Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44325 articles
Browse latest View live

Claudine Barretto excited sa pagganap bilang Inday Sara

$
0
0

Claudine Barretto excited sa pagganap bilang Inday Sara

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang naging palitan ng mensahe ng beteranang aktres na si Claudine Barretto at kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap.

Sa kanyang Facebook page sy ibinahagi ng direktor ang screenshot ng kanilang usapan ng tinaguriang Optimum Star.

Dito ay mababasang tinanong ni Direk Darryl kung ready na ba si Claudine na maging si Inday Sara.

Tila ang tinutukoy na Inday Sara sa usapan ay ang kasalukuyang bise presidente ng Pilipinas na si Sara Duterte.

Baka Bet Mo: Claudine Barretto may matapang na banta…para sa nambasag kay Julia?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“OMG!!!! I’m crying thank you Direk,” sagot ni Claudine.

Sey naman ni Darryl, “love and miss u!”

Mukha namang excited si Claudine sa paparating na trabaho kasama ang direktor.

“Luv u Direk can’t wait to work with you,” saad ng aktres.

Ang screenshot ng kanilang pag-uusap ay posted rin sa Facebook page ng VinCentiments.

Sa comment section ay makikitang marami sa mga fans ni VP Sara at Claudine ang excited sa next project ng direktor.

The post Claudine Barretto excited sa pagganap bilang Inday Sara appeared first on Bandera.


Camille Villar kasama pa rin sa Alyansa slate – Toby Tiangco

$
0
0

Camille Villar kasama pa rin sa Alyansa slate - Toby Tiangco

NANANATILING kasama sa mga kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas si House Deputy Speaker Camille Villar.

Ito ang nilinaw ni Alyansa spokesman at campaign manager, Navotas Rep. Toby Tiangco kahit ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr., ang pag-iimbestiga sa mga reklamo laban sa Prime Water, na pag-aari ng pamilya ni Villar.

“We respect her track record in public service and trust that she, like all our candidates, supports efforts that promote transparency, accountability, and the public good,” ani Tiangco.

Baka Bet Mo: Camille Villar pinuri ang mga birtud ng ‘Masonry’ sa Grand Lodge Gathering

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Diin niya napakahalaga ng malinis na tubig sa mamamayan kayat nararapat lamang din na busisiin ang mga isyu at reklamo na bumabalot sa serbisyo.

“Public concerns over water service—whether involving a local utility or a private provider like PrimeWater—deserve to be addressed through proper and transparent channels,” sabi pa nito.

Sinabi lang din ni Tiangco na ang anumang pag-iimbestiga ay base sa mga lehitimo at totoong impormasyon.

The post Camille Villar kasama pa rin sa Alyansa slate – Toby Tiangco appeared first on Bandera.

BINI Sheena ‘di lang P-pop artist, babandera na rin sa aktingan sa ‘MMK’

$
0
0

BINI Sheena 'di lang P-pop artist, babandera na rin sa aktingan sa 'MMK'

PINATUNAYAN ni BINI Sheena Catacutan na hindi lang pang-Ppop ang kanyang talent dahil babandera na rin siya sa aktingan sa kanyang sariling life story sa ikalawang episode ng comeback ng “Maalaala Mo Kaya”.

Sa kanyang naging panayam sa ABS-CBN News, inakala niya noong una na pina-prank lamang siya ng management noong sinabihan siya na ieere ang istorya ng kanyang buhay sa “MMK”.

“Akala ko nung una joke. Kasi nga hindi pa bumabalik ang ‘MMK,’ so akala ko jino-joke lang ako,” saad ni Sheena.

Pagpapatuloy niya, “Sinabihan ako na babalik na nga ang ‘MMK’ at isa sa mga few episodes na ipapalabas ang buhay ko.”

Baka Bet Mo: BINI Sheena trending, nag-mukhang Laida Magtalas version 2.0?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At nang mapatunayan nga na hindi prank at totoong maipalabas ang kanyang istorya ay nakaramdam si Sheena ng excitement.

Ngunit nang sabihin sa kanya na siya mismo ang magpo-portray sa sarili ay nakaramdaman naman siya ng anxiety.

“Kasi nga po zero experience [ako] sa acting. Pinaka-acting experience ko na ‘yung sa mga brand shoots, pero sobrang babaw lang doon. Happy, sad. Doon ako kinabahan noong sinabihan ako ni Direk na ako na. Makaka-angal ba ko?” chika pa ni Sheena.

Agad nga siyang sumalang sa acting workshop kasama ang acting coach at beteranang aktres na si Malou de Guzman na na-enjoy naman niya.

Ngunit nang sumalang na sa unang araw ng taping ay kinabahan na si Sheena ngunit malaking tulong sa kanyang acting debut ang mga artistang nakasama niya lalo na ang gumanap bilang kanyang ina na si Angelica Panganiban.

“Una naming pagkikita, naiyak na agad ako kasi super kamukha niya si mommy, kahulma, ka-height, sobra po.

“Nung nagsuot pa siya ng mga pormahan ni Mommy, sabi ko, oh my gosh kaya ko ba ito? Kasi yung scenes namin happy pa eh, pero naiiyak na ‘ko,” lahad pa ni Sheena.

Ngunit matagumpay naman itong nagawa ng dalaga at ngayon sy super happy ito na maikukuwento na niya sa madlang pipol ang kanyang pinagdaanan bago ang pamamayagpag ng kanilang grupo.

Amin pa ni Sheena, pangarap niya pati ng iba pang mga BINI members na maipalabas ang kanilang life stories sa “Maalaala Mo Kaya”.

“Pangarap ko ‘to. Pangarap ito ng BINI, gusto nga namin buong two months, kaming BINI lang, every Saturday! Super excited,” sey pa ng dalaga.

Mapapanood ang life story ni BINI Sheena ngayong Sabado, May 2, 8:30PM sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, at A2Z.

The post BINI Sheena ‘di lang P-pop artist, babandera na rin sa aktingan sa ‘MMK’ appeared first on Bandera.

Camille Villar nangakong palalakasin ang industriya ng Abaca sa Catanduanes

$
0
0

Camille Villar nangakong palalakasin ang industriya ng Abaca sa Catanduanes

SA gitna ng kanyang kampanya sa Bicol Region, ipinahayag ni senatorial candidate Camille Villar ang kanyang matibay na suporta sa industriya ng abaca ng Catanduanes, ang tinaguriang abaca capital ng Pilipinas at pangunahing tagagawa ng abaca sa buong mundo.

“Congratulations po sa pagiging world’s top producer of abaca,” sey ni Villar sa mga taga-Catanduanes.

“Dahil dito, buhay na buhay ang inyong ekonomiya at kabuhayan. Proud po kami sa inyong industriya dahil ang abaca ay kilala bilang world’s strongest fiber,” dagdag niya.

Binanggit ni Villar ang kahalagahan ng abaca hindi lamang sa lokal na ekonomiya kundi maging sa pandaigdigang merkado, kung saan ginagamit ito ng mga kilalang Filipino designers para sa kanilang mga proyekto.

Baka Bet Mo: Camille Villar pinuri ang mga birtud ng ‘Masonry’ sa Grand Lodge Gathering

Kabilang sa kanyang mga plano ang pagpapalakas pa ng agrikultura at lokal na kalakalan upang lumikha ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino.

Ayon sa ulat ng Department of Agriculture, may 36,853 ektarya ng abaca production areas sa Catanduanes, na pinangangasiwaan ng tinatayang 15,000 abacaleros.

Binigyang-diin ni Villar ang pangangailangan na mapanatiling mataas ang kalidad ng produksyon ng abaca at matiyak na ang mga magsasaka ay nakikinabang sa patas na presyo sa merkado.

“Tuloy-tuloy nating palalakasin ang sektor ng agrikultura, at sisiguruhin nating may sapat na suporta ang mga abaca farmers,” wika ni Villar.

