Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44603 articles
Browse latest View live

JC Regino inalala ang habilin ng amang si April Boy: ‘Wag mo kong iwan’

$
0
0
JC Regino inalala ang habilin ng amang si April Boy: 'Wag mo kong iwan'

April Boy Regino at JC Regino

NAPALUHA ang singer na si JC Regino nang mapag-usapan ang huling pag-uusap nila ng yumaong amang si April Boy Regino.

Kahit maglilimang-taon nang namatay ang kanyang amang Jukebox King ay sariwa pa rin sa isipan ni JC ang mga habilin at mga aral ng buhay na ibinahagi sa kanya ni April Boy.

Sa panayam kay JC ng “Fast Talk with Boy Abunda” naging emosyonal si JC nang balikan ang mga huling araw sa mundo ng kanyang tatay at kung ano ang mga payo nito sa kanya.

Ayon kay JC, nasa Amerika siya noon nang hilingin ng kanyang ama na bumalik na siya ng Pilipinas.

Sabi raw sa kanya ni April Boy, “’Anak, balik ka na ng Pilipinas, balik ka na rito. Alam ko mas masaya ka rito kasi mas mahal mo ‘yung music.’ Sabi niya, ‘Kumanta na tayo ulit dalawa.’”

Ikinumpara pa raw ni April Boy ang relasyon nilang mag-ama sa mga superhero ha sina Batman at Robin – dahil sa pangako nila na sa isa’t isa na walang iwanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jc Regino (@iamjcregino)


“’Samahan mo ‘ko, ‘wag mo ‘kong iwan. ‘Wag mo ‘kong iwan, gusto ko, kasama kita lagi mag-perform.’

“‘Yun talaga ‘yung huling-huli na hindi ko makakalimutan kay dad,” sabi pa ni JC.

Ramdam na ramdam pa rin daw niya ang pagkawala ng kanyang ama kahit pa naipagpatuloy niya ang pangarap nila na makabalik sa pagkanta at recording.

“Kapag gumagawa po ako ng kanta. Sa kaniya ko po kasi lagi pinaririnig ‘yung kanta ko. Ngayon, wala na.

“Wala na ‘yung pupunta ako du’n, magsasabi sa akin ng, ‘Anak, ang ganda ng ginawa mong kanta,’” saad pa ni JC.

Nagbigay din siya ng mensahe para kay April Boy, “Maraming, maraming salamat po kay dad kasi kahit wala na siya, ‘yung pangalan niya, nabuhay sa ‘kin.

“Alam ko, ginagabayan niya po ako ngayon so thank you po sa daddy ko, sa pagpapalaki sa ‘kin.”

The post JC Regino inalala ang habilin ng amang si April Boy: ‘Wag mo kong iwan’ appeared first on Bandera.


3 pelikula ni Nora Aunor sa Viva Films muling mapapanood sa mga sinehan

$
0
0
3 pelikula ni Nora Aunor sa Viva Films muling mapapanood sa mga sinehan

Nora Aunor

MARAMING bituin, pero nag-iisa lang si Nora Aunor, isang icon kahit ano pa ang uso at panahon. Sa bawat pagganap, ipinakita niya kung ano ang ibig sabihin ng pagiging tunay na aktres.

Bibigyang-pugay ng Viva Films ang walang kapantay na husay at kontribusyon ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor, sa pamamagitan ng The Superstar Collection: A Tribute to the National Artist—isang espesyal na pagtatanghal ng ilan sa kanyang mga pinaka-iconic at hindi malilimutang obra.

Ang natatanging handog na ito ay isang pagkakataon upang balikan ang mga pelikula ng nag-iisang “Superstar” ng Pilipinas, na eksklusibo ngayong ipinalalabas sa mga sinehan.

Ipinanganak bilang Nora Cabaltera Villamayor noong May 21, 1953 sa Iriga City, Camarines Sur, kinilala siya ng buong bansa bilang Ate Guy.

Mula sa isang simpleng buhay ng pagtitinda ng tubig malapit sa riles ng Bicol, umusbong ang isang “Superstar” na naging isa sa pinakamatagumpay at pinaka-respetadong aktor sa Pilipinas.

Mahigit limang dekada niyang pinahanga at pinukaw ang damdamin ng madla. Ang kanyang mga mata, kayang magsalita kahit wala siyang sinasabi. Ang kanyang tinig, tumatagos sa puso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa kanyang bawat eksena, hindi lang siya umaarte—nagiging larawan ito ng katotohanan ng buhay.

Sa mahigit 170 pelikula na kanyang nagawa, ang kanyang karera ay tunay na makasaysayan at matagumpay. Itinuturing siyang pinakamagaling na aktres sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino at isa sa pinakamahusay sa buong mundo.

Siya ang may hawak ng record bilang most awarded at nominated na aktres sa industriya. Noong 1990, siya ang kauna-unahang Grand Slam Actress nang manalo sa limang pangunahing award-giving bodies (Urian, FAMAS, FAP, MMFF, at PMPC) para sa kanyang pagganap sa “Andrea, Paano Ba Maging Isang Ina?”

Naging bahagi siya ng FAMAS Hall of Fame noong 1992, at nakatanggap ng FAP Lifetime Achievement Award noong 1993. Kabilang din siya sa 100 Centennial Honorees for the Arts ng Cultural Center of the Philippines noong 1999.

Hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, kinilala ang kanyang husay. Napanalunan niya ang Best Actress sa Cairo International Film Festival para sa “The Flor Contemplacion Story” (1995), isang tagumpay na lalong nag-angat sa pelikulang Pilipino sa pandaigdigang entablado.

Muli siyang gumawa ng kasaysayan nang manalong Best Actress sa Asia Pacific Screen Awards at Asian Film Awards para sa “Thy Womb” (2012).

Bukod sa pelikula, nangibabaw din ang kanyang talento sa musika. Naglabas siya ng higit 500 kanta, kabilang ang mahigit 260 single – kasama na ang million-selling hit ng kanyang cover ng “Pearly Shells” (1971).

Ang kanyang ambag sa pelikula, telebisyon, musika, at teatro ay hindi na mabubura sa ating kultura.

Noong 2022, tinanggap niya ang pinakamataas na parangal sa sining: ang Order of National Artist. At ngayong taon, gagawaran siya ng posthumous Presidential Medal of Merit bilang pagpupugay sa kanyang pambihirang kontribusyon sa sining at lipunan.

Inaanyayahan ng Viva Films na ipagdiwang ang kanyang legacy at panoorin ang ilan sa kanyang iconic na pelikula sa The Superstar Collection.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


P150 lamang per ticket at mapapanood na sa mga piling sinehan sa SM Cinemas, Robinsons Movieworld, Fisher Mall Cinemas, at Gateway Mall.

Tampok sa The Superstar Collection ang mga sumusunod:

1. Beloved – Digitally Enhanced (1985, directed by Leroy Salvador) Tampok sina Nora at Hilda Koronel sa isang matinding tunggalian ng dalawang magkaibigang nawasak ang samahan dahil sa pagtataksil.

