Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44336 articles
Browse latest View live

Libreng sakay handog ng LRT, MRT mula April 30-May 3

$
0
0

Libreng sakay handog ng LRT, MRT mula April 30-May 3

LIBRENG sakay ang hatid MRT-3, LRT-1, at LRT-2 para sa mga commuter bilang parte ng selebrasyon ng Araw ng mga Manggagawa.

Sa isang video statement na inilabas nitong Martes, April 29, in-announce ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang magandang balita para sa publiko.

“Nais kong sabihin sa lahat ng ating mga commuter ay inutos ko na para magbigay ng ating kaunting parangal sa ating mga manggagawa.

Baka Bet Mo: MRT-3 may libreng sakay para sa ‘solo parents’ ngayong April 26

 

Instagram에서 이 게시물 보기

 

Bandera(@banderaphl)님의 공유 게시물

“Ngayong Labor Day celebration ay maging libre ang sakay sa MRT-3, LRT-1 and 2. Ito ay mula April 30 hanggang May 3,” saad ng pangulo.

Umarangkada na nga ngayong araw, April 30, ang libreng sakay sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 para sa mga commuter.

Mula sa unang biyahe ng MRT-3 train na 4:30 AM sa North Avenue Station hanggang sa huling biyahe na 10:30 PM. Sa Taft Avenue naman ay magsisimula ang unang biyahe ng 5:05 AM at ang huling biyahe ay 11:09 PM.

Ang rutang tinatahak ng LRT-1 naman ay mula Fernando Poe Jr. hanggang Dr. Santos habang sa LRT-2 naman ang siyang nag-uugnay sa Recto Avenue, Maynila at Antipolo City sa Rizal.

Tinatayang nasa P80-M ang gagastusin ng gobyerno para sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga commuter.

The post Libreng sakay handog ng LRT, MRT mula April 30-May 3 appeared first on Bandera.


P22.4M Super Lotto 6/49 jackpot paghahatian ng 2 lucky bettor

$
0
0
P22.4M Super Lotto 6/49 jackpot paghahatian ng 2 lucky bettor

MAGHAHATI ang dalawang masuwerteng bettor sa P22.4 million jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi, April 29.

Nahulaan ng mga nasabing lucky lotto winner ang winning combination na 24-02-10-09-25-05 ng SuperLotto 6/49 kung saan umabot ang kanilang premyo sa P22,432,132.60.

Ayon sa PCSO, tumaya ang dalawang nanalong bettors sa Lucky Circle Corp. sa SM Davao, Davao City at sa Lucky Circle Corp. sa SM Southmall, Las Piñas City.

Sa pagkubra ng kanilang premyo, kailangang personal na magtungo ang mga nanalpng mananaya sa opisina ng PCSO sa Mandaluyong City. Dalhin ang nanalong ticket at dalawang valid ID.

Muling pinaalalahanan ng PCSO ang mga mananalong bettors na ang lahat ng premyo na hindi makukuha sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola, ay mapupunta sa kawanggawa.

Samantala, walang nanalo sa P49.5 milyong jackpot prize para sa Ultra Lotto 6/58 na may winning combination na 39-05-11-45-10-25 na binola ng PCSO nitong Martes din ng gabi.

Binobola ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

The post P22.4M Super Lotto 6/49 jackpot paghahatian ng 2 lucky bettor appeared first on Bandera.

Kyline pinuri sa isyu nila ni Kobe: I admire her for choosing peace over drama

$
0
0
Kyline pinuri sa isyu nila ni Kobe: I admire her for choosing peace over drama

Kyline Alcantara at Kobe Paras

BUMUHOS ang suporta ng kanyang pamilya mga fans at kaibigan para kay Kyline Alcantara sa gitna ng kinakaharap niyang isyu tungkol sa kanyang love life.

Ito’y matapos ngang maglabas ng official statement ang Sparkle GMA Artist Center hinggil sa controversial breakup ni Kyline at ex-boyfriend nitong si Kobe Paras.

Base sa naturang pahayag, gusto na lamang mag-move on ng aktres at panatilihin ang kanyang “peace.”

Nananatili rin umano ang kanyang respeto sa mga taong naging parte ng kanyang buhay. Umaasa rin si Kyline na matitigil na ang usaping ito.

Kasunod ng kanyang pananahimik, pinuri ng mga tao ang classy at sophisticated na paraan ng pagharap ni Kyline sa sitwasyon.

Komento nga ng isang netizen, “I admire Kyline for choosing peace over drama. It takes strength and grace to stay respectful even when things get tough. Wishing her continued growth and happiness.

“She deserves it! Signs of being a matured and strong woman, we love you, Kyline!” ang sabi pa ng fan ng Kaouso star.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, sa kanyang latest Instagram post, ibinandera ng aktres ang kanyang pag-awra habang sine-celebrate ang 4.9 million followers.

Marami pang dapat abangan sa career ni Kyline this year, kabilang na ang upcoming GMA series na “Beauty Empire.” Dito, makakasama niya si Barbie Forteza, Ruffa Gutierrez at Gloria Diaz.

Sa isang panayam, inamin ng dalaga na hindi madali para sa kanya ang pagharap sa mga challenges na dumarating sa buhay niya.

“I just protect my peace. There are days when you cannot just silence the noise, it’s drowning.

“But, you cannot just sink, you need to focus again and float above the surface by listening to the voices that matter to you,” ang pahayag ni Kyline.

“I’ve been bashed for the things that I did not say or do, or because I decided to upgrade myself, or just because I tried too hard.

“But, I was judged already before I even opened my mouth, so I’d rather have my small circle know my truth than be open in public and still be judged and bashed for it,” katwiran pa niya.

Pagpapatuloy pa niya sa naturang panayam, “Kahit anong sabihin n’yo sa akin, it’s okay as long as my intentions are clear. I know my truth.

“And I know that my truth is the truth. You may have your own side of the story, but my truth is the truth,” sey pa niya.

Feeling ni Kyline, wala siyang dapat ipaliwanag sa publiko, “I really don’t have to explain myself. You can say whatever you want about me as long as alam ni God, alam ng Panginoong Diyos kung ano talaga nasa puso ko.

“Kung ano talaga ‘yung nangyari. I am comfortable with that. I can sleep peacefully at night with that. I can live with that,” aniya pa.

The post Kyline pinuri sa isyu nila ni Kobe: I admire her for choosing peace over drama appeared first on Bandera.

Jomari Yllana shookt sa video scandal ni Mark Anthony: Ang laki ng reaction ko!

$
0
0
Jomari Yllana shookt sa video scandal ni Mark: Ang laki ng reaction ko!

Jomari Yllana, Robert Scott, Rikki Dy-Liacco, Eric Fructuoso at Mark Anthony Fernandez

WISH ni Jomari Yllana na magkaroon sila ng reunion project ng kanyang mga kaibigan na sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso.

Napag-usapan ang tungkol sa phenomenal group ng tatlong aktor dati na Gwapings sa presscon ng Motorsport Carnivale 2025 na magsisimula sa May 4, sa Okada Manila, Parañaque City.

Ito’y collaboration ng Yllana Racing na pag-aari ni Jomari at ang Okada Manila kung saan magaganap ang tatlong kategorya ng intense na competition – ang Super Car, Muscle Car, at Vintage Car.

