Binge.

The post Dia Maté, Regine sanib-pwersa sa kantang ‘INA’; tribute sa Mother’s Day, Pride Month appeared first on Bandera.

11.7M napanood pag-endorso ni Vice Ganda kay Benhur Abalos

$
0
0
11.7M napanood pag-endorso ni Vice Ganda kay Benhur Abalos

Vice Ganda at Benhur Abalos

LUMAKAS ang suporta kay dating Interior Secretary Benhur Abalos, Jr. nang iendorso ng TV host-comedian na si Vice Ganda.

Ginawa ni Vice Ganda ang pag-endorso sa kumakandidatong senador sa kanyang Facebook page at napanood na ito ng 11.7 milyon social media users.

“Kesa naman yung mga walang kwenta ang pumasok sa Top 12. Dito na ’ko,” sabi ng TV host sabay turo sa larawan ni Abalos.

Bago pa ito, inendorso na rin si Abalos ng mga kapwa niya kandidato sa Alyansa Para sa Bagong PIlipinas na sina ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, Makati City Mayor Abby BInay, dating Sen. Tito Sotto at Ping Lacson.

Bukod pa riyan ang showbiz personalities na sina Jake Cuenca, Priscilla Meirelles, at Ai Ai delas Alas.

Bitbit ni Abalos plataporma ng pagtanggal ng VAT sa kuryente at langis, reporma sa batas sa bigas, at proteksyon sa maliliit na mangingisda at kontraktuwal na manggagawa.

The post 11.7M napanood pag-endorso ni Vice Ganda kay Benhur Abalos appeared first on Bandera.


Laang Kawal Partylist isinusulong ang legal na charter para sa Veterans Memorial Medical Center

$
0
0

Laang Kawal Partylist isinusulong ang legal na charter para sa Veterans Memorial Medical Center

ISINUSULONG ng Laang Kawal Partylist ang pagpasa ng batas na magbibigay ng legal na charter sa Veterans Memorial Medical Center upang mapalakas ang operasyon nito at matiyak ang dignidad, kalinga, at hustisya para sa mga beterano at retiradong sundalo ng bansa.

Ayon kay Col. Noel J. Detoyato (Ret.), pangalawang nominado ng Laang Kawal, “Ang serbisyo ay hindi natatapos sa pag-alis ng uniporme. Ang obligasyon natin sa ating mga beterano ay hindi dapat magtapos kapag sila ay nagretiro.”

Binigyang-diin ni Detoyato na ang Veterans Memorial Medical Center, na itinatag bilang regalo ng Estados Unidos sa Pilipinas matapos ang digmaan, ay nagsisilbing pangunahing ospital para sa mga Pilipinong beterano.

Subalit, sa kabila ng kahalagahan nito, ang ospital ay nananatiling walang legal na charter, isang kalagayan na nagpapahirap sa ospital upang makapagpatuloy ng mga makabuluhang partnership at magsagawa ng mga long-term development programs.

Baka Bet Mo: Security guards nais gawing AFP reservists para palakasin ang pambansang depensa

“Ang isyung ito ay hindi tungkol sa kawanggawa, ito ay tungkol sa kung ano ang nararapat na ibigay ng pamahalaan sa mga lalaking at babaeng humarap sa panganib para sa ating bayan,” sey ni Detoyato.

Ipinaliwanag din ni Detoyato na mayroong pagkakaiba ang Citizens’ Charter, isang serbisyong itinadhana sa ilalim ng Anti-Red Tape Act, at isang legal na charter na nililikha sa pamamagitan ng batas.

Ang Citizens’ Charter ay nagsisilbing gabay lamang sa serbisyo, samantalang ang isang legal na charter ay nagbibigay ng tunay na personalidad at awtonomiya sa institusyon upang makapagpatuloy ng mga proyekto at makapaghanda ng mga plano para sa pangmatagalang pag-unlad.

