Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44314 articles
Browse latest View live

4 na negosyo ni Robi nagsara dahil sa pandemya pero naka-survive pa rin: Hindi naman kasi ako maluho

$
0
0

Robi Domingo

APAT na negosyo ang ipinasara ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Kuwento ng binata, isa rin siya sa mga celebrities na talagang naapektuhan ng pandemya, lalo na noong nakaraang taon kung saan halos lahat ng negosyo ay tumigil sa operasyon.

Pero ayon kay Robi, mabuti na lang at kahit paano ay nakaipon na rin siya at nagpatuloy pa rin ang pagtatrabaho niya sa kabila ng pagsasara ng ABS-CBN.

“I think the perfect word is surviving and learning a lot during the past 20 months,” pahayag ng TV host sa isang panayam.

“Mahirap kasi sa mga nangyari, especially with the shutdown, and with the pandemic, yung mga events, yung mga television shows, yung mga projects significantly kumonti.

“Kasi because of budget constraints, because of health concerns. So yes, naapektuhan din ako ng pandemic,” pahayag pa ni Robi.

Patuloy pa niya, “And also, personally, my parents who are both doctors, medyo naging uncomfortable ako. Kasi they needed to work in the hospitals.

“At first, I didn’t want them to go out. Pero sabi nila, commitment. Kailangang panagutan yung panunumpa na ginawa nila dati.

“So, yeah, to be at the service as well. Naapektuhan ako ng pandemic in different ways, especially for businesses.

“I had to close down four businesses that I have, three across Katipunan, which is a bar, a burger joint, and a salad place.

“Kasi nagsara yung Ateneo for some time. And I think, online class, walang face-to-face, naapektuhan heavily yung food traffic.

“And an events company. Kasi hindi namin napag-usapan ng mga partners ko kung paano magpi-pivot sa digital age.

“So one of the things which I regret, kasi ang lakas ng digital events ngayon. But I’m good. I’m super thankful na I got to transition because of different social media elements,” paliwanag pa niya.

Samantala, sa tanong kung nasa plano na ba niya ang pag-aasawa ngayong medyo stable na ang kanyang buhay at career, “I’m just really lucky to have great parents na na-instill sa akin yung kahalagahan ng pagiging masinop sa pera.

“I think I got that one from my father who is an Ilocano. So, yes, suwerte lang ako, kasi, I got friends as well coming from Ateneo na kinuha kong financial architect and advisers to lay out some plans for me when it comes to finances.

“Hindi naman ako maluho, e. Siguro, ang pinakaluho ko na lang, pagkain. So, when it comes to having luxurious cars, watches, hindi ko realm iyan.

“Though I would love to, someday, kapag merong extra. Pero ang iniisip ko ngayon is my stability. My financial stability for the family that I plan to have in the future,” ani Robi.


Dagdag pa niya, “And also makatulong sa kapwa. This is no BS but right now because of what has happened to ABS-CBN, I try my best to put aside some funds para sa mga nawalan ng trabaho.

“Or binibigyan natin ng trabaho coming from a certain budget of mine para makapasok sila, and to showcase their skills dun sa mga projects na yun,” paliwanag pa ng Kapamilya star at isa sa mga host ng “Pinoy Big Brother Season 10”.

In fairness, isa si Robi ngayon sa mga celebrities na hindi nawawalan ng trabaho at mas dumami pa ang kanyang endorsements sa kabila ng patuloy na health crisis sa Pilipinas.

Isa nga sa mga nadagdag na blessing kay Robi ay ang pagiging brand ambassador ng courier and logistics service company na Flash Express Philippines.

https://bandera.inquirer.net/285091/robi-umaming-selosong-dyowa-parang-napapraning-akohttps://bandera.inquirer.net/295848/robi-domingo-sinagot-ang-paratang-na-ginagamit-niya-si-maymay

The post 4 na negosyo ni Robi nagsara dahil sa pandemya pero naka-survive pa rin: Hindi naman kasi ako maluho appeared first on Bandera.


Brenda Mage kasama sa ‘Darna’ pero pinili ang PBB: Ako sana si Valentina, pero tinanggihan ko! Charot!

$
0
0

Brenda Mage, Janella Salvador at Jane de Leon

IPINAGPALIT ng Kapamilya comedian na si Brenda Mage ang maging bahagi ng bagong TV version ng “Darna” sa ABS-CBN sa pagiging celebrity housemate ng “Pinoy Big Brother” season 10.

Ito ang rebelasyon ni Brenda sa ipinalabas na episode ng “PBB” kagabi habang kausap niya ang ilang kasamahang housemates.

Naibahagi ng komedyante ang tungkol dito nang sumabak ang mga housemates ni Big Brother kung saan kailangan nilang hulaan kung ano ang totoong balita o fake news na ibibigay sa kanila.

Nag-react si Brenda Mage sa balitang in-announce na ng ABS-CBN na si Janella Salvador na nga ang napiling Valentina sa “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na pagbibidahan ni Jane de Leon na siyang gaganap sa iconic Pinoy superhero.

Ani Brenda, “Hindi! Part sana ako ng ‘Darna’ at imposibleng si Janella ang papasok.” Siyempre mali ang sagot ng komedyante dahil nitong nagdaang Nov. 19 ay ibinandera ng management na si Janella ang napiling millennial Valentina.

Nang makausap na ni Brenda Mage si Kuya sa loob ng confession room, sinabi nga niya na na-cast na raw siya sa “Darna” bago pa dumating ang offer sa kanya na maging celebrity housemate sa season 10 ng “PBB.” 


Obviously, ang “PBB” ang kanyang pinili, “Kasama po sana ako sa ‘Darna’ pero hindi ko po naituloy dahil mas pinili ko pong makilala kayo dito sa Pinoy Big Brother.

“Ako po sana si Valentina, pero tinanggihan ko. Charot lang!” natatawang biro ni Brenda. Hindi naman niya nabanggit kay Big Brother kung ano sana ang magiging role niya sa bagong “Darna.” 

Noong Oct. 5 in-announce ng Kapamilya network kung sinu-sino ang makakasama sa cast ng “Darna”, kabilang na rito sina Jane, Iza Calzado (as the original Darna), Zaijan Jaranilla bilang si Ding, at Joshua Garcia na magiging love interest ni Darna.

Nagsimula nang mag-taping ang “Darna” last month sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Chito Roño, kasama si Direk Avel Sunpongco. Kinukunan ang mahahalagang eksena ng serye sa ABS-CBN’s Hollywood-standard sound stages sa San Jose del Monte, Bulacan.