Ni-launch ang Motorsport Carnivale two years ago na ginanap din sa Okada kung saan nakatakda sanang mag-reunion sina Jomari, Eric at Mark Anthony.

Sa mediacon ng Motorsport Carnivale nitong nagdaang April 29, na ginanap sa Glass Ballroom ng Okada Manila, natanong nga si Jom tungkol sa posibleng reunion project ng Gwapings.

“Excited naman, kasi excited talaga. I wish some producer, there would, you know… could be, could be, more organized in, like, setting up something for us.

“As a small event, I’ll ask Tito Nestor (Cuartero, entertainment writer at talent manager) to invite Eric and Mark para magka-reunion kami. Tutal, nandito na si Abby Viduya!” ang chika ni Jomari na ikinasal nga kay Abby noong November, 2023 sa Las Vegas, Nevada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jomari Yllana (@jomariyllana)


Nagkasama-sama ang mga miyembro ng Gwapings at si Abby sa Regal Entertainment movie na “Guwapings: The First Adventure” noong 1992 na idinirek ni Jose Javier Reyes.

Hirit pa ni Jom, “Mag-ano tayo, reunion tayo. Di ba, di ba? It would be nice. I would love to see us together in a photo.”

Huli raw silang nagkita at nagkausap ni Mark noong 2023, “I think I saw Mark last… parang ASAP na event, or one of Mr. M’s (Johnny Manahan) birthdays.

“Okay naman kami. Ganyan naman kami lagi. Bihirang magkita pero ang napapag-usapan pa rin, panahon namin. Puro kalokohan pa rin. Puro kalokohan pa rin nung panahon namin,” aniya.

Sundot na tanong kay Jom, nagkausap ba sila ni Mark noong kasagsagan ng isyu tungkol sa video scandal ng kaibigan?

“Baka i-quote ako! Siyempre, ang laki ng reaction ko! Sabi ko, ‘Anong nangyari diyan? Hindi ka naman ganyan kalaki nu’n!’ Joke! Maku-quote ako, di ba?” ang natawang sey ni Jom.

“Nagulat ako. ‘Anong nangyari?! Ganyan naman kami, mga alaga ni Douglas (Quijano, dati nilang talent manager) would always joke like that.

“Ganyan kami, make fun of each other. But dikit-dikit na yung mga pusod namin. Bihira lang kami magkita pero ganyan naman kami palagi,” chika ng aktor.

Samantala, mas bongga at mas pinalaki pa ang magaganap na Motorsport Carnivale 2025 sa May 4, Linggo, sa Boardealk and Gardens, ang seaside area, sa labas lamang ng Okada Manila.

Magsisimula ng 6 a.m. at tatagal hanggang 6 p.m. ang Super Sprint habang 7 p.m. naman ang Grand Car Meet: Legends of the ‘90s.

Pagsapit ng May 31, aarangkada naman ang Jom’s Cup, ang 1/8-mile drag racing challenge. Asahan ang maigting na labanan sa mga kategoryang Super Car, Muscle Car, at Vintage Car.

“We have prepared a couple of exciting motorsport events fir everyone. And I am proud to announce that we are going to put the Philippines back in the world map of motorsports, together with our sponsors.

“Our main sponsors, of course Okada Manila, we have found a home of motorsport on the biggest integrated casino in the country. Together also with the Parañaque LGU, and all our sponsors.

“I remember announcing wayback 2023 that we are going to wake up a sleeping giant. Now the giant is awake. Gising na gising siya, gutom na gutom at uhaw na uhaw.

“And we are preparing for it. The first event will be on May 4, followed by a series of events on May and June. And we are here as proud producers coming from the industry of automotive, motorsport, and entertainment.

“Gusto natin ibalik yung mga karera in the heart of Metro Manila. So I welcome everyone to Motorsport Carnivale 2.0!” ang tuluy-tuloy na chika pa ni Jomari Yllana.

The post Jomari Yllana shookt sa video scandal ni Mark Anthony: Ang laki ng reaction ko! appeared first on Bandera.

Chito Miranda nag-react sa mga nagrereklamo sa ‘happy wife, happy life’

$
0
0
Chito Miranda nag-react sa mga nagrereklamo sa 'happy wife, happy life'

Neri Miranda at Chito Miranda

MGA ka-BANDERA, naniniwala ba kayo sa matagalnang kasabihan tungkol sa pagsasama ng mga mag-asawa na “Happy Wife, Happy Life”?

Iyan kasi ang sentro ng isang Instagram post ng OPM icon at Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda na super happy pa rin hanggang ngayon sa piling ng kanyang asawang si Neri Miranda.

Kalakip ang litrato nila ni Neri, ibinahagi ni Chito ang kanyang saloobin tungkol sa linyahang “happy wife, happy life.” May mga nagsasabi kasi na “toxic” daw ang naturang kasabihan dahil parang mga wifey lamang ang pinahahalagahan dito.

“May nakita ako recently sa FB na mga lalakeng nagrereklamo tungkol sa line na ‘to.

“Lugi daw ang mga lalake. Toxic daw. Eto daw ang ‘most dangerous relationship advice ever given to men’.

“Dapat daw ‘Happy Spouse, Happy House’ o kaya ‘Stable Man, Strong Family,'” ang simulang pagbabahagi ng singer-songwriter.

Pagpapatuloy niya, “No offense, pero parang ang whiny eh…parang begging for respect and attention, wanting things to be more about them, instead of their wife.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


“Parang ‘Uy…paano naman ako?’

“Maybe in some cases, I guess pwede maging ‘toxic’ or ‘unfair’ yung line (di naman kasi natin pwede lahatin) and what works for me might not work for everyone, pero for me, sobrang perfect advice yung ‘Happy Wife, Happy Life.’

“Kasi as long as I treat my wife right, take care of her and our kids, and make her happy, she treats me like a king, and takes care of me as if I’m the greatest thing na nangyari sa buhay nya…and that ‘vibe’ spreads sa buong family universe namin.

“Kumbaga, ‘alagaan mo lang wife mo, and she’ll take care of you and yung family nyo.’

“So, yeah…sobrang nainiwala talaga ako sa ‘Happy Wife, Happy Life,’ not unless you married someone who doesn’t appreciate you, no matter how hard you try to make her happy,” ang buong pahayag ni Chito.

The post Chito Miranda nag-react sa mga nagrereklamo sa ‘happy wife, happy life’ appeared first on Bandera.

Canteen helper patay sa samurai dahil sa pagseselos ni Kap

$
0
0
Canteen helper patay sa samurai dahil sa pagseselos ng barangay captain

SINAKSAK ng katana o samurai ang isang canteen helper ng isang barangay tanod sa Ermita, Maynila kamakailan.

Base sa report ng pulisya, nangyari ang pananaksak sa loob mismo ng canteen na pinagtatrabahuan ng biktima kung saan bigla na lang sumugod ang suspek.

Sa ulat ng “Frontline Pilipinas”, walang sabi-sabing inundayan ng saksak ng suspek ang helper gamit ang bitbit nitong samurai sword na naging sanhi ng agad nitong pagkamatay.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, selos ang tinitingnang motibo ng mga otoridad sa ginawa umano ng suspek dahil hinihinala raw nitong kalaguyo ng kanyang asawa ang biktima.

