Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44298 articles
Browse latest View live

Barbie inaming nag-sorry na si AJ: Tapos na po, pinangaralan ko rin po siya

$
0
0

Barbie inaming nag-sorry na si AJ: Tapos na po, pinangaralan ko rin po siya

“Nag-message siya sa akin, nag-sorry siya,” ito ang sagot ni Barbie Imperial nang kumustahin namin sa kanya ang Viva artist na si AJ Raval.

Nakiupo kasi siya sa lamesa namin sa Boteyju resto bago umakyat sa Cinema 5 ng Fisher Mall kung saan gaganapin ang private screening ng pelikulang “Dulo” na unang pagtatambal nila ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga.

Nabanggit kasi naming nagsalita na si AJ na hindi nanligaw at nagpunta si Diego sa bahay nila sa Pampanga para dalawin siya.

“Oo nag-message nga siya siguro 4 days ago. Actually unsent nga niya ‘yung message niya sa viber, eh. Di ba makikita naman pag ganu’n, ako na ang nag-message, sabi ko, ‘o AJ?’

“Tapos ‘yun nga nag-sorry tapos pinangaralan ko,” kaswal na kuwento ni Barbie na hindi na ikinuwento kung ano pa ang ibang pinag-usapan nila ng sexy star.

Pinayuhan din ng mga kausap na press si Barbie na huwag na siyang magsasalita kapag iniisyuhan sila ni Diego dahil talo siya lalo’t mas matagal na siya sa industriya at may pangalan na.

“Oo nga po, eh. E, kasi ganu’n po ako kapag hindi totoo talagang ipinaglalaban ko, kahit sa kaibigan talagang ipinagtatanggol ko,” katwiran ng aktres.

Ipinagdiinan muli ng magandang girlfriend ni Diego na marami siyang nakausap at makakapagpatunay na nag-uusap sina AJ at ang self-proclaimed Marites (tsismosa) ng Pilipinas nanl si Xian Gaza dahil ginagamit ito sa sariling online tsismis para dumami ang followers.

Napaisip nga kaming bigla sa sagot ni AJ sa tanong kung anong reaksyon niya na ginagawan siya ng isyu ng self-proclaimed Marites ng Pilipinas

“Hinahayaan ko na lang po ’yon kasi content niya po ’yon, e. Wala po tayong magagawa. Trabaho niya pong manira ng tao dahil trabaho niya pong gumawa ng kuwento. Wala po tayong magagawa. Hahayaan ko na lang din po,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Hindi ba dapat magagalit ka o pagsasabihan moa ng taong naninira sa iyo dahil nagiging dahilan ka ng gulo para sirain ang magandang relasyon nina Diego at Barbie?

Anyway, tapos na sabi nga ni Barbie, “Tapos na, okay na nag-sorry na.”

Samantala, grabe ang intense ng away ng mga karakter nina diego at Barbie sa pelikula nilang “Dulo” dahil naapektuhan din kami bilang manonood. Ang husay nang dalawang artista lalo na ang aktor na halatang may pinaghuhugutan samantalang ang aktres ay gayun din.

Inisip nga namin n asana hindi ganu’n ang kuwento nila sa totoong buhay dahil nakakapagod ang ganu’ng relasyon, sobrang toxic, nakasasakal sa bawa’t isa.

Para kasing hindi sila umaarte, parang me away nga talaga sina Diego at Barbie na binidyo lang ni Direk Fifth Solomon sabay in-upload sa social media na naging viral.

But kidding aside, ang husay ng mag-dyowa naalala namin sa kanila ang kabataan nina Christopher de Leon at Vilma Santos sa pelikulang Relasyon na ganu’n din ang eksena na tapatan ang mga mukha habang nagsisigawan.

Hmm, isa kaya ito sa peg ni direk Fifth?

Realidad ang kuwento ng “Dulo” na away-bati hanggang sa maghiwalay at parehong aasenso at pag nagkita ay magkakagulatan, tsikahan at kung pareho pa ring single ay posibleng magbalikan.

Siyempre gusto ni direk Fifth masaya ang fans nina Diego at Barbie kaya ginawa niyang happy ending ang “Dulo”, yes sila pa rin hanggang sa dulo na pareho na silang successful sa buhay.

Habang sinusulat namin ang balitang ito kaninang 2AM ay nag-crave kami ng chocolates at sinigang na corned beef. Alamin kung bakit importante ito kina Diego at Barbie.

Dumalo sa private screening ang dalawang kapatid ni Diego na sina Sam at Francheska na anak nina Cesar Montano at Sunshine Cruz gayun din ang buong pamilya ni Barbie sa pangunguna ng mama Bing Imperial nito.

Suportado rin ang mag-dyowa ng mga kaibigan nilang sina Enzo Pineda at girlfriend nitong si Michelle Vito, Marco Gumabao kasama si Chie Filomeno at marami pang iba na hindi namin makilala dahil mga nakasuot ng face mask.

Mapapanood na ang “Dulo” sa Disyembre 10 sa Vivamax produced ng Viva Films.

Related Chika:
Barbie hinamon si AJ Raval: Kung hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka
Cristy bumuwelta kay Barbie: Wala ka pang karapatang tawaging ‘mistress’ ang sinuman
AJ nagsalita na ukol sa pagiging ‘kabit’: Never po nanligaw si Diego sa akin

The post Barbie inaming nag-sorry na si AJ: Tapos na po, pinangaralan ko rin po siya appeared first on Bandera.


Wilbert dinepensahan si Madam Inutz: Huwag n’yong tapakan ang tao nang sobra sobra

$
0
0

IPINAGTANGGOL ni Wilbert Tolentino si Madam Inutz na kasalukuyang nanganganib na mapalabas ng Bahay ni Kuya ngayong linggo.

Nahaharap kasi ang social media personality sa pambabash ng mga netizens dahil hindi nila nagustuhan ang mga sinasabi niya sa mga kapwa housemates niya.

Comment pa ng ibang netizens, noon raw ay bet nila si Madam Inutz pero kalaunan ay nawalan sila ng gana dahil nahahawa na raw siya sa pagiging “Marites” nila Brenda Mage.

Naglabas naman ng statement ang talent manager niya na si Wilbert Tolentino para depensahan ang alaga.

“In social media world, kailangan mentally & emotionally fit ka. You have to be at your strongest when you’re feeling at your weakest. kung nag patol ka at napikon ka, TALO ka!!

“Yung mga keyboard warriors ng mga Fandom ng iba’t ibang kampo kung ano ano kinakalat sa internet, dahil nate-threaten sila kay Madam Inutz. Yun po ang TOTOO!

“Don’t worry, we remain silent at hindi namin ugali makipag bangayan at makipag sagutan sa mga BASHERS!!” matapang na saad ni Momshie Wilbert.

“Reality show po ang sinali ni Madam Inutz. Kung may Marites issues na kasamang housemate at nadamay si Madam Inutz, SO BE IT!!

“Wala naman perpekto sa atin lahat and I’m pretty sure lahat [ng] makakabasa sa statement ko ay makaka relate kasi lahat tayo naging Marites din paminsan minsan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Tolentino (@sirwil75)


“Huwag po tayong sobrang malinis. Hayaan natin si Big Brother maghusga kung may na-violate cya! Huwag nyong i-take advantage at siraan si Madam inutz sa internet na wala siyang kalaban laban,” dagdag ni Momshie Wilbert.

Kulang na lang daw kasi ay buhusan ng mga bashers ang social media personality ng kumukulong magma samantalang wala namang kamalay-malay sa mga ganap ang MAMA-bentang live seller ng Cavite.

Pati na rin ang mga anak ni Madam Inutz ay dinadamay na rin ng bashers.

“Kung ayaw n’yo po kay Mama, E di wag na kayong magsabi ng kung anu-ano. Ang daming tulong [na] ginawa ni Mama sa lugar natin tapos dun sa isang mali lang du’n kayo humusga?

“Ganyan na ba mga tao ngayon? Daming ginawang maganda si Mama pero dahil sa isang tanging mali dun kayo humusga?

“Kilala ko si Mama, kilalang-kilala ko po,” saad ng anak ni Madam Inutz.