2. The Flor Contemplacion Story – Digitally Enhanced (1995, directed by Joel Lamangan) Isang mapait na kwento ng isang OFW at ang kanyang laban para sa hustisya. Ang makasaysayang pelikulang ito ay umani ng maraming parangal sa buong mundo at nananatiling isa sa mga pinakamahalagang obra ng Viva Films.

3. Mananambal (2024, directed by Adolfo Alix, Jr.) Isang horror-drama kasama si Bianca Umali tungkol sa isang kababalaghan at kadiliman sa isla ng Siquijor, panoorin ang kahusayang ipinamalas niya sa kanyang karakter sa kanyang huling pagganap sa pelikula.

Sabay-sabay nating balikan at alalahanin ang isang natatanging idolo sa The Superstar Collection.

Para sa kanyang loyal fans at sa bagong henerasyon, isa itong paanyaya upang muling mapanood ang isang natatanging babae na sumalamin sa bawat damdamin ng sambayanang Pilipino.

Dahil kahit lumisan na ang isang alamat, hindi kailanman mawawala ang kanyang liwanag.

The post 3 pelikula ni Nora Aunor sa Viva Films muling mapapanood sa mga sinehan appeared first on Bandera.

Alynna nakiusap sa bashers, huwag banatan, sisihin pamilya ni Hajji

$
0
0
Alynna nakiusap sa bashers, huwag banatan, sisihin pamilya ni Hajji

Hajji Alejandro, Rachel Alejandro at Alynna Velasquez

NANAWAGAN ang singer na si Alynna Velasquez na tigilan na ang pamba-bash at pagbanat sa pamilya ng yumao niyang partner na si Hajji Alejandro.

Nagbabardagulan ngayon ang mga netizens dahil sa mga ipinost ni Alynna sa social media patungkol sa kanyang pagluluksa simula nang mamatay ang OPM icon.

Pumanaw si Hajji noong April 21, dahil sa stage 4 metastatic colon cancer. Siya ay 70 years old.

Nag-viral kasi ang pagpunta ni Alynna sa Eastwood Walk of Fame kung saan may star si Hajjikung saan siya nag-allay ng bulaklak, nagsindi ng kandila at nagdala ng litrato ng pumanaw niyang partner.

Aniya, doon na lang daw siya nagpunta dahil hindi siya nakapunta sa lamay ni Hajji sa Heritage Memorial Park “for reasons I don’t have control of.”

Sa kanyang Instagram at Facebook post, sinabi ni Alynna na wala siyang intensiyong mag-viral o magpa-trending ng kanyang mga naunang post.


Sey niya sa caption, “Never in my wildest dreams did I imagine that my video would become viral.

“To me, it was just a quiet and solemn way to honor the man I love.

“I didn’t point a finger at anyone. I was ok with it. Rather, I blamed myself and just accepted my fate.”

Kasunod nito, sinabi rin niya na wala siyang sinising tao na nagsabing ayaw siya payagang pumunta sa lamay ni Hajji.

“Over the pleasant and deeply impactful comments from my post, there were harsh pronouncements blown out of proportion.

“Nanganak na nang nanganak. Comment section became a debate box,” aniya pa.

Kaya pakiusap ni Alynna sa netizens, huwag atakihin ang pamilya ni Hajji.

Pagpapatuloy pa niya, “Dear friends and followers, please don’t attack or blame the family. There are some members who respect me and those who hate my existence.

“It’s just my destiny and predetermined path. And I am also defective at times. For these, I apologize.

“My biggest regret is I let some people interfere with our lives. So many wasted time.

“Life is just so short. Love the people who love the people you love. (heart emoji).”

The post Alynna nakiusap sa bashers, huwag banatan, sisihin pamilya ni Hajji appeared first on Bandera.

Bakit lumiliit ang itlog kapag matindi ang init ng panahon?

$
0
0
Bakit lumiliit ang itlog kapag matindi ang init ng panahon?

File photo

LUMILIIT at nababawasan pala ang sukat at bigat ng mga itlog kapag talagang matindi ang init ng panahon.

Kaya naman inaasahan na naman ang ganitong senaryo pagdating sa bentahan ng mga itlog ngayong taon dahil sa matinding init ng panahon sa bansa.

Noong nakaraang taon pa ibinahagi ng Egg Board Association ang tungkol sa posibleng pagliit ng mga ibinebentang itlog sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay EBA president Francis Uyehura, dahil sa heat stress ng mga inahing manok, dulot ng El Nido Phenomenon, humihina ang pagkain ng mga ito kaya ang resulta, bumaba ang produksyon ng mga itlog at pagliit nito.

“Generally, lahat ng farm producer ay nakakaranas na ng problema sa sobrang init.

“Number one na epekto ng sobrang init ay ‘yung paghina ng pagkain ng manok na resulta ng pagbaba ng egg production at pagliit ng sizes.

“Nagkakaroon ng imbalance, mas marami yung maliliit,” ang pahayag ni Uyehura sa panayam sa TeleRadyo Serbisyo.

Nabanggit din na tumataas ang chicken mortality bilang resulta ng matinding init, lalo na raw sa hilagang bahagi ng bansa.

“The intense heat will not have an effect on the nutritional value of the egg. The problem is the eggs are getting smaller.

“If before, farmers are getting large or XL eggs, now there are more small or even extra small eggs,” saad pa ni Uyehura sa panayam sa kanya.

The post Bakit lumiliit ang itlog kapag matindi ang init ng panahon? appeared first on Bandera.

Barbie Forteza rarampa, aawra nang bonggang-bongga sa ‘Beauty Empire’

$
0
0
Barbie Forteza rarampa, aawra nang bonggang-bongga sa 'Beauty Empire'

Barbie Forteza at Kyline Alcantara

NANGAKO ang Kapuso actress na si Barbie Forteza na ibang-iba naman ang ipakikita niya sa upcoming series ng GMA 7 na “Beauty Empire.”

Siguradong ikatutuwa ng kanyang mga tagasuporta ang gagampanan niyang role sa naturang teleserye na super different daw kumpara sa kanyang past projects.

“Coming from grand period drama na Maria Clara at Ibarra Pulang Araw, ngayon we will step into beauty and fashion.

“Bu-Beauty si ate Barbie, pa-fashion siya. So very, very excited. Together with my glam team, we’re all very excited,” ang pahayag ni Barbie sa panayam ng “24 Oras.”

Bukod kay Barbie, bibida rin sa bagong revenge-drama series ng Kapuso network sina Kyline Alcantara, Ruffa Gutierrez, at Gloria Diaz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janra (@janra_)


Chika ni Kyline, magkakahalong emosyon ang na-feel ni Kyline nang ialok sa kanya ang naturang serye lalo pa’t ang gagaling lahat ng kanyang co-stars.