Pagkatapos ng insidente, sumuko rin agad ang suspek sa Manila Police District.

Narekober sa kanya ang samurai at isang kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit din umano ng suspek laban sa biktima.

Ayon sa suspek, base sa interview ng media, matinding sakit ang naramdaman niya sa ginawa umano ng kanyang misis.

“Masakit po talaga sa akin kasi no read, no write po ako. Lahat ng pinaghirapan ko, binuhos ko po sa kaniya.

“Alam ng taumbayan ‘yan, dahil kahit ako ganito, sa sobrang sipag ko, mabait ako, kilala ako ng taumbayan po. Ginawa lang akong panakip-butas,” ang pagbabahagi ng suspek.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek at kasalukuyan nasa kustodiya na ng MPD.

The post Canteen helper patay sa samurai dahil sa pagseselos ni Kap appeared first on Bandera.

‘Silvanas’ ng Pinas pasok sa ’50 best cookies in the world’

$
0
0
'Silvanas' ng Pinas pasok sa '50 best cookies in the world'

Stock photo

PASOK na pasok ang “silvanas” ng Pilipinas sa pinakabagong listahan ng “50 best cookies in the world” ng TasteAtlas.

In fairness, talaga namang napaka-yummy ng ating silvanas kaya hindi na nakapagtataka kung mapansin ito ng  TasteAtlas na isang kilalang international online food guide.

Sa official Facebook page ng TasteAtlas nakapasok bilang rank 29 ang silvanas na nakagetsing ng score na 4.0.

Paglalarawan naman ng TA sa naturang Pinoy favorite na mababasa sa kanilang official website, ang silvanas daw ang nagsisilbing “snack version” ng traditional Filipino dessert na sans rival.

“These frozen cookie sandwiches are made with two cashew-meringue wafers that are held together with a thick layer of buttercream and are generously coated in cashew crumbs,” pagbabahagi ng sikat na online food guide.

Marami ang nasasarapan sa plain version ng silvanas pero mas naaadik ang nakakatikim nito kapag nilagyan na ng iba’t ibang flavor like mango, mocha, chocolate at strawberry.

Sey naman ng ilang Pinoy, mas bobongga pa ang lasa ng silvanas kapag inilagay muna sa refrigerator para lumamig.

The post ‘Silvanas’ ng Pinas pasok sa ’50 best cookies in the world’ appeared first on Bandera.

Diego Loyzaga boring ang lovelife: I’m on the market and available!

$
0
0
Diego Loyzaga boring ang lovelife: I'm on the market and available!

Diego Loyzaga at Baby Hailey

SINGLE na single ngayon ang aktor na si Diego Loyzaga. Sa katunayan, nakiusap pa siyang hanapan ng babaeng pwede niyang maging dyowa.

Pabiro pa nga niyang inilarawan ang kanyang lovelife ngayon na “so boring” dahil nga walang intrigang ikinakabit sa kanya about his personal life.

“I’m on the market and available. If you know somebody, please introduce her to me. My relationship right now is with my daughter (Hailey Paige). But it’s also nice to feel loved.

“Is this one-sided? Am I going to find out? I don’t know. Right now, I’m just going with the flow,” ang pahayag ni Diego sa presscon ng latest movie niya under Viva Films, ang “In Between” opposite Sue Ramirez.

Ibig sabihin nito, wala na rin sila ng dati niyang partner na si Alexis Suapengco, ang nanay ng anak niyang si Hailey.

Samantala, showing na sa May 7 ang “In Between” sa mga sinehan nationwide mula sa direksyon ni Gino Santos under Viva Films. Ito ang second movie nina Diego at Sue na unang nagkasama sa movie ni Jason Paul Laxamana na “How To Love Mr. Heartless” (2022).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)


Sa trailer ng “In Between” ipinakita ang ilang intimate scenes ng dalawang lead stars kaya naman natanong sila kung gaano ito ka-wild. Inamin nilang may intimacy coordinator sila sa shooting habang kinukunan ang kanilang halikan at love scene.

“It wasn’t just a kiss. We just had different scenes this time. After how many scenes working together, we did real kiss. Don’t worry, you will not see my butt here. Sue and I had more intimate scenes,” ani Diego.

Sesentro sa “situation-ship” ang tema ng kuwento ng movie, na isa sa mga uri ng relasyon na pak na pak ngayon sa mga Gen Z.

“That’s the reality that couples face these days. It’s hard to commit to somebody these days. You deserve the love you deserve. Is the relationship just physical or you’re looking for love in the long run or in-betweens.

“Since it’s 2025, couples now have more options to love or how they want to be loved. I don’t judge how two people get into a relationship. It’s hard to force someone. Everyone has different priorities.

“Others prefer to work or others prefer to look for a serious love life. They have different preferences, but we shouldn’t judge the choices that we make.

“If that’s what makes them happy, as long as they don’t step on anybody’s toes. I hope they don’t go into a relationship with somebody who’s married. I think I’m a serious lover,” pahayag pa ni Diego.

The post Diego Loyzaga boring ang lovelife: I’m on the market and available! appeared first on Bandera.


Lotlot de Leon sa pagpanaw nina Pilita at Nora: Enjoy heaven Mommy & Mamita!

$
0
0
Lotlot de Leon sa pagpanaw nina Pilita at Nora: Enjoy heaven Mommy & Mamita!

Lotlot de Leon, Nora Aunor at Pilita Corrales

SIGURADONG wasak na wasak pa rin ang puso ngayon ng award-winning actress na si Lotlot de Leon sa magkasunod ng pagpanaw nina Pilita Corrales at Nora Aunor.

Marami ang naniniwala at nakaka-relate sa kasabihang mas nararamdaman ng mga taong namatayan ang matinding kalungkutan at pangungulila sa mga namaalam na nilang kapamilya.

Ilang araw matapos ihatid sa Libingan ng mga Bayani ang labi ng kanyang inang Superstar na si Ate Guy at ng dati niyang mother-in-law na si Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales, ay nagbahagi ng lumang photo si Lotlot sa social media.

Ang nakasaad sa caption ni Lotlot sa throwback photo nilang tatlo nina Pilita at Nora, “Both of you must be singing your hearts out..Enjoy heaven Mommy & Mamita.”

Si Pilita ang nanay ng dating asawa ni Lotlot na si Ramon Christopher Gutierrez at lola ng mga anak nilang sina Janine, Diego, Jessica, at Maxine. Pumanaw ang showbiz icon noong April 12 sa edad na 87.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pagkalibing kay Pilita, si Ate Guy naman ang namaalam noong April 16 sa edad na 71. Bago ihatid sa Libingan ng mga Bayani noong April 22 ay binigyan muna siya ng state necrological service at military honors.

Nauna rito, nag-post din ng si Lotlot ng kanyang mensahe para sa namayapang ina.

“Hi ma…”

“Ma, alam mo po I find myself talking to you everyday.. at alam ko nakikinig ka. Nasabi ko na din naman sayo lahat mommy.. at alam ko din na ang bilin mo sa akin ay ang mga kapatid ko at mga apo mo.

“Yung tinuro mo sa akin na maging matatag sinusubukan ko po talagang gawin. Ma, maraming nagmamahal sayo. Sobra!

“Sana nakikita nyo po yun. They all showed up for you and our family and kame na mga anak mo sobrang grateful po.