Brenda Mage kay Alexa: Wala siyang silbi, ganda lang talaga…panay lamon pa

Janella Salvador gaganap bilang Valentina sa ‘Darna’ series

The post Brenda Mage kasama sa ‘Darna’ pero pinili ang PBB: Ako sana si Valentina, pero tinanggihan ko! Charot! appeared first on Bandera.

Nakakaloka ang sex scenes sa ‘Palitan’ ni Brillante Mendoza; 4 na bida game na game na naghubo’t hubad

$
0
0

Cara Gonzales, Luis Hontiveros, Rash Flores at Jela Cuenca

GRABE! As in grabe pala talaga ang bagong pelikula ni Brillante Mendoza na “Palitan” mula sa Viva Films.

Ito’y pinagbibidahan ng mga baguhan ngunit matatapang na sexy stars na sina Cara Gonzales at Jela Cuenca kasama ang mga palaban din sa hubaran na sina Luis Hontiveros at Rash Flores.

Tama naman ang mga naging pahayag ng apat na bida ni Direk Brillante tungkol sa kanilang pelikula — talagang tumodo na sila sa hubaran at mga nakakaloka at nakakaiskandalong sex scenes.

In fairness, simula pa lang ng pelikula ay talagang nagdyugdyugan na sina Cara at Luis habang nasa loob ng fitting room sa isang boutique.

But wait, there’s more as in more and more and more! Ha-hahaha! Sa unang bahagi ng “Palitan” ay isinalaysay muna ni Direk Dante ang mga issue sa kuwento na iikot sa naunsyaming love story ng mga karakter nina Cara at Jela bilang sina Jen at Marie.

Dito nga sasagutin ang tanong na kung bibigyan ka ng isang gabi para makasama ang iyong tunay na minamahal gagawin mo ba ito? Isusugal mo ba ang lahat ng iyong pinaghirapan, at bawat relasyon na mayroon ka para mapagbigyan ang iyong at sarili at makuha ang inaasam-asam na true love?

Yes, isang GL o girls love at sexy-thriller ang “Palitan” na tatalakay sa buhay ng apat na taong pinagtagpo ng pag-ibig, pagkakaibigan at tawag ng laman. 

Hindi na namin ikukuwento ang magiging takbo ng kuwento ng “Palitan” pero siguradong masa-shock kayo sa mga eksena rito nina Cara, Jela, Luis at Rash lalo na nang magkita-kita na sila sa probinsya na mauuwi sa isang mainit at mapusok na gabi.


Para sa amin, ito na ang pinakagrabeng sex movie na ginawa ni Direk Dante — lalo na kapag napanood n’yo ang isang nakakawindang na eksena sa CR, ang sex scene ng apat na bida sa falls, at ang nakakalokang love scene nina Cara at Jela kung saan talagang naghubo’t hubad pa sila. 

Promise, sure na sure kami na ikagugulat n’yo ang mga eksenang ito! Ngunit, bukod sa maiinit at mapangahas na mga sex scenes, may mga aral ding tungkol sa buhay-buhay ang pelikula.

Kabilang na riyan ang pagtanggap kung sino ka talaga, ang paghingi ng tulong para labanan ang mga problema, harapin ang mapanghusgang mundo, at maniwala at manalig sa mga desisyon mo.

Ang “Palitan” ay isinulat ng Palanca award-winning screenwriter na si Honeylyn Joy Alipio na siya ring sumulat ng “Taklub” na tumanggap ng Prize of the Ecumenical Jury award sa Cannes Film Festival noong 2015), at ang “Mindanao,” na nanalo naman ng dalawang awards sa 41st Cairo Film Festival.

Mapapanood na ang “Palitan” sa VIVAMAX ngayong darating na Dec. 10.

Sexy star ng Viva pinayagan ng ama na maghubad sa pelikula: Pero bawal akong hawakan sa boobs!

Luis Hontiveros hindi ipinaalam sa pamilya ang paghuhubad sa ‘Palitan’ ni Brillante Mendoza

The post Nakakaloka ang sex scenes sa ‘Palitan’ ni Brillante Mendoza; 4 na bida game na game na naghubo’t hubad appeared first on Bandera.

Sey mo Paolo, LJ excited nang mag-Pasko sa US: Can’t wait to celebrate Jesus with a renewed heart!

$
0
0

LJ Reyes, Aki at Summer

KAHIT na walang partner o boyfriend ang Kapuso actress na si LJ Reyes mukhang magiging mainit pa rin ang pagdiriwang niya ng Pasko kasama ang kanyang pamilya sa Amerika.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang Pasko na hindi na niya kasama ang ex-dyowa na si Paolo Contis matapos silang maghiwalay ilang buwan na ang nakararaan.

Base sa mga bagong social media post ng aktres ay tila looking forward pa rin siya sa magiging kaganapan sa buhay niya ngayong holiday season with her children, Aki and Summer.

Nitong nagdaang Dec. 6, nag-post ang celebrity mom sa Instagram ng kanyang photo kalakip ang mensahe tungkol sa pagse-celebrate niya ng Christmas ngayong taon.

“Realized it’s December already! We just got our tree yesterday and seeing all the lights and decors in the shop are wonderful and got me excited and all giddy! What makes you excited about Christmas?” simulang pahayag ng aktres sa kanyang caption.

Sabi pa ng ex ni Paolo, super excited na siyang ibandera ang mas tumindi pa niyang pananampalataya at pananalig sa Diyos matapos ang mga pinagdaanang pagsubok ngayong 2021.


“As for myself, I think God’s salvation and redemption have never been more emphasized in our life this year. 

“So I am very excited to just really worship Him from here on! Not just with songs and praises, but with the gift of life that God has given me!

“Can’t wait to celebrate Jesus with a renewed heart- not just on Christmas day, but every single day of my life!” pahayag pa ng Kapuso star.

Pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens ang post ni LJ at halos lahat ay nagsabing happy sila para sa mommy nina Aki at Summer dahil ramdam na ramdam nila ang kaligayahan at kapayapaan ng puso ngayon ng aktres.

Kamakailan lamang ay naging emosyonal muli si LJ nang makatanggap ng handwritten message mula kay Aki na talagang ikinatunaw ng kanyang puso.

Ibinahagi niya sa Instagram ang letter ng anak na may nakasulat na, “I love you mom up to the moon, the star, and the sun.