Inamin rin ni Momshie Wilbert na nakaka-experience ngayon ang mga anak ng kanyang alaga dahil sa mga ibinabato ng tao laban sa kanilang pamilya.

“Si Madam inutz ay bagito sa larangan. Bigyan n’yo siya ng chance at huwag n’yong tapakan ang tao nang sobra sobra, hindi magandang practice yan.

“Mahaba-haba pa ang paglalakbay nya sa PBB. Ito lang mapapangako ko sa inyo, hindi masamang tao si Madam inutz. at bilang MANAGER nya, sisikapin ko maging mabuting Mentor at gabayan cya para sa pamilya nya,” sey ni Momshie Wilbertz

Nagpasalamat naman ang talent manager sa mga taong patuloy na sumusuporta kay Madam Inutz.

“Sa mga sumusuporta at naniniwala sa akin at kay Madam Inutz, daghang salamat!! My [heart] is Full. Love you all po.

“Spread LOVE not HATE!!”

Related Chika:
Madam Inutz pasabog ang rebelasyon matapos ang ‘PBB’ 3rd nomination night

 

The post Wilbert dinepensahan si Madam Inutz: Huwag n’yong tapakan ang tao nang sobra sobra appeared first on Bandera.

‘Palitan’ ni Brillante Mendoza mapapasama kaya sa film festival sa ibang bansa?

$
0
0

ALIW na aliw kami dahil habang kumakain muna kami sa isang restaurant bago pumunta sa screening ng pelikulang “Dulo” nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga sa Cinema 5 Fishermall nitong Lunes ng gabi ay ang pelikulang “Palitan” na idinirek ni Brillante Mendoza ang topic namin.

Ang “Dulo” at “Palitan” ay parehong prinodyus ng Viva Films na parehong mapapanood sa December 10 sa Vivamax.

Kaya hot topic ang “Palitan” ay dahil tama lang na sa Vivamax ito ipalabas dahil kung sa sinehan ay tiyak na sandamakmak na katay ang aabutin nito sa MTRCB lalo na ‘yung stag party scene at love scenes sa falls kung saan hubo’t hubad ang apat na bidang sina Luis Hontiveros, Rash Flores, Cara Gonzales at Jela Cuenca.

Tawang-tawa kami sa reaksyon ng mga lalaki na naantig daw ang damdamin nila kay Luis na nagpasilip ng private part na nahagip ng camera dahil pataas ang kuha, alam daw kaya ito ng aktor? Hindi kaya na-trauma ito dahil first indie movie niya ito?

Samantalang si Rash naman ay walang pakialam dahil hubad kung hubad siya at inamin niyang hindi siya gumamit ng plaster.

In fairness naalagaan ni direk Brillante ang lower part nina Jela at Cara dahil puro boobs nila ang nakita sa kamera sa lahat ng anggulo.

Na-bother naman kami sa stag party scene do’n sa babaeng talent o bagong artista, ‘yun na tatlong lalaki ang naka-sex niya sa banyo na kitang-kitang walang daya ang mga halikan nila kasama ulit sina Rash, Luis at isa pang guy na nag-organisa ng event.

“Gusto niyang sumikat, eh, so ‘yan ang eksena niya saka Brillante Mendoza direktor, so alam mo naman tatak Brillante Mendoza hinahabol ‘yan,” komento ng isang kasamahan namin sa panulat.

Samantala, marami ang nagtaka na first time raw gumawa ni direk Brillante ng LGBT movie at first time rin sa Viva Films kung saan may mga gagawin pa siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)

Sabi nga ni direk Brillante, “enjoy at na-excite ako sa paggawa ko dito at naitawid naman. Sana magustuhan ninyo.”

Festival director si Brillante Mendoza dahil lahat ng pelikula niya ay nasasali sa International Film Festival at nag-uuwi ng karangalan para sa bansa tulad ng nanalo siyang Best Director at Best Actress naman si Jaclyn Jose sa Cannes Film Festival.

Mapapapasali ba ang “Palitan” sa film festival sa ibang bansa?

“Nang makausap ko si Boss Vic (Del Rosario) sabi niya ipalalabas na ito sa December 10, so, masyadong huli na at may mga festival about LGBTQ na ‘yun talaga ang hina-highlight nila sa mga festival.

“Kaya lang depende siguro kung magkakaroon ng director’s cut puwede naman sigurong i-consider. Kaya lang kasi sa mga festival ang gusto nila ay international premiere o world premiere, e, pag napanood na ito sa Vivamax platform, parang hindi na puwede,” paliwanag ni direk Brillante.

Pero in-encourage siya ng Viva boss na ituloy pa rin ang pagsali ng mga pelikula niya sa iba’t ibang festival para makilala ang mga artista ng Viva at mga pelikulang produced.

Anyway, maganda ang resulta ng Viva movies na ipinalalabas sa Vivamax kaya nagustuhan ito ng direktor kaya join na rin siya sa online streaming sa mga ididirek niyang pelikula.

Habang sinusulat namin ito ay may mga nabasa kami sa social media na aabangan nila ang “Palitan” sa December 10 at tama lang na hindi ito sa sinehan mapanood dahil bukod sa mahal na ay puro katay pa.

“Mas masarap sa bahay manood puwede pang kumain habang nanonood, sa sinehan bawal ng kumain at uminom man lang.”

Related Chika:
Nakakaloka ang sex scenes sa ‘Palitan’ ni Brillante Mendoza; 4 na bida game na game na naghubo’t hubad

The post ‘Palitan’ ni Brillante Mendoza mapapasama kaya sa film festival sa ibang bansa? appeared first on Bandera.

Karen Bordador nagsalita ukol sa kanyang viral tweet: That was for me!

$
0
0

Karen nagsalita ukol sa kanyang viral tweet: That was for me!

NILINAW ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Karen Bordador na walang kinalaman si TJ Valderrama sa kanyang viral tweet.

Sa kanyang tweet noong December 8 ay sinabi niyang ang sarili ang pinatutungkulan niya sa kanyang tweet at hindi ibang tao.

“To be clear everyone my tweet wasn’t about TJ!!! That was for meeee!” saad ni Karen.

“Oh ayan… yes that was me. Pumasok na taken… lumabas single na walang kamalay malay. Wahahahaha Tatawa na lang ako ok,” dagdag pa niya.

Marami kasi sa mga netizens ang naghinala kung ang kanyang naunang tweet noong December 6 ay para kay TJ Valderrama na kasabay niyang lumabas sa Bahay ni Kuya.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga netizens na bago pa lumabas ng “PBB” house si TJ ay may mga pahaging na ang kanyang “ex-girlfriend” na si Cherry Malaya na nais na niyang tapusin ang ilang taong relasyon sa binata.

Ito ay nagsimula nang mag-viral si TJ dahil sa pagiging malapit niya sa female housemate na si Shanaia Gomez.

Bukod pa rito ay may mga lumabas rin na video clips ni TJ na pinaghihinalaang baka raw “nagloloko” na na ang kanyang girlfriend na naiwan sa outside world.

Ito marahil ang naging dahilan ni Cherry upang magdesisyon na makipaghiwalay sa binata.

Muli namang pinaalala ni Karen na hinding-hindi siya maglalabas ng statement o magbabahagi ng tweet patungkol sa iba unless may pangalan siyang binanggit.

“Again I’ll NEVER tweet about others unless names are mentioned,” diin niya.

Sa ngayon ay tila nakaka-adjust nang muli sa outside world si Karen at madalas na rin itong makipagkulitan sa mga supporters sa Twitter kung saan siya active.

Related Chika:
Karen Bordador: Yung sinabi mo sa buong mundo na taken ka tapos paglabas sa PBB single ka na pala
Karen Bordador malalim ang hugot tungkol sa ‘trayduran’ sa ‘PBB 10’

The post Karen Bordador nagsalita ukol sa kanyang viral tweet: That was for me! appeared first on Bandera.

Chie Filomeno crush si Kyle Echarri: Sobrang talented niya

$
0
0

Chie Filomeno crush si Kyle Echarri: Sobrang talented niya

INAMIN ng model-actress na si Chie Filomeno na crush niya ang singer-actor na si Kyle Echarri na nakasama niya bilang kapwa housemate sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10”.