“Si Ian, Matet, Kiko, Ken at ako. Basta look after us always ma.. alam ko hindi mo kame pababayaan sa bawat desision na gagawin naming magkakapatid. At lalo pa kame nagkakaisa dahil sayo. And we promise to take care of your legacy, Ma, kame ng mga kapatid ko. ”

“Rest easy ma.

“Your daughter forever,  Lot,” ang buong laman ng sulat ng award-winning actress para kay Ate Guy.

The post Lotlot de Leon sa pagpanaw nina Pilita at Nora: Enjoy heaven Mommy & Mamita! appeared first on Bandera.

Agree kayo, Winwyn Marquez dasurve manalong Miss Universe PH 2025?

$
0
0
Agree kayo, Winwyn Marquez dasurve manalong Miss Universe PH 2025?

Winwyn Marquez

NAGPASALAMAT ang Kapuso actress at beauty queen na si Winwyn Marquez sa kanyang anak na si Luna, ilang oras bago naganap ang pagpapatuloy ng Miss Universe Philippines 2025 preliminaries.

Nakasama kasi ni Winwyn ang anak sa huling bahagi ng preliminary competition ng naturang national pageant kung saan rumampa siya para sa National Competition segment.

Ayon sa aktres, feeling thankful and grateful siya dahil naging bahagi rin ng kanyang pageant journey ang kanyang nag-iisang anak na magse-celebrate rin ng kanyang 3rd birthday ngayong araw, May 1.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, binati ni Winwyn ang anak sa kaaraawan nito.

“Tomorrow is your big day but you’ll be spending it with me sa national costume show ng MUPH. Thank you for sharing your birthday with Mama,” ang bahagi ng caption ni Winwyn sa kanyang IG post.

Pagpapatuloy ni Winwyn, “You are such a blessing to us… You and Dada are my strength, and I know I wouldn’t be doing this with so much passion if it weren’t for you.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nag-promise rin ang Kapuso star kay Luna na ibibili niya ito ng mas maraming cake at bread na favorite nito. Bukod dito, ipinangako rin niya kay Luna na pupunta sila sa Disneyland very soon.

Sa isa pang hiwalay na post sa IG, ibinahagi rin ni Winwyn ang photo nila ng anak kasama ang kanyang partner na kuha sa Okada Manila, kung saan gaganapin ang ika-3 kaarawan ni Luna.

Sey niya sa caption, “April 30. Today marks the day I became a mother. That moment changed me. I knew I could handle whatever came next.”

In fairness, marami kaming nababasang comments mula sa netizens na deserving si Winwyn na manalong Miss Universe Philippines 2025 base sa performance nito sa preliminary competition.

Isa raw sa mga palatandaan na malakas ang laban ng aktres sa pagsabak sa Miss Universe Philippines ay ang paghakot niya ng special awards sa naganap na pageant preliminaries.

The post Agree kayo, Winwyn Marquez dasurve manalong Miss Universe PH 2025? appeared first on Bandera.

Miss Universe PH 2025 inokray ng pageant fans: Starlet pa rin sa prod!?

$
0
0
Miss Universe PH 2025 inokray ng pageant fans: Starlet pa rin sa prod!?

INOKRAY ng ilang pageant fans ang production ng naganap na Miss Universe Philippines 2025 preliminary show last April 28 sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City.

Rumampa ang 66 official candidate sa nasabing preliminaries kung saan sumabak sila sa swimwear at evening gown competition.

Ginanap naman kagabi, April 30 ang national costume competition at ang pinakaaabangang Gala Night.

Bukod dito, humarap din ang mga kandidata sa individual interview kung saan na-test naman ang kanilang intelligence sa pagsagot sa mga questions mula sa panel of interviewers.

Ang makukuhang score ng mga kandidata sa interview round, swimsuit contest, at evening gown segment ang magiging basehan kung sinu-sino ang papasok sa semi-finals.

Inaasahang bukod sa mga candidate na makakakuha ng highest scores mula sa mga judge , makakasama rin sa finals ang mga mangunguna sa mga online polls.

Sa naganap na preliminaries, humakot ng special awards si Miss Muntinlupa Teresita Ssen “Winwyn” Marquez at bukod dito, marami ang nagsasabi na malakas ang laban ng Kapuso actress na maiuwi ang korona at titulo.

Samantala maraming netizens ang nag-post sa social media ng kanilang disappointment sa pre-pageant show dahil sa hindi kagandahang production quality.

Inireklamo rin nila ang endorsement ng isang party-list sa “super delayed” telecast ng pageant. Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon.

“MUPH YUNG GANITO!!! PLEASE LANG… PLEASE!!!”

“Bulok na bulok prod MUPH Team ha. Kakahiya sa Thailand and Indonesia. Tayo pa naman meron 4 crowns sa MU tapos starlet pa din sa prod. Balik niyo na sa BBP (Bb. Pilipinas) ang franchise,”

“Kailan mag-improve ‘tong MUPH?”

“Pa-six year na ng MUPH pero wala talagang improvement, lagi na lang delay ang pa-livestream.”

“Bat ganun? Parang hindi na nag improve MUPH? palala ng palala ang prod value? Pushup puchu pa rin ang datingan.”

“Embarassing. 1. Umuwi si Khun Anne (Thai executive Anne Jakrajutatip, founder ng JKN Global Group na nagmamay-ari ng Miss Universe franchise) sa tagal ng show, 2. Si koyang singer, 3. Endorsing ARTE party-list on a prestigious beauty pageant.”

The post Miss Universe PH 2025 inokray ng pageant fans: Starlet pa rin sa prod!? appeared first on Bandera.

Drew Arellano ‘idol’ ng Commission on Population dahil sa pagpapa-vasectomy

$
0
0

Drew Arellano 'idol' ng Commission on Population dahil sa pagpapa-vasectomy

ITINUTURING ngayong “idol” ng Commission on Population and Development (CPD) ang Kapuso TV host na si Drew Arellano.

Puring-puri ng CPD ang ginawang pagpapa-vasectomy ni Drew matapos isilang ng asawang si Iya Villania ng ikalimang anak nila nitong nagdaang February, 2025.

Ayon sa pamunuan ng CPD, isang maliwanag na “manifestation of love and appreciation for his spouse and family” ang “pagpapakapon” ng “Biyahe ni Drew” host.

Bukod pa rito, ang ginawa raw ng mister ni Iya ay, “strongly exemplifies responsible parenthood and family planning as promoted by the CPD.”

Baka Bet Mo: Drew Arellano nagpa-vasectomy, Mother’s Day gift kay Iya Villania

 

Instagram에서 이 게시물 보기

 

Bandera(@banderaphl)님의 공유 게시물

“We need more men like Mr. Arellano to encourage men to assume greater responsibility in ensuring the well-being of their partner and their children through responsible parenthood and family planning,” ayon pa kay CPD Executive Director, Undersecretary Lisa Grace Bersales.

Pahayag pa ng CPD, good news na maituturing ang ginawa ni Drew sa gitna ng mas bumababa pang bilang ng mga  lalaking nakikiisa sa family planning program ng pamahalaan.

Base sa record ng Philippine Statistics Authority’s (PSA) National Demographic and Health Survey (NDHS) noong 2022, nasa 0.1% lang ang mga lalaking  sumailalim sa non-scalpel vasectomy (NSVs) sa nakalipas na limang taon.