Idinagdag pa niya na kailangang palawakin ang tulong hindi lamang sa Catanduanes kundi sa buong Bicol Region.

Camille Villar nangakong palalakasin ang industriya ng Abaca sa Catanduanes

“I share the same vision with all of you,” sabi pa niya.

Aniya pa, “Itutuloy-tuloy natin ang suporta sa inyong probinsya at sa buong rehiyon para manatili tayong nangunguna sa industriya ng abaca.”

Ang pagbisita ni Villar ay bahagi ng kanyang adbokasiya para sa mga lokal na industriya, agrikultura, at pagpapalakas ng kabuhayan sa mga lalawigan bilang pundasyon ng pambansang kaunlaran.

The post Camille Villar nangakong palalakasin ang industriya ng Abaca sa Catanduanes appeared first on Bandera.

Chavit Singson ibinandera pagbubukas ng unang e-Jeepney factory sa Pinas

$
0
0
Chavit Singson ibinandera pagbubukas ng unang e-Jeepney factory sa Pinas

Chavit Singson pinangunahan ang pagbubukas ng kauna-unahang e-Jeepney factory sa Pilipinas

ISANG matagal nang pangarap ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang natupad nang pinasinayaan nitong Lunes ang kauna-unahang e-Jeepney assembly plant ng bansa sa Lima, Batangas.

Ito ay magbubukas ng bagong yugto sa sustainable at eco-friendly na transportasyon sa Pilipinas.

Sa loob ng malawak na planta, ipinahayag ni Singson ang kanyang adhikain – ang bigyan ng pagkakataon ang mga tsuper sa modernong panahon.

“Eksaktong kinopya namin ang iconic na disenyo ng jeepney dahil ito ang hiling ng mga tsuper at transport groups. Kinakailangan din ito ng gobyerno.

“Ngunit ngayon, ginagawa natin itong sustainable,” ang pahayag ni Singson matagal nang tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga transport workers.

Ang bawat unit ay nagkakahalaga ng P1.2 million kumpara sa P2.5-P3 milyong presyo sa merkado, na kayang bawiin ng mga tsuper sa loob ng 2 hanggang 3 taon.

Ayon kay Singson, may buong suporta sa lokal na maintenance ang pasilidad na magpo-produce ng 500 unit bawat buwan.

“Kapag may nasira, maaayos natin dito,” saad ni Singson. “Target naming gumawa ng 500 unit bawat buwan, at dadami pa ito kung tataas ang demand.”

Lahat ay asembolado sa planta ng mga Pilipinong manggagawa. Dalawang oras lang at apat na trabahador para sa bawat unit, paliwanag niya.

Ang planta na magbibigay ng trabaho sa humigit-kumulang 80 na manggagawa at palalawakin pa sa Visayas at Mindanao.

Hindi ito politika, ang sabi Singson, “Ayokong mabahiran ng kulay kaya ako nag-withdraw. Gusto ko ng solusyon.”

Si Rep. Richelle Singson ng Ako Ilokano Ako Party-list ay nauna nang nangakong ipagpapatuloy ang adhikain ng ama, “Tinutuloy namin ang laban ni Daddy.”

Pinangako niya na pangungunahan ng Ako Ilokano Ako party-list ang pagtulong sa mga tsuper at operator sa harap ng hamon ng PUV modernization program.

Gayunpaman, ang maliit na hadlang, ani ni Chavit, ay ang pag-apruba ng ruta ng e-jeepney.

Dagdag ng dating gobernador, hinihintay nila ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na iproseso ang mga aplikasyon ng prangkisa para sa mga serbisyo sa transportasyon ng e-jeepney.

Habang naghihintay ng mga lokal na permit, sinabi niya na lumalaki ang internasyonal na interes. Ang Paraguay ay nag-order na ng 60 unit sa P2.5 milyon bawat isa — isang deal na inamin niyang makakatulong na mabawi ang kanyang gastos.

Samantala, matibay ang suporta ng mga transport group sa proyektong ito. Ipinagpasalamat ni Orlando Marquez, presidente ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, ang planta.

“Si Manong Chavit, siya ang nakaisip na yumakap sa amin sa transportation, at lalo na sa LTFRB. Kami ay natutuwa dahil sa wakas naitayo na ang kauna unahang assembly plant ng ejeepney sa pilipinas.”

Ayon kay Zaldy Pingay ng Stop and Go Transport Coalition, “Nagpapasalamat kami kay Gov. Chavit dahil magbibigay ng napakamura, zero downpayment at interest.“

“Pilipino kukunin nilang workers. yung magtatarabaho dito sa planta at service center. Maraming tarbaho ang ibibigay. Malaking tulong sa ating ekonomiya. Hindi namawawla na ang mukha ng jeepney,” dagdag niya.

Ang planta ay bunga ng partnership ng LCS Group at E-MON Co. ng Korea, na nagdisenyo ng 27-seater na e-jeepney na pinagsama ang modernong teknolohiya at klasikong disenyong Pilipino.

Nakatakda na rin ang pagpapalawak sa Visayas at Mindanao, na magdudulot ng malawakang epekto sa ekonomiya ng bansa.

The post Chavit Singson ibinandera pagbubukas ng unang e-Jeepney factory sa Pinas appeared first on Bandera.

Pinay artist super proud na naging member ng Quadlips: True sisterhood

$
0
0
Pinay artist super proud na naging member ng Quadlips: True sisterhood

Quadlips at MNL48

UMAASA ang mga fans ng international girl group na Quadlips na very soon ay magkaroon na sila ng bonggang collaboration sa mga sikat na Pinoy artists.

Una nang nakipag-collab ang naturang grupo kung saan isa nga sa kanilang mga miyembro ay isang proud Filipina, sa naganap na fan meet ng nagbabalik na P-pop group na MNL48.

Sila ang naging special guest ng naturang all-female group sa “MNL48 REBOOT and Rise” show na ginanap sa SM North EDSA Annex, Quezon City, kung saan daan-daang fans ang dumalo at nakasaksi sa kanilang bonggang performance.

Ang Quadlips ay binubuo nina Hina mula sa Japan, Feni from Indonesia, Fame from Thailand, at si Cole na mula sa Pilipinas.

Sa naganap na mediacon recently para sa fan meet ng MNL48, present din ang Quadlips kung saan nagpahayag nga ng pasasalamat si Cole sa lahat ng kanilang supporters all over the world.

Tinawag pa nga niyang “true sisterhood” ang samahan nila sa grupo, “I’m very grateful to be a member of Quadlips. It has been challenging since Filipinos are family-oriented.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Quadlips (@quad_lips)


“I’m quite close with my family. The shift was challenging at first, but fortunately, I had supportive sisters (mga kasamahan sa grupo). They have been supportive, as has the management. I’m grateful that they gave me opportunity to return home whenever possible,” ang pahayag ni Cole sa panayam ng ABS-CBN.

Marami raw siyang adjustments mula nang mapasama sa grupo, “We’re based in Thailand. In Thailand, may gestures sila.

“We have to learn the languages and each other’s cultures and languages para hindi ma-disrespect ‘yung isa’t isa.

“Bukod du’n, ‘yung time. Iba ‘yung time sa Thailand na nakasanayan ko sa Philippines. ‘Yung trainings as well, mas mabigat, mas strict. I got to grow more and learn more,” dagdag ni Cole

Bukod sa pag-join sa fan meet ng MNL48, magkakasama uli sila sa iba’t ibang music festivals at umaasa rin sila na magsisilbi itong sign para magsanib-pwersa rin ang kanilang fans inside and outside of Asia.

Parehong wish ng Quadlips at MNL48 na make-collab ang Nation’s Girl Group na BINI na inilarawan nilang “super galing.” Kinanta pa ng dalawang grupo ang hit song ng BINI na “Salamin, Salamin” sa harap ng media during their presscon.