“Kinakabahan ako nang sobra-sobra kasi napakalaking proyekto nito. This is my biggest so far. I feel so honored at the same time.

“Kasi si Ms. Ruffa, si Ms. Gloria nasa harap ko. At isa si Barbie sa tinitingala kong artista sa henerasyon ko,” sey ni Kyline.

Samantala, ngayon pa lang ay excited na si Ruffa sa pagbabalik niya sa GMA kung saan first time niyang makakatrabaho sina Barbie at Kyline, pati na rin ang kapwa niya beauty queen na si Gloria Diaz.

“I started my career in television here in GMA at the tender age of 14. And now I can’t lie about my age anymore. I’m 50 and I’m back here with GMA. So, I’m really excited,” sey ni Ruffa.

Ka-join din sa cast ng “Beauty Empire” ang Korean actor na si Choi Bo Min, Chai Fonacier, Sid Lucero, Sam Concepcion at marami pang iba.

The post Barbie Forteza rarampa, aawra nang bonggang-bongga sa ‘Beauty Empire’ appeared first on Bandera.

Sofia Andres, Daniel Miranda nagkabati rin matapos magkaasaran

$
0
0
Sofia Andres, Daniel Miranda nagkabati na matapos magkaasaran

Daniel Miranda at Sofia Andres

“NASA ABS-CBN po sila ngayon ni Dan,” ang mensahe sa amin ng taong malapit sa magkarelasyong sina Sofia Andres at Daniel Miranda.

Kamakailan ay nag-viral na tila hiwalay na sina Sofia at Daniel dahil in-unfollow nila ang isa’t isa sa kani-kanilang Instagram account.

Naging batayan na kasi ngayon na hiwalay na ang magdyowa o mag-asawa kapag in-unfollow nila ang isa’t isa sa social media.

Bukod dito ay may mga cryptic posts pa si Sofia sa kanyang Facebook account na tila may pinagdaraanan siya at marami kaming nabasang nakikisimpatiya sa kanya.

Anyway, tinanong namin ang taong malapit kina Sofia at Daniel kung anong meron sa ABS-CBN at bakit naroon sila pareho.

“May interview sila sa Kuan on One ba ‘yun?” sagot sa amin.

Ang “Kuan on One” ay ang online talk show ni Melai Cantiveros na napapanood sa YouTube channel ng ABS-CBN at iWantTFC.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Daniel Miranda (@danielmirandaa_)

Pawang mga Bisaya ang nagiging guest ni Melai sa kanyang online talk show dahil ito ang konsepto ng nasabing programa at nasa season 2 na ito.

“Bati na po sina Sofia at Daniel?” tanong namin sa aming kausap.

“Okay naman po sila, tampuhan lang, asaran ba,” kaswal na sagot sa amin.

Para saan po ‘yung mga cryptic post ni Sofia sa FB account niya?

“Mga poser po ‘yun marami po account na Sofia Andres sa FB,” kaswal na banggit sa amin.

Wala bang gagawin ang aktres sa posers niya dahil nasasaklawan na nito ang personal niyang buhay.

“Hayaan n’yo na, baka magpo-post din po siya (Sofia),” sagot sa amin.

Paano po maipapaliwanag na in-unfollow nina Sofia at Daniel ang isa’t isa sa IG.

“He-hehe!” ang tanging reaksyon ng aming kausap.

Hmmmm, hindi kaya drama lang ito para may pag-usapan sa interview ni Melai kina Sofia at Daniel?

Sakto naman na may post ang admin ng Sofia Andres FB account ng larawan ng aktres na nakasandal sa malaking poste ng ABS-CBN studio na ang caption ay, “Hello ABS-CBN (black heart emoji).”

Nag-viral naman kaagad ang larawang ito ng dalaga (hindi pa kasal kay Daniel) na pinupuri sila.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag nina Sofia at Daniel hinggil sa isyung ito.

The post Sofia Andres, Daniel Miranda nagkabati rin matapos magkaasaran appeared first on Bandera.

Kyline never naging ‘manipulative’, ‘abusive’ sa relasyon nila ni Kobe

$
0
0
Kyline never naging 'manipulative', 'abusive' sa relasyon nila ni Kobe

Jackie Forster, Kyline Alcantara at Kobe Paras

NAGLABAS ng saloobin ng isang taong nakakakilala kay Kyline Alcantara matapos isa-isahin ni Jackie Forster ang mga nalalaman niya tungkol sa breakup ng aktres at anak niyang si Kobe Paras.

Hindi na raw napigilan ng isang nagngangalang Zamantha Rose ang sarili na magsalita at ipagtanggol si Kyline sa mga pasabog na akusasyon ni Jackie.

Base sa mga nabasa naming comments mula sa mga netizen, si Zamantha Rose ay karelasyon ng kapatid ni Kyline na si Robin Alcantara.

Napanood namin ang inilabas na video ni Jackie sa social media kung saan ipinagtanggol nga niya ang anak na si Kobe na tinatawag ngayong cheater matapos silang mag-break ni Kyline.

Ipinagdiinan ng dating aktres na walang cheating na nangyari at never niloko ni Kobe si Kyline tulad ng naglalabasang chika sa socmed.

Inilarawan pa niya si Kyline bilang “toxic” at “violent” noong magdyowa pa sa ni Kobe, “You’re allowing Kobe to be painted as the villain. All because he didn’t want to be with you anymore.”

Kasunod nga nito, nag-post sa Instagram Stories ang dyowa ng kapatid ni Kyline para depensahan ang aktres. Ni-repost naman ito ng utol ni Kyline sa kanyang IG page.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Walang binanggit na pangalan si Zamantha, pero in-upload niya sa IG ang screenshot ng YouTube video ni Jackie at ni-irepost din ng kuya ni Kyline sa kanyang IG Stories.

Narito ang post ni Zamantha, “As a mother, I respect your instinct to protect your family.

“However, having lived with Kyline and Kobe, I saw the situation up close, and I can confidently say much of what has been said is untrue and deeply misleading.

“Kobe confided in me before he left, and I listened with empathy because mental health is important.

“His feelings are valid but so is the truth. The narrative being pushed twists facts and unfairly attacks Kyline’s character,” ani Zamantha na ang tinutukoy ay ang pagiging “violent” umano ni Kyline kay Kobe.

Pagpapatuloy pa niya, “To then release a video dragging Kyline’s name, bringing up her parents’ past, and casting untruthful accusations is not only hurtful, it is irresponsible.

“Kyline is not, and has never been, manipulative or abusive. She has been nothing but supportive toward Kobe.

“To publicly damage her reputation with false claims, especially when she has done nothing to deserve it, is deeply wrong,” pahayag pa ni Zamantha.

Dugtong pa niya, “If there was true intent to resolve this amicably, it would have been handled privately not through public attacks disguised as concern.

“I sincerely hope moving forward, you can choose integrity, fairness, and genuine respect over distortion and harm.