Sa “Magandang Buhay” nitong Huwebes, December 12 ay natanong ang dalaga kung sino ang naging crush niya o nagustuhan romantically sa loob ng “PBB” house.

“Grabe naman ‘yung romantically! Pwedeng crush muna?” saad ni Chie.

Pagkatapos nito ay ipinakita ng dalaga ang larawan ni Kyle Echarri.

Agad namang nagtilian ang mga momshies pagkakita sa larawan ni Kyle.

“Sino ba naman ang hindi magkakaroon ng crush kay Kyle. Sobrang talented niyang bata and ‘yung mindset niya very infectious,” sey ni Chie.

Nilinaw rin ng dalaga ang pagiging malapit niya kay Kyle habang nasa loob sila ng Bahay ni Kuya.

Marami kasi sa mga netizens ang hindi natuwa sa kanilang “closeness” lalo na ang mga sumusuporta sa tambalang Kyle Echarri at Francine Diaz.

“Ang nagsabi sa akin actually ay ‘yung mga boss ng ‘PBB.’ Nag-debrief po kasi.

“And then, ‘yung closeness kasi namin ni Kyle sa loob, it’s a special bond that we were able to create po kasi kami ‘yung parang takbuhan namin ‘yung isa’t isa and he made me feel na puwede kong sabihin sa kanya ang lahat ng problema ko,” pagpapaliwanag ni Chie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KyChie (@kychienation)

Matatandaang magkasunod na na-evict ang dalawa. Unang lumabas si Chie at matapos ang isang linggo ay si Kyle naman ang na-evict.

Sa mga nakaraang interview ni Chie ay inamin nito na nagme-message na sa kanya si Kyle bago pa man sila pumasok sa Bahay ni Kuya.

Mauwi kaya into relationship ang pagkakaroon ng “crush” ni Chie sa Golden Son ng Cebu o manatili na lamang sila as close friends?

Wala namang masama kung sakali dahil parehas namang single ang dalawa at aminin, may kakaibang chemistry rin ang dalawa lalo na noong nasa loob pa sila ng “PBB” house.

Well, abang abang na lang tayo kung magle-level up ba ang kanilang friendship into serious relationship.

Related Chika:
Chie Filomeno crush si Kyle Echarri: Sobrang talented niya

The post Chie Filomeno crush si Kyle Echarri: Sobrang talented niya appeared first on Bandera.

Ano ang kantang nagdudulot ng panic attacks kay Agot Isidro?

$
0
0

Ano ang kantang nagdudulot ng panic attacks kay Agot Isidro?

MARAMI ang gumagaan ang pakiramdam sa tuwing naririnig ang kantang “Bubbly” ni Colbie Calliat ngunit iba and dulot nito sa aktres na si Agot Isidro.

Sa kanyang Instagram post noong December 7 ay ibinahagi niya ang epekto ng 2007 hit song na “Bubbly” sa kanya sa tuwing maririnig niya ito.

“For a decade, this song gave me panic attacks. It triggered memories of a very dark time in my life,” saad ni Agot.

Kuwento pa niya, may mga pagkakataon pa raw na tumatakbo siya palabas ng isang shoe store habang naluluha.

“At one point, I ran, in tears, out of a show store in an outlet mall in California when I heard this song play.

“And that’s Disneyland for a lot of women. Every time I hear the intro, I would skip or change station or simply walk out of the establishment,” pag-alala ni Agot.

Ngunit noong December 7, habang nagmamaneho siya ay bigla na lamang pumailanlang ang kanta at sa kauna-unahang pagkakataon ay hinayaan niya lang ito.

“Didn’t hear [the song] for so long. So I said, ‘Sige nga’.

“Nothing. I was even singing along. So yes, BREAKTHROUGH!” masayang sabi niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Agot Isidro (@agotisidro)

Proud na proud si Agot sa kanyang sarili dahil unti-unti ay napaglalabanan na niya at nalalagpasan na niya ang madidilim na alaala ng kanyang buhay.

“So proud of myself and where I am. Long journey, but we get there.

Paalala pa niya sa kanyang mga followers, ang pinakapoint naman daw ng kanyang istorya ay kung ano man ang pinagdaraanan mo sa buhay, darating rin ang panahon na magiging okay ka.

Marami naman sa mga netizens at mga kapwa artista abg pumuri at nagpakita ng suporta para sa kay Agot.

“I love this! Glad you’re in a much better place. Hugs!” saad ni Iza Calzado na isa ring mental health advocate.

Hindi naman itinatago ni Agot ang kanyang mga pinagdaraanan. Sa katunayan, sa kanyang interview sa Inquirer.net, inamin niya na nagpapakunsulta siya sa isang psychiatrist.

“It’s just like seeing your ENT (ear, nose, throat) doctor or cardiologist.

“One shouldn’t be ashamed to admit that one needs help.”

Related Chika:
Agot rumesbak sa mga troll na tumawag sa kanya ng ‘abnormal’, ‘haba baba’, ‘inggitera’

The post Ano ang kantang nagdudulot ng panic attacks kay Agot Isidro? appeared first on Bandera.

Maggie Wilson, Tim Connor dineny ang pagkakaroon ng ‘affair’

$
0
0

Maggie Wilson, Tim Connor dineny ang pagkakaroon ng 'affair'

PINABULAANAN ng dating beauty queen-turned-entrepreneur na si Maggie Wilson at ng kanyang business partner na si Tim Connor ang chika kung may “affair” nga ba sila.

Sa Instagram story ay sinagot ni Tim ang tanong ng isang netizen kung nagkaroon nga ba sila ng affair ni Maggie.

“We both get asked this countless times a day…

“Despite what you may have heard, to be absolutely clear, neither @wilsonmaggie or I had an affair with each other,” saad ni Tim.

Ni-reshare naman ito ni Maggie sa kanyang Instagram story kasama ang tatlong 100 emoji.

Ngunit palaisipan ang sumunod na IG story ni Tim.

“While we were with our ex-partners,” sey niya.

Kumalat ang ispekulasyon na may namamagitan kina Maggie at Tim nang magsimula ang dalawa na magbahagi ng kanilang pictures together kasunod ng pag-aanunsyo ng dating Binibining Pilipinas World 2007  kanilang paghihiwalay ng businessman na si Victor Consunji noong Setyembre.

Usap-usapan rin ang Instagram post ng dating beauty queen patungkol sa paglabas ng “katotohanan”.

“There are three things that cannot be hidden for so long. The sun, the moon, and the truth. Soon!” caption ng beauty queen-turned-entrepreneur sa kanyang IG post noong December 7.

Comment ng isang netizen, “Time is the ultimate truth-teller,” na nireplyan naman niya ng “Indeed!”

Ikinasal sina Maggie Wilson at Victor Consunji noong December 2010 at nabiyayaan sila ng isang anak na lalaki.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maggie Wilson (@wilsonmaggie)

Related Chika:
Maggie Wilson, Victor Consunji hiwalay na makalipas ang 11 taong pagsasama bilang mag-asawa
Bakit nga ba biglang naghiwalay sina Maggie Wilson at Victor Consunji after 11 years?

The post Maggie Wilson, Tim Connor dineny ang pagkakaroon ng ‘affair’ appeared first on Bandera.

John Lloyd dumalo ng Christmas party kasama ang rumored dyowa?

$
0
0

John Lloyd dumalo ng Christmas party kasama ang rumored dyowa?

NAMATAAN sina John Lloyd Cruz at ang kanyang rumored girlfriend na si Isabel Santos sa naganap na Christmas Party ng Crown Artist Management na ginanap sa Uptown Bonifacio, Taguig noong December 6.

Curious tuloy ang marami kung ano ba talaga ang namamagitan sa dalawa.

Sa kanilang mga group photos kasi ay makikitang naka-akbay ang nakasuot na cap na si John Lloyd kay Isabel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rambo Nuñez Ortega (@rambonunez)

Kapansin-pansin rin ang mga litrato ng aktor na naka-post sa Instagram account ni Isabel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabel Santos (@somethingstarwars)


Madalas ay nakatalikod ang mga kuhang litrato ni Isabel ngunit halata namang si John Lloyd ito.