Isinusulong ng Laang Kawal Party List na magkaroon ng charter ang Veterans Memorial Medical Center hindi lamang upang kilalanin ang papel nito bilang pangunahing ospital para sa mga beterano, kundi upang mapalawak ang saklaw ng serbisyo at maserbisyuhan din ang mga retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

Layunin din nitong bigyan sila ng mas maraming access sa mga institusyong medikal sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Kabilang sa kanilang mga adhikain ang pagsusuri at masusing implementasyon ng mga umiiral na batas tulad ng Republic Act 6948, na nagtatakda ng mga benepisyo para sa mga beterano at kanilang mga dependents, pati na ang Republic Act 7696 na nagpapalawak at nagdadagdag sa mga benepisyo ng mga beterano, at Republic Act 11164 na naglalayong dagdagan ang pensyon ng mga senior veterans.

Ayon kay Detoyato, ang mga batas na ito ay nangangailangan ng masusing pagsusuri at tamang implementasyon upang matiyak na ang mga benepisyaryo ay natutulungan nang naaayon sa kasalukuyang mga pangangailangan at kalagayan.

Kasama sa mga plano ng Laang Kawal Partylist ang pagtatayo ng mga regional veterans care centers sa iba’t ibang rehiyon ng bansa upang mas mapadali ang pag-access ng mga beterano sa mga serbisyong medikal at pangangalaga.

Ang mga center na ito ay magtutulungan sa mga pampublikong ospital na may sapat na kagamitan, tauhan, at kasanayan upang magbigay ng mga espesyal na serbisyo na partikular sa mga beterano, tulad ng pag-aalaga sa mga may mental health issues, post-traumatic stress disorder (PTSD), at iba pang kondisyon na dulot ng kanilang serbisyo sa militar.

Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga ganitong sentro, inaasahang magiging mas accessible at epektibo ang pagbigay ng tulong sa mga retiradong sundalo, lalo na sa mga nasa malalayong lugar o hindi kayang maglakbay papunta sa pangunahing ospital sa Metro Manila.

Dagdag pa ni Detoyato, “Hindi dapat taon-taon ay kailangan pang maglobby para lang madagdagan ng kaunti ang pensyon ng mga beterano. Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, makatarungan lang na ang pensyon nila ay awtomatikong umaayon—dahil ang respeto sa kanilang serbisyo ay hindi dapat nakadepende sa damdaming pulitikal ng panahon.”

The post Laang Kawal Partylist isinusulong ang legal na charter para sa Veterans Memorial Medical Center appeared first on Bandera.

Abby Binay wish magkaroon ng ‘curriculum’ sa Day Care centers 

$
0
0
Abby Binay wish magkaroon ng 'curriculum' sa Day Care centers 

PHOTO: Facebook/Abby Binay

ANG Day Care centers ay hindi lang dapat bilang isang lugar para may mapag-iwanan ng mga anak ang mga nagtatrabahong magulang.

Ito ang sinabi ni senatorial candidate at Makati City Mayor Abby Binay.

Ang sabi pa niya, dapat may curriculum na sinusunod ang day care workers.

Baka Bet Mo: Makati Mayor Abby Binay minura, ininsulto ng netizen dahil hindi nagsuspinde ng klase

“Hindi dapat ginagawang tagapangalaga lang ng mga bata ang day care centers habang nagtatrabaho ang kanilang mga magulang,” sey ng kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Diin niya, dapat umpisahan ang edukasyon ng kabataan sa day care alinsunod sa Early Childhood Care and Development Act of 2000.

Ayon kay Binay, dapat matuto nang magbasa ang mga bata simula Kindergarten at pagtuntong nila sa Grade 3 ay naiiintindihan na ng mag-aaral ang kanilang binabasa.

The post Abby Binay wish magkaroon ng ‘curriculum’ sa Day Care centers  appeared first on Bandera.

Miss Grand PH 2025 patuloy ang aplikasyon para sa future queens, deadline sa May 12

$
0
0
Miss Grand PH 2025 patuloy ang aplikasyon para sa future queens, deadline sa May 12

PHOTO: Instagram/@msgrandphilippines

MALIBAN sa election day, sa May 12 na rin ang huling araw para sa mga nais sumabak sa Miss Grand Philippines 2025!

Ang ibig sabihin niyan, patuloy pa rin ang aplikasyon para sa mga nais na maging reyna ng nasabing kompetisyon.