“Dear mommy, I love you forever and I wish you will love me forever and I wish that you buy me a toy,” sabi pa ng bagets.

Nagdesisyon ang Kapuso actress na iwan muna ang Pilipinas at manirahan sa New York City pagkatapos nilang maghiwalay ni Paolo.

LJ dedma lang sa pagso-sorry ni Paolo; super enjoy sa New York Fashion Week sa US

Balikang LJ Reyes-Paulo Avelino posible pa kaya?

The post Sey mo Paolo, LJ excited nang mag-Pasko sa US: Can’t wait to celebrate Jesus with a renewed heart! appeared first on Bandera.

Bakit natsugi si Juliana Parizcova sa titulo ng pelikula nina Andrew E, Dennis at Janno?

$
0
0

Juliana Parizcova Segovia, Dennis Padilla, Janno Gibbs at Andrew E

KNOWS n’yo ba na sinubukan din ng Kapamilya comedian at first Miss Q&A winner na si Juliana Parizcova Segovia na manligaw ng babae?

Inamin ni Juliana na never, as in never talaga siyang nagkaroon ng  sexual relationship sa isang girl ngunit aniya, nasubukan niyang manligaw noong nasa high school pa siya.

“Meron talaga akong na-bet-an na isang girl. Actually, yung girl ang may bet sa akin noong high school ako at nag-try ako na ligawan siya.

“Pero nu’ng nalaman niyang babading-bading ako, binasted ako. Pero ako yata yung nabasted na masaya kasi hindi nagtagumpay. Sa lahat ng mga nabasted ng babae, ako lang yung masaya!” ang humahalakhak na chika ni Juliana sa naganap na virtual mediacon ng pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie O Sige”.

Sey pa ng komedyante, super happy na siya ngayon sa kanyang buhay bilang proud member ng LGBTQIA+ community at tanggap nang hindi talaga babae ang hanap niya.

Natanong din si Juliana tungkol sa issue ng naging title ng “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie O Sige” na pinagbibidahan din nina Janno Gibbs, Andrew E at Dennis Padilla.

Sa pagkakaalam raw kasi ni Juliana, ang original title ng bagong pelikula ng Viva Films ay “Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo, Sang-gay” na mula nga sa panulat at direksyon ng veteran actor na si Al Tantay.


Ngunit bigla na lang daw itong nabago at natanggal na ang “Sang-gay” sa titulo ng pelikula na tumutukoy nga sa kanyang karakter.

“Nag-usap kami ni Direk Al Tantay nung last shooting day namin. Originally kasi ang title ng movie is Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo, Sang-gay. Yun ang original title ng movie, yun ang binuo ni Direk Al.

“Hindi ko alam kung ano yung nangyari, pero siyempre kung mabibigyan ako ng chance, gusto ko nandoon talaga sa title ang karakter ko na Sang-gay.

“For me, isang napakalaking karangalan na mapasama [sa pelikula], pero alam ko may reason behind kung bakit nabago siya.

“Siguro, in God’s perfect timing, magkakaroon din ako kapag nagkasama-sama ulit kami, na nandoon na sa title yung role ko,” paliwanag pa ng komedyante.

Pero agad nilinaw ni Juliana na wala siyang sama ng loob sa Viva dahil sa nangyari. Sa katunayan, abot-langit ang pasasalamat niya sa mga bossing ng nasabing movie production company dahil patuloy pa rin siyang nabibigyan ng projects.

Super proud din siya na nakasama sa isang pelikula ang mga veteran at lodi ng komedya sa bansa na sina Andrew E., Dennis at Janno.

Magpapaputok na ang sex-comedy movie na “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie O Sige” sa Vivamax simula sa Dec. 31, 2021.

Miss Q&A Juliana Parizcova hinampas ng trophy sa ulo; kontra sa pagsali ng trans sa Miss U

Juliana Parizcova Segovia naka-jackpot sa Viva; hugot na hugot ang drama sa ‘Gluta’

The post Bakit natsugi si Juliana Parizcova sa titulo ng pelikula nina Andrew E, Dennis at Janno? appeared first on Bandera.

Marian may 1 katangiang hahanapin sa susunod na Miss Universe, ano kaya yun?

$
0
0

Dingdong Dantes at Marian Rivera

“TAPANG” bukod sa kagandahan at talino ang hahanapin ng Kapuso actress-TV host na si Marian Rivera sa mga maglalaban-labang kandidata para sa 2021 Miss Universe pageant.

Nasa Eilat, Israel na ngayon si Marian na isa nga sa mga napiling judge para sa taunang international beauty pageant. Kasama niyang dumating doon ang asawang si Dingdong Dantes with her glam team.

Ayon kay Marian, excited na siyang makita at makilala nang personal ang mga kandidata sa ika-70 edisyon ng Miss Universe pageant na gaganapin sa Israel sa darating na Dec. 12.

Sabi ng misis ni Dingdong, given na raw naman ang beauty and brains ng mga kandidata pati na rin ang pagkakaroon ng mga adbokasiya, kaya isa pa sa mga hahanapin niya sa magiging Miss Universe this year ay ang katapangan at paninindigan.

“Ayokong sabihin na may hahanapin ako kasi parang mas excited ako na pumunta doon para mas ma-appreciate ko at masaksihan ko ang mga kagandahan ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang panig ng mundo,” ani Marian sa panayam ng “Unang Hirit” kamakailan.

“Siguro hindi lang ‘yung kagandahan nila pero ‘yung tapang din nila na maibalik ang humanity sa ating mundo sa kabila ng mga radikal na pagbabagong nangyari sa atin dahil sa pandemya,” sey pa ni Marian bilang isa nga sa mga miyembro ng selection committee ng pageant ngayong 2021. 


Samantala, siguradong mas magiging memorable kay Marian ang pagiging judge sa pinakasikat na beauty pageant sa buong universe dahil kasama pa niya ang asawang si Dingdong sa Israel.

Sabay na nagtungo ang Kapusp royal couple sa Eilat kamakalawa base na rin sa kanilang mga ipinost na litrato sa Instagram stories na kuha sa loob ng eroplano with matching face mask pa rin.

Ito ang unang pagbiyahe ng DongYan sa ibang bansa mula nang magkaroon ng pandemya kaya naman super excited talaga ang mag-asawa. Siniguro naman daw nila na may mag-aalaga at mag-aasikaso sa dalawa nilang anak.

Nauna rito, sinabi ng management team ni Marian, ang Triple A, na pinamumunuan ni Direk Mark Tuviera, “handpicked” talaga ang aktres ng Miss Universe Organization para maging bahagi ng selection committee.