Mayroon rin itong kuha ni John Lloyd na nakaharap habang tinitignan ang art piece nang pumasyal sila sa Silverlens Galleries.

May litrato rin ang aktor na nakatalikod nang bisitahin nila ang Finale Art File.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabel Santos (@somethingstarwars)

Nobyembre nang unang umugong ang chika kung ano nga ba ang namamagitan sa dalawa.

May mga kuha rin si Isabel na mga litrato na pinaniniwalaang mula sa bahay ni John Lloyd.

Si Isabel Santos ay mula sa pamilya ng mga respetadong Filipino artists.

Ang kanyang mga magulang ay sina Soler at Mona Santos ay mga Filipino contemporary artists samantalang ang kanyang yumaong lolo ay ang award-winning painter at cartoonist na si Mauro Malang Santos.

Nanalo na rin si Isabel ng grand prize sa isang global shirt design competition na may theme na “Draw Your World”.

Nagkapag-exhibit na rin ang dalaga ng kanyang art pieces sa New York, Germany, at France.

Related Chika:
John Lloyd sa pagbabalik-showbiz: Gusto ko makita ako ng anak ko na nagtatrabaho

The post John Lloyd dumalo ng Christmas party kasama ang rumored dyowa? appeared first on Bandera.


Angel namigay ng P20,000 sa isang netizen bilang Christmas gift

$
0
0

Angel namigay ng P20,000 sa isang netizen bilang Christmas gift

ISANG random netizen ang nabiyayaan ng tumataginting na P20,000 mula sa aktres na si Angel Locsin bilang advance Christmas gift.

Sa kanyang vlog noong Dec. 2 ay nagdesisyon ang aktres na mamigay ng regalo sa netizen matapos maantig sa istorya ng kasamang event stylist na si Randy Lazaro.

Kwento kasi ni Randy kina Angel at Neil habang gumagawa sila ng DIY Christmas decor, hindi nila nakasanayan noong bata ang pagse-celebrate ng Pasko dahil na rin sa hirap ng buhay.

Aniya, may mga tao rin na tulad ni Randy na hirap rin sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong taon lalo pa’t hindi pa rin natatapos ang COVID-19 pandemic.

“So while we were making DIY Christmas decors on our last episode of The Angel and Neil Channel, event stylist, Randy Lazaro shared that celebrating Christmas was not a tradition in their household growing up dahil sa hirap ng buhay nila before.

I admit I felt a bit insensitive. As we were decorating our home, there is someone who might not be able to celebrate Christmas this year,” saad ni Angel.

Paglilinaw ng aktres, hindi naman niya sinasabi na hindi dapt mag-celebrate ng Pasko o huwag magbahagi ng Christmas preparations bagkus nais lamang niya na kahit papaano, makapagbigay ng tulong para magpasaya sa ibang tao.

“I’m a sucker for celebrations and I believe everyone should be rejoicing the birth of Jesus Christ. That is why I wanted to somehow help make someone else’s Christmas a bit merrier.

“Na kahit isang pamilya lang, maramdaman nila ang diwa ng pasko at maipaalala sa kanila na buhay ang Christmas miracle.

And this person doesn’t need to be a subscriber. Just the first person na nabasa ko ang comment at kwento,” dagdag pa niya.

At napili na nga ng kanyang team kung sino ang maswerteng makatatanggap ng cash gift mula kay Angel.

Siya ay si Jenalene Dolloso na mula pa sa Cebu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin)

“Hiling namin ang mapasaya ka at makapagcelebrate kasama ng iyong mga mahal sa buhay!” sey ni Angel.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagbahagi ng tulong ang aktres.

Sa katunayan ay kilala si Angel sa kanyang mga philanthropic work.

Noong 2019 ay isa ang aktres sa mga nakasama sa Forbes Asia’s “Heroes if Philanthropy” kasama ang Filipino businessman na si Hans Sy at Chiness tycoon na si Jack Ma.

Kahit nitong pandemya ay naging malaki ang role ni Angel. Naging bahagi siya ng iba’t ibang COVID-19 initiatives na nakatulong na magbigay ng test kitd para sa mga underprivileged na Pilipino at nakapag-raise rin ng P11.35 million para naman sa mga overcrowded hospitals.

Related Chika:
DOH pinasalamatan si Angel Locsin: Mabuhay po kayo!

The post Angel namigay ng P20,000 sa isang netizen bilang Christmas gift appeared first on Bandera.

Coney Reyes excited na tinanggap ang Pamaskong Handog mula sa Pasig LGU: Ang saya-saya lang!

$
0
0

Coney Reyes excited na tinanggap ang Pamaskong Handog mula Pasig LGU: Ang saya-saya lang!

MASAYANG pinost sa Instagram account ng mama ni Pasig City Mayor Vico Sotto na si Ms. Coney Reyes ang natanggap nitong Pamaskong Handog mula sa LGU na inihatid sa bahay niya ng volunteers.

Nakipag-selfie si Ms. Coney sa mga volunteers at ang caption niya ay, “So happy and excited to receive my #PamaskongHandogngPasig (emojis smiley/praying hands/heart). And grateful to the cheerful group of volunteers who came to bring my share of the goodies! Ang saya-saya lang! #ThankYouLord #ThankyouPasigCity #UmaagosangPagasaSaPasig #GodblessPasigCity #GodblessthePhilippines @vicosotto @pasigpio.

Kulang 10k ang nag-like at nag-heart sa post na ito ng mama ni Mayor Vico at sa mahigit 200 na komento ay narito ang ilan sa nabasa namin.

Mula kay @nhixi1, “Ang sarap manirahan sa Pasig…sana all ma’am. Dito sa La Union wala man lang ayuda kahit bigas .”

Say ni @romanikkoralph, “I received mine too the other week. Thanks po to all the people behind this (emoji clapping hands).”

At hinangaan si Mayor Vico dahil wala ang pangalan niya at mukha sa mga pinaglagyan ng goodies.

Sabi ni @nicolas_sac, “At hindi po epal, wala face or name ni Vico! (emoji clapping hands).”

Pinatunayan naman ni @coneyster143 na, “sa true lang po, Umaagos talaga ang pag asa sa Pasig!!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coney Reyes (@coneyreyes)

Mukhang hindi pamaskong handog ang gusto ni @derlykimyamm1104, “Merry Christmas paki sabi naman sa anak mo Mam Coney, e, post po niya sa Facebook kung kailan ang schedule para sa kiss niya pipila po ako.”

Nagpapasalamat naman si @lizrodriguez211 dahil, “Naka-receive nadin po kami thank LGU lalo na sa mabait at responsable Mayor namin lahat pantay-pantay mayaman o mahirap mabibgyan. Sa 45 year niya sa Pasig 2 years palang nakatanggap mula ng umupo lang si Mayor Vico. Kaya truly blessed ang Pasig sa pagdating ng aming mahal na Mayor Vico.”

Ang suwerte raw ng mga taga-Pasig sabi ni @ceciliasantos1298, “Napakaswerte ng mga taga Pasig!! Good job mayor Vico Sotto and God bless you always!”

At inaabangan na ang pagtakbo ni Mayor Vico sa pinakamataas na posisyon sa bansa ni @miranda.marivi, “Sana all, Mayor! I can’t wait na dumating ang time mo to become a President. I’ll vote for you! Iba talaga ang Puso mo @vicosotto Hindi ako taga-Pasig but I really admire you.”

Anyway, ni-repost naman ni Mayor Vico ang post ng ina.

“Tuwang-tuwa nanay ko sa natanggap niyang Pamaskong Handog mula sa LGU (emoji laughing face). Last year kasi pinamigay ko ‘yung para sa bahay namin. Sabi niya, ‘ok lang naman ipamigay, pero sana mahawakan niya man lang daw muna. Ngayon, siya na mismo ang sumalubong sa team.

“As of Dec. 8, nakaikot na ang PH team sa 62% ng area sa Pasig (220K+ na pamilya).

#UmaagosAngPagasa.