“Deadline of Applications for Miss Grand Philippines 2025 is on May 12, 2025!” sey ng pageant organization sa kanilang social media post.

Ang sabi pa, pwedeng i-download ang application forms sa link na ibinandera nila.

Baka Bet Mo: Lovi Poe may bagong Hollywood movie, sisimulan ang taping this year

Kapag kumpleto na ang form, ipadala ito kasama ang isang full body, swimsuit, at headshot photo sa email na info@alvpageantcircle.org, ayon pa sa Miss Grand Philippines team.

At bilang kakatapos lang ng Miss Universe Philippines 2025, nako, may chance pa ulit ang mga hindi pinalad na kandidata na sumubok naman sa Miss Grand International stage.

Hindi na bago sa mga national pageants ang pagkakaroon ng ex-Miss Universe Philippines candidates sa kanilang roster.

Sa ilalim ng ALV Pageant Circle kung saan kabilang ang Miss World Philippines at Miss Grand Philippines, ilang dating MUPH girls na rin ang sumubok muli ng kapalaran.

Kabilang na riyan sina Bianca Tapia na itinanghal na Miss Philippines Tourism, at Dia Mate na kinoronahan bilang Reina Hispanoamericana Filipinas noong Miss World Philippines 2024 ay parehong produkto ng Miss Universe Philippines stage.

At kung matatandaan, sina Alexandra Rosales (2nd runner-up) at Selena Antonio-Reyes (isang proud mom na Top 10 finalist) ay dumiretso naman sa Miss Grand Philippines 2024 mula sa MUPH.

Ngayong taon, naghahanap ang Miss Grand Philippines ng papalit kay CJ Opiaza na nagtapos bilang first runner-up sa international pageant, isa sa pinakamataas na narating ng Pinay sa kompetisyong ito.

Pero sa totoo lang, hanggang ngayon, wala pang Filipina ang nakakauwi ng “golden crown” mula sa Thailand-based Miss Grand International.

Noong nakaraang dalawang edisyon ng Miss Grand Philippines sa ilalim ng ALV, hindi lang isa kundi maraming national titles ang iginagawad sa mga winners.

Hindi pa inaanunsyo kung anu-anong korona ang nakataya ngayong 2025, pero mukhang may pasabog na naman.

Magugunita noong 2023, bukod sa Miss Grand PH ay kinoronahan din ang Reina Hispanoamericana Filipinas at Miss Eco Teen Philippines.

At noong 2024 naman, nadagdagan ito ng Universal Woman Philippines at Miss Teen International Philippines.

The post Miss Grand PH 2025 patuloy ang aplikasyon para sa future queens, deadline sa May 12 appeared first on Bandera.

Catriona, MJ, Chelsea, iba pang beauty queens proud kay Ahtisa Manalo

$
0
0
Catriona, MJ, Chelsea, iba pang beauty queens proud kay Ahtisa Manalo

PHOTO: Facebook/Ma. Ahtisa Manalo

BUMUHOS ang mga pagbati at suporta para sa itinanghal na bagong reyna ng Miss Universe Philippines ngayong taon na si Ahtisa Manalo!

Isa sa mga tuwang-tuwa ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ang kanyang mensahe ay mababasa sa X: “So proud of our bunso from BBP2018! Proof that you should never ever give up on your dreams! So proud of you Ahtisa!!! let’s goooo!”

Baka Bet Mo: Pagkadapa ni Ahtisa Manalo nakatulong para tanghaling Miss Universe PH 2025

Magugunitang naging batchmates sina Catriona at Athisa sa Binibining Pilipinas 2018.

Pareho silang nagwagi, pero magkaiba ang naging titulo –si Cat ang naging kinatawan ng Miss Universe, habang si Ahtisa ang representative ng Miss International at that time.

Pati si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa, very proud na shinare ang video clip ng Quezon Province-based stunner na kumakaway sa audience matapos tanghaling winner.

Ang caption niya riyan, “Congratulations queen!!!!”