Ang Quadlips, na unang international talent mula sa AKB48 management, ay unang ipinakilala sa publiko noong October 29, 2023 sa Cherprang BNK48’s Graduation Concert “DEPART’CHER”.

They debuted on March 4, 2024 with the English digital single “Catch Me Kiss Me” which was released on various streaming sites.

Sinundan ito ng release ng kanilang music video noong March 11, 2025.

The post Pinay artist super proud na naging member ng Quadlips: True sisterhood appeared first on Bandera.

Sagip Pelikula tigil operasyon na matapos ang 14 years

$
0
0

Sagip Pelikula tigil operasyon na matapos ang 14 years

SA kanyang Facebook account ay pinost ni Ginoong Leo Katigbak pagkalipas ng 14 years ay tuluyan nang itinigil ang operasyon ng ABS-CBN Film Restoration mula pa noong Marso 31.

Aniya, “ABS-CBN Film Restoration ended its 14-year run last March 31, 2025 with April mostly turnover and sampling the last works we completed as the final day loomed. Sadly it is still a casualty of the efforts to close down the company in 2020 by a man who wrought havoc and killed dreams as well. For the last few months, we barreled through as much as we can with what meager resources were available to us and until our very last day, we gave it our all.”

Umabot sa mahigit 240 pelikula ang na-scan, naa-restore at remastered para sa advocacy na SAGIP PELIKULA.

Pagpapagtuloy pa, “ABS-CBN Film Restoration had an amazing journey, some 240+ movies scanned, enhanced, restored and remastered, reintroduced to new audiences from as early as 1939. While that facet of the business is gone, many aspects of what we used to do will be handled by other ABS departments, including the SAGIP PELIKULA advocacy, jointly by Star Cinema and Cinemo beginning May 2025.

Baka Bet Mo: ‘Sagip Pelikula’ ng ABS-CBN pinarangalan ng 2019 Int’l Gold Quill Award sa Canada

The team would like to thank then Chairman Gabby Lopez and President Charo Santos who had the vision to future proof the filmed assets of the company and allowed the initiative that became SAGIP PELIKULA to flourish and save many movies beyond it’s initial scope; Carlo Katigbak who afforded us another 5 years, delaying the department’s closure in 2020 with a scaled-down group, during which time SAGIP accomplished many more noteworthy restorations; and Cory Vidanes, my first friend in ABS, who through our remaining weeks anchored us through a most difficult period.”

Pinasalamatan din ni ginoong Leo si FMG, “special thanks to Freddie Garcia or FMG who saw the diamond in the rough when I was starting and polished me with challenges that help define me to this day.”

At ang ibang mga kasamahan sa movie industry.

“Our heartfelt thanks too to colleagues who gave more than we had the right to ask in support of our common passion: Manet and her Team at Central Digital Lab, Gale and Kantana, Davide and Ritrovata, Sunny and Sherbet Ilacad, Mike Idioma and Wildsound, Malou Santos and Star Cinema, Justin Besana and his outstanding posters, Raquel who was always present and all the personalities/celebrities who came to promote their movies decades since they first came out or advocated for SAGIP Pelikula through the various campaigns or just attending our events and lending their cache to spread the word.

“Then there are our partners who unselfishly promoted our advocacy through the years: various departments within ABS, Star Cinema, Cinema One, FDCP, CCP, KTX, the Universities and schools that welcomed us, Ayala and Rockwell that ran our festivals.

“Special mention to Piolo Pascual who was with us since Day 1 promoting the initiative, and National Artist for Film Ricky Lee who lent his voice and shared our passion, providing the soul that sent our spirits soaring.

“Many have been part of the Archives from Jo, Ferdie and Mel who started the journey with me under the guidance of Charo…Mary, Froi, Jr, Carmela, Ian, Lota, Adri, Lorenz, Kim, Andeng, George, Patrick, Kane, Jesselee, Mona, Marivic, Mark, Grace, Glaiza, Garnet, Mia, Jackie, Sam and Apple across our decades plus run…to Julie, Mik, Marco and Jane who fought the good fight to the very end. I could not have asked for a better team as we headed to the finish line. We are colleagues, friends and family through thick and thin, for better and many worst moments. If this were SURVIVOR, we were the final 5 in Tribal Council and the jury has spoken…time to snuff the torch…but our passion will live on.

“It’s also rather poetic and fitting that we began our adventure with the release of HIMALA and took our final bow with the premiere of TATLONG INA, ISANG ANAK, book-ended by films starring National Artist for Film Nora Aunor.

“Preserving the past to inspire the future is a never-ending quest and we hope we were able to encourage many including a new generation to take up the challenge.

“Sa mga tumangkilik, naniwala, nanaginip…maraming salamat po.

Ako si Leo Katigbak…nakiki-Sagip Pelikula.

The post Sagip Pelikula tigil operasyon na matapos ang 14 years appeared first on Bandera.

Padre de pamilya durog ang puso sa pagpanaw ng asawa’t anak sa SCTEX tragedy

$
0
0

Padre de pamilya durog ang puso sa pagpanaw ng asawa't anak sa SCTEX tragedy

LABIS ang paghihinagpis ng isang padre de pamilya sa pagpanaw ng kaniyang asawa’t bunsong anak sa naganap na karambola ng limang sasakyan sa SCTEX.

Sa panayam ni Elmer Añonuevo sa Balitanghali, hindi nito napigilan ang maging emosyonal at mapaiyak habang inaalala ang mag-inang niyang nasawi sa insidente.

“Wala na. Yung pinakamamahal kong anak, yung bunso ko, sila ng asawa ko. Nito ngang pag-alis nila, sabi nya, ‘Papa, tatawag ka sakin ha. Pag hindi, ako tatawag sayo.'”

Baka Bet Mo: 10 patay, 28 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa SCTEX

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kuwento ni Elmer, dadalo sana ang kanyang mag-ina sa children’s camp sa Pangasinan na in-organize ng kanilang simbahan ngunit sa kasamaang palad ay napabilang sila sa mga nasawi sa SCTEX tragedy.

“Nito ngang pag-alis nila. Sabi niya, ‘Papa, tatawag ka sa akin ha. ‘Pag hindi, ako tatawag sa iyo,'” pag-alala niya sa huling sinabi sa kaniyang bunso bago ito bumiyahe kasama ang ina patungong Pangasinan.

Dagdag pa ni Elmer, “Ayon ang na-miss ko sa kanya. Sasabihin, ‘Love na love kita, Papa. Kahit ano’ng mangyare, hindi kita iiwan. Hanggang sa magtanda ka, alagaan kita.'”

Hindi na nga niya napigilan ang emosyon at napaiyak na sa sakit na nararamdaman sa pagkawala ng mga minamahal sa buhay.

“Ngayon, hindi ko na alam paano gagawin ko… Nauna pa siya sa akin,” sabi pa ni Elmer.

Matatandaang nitong Huwebes, May 1, isang trahedya ang nangyari sa SCTEX matapos masalpok ng isang passenger bus ang isang van, dalawang SUV, at isang 18-wheeler truck na kumitil ng 10 katao at 35 katao na sugatan.

The post Padre de pamilya durog ang puso sa pagpanaw ng asawa’t anak sa SCTEX tragedy appeared first on Bandera.


Dingdong inalala pag-uusap nila ni Ricky Davao tungkol sa 3-in-1, black coffee

$
0
0

Dingdong inalala pag-uusap nila ni Ricky Davao tungkol sa 3-in-1, black coffee

RAMDAM na ramdam ngayon ang patuloy na pagluluksa ng entertainment industry dahil sa pagpanaw ng award-winning veteran actor na si Ricky Davao.

Sumakabilang-buhay si Ricky nitong nagdaang Huwebes, May 1, sa kanilang tahanan sa Quezon City matapos makipaglaban sa cancer.

Bumuhos ang mga pa-tribute para sa aktor sa social media mula sa kanyang mga kaibigan at katrabaho sa mundo ng showbiz.