“Lastly, Kyline deserves to be defended with the same grace and dignity she has always shown.”

Sa hiwalay niyang post sa IG Stories nagpaliwanag si Zamantha kung bakit siya nagsasalita ngayon, “It might be confusing to some of you why I suddenly appeared and why I seem to be ‘involving’ myself. I value my privacy deeply, especially in my relationships with Robin and Kyline.

“I choose to share moments with them in ways that won’t be easily taken out of context or exploited. In a world where so much of Kyline’s life is made public, I believe she deserves friendships that protect her peace.

“If others feel entitled to speak on situations they weren’t present for, maybe I, someone who was there, can also share my perspective.

“It’s painful for those who truly know and care for Kyline to watch her name be dragged through the mud, with people weaponizing her past to claim she has an ‘abusive pattern.’

“We know this couldn’t be further from the truth.

“To everyone reading this, I encourage you to take a step back and see the bigger picture. Stories are never one-sided.

“Those who claim this is a ‘pattern,’ have you ever considered that perhaps the real pattern is Kyline’s ability to see the good in people, to forgive, and to love despite everything?

“When she finally chooses herself and walks away after being disrespected, why is she ALWAYS painted as the villain?

“Is it a crime to forgive repeatedly, only to be judged when you decide you deserve better?”

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag nina Jackie, Kobe at Kyline hinggil sa isyung ito.

The post Kyline never naging ‘manipulative’, ‘abusive’ sa relasyon nila ni Kobe appeared first on Bandera.

66 kandidata sa Miss Universe PH 2025 nagbardagulan sa preliminary show

$
0
0
66 kandidata sa Miss Universe PH 2025 nagbardagulan sa preliminary show

Ang mga kandidata sa Miss Universe Philippines 2025

BARDAGULAN sa rampahan ang 66 na kandidata sa naganap na preliminary competition ng Miss Universe Philippines 2025.

Ang pre-pageant show ay ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City kagabi, April 28, kung saan nagpakitang-gilas ang official candidates sa pagrampa sa dalawang segment.

Isa-isang pumarada ang 66 kandidata para sa swimsuit round suot ang kanilang swimwear (with matching capes) na may shade ng purple at lavender.

Kasunod nito, muling rumampa ang mga Miss Universe Philippines 2025 contestants sa evening gown segment kung saan suot nila ang napiling gown mula sa choice nilang designer.

Kanya-kanyang paandar at pasabog ang mga kandidata sa naganap na preliminary competition ng naturang national pageant.

Sina reigning Miss Universe Philippines Chelsea Manalo, na hinirang bilang first-ever Miss Universe Asia sa naganap na Miss Universe 2024 sa Mexico last year, ang nag-host ng show kasama si Erika Kristensen-Lee.

Nagsilbi namang mga hurado sina Kapuso actress Bianca Umali at Miss Universe Philippines director Shamcey Supsup-Lee.

Nauna rito, humarap muna ang 66 candidates sa individual interview kung saan na-test naman ang kanilang intelligence sa pagsagot sa mga questions mula sa panel of interviewers.

Ang makukuhang score ng mga kandidata sa interview round, swimsuit contest, at evening gown segment ang magiging basehan kung sinu-sino ang papasok sa semi-finals.

Inaasahang bukod sa mga candidate na makakakuha ng highest scores mula sa mga judge , makakasama rin sa finals ang mga mangunguna sa mga online polls.

Bukas, April 30, muling magbabardagulan ang mga contestant para naman national costume competition na susundan ng Charity Gala Night sa Okada Manila.

The event will be attended by reigning Miss Universe Victoria Kjær Thielvig, and his four continental queens, kasama si Chelsea Manalo.

Magaganap naman ang Miss Universe Philippines 2025 grand coronation night sa darating na May 2, sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Ang tatanghaling reyna sa finals night ang siyang magiging representative ng Pilipinas sa 74th Miss Universe pageant na gaganapin sa Thailand sa November.

The post 66 kandidata sa Miss Universe PH 2025 nagbardagulan sa preliminary show appeared first on Bandera.


Jackie Forster nagsisi sa pagtatanggol kay Kyline, hindi nakinig sa mga warning

$
0
0
Jackie Forster nagsisi sa pagtatanggol kay Kyline, hindi nakinig sa mga warning

Kyline Alcantara, Kobe Paras at Jackie Forster

IPINAGTANGGOL pa ni Jackie Forster ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara laban sa mga taong nangnenega sa dalaga nu’ng magdyowa pa sila ni Kobe Paras.

Nagsisisi ngayon ang dating aktres dahil hindi raw siya nakinig sa mga nakakausap niya na nakakakita sa mga “red flags” umano ni Kyline.

Ayon sa nanay ni Kobe, gusto sana nilang manahimik na lang sa isyu ng breakup ng anak niya at ni Kyline pero feeling niya kailangan na niyang magsalita at ipagtanggol ang binata sa mga bashers at haters.

Ipinagdiinan niyang hindi cheater si Kobe at wala itong pinatulang ibang babae noong magkarelasyon pa sila ni Kyline tulad ng pinalalabas ng mga taong nagtatanggol sa aktres.

Nag-effort din daw si Kobe para maayos ang problema nila ni Kyline pero nagdesisyon daw ang basketball player na tuluyan nang hiwalayan ang aktres dahil sa mga “unforgivable” na pangyayari.

At kahit na raw naghiwalay ang dalawa, tuloy pa rin daw ang pakikipag-ugnayan ng family ni Jackie kay Kyline para damayan ito sa kanyang pinagdaraanan.

“We are Kobe’s family, but out of respect, we still tried to be there for her, to help console her, to listen, and to be understanding,” ayon pa kay Jakie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pahayag pa ni Jackie, “I’m confused as to why Kyline and the people on her side are allowing Kobe to look like he’s a cheater, and she just wants to keep quiet to protect her own peace.”

Saad pa ni Jackie, parang hindi rin daw tama na husgahan si Kobe dahil mabilis itong naka-move on kay Kyline, “But I think that’s better than loving someone while pretending to be somebody that they’re not.”

Patuloy pa niya, “I defended you, Kyline. I regret not listening to those warnings.”

Nauna rito, naglabas ng saloobin ang isang taong nakakakilala kay Kyline Alcantara matapos isa-isahin ni Jackie ang mga nalalaman niya tungkol sa breakup ng aktres at ni Kobe.

Hindi na raw napigilan ng isang nagngangalang Zamantha Rose ang sarili na magsalita at ipagtanggol si Kyline sa mga pasabog na akusasyon ni Jackie.

Base sa mga nabasa naming comments mula sa mga netizen, si Zamantha Rose ay karelasyon ng kapatid ni Kyline na si Robin Alcantara.

Nag-post sa Instagram Stories ang dyowa ng kapatid ni Kyline para depensahan ang aktres. Walang binanggit na pangalan si Zamantha, pero in-upload niya sa IG ang screenshot ng YouTube video ni Jackie at ni-irepost din ng kuya ni Kyline sa kanyang IG Stories.