Ilan pa sa nagpaabot ng kanilang mensahe ay sina Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo, Reina Hispanoamericana 2025 Dia Mate, Binibining Pilipinas International 2025 Myrna Esguerra, Miss Cosmo 2024 runner-up Karnruethai Tassabut, Samantha Bernardo, Graciella Lehmann at Aya Abesamis.

Nagbigay-suporta rin ang iba pang beauty queens kabilang na sina Miss Universe New Zealand 2024 Victoria Velasquez Vincent, Roberta Tamondong, Miss Supranational Philippines 2025 Katrina Llegado, Miss Eco International Philippines 2025 Gabrielle Carballo, Chella Falconer at Katarina Rodriguez.

Si Ahtisa ang ilalaban sa Miss Universe stage na gaganapin sa Thailand sa November 21.

Susubukan niya riyan maiuwi ang ikalimang korona ng Pilipinas matapos ang panalo ng PInay queens na sina Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018). 

Samantala, si Ahtisa ay binansagang “Pambansang Manika” ng pageant fans dahil sa mala-manika niyang mukha.

At bago makuha ang bagong korona, ilan pa sa mga sinalihan niya ay ang Binibining Pilipinas 2018, Miss International 2018, Miss Universe Philippines 2024 at Miss Cosmo 2024.

The post Catriona, MJ, Chelsea, iba pang beauty queens proud kay Ahtisa Manalo appeared first on Bandera.

Jackie Lou Blanco sa pagpanaw ni Ricky Davao: Lumaban talaga siya!

$
0
0

Jackie Lou Blanco sa pagpanaw ni Ricky Davao: Lumaban talaga siya!

DUROG na durog ang puso ni Jackie Lou Blanco pati na ng kanyang mga anak sa pagpanaw ng dalawang miyembro ng kanilang pamilya sa loob lamang ng halos kalahating buwan.

Naunang namaalam ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales, ang nanay ni Jackie Lou, at sinundan nga ng pagpanaw ng dati niyang asawa at ama ng tatlo niyang anak an si Ricky Davao.

Ayon sa aktres, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magkasunod na nawala ang dalawa sa mga taong napakahalaga sa buhay nilang mag-iina.

“It’s been really very hard. It’s difficult because you know when you grieve, your grieving is not finished after you’ve put them in their final resting place.

Baka Bet Mo: Jackie Lou Blanco nanghinayang nga ba sa paghihiwalay nila ni Ricky Davao?

“So, we’re still grieving for my mom and now we’re grieving for Ricky. It is difficult. It’s just hard,” ang pahayag ni Jackie Lou sa panayam ng media sa Malacañang.

Ginawaran ni Pangulong Bongbong Marcos si Pilita Corrales ng Presidential Medal of Merit, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Palasyo sa mga civilian.

Pahayag ni Jackie Lou tungkol sa pagkamatay ng dati niyang husband, “Although Ricky has been sick for the last couple of months, he really fought a good fight.

“It’s particularly hard for my children because they lost their dad and their mamita at the same time,” aniya pa.

Ang palagi raw niyang paalala ngayon sa kanyang mga anak sa pagpanaw nina Ricky at Pilita, ay ang pagbutihin ang kanilang trabaho at maging mabuti sa lahat ng tao.

“Kung anuman yung mga tinuro nila sa amin, that’s what we will try to share to other people.

“We are just trying to draw strength from each other and we are praying for God’s strength that we are able to go through this together,” saad ng veteran actress.

Patuloy ang pagdalaw ng mga kapamilya at mga kaibigan in and out of showbiz sa burol ni Ricky Davao sa Heritage Park sa Taguig City na nagsimula kahapon, May 4, at matatapos hanggang May 6.

The post Jackie Lou Blanco sa pagpanaw ni Ricky Davao: Lumaban talaga siya! appeared first on Bandera.

Conjugal room sa San Juan City jail mas pinaganda, mas pinabongga

$
0
0
Conjugal room sa San Juan City jail mas pinaganda, mas pinabongga

PHOTO: Courtesy of San Juan City Jail – Male Dormitory

ISANG kakaibang “room makeover” ang pinagkaguluhan kamakailan sa San Juan City Jail – Male Dormitory

Makasaysayan kasi ang pagbubukas ng bagong Conjugal Visitation Area para sa ating mga Persons Deprived of Liberty (PDL) at kanilang mga kabiyak. 