Umabot naman sa 2% ang mga lalaking gumagamit ng condom para hindi mabuntis ang kanilang partner.

Sa datos ng ahensiya, mas marami pa rin ang bilang ng mga babaeng sumusunod sa iba’t ibang uri ng family planning method.

Kaya naman nanawagan ang CPD sa mga kalalakihan na makiisa sa tinatawag na “shared responsibility” sa pagpaplano ng pamilya.

Last Monday, nag-viral ang social media post ni Drew tungkol sa kanyang pagpapa-vasectomy. Sabi ni Iya, last year pa sana ito ginawa ng kanyang asawa pero hindi nga natupad.

“And then Anya happened so this time, he made sure,” ani Iya na ang tinutukoy ay ang kanyang pagbubuntis at pagsilang sa kanilang ikalimang anak na si Anya Love.

Ang apat pa nilang anak ay sina Primo, Leon, Alana, at Astro.

The post Drew Arellano ‘idol’ ng Commission on Population dahil sa pagpapa-vasectomy appeared first on Bandera.

Emilio Daez sa pagka-evict sa ‘PBB’ Ako nga pala ‘yung sinaing mo

$
0
0

Emilio Daez sa pagka-evict sa 'PBB' Ako nga pala 'yung sinaing mo

SA kabila ng maikling pananatili sa loob ng “Pinoy Big Brother” house ay masaya pa rin ang Kapamilya artist na si Emilio Daez sa ibinigay na pagkakataon.

Sa kanyang Facebook post ay ibinandera niya ang kanyang appreciation post sa kanyang naging stay sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Kuya, ako nga pala yung sinaing mo ” panimulang biro ni Emilio.

Ang birong ito ay nagmula sa pagkakapansin ng mga netizens sa pagkahilig ng binata na magsaing sa loob ng bahay. Umabot pa nga sa puntong nagkaroon sila ni Ralph de Leon ng battle kung sino nga ba ang tunay na “Saing King” ng “Pinoy Big Brother Celebrity Edition”.

Baka Bet Mo: 3rd PBB Nomination Night pinag-usapan, David susunduin na si Dustin?

 

Instagram에서 이 게시물 보기

 

Bandera(@banderaphl)님의 공유 게시물

Pagpapatuloy ni Emilio, “Kidding aside, a year ago, I made the decision to leave the corporate world and take a chance on the life I’ve always dreamed of. It wasn’t the easiest choice, but I know it was the right one.

“Pursuing my passion has brought me to places I never could have imagined and walking into the PBB house was one of those moments I’ll always be grateful for.”

Kaya naman super happy si Emilio sa kanyang naging pagpasok sa PBB house at masaya rin siyang lisanin ito sa kabila ng maikling pananatili.

“I entered the house with a smile on my face, excited and hopeful for whatever was ahead. Today, I walk out with that same smile, carrying memories, lessons, and friendships that I’ll hold onto for the rest of my life. I’m thankful for every challenge, every laugh, and every quiet moment that helped me grow along the way,” chika ni Emilio.

Kasunod nito ay ang pasasalamat ng binata sa PBB, sa kanyang home network, sa mga boss, at sa mga fans na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

“This is just the beginning. I’m stepping into what’s next with even more heart, more fire, and more love for what I do. The dream continues and I’m ready for it,” sey pa ni Emilio Daez.

Matatandaang nitong Sabado, April 26, nang nilisan niya ang Bahay ni Kuya kasama ang kanyang Kapuso duo na si Michael Sager, ang kauna-unahang male duo na na-evict sa PBB season ngayong 2025.

The post Emilio Daez sa pagka-evict sa ‘PBB’ Ako nga pala ‘yung sinaing mo appeared first on Bandera.

Winwyn Marquez agaw-eksena sa ‘Aswang’ NatCos sa Miss Universe PH

$
0
0
Winwyn Marquez agaw-eksena sa 'Aswang' NatCos sa Miss Universe PH

Winwyn Marquez at Alma Moreno

AGAW-EKSENA na naman ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez sa inirampa niyang National Costume para sa Miss Universe Philippines 2025 preliminary competition.

Usap-usapan ngayon ng mga pageant fans at netizens ang “aswang-inspired” national costume ni Winwyn – may mga natuwa pero marami rin ang na-shock at na-turn off.

Paliwanag ng aktres, ang isinuot niyang national costume ay mula sa 1992 horror movie ng kanyang inang si Alma Moreno, ang blockbuster film na “Aswang,”.

Makikita sa mga photo at video ni Winwyn sa social media ang suot niyang red body-hugging overall suit with matching gold sequins at red beads, na nagmukha ngang dugo.

Bukod dito, makikita rin sa likod ni Winwyn ang isang nilalang na pinaniniwalaang aswang dahil sa nakakatakot na itsura nito na may mahaba pang dila.

“This costume, in collaboration with Obra Grandiosa by Bryan Diego, is inspired by the 1992  Regal film ‘Aswang’ where my mother, Alma Moreno, played the lead role while pregnant with me,” ang bahagi ng Instagram post ni Winwyn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Winwyn Marquez (@teresitassen)

Dagdag pa niya, “It was designed to reflect the aswang as a terrifying shape-shifter.. graceful and elegant at first glance, but deceptive and fearsome underneath

“Made with rhinestones, acrylic beads, teardrops, embroidery laces, 3D patterns, and spray paints in earth tones, it’s a chilling tribute brought to life and an homage to the rich legacy of Filipino cinema,” sey pa ng Kapuso star.

Tinawag na “Hakot Queen” si Winwyn matapos maiuwi ang siyam sa mga special awards mula sa mga sponsor ng pageant sa ginanap na unang preliminary competition ng national pageant.

Ngayong gabi naman, May 2, magaganap ang grand coronation para sa Miss Universe Philippines 2025 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Ang tatanghaling reyna sa finals night ang siyang magiging representative ng Pilipinas sa 74th Miss Universe pageant na gaganapin sa Thailand sa November.

The post Winwyn Marquez agaw-eksena sa ‘Aswang’ NatCos sa Miss Universe PH appeared first on Bandera.

Winwyn Marquez inokray sa ‘Aswang’ costume sa Miss Universe PH 2025

$
0
0
Winwyn Marquez inokray sa 'Aswang' costume sa Miss Universe PH 2025

Alma Moreno at Winwyn Marquez

IBA’T IBA ang naging reaksyon ng netizens at pageant fans sa inirampang “Aswang” National Costume ni Winwyn Marquez para sa Miss Universe Philippines 2025 preliminaries.

May mga napa-wow sa kanyang inirampang NatCos sa naganap na preliminary competition na aniya’y inspired sa 1992 horror movie na “Aswang” na pinagbidahan ng kanyang inang si Alma Moreno.

Sa Instagram post ng Kapuso star, makikita si Winwyn sa kanyang red body-hugging overall suit with matching gold sequins at red beads, na nagmukha ngang dugo.

Bukod dito, makikita rin sa likod ni Winwyn ang isang nilalang na pinaniniwalaang aswang dahil sa nakakatakot na itsura nito na may mahaba pang dila.

“This costume, in collaboration with Obra Grandiosa by Bryan Diego, is inspired by the 1992  Regal film ‘Aswang’ where my mother, Alma Moreno, played the lead role while pregnant with me,” ang sabi ni Winwyn.