Isa na riyan ang pagbibigay-pugay sa kanya ng Kapuso Primetime King at AKTOR board of director na si Dingdong Dantes. Narito ang mahaba at madamdaming mensahe ng award-winning actor at TV host para sa namayapang kaibigan.

Baka Bet Mo: GF ni Ricky Davao ‘best decision’ ang pananatili sa tabi ng aktor

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“There are people you meet in this industry whom you admire from afar long before you get the chance to shake their hand.

“For me, Ricky Davao was one of them.

“I would spot him at parties, events, and industry gatherings—and almost without fail, he’d find his way to the stage. Not to grab attention, but to give joy.

“One song in, and the entire room would shift. All eyes on him. All ears tuned in. And just like that, he owned the moment.

“I was still a young actor then, still piecing together how this world worked, when I realized: This man wasn’t just performing. He was lighting up the room. He was the room. His background in theater showed.

“He had presence—commanding, joyful, magnetic. And always, that signature smile. The one that made his eyes disappear.

“That smile is burned into memory because it wasn’t just a facial expression — it was his spirit in full bloom.

“From those small stages of casual gatherings to the big screens of film and television, Tito Ricky brought something rare: a blend of brilliance, warmth, and generosity. And I remember thinking, one day, I hope I get to work closely with him.

“That day came in November 2021, during the height of the pandemic. We were cast together in the television series Alternate, where we had to lock in for two to three weeks of shooting. Even before that, there was an eight-day hotel quarantine.

“He played my father, which meant we shared scenes, conversations, and quiet in-between moments that allowed us to connect beyond the script.

“There’s something sacred about lock-in shoots. You strip away distractions. You focus, not just on your role, but on the people around you. You collaborate, co-create, and in the downtime—you share life.

“That’s where I got to know Tito Ricky not just as an actor or director, but as a man. We’d talk about everything — our processes, family, even Loujude’s adobo recipes.

“He shared stories. Listened intently. And gave insight not just about the craft, but about living with purpose.

“On screen, he was incredibly precise. His director’s eye never left him. He hit marks perfectly, took notes gracefully, and always gave his scene partners something real to work with. His performances were consistent, deep, and alive.

“I remember watching him and thinking, This is it. This is how you do it.

“Tito Ricky was a living barometer of professionalism: focused, evolving, empathetic, vulnerable — always present.

“There’s one morning I won’t forget. We were having coffee, and he was talking about intermittent fasting. He couldn’t understand why it wasn’t working.

“I asked him, ‘Tito Ricky, wag ka na mag-3-in-1. Try black coffee. Mas masarap. And you’ll stay in a fasted state.’ He took the advice, laughed, and updated me every morning after that.

“It was a simple exchange — but it showed me who he was. Curious. Open. Sincere. Fatherly in the truest sense.

“On pictorial day, I brought my own camera. I took a candid photo of him and Jackie Lou Blanco, who also played my mother in the show. What are the odds, right?

“They were game. Smiling. Effortlessly cool. I captured that moment.

“And that photo, to this day, is the clearest image I have of him: relaxed, joyful, smiling that signature smile, eyes shrinking into the laughter lines that carried decades of love, work, and music.

“And now, as the curtain gently falls on Ricky Davao’s time with us, I imagine him once more on that stage — just like in the countless parties, social gatherings, and karaoke nights I saw him in — where he would light up the room with a song, a smile, and a presence no one could ignore.

“Only this time, the stage is far greater, the audience far vaster, and the light he leaves behind shines brighter than ever.

“Tito/Direk Ricky didn’t just perform; he gave.

“Whether as a singer, actor, director, or simply as himself in quiet conversations over coffee or walks around a set, he gave his truth, his laughter, his guidance.

“And that smile — that Chinito smile that would vanish into crescents of pure joy — remains imprinted in the hearts of everyone who knew him, worked with him, learned from him, and loved him.

“He exits the stage now, not with finality, but with grace. Leaving behind echoes of music, traces of masterful performances, the warmth of his fatherly ways, and the kind of good vibes that linger long after the last song has been sung.

“Maraming salamat, Tito Ricky. You made our industry, our work, and our lives richer. This curtain call is not goodbye. It’s simply our standing ovation.”

The post Dingdong inalala pag-uusap nila ni Ricky Davao tungkol sa 3-in-1, black coffee appeared first on Bandera.

Ice nadalaw pa si Ricky bago pumanaw: Kahit ‘di makasalita, madaldal ka pa rin

$
0
0

Ice nadalaw pa si Ricky bago pumanaw: Kahit 'di makasalita, madaldal ka pa rin

TULAD ng karamihan sa mga artistang nakatrabaho ng namayapang premyadong aktor na si Ricky Davao, wasak din ang puso ngayon ng OPM icon na si Ice Seguerra.

Ipinagluluksa rin ni Ice pati na ng kanyang asawang si Liza Diño ang pagkamatay ng veteran actor-director dahil sa kumplikasyon ng kanyang cancer.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Ice ang pagiging supportive ni Ricky sa mga adbokasiya at proyekto nila ni Liza.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra umapela sa NAIA, asawa nawalan ng gamit sa maleta

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“You’ve always been there for me and Liza. Sa kahit anong event, performance-never ka nawala.

“Siguro, kung meron akong katapat sa pagiging excited kumanta tuwing nakakakita ng mic, ikaw yun. Napakasarap mong kakwentuhan, ka-jamming, at kaibigan,” simulang mensahe ni Ice para kay Ricky.

Pagpapatuloy pa niya, “Masaya ako na nadalaw pa kita sa hospital. Kahit hindi ka na noon makasalita, madaldal ka pa rin.

“Hindi ko malilimutan yung saya mo noon nung sinabi nu’ng doctor mo na pwede ka na kumain ng chocolate.

“At yung ngiti mo nu’ng sinabi ko sa iyo na buti nag shave ka na ng buhok dahil mas pogi ka at mukha kang mas bata,” saad pa ng singer-songwriter.

Ang buong akala raw ni Ice ay bubuti pa ang kundisyon ni Ricky mula sa pakikipaglaban sa cancer, “I really thought you were going to get better.

“Na magkakaroon ulit ng time na makaka hang out ka ulit namin or makikita kong nanonood ka ng concert ko. Someday, magdu-duet tayo ulit.

“I will miss you, Tito Ricky. You’re finally home,” ang buong message ni Ice para sa namayapang kaibigan.

The post Ice nadalaw pa si Ricky bago pumanaw: Kahit ‘di makasalita, madaldal ka pa rin appeared first on Bandera.

GF ni Ricky Davao ‘best decision’ ang pananatili sa tabi ng aktor

$
0
0

GF ni Ricky Davao 'best decision' ang pananatili sa tabi ng aktor

NAGLULUKSA rin ang nobya ni Ricky Davao na si Mayeth Malca sa pagpanaw ng beteranong aktor at direktor.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya ang larawan ng aktor na may hawak hawak na boxed flowers kalakip ang kanyang mensahe para sa minamahal.

Saad ng kasintahan ni Ricky, “To My Dearest Bubba, You were the bravest and strongest person I have ever known. From the very beginning up to your last breath, I saw how fiercely you fought.

The best decision I have ever made in my life was to be with you and never leave your side all throughout.”

Baka Bet Mo: Ricky Davao pumanaw na sa edad 63

Aniya, naaalala pa rin niya kung paano siya tanungin ni Ricky kung napapagod na siya sa pag-aalaga rito.

“And I always had just one answer for you, Bubba: ‘I will never get tired of taking care of you—because we are in this journey together.’ You would smile and say, ‘Thank you. I love you, baby.’ Those words alone gave me all the strength I needed to keep going,” pagpapatuloy pa niya.

Bagamat hindi siya naniniwala sa ideya ng unconditional love ay nagbago ang lahat nang ‘yun dahil kay Ricky.

“Bubba, mahal na mahal kita sobra. Thank you—for your love, for your courage, for your trust, and for letting me walk with you through your most difficult days.