Yes, yes, yes, mga ka-BANDERA…may kilig-korner na sa kulungan!

Para sa kaalaman ng marami, ang conjugal room ay isang espesyal na silid sa loob ng kulungan kung saan maaaring makasama ng isang bilanggo ang kanyang asawa o partner nang pribado, sa takdang oras at alituntunin. 

Baka Bet Mo: V-DAY 2025: Pag-ibig sa likod ng rehas sa San Juan City Jail Male Dormitory

Conjugal room sa San Juan City jail mas pinaganda, mas pinabongga

PHOTO: Courtesy of San Juan City Jail – Male Dormitory

Layunin nito na mapanatili ang relasyon ng mag-asawa at mapalakas ang emosyonal na suporta sa mga PDL.

Ang pagbabasbas ng mga bagong silid ay pinangunahan ni Father Marcel Maria Vianney ng Holy Hearts Mission Station sa Manila. 

Naghandog siya ng dasal at bendisyon bilang simbolo ng bagong pag-asa, pagmamahalan, at pangalawang pagkakataon dahil kahit nasa likod ng rehas, may puwang pa rin ang forever!

Siyempre, hindi magpapahuli ang wais at pusong-makataong Warden JCINSP Erico D. Llamasarez na kilala sa kanyang adbokasiyang magdala ng malasakit at pagbabago sa buhay ng mga PDL. 

Sa kanyang pamumuno, naisakatuparan ang proyektong ito na may halagang P100,000 na mula na rin sa tulong ng lokal na pamahalaan ng San Juan City, lalo na ni Mayor Francis Zamora na agad rumisponde sa pangangailangan ng piitan at nagbigay ng mga pangunahing materyales para maitayo ang bagong “love nest” sa loob ng kulungan.

Ang bagong Conjugal Visitation Area ay hindi lang basta-basta kwarto, ito ay isang tulay para mapanatiling buo ang pamilya ng mga PDL, makapag-reconnect sa kanilang mga mahal sa buhay, at higit sa lahat ay mapalalim pa ang proseso ng kanilang rehabilitasyon.

The post Conjugal room sa San Juan City jail mas pinaganda, mas pinabongga appeared first on Bandera.

PGMN isiniwalat ang pagbabalik ni Isko: Mula alkalde ng 2019 hanggang sa pagtakbo sa 2025

$
0
0

PGMN isiniwalat ang pagbabalik ni Isko: Mula alkalde ng 2019 hanggang sa pagtakbo sa 2025

ISANG bagong video ang ibinandera ng Peanut Gallery Media Network (PGMN) na nagdokumento ng pampulitikang paglalakbay ni Francisco “Isko” Moreno Domagoso.

Ito ay mula sa kanyang pagsikat bilang alkalde ng Maynila noong 2019 hanggang sa kanyang kasalukuyang layuning muling maging mayor ng lungsod sa 2025 lokal na halalan.

Ang video ng PGMN ay inilabas bago ang lokal na halalan sa May 12 at inaasahan na magiging isa sa mga pinakamahalagang laban ang mayoral race sa Maynila kung kaya’t ipinakita sa video ang termino ni Moreno bilang alkalde, ang kanyang kampanya noong 2022 para sa pagkapangulo, at ang kanyang patuloy na pagsusumikap na makabalik sa pagka-alkalde.

Unang nahalal si Moreno bilang mayor ng Maynila noong 2019 nang talunin ang noo’y incumbent na si Joseph “Erap” Estrada.

Baka Bet Mo: WATCH, NOW NA: Alamin ang dapat tandaan, mga bagong ganap sa Halalan 2025

Sa kanyang termino, nagkaroon ng malalaking proyekto sa urban renewal, kabilang ang paglilinis sa Divisoria, mga proyekto sa restorasyon ng mga makasaysayang pook tulad ng Luneta at Intramuros, at pagpapalawak ng mga serbisyong pangkalusugan lalo na noong panahon ng pandemya ng COVID-19.

Nagsimula rin siya ng mga programang pabahay tulad ng Tondominium at Binondominium upang magbigay ng abot-kayang tirahan para sa mga pamilyang may mababang kita.