“Kailan pa naging National Costume Ang ganyan? Di ba pinapaaproban ang mga ganyang sauot coz she represent philippines.just asking.”

“It was designed to reflect the aswang as a terrifying shape-shifter.. graceful and elegant at first glance, but deceptive and fearsome underneath.

“Made with rhinestones, acrylic beads, teardrops, embroidery laces, 3D patterns, and spray paints in earth tones, it’s a chilling tribute brought to life and an homage to the rich legacy of Filipino cinema,” dagdag pa ng anak ng dating celebrity couple na sina Alma at Joey Marquez.

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa pa-aswang NatCos ni Winwyn kabilang na ang mga reaksyon ng ating mga ka-BANDERA.

“Parang Tanga, kala mo sinapian.”

“Di ko bet… daming pwede aswang pa.”

“Aswang, an Iconic Role her mother did in a Movie.”

“The worst dress costume.”

“For you sir, pero saamin ok sayo at kayo lang ang hindi kasi hindi kayo marunong maka appreciate ng tema ng national costume.”

“Big No! is not good example for all universe… its a symbol of evilness… hinihikayat na maging masama ang tao na okay lang na maging demonyo ang costume anti christ lang gumagawa nyan!”

“Of all ng pwedeng I concept aswang na mukhang demonyo pa talaga. Sana wag na lang yan.”

“Daming mythical creatures na pwede eh bakit yan pa napili.”

“It’s ok in fact until now many believed there is aswang existing day or night. And targeting the preggy womens. As Wyn says recalling the hit movie of her mom Alma Moreno. Laban laban!!!!!!”

“Masyado naman kasing literal mag-isip ng iba. So Filipiniana costume na lang tayo forever? Eh di wala nang excitement. Aswang naman is very Filipino. It is a representation of a Philippine mythic creature so pasok pa rin. Tapos tribute pa sa Mommy Ness nya. Go Wyn!”

The post Winwyn Marquez inokray sa ‘Aswang’ costume sa Miss Universe PH 2025 appeared first on Bandera.


Kyline Alcantara ipinagtanggol ng kaibigan, kinuwestyon si Kobe Paras

$
0
0

Kyline Alcantara ipinagtanggol ng kaibigan, kinuwestyon si Kobe Paras

TO the rescue ang kaibigan ni Kyline Alcantara na si Trisha Villanueva upang ipagtanggol ang kaibigan laban sa mga pahayag ng ina ni Kobe Paras na si Jackie Forster.

Sa kanyang Facebook post ay diretsahan niyang inilabas ang kanyang komento na maraming kulang sa mga naglalabasang kuwento.

“People only get mad and defensive about certain topics when they know they’re guilty,” panimula ng kaibigan ni Kyline.

Aniya, wala raw sa inilabas na statement ang mga messages na ipinadala sa aktres para i-comfort ito.

Baka Bet Mo: Kyline Alcantara suko na sa isyu ng breakup nila ni Kobe Paras: Move on!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagpapatuloy niya, “Why are so many details left out in the statement video? Where were all the comforting messages (from Kobe’s friends, FAMILY, relatives) that were sent to Kyline? Why comfort and assure someone, if they think Kai was in the wrong?

“Where was the part where Kobe had to restrict his conversations with the 2 girls in instagram? Why hide it? If he was all open about his password, why the need to hide?

Is it because of the same generic excuse of guilty men na ‘ahh kasi alam kong magagalit ka?’ if you already expected na magagalit yung tao bakit kinakausap pa?” dire-diretsang sey pa ni Trisha.

Chika pa ng kaibigan ni Kyline, maraming bagay ang hindi na dapat lumala kung hindi raw ginawa ni Kobe ang kanyang ginawa na hindi na binanggit ni Trisha.

“We get that Kobe is getting a lot of hate, but what about Kai? Do you think she’s getting none of it? Do you see her every night crying herself to sleep?

“Where was the part na Kobe was also aggressively telling Kai na ‘ARE YOU CHEATING ON ME?! YOU’RE DISGUSTING?!’ even if she was only talking to someone na Kobe knows damn well na kababata ni Kai? Takot sa sariling multo? The art of projection? Is this what it is?” pagpapatuloy pa ng kaibigan ni Kyline.

Sinagot rin nito ang umano’y pananakit ng aktres kay Kobe.

“PHYSICALLY ASSAULTED him?? Big words lol, have you forgotten how tall and big your son is?! Kai literally looks like a baby hamster beside Kobe.

“Where was the part where Kyline was already at her breaking point but still manages to care about how Kobe was doing? Where she was so worried about him bottling up his emotions? When I checked up on Kai through imessage, she was more worried about Kobe than herself,” sabi pa nito.

Binanggit rin nito na alam naman ni Kobe na maraming fans sa paligid ngunit pinili pa nitong magdala ng ibang babae sa Bali.

Kyline had every right to be hurt- babae tayo, alam natin yung pakiramdam na ‘ay may iba na agad?’ Is it her fault that she was worried about career? She built her career from ground up, she has every right to protect it given that she’s the breadwinner of the family.

“It’s so crazy that she chose to stay quiet for a reason- not only for herself, but for Kobe as well. Bawal ba magsenti pag malungkot? Masama ba mag sing out ng feelings? She’s obviously trying to vent out with ways that are healthy. Not going abroad- partying and having no care for anything that happens after,” pasaring pa ng kaibigan ni Kyline.

Sinabi rin nitong itinuring nila bilang pamilya si Kobe hindi tulad ng nais umanong iparating ng mga pahayag ng ina ni Kobe.

Sa huli ay nagbabala ang kaibigan ni Kyline na itigil ang pagsasabi ng hindi totoo dahil hindi naman raw kasalanan ng dalaga na magaling ang mga taong magbasa ng mga nangyayari.

Pahabol pa niya, “Almost forgot, NO TO VICTIM BLAMING.”

The post Kyline Alcantara ipinagtanggol ng kaibigan, kinuwestyon si Kobe Paras appeared first on Bandera.

Celia Rodriguez kinuyog ng mga Vilmanians, may patama nga ba kay Ate Vi?

$
0
0

Celia Rodriguez kinuyog ng mga Vilmanians, may patama nga ba kay Ate Vi?

“ANG eulogy dapat tungkol sa namatay (lang), hindi dapat nandadamay ng ibang tao,” ito ang opinyon ni Romel Chika na ibinahagi niya sa “Showbiz Now Na” vlog nila nina Nanay Cristy Fermin at Wendell Alvarez na mapapanood sa YouTube channel.

Nag-ugat ang sinabing ito ni Romel Cika sa eulogy ng beteranang aktres na si Ms Celia Rodriguez sa huling lamay ng National Artist at Superstar na si Ms Nora Aunor sa Heritage Memorial Funeral Homes dahil hindi siya naging sensitibo sa mga sinabi niya.

Nag-react ang Vilmanians sa binitiwang mga salita ng beteranang aktres na bukod tanging ang namayapang si Ms Nora lang ang puwedeng maging National Artist at wala ng iba pa.