“Kyline is not, and has never been, manipulative or abusive. She has been nothing but supportive toward Kobe.

“To publicly damage her reputation with false claims, especially when she has done nothing to deserve it, is deeply wrong,” pahayag ni Zamantha.

Dugtong pa niya, “If there was true intent to resolve this amicably, it would have been handled privately not through public attacks disguised as concern.

“I sincerely hope moving forward, you can choose integrity, fairness, and genuine respect over distortion and harm.

“Lastly, Kyline deserves to be defended with the same grace and dignity she has always shown.”

The post Jackie Forster nagsisi sa pagtatanggol kay Kyline, hindi nakinig sa mga warning appeared first on Bandera.

Zsa Zsa Padilla sumailalim sa robotic surgery dahil sa matagal nang sakit

$
0
0
Zsa Zsa Padilla sumailalim sa robotic surgery dahil sa matagal nang sakit

Zsa Zsa Padilla

MATINDI rin pala ang naging laban ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla nitong mga nagdaang taon sa kanyang health condition.

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang comeback concert sana niya two years ago bilang pagdiriwang sa kanyang 40th anniversary sa entertainment industry.

Kinailangan muna ni Zsa Zsa na unahin ang kanyang kalusugan at magpaga­ling sa kanyang medical condition na nakuha raw niya since birth.

Ipinanganak pala ang singer na may mega ureter. Ang kaliwang ureter niya ay kasinglaki ng sausage kung saan dapat ay manipis na tubular structure lang ito. Ang kanang ureter naman niya ay normal.

Dahil sa kondisyong ito ay paulit-ulit pagkakaroon niya ng UTI (urinary track infection) at naging regular na raw ang pag-inom niya ng oral antibiotic.

Taong 2007 nang ma-diagnose siya ng naturang sakit kaya kinailangan niyang sumailalim sa dalawang klase ng surgery.

Inoperahan siya noong 2007 matapos gawin ang pelikulang “Zsa Zsa Zaturnah” kung saan itinama ang kanyang kaliwang ureter. Ngunit nagkaroon daw siya ng impeksyon dahilan para mag-take siya ng mga antibiotic.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla)


Kasunod naman nito ay nagkaroon siya ng (pee) reflux at ang pag-andar daw ng kanyang kaliwang bato ay mas mababa kesa sa karaniwan.

Hanggang sa nagpasya na siyang magpunta sa Amerika noong January, 2024 pero ang payo raw s kanya ay huwag munang magpa-opera.

Pagbalik daw niya sa Pilipinas ay narinig niya ang ilang kakilala na nagpapagamot sa Singapore kaya nag-inquire siya hinggil dito hanggang sa may mga doktor na siyang nakausap about her condition.

Kuwento ni Zsa Zsa na-amaze siya sa isinagawang robotic operation sa kanya sa Singapore. Sobrang high-tech daw talaga ng naturang procedure.

At in fairness, wala rin daw siyang naramdamang pain at mabilis din ang kanyang naging recovery. Kaya naman ngayon daw ay handang-handa na siyang sumabak uli sa kanyang 42nd anniversary concert.

Excited na sa kanyang pagbabalik sa live stage ang mga fans para sa upcoming concert niyang “Zsa Zsa: Through The Years” sa darating na May 17 sa Samsung Performing Arts Theater sa Ayala Malls Circuit Grounds, Makati.

The post Zsa Zsa Padilla sumailalim sa robotic surgery dahil sa matagal nang sakit appeared first on Bandera.

Janine Gutierrez ibinandera na rin ang pagsuporta kay Bam Aquino

$
0
0
Janine Gutierrez ibinandera na rin ang pagsuporta kay Bam Aquino

Anne Curtis, Bam Aquino at Janine Gutierrez

ISA pang “dyosa” ang nagpahayag ng suporta sa pagtakbong senador ni dating Sen. at independent candidate Bam Aquino.

Gaya ng kanyang kapwa “dyosa” na si Anne Curtis, kabilang na rin si Janine Gutierrez sa mga nagsusulong sa kandidatura ni Bam.

Nag-share si Janine sa kanyang Instagram Story ng isang video ng isang ina na nagpapasalamat kay Sen. Bam para sa pagpasa ng Free College Law.

Sa naturang video, isang ina ang nagpa-thank you kay Bam sa isinulong nitong batas na nakatulong sa kanyang anak na makapagtapos ng nursing mula sa Bataan Peninsula State University (BPSU).

“Nagpapasalamat po ako kay Senator Bam Aquino. Dahil po sa kanya, nakatapos po ang anak ko ng nursing,” sabi ng nanay kay Bam nang bumisita ang senador sa Balanga Public Market sa Balanga, Bataan.

Tulad ni Anne, tinagurian ding “dyosa” si Janine ng kanyang fans at entertainment writers dahil sa kanyang pak na pak na pictorials.

Matagal nang nagpapahayag ng suporta si Anne para kay Bam sa kanyang social media accounts.

Nag-repost ang aktres ng panawagan ni Bam sa mga botante sa X (dating Twitter) at dinagdag ang caption na “Number 5” — na siyang numero ni Bam sa balota.

Sa ‘di inaasahang pagkakataon, nagkita sina Anne at Bam sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 kung saan personal na nakausap ng aktres ang senador.

Nagpa-picture si Anne kay Bam at nag-flash ng No. 5 sign para gawing mas matindi o mas malakas ang kanyang endorsement. Sa caption ng photo, nilagay ni Anne, “Bumped into someone I am voting for!”

Nasa Top 12 na si Bam sa mga survey ng Pulse Asia, WR Numero, at OCTA Research.

Nakakuha si Bam ng 28.6 percent rating sa Pulse Asia survey; mula sa ika-15 hanggang ika-17 sa ranking noong Pebrero, tumalon na siya sa spot sa Magic 12.

Pang-12 din siya sa pinakahuling WR Numero survey kung saan nakamit niya ang 26.4 rating.

The post Janine Gutierrez ibinandera na rin ang pagsuporta kay Bam Aquino appeared first on Bandera.

Angelika dela Cruz sa plunder case: Baka susunod ipapatay n’yo ‘ko, ha!

$
0
0
Angelika dela Cruz sa plunder case: Baka susunod ipapatay n'yo 'ko, ha!

Angelika dela Cruz

KINASUHAN ng plunder o pandarambong ang aktres at public servant na si Angelika dela Cruz sa Office of the Ombudsman kamakailan.

Aabot sa humigit-kumulang na P70 million ang sangkot sa naturang kaso na umano’y mula sa kaban ng Barangay Longos sa Malabon City.

Kasalukuyang barangay captain ng Longos si Angelika at kumakandidato ngayong vice mayor ng Malabon.