“Nu’ng um-oo si Marian, she was vetted by the Miss Universe Organization so nakita nila syempre ‘yung massive social media presence niya and everything, so sila ‘yung lumapit and talagang nagpaalam on how to reach Miss Marian,” ani Direk Mike.

Sabi naman ni Marian, “Minsan ka lang siguro mabigyan ng pagkakataong makabilang sa isang mahalagang okasyon kung saan doon magsasama-sama lahat, at siyempre, bitbit mo ‘yung bandila ng Pilipinas.” 

Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

Marian napiling judge sa Miss Universe 2021: Sabi ko talaga ba, ako? Totoo ba yan?

The post Marian may 1 katangiang hahanapin sa susunod na Miss Universe, ano kaya yun? appeared first on Bandera.

Sharon inaming si Rowell Santiago ang tunay na ‘TOTGA’: I can never live without this boy in my life

$
0
0

Sharon Cuneta, Rowell Santiago at Raymart Santiago

INAMIN ni Megastar Sharon Cuneta sa madlang pipol na ang maituturing niyang tunay na TOTGA o “the one that got away” ay ang dati niyang boyfriend na si Rowell Santiago.

Isa si Rowell sa mga naging ka-loveteam noon ni Sharon sa mga pelikula na eventually ay naging karelasyon niya — pinagtagpo nga sila ngunit hindi itinadhana.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Mega ng throwback picture nila together ng actor-director kalakip ang isang sweet message.

“I can live without most everyone else (*including any other ex!) outside of my family, but I can never live without this boy in my life. 

“One of my bestest friends, TV show and concert director, leading man. Always the lovest. Like Kiko (her husband), his heart is so pure. So decent. A true gentleman. Truly TOTGA,” ang pahayag pa ng OPM at movie icon.

Kung matatandaan, sumikat ang tambalan nina Sharon at Rowell noong 1980s at isa nga sa pinakasikat na pelikulang nagawa nila ay ang “Cross My Hear” na ipinalabas taong 1982.

Nagsimulang mag-date ang dalawa noong maghiwalay sina Mega at Gabby Concepcion bilang mag-asawa. 

“Rowell Santiago was the only one whose heart I broke and didn’t deserve it.

“My heart wanted only Gabby. My fault and I have been atoning to Rowell who is my good friend and often concert and TV show director nowadays and before din.

“He is a La Salle grad from a respected and decent family (known them since childhood). He is one of the best quality human beings I know,” ang pahayag pa noon ni Shawie sa isang panayam.

Hindi nga nagkatuluyan ang dalawa hanggang sa ikasal na si Sharon kay Sen. Kiko Pangilinan. Halos 25 years na silang nagsasama as married couple at biniyayaan din ng tatlong anak — sina Frankie, Miel at Miguel.


Samantala, makalipas naman ang tatlong dekada, muling nagkasama sina Sharon at Rowell sa hit Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Gumaganap si Mega bilang si Aurora, ang anak ni Don Ignacio Guillermo na ginagampanan naman ng veteran actor na si Tommy Abuel, na may konek naman sa karakter ni Rowell.

The post Sharon inaming si Rowell Santiago ang tunay na ‘TOTGA’: I can never live without this boy in my life appeared first on Bandera.

Pang-aabuso sa ‘substitution rule’ ng Comelec nais matigil ni Sen. Leila de Lima

$
0
0
A worker sweeps the floor of the venue set up by the Comelec at Sofitel hotel in Pasay City for filing certificates of candidacy for the May 2022 polls, where politicians of every stripe have strode in and out since Oct. 1, with more expected till Friday. At right is the “integrity pledge” that is always worth remembering in times like these.

Photo by GRIG C. MONTEGRANDE

NAGHAIN ng panukala si Senator Leila de Lima upang matuldukan na ang pang-aabuso sa batas kaugnay sa ‘substitution of candidates’ sa mga national at local elections.

Sa inihain niyang Senate Bill No. 2461, nais ni de Lima na pagtibayin sa lehislatura ang polisiya ng Comelec ukol sa substitution.

Nais ng namumuno sa Senate Committee on Social Justice na ang pagpapalit ng kandidato ay malimitahan na lamang sa kamatayan at diskuwalipikasyon.

“The Omnibus Election Code recognizes the importance of our party system and our political parties and therefore provides for an opportunity for political parties to replace their candidates before the elections,” diin ng senadora.

Sa kanyang panukala, nais ni de Lima na maamyendahan ang Section 77 ng Omnibus Election Code at maipatupad ang naging pagbabago sa Section 12 ng Fair Elections Act.

Binanggit ni de Lima ang ginagawa ng ilang partido na magpatakbo ng mga wala naman intensyon makilahok sa kumandidato at kinalaunan ay papalitan ng kanilang tunay na kandidato.

“In order to prevent this from happening, the COMELEC should be able to determine whether these ‘placeholders’ are nuisance candidates in spite of substitution, which, in turn would void the substitution by the political party which nominated them,” aniya.

The post Pang-aabuso sa ‘substitution rule’ ng Comelec nais matigil ni Sen. Leila de Lima appeared first on Bandera.


Sheryn Regis umamin na sa relasyon nila ni Mel de Guia; binati ni Ice Seguerra

$
0
0

Mel de Guia at Sheryn Regis

TRUE at wala ngang halong eklabu ang pang-hashtag #LoveWins na relasyon ng OPM singer na si Sheryn Regis at ng kilalang YouTuber na si Mel de Guia, na isang proud member ng LGBTQIA+ community.

Naging usap-usapan nitong nakaraang araw ang tungkol sa relationship ng dalawa nang kumalat sa social media ang kanilang sweet na sweet na mga TikTok video.

Pinusuan at umani ng sandamakmak na likes ang natanggap ng mga litrato at video nina Sheryn at Mel kabilang na ang mga miyembro ng gay and lesbian community.

At dahil marami na ang nagtatanong ay naku-curious sa totoong estado ng kanikang relasyon, proud na proud na ibinandera ni Sheryn ang pagmamahalan nila ni Mel.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ng biriterang singer ang litrato kung saan karga-karga siya ni Mel. Isang simpleng “YES” lang with matching heart emoji ang inilagay niyang caption dito.


Naniniwala ang mga netizens at mga fans ng singer na ito na ang kanyang sagot sa lahat ng nagtatanong kung si Mel na ba ang bago niyang dyowa.