Kapag nakababasa kami ng mga ganito ang tanging masasabi na lang namin ay “SANA ALL”. Sa Quezon City din kaya havey #MayorJoyBelmonte?

 

Related Chika:
Rhian miss na miss na agad si Coney Reyes: Lalo na kapag pinagpe-pray niya kami

The post Coney Reyes excited na tinanggap ang Pamaskong Handog mula sa Pasig LGU: Ang saya-saya lang! appeared first on Bandera.

Ex-husband ng kilalang female personality nahuling nakikipaghalikan sa ‘friend’ ng ex-wife?

$
0
0

TINAWAGAN kami ng kaibigan naming lalaki na nasa Bali, Indonesia ilang linggo na dahil may business trip daw siya kasama ang pamilya.

Once in a blue moon lang kung mag chat ang kaibigan naming ito mangungumusta lang kapag may okasyon dahil abala rin siya sa mga negosyo nilang pamilya bukod pa sa laging umaalis ng Pilipinas katulad nga ngayon nasa ibang bansa siya.

As usual simpleng kumustahan lang pero may kasunod na kuwento, “May nabasa akong report sa online hindi naman sila artista pero baka lang interested ka?”

‘Hindi naman pala artista, ano naman kinalaman ko ro’n?’ ganting sagot namin.

“’Yung kasing nabasa kong report may picture ‘yung guy and the girl, I think mag-asawa ata sila? Tapos according sa report ex-husband na so hiwalay na? Tapos the girl or the eifey may ibang kasamang guy? I don’t know hindi kasi ako familiar.

“Anyway, to cut the long story short, I saw the guy, the ex-husband of the girl with another girl, parang model yata, maganda, eh. Pero maganda rin naman ang girl or the wifey. Suwerte naman this guy, ang gaganda ng mga babae niya. Nakita ko sa picture maganda ang wifey, huh? Hindi artista ‘yun, di ba?” kuwento ng kaibigan namin.

Sa totoo lang naguluhan kami kasi hindi niya kilala kaya inalam namin kung ano ‘yung nabasa niyang report at nu’ng i-check namin, nagulat kami kasi kilala naman pala tong mga taong binabanggit sa amin at kontrobersyal sila ngayon.

Panay pa ang hingi namin ng detalye, “ha, ha, akala ko ba hindi sila artista? Nakita ko sila kissing each other sa resto pero nobody cares naman kasi hindi sila kilala. Napansin ko lang kasi maganda nga ‘yung girl ha, ha, ha. But when I saw the report sa online, ang ganda ng wifey or the ex-wife. But according to the report, the wife is having an affair with another guy na kasama rin sa picture with the husband?

“Magkakaibigan ba sila?”

Ang ibig sabihin ng aming kaibigan ay magkakilala pala ang nakita niyang guy na may kasamang babae sa Bali, Indonesia at ang ex-wife na kasama ang kaibigang lalaki na inili-link naman sa kanya.

Mukha naman magkakilala at magkaibigan sila kasi may larawan silang magkasama silang apat base sa nabasa rin naming report.

Pagkatapos naming mag-usap ay kaagad naming tsinek ang social media account ng ex-wife ng guy na nasa Indonesia na may kasamang ibang babae.

Hmm, parang nagpapahiwatig lang ang wifey na nagising na siya ngayon at handa na siya sa lahat ng laban dahil hawak niya ang katotohanan.

Sinilip din namin ang IG account ng babaeng kasama ng guy na nasa Bali, Indonesia ay wala namang bagong ganap dahil ang huling post nito ay ilang buwan na ang nakararaan na kuha sa gitna ng dagat.

Anyway, curious lang kami dahil ang kasamang babae ng guy na nasa ibang bansa ay partner ng lalaking inili-link sa ex-wife niya? Naguluhan ako, huh!

Hindi naman siguro ito “Palitan” tulad ng pelikula ng Viva Films na idinirek ni Brillante Mendoza na mapapanood na sa December 10 kasi Girls love ang tema kuwento.

The post Ex-husband ng kilalang female personality nahuling nakikipaghalikan sa ‘friend’ ng ex-wife? appeared first on Bandera.

Ellen Adarna buntis na nga ba?

$
0
0

Ellen Adarna buntis na nga ba?

USAP-USAPAN ngayon kung buntis na nga ba ang aktres na si Ellen Adarna panganay ng asawang si Derek Ramsay.

Naging palaisipan kasi sa mga netizens ang naging birthday wish ni Derek Ramsay na katatapos lang mag-celebrate ng kanyang 45th birthday.

Sa isang video na kuha habang hinihingan ang aktor ng kanyang birthday wish bago i-blow ang candle ng kanyang cake, ay tila ibinunyag nito ang sikreto nilang mag-asawa.

“I wish, I wish it’s a BOY!” maligayang saad ni Derek sabay takbo palayo sa asawa.

Kita rin ang pagkabigla sa mukha ni Ellen nang sabihin ni Derek ang kanyang birthday wish.

Samantala, nagkomento naman si ‘nay Cristy ukol sa chika kung may katotohanan ba ang pagbubuntis ni Ellen.

“Nagkakabiruan ngayon kasi parang may baby bump na raw si Ellen. Ang sabi naman ni Derek, ang gusto niya lalaki,” umpisa ni ‘nay Cristy.

“At inaabangan naman talaga na pagkatapos ng kasal ay ano nga ba ang susunod? Siyempre ang pagkakaroon ng baby,” dagdag pa niya.

Pinuri rin ni ‘nay Cristy ang nakakatuwang relasyon ng dalawa.

“Swak na swak ang dalawa, no? ‘Yung mga trip nila, ‘yung mga ginagawa nila, talagang nagkakasundo.

“Pinagtagpo ng kapalaran ang dalawang tao na iisa ang takbo ng isip, iisa ang mga gusto sa buhay pero matindi at malalim ang pagmamahalan.

“Wala na tayong masasabi pa tungkol kay Ellen at kay Derek kundi ang abanfab ba pang natin ang kanilang pagkakaroon ng panganay.”

Sa ngayon ay wala pa rin namang inilalabas na kumpirmasyon ang dalawa kung totoo nga ba ang nababalitang pagdadalang tao ni Ellen.

Nobyembre ngayong taon nang ikasal ang dalawa sa isang resort sa Bagac, Bataan.

 

Related Chika:
Derek mas bumongga ang buhay dahil kina Ellen at Elias: It’s perfect! I love you baby!

The post Ellen Adarna buntis na nga ba? appeared first on Bandera.

4,000 provincial buses, babalik sa Edsa; kagulo na naman

$
0
0

Nakakalungkot ang balita na isang huwes ang pumayag na bumalik sa EDSA ang mga libu-libong provincial buses, lalo na iyong mga nagsara ng kanilang mga bus terminals na karamihan dyan sa Cubao at Pasay. 

Kung hindi maaagapan ng Duterte administration, mababalewala lahat ang malalaking pagbabago sa EDSA nitong nakaraang halos dalawang taon. Mawawala ang EDSA Bus carousel system, mawawala ang mga bike lanes at ang matindi, lalabas na naman sa mga service roads ang mga provincial bus na nagpetisyon sa korte.

Sa ngayon kasi, ang mga bus ay hindi nakakapasok sa EDSA. Iyong mga galing sa South ay bumababa diyan sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PTEX) at yun namang mga provincial bus galing ng Norte ay bumababa sa Valenzuela Gateway Complex  Integrated Terminal (VGCIT). Parehong lilipat ng “city bus” ang mga pasahero nito papunta sa EDSA Bus Carousell system.

Naging  maayos na ang sistema. Kahit mga bus commuters ay kabisado na ang mabilis na biyahe ng mga public buses.   Isinara na ang mga bus terminals sa EDSA at nagagamit ng mga motorista ang magkabilang service roads, northbound at southbound , kaya naman umuusad ng husto ang traffic at hindi na siya parking lot.