Noong 2022, tumakbo si Moreno bilang presidente sa ilalim ng Aksyon Demokratiko at nagtapos sa ikaapat na pwesto sa pambansang halalan.

Matapos ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo, ang noo’y Bise Alkalde Honey Lacuna ang naging alkalde ng Maynila, at siya ang naging kauna-unahang babaeng alkalde ng lungsod.

Mula nang umupo sa posisyon, naharap ang kanyang administrasyon sa mga kritisismo, partikular na hinggil sa mga isyu ng krimen at kalinisan sa mga lugar tulad ng Divisoria.

Ngayon, naghahangad ng pagbabalik si Moreno sa kanyang dating posisyon, at itinuturing siya bilang kandidato na magbabalik ng kaayusan at pag-unlad sa lungsod.

Ayon sa mga survey na isinagawa ng OCTA Research at DZRH noong April 30, nangunguna si Moreno sa labanan para sa pagka-mayor, na may halos doble ang suporta kumpara sa kanyang mga kalaban na sina Lacuna at Sam Versoza.

Ang video ng PGMN ay inilabas bago ang lokal na halalan sa May 12, at inaasahan na magiging isa sa mga pinakamahalagang laban ang mayoral race sa Maynila sa mga halalan sa Metro Manila.

The post PGMN isiniwalat ang pagbabalik ni Isko: Mula alkalde ng 2019 hanggang sa pagtakbo sa 2025 appeared first on Bandera.


Eleksyon sa May 10 na dahil sa sobrang init ‘fake news’, ayon sa Comelec

$
0
0
Eleksyon sa May 10 na raw dahil sa sobrang init 'fake news', ayon sa Comelec

INQUIRER file photo

HABANG papalit ang eleksyon, iba’t-ibang peke balita o maling impormasyon ang kumakalat sa social media world!

Ito ang ibinahagi mismo ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia sa pagdinig sa Senado.

Ayon kay Garcia, kumakalat sa social media na inilipat na sa May 10 ang araw ng botohan para makaiwas sa matinding init ng panahon.

Baka Bet Mo: ALAMIN: Mga dapat tandaan para swabe ang pagboto sa Halalan 2025

“Kinakailangan pa rin kaming maglabas syempre ng pagtanggi. Kinakailangang magkomento kami at sabihing hindi po totoo ‘yan,” sey ng Comelec chair.

Bago ito, kumalat din sa social media na ang tanging makakaboto ay ang mga may national ID.
Malinaw, aniya, na ang mga ito ay gawa ng “trolls” upang madiskaril ang eleksyon sa darating na May 12.
Kasabay nito, tiniyak ni Garcia na walang nakuhang impormasyon kung totoong gumamit ng “data gathering device” ang nahuling Chinese national malapit sa kanilang punong-tanggapan sa Intramuros, Maynila.

The post Eleksyon sa May 10 na dahil sa sobrang init ‘fake news’, ayon sa Comelec appeared first on Bandera.

OFW na namatayan ng anak sa SUV driver: Sana wag makapagpiyansa!

$
0
0
OFW na namatayan ng anak sa SUV driver: Sana wag makapagpiyansa!

Danmark Masongsong at ang namayapang anka na si Malia Kates Masongsong (Photos from Department of Migrant Workers FB page

WASAK na wasak pa rin ang puso ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa pagkamatay ng kanyang 5-anyos na anak sa naganap na aksidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Linggo, May 4.

Naglabas ng saloobin ang nagluluksang amang si Danmark Masongsong nang makapanayam ng media tungkol sa pagpanaw ng kanyang nag-iisang anak na si Malia matapos itong araruhin ng isang SUV sa departure area ng NAIA Terminal 1.

“Napakasakit po ng nangyari, lalong-lalo na, anak ko po ‘yon, mahal na mahal ko po ‘yun.

“Buong Pilipinas po ang nakasaksi sa nangyari sa anak ko. Hindi ko po kaya. Kaya po ako nagsasalita rito para mailabas ko yung nararamdaman ko,” emosyonal na pahayag ng OFW.