Bukod dito, may ibinahagi rin si Sheryn sa kanyang TikTok account ng isa pang sweet photo nila ni Mel na magkadikit ang kanilang mukha. Kalakip nito ang ilang lyrics mula sa classic song na “One Hello.”

“FIRST YOU GOTTA LET THEM IN CUZ LOVE BEGINS WITH HELLO!” ang nakasulat sa isa niyang TikTok entry.

Nitong nagdaang Dec. 3, unang nag-post sa Instagram si Sheryn ng  litrato nila ni Mel kung saan magka-holdings pa sila habang pinanonood ang sunset na tanging heart emoji lang ang caption.

Isa sa mga celebrities na nag-comment sa post ni Sheryn ay ang award-winning singer-composer at aktor na si Ice Seguerra na kasal naman sa aktres at chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Dino.

Sey ni Ice, “So happy for you!” Na sinagot naman ni Sheryn ng, “Thank you Ice.”
Kilalang supporter ng LGBTQIA+ si Sheryn na hiwalay na sa kanyang asawa pero nagkaroon sila ng isang anak na babae.

Mahigit 20 years nanirahan sa Amerila si Sheryn bago bumalik sa Pilipinas noong 2020. Una siyang nakilala sa showbiz nang tanghaling second placer sa singing search noon ng ABS-CBN na “Search For The Star In A Million” noong 2003.

Dyowa na nga ba ni Sheryn Regis ang YouTuber na si Mel de Guia?

Sheryn Regis naiyak sa Showtime; may ‘hugot’ sa pag-ibig?

The post Sheryn Regis umamin na sa relasyon nila ni Mel de Guia; binati ni Ice Seguerra appeared first on Bandera.

Robin nagsabit ng ‘baligtad’ na bandera ng Pinas: Para hindi ko po makalimutan na ako ay nasa gera…

$
0
0

Robin Padilla

MARAMING netizens ang nakapansin sa baligtad na pagkakasabit ng bandera ng Pilipinas sa isang litrato ni Robin Padilla.

May nagpadala sa amin ng nasabing photo na kuha sa official Facebook account ng dating action star na in-upload nitong nakaraang Dec. 6.

Makikita sa litrato si Robin na nagdarasal sa sahig habang nakasabit naman ang Philippine flag sa isang TV set na nakakabit sa pader ng kwarto (na tila isang opisina).

Ilang netizens ang nagsabi na mukhang sasabak nga sa giyera ang mister ni Mariel Rodriguez dahil sa baligtad na pagkakalagay ng bandera ng bansa sa kanyang kinaroroonan.

Pero sa mensahe pala ni Binoe na naka-post sa kanyang FB page ay mababasa na sinadya niya ang baligtad na pagkakasabit ng kanyang bandila.

Ang nakasulat sa caption ng FB post ni Binoe ay, “Bismillah…Alhamdulillah… 
Allah hu akbar Allah hu akbar Allah hu akbar…

“Negative antigen at normal temperature and pulse rate at oxygen level.

“In shaa Allah…Wag niyo na po kwestiyonin ang pagkakaayos ko ng aking personal na bandila natin na Baon ko sa aking paglalakbay.

“Personal ko po itong motibasyon sa sarili ko na Pagkatapos magdasal ng fajr ay maglupang hinirang sa ganyang pagkakaayos ng bandila,” ang paliwanag ni Binoe.

Katwiran pa ng dating action star na kumakanditong senador para sa 2022 elections.

Patuloy pa niyang paglilinaw, “Yan po ang aking inspirasyon sa araw araw upang hindi ko po makalimutan na ako ay nasa gera laban sa kahirapan, korupsyon at kolonisasyon. 

“Pansarili ko lamang po ito. Pagdating sa mga publikong pagtitipon o proyektong pangpubliko Asul ang mando,” sabi pa ng tatay ni Kylie Padilla.


Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa FB post ni Robin.

“Yan ka po idol kya never po kita kwestyunin harinawa palarin ka manalo upang ang mga tao wla.gnwa husgahan ka ay magsisi.”

“Naku! Hypothermic ka Robin! Ingat! Stay healthy!”

“Salam..brother…promise to do u job well ww will help u in that position inshallah.”

“God bless po. Sayang sa Gran Europa kami idol. Kung alam ko lang punta ka doon nag abang sana kami.”

“Grabe ang paghanga ko sa pagdarasal niya.. Lage kong bukam bibig “masha allah” sa tuwing nakikita siyang nag peperform ng salah.”

“Nung napaanood kopo ung blog ni ogie  Diaz na kau  ung interview nia doon ko po nlaman na napakabait niu po ska napakabuti may kwanggawa iboboto ko po tlga kau at nangunguna kau sa listahan ko sa pagka senador inshaallah mananalo po kau.”

Robin super proud kay Kylie: Nakagawa ako ng action star na hindi fake, totoong nanggugulpi at tumatambling

Kylie naiyak nang tanungin ni Robin: So wala ba talagang pag-asa?

The post Robin nagsabit ng ‘baligtad’ na bandera ng Pinas: Para hindi ko po makalimutan na ako ay nasa gera… appeared first on Bandera.

Marian rarampa na sa Israel; kinabog si Bea sa dami ng luggage

$
0
0

Marian rarampa na sa Israel; kinabog si Bea sa dami ng luggage

NAKARATING na sa Israel ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na parte ng selection committee sa gaganapin na 70th Miss Universe pageant.

Kasama niyang lumipad pa-Israel ang kaniyang glam team, officers ng Triple A Management at pati na rin ang asawang si Dingdong Dantes.

Ngunit bago ang kanyang flight ay nakapanayam muna ni Nelson Canlas ang glam team ni Marian.

Ayon sa kanila, aabot sa sampung maleta ang dala dala ni Marian na naglalaman ng halos 20 outfits na pagpipilian ng aktres para sa mga events na dadaluhan niya during the pageant.

Dagdag pa nila, karamihan sa mga bitbit nila ay mula sa local designers. May mga dadalhin rin sanang gowns si Marian mula sa international designers ngunit hindi na ito umabot dahil na rin sa COVID-19 protocols.

“Yung iba kasi depende kungano ang pupuntahan niya, like kunwari cocktail or gown or kung welcome party, atleast covered namin ‘yung looks,” pgbabahagi ng stylist na si Mel Sy.

Dagdag pa niya,”Kung freling namin underdressed siya, we can change to a long gown. Depende sa category.”