Bukod sa plunder, kinasuhan din ang aktres ng 62 counts of malversation of public funds o paglabag sa Article 217 of the Revised Penal Code; 18 counts of failure to render accounts o paglabag sa Article 218 ng Revised Penal Code; illegal use of public funds o paglabag sa Article 220 ng Revised Penal Code; at 64 counts ng anti-graft and corrupt practices act o paglabag sa R.A.3019.

Ito’y dahil naman umano sa mga nawawalang kagamitan, hindi maipaliwanang na paggastos sa pondo ng barangay.

Nahaharap din ngayon sa reklamong administratibo si Angelika dahil sa umano’y pagpapabaya sa kanyang trabaho bilang barangay captain at pag-absent  nang walang official leave.

Bukod sa aktres, damay din sa kaso ang kanyang barangay kagawad na kapatid na si Erick na sinampahan naman ng reklamong grave misconduct.

Sinagot agad ni Angelika ang mga akusasyon sa kanya sa pamamagitan ng Facebook na aniya’y politically-motivated.

Post ng aktres, “Grabe tlg ang politics pag hindi nila nakuha ang gusto nila sa siraan next step kakasuhan ka naman nila.

“Haayyy baka sa susunod nyan ipapatay nyo ako ah,” aniya.

Wala pang inilalabas na official statement si Angelika hinggil sa mga kinakaharap na patung-patong na kaso.

The post Angelika dela Cruz sa plunder case: Baka susunod ipapatay n’yo ‘ko, ha! appeared first on Bandera.

Kyline Alcantara suko na sa isyu ng breakup nila ni Kobe Paras: Move on!

$
0
0
Kyline Alcantara suko na sa isyu ng breakup nila ni Kobe Paras: Move on!

Jackie Forster, Kyline Alcantara at Kobe Paras

GUSTO nang mag-move on ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara mula sa controversial breakup nila ng dating partner na si Kobe Paras.

Ito ang laman ng inilabas na official statement ng Sparkle GMA Artist Center hinggil sa mga isyung kinasasangkutan ng kanilang artist na si Kyline dahil sa breakup nila ni Kobe.

Nag-issue ng opisyal na pahayag ang Sparkle matapos maglabas ng video ang nanay ni Kobe na si Jackie Forster tungkol sa mga nalalaman niya kung bakit naghiwalay ang celebrity couple.

Dahil dito, mas lalo pang uminit ang usapin sa paghihiwalay nina Kobe at Kyline kasabay ng paglabas ng kung anu-anong espekulasyon mula sa mga netizens.

Pareho ngayong nanenega at naba-bash sina Kobe at Kyline dahil sa mga nakakalokang rebelasyon ni Jackie. Matindi rin ang natatanggap na batikos ni Jackie matapos ang kanyang pagsasalita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Narito ang buong statement ng Sparkle.

“Kyline would like to move on with this issue.”

“She has chosen to keep her peace and maintain the respect for the people who have been part of her life.”

“She hopes we can all move on and put this issue to rest.”

Nauna rito, ipinagtanggol naman si Kyline ni Zamantha Rose, ang dyowa ng kanyang kapatid na si Robin Alcantara.

Nag-post sa Instagram Stories si Zamantha para depensahan ang aktres laban kay Jackie.

“Kyline is not, and has never been, manipulative or abusive. She has been nothing but supportive toward Kobe.

“To publicly damage her reputation with false claims, especially when she has done nothing to deserve it, is deeply wrong,” pahayag ni Zamantha.

Dugtong pa niya, “If there was true intent to resolve this amicably, it would have been handled privately not through public attacks disguised as concern.

“I sincerely hope moving forward, you can choose integrity, fairness, and genuine respect over distortion and harm.

“Lastly, Kyline deserves to be defended with the same grace and dignity she has always shown.”

The post Kyline Alcantara suko na sa isyu ng breakup nila ni Kobe Paras: Move on! appeared first on Bandera.

KaladKaren sa pagpanaw ni Jiggly Caliente: Rest in power! Love you tehhh!

$
0
0
KaladKaren sa pagpanaw ni Jiggly Caliente: Rest in power! Love you tehhh!

Jiggly Caliente at KaladKaren

IPINAGLULUKSA rin ngayon ng TV host-actress na si KaladKaren ang pagpanaw ng “Drag Race Philippines” judge na si Jiggly Caliente nitong nagdaang April 27.

Magkasama sina KaladKaren at Jiggly bilang mga hurado ng “Drag Race Philippines” kaya naman durog din ang puso ng Kapatid TV host sa pagkawala ng kanyang kaibigan.

Idinaan ni KaladKaren ang kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ng drag artist sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Kalakip ang ilan nilang litrato nila ni Jiggly together, mababasa sa caption ni KaladKaren, “I just lost my favorite seat mate.


“Drag Race Philippines will never be the same without you.

“Thank you for everything, my dearest sister.

“Rest in power. I love you tehhhhh,” ang mensahe pa ng proud transwoman para sa namayapang kaibigan.

Narito ang ilang komento ng mga IG followers ni KaladKaren sa kanyang post para kay Jiggly.

“Mamimiss ko yung asaran nyo.”

“Nakakaiyaq naman huhu! love na love ko pa naman si mama jiggly mag judge.”

“Mamimiss kosya na judge sa drag, rip queen jigly.”

“So heartbreaking! So sorry. Sending hugs and love.”

“Grabe nakaka baba ng moral tong balitang to mars.. @kaladkaren.”

“Thank you for loving Jiggly same with Mami Katkat restwell Jiggly. Dragrace PH wont be the same without you.”

Bago namaalam si Jiggly, naglabas ng announcement ang kanyang pamilya na hindi na muna siya mapapanood sa upcoming season ng Drag Race Philippines.

Bukod dito, hindi rin siya makaka-attend sa anumang public engagement “due to serious health setback.”

Bago naging judge sa tatlong season ng “Drag Race Philippines”, rumampa at nakipagbardagulan muna siya sa fourth season ng “RuPaul’s Drag Race” at sa sixth season ng “RuPaul’s Drag Race All Stars.”

The post KaladKaren sa pagpanaw ni Jiggly Caliente: Rest in power! Love you tehhh! appeared first on Bandera.

Leandro Baldemor nagpa-yummy para sa ‘Hating Kapatid’ ng GMA 7

$
0
0
Leandro Baldemor nagpa-yummy para sa 'Hating Kapatid' ng GMA 7

Leandro Baldemor at Venus Baldemor

INSPIRING ang health and fitness journey ng seasoned actor na si Leandro Baldemor at ng kanyang wifey na si Venus Baldemor.

Nagdesisyong magpapayat ang dating sexy actor matapos makatanggap ng “memo” para sa bago niyang teleserye sa GMA 7, ang “Hating Kapatid“.

Pagbibidahan ito ng celebrity couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel kasama ang kambal nilang anak na sina Mavy at Cassy.

Ayon kay Leandro, sa halip na ma-offend at ma-discourage, natuwa pa siya sa “memo” na nagre-request nga na magpapayat siya para sa role na gagampanan niya sa “Hating Kapatid.”