Pagbabahagi pa niya, hindi pa raw alam ng kanyang asawa na wala na ang kanilang anak. Nagpapagaling pa rin daw ito sa ospital matapos sumailalim sa operasyon.

“Talagang mahal na mahal ko po ‘yang anak ko. Alagang-alaga ko po ‘yan, lalong-lalo na ng aking asawa. Hindi pa po niya alam na wala na ang anak ko.

“Nakakalungkot po, talagang mahal na mahal ko po ‘yan. Kaya po nag-ipon ako para po sa kanilang dalawa. Tapos ganiyan po ang mangyayari,” saad pa ng tatay ng nasawing biktima sa aksidente.


Kasunod nito, nakiusap din siya na sana’y tulungan siya ng gobyerno para mabigyan ng hustisya ang pagkamatau ng kanyang pinakamamahal na anak.

“Sana po’y tulungan n’yo ko na managot yung bumangga sa anak ko. Pananagutin ko po ‘to, tulungan n’yo po ko.

“Sa atin pong gobyerno, tulungan n’yo po ko na panagutin ‘to. Sana po huwag po siyang makapag-piyansa,” pahayag pa niya.

Ayon sa mga otoridad, nahaharap sa patung-patong na kaso ang SUV driver kabilang na ang reckless imprudence resulting in two counts of homicide, multiple physical injuries at damage to properties.

Base sa salaysay ng driver ng sasakyan na si Leo Sinlao Gonzales, 47, residente ng Batangas, nakaparada lang daw siya sa isang nasabing bahagi ng airport ngunit nataranta raw siya nang biglang may dumaan na sedan. At sa halip na preno ay silinyador daw ang kanyang natapakan.

Bago pa raw pumasok sa loob ng Terminal 1, ay nayakap at nahalikan pa ng OFW ang kanyang namatay na anak. Talagang sinulit umano ng nagdadalamhating ama ang pag-uwi niya sa Pilipinas ang kanyang bakasyon para makapiling ang nag-iisang anak.

The post OFW na namatayan ng anak sa SUV driver: Sana wag makapagpiyansa! appeared first on Bandera.

Bea Alonzo super rich businessman ang ipinalit kay Dominic Roque?

$
0
0
Bea Alonzo super rich businessman ang ipinalit kay Dominic Roque?

Bea Alonzo kasama ang kanyang ‘mystery guy’

MAY kapalit na nga ba sa puso ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang kanyang ex-fiancé na si Dominic Roque?

Pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang mga litrato umano ni Bea kasama si Vincent Co, anak ng mag-asawang business magnate na sina Lucio at Susan Co, may-ari ng Puregold Price Club.

Ang mga naturang litrato ay mula raw sa private Instagram account ng super rich businessman na si Vincent Co na in-upload ng “Insider PH” sa kanilang social media page.

Makikita sa mga nasabing photo si Vincent na nakasuot ng black polo shirt na parang nasa isang beach kasama ang isang girl na long hair at naka-white coat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Parehong nakatalikod ang nasa litrato na magka-holding hands kaya hindi talaga makikilala kung sino sila. Pero base sa mga post ng netizens, naikonek nila ito kay Bea dahil sa OOTD nito habang namamasyal sa Andalucia, Spain.

Makikita ang aktres suot ang kanyang beige blazer, black skirt, at white sneakers na parehong-pareho sa OOTD ng babaeng kasama ni Vincent, idagdag pa ang buhok nito na kapareho rin ng hair na nasa litrato.

Sey pa ng mga fans ng Kapuso star, pinusuan din daw ni Bea ang mga sweet photos na ipinost ni Vincent sa kanyang Instagram page.

Marami naman ang nagkomento na sana’y natagpuan na nga ni Bea ang lalaking itinadhana sa kanya matapos ang controversial breakup nila ni Dominic Roque ilang buwan after their engagement.

Sa ngayon, super happy na si Dom sa piling ng bago niyang girlfriend, ang aktres na si Sue Ramirez.

Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang reaksyon si Bea tungkol sa kanila ng super yamang negosyanteng si Vincent Co.