Baka Bet Mo: Celia Rodriguez: Isa lang si Nora! ‘Yung gustong pumalit sa kanya, you will fail!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Matindi ang hinampo/galit ng mga Vilmanians kay Ms Celia Rodriguez, kung babasahin mo ‘yung mga post sa social media at sa kani-kanilang mga vlog ay talagang nandoon ‘yung matindi nilang hinampo kung bakit parang pinaringgan ni Manay Celia ang kanilang idolo, ang Star for All Seasons na si Ms Vilma Santos tungkol sa National Artist Award,” pahayag ni ‘Nay Cristy.

Nasambit ng SNN host na hindi niya napanood ang mga pahayag na ito ng batikang aktres hanggang sa nakuha ng director ng kanilang online show na si Tom Nava ang buong footage ng eulogy ni Ms Celia.

“Dalawang footage ‘yun na magkaiba ang sinasabi at napanood natin (kasama sina Romel Chila at Wendell) may dahilan pala kung bakit matindi ang mga hinampo ng Vilmanians kay manay Celia,” say ni nanay Cristy.

Sagot ni Romel Chika, “Oo sabi niya ‘walang susunod sa iyo (Nora) nag-iisa ka lang.”

Ipinakita ang video ni Ms Celia na ang pahayag niya ay, “Sa ngayon, wala pang susunod kay Nora Aunor wala! Mag-isa lang siya! At ‘yung gusting pumalit sa kanya, you will fail dahil siya ay tunay na tao!”

“Di na parang ‘yung pagkasabi niyang ‘yun kahit naman sino (masasaktan) tulad ko halimbawa Vilmanian alam naman natin na maingay na gustung-gusto ng mga Vilmanian hindi si Ms Viilma ha, mga Vilmanian ang nagpu-push na ‘sana ang aming idolo rin mabigay ng National Artist pero nu’ng sinabi niya (Ms Celia) parang ano ‘to?” katwiran ni Romel Chika.

“Ganito lang ‘yan, okay pa kasi sabi naman niya (Celia) opinyon lang naman niya ‘yun at ang bawat tao naman po ay entitled sa kanyang sariling opinyon.

“Palagay ko nagkaroon ng mas malinaw nag alit ang Vilmanians nu’ng magbanggit si manay Celia ng mga pangalan.

“Binanggit niya kasi Tita Gloria Romero, Eddie Garcia, pagkatapos Lea Salonga (sabay pakita ng video na binanggit ang mga personalidad).

“Doon po, ako magpapakatotoo, kung ako ‘yung magsasalita ng eulogy para kay Nora Aunor alam ko sa sarili ko, next to Nora is Vilma. Alam ko sa sarili ko ‘yun kaya kung tatanungin ako kung sino ang susunod na gagawaran ng Pambansang Alagad ng Sining, ang nasa utak ko, Vilma Santos.

“Kasi kung body of work ang pagbabasehan hindi nagkakahuli at sino po ba naman talaga ang pinaglalaban, Nora at Vilma, Vilma at Nora.

“So, kapag ako ang nagsalita, ako ito ah, kung ako’y magsasalita dahil NOranian ako, ang nasa isip ko at lalabas sa bibig ko, isa si Vilma Santos.

“Hindi ko pupuwedeng lampasan ‘yun! ‘Yung pangalan ni Ate Vi at saka ‘yung iisipin ko, ako’y nagsasalita sa harap ng mga Noranians. Nagsasalita ako sa isang grupo na ang dinadakila ay isang Nora Aunor na natural nagpapalakpakan sa aking mga sinasabi, at siyempre pag nagpapalakpakan lalo tayong nasasaksakan ng bitamina at suwero para mas magsalita pa na hindi natin inaakala na meron pala tayong nasasgasaanat nasasaktan, di ba?”paliwanag ni nanay Cristy.

Susog ni Romel Chika, “ako ‘nay kung ako si Ms Celia Rodriguez ‘yung opinyon niya okay na ‘yun pero ‘yung magbanggit ka ng mga pangalan tapos tapos ‘yung inaasahan ng mga taong marinig nilampasan mo.”

Sabi pa ni ‘nay Cristy, “at mayroon ka pang patutsada ‘yung susunod na maga-ambisyong maging Nora Aunor, she will fail (pinakita ulit ang video).”

Dagdag din ni Romel Chika , “oo at sa pagsasalita niya mayroon siyang gusting patungkulan at hindi lang niya mapangalanan.”

Nasambit din ni Ms Celia na bumili ng lang ng awards sabay pakita ng video ulit na sinabi ito ng batiking aktres.

At aware naman din si ms Celia na maraming magre-react sa mga sinabi niya sa eulogy at ipinakita ulit ang video, “iba-bash na naman ako ng ibang tao okay lang i-bash ninyo ako, nagpapakatotoo lang ako.”

“Sa sinabi niyang hindi ako natatakot ma-bash, meron siyang name in her mind na hindi lang niya masabi,” saad ni nanay Cristy.

Anyway, tsinek namin kung nagkasama na sina Ms Celia at Ate Vi sa projects at nabilang namin namin na umabot na saw along pelikula ang pinagsamahan nilang dalawa tulad ng Lipad Darna Lipad (1973); Kampanerang Kuba (1974); Biktima (1974); Karugtong ng Kahapon (1975); Mga Rosas sa Putikan (1976); Coed (1979); Darna at Ding (1980) at Hiwalay (1981).

Nabanggit din ni ‘nay Cristy na pinupuri ni Ms Celia si ate Vi (sabay pakita ng lumang larawang magkasama ang dalawa).

“Opinyon niya (ms Celia) ‘yun, siya ay pinagsalita siya at siya naman ay nagkusa pero sa kanyang pagsasalita hindi siya masyadong naging sensitibo,” opinyon ni nanay Cristy.

Samantala, tsinek din naman kung nakailang projects sina Ms Celia at ang namayapang National Artist at Superstar ay naka-lima naman sila.

Nagsama sila sa mga pelikulang Super Gee (1973); Sapagkat Kami’y Mga Misis Lamang (1976); Palengke Queen (1982); Bulaklak sa City Jail (1984) at Naglalayag (2004).

Maaring sabihing mas nakalalamang ang pagsasama nina Ms Vilma at Ms Celia pero hindi rin pupuwedeng itsupuwera ang sa kanila ni Ms Nora dahil baka kasi sa mga panahong iyon ay mas aktibo sa paggawa ng pelikula ang Star for All Seasons kaysa sa Superstar.

Anyway, totoo naman din talaga na kapag may Nora at may Vilma na naiisip ding siya na susunod na National Artist

The post Celia Rodriguez kinuyog ng mga Vilmanians, may patama nga ba kay Ate Vi? appeared first on Bandera.

Lou Yanong in-unfollow si Kirk Bondad, hiwalay na nga ba?

$
0
0

Lou Yanong in-unfollow si Kirk Bondad, hiwalay na nga ba?

HOW true ang mga kumakalat na chika na tila on the rocks na ang relasyon ng dating “Pinoy Big Brother: Otso” housemate na si Lou Yanong at Filipino-German model na si Kirk Bondad?

Naglipana ang tsismis ukol sa dalawa matapos mamataan ng mga matanglawin na netizens na naka-unfollow na ang PBB alumna kay Kirk sa Instagram.

Bukod pa rito, mapapansin rin na tila wala na ang nga larawan nilang dalawa together sa Instagram feed ni Lou na kuha mula sa kanilang Palawan trip.