Ayon rin sa kanya, naka-hand carry ang gown ni Marian sa main event na gawa ni Francis Libiran para safe sila kung sakaling may mangyari sa mga luggages.

Sey naman ng make up artist na si Steven Deloso, mayroon na raw siyang naisip na look para kay Marian sa main event ng most prestigious pageant sa buong mundo.

“Meron na kaning idea for her look but definitely she’s pretty naman, hindi mo na kailangan pang you know, siguro beauty make up.

“Rest assured she’s gonna be a stunner and head-turner sa gala night,” pagsisiguro nito.

Kabog na kabog ang mga dalang gowns ni Marian at hindi naman kataka-taka dahil bukod sa napakaraming events na dadaluhan ni Marian bilang parte ng selection committee ng ika-70 edisyon ng Miss Universe ay minsan lang makatanggap ng ganitong oportunidad kaya naman talagang pinaghandaan ito ng Kapuso Primetime Queen.

Samantala, si Beatrice Luigi Gomez naman na representative ng bansa para sa nasabing beauty pageant ay nauna na sa Israel noon pang nakaraang buwan.

Related Chika:
Marian napiling judge sa Miss Universe 2021: Sabi ko talaga ba, ako? Totoo ba yan?
Marian may 1 katangiang hahanapin sa susunod na Miss Universe, ano kaya yun?

The post Marian rarampa na sa Israel; kinabog si Bea sa dami ng luggage appeared first on Bandera.

Claudine aatras na nga ba sa pagtakbo bilang konsehal sa Gapo?

$
0
0

Claudine aatras na nga ba sa pagtakbo bilang konsehal sa Gapo?

TRUE kaya ang chika na hindi na tutuloy sa pagtakbo bilang konsehal ng Olongapo City si Claudine Barretto dahil sa kawalan ng pondo?

Ayon kay ‘nay Cristy Fermin, hindi na raw sumasama si Claudine sa tuwing umiikot ang partido niya kasama ang talent manager na si Arnold Vegafria na tatakbong mayor sa Olongapo sa darating na eleksyon 2022.

“Hindi na daw po sumasama si Claudine dahil ang pangako daw sa kanya ni Arnold Vegafria nung kunin siya para tumakbo bilang konsehal ay si Arnold ang taya sa lahat ng gastos. Wala daw anumang gagastusin si Claudine basta tumakbo daw,” saad ni ‘nay Cristy.

Pero ayon raw sa bff ni Claudine na nakausap ni ‘nay Cristy ay hanggang ngayon raw ay wala pa ring bumababang pondo.

“Saan kukuha si Claudine ng puhunan sa kampanya e wala nga siyang proyekto?” tanong niya.

Naalala niya tuloy ang sinabi niya noong unang beses niyang mabalitaan na tatakbo ang aktres bilang konsehal na maaaring sa umpisa ay kasama pa ang aktres pero isang araw ay mawawala na ito.

“Una, nagbago na ang takbo ng kanyang isip. Pabago-bago naman talaga ang takbo ng utak nitong si Claudine… At ang pinakamahalaga, sinabi po ng aming common friend na wala pong pondong ibinababa pa si Arnold Vegafria. Wala pa pong pera na ibinibigay sa kanya kaya hindi na siya sumasama sa pag-iikot ng kanilang partido sa Olongapo,” pagbabahagi ni ‘nay Cristy.

Sey naman ni Romel Chika, baka naman daw pwedeg sumama na lang muna si Claudine kahit wala pang pondo kung gusto talaga nitong magsilbi sa bayan.

Kontra ni ‘nay Cristy, “Mahirap kumilos sa mundo ng politika kung wala kang pera. Para kang may baril, wala ka namang bala. Wala ring saysay ang armas mo.”

Dagdag pa niya, maaaring sumandal si Claudine sa kapatid nitong si Gretchen pero hanggang kailan?

“Syempre gusto rin ni Gretchen na maging responsable siyang magulang. Makapagbibigay si Gretchen, makatutulong pero hanggang kailan. ‘Yun ang kwestyon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)

Related Chika:
Claudine kakandidato bilang konsehal sa Olongapo?

The post Claudine aatras na nga ba sa pagtakbo bilang konsehal sa Gapo? appeared first on Bandera.

Inigo Pascual ibinandera ang ‘malaya’ tattoo

$
0
0

Inigo Pascual ibinandera ang 'malaya' tattoo

PROUD na ibinandera ng singer-actor na si Inigo Pascual ang kanyang bagong baybayin tattoo.

Sa Instagran account ng binata ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan habang pini-flex ang baybayin tattoo,

“I might or might not have gotten a new tat,” saad ni Inigo.

Ang bagong baybaying tattoo niya sa may bandang left rib cage ay nangangahulugang “malaya”.

Ito ay gawa ng tattoo artist na naka-base sa US na si Shannen Kay.

Sa ngayon ay nasa US si Inigo para sa kanyang upcoming Foc musical drama na “Monarch”.

Matatandaang nitong Setyembre nang masayang ibinahagi ng aktor na isa siya sa mga lead cast ng “Monarch” at gaganap bilang si Ace Grayson na isang 18-year old singer na puno ng pangarap ngunit hirap sa pagiging country artist katulad ng lolo na si Albie na gagampanan naman ni Trace Adkins.

Ilan pa sa mga cast na makakasama ni Inigo ay sina Anna Friel, Albie Roman, Beth Ditto, John Sasse, Maegan Holder at Disan Sarandon.

Ayon sa Deadline, susundan ng “Monarch” ang kwento ng Romans, America’s first family ng country music.

“The Romans are headed by the insanely talented, but tough as nails Queen of Country Music Dottie Cantrell Roman (Sarandon). Along with her beloved husband, Albie (Adkins), Dottie has created a country music dynasty.

“But even though the Roman name is synonymous with authenticity, the very foundation of their success is a lie. And when their reign as country royalty is put in jeopardy, heir to the crown Nicolette ‘Nicky’ Roman (Friel) will stop at nothing to protect her family’s legacy, while ensuring her own quest for stardom.”

Related Chika:
Inigo Pascual pasok sa Fox musical drama na ‘Monarch’
Birthday wish ni Inigo tinupad agad ng Hollywood actress; nag-celebrate sa set ng ‘Monarch’

The post Inigo Pascual ibinandera ang ‘malaya’ tattoo appeared first on Bandera.

Marian lalong na-miss ang anak nang makita ang baby ni Sofia Andres

$
0
0

Marian lalong na-miss ang anak nang makita ang baby ni Sofia Andres

LABIS ang pangungulila ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang mga anak na sina Zia at Sixto.