The post Bea Alonzo super rich businessman ang ipinalit kay Dominic Roque? appeared first on Bandera.

Rita Avila binoldyak si Trump: Ininsulto niya ang pagkasagrado ng Papa!

$
0
0
Rita Avila binoldyak si Trump: Ininsulto niya ang pagkasagrado ng Papa!

Rita Avila at Donald Trump

MATAPANG na binanatan ng beteranang aktres na si Rita Avila si US President Donald Trump dahil sa viral photo nito na nag-ala Santo Papa.

Sa kanyang Facebook page, naglitanya  si Rita sa naturang AI-generated photo ng presidente ng Amerika at sinabing wala itong galang at respeto sa Simbahang Katoliko.

Isang malinaw at malaking insulto raw ang naturang litrato sa Santo Papa lalo pa’t kamamatay at kalilibing lamang ni Pope Francis.

Ni-repost ni Rita ang kontrobersyal na litrato ni Trump na may caption na, “’Corruption is paid by the poor’ – Pope Francis (Ang katiwalian ay pinagbabayaran ng mahihirap).

“Walang galang si Pres. Trump. Ininsulto nya ang pagkasagrado ng Papa.

“Malaking kasalanan ang mambastos ng sagradong tao, gamit o lugar,” mariing sabi ni Rita.

Patuloy pa niya, “AT ALAM NYO BA na lahat naman tayo ay corrupt? Nawawalan tayo ng matinong moralidad sa maraming bagay, maliit o malaki.

“TAYO ang sabi ko, natural kasali ako, OK? Madali tayong pumitik, magreact ng di nag-iisip, at HINDI tayo nagbabasa o nakikinig ng mabuti para makaunawa KUNDI para maka-sagot agad ng d na nag-isip ng maayos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)


“Ang dumi-dumi sa socmed pati sa lipunan. Ang kalayaan para mag-KOMENTO ay may kasama dapat na DISIPLINA,” ang sentimyento pa ng aktres.

Nauna rito, nagpahayag din ng pagkadismaya si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Kalookan Bishop Pablo Cardinal Virgilio David sa kumalat na AI-generated photo ni Trump.

Mismong ang pangulo ng Amerika pa ang nag-post nito sa kanyang Instagram account ilang araw matapos dumalo sa misa ng libing ni Pope Francis.

“The following AI-generated photo was posted by the US president himself, a few days after he attended the funeral of Pope Francis and while the Catholic world is still mourning.

“With all due respect to his office and to the American people, we’d like him to know it’s not funny,” ani Bishop David.

The post Rita Avila binoldyak si Trump: Ininsulto niya ang pagkasagrado ng Papa! appeared first on Bandera.

Marikina Rep. Maan Teodoro inireklamo ng vote-buying sa Comelec

$
0
0
Marikina Rep. Maan Teodoro inireklamo ng vote-buying sa Comelec

ILANG araw bago ang eleksyon, inireklamo ng vote-buying si Marikina City Representative Maan Teodoro.

Ang reklamo ni John David Ramos ay inihain ni Atty. Christian Real.

Base sa reklamo, ang pamamahagi ng pera ay itinago sa anyo ng tulong mula sa gobyerno, na nangyari sa mga barangay ng Sto. Niño Heights, Concepcion Uno at Jesus dela Peña.

Sa sinumpaang-salaysay ng walong residente ng lungsod, tig-P2,000 ang ipinamahaging cash assistance ng kampo ni Teodoro.

Ginamit sa pamamahagi ng ayuda ang official forms ng Department of Social Welfare and Development bagamat walang kawani ng kagawaran ang nasa distribusyon.

Isinumite sa Comelec ang video at mga retrato bilang ebidensiya ng diumano’y vote buying.

Sa mga pamamahagi, hinikayat diumano ng mambabatas na iboto sila ng kanyang mister, si Mayor Marcelino Teodoro, na kandidato sa pagka-kongresista ng unang distrito ng lungsod.

Wala pang pahayag ang kampo ni Teodoro hinggil sa alegasyon sa kanya.

The post Marikina Rep. Maan Teodoro inireklamo ng vote-buying sa Comelec appeared first on Bandera.

Viewing all 44325 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>