Ngunit nang bisitahin naman namin ang Instagram account ni Kirk ay pina-follow pa rin nito ang dalaga.

Baka Bet Mo: Lou Yanong super winner daw, dyowa na ba si Kirk Bondad?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At kung kay Lou ay tila burado na ang kanilang mga larawan, sa account ni Kirk ay naroon pa rin ang mga larawan nilang magkasama.

May mga netizens rin na nang-iintriga kung may kinalaman nga ba ang Miss Universe Philippines 2025 frontliner na si Ahtisa Manalo sa caption ng isa sa kanyang TikTok video na “ang arte na naman niya”.

Ngunit agad naman itong pinalagan ni Lou at sinabing,”Ahtisa’s a sweetheart. Don’t do this.”

Matatandaang nagkapareha sa isang recent bridal fashion show sina Kirk at Ahtisa.

Sa kabila ng mga naglalabasang isyu ay wala pa namang direktang pahayag sina Lou at Kirk sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Matatandaang October 2024 nang i-hard launch ni Kirk ang relasyon nila ng dating PBB housemate nag ibandera nito ang photos at videos nila together sa kanilang Palawan trip.

The post Lou Yanong in-unfollow si Kirk Bondad, hiwalay na nga ba? appeared first on Bandera.

‘Incognito’ patuloy ang pasabog na mga eksena, casts dadayo sa Tacloban

$
0
0

'Incognito' patuloy ang pasabog na mga eksena, casts dadayo sa Tacloban

“ANG sarap pakinggan ng linyahan nila (Maris Racal at Joel Torre) ‘no kasi iba-ibang lengguwahe, hindi boring,” ito ang narinig naming komento ng avid viewer ng Incognito.

Sa episode 68 ng “Incognito” ay may eksenang seryosong nag-usap ang mag-amang Maris/Gab at Joel/Philip sa salitang Ilonggo, English at Tagalog. Ito ‘yung sinabi ng aktres sa mid-presscon ng serye nil ana sobrang kabado siya sa harapan nila ng actor dahil mahaba ang linyahan nila at sinabi nitong inalalayan siya ni Joel.

Ang ganda ng eksenang ipinapaliwanag ni Joel/Philip sa anak na matagal na silang hiwalay ng mama nito at si Emmanuel/Shari na ang mahal niya ngayon pero hindi payag si Maris/Gab at sinabi nitong pera lang ang habol sa tatay niya.

Kaya’t pinamili niya ang ama sa kanila ng stepmom niya at sinagot siya ng hindi nito kayang wala ito kaya’t lalong nagngitngit sag alit si Maris/Gab.

Baka Bet Mo: Hirit ni Anthony Jennings sa ABS-CBN: Sana hindi ako mamatay sa Incognito!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Normal reaction naman talaga ‘yung ganu’n kasi nga nag-iisang anak tapos may kahati sa pagmamahal ng tatay niya,”sambit ng tagasubaybay ng “Incognito”.

At para makasiguradong loyal ang stepmom sa tatay niya ay pinasusubaybayan ni Maris/Gab ito sa Yoga session niya dahil nabalitaan niyang close sila ng instructor at kinakuntsaba si Anthony Jennings/Thomas na mag-enrol para hanapan ng ebidensiya na may naka-kabit na spy camera sa damit.

Samantala, sa episode 66 ay ipinakita na naman ni Zaijian Jaranilla ang husay niya bilang batang rebelde na nauto at tinakot ng pangkat nina Gardo Versoza at pinangakuan ng power at pera.

Sabi nga ni Zaijian as Emer na kailangan niyang patunayan sa sarili niya na kaya niyang lumaban para ipagtanggol ang ka-grupo kaya kahit na anong pilit ng ate niyang si Anna Luna/Rita na umuwi na sila ay hindi ito pumayag bagkus ay nagalit pa siya sa kapatid, ending namatay naman ang batang rebelde.

Guest stars sina Jameson Blake, CJ Novato at Mary Joy Apostol bilang hikers sa bundok na parang hindi naman naramdaman ang kanilang presensiya dahil sandali lang at walang bigat na ipinakita.

Anyway, sa kasalukuyang umeereng episode ay nasa Japan na ang grupong Incognito para hulihin at ibalik ng buhay sa Pilipinas ang hired killer na si Lance Pimentel bilang si Kenji Lee.

Palaisipan naman kung sino ‘yung kinita ni Ian Veneracion/Greg na Misaki sa episode 73 at nasambit nitong ‘nakauwi’ na siya at ‘maligayang pagbabalik’ naman ang sagot ng huli.

Misteryoso sa lahat ng manonood ng Incognito at maging sa ‘kontraks’ kung sino at ano ang istorya ni Ian/Greg dahil hindi ito nagkukuwento tungkol sa buhay niya maliban na dati siyang military.

Sa nakaraang mid-presscon ay tinanong si Ian tungkol sa karakter niya at inaming hindi rin niya alam dahil hindi pa ini-rfe-reveal sa kanya kung sino siya sa kuwento.

Habang simnusulat namin ang balitang ito ay nakabalik na ng Baguio ang grupo at may mga eksenang kukunan at saka dadayo ng Tacloban City dahil sa isang misyon.

Nang ikuwento ito sa amin na patungo sila ng Tacloban ay nasambit naming bayan ito ng nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada at biro naming na baka makiki-kampanya kaya sina Daniel, Maris, Kaila Estrada, Ian, Anthony at Richard sa party list ng nanay ni DJ?

Abangan ang Incognito sa Kapamilya channel, A2Z, at IWantTFC

The post ‘Incognito’ patuloy ang pasabog na mga eksena, casts dadayo sa Tacloban appeared first on Bandera.

Isko Moreno malaki ang lamang sa Octa survey, 63% ang voter preference sa Manila

$
0
0

Isko Moreno malaki ang lamang sa Octa survey, 63% ang voter preference sa Manila

SABI ng Octa Research na sakaling N araw gagawin ang eleksyon ay 100% na mananalo ang tambalang Isko Moreno Domagoso at Chi Atienza sa pagka-alkalde at bise alkalde sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Prof. Ranjit Singh Rye, President ng Octa Research, batay sa resulta nang isinagawa nilang survey nitong Abril 20 hanggang 23, 2025 sa 710,980 respondents mula sa anim na distrito ng Maynila, nakakuha ng kabuuang 63% voter preference si Domagoso mula sa anim na distrito ng Lungsod ng Maynila.

Malayo ito sa mga nakuhang porsiyento ng kanyang mga katunggali na sina incumbent Mayor Honey Lacuna na 18%, Sam Versoza na 16% at Raymond Bagatsing na 1%.

Bagama’t tumaas ng 3% mula sa kanyang dating rating na 15% si Mayor Lacuna, nananatili pa rin na nasa margin of error ito na +/-3% sa OCTA Research survey.

Baka Bet Mo: Pangako ni Isko: Tanggalin ang asawa ni Mayor Lacuna sa Manila City Hall

Si Chi Atienza naman ay nakakuha ng 60% voter preference habang ang katunggali nito na kasalukuyang Vice Mayor ng Maynila na si Yul Servo Nieto ay nakakuha lamang ng 33%.

The post Isko Moreno malaki ang lamang sa Octa survey, 63% ang voter preference sa Manila appeared first on Bandera.

Viewing all 44336 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>