Ito kasi ang unang pagkakataon na mawawalay siya sa kanyang chikiting nang matagal na panahon ngunit kahit na ganu’n ay masaya pa rin ang aktres dahil minsan lang dumating ang oportunidad na maging bahagi ng pinaka-prestigious beauty pageant sa buong mundo, ang Miss Universe.

Napili kasi si Marian bilang isa sa mga selection committee ng ika-70th edition ng Miss Universe kaya naman lumipad ito pa-Israel kasama ang asawang si Dingdong Dantes noong December 6.

Habang nasa byahe papuntang Eilat, Israel ay hindi inaasahan ni Marian na makakasabay niya sa kaniyang flight sina Sofia Andres, Daniel Miranda, at ang cute na cute nilang anak na si Zoe na papunta naman sa Spain.

Sa Instagram story ni Sofia Andres ay makikita si Marian na buhat buhat ang kanilang baby Zoe.

“I won’t lie, I’m stunned @marianrivera. Thank you for this ate!” saad ni Sofia.

Ni-repost naman ito ni Marian at sinabing “Aww. With super cute baby Zoe… (heart emoji) Namiss ko tuloy ang mga anak ko (crying emoji)”

Si Marian ang pangatlong Filipina na naging parte ng selection committee. Una na rito ay si Lea Salonga na nag-judge noong 2011 at si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach banab noong 2017.

Gaganapin naman sa December 12 (December 13 sa Pilipinas) ang pinakaaabangang 70th Miss Universe coronation night.

Related Chika:
Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

The post Marian lalong na-miss ang anak nang makita ang baby ni Sofia Andres appeared first on Bandera.

Sexy actor na si Rash Flores umaming nagkadyowa na ng beki; nag-frontal sa ‘Palitan’

$
0
0

Rash Flores

DIRETSAHANG inamin ng baguhang sexy actor na si Rash Flores at bida sa bagong sex-drama film ni Brillante Mendoza na “Palitan” na may nakarelasyon na siyang bading.

Aniya, 13 years old pa lang daw siya noong unang magkaroon ng “experience” sa beki at wala pa raw talaga siyang kaalam-alam noon sa pakikipagrelasyon.

Naikuwento ni Rash ang tungkol dito sa nakaraang presscon ng LGBT film na “Palitan” nitong nagdaang Dec. 7 kung saan tinanong siya kung open ba siyang makipagrelasyon sa kapwa lalaki o beki.
“Para sa akin, oo naman, open ako. Kasi nga, laking kalye rin ako. Marami akong friends na gay. May nakarelasyon din ako, once lang.

“Pero bata pa ako nu’n, e. Parang hindi pa ako mulat sa ano. Siguro, mga 13 ako nu’n,” sabi ng aktor.

“Actually, wala kaming sex, e. Thirteen years old pa lang kami. Then, nakarelasyon ko lang siya. One month lang kami nu’n.

“Actually, nahuli pa nga ako ng nanay ko, naglalakad ako sa daan. ‘O, saan ka galing? Galing ka sa bakla, ‘no?’ sabi niya,” natawang kuwento ni Rash na talagang ipinakita rin ang buong katawan sa “Palitan.”

Sa tanong kung hanggang saan ang ipinakita niya sa bagong obra ni Direk Brillante, “Sobrang palaban ng pelikulang ito about sa hubad, kasi yun ang kailangan sa movie.

“Kailangan siya ng story. Kailangan ko talagang maging palaban, so para sa akin, sobrang palaban ang Palitan.

“Ginawa ko lahat. Dahil ako’y baguhang artista, ginabayan ako ni Direk para makuha ko ang eksena na dapat sa story,” aniya pa.

Tatalakayin sa pelikula ang partner swapping kaya naitanong din kay Rash kung payag ba siyang makipagpalit ng partner para sa tawag ng laman? 

Ani Rash, “Para sa akin, hindi rin, e. Hindi siya okay. Hindi ko rin gustong makipagpalit ng partner. Kasi, parang kapag nakipagpalit ka ng partner, ang pangit tingnan, para sa akin. Pag sinabi mong palit, parang bagay lang iyan, e.

“Hindi naman bagay yung pinagpapalit mo, siyempre. Tao rin ‘yan. Para sa akin, ang pag-ibig is sagrado. Para na rin siyang kasal, para sa akin. Kaya hindi,” katwiran niya.

Unang napanood si Rash sa “Pornstar 2: Pangalawang Putok” kung saan nagpakita siya ng pwet pero wala siyang dialogue. Sa “Palitan” isa na siya sa mga bida at idinirek pa ni Brillante Mendoza.

Nakatakda na itong mag-streaming bukas, Dec. 10, sa Vivamax. Kasama rin dito sina Cara Gonzales, Luis Hontiveros at Jela Cuenca na hindi rin nagpatalbog sa hubaran at sex scenes.

Nakakaloka ang sex scenes sa ‘Palitan’ ni Brillante Mendoza; 4 na bida game na game na naghubo’t hubad

Sexy star ng Viva pinayagan ng ama na maghubad sa pelikula: Pero bawal akong hawakan sa boobs!

The post Sexy actor na si Rash Flores umaming nagkadyowa na ng beki; nag-frontal sa ‘Palitan’ appeared first on Bandera.


Barbie, Diego nagmurahan, nag-iyakan, nagsumbatan sa ‘Dulo’, nangangamoy best actress at best actor

$
0
0

Diego Loyzaga at Barbie Imperial

SIGURADONG malakas ang magiging laban ng celebrity couple na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa pagka-best actor at best actress sa susunod na awards season.

Napanood na namin ang first movie nila together na “Dulo” sa ginanap na special screening nito kagabi sa Fisher Mall cinema na dinaluhan nina Barbie at Diego at ng iba pang members ng cast.

Unang-una, pinatunayan ng magdyowa na talagang napakalakas ng chemistry nila on screen at natural na natural ang ipinakita nilang akting sa movie — as in no acting-acting ang ginawa nila dahil totoong-totoo ang bawat eksena.

Habang pinanonood namin ang “Dulo” ay parang kasama rin kami nina Dex (Diego) at Bianca (Barbie) sa kanilang journey bilang live-in partners hanggang sa magpakasal na sila at daanan ang matitinding challenges as young married couple.

In fairness, talagang affected kami sa pelikula lalo na sa mga nakakalokang confrontation scenes nina Babie at Diego dahil napapasigaw at napapamura rin kami sa palitan nila ng hugot. 