“I have to admit now… I lied when I told you I’d be okay. I lied when I said I’d be strong. Because the truth is, life doesn’t feel right without you,” sey pa ng dyowa ni Ricky.

Aminado siya na may emptiness sa pagkawala ng aktor na walang ibang makakapalit.

“But I carry you with me, always. In my heart, in my memories, in every quiet moment. [emojis] I love you forever, my man, my Bubba Ricky,” mensahe niya sa namayapang aktor.

Matatandaang kinumpirma ng anak ng aktor at direktor na si Ara Davao na tuluyan nang pumanaw ang ama matapos ang pakikipaglaban nkto sa sakit na cancer.

Sa kanyang Facebook po ay ibinahagi niyang payapang namatay si Ricky sa piling nilang mga anak at iba pang mga mahal sa buhay.

The post GF ni Ricky Davao ‘best decision’ ang pananatili sa tabi ng aktor appeared first on Bandera.

Rep. Paolo Duterte inireklamo ng tangkang pagpatay ng isang ‘bugaw’

$
0
0

Rep. Paolo Duterte inireklamo ng tangkang pagpatay ng isang 'bugaw'

INIREKLAMO ng human trafficking at attempted murder si Davao 1st District Representative Paolo Duterte, anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa sinumpaang-salaysay ng isang Kristone John Moreno sa PNP – Criminal Investigation and Detection Group, sinabi nito na pinagtangkaan siyang saksakin ni Duterte alas-3 ng madaling araw noong nakaraang Pebrero 23 sa Hearsay Gastropub sa Barangay Obrero, Davao City.

Kabilang sa mga isinumiteng ebidensiya ay ang kuha ng CCTV camera sa insidente.

Baka Bet Mo: ACT-CIS, Duterte Youth, PPP, 4PS namgunguna sa 2025 survey ng Arkipelago Analytics

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon kay Moreno nag-ugat ang lahat dahil kulang ang ibinayad sa babae na hiniling ni Duterte.

Inamin ni Patria na ilang ulit na siyang nagdala ng mga babae sa mga pribadong pagtitipon kung saan naroon ang mambabatas at ang isang negosyanteng kaibigan nito.

Nagalit si Duterte nang malaman na hindi nabigyan ng babae ang isa sa kanyang mga bodyguard at sinundan pa ito ng pagrereklamo ng isa sa mga babae na P1,000 lamang ang ibinayad sa kanya sa halip na P13,000.

Tumagal ang diumanoy pananakit kay Moreno ng dalawang oras at tumigil lamang ang pananakit nang umalis si Duterte kasama ang isang babae na bitbit ng biktima.

Inamin ni Moreno na labis siyang natakot para sa kanyang buhay kayat inabot ng higit dalawang buwan bago siya lumantad at pormal na maghain ng reklamo.

The post Rep. Paolo Duterte inireklamo ng tangkang pagpatay ng isang ‘bugaw’ appeared first on Bandera.

Ogie Diaz sa mga boboto sa artista: Check kung may nagawa sa bayan

$
0
0

Ogie Diaz sa mga boboto sa artista: Check kung may nagawa sa bayan

NAGBIGAY ng advice ang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz sa madlang pipol tungkol sa pagboto ng artistang kumakandidato

Sa kanyang Instagram stories ay pinaalalahanan niya ang madla lalo na’t ilang araw na lang ay gaganapin na ang midterm elections.

“Kung boboto kayo ng artista, check [ninyo] mabuti kung [may] mga nagawang mabuti sa bayan o may mga naipasang batas na pinakikinabangan ng bayan, lalo na yung mga tumatakbong senador,” saad ni Ogie.

Bukod pa rito, sinagot rin ng talent manager ang mga nagtataka kung bakit may mga artistang kumakandidato na hindi man lang sinusuportahan ng kapwa artista para ikampanya sa publiko.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz kay Aiko: Wag na wag kang papalamon sa sistema ng pagkabuwaya

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ako na po ang sasagot: Pangit ang ugali no’n, salbahe, o kaya ay alam ng buong industriya na hindi makakatulong sa bayan,” sey ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Kaya [kaysa] ikampanya sila para ‘wag iboto, quiet na lang ang mga taga-industriya.”

Isa si Ogie sa mga aktibo sa social media at nagbibigay ng kanyang platform sa mga kumakandidato sa pamamagitan ng kanyang vlog upang mas maiparating ng mga candidates sa madla ang kanilang mga plano at ang mga patuloy na gagawin sa oras na maluklok sa pwesto.

Sa kabila nito ay sinasala naman niya ang kanyang mga guests at mga kinakampanya at ang binibigyan lamang niya ng chance ay ang sa tingin niya’y may magandang hangarin para sa bayan.

The post Ogie Diaz sa mga boboto sa artista: Check kung may nagawa sa bayan appeared first on Bandera.

Rosanna Roces, Jason Abalos nagbigay pugay kay Ricky Davao

$
0
0

Rosanna Roces, Jason Abalos nagbigay pugay kay Ricky Davao

“PAALAM sa aking Ang Lalake sa Buhay ni Selya, co-star Ricky Davao. Mapayapang Paglalakbay Kapatid,” ito ang post ni Rosanna Roces sa kanyang Facebook account kahapon.

Tandang-tanda naming noong sinu-shoot ang “Ang Lalake sa Buhay ni Selya”, 1997 ay swak agad ang samahan nina Osang at Ricky kasama rin si Allan Paule samantalang si Gardo Versoza ay nauna na niyang nakasama ng aktres sa “Machete”, 1994.

Bagama’t marami ng pelikulang nagawa noon ni Rosanna ay very humble niyang kinukuwento noon na ang dami niyang natutunan sa co-actors niya sa Ang Lalaki sa Buhay ni Selya.

Kaya’t hinding-hindi nalilimutan ni Osang ang mga nakatrabaho niya sa pelikula at serye na malaki ang naging bahagi sa buhay niya.

Baka Bet Mo: GF ni Ricky Davao ‘best decision’ ang pananatili sa tabi ng aktor

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

* * *

Isa rin sa nagbalik-tanaw ay ang actor na si Jason Abalos na tatlong beses niyang naka-trabaho ang namayamang actor na si Ricky Davao.

Nag-post si Jason ng larawang magkakasama sila nina Ricky at National Artist at Superstar na si Ms Nora Aunor na sumakabilang buhay na rin kamakailan at inalala ng una ang mga naging samahan nila noon ng namayapang actor.

Aniya, “Si Direk Ricky ang tatay ko sa kauna-unahang teleserye nagawa ko (Vietnam Rose), siya rin ang Taytay ko sa kaunaunahang indie film na nagawa ko at nanalo ako ng Urian Best Actor (Endo) siya din ang una’t huli na artista ang nakahalikan ko sa pelikula (Separados), nasundan pa ito ng maging magtatay ulet kami sa pelikulang “Kabisera.”

Ikunuwento rin ni Jason na sobrang generouse si Ricky sa kanya at marami siyang natutunan dito bilang isang baguhan noon sa paggawa ng pelikula.

“Napaka propesyonal, ramdam ko ang bawat eksena, tinatanggap niya ako ng buong buo sa bawat proyekto kahit na ako ay baguhan at wala pa masyado karanasan, hindi madamot at tuturuan ka sa paraan na maiintindihan mo, lahat ng proyekto namin ino-obserbahan ko lang siya dahil humahanga ako sa kanyang ugali at paraan ng pagta-trabaho.

“Tuturuan ka nya dahil gusto niya mapaganda ang pelikula, kasabay nito na hindi niya namamalayan na natututo ako para mapabuti ang aking karera. Bitbit ko at bibibitin ang mga katangian na hinangaan ko po sa inyo,”balik-tanaw ni Jason.

At kaya niya isinama sa post niya ang larawan ni Ms Aunor ay dahil kasama rin ito sa kanyang journey at higit sa lahat, idolo ng kanyang ina.