“Natutuwa naman ako at concerned sila sa akin. Kasi siyempre, kung hindi ako magpapapayat, hindi na ako magkakaserye.

“Kaya talagang ginagawa ko ngayon lahat para pumayat. Ito naman, almost 10 lbs na ang nabawas sa akin,” masayang pagbabahagi ng aktor nang dalawin namin sa bahay nila sa Paete, Laguna kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Leandro Z Baldemor (@leandrobaldemor)


Ayon kay Leandro, bukod sa kailangan sa bago niyang serye, nagpapaka-healthy na siya ngayon para humaba pa ang kanyang buhay upang makasama pa nang matagal ang kanyang pamilya

“Kasi napakabilis ng panahon! Kapag itong edad natin, 50 na ‘ko, isipin mo, ‘di ba? So napakabilis ng panahon, hindi mo masasabi na… e, huwag naman!” sabay “knock on wood”.

“Kasi, ‘yung mga bata ngayon, hindi ko masabing bata pa rin ako, pero iilang taon na ang ii-stay mo rito? I-enjoy mo na, ‘di ba?

“Sabi ko nga sa asawa kong si Venus, ‘pag may mga tampuhan tayo, may ano, naku! Ipagpaliban na lang natin!’ Kasi, alam kong ano lang agad tayo. Halimbawa ako, galit, o ikaw, galit. Iano na lang natin, ayusin na lang kaagad.

“Sayang, e. Oras, maghapon ka galit. Dalawang araw, tatlong araw. Sayang! Mag-loving-loving na lang tayo!” natawa pa niyang chika.

Aside from his diet, halos araw-araw din silang tumatakbong mag-asawa sa bundok every morning.

“‘Yung routine ng pag-e-exercise namin ni Ve, saka ‘yung pagda-diet namin. E, hindi na rin siguro titingnan ‘yung para mag-showbiz-showbiz o ano. Kasama na rin.

“Pero ang gusto namin, mabuhay kami nang matagal! Ha-hahaha! Kasi may pinag-aaral pa kami. Ayaw naming magkasakit. May bata pa akong 15 years old. So mahaba-habang labanan pa. May college pa tayo.

“Iisa pa ‘yung napapa-graduate ko. ‘Yung isa naman, bago pa lang sasampa ng college. So dapat paghandaan ko ‘yung ganu’ng mga panahon.

“Actually ang pera, kikitain naman ‘yan. Pero ‘pag ‘yung health mo ang nagkaroon ng diperensya, e, maraming mawawala. Hindi ka na makakapaghanap-buhay nang maayos. Hindi ka na makakadiskarte na kailangan mong gawin.

“Alam mo naman tayo, punung-puno tayo ng diskarte sa buhay, e. Para huwag tayong magutom,” lahad pa ng aktor sa BANDERA kasama ang ilang opisyal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na siyang nasa likod ng The EDDYS Awards.

“Paggising lakad ako sa bundok. Actually, bundok namin dito, nalalakaran talaga. Kasi sementado ‘yan. Lakad kami, siguro mga isang oras na walking pataas, tapos pababa,” dagdag pang kuwento ni Leandro na siya uling gumagawa ngayon ng trophy para sa 8th The EDDYS ng SPEEd.

Pagbabahagi pa ng aktor tungkol sa kanyang diet, “Sa food naman, hindi na ako nag-aasukal. Hindi na ako nagkakanin. Tapos isang beses lang ako kumakain sa isang araw talaga.”

“Tapos nagtitimpla ako ng basil, ‘yung pesto. Kasi masarap ‘yun, pampatanggal ng umay, ng gutom,” sey ni Leandro.

The post Leandro Baldemor nagpa-yummy para sa ‘Hating Kapatid’ ng GMA 7 appeared first on Bandera.


Lee Jae-wook, Cho Bo-ah magpapakilig at magpapaiyak sa ‘Dear Hongrang’

$
0
0
Lee Jae-wook, Cho Bo-ah magpapakilig at magpapaiyak sa 'Dear Hongrang'

PHOTO: Courtesy of Netflix

HANDA ka na bang mahulog sa kasaysayan at sa misteryo ng pag-ibig?

Ito ang magiging kwento ng “Dear Hongrang,” ang pinakabagong period K-drama na pinagbibidahan ng heartthrob na si Lee Jae-wook at stunning actress na si Cho Bo-ah.

Mapapanood na ‘yan simula May 16 sa streaming platform na Netflix.

Ang kwento ay umiikot kay Hongrang, anak ng isang makapangyarihang negosyante noong panahon ng Joseon na bigla na lamang naglahong parang bula. 

Baka Bet Mo: ‘Wednesday’ magbabalik sa TV, muling maninindak sa Season 2

Ang kanyang stepsister na si Jae-yi (Cho Bo-ah) ay walang tigil sa paghahanap sa kanya. 

Pero teka, fast forward ng ilang taon…biglang bumalik si Hongrang (Lee Jae-wook), mas matangkad, mas misteryoso, at may dalang sikreto na tiyak na gugulatin ka!

Hindi lang ito basta-bastang period drama dahil may halo itong romansa, misteryo, at tensyon –mga sangkap na siguradong papakabog sa dibdib ng mga K-drama fans. 

Sa pagbabalik ni Hongrang, hindi lang mga alaala ang babalik, kundi pati na rin ang mga damdaming matagal nang itinago.

The post Lee Jae-wook, Cho Bo-ah magpapakilig at magpapaiyak sa ‘Dear Hongrang’ appeared first on Bandera.

29-anyos na lalaki sinakmal, pinagbabalibag ng buwaya sa public park

$
0
0
29-anyos na lalaki sinakmal, pinagbabalibag ng buwaya sa public park

TILA eksena sa isang pelikula ang nangyari sa isang 29-anyos na lalaki matapos sakmalin ng buwaya sa Siay, Zamboanga Sibugay.

Nangyari ang insidente sa loob mismo ng hawla sa Kabug Mangrove Park and Wetlands na matatagpuan nga sa Siay.

Base sa nag-viral na video na kuha ng isang vlogger, makikitang tinutulak pa sa tubig ng buwaya ang biktima habang binabalibag.

Maririnig din sa video ang pagsigaw ng mga turistang namamasyal sa naturang Park nang masaksihan ang pagsakmal ng buwaya sa lalaki na may diperensiya umano sa pag-iisip.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, pumasok daw ang biktima sa kulungan ng buwaya at saka nilapitan ang buwaya.

“Nagpasyal siya sa area then nakita niya yung crocodile, in-expect niya na laruan lang. Pumunta siya sa bakod ng crocodile, pumasok siya, tapos nakagat siya ng crocodile,” ang pahayag ni PSSgt. Joel Sajolga ng Siay Municipal Police Station sa panayam ng ABS-CBN.

Agad namang nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng Siay MPS at ng  municipal disaster rescue team, sa pakikipagtulungan may-ari ng buwaya hanggang sa masagip ang biktima.