Pero mawawala  ang lahat ng ito, dahil ang pagkakaalam ko na sa linggong darating, inutos ng isang “judge” na pabalikin na ang mga “provincial buses” sa EDSA dahil nawalan daw sila ng hanapbuhay.  Pinag-usapan ito nitong nakaraang linggo sa sa IATF, pero mabuti na lamang kumontra sina DILG sec. Eduardo Ano, DOJ Sec. Meynardo Guevarra, lalong lalo na si MMDA Chairman Benhur Abalos. Iyong ibang miyembro ng IATF ay nagsasabi na mahirap awatin ang “court order”, lalot ‘effective ngayong Lunes yata ang naturang order. 

At dahil hindi naman miyembro ng IATF ang DOTR at ang LTFRB na nagpasimuno ng EDSA Bus carrousel system, mukhang magkakatalo sa botohan at baka manaig ang “court order” , lalot wala pang TRO “temporary restraining order” upang pigilan ito. 

Sa totoo lang, ako’y labis na nagtataka kung bakit parang “itinago” ang isyung ito sa MMDA at sa LTFRB-DOTR. Parang naging biglaan ang order na hindi man lang nakapag-react ang MMDA O DOTR na kontrahin ito sa korte.

At kung magkakatuluyan, tiyak na magkakagulo sa EDSA kapag bumalik ang 4,000 provincial buses dito.  Isipin niyo, mababalewala ang napakahusay na mga bus terminals na PTEX sa Paranaque at itong sa Valenzuela gateway terminal. Bukod diyan, bukasan na naman   ang mga bus terminal sa EDSA at dahil PASKO, siyempre, buhul buhol na naman ang trapiko dahil sa umuuwi at papaalis na pasahero na may sundo o kaya’y mga taksi at babalagbag na naman sila sa mga service roads.

 Sa totoo lang, kaya walang nangyayari sa bansa natin ay dahil sa ganitong lantarang pagbalewala sa mga magaganda at napatunayan nang sistema ng EDSA bus carousel system. Isipin niyo, ang petisyon ng mga may-ari ng 4,000 provincial buses ay nawalan daw sila ng hanapbuhay. Paano naman ang perwisyo natin sa matinding traffic sa EDSA? Sila lang ba ang kawawa kapag inabot na naman ng siyam-siyam sa kalye ang mg commuter at trabahador dahil sa mga naghambalang nilang mga provincial buses?  Bakit pansarili lamang ng mga provincial bus operators? Sa totoo lang, perwisyo naman talaga ang kanilang mga bus terminals sa EDSA. Siyempre pinagkakakitaan nila iyan dahil “prime property” yan , hindi lamang sa billboard kundi sa ibang negosyo. Pero, paano naman ang pangkalahatang solusyon sa Metro Manila traffic? Ilang taon na silang nakinabang sa kanilang mga bus terminals na iyan? Ilang taon na rin silang namerwisyo ng mga motorista at commuters?

Babantayan natin ang isyung ito at  titingnan natin kung bibigay at papayag itong si DOTR secretary Art Tugade at mismong si Pangulong Rodrigo Duterte.  Nakakahiya, nagtayo kayo ng EDSA Bus Carousel system  at nilinis ang EDSA, pagkatapos isang huwes lang ang nag-utos na ibalik ang mga provincial buses, tiklop na kayo.

Abangan ang susunod na kabanata. 

The post 4,000 provincial buses, babalik sa Edsa; kagulo na naman appeared first on Bandera.

AJ Raval nagka-mental breakdown dahil sa bashers: Sobrang toxic na ng social media

$
0
0

AJ Raval nagka-mental breakdown dahil sa bashers: Sobrang toxic na ng social media

NANGANGAMBA ang young actress na si AJ Raval na baka muli na naman siyang ma-bash matapos ang kanyang pag-amin ukol sa pagpapalagay ng breast implants noong nakataang taon.

Ngunit balak na rin niyang ipatanggal ang silicone gel sa kanyang dibdib ngayong darating na 2022 para na rin sa “freedom” niya.

Ito ay inilahad ni AJ sa kanyang nagdaang media conference noong Disyembre 9 para sa pelikulang “Crush Kong Curly”.

Ikinuwento rin ng aktres na nagkaroon siya ng mental breakdown dahil sa mga natatanggap na batikos sa social media na nagsimula noong ma-link siya sa hunk actor na si Aljur Abrenica.

“Sobrang toxic na ng social media para sa akin. Ayoko na po magpaapekto. Nagme-mental breakdown na po ako,” pag-amin ni AJ.

Umabot pa nga raw sa punto na iyak lang siya ng iyak. Hindi na rin siya makatulog at makakain nang maayos dahil sa mga bashers kaya nga nagdesisyon na rin ang dalaga na mag-social media detox.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Ross (@hashtag_wilbert)

Hinayaan na lamang daw ni AJ ang kanyang admin na mamahala ng kanyang social media accounts.

Dagdag pa niya, sinubukan naman daw niyang ipaliwanag ang sarili pero hindi lahat ng tao ay naintindihan siya.

“Ang dami ko po nare-receive na kung anu-ano. May mga death threat pa po. May mga galit na galit po sa akin.

“Nag-detox na lang po ako kasi nakakasira po talaga ng mental health ‘yung social media,” saad ni AJ.

Ngunit kahit na nakakaranas na ng mental breakdown ang dalaga ay hindi ito lumapit sa psychiatrist at sa halip ay gumawa ng mga hakbang para matulungan ang sarili.

“Ako na rin po ang tumulong sa sarili ko. Ang dami ko po nagawa ever since nag-social media detox ako,” sey ni AJ.

“Nililibang ko po ang sarili ko, nakalipat po ako ng bagong bahay, nakabili ako ng bagong sasakyan.”

“Yung negative na nangyayari, ginawa ko po siyang positive. Gusto kong mag-improve sa sarili ko. Gusto ko rin po mag-grow,” dagdag pa niya.

Related Chika:
AJ Raval napaiyak sa presscon: Hindi ako nagsinungaling pero na-judge pa rin ako…

The post AJ Raval nagka-mental breakdown dahil sa bashers: Sobrang toxic na ng social media appeared first on Bandera.

‘Four Sisters and A Wedding’ parody ni Alex Gonzaga, no. 1 trending video sa YouTube

$
0
0

Alex Gonzaga

NASA no. 1 spot ng top trending videos ang “Four Sisters and A Wedding” parody ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga.

Ang ginawang “Four Sisters And A Welding” ay ang parody ng 2013 hit movie na directed by Cathy Garcia-Molina.

Ito ay parte ng selebrasyon ng actress-vlogger sa kanyang 4th Anniversary sa YouTube kung saan ibinahagi niya ang kwento ng “Kaazar Family”.

Si Alex mismo ang gumanap bilang Teddie na originally ay ginampanan ng kanyang ate na si Toni Gonzaga.

Ang mga vloggers naman na sina Donnalyn Bartolome (Bobbie), Zeinab Harake (Alex), at Michelle Dy (Gabbie) naman ang gumanap bilang mga kapatid ni Alex na orihinal na ginampanan nina Bea Alonzo, Angel Locsin, at Shaina Magdayao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)

Dito ay ginaya nila ang ilang mga iconic scenes mula sa nasabing pelikula na talaga namang tumatak sa madlang pipol.

Nakisama rin sa parody ang ina ni Alex na si Mommy Pinty pati na rin ang kapatid na si Toni Gonzaga.

Nagkaroon rin ng special participation ang original Alex na si Angel Locsin sa bandang dulo ng parody vlog.

Sa ngayon ay may 10,931,493 views na ito buhat nang i-release noong July 31.

Ilan pa sa mga trending videos ni YouTube ay ang panganganak ni Zeinab Harake, Extreme Girlfriend Challenge nina AJ Raval at Donnalyn Bartolome, Muling Pagkikita nina Mahal at Mura, pagpa-prank ni Ivana Alawi sa kanyang ina.

Samantala, pasok rin si Alex Gonzaga sa Top 10 YouTube creators kasama sina Ivana Alawi, Zeinab Harake, Toni Gonzaga, Donnalyn Bartolome, Vice Ganda, Mika Salamanca, Hash Alawi, at Cong TV.