“Si mam Nora Aunor (kung siya’y aking tawagin) naging nanay ko sa Kabisera, at nakasama ko sa “Lilet Matias Atty. At Law” siya naman ang kaunaunahang artista nakilala ko dahil bukambibig ng nanay kong “Noranian”.

“Nag iipon pa siya noon ng mga magazine pag ang cover ay si Maam Nora, kaya ganon na lang kataas ang respeto ko sa kanya bilang katrabaho bukod sa siya ang nag iisang superstar, alam ko rin na siya ay hinahangaan ng aking mama sa maraming bagay.

“Maraming ako puwede sabihin na magagandang bagay tungkol sa kanila pero malamang nasabi na din ‘yan ng napakarami nilang nakatrabaho at taga-hanga.

“Mabigat lang isipin pero lahat naman tayo ay dadaan lang dito.

“Maraming salamat po Direk Ricky at Maam Nora (emoji praying hands).

“Ang pamilya ko po ay nakikiramay sa kanilang mga pamilya.

The post Rosanna Roces, Jason Abalos nagbigay pugay kay Ricky Davao appeared first on Bandera.

Jinkee Pacquiao umaray sa mga ‘paid ads’ sa socmed laban kay Pacman

$
0
0
Jinkee Pacquiao umaray sa mga 'paid ads' sa socmed laban kay Pacman

Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao

BAD trip si Jinkee Pacquiao dahil sa nagpapakalat ng mga nakakalokang fake news laban sa kanyang asawang si Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Nakarating kay Jinkee ang balita tungkol sa nagkalat na paid ads sa social media laban sa kandidatura ng ni Pacquiao na tumatakbo uling senador ngayong midterm elections.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, inireklamo at inalmahan ni Jinkee ang pagtawag ng ilang bashers sa kanyang asawa na isa raw “clown.”

Ayon sa wifey ni Manny, may mga tao raw na talagang gumagastos ng malaking halaga para lang siraan ang iconic boxer at mantsahan ang kandidatura nito.

“Ang daming paid ads sa feed ko. Here’s one saying that Manny is a ‘CLOWN’. Mas funny yung idea na they spend a lot of money in running negative campaign,” ang dismayadong pahayag ni Jinkee.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)


Binoldyak din ni Jinkee ang umano’y paglalabas ng pera ng ilang grupo na siyang nasa likod daw ng naglipanang paid ads sa socmed. Sana raw ay gumastos na lamang ang mga taong ito sa pagtulong sa mga nangangailangan nating kababayan.

“Instead of helping those in need, mas gusto nila manghamak, mag-hate and troll. Laki mga pera ng mga kalaban ni Manny sa senate,” hirit pa ni Jinkee.

Makikita rin sa in-upload na litrato ni Jinkee sa socmed na umaabot daw sa nasa P4,000 hanggang P5,000 ang presyo ng nasabing negative paid ads laban kay Pacquiao.

Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin sa Facebook page ni Jinkee.

“Don’t worry about the negative campaign against pacquiao, ibig sabihin noon angat si pacquiao sa kalaban.”

“Sad reality, Ms Jinky Manny should have loyalty to the people of the Philippines. He should stand firm for what is correct. Most politicians just selfish sorry to say.”

“You can serve God and the country without running as Senator at your own predicament. God bless.”

“Ignore those people madam! Jinkee Pacquiao They just envy you and your family. If that’s their opinion let it be, as long your family are not doing anything wrong or hurting someone.”

“Manny you have been a senator I’ve seen an accomplishment nothing, dong tama na baka lumala pa.”

Wala pang diretsahang pahayag ang Pambansang Kamao hinggil sa mga naglalabasang paninira sa kanya sa social media. Bukas ang BANDERA sa kanyang magiging reaksyon.

The post Jinkee Pacquiao umaray sa mga ‘paid ads’ sa socmed laban kay Pacman appeared first on Bandera.


Jose Manalo, Wally Bayola suportado si Sam Verzosa; pinasaya mga Manilenyo

$
0
0
Jose Manalo, Wally Bayola suportado si Sam Verzosa; pinasaya mga Manilenyo

Sam Verzosa, Jose Manalo at Wally Bayola

FEELING ng TV host-entrepreneur na si Sam Verzosa, talagang hinanda siya ni Lord para sa labang kinakaharap niya ngayon sa larangan ng public service.

Isa si Sam sa mga kumakandidatong mayor sa Maynila para sa darating na May 12, 2025 midterm elections at inamin niya na ito na yata ang pinakamatinding laban na kanyang pinasukan.

“Buong buhay na yata e, buong buhay ko yata ni-ready ako ni God, e. Alam mo, lahat ng nangyari sa buhay ko sa tingin ko, hinanda Niya ako para dito.

“Sa araw na ito, sa laban na ito, sa kakayanan ko ngayon, prinepare ako ng Panginoon. Sa tingin ko ito yung tadhana ko para sa mga kababayan,” pahayag ni SV nang nakapanayam ng ilang miyembro ng media kamakailan.

Isa raw sa mga realization niya sa pagtakbong alkalde ay, “Mas napalapit ako sa kanila (mga Manilenyo), mas napamahal ako sa kanila.

“Iba kasi kapag lagi mo silang nakakasama e. Parang pag-ibig lang e, pag lagi mo nakakasama, nagiging close kayo, napapalapit ka, nagiging close ka at ngayon, mas tumindi yung pagmamahal ko sa kanila.

“Mas lalo kong gustong ialay yung sarili ko, resources ko, lahat ng mayroon ako, actually, binibigay ko na, e.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SV (@samverzosa)


“Kasi wala naman katapusan ang paghingi ng tulong, kakalabas mo lang dito, humihingi na naman ng panlibing, ng pang-hospital, ng pangkain. Wala ng katapusan ang hingi.

“Sabi ko, kung walang tumutulong sa kanila, ako na lang. Tutal, sobra-sobra na ho yung naging blessing sa akin e.

“Sabi ko nga, baka ito na yung tinadhana sa akin, ito talaga yung gusto ng Panginoon sa akin kasi I came from nothing.

“Walang-wala ako pero binless ako ng sobra-sobra, more than I imagined, hindi yan para solohin ko pero para i-share yan sa mga kababayan ko at ngayon may pagkakataon akong i-share ‘yan sa Maynila.

“Hindi lang ho resources ha, kasama diyan yung talinong binigay sa akin ng Diyos, tsaka yung puso kasi hindi ka naman puwedeng bigay ng bigay na hindi nag-iisip.

“So isa sa mga gagawin natin ay solusyonan yung mga problema nila. Tayo po ay isang problem solver, civil engineer ako, negosyante ako, napakadami ko ng problemang nilagpasan sa buhay, napakadami ko ng binagong buhay, marami na akong natulungan, marami na akong pina-asenso.

“Kung ano man ang ginawa ko sa buhay ko at ibang tao at mga kumpanya ko, puwede kong gawin sa Maynila para matulungan kong umasenso. Hindi lang yung siyudad ng Maynila, pati na po yung mga kababayan ko,” tuluy-tuloy na pagbabahagi ng partner ng Kapuso star na si Rhian Ramos.

True ba ang chila na naubos na raw ang pera niya sa katutulong sa mga tao, “Hindi naman, nabawasan lang. Siyempre naman ang daming humihingi ng tulong, talagang mababawasan.

“Kaya kailangan kong kumayod, kailangan kong magnegosyo (Frontrow International). Kaya nga kaka-re-launch lang namin e.

“Nag-launch ako ng mga bagong products at ngayon sobrang lakas ng benta, ganu’n yun e. “Alam mo, you think of ways paano mong masu-sustain yung ginagawa mo, e di mag-isip ka ulit, ang maganda doon, nagawa ko na dati, hindi na siya bago sa akin e.

“Alam mo, pag natikman mo ang success, madali lang i-repeat yan. You know what it takes e, discipline, focus, creativity, consistency, hard work, lahat yan normal na sa akin.