Mabilis na dinala sa ospital ang lalaki na  nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon naman sa saksing si Jonalyn Vidad, “Okay naman siya at naisugod sa ospital kanina, pero may sugat siya sa kanyang binti at balikat.”

Nilinaw naman ng mga otoridad na may mga taong nagbabantay sa Kabug Mangrove Park and Wetlands ngunit biglaan ngang pumasok ang biktima sa kinaroroonan ng buwaya.

The post 29-anyos na lalaki sinakmal, pinagbabalibag ng buwaya sa public park appeared first on Bandera.

Vhong Navarro sa pakikipagrelasyon: Mag-stick to one, ‘wag kang manloloko

$
0
0
Vhong Navarro sa pakikipagrelasyon: Mag-stick to one, 'wag kang manloloko

Vhong Navarro

DASAL at pananampalataya kay Lord ang kinapitan ng Kapamilya actor at TV host na si Vhong Navarro nang magkasunud-sunod ang pagsubok sa kanyang personal na buhay.

Binalikan ng “It’s Showtime” host ang mga pinagdaanan niya noon, kabilang na ang pag-aresto at pagkulong sa kanya dahil sa mga kasong isinampa ng dating model na si Deniece Cornejo.

Two years ago, pinawalang-sala ng Korte Suprema ang Kapamilya comedian sa mga kasong rape at acts of lasciviousness.

Sa bagong vlog ng broadcast journalist na si Bernadette Sembrano, napag-usapan ang dark past ni Vhong kung saan natanong siya kung ano ang ayaw na niyang balikan pa sa kanyang buhay.

“Siyempre ‘yung mga madilim na nakaraan ko. Siyempre parang isa siyang bangungot,” pahayag ng komedyante.

Aniya pa, “Ang ginagawa ko na lang, nagdadasal na lang ako. Siya talaga ‘yong pinakamalakas, ‘yung faith natin. ‘Yun ‘yung pinanlaban ko nu’ng nandu’n ako sa madilim na pinanggalingan ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

Bukod sa tulong, suporta at pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan, ang pagdarasal daw talaga ang nagpatibay at nagpatapang sa kanya sa pagharap sa mga pagsubok.

“Ano’ng lesson mo naman sa buhay from that?” sundot na tanong ni Bernadette.

Tugon ni Vhong, “Maging stick to one ka. ‘Yun lang ‘yung lesson talaga. Huwag kang manloloko.”

Kung matatandaan, nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo noong 2024 sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at ilan pang sangkot sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa laban sa kanila ni Vhong Navarro.

Pagkatapos maglabas ng resolusyon ang Supreme Court, todo ang pasalamat ni Vhong, “Kumbaga kung ano ang pinagdaanan ko at alam ko may iba na may pinagdadaanan din diyan, huwag tayong matakot.

“Harapin natin ang mga pagdadaanan natin na ‘yan at ‘yung hope at faith kay God natin ibibigay,” aniya.

Sinabi rin ng komedyante na parang gusto na niyang sumuko noon, “Dasal ako nang dasal every day and every night na hopefully ay makuha ko na ‘yung minimithi ko, na matapos na itong pinagdadaanan ko. Kasi may mga panahon na akala ko, nawalan ako ng pag-asa, eh.

“Nawalan ako ng hope nu’ng nasa loob ako. Pero hindi ako tumigil sa pagdarasal kaya eto na po, dininig na po ng Supreme Court ‘yung dasal natin. At nagkakaroon na po ng maganda ang ginawa nilang pagresolba sa kaso ko,” aniya pa.

The post Vhong Navarro sa pakikipagrelasyon: Mag-stick to one, ‘wag kang manloloko appeared first on Bandera.

Bulusan muling pumutok, 13 barangay sa Sorsogon binagsakan ng abo

$
0
0

Bulusan muling pumutok, 13 barangay sa Sorsogon binagsakan ng abo

NADAGDAGAN ang posibilidad na muling puputok ang Mount Bulusan matapos muli itong magbuga ng abo kagabi.

Base sa impormasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagsimula ang pagbuga ng abo alas-7:43 kagabi at tumagal ito ng 77 minuto.

Kahapon, ala-5:21 ng umaga nang magbuga na ng abo ang Mount Bulusan at tumagal naman ito ng anim na minuto.

Baka Bet Mo: Kris, Miles 4 months magkatabi matulog nang mag-lockdown dahil sa COVID

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nakaramdam ng pagyanig ng lupa bunga ng aktibidad ng bulkan sa Barangay Cogon at Bagsangan sa bayan ng Irosin.

At bunga ng pagputok muli ng bulkan, bumagsak ang ibinugang abo sa walong barangay sa Irosin, sa isang barangay sa Juban at apat na lugar sa bayan naman ng Bulan.

Ang usok na nagmumula sa bulkan ay umaabot sa taas na 70 metro at napapadpad sa direksyon ng kanluran-timog-kanluran.

Nananatiling nasa Alert Level 1 ang Mount Bulusan.

The post Bulusan muling pumutok, 13 barangay sa Sorsogon binagsakan ng abo appeared first on Bandera.

P100 o P200 dagdag-sahod ibigay na sa mga manggagawa – Zubiri

$
0
0
P100 o P200 dagdag-sahod ibigay na sa mga manggagawa - Zubiri

Sen. Migz Zubiri

PAGBIBIGAY ng katarungan sa mga manggagawa ang pagtaas ng kanilang sahod.

Ito ang sinabi ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri isang araw bago ang paggunita sa bansa ng Labor Day o Araw ng Paggawa.

Ayon kay Zubiri, inaprubahan na sa Senado ang P100 across-the-board wage hike, samantalang may panukala naman sa Kamara na P200 pagtaas sa sahod ng mga manggagawa.

Baka Bet Mo: Cayetano, Zubiri nagsigawan, muntikang magsuntukan sa Senado, anyare?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sinabi nito na nagsisilbing pundasyon ng pag-unlad ng Pilipinas ang sakripisyo at pagpupirsige ng mga ordinaryong manggagawa.

“Sa bawat pawis, sa bawat pagod, nakatindig ang ating bayan. Hindi natin dapat ipagkait sa kanila ang ginhawa at dignidad na matagal na nilang ipinaglalaban,” sabi ng senador.

Dagdag pa ni Zubiri patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin kayat makatarungan lamang para sa mga manggagawa na itaas ang kanilang sahod.

“Ang dagdag sahod ay hindi regalo. Isa itong karapatan na dapat igalang at ipaglaban,” dagdag pa nito.

Aniya patuloy din niyang ipaglalaban ang maayos na kondisyon sa trabaho at pagkakaroon ng oportunidad para sa magandang kinabukasan.

The post P100 o P200 dagdag-sahod ibigay na sa mga manggagawa – Zubiri appeared first on Bandera.

Viewing all 44603 articles
Browse latest View live


Latest Images