Related Chika:
Angelica nagsisi nang ayawan ang ‘Four Sisters And A Wedding’: Hindi ko pa rin siya pinapanood
Toni 2 beses umatras sa Four Sisters And A Wedding: Sabi ko parang hindi ko kaya, nakakahiya…

The post ‘Four Sisters and A Wedding’ parody ni Alex Gonzaga, no. 1 trending video sa YouTube appeared first on Bandera.


Jun Lana, Perci Intalan hiwalay na: We request for privacy as we navigate this transition

$
0
0

Jun Lana, Perci Intalan hiwalay na: We request for privacy as we navigate this transition

‘ANONG nangyari? Ang ganda ng partnership nila bilang parehong direktor at producer at marami ang humahanga sa kanila dahil sa magandang ambag nila sa showbiz industry.’ Ito ang sumagi sa isip namin nang mabasa ang tweet ni Direk Jun Robles Lana kaninang 1 p.m. na hiwalay na sila ng kapwa niya direktor at IdeaFirst Company Presidient na si Perci M. Intalan.

Ang tweet ni direk Jun, “Hi guys. Perci and I have decided to part ways amicably. We wish each other well and will continue to be active co-parents for our children & business partners for our company. We request for privacy as we navigate this transition. Thank you all for your understanding & support.”

Matatandaang ikinasal sina direk Perci at Jun sa harapan mismo ng Bethesda Fountain, Central Park New York, USA noong Oktubre 14, 2013 na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Sa pagkakatanda namin ay nagkakilala sina direk Perci at Jun thru common friend habang nasa Australia ang una at thru chat nagsimula ang kanilang love story.

Sakto kumuha ng crash course sa directing si direk Jun sa Australia at sabay na rin ng pagkikita nila roon ni PMI (tawag kay direk Perci).

Hanggang sa nakabalik na ulit ng Pilipinas si direk Jun at sumunod na si direk Perci at dito na itinuloy ang kanilang pagmamahalan at naging partner para itayo ang IdeaFirst Company noong 2014.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Perci Intalan (@percinotpercy)

Magkatuwang ang dalawa sa pag-line produce ng mga movie projects tulad ng “Bwakaw”, “Mga Kuwentong Barbero”, “Dementia”, “Anino sa Likod ng Buwan”, “Sleepless”, “I love You To Death”, “Die Beautiful”, “Bakit Lahat ng Guwapo may Boyfriend”, “Ang Manananggal sa Unit 23B”, “I America”, “The Write Moment”, “The Debutantes”, “Ang Dalawang Mrs. Reyes”, “My Fairytale Love Story”, “Ang Pambansang Thirdwheel”, “Mr. and Mrs. Cruz”, “Gusto Kita with all my Hypothalamus”, “Ang Babaeng Allergic sa Wifi”, “Distance”, “Born Beautiful”, “Panti Sisters”, “Untrue”, “Unforgettable”, “Kalel 15”, “Gameboys: The Movie”, at itong entry nila sa 2021 Metro Manila Film Festival na “Big Night”.

Bukod sa pelikula ay may mga TV shows at web series din ang IdeaFirst na pawang tumatak sa mga manonood.

Maraming na-inspire sa love story nina PMI at direk Jun lalo na nu’ng magpakasal sila kaya nga ‘yung ibang magkakarelasyon ay gusto ring magpakasal sa Central Park.

Nalungkot kami dahil 10th wedding anniversary sana nila sa 2023 pero malay natin, baka naman may 2nd chance pa, baka kailangan lang nilang magpahinga kasi nga naman nakaka-stress ang panahon ng pandemya.

Sa kasalukuyan ay walang bagong post si direk Perci maliban sa promo ng pelikula ni Kokoy De Santos na “Amoral” na si Jun ang direktor. Mukhang maganda ang paghihiwalay ng dalawa dahil tuloy-tuloy pa rin ang partnership nila sa paggawa ng pelikula at iba pang programa sa TV at online series.

Related Chika:
Gay series na ‘Gameboys’ tatapatan na ng Girl’s Love story na ‘Pearl Next Door’

The post Jun Lana, Perci Intalan hiwalay na: We request for privacy as we navigate this transition appeared first on Bandera.

Aiko Melendez magse-self manage na; Troy Laureta naglabas ng ‘Giliw’ album tampok ang mga award-winning artists

$
0
0

Aiko Melendez magse-self manage na; Troy Laureta naglabas ng 'Giliw' album tampok ang mga award-winning artists

WALA na palang manager si Aiko Melendez.

Nakita namin ang pinost niyang official statement mula sa mga abogado niyang sina Atty. Elmer G. Train at Atty. Ernesto Angelo S. Limjoco na siya na ang magma-manage ng career niya.

Base sa statement:

Aiko Melendez to manage her own career.

“Starting December 10, 2021, Ms Aiko Melendez will be managing her own career after numerous years in the industry.

“The veteran actress sincerely expresses her gratitude to ALV Talent Circuit, Inc. who has consented to her decision, for all that they have accomplished together through the years.

“Ms. Melendez will be managing own career under the supervision of Ms. Ian Buenaventura.

“Inquiries regarding working with Ms Melendez may be sent to Ms Buenaventura at 0961-2281615.

“Ms Melendez is excited for this next chapter on her career and thanks her fans for their understanding and continued support.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)


Kung hindi kami nagkakamali ay taong 2019 nang pumirma ng three-year contract si Aiko kay ALV na ginanap pa nga sa Novotel at dahil 2021 na ngayon ibig sabihin ay natapos na rin pala ng aktres ang kontrata.

Anyway, abala pa rin si Aiko sa pag-iikot niya sa District 5 ng Quezon City kung saan kakandidato siyang konsehal at base sa mga nakita naming post niya sa social media account niya ay talagang iniisa-isa niya ang mga loob ng mga barangay na makikipot ang daan at kinakamayan niya ang lahat at yumayakap pa lalo na sa mga senior citizens na napapasayaw pa.

Samantala, may FB live pa-raffle pala si Aiko sa mga taga District 5 ng QC sa mismong kaarawan niya, December 16 sa ganap na 3-4PM.

Ang caption ni Aiko sa video post niya, “Mga ka Distrito 5 dahil birthday at anniversary ko sa showbiz sa Dec 16 ako ang may regalo para sa inyo. All you have to do is like, Share at i-heart ang aking Aiko Melendez QC page sa Facebook at manalo ng mga papremyo mula sa aming team. Kita kits tayo po sa Facebook live ko Dec 16 3pm po Aiko Melendez QC page. #nagmamahalatnaglilingkod #teamAIKOmelendez #konsiAIKOaalagaanka

* * *

Kabilang ang Grammy award-winning artists na sina Deborah Cox at All-4-One at “American Idol” season 2 winner Ruben Studdard sa bagong handog ng Fil-Am music director na si Troy Laureta na patuloy na ibinibida ang musikang Pinoy sa pamamagitan ng kanyang bagong album na “Giliw: A Troy Laureta OPM Collective Vol. 2.”

Inilabas isang taon pagkatapos ipakilala ang matagumpay na “Kaibigan” OPM collective, ang “Giliw” album ni Troy ay may 13 tracks kasama ang “Magkasuyo Buong Gabi” duet nina Deborah at Ruben at reimagined version ng “Laging Tapat” mula sa American singer na si Skylar Stecker. Bahagi rin nito ang male R&B at pop group All-4-One para sa kantang “Paano Ang Puso Ko.”

Nadagdagan pa ang American singers na sumubok umawit ng OPM kabilang na ang classical singer na si Fernando Varela para sa rendisyon niya ng “You Are My Song,” habang ang singer-songwriter na si Shoshana Bean ang nagbigay-buhay sa classic ballad na “Kailangan Ko’y Ikaw.” Tampok din si “Never Enough” singer Loren Allred na kinanta naman ang “Araw Gabi.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Troy Laureta (@troylaureta)

Mapapakinggan din sa album si Boy Abunda para sa “Interlude: Pag-ibig” habang si Jona naman ang naghatid ng remake ng “Someone To Love Me.” Maririnig din dito ang “Intro: Kaibigan” na mula sa “The Voice Kids Philippines” season 4 contestant na si Adah.