“Hindi iyan yung tipong pinakaaralan ko pa. So kung ano man ang ginawa ko dati, uulitin ko lang para mas kumita ako, mas makatulong pa ako sa mas maraming tao,” paliwanag ni Sam na isa sa mga isinusulong sa kanyang kampanya ay ang 3K – kalusugan, kaalaman at kabuhayan.

Sa tanong kung after ng eleksyon ay ang pang-apat na K naman ang aasikasuhin niya – ang kasal nila ni Rhian Ramos?

“Kasal? Ang ganda nu’n, ha! Fourth K! Ha-hahaha! June bride ba si Rhian?

“Pero alam n’yo, kahit anuman ang maging resulta ng halalan na ito, ako, ito yung tadhana ko at siya na po yung pinili ko sa buhay ko. Kaya sana yan na nga ang pang-apat na K,” ang saad pa ni SV.

Samantala, nadagdag sa mga celebrities na sumusuporta kay Sam ay ang dalawang “Eat Bulaga” Dabarkads na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Biro nga ni Jose na kilala rin sa tawag na “Mayor”, sana raw ay tatakbo siyang alkalde sa Maynila pero nagbago ang isip niya nang magdeklara ng kanyang kandidatura si Sam Verzosa.

Nakasama ni SV sina Wally at Jose sa isang campaign rally kamakailan sa Onyx, Manila kung saan pinasaya nila ang daan-daang residente roon.

The post Jose Manalo, Wally Bayola suportado si Sam Verzosa; pinasaya mga Manilenyo appeared first on Bandera.

David pinaiyak mga kabataan sa Olongapo; suportado si Arnold Vegafria

$
0
0
David pinaiyak mga kabataan sa Olongapo; suportado si Arnold Vegafria

David Licauco, Arnold Vegafria at Wilson Flores

PROUD na proud ngayon ang talent manager na si Arnold Vegafria sa kanyang alaga na si David Licauco na nakagawa na rin ng sarili niyang pangalan sa mundo ng showbiz.

In fairness, makalipas ang mahabang panahon ng pagsisikap at pagsisipag, maituturing na rin si David na isa sa mga prized possession ng Kapuso Network dahil sa sunud-sunod na tagumpay ng kanyang mga proyekto.

Ayon kay Arnold Vegafria o ALV sa mga kaibigan niya sa showbiz, natutuwa siya dahil finally ay napapansin na rin ng publiko ang kanyang talent sa aktingan.

“Very happy ako na na-develop ang kanyang acting ability. Aba, naging best actor na siya. Samantalang before nakita natin na parang ang sinasabi lagi sa kanya, ‘ano ka ba, mag-aral ka namang umarte.’

“Alam ni David yun, na palagi ko siyang pinagagalitan tungkol sa akting. Kasi ang show business, hindi lang glamor, dapat may talent ka. I think na-challenge siya du’n.

“E, noong ginawa niya ang ‘Maria Clara at Ibarra’ ang plano talaga niya, kung hindi siya magiging successful, iiwan na niya ang showbiz, at magko-concentrate na lang siya sa business.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ALV TALENT CIRCUIT (@alvtalents)


“But because naging successful nga ang show na yun, talagang masaya siya, at lalo na niyang ginalingan. Nag-concentrate na talaga siya.

“At sabi nga niya, ang acting daw pala, it’s not more than a business, it’s a passion,” pahayag ni ALV nang makachikahan ng media kamakailan para sa announcement ng pagtakbo niyang mayor sa Olongapo City ma ginanap sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Cafe sa Quezon City na pag-aari ni Wilson Flores.

Dagdag pang chika ni Arnold, “Palagi ko ring sinasabi sa kanya na importante ang attitude niya, na dapat professional siya. At lalong-lalo na, malapit ka dapat sa mga tao. ‘yan ang key ng isang big star, o superstar.

“Hindi lang ito glamor, dahil kailangan ang personality mo maganda, at mahal mo ang mga fans mo,” sey pa ni Arnold.

Pinuri rin niya ang Pambansang Ginoo na kahit sikat na ito ngayon at hindi raw lumaki ang ulo, “Naha-handle naman niya ng tama ang popularity niya. Medyo misinterpreted siya ng mga tao, na akala suplado siya, pero quiet lang talaga siya.

“Akala kasi nila hindi nagsasalita, na suplado nga, pero mahiyain lang talaga. Buti nga nag-improve na siya ngayon,” sey pa ni Arnold.

Nagpasalamat din si ALV sa suportang ibinibigay ni David sa pagtakbo niyang alkalde sa Olongapo City ngayong midterm elections.

“Hindi ko in-expect na darating siya sa Olongapo (para sa campaign rally). Akala ko kasi busy siya. Pero pumunta siya. Siya lang ang dumating.


“Nabigla ang mga taga-Olongapo. Maraming umiyak na kabataan. Siyempre, hindi naman siya nakikita ng mga taga-Olongapo, di ba? So, nagulat sila, nag-iyakan sila, especially ang mga babae, dahil nakita siya in person,” pagbabahagi ni ALV na isang matagumpay na talent manager at film, TV, and concert producer.

Binansagang “Manager ng Bayan”, tumatakbo si ALV under the “Anak ng Gapo” banner at isa sa mga plano niyang gawin kapag nanalo ay gawing “progressive and major tourism destination” ang Olongapo.

“This is my most fervent wish, to bring back the glory days of Olongapo City, the way I remember it best,” sabi pa ni ALV

“All we need to do is revitalize our industrial infrastructure and attract foreign investors and tourists to stimulate the economic boom.

“I know that it won’t be an easy task, but I am confident that with our team’s dedication, we can rebuild this city and bring back the economic and tourist boom that our city enjoyed during the time of the U.S. naval bases,” aniya pa.

Among his key advocacies in his mayoral platform are job generation, tourism promotion, revitalization of economic zones, health prioritization, educational reform, infrastructure and transportation modernization, environmental protection, sports, arts and cultural development, flood control, waste management, reduction of electrical/power charges, and anti-drug campaign.

The post David pinaiyak mga kabataan sa Olongapo; suportado si Arnold Vegafria appeared first on Bandera.

Winwyn Marquez sa Miss Universe PH 2025 journey: This is my last, sure na!

$
0
0
Winwyn Marquez sa Miss Universe PH 2025 journey: This is my last, sure na!

Winwyn Marquez

STOP na. Yan ang binitiwang pahayag ng Kapuso actress na si Winwyn Marquez pagkatapos ng kanyang journey sa Miss Universe Philippines 2025 pageant.

Ayon sa aktres at beauty queen, tinutuldukan na niya ang pagsali sa mga beauty contest matapos itanghal na first runner-up sa Miss Universe Philippines ngayong taon.

Si Ahtisa Manalo ng Quezon Province ang nanalo sa naturang national pageant sa naganap na grand coronation sa SM Mall Of Asia Arena, Pasay City, kahapon, May 2. Siya ang magiging bet ng Pilipinas sa Miss Universe 2025 sa November.

Sa isang video na ipinost sa social media, makikitang nakausap ng media si Winwyn matapos ang finals night at dito nga niya nabanggit na, “This is my last (pageant). So, I love you guys. This is my last, yeah. Sure na iyon.”

Happy naman daw siya sa nakuha niyang pwesto sa pageant, “Who would’ve thought now, a mother, first runner-up sa Miss Universe Philippines? That’s good feedback already.”

Apat daw silang nanay na sumali sa Miss Universe Philippines 2025. Nakiusap si Winwyn sa mga taong hindi agree sa pag-join ng mga may asawa sa nasabing pageant.

“We are four moms, nagbigay sila ng best nila, they sacrificed their time to do this, and I think we should respect that. And kung may sasali na talagang magaling at puwedeng maging Miss Universe Philippines, why not?” paliwanag ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At ang susunod na plano niya matapos ang pageant, “Siguro ang mangyayari is quality time with my family. I spent so much time here. I sacrificed my time with my family, and I think this time, kailangan kong mag-give back sa kanila.

“I’ve done my job. I lived a dream already, and sana na-inspire ko yung maraming tao na gawin nila yung gusto nilang gawin without any regrets,” sabi pa ni Winwyn.

Unang sumali ang anak nina Alma Moreno at Joey Marqeuz sa Binibining Pilipinas 2015, kung saan nakapasok siya sa Top 15. Taong 2017 naman nang mag-join siya sa Miss World Philippines, kung saan itinanghal siyang Reinahispanoamericana Filipinas 2017.

Kasunod nito, siya nga ang itinanghal na kauna-unahang Filipina na kinoronahang Reina Hispanoamericana 2017 na ginanap sa Bolivia.

Samantala, nag-post naman si Winwyn sa Instagram ng kanyang appreciation post sa kanyang Miss Universe Philippines 2025 journey.

“This was never just about a crown for me.. I’ve always hoped to show that becoming a mom doesn’t mean your dreams have to stop. It can be the beginning of something new, something even more meaningful.

“I took the crown of courage.. of standing tall and speaking my truth. showing that you can be both devoted and driven..that you can live boldy, love deeply and chase your dreams no matter the season you’re in. That, for me, is already a victory.

“Who would’ve thought I’d be saying this… Miss Universe Philippines 2025 1st Runner-Up? Feels like a dream already.”

The post Winwyn Marquez sa Miss Universe PH 2025 journey: This is my last, sure na! appeared first on Bandera.

Jean Garcia 11 years nang walang dyowa: Mag-aalaga na lang ako ng mga apo

$
0
0
Jean Garcia 11 years nang walang dyowa: Mag-alaga na lang ako ng mga apo

Jean Garcia

ELEVEN years nang walang dyowa ang award-winning Kapuso actress na si Jean Garcia, kaya ang tanong happy  kaya ang kanyang personal life?

Aminado ang magaling na kontrabida sa teleserye at pelikula na choice talaga niya ang magpaka-single for the past years at happy and contented naman daw siya sa kanyang buhay.

Naniniwala si Jean na walang masama sa pagiging single, in fact, napakaraming magagandang pangyayari sa kanyang personal life at career sa loob ng ilang taong independent kahit wala siyang partner.

“Parang iniisip ko na lang sa sarili ko na mag-aalaga na lang ako ng mga apo ko, ng mga anak ko.

“Kung hindi ko rin lang mahahanap ‘yung talagang para sa akin, or baka napalampas ko na kasi, kaya ginawa na lang ng Panginoon na makuntento ka na lang na mag-isa,” ang pahayag ni Jean sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”.

Sa ngayon daw, hindi na siya naghahanap at umaasa na magkakaroon uli ng dyowa. Sapat na raw sa kanya ang pagmamahal ng pamilya, ng mga fans at mga kaibigan in and out of showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jean Garcia (@chic2garcia)


Isa raw sa mga sikreto niya sa isang masaya at kuntentong buhay ay never na raw siyang nagpapa-stress sa kahit anong bagay o problema.

“Because I don’t take life too seriously. ‘Yung sa akin kasi, bakit mo ii-stress-in ang sarili mo? Kapag may problema, solusyunan mo unti-unti.

“Matatapos din ‘yan, ‘This too, shall pass.’ sabi nga nila. Palagi lang happy, kuntento. Contentment siguro,” ani Jean.

Sey naman sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda, “Kapag ang problema walang solusyon, it’s not a problem.”

Sundot na tanong naman ni Tito Boy kay Jean kung ano ang alam niya tungkol sa mga kalalakihan. Tugon ng aktres habang super laugh, “Mali ka yata ng tinanong, Kuya Boy, baka mawalan ako ng male viewers.”

Pero seryosong pahayag ng aktres sa pakikipagrelasyon, “Maaaring hindi ikaw ang problema, lalaki ang problema. By choice, e.

“So choice nila ‘yun. Magloko sila, magseryoso sila, choice nila ‘yun, hindi ‘yun kasalanan ng babae,” pahayag ni Jean na napapanood pa ring gabi-gabi sa acion series ng GMA na “Lolong: Pangil ng Maynila”.

The post Jean Garcia 11 years nang walang dyowa: Mag-aalaga na lang ako ng mga apo appeared first on Bandera.

Jomari inaresto ni Jinggoy noon; Motorsport Carnivale 2025 umarangkada na

$
0
0
Jomari hinuli ni Jinggoy noon; Motorsport Carnivale 2025 umarangkada na

Jinggoy Estrada, Jomari Yllana at Rikki Dy-Liacco

TAWA nang tawa ang aktor at public servant na si Jomari Yllana habang ikinukuwento ang naging karanasan niya noon sa pagka-car racing.

Teenager pa lang daw siya ay talagang nahilig na siya car racing, ito raw yung kasagsagan ng career ng grupo nila nina Mark Anthony Fernandez at Eric Fruoctuso na “Gwapings” noong dekada 90.
.
Hinding-hindi makakalimutan ng aktor nang hulihin daw siya at ilan pang kabataan ng mayor noon ng San Juan  na si Sen. Jinggoy Estrada dahil sa illegal car racing sa Greenhills.

“I started very young, but underground, illegal,” ang pag-alala ni Jomari sa mediacon ng in-organize nilang Okada Manila Motorsport Carnivale 2025 na isang motorsport festival ng kanyang Yllana Racing Team with Okada Manila.

Patuloy na chika ni Jom, “I used to race for bets. I remember, hinuli pa ‘ko ni Mayor Jinggoy nu’n. ‘Yun ‘yung time na ‘yan, ‘yung mga illegal drag racers na nandiyan sa creek side sa Greenhills. Nakapila kami sa presinto.”

Habang nasa loob ng police station ay nilapitan daw siya ni Sen. Jinggoy at tinanong kung siya raw ba ‘yung kagrupo ng anak ni Rudy Fernandez na si Mark Anthony.

Pinakawalan naman daw siya ni Sen. Jinggoy ngunit sinabihang huwag na huwag na siyang sasali sa illegal car racing. Tinadaan niya ang paalala ng dating mayor ng San Juan.

“I went professional na after that. Until I was picked by Toyota Team TOM’S in 1996 to be a professional race car driver. I learned a lot from them. That started my advocacy for road safety and to promote legal racers,” pagbabahagi pa ni Jomari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Taong 2002 nang pansamantala niyang iwan ang car racing, ito’y matapos manganak ang dati niyang partner na si Aiko Melendez sa anak nilang si Andre.

Pero pagsapit ng 2011, bumalik siya sa pangangarera hanggang sa makipag-compete na rin internationally.

“I launched Yllana Racing Team and we competed in Korea, nakatsamba naman, nanalo. And then, two or three years ago, I tried rally sprint, we became the first diesel-engine powered car that won in a rally.

“And now we’re doing events professionally,” pahayag pa ni Jom sa presscon ng Motorsport Carnivale 2025 na magsisimula na ngayong araw, May 4, sa Okada Manila.

“In partnership with Okada Manila, our major presenter, we’re proud to bring back this celebration of speed, style and Filipino pride.

“We want to rally every racing enthusiast, family, and fan into one inclusive and passionate motorsport community,” sabi ni Jomari.

Magsisimula ito with Super Sprint mula 6 a.m. hanggang 6 p.m., at susundan ng pinakahihintay na Grand Car Meet: Legends of the ’90s sa ganap na 7 p.m.

Racing continues on May 31 with Jom’s Cup, an 1/8-mile drag racing challenge to be held at the Boardwalk and Gardens of Okada Manila.

A special EV car showcase with guest celebrities will be held during intermissions, adding a modern, sustainable twist to the day’s events. Other major motorsport events will be announced soon.

The post Jomari inaresto ni Jinggoy noon; Motorsport Carnivale 2025 umarangkada na appeared first on Bandera.

Viewing all 44325 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>