Nagbabalik naman ang kapatid na singer ni Troy na si Cheesa na inawit ang 90’s hit na “Kaba.” Syempre, kasama pa rin sina Nicole Scherzinger at Regine Velasquez na nagsanib-pwersa para sa awiting “Nandito Ako.” Si Jake Zyrus na kabilang din sa naunang “Kaibigan” album ay nagbabalik din para sa kantang “Maghintay Ka Lamang” pati na rin sa “Outro: “Kung Kita’y Kapiling.”

Isang initiative ni Troy katulong ang ABS-CBN Music International, sinusundan ng “Giliw” ang kanyang “Kaibigan” OPM collective na binuo upang balikan ang ilan sa Pinoy song classics at bigyan ito ng bagong interpretasyon ng Filipino at non-Filipino artists at ipakalap pang higit ang OPM masterpieces na ito sa global stage.

Mapapakinggan na ang “Giliw” album sa music streaming platforms worldwide. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Other Chika:
Aiko: Hindi ako naghihirap pero hindi ko rin masasabing mayamang-mayaman ako…

The post Aiko Melendez magse-self manage na; Troy Laureta naglabas ng ‘Giliw’ album tampok ang mga award-winning artists appeared first on Bandera.

‘PBB Otso’ Big Winner Yamyam Gucong magiging daddy na!

$
0
0

Yamyam Gucong magiging daddy na!

ISANG bagong chapter na naman ng buhay ang sisimulan ng “Pinoy Big Brother Otso” Big Winner na si Yamyam Gucong ngayong magiging daddy na siya.

Sa isang TikTok video na in-upload ni Yamyam ay kitang-kita ang baby bump ng kanyang fiancé na si Elaine Toradio.

Ibinahagi niya rin ang nasabing video sa kanyang Instagram account bilang parte ng celebration ng kanyang ika-28th birthday.

“I dont need more money, I need happiness that wash all my sadness happy birthday to me,” saad ni Yamyam.

Kasunod ng mga maliligayang bati ng mga kaibigan at ng mga netizens sa “PBB Otso” Big Winner, marami rin ang nag-congratulate sa future husband and wife para sa parating nilang anak.

“OMG! Congratulations, Yamito! Happy birthday,” comment ng isang netizen.

“Happy birthday Yam and congratulations! Magiging daddy ka na pala,” saad pa ng isang netizen.

“Happy birthday guapo,” comment naman ni Andre Brouillette na nakasama rin niya sa “PBB” at parte rin ng Team LAYF (Lou Yanong, Andre Brouillette, Yamyam Gucong, Fumiya Sankai).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)

Matatandaang noong Oktubre 20 nang ibahagi ng “PBB” Big Winner sa kanyang social media accounts na engaged na sila ng kanyang longtime dyowa.

Mismong sa loob pa nga ng shop kung saan nabili ni Yamyam ang singsing siya nag-propose.

“Alam kung immune kana sa mga surprises ko sayo dati at gusto kung maiba naman kaya dinala kita mismo sa store kung saan tatanungin kita ng “papayag kaba na maging asawa ko?” saad ni Yamyam sa kanyang social media post.

Mayroon ring video na ipinost si Yamyam na kuha habang nagpo-propose siya sa kanyang matagal nang dyowa.

Yamyam also quipped in a separate post, “Kung sinabi mong ‘NO’ andali ko lang isauli singsing na binili ko #fiance #proposal” saad ng binata sa kanyang post.

Limang taon nang magdyowa sina Yamyam at Elaine. Kuwento pa noon ng PBB Otso Big Winner, sa evacuation center sila unang nagkakilala matapos magkaroon ng malakas na lindol sa Bohol noong 2013.

Related Chika:
PBB Big Winner Yamyam Gucong engaged na sa longtime dyowa

The post ‘PBB Otso’ Big Winner Yamyam Gucong magiging daddy na! appeared first on Bandera.

Kim Domingo nabawasan ng followers nang tumigil sa pagpapa-sexy

$
0
0

Kim Domingo nabawasan ng followers nang tumigil sa pagpapa-sexy

AMINADO ang Kapuso actress na si Kim Domingo na nabawasan ang kanyang mga followers buhat nang bawasan niya ang pagpo-post ng sexy sa social media.

Sa isang virtual interview sa mga press noong Miyerkoles, December 8, ikinuwento ng aktres ang kanyang napapansin na tila nagbago na ang followers nang limitahan niya ang kanyang pagpapa-sexy.

“May mga taong nawala kasi nung time na nagpapa-sexy ako, ang dami. Tapos nung time na nagbawas na ko, sabi ko parang may mga taong nawala, like sa following sa social media – umonti,” saad ni Kim.

Para sa aktres, nais niyang mas makilala siya ng tao higit pa sa pagpapa-sexy.

“Mas gusto ko na nakikita nila na meron akong ibang kayang gawin bukod sa pagpapa-sexy,” dagdag pa ni Kim.

Gayunpaman, hindi naman masyadong nakaapekto sa kanya kung bumaba man ang kanyang followers dahil mas mahalaga pa rin daw ang kaniyang happiness.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Domingo (@kimdomingo_)

“Ang importante sa ‘kin, kung saan ako masaya. Kung ano na ‘yung gusto ng puso ko ngayon. Masaya ako sa ginagawa ko.”

Hindi naman isinasara ni Kim ang kanyang pinto sa muling pagkakaroon ng sexy roles pero sa ngayon ay mas nagpo-focus siya sa pagpapamalas ng iba pa niyang kayang gawin at ipakita bilang entertainer.

Maari pa rin naman daw siyang tumanggap ng mga sexy roles pero nakadepende pa rin ito kung ano ang proyekto na ibibigay sa kanya.

Nabawasan man siya ng mga followers sa Instagram ay nananatili pa rin namang marami ito.

Nang silipin namin ang kanyang account ay may mahigit two million followers pa rin ito.

Related Chika:
Kim Domingo tinamaan na rin ng COVID-19; iyak nang iyak nang matanggal sa serye ni Jennylyn

The post Kim Domingo nabawasan ng followers nang tumigil sa pagpapa-sexy appeared first on Bandera.

Ano ang ipinayo ni Maureen Wroblewitz kay Beatrice Gomez?

$
0
0

Ano ang ipinayo ni Maureen Wroblewitz kay Beatrice Gomez?

PINAYUHAN ni 2021 Miss Universe Philippines 1st runner-up at 2017 Asia’s Next Top Model winner Maureen Wroblewitz ang kaibigang si 2021 Miss Universe Philippines Beatrice Gomez na kasalukuyang nasa Eilat, Israel para sa Miss Universe 2021 pageant.

Pagbabahagi ng beauty queen-model, sinabihan niya si Beatrice na lumayo muna at umiwas sa paggamit ng social media.

“Social media can be very toxic and there are a lot of negative people, especially they have a lot of expectations.

“I actually told her to turn off her comments so that only her followers can comment because bashers are negative people. She should not listen or read comments because it can really hurt her,” saad ni Maureen.

Kampante naman si Maureen na mag-i-stand out ang ganda at galing ng kaibigan sa pinakainaabangang pageant sa buong mundo.

“I hope that she’s gonna remember everything, to focus on herself and to really enjoy the journey because it’s really so fast and it will happen on Monday (in Philippines) already.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maureen Wroblewitz (@mauwrob)

Samantala, marami na sa mga netizens ang talagang naka-abang na hindi lang sa representative ng bansa na si Beatrice Gomez kundi pati na rin sa isa sa mga magiging judge na si Kapuso Primetime Queen, Marian Rivera.

Paniguradong mas marami pa ang manonood lalo na’t hindi lang isa kundi dalawang Pinay ang bumabandera sa pinaka-prestigious pageant sa buong universe.

Magsisimula naman ang preliminary competition at national costumes presentation ngayong December 10, 7PM (December 11, 1AM Philippine time).

Samantala, ang Miss Universe coronation night ay gaganapin sa Red Sea Resort sa Eilat, Israel sa December 12 (December 13, 8AM Philippine time).

 

Related Chika:
Beatrice Gomez bet maging action star; willing gumawa ng stunts kahit walang ka-double

The post Ano ang ipinayo ni Maureen Wroblewitz kay Beatrice Gomez? appeared first on Bandera.

Viewing all 44298 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>