Agree kami sa sinabi ng dalawang bida ng “Dulo” na nakakapagod at nakaka-drain ang kanilang “fight scenes” dahil sa napakahabang mga dialogue nila lalo na nang sumabog na ang galit nila sa isa’t isa.

Ang galing-galing nang umiyak ni Diego, as in mararamdaman mo na may malalim siyang pinaghuhugutan lalo na sa eksenang galit na galit siya sa tatay niya sa kuwento na nambabae at iniwan sila ng kanyang ina.

Pero hindi rin nagpatalbog si Barbie na tumodo rin sa eksenang halos magkapalitan na sila ng mukha ni Diego habang iyak nang iyak at nakikipagsigawan dahil sumabog na ang galit niya.

Sigurado kaming maraming makaka-relate sa mga eksenang ito lalo na ang mga young couples na nagsasama na bilang live in partners at yung mga bagong kasal pa lang na hindi pa talaga kilala ang isa’t isa.

Pareho kasing nasa early 20s pa lang ang edad nina Dex at Bianca nang magkakilala sila sa isang dating app, at hindi nga nagtagal ay nag-live in na sila. 

Naging mabilis nga ang mga pangyayari sa kanilang relasyon, at isang taon lang pagkatapos nilang ikasal, nanganganib na silang maghiwalay. 

Sa pag-asang maaayos pa nila ang mga problema, nagdesisyon silang mag-unwind at mag-road trip at dito nga nagsimula ang pelikula kung saan binalikan ang pagsisimula ng kanilang love story. 

Ngunit kasabay ng pagbalik ng kanilang masasayang alaala, isa-isa ring bumalik ang mga lumang issues at problema nila, at di nila maiwasan na mag-away. 

Hindi na namin ikukuwento kung ano ang naging “dulo” ng kanilang road trip — kung may happy ending ba sila o tuluyan ding naghiwalay. Basta ang masasabi ko lang, perfect sa pelikula sina Barbie at Diego.


Sabi nga namin, kapag nabigyan pa ng mas maraming challenging projects ang reel and real life couple hindi imposibleng marating din nila ang estado nina Hilda Koronel, Maricel Soriano, Vilma Santos, Nora Aunor, Christopher de Leon, Richard Gomez, Albert Martinez at iba pang respetado at premyadong aktor sa local showbiz.

Samantala, bukod sa ito ang unang movie team-up nina Barbie at Diego, isa pang kaabang-abang sa “Dulo” ay ang official soundtrack nito na inawit ng The Juans, ang “Anghel” at “Dulo”. Dahil sa music at lyrics ng kanta, mas lalong nagiging heartbreaking ang bawat eksena sa pelikula.

Mapapanood na ang “Dulo” directed by Fifth Solomon, simula bukas, Dec. 10, streaming online sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe. Available na rin ang Vivamax sa USA at Canada. 

Diego kay Barbie: Para siyang nanay mag-alaga pero para ring baby…

Payo nina Diego at Barbie sa mga magdyowa: Don’t lie, don’t cheat…maging honest kahit masakit

The post Barbie, Diego nagmurahan, nag-iyakan, nagsumbatan sa ‘Dulo’, nangangamoy best actress at best actor appeared first on Bandera.

Darryl Yap sinopla si Xian Gaza, kumampi kay Gerald: Mga DAKS lang ang pwedeng magloko?

$
0
0

Xian Gaza, Gerald Anderson at Darryl Yap

TO the rescue ang director na si Darryl Yap sa Kapamilya hunk at boyfriend ni Julia Barretto na si Gerald Anderson.

Nag-react kasi ito sa post sa Facebook ng intrigerong businessman na si Christian Albert Gaza o mas kilala sa social media bilang Xian Gaza, patungkol kay Gerald. 

“Kung ang tawag sa mga supporters ni Duterte ay DDS, sa mga supporters ni Leni ay Dilawans at sa mga supporters ni BBM ay Marcos Apologists… 

“Ang tanong ng bayan ngayon, sino ang kinita ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia Barretto?”

‘Yan ang post ni Xian na hindi pinalampas ni direk Darryl.

“Basta, kahit ano pang gawin ni Gerald, may Karapatan sya. Mga DAKs lang ang puwedeng magloko. Isa sa mga ginintuang aral yan na nakuha ko kay Gina Pareño.”

‘Yan ang reaction ni direk Darryl. Of course, that elicited reactions from netizens.

“Nakita mo o natikman at nasasabi mo yan porke ba Daks un lng ang may K magloko kahit cnu pag nangati o d kontento sa partner nanloloko.”

“EH MGA JUTS NA PANGIT PA NGA MGA MANLOLOKO NGAYON!”

“Pag hindi daks pumirmi na lang kayo sa tabi.”

“Sinasabi ko sa inyu pag ang relasyon galing sa nakaw hindi magtatagal yarnn.”

“Ang babaw ng argumento! Daks man o dyutay walang sinuman sa mundong ito ang may karapatang magloko o manloko. Mahiya kayo sa mga magulang nyo!”

“Yung mga nagsasabing Performance pa rin ang basehan, ang performance natutunan, naaaral, ang Size, wala nang pag asa, kaya huwag nyo ng ipagtanggol ang mga Tweety Bird nyo.”

Xian Gaza biglang kambyo sa pasabog na blind item; Diego, Barbie dedma lang

Xian Gaza gumastos ng P1.5-M para sa billboard proposal kay Blackpink Jennie

The post Darryl Yap sinopla si Xian Gaza, kumampi kay Gerald: Mga DAKS lang ang pwedeng magloko? appeared first on Bandera.

Jake Cuenca kinakarir ang bawat role, OK lang ma-typecast bilang kontrabida

$
0
0

Jake Cuenca

DEDMA at walang pakialam ang Kapamilya hunk actor na si Jake Cuenca kung ma-typecast man siya o kamuhian ng mga manonood sa pagganap na kontrabida sa mga serye at pelikula.

Sa latest drama series niya sa ABS-CBN na “Viral Scandal”, he’s playing the role of Mayor Troy Ramones at ayon kay Jake ibang-iba naman ito sa mga ginawa niya sa kanyang past acting projects.

“Maybe aesthetically he looks mayabang or pompous but I think you’ll be quite surprised with what we’re trying to achieve with Troy in this show. 

“And that’s the beauty of this show eh. The plots are so surprising, with the script our mind was blown. This role is not the stereotypical bad politician role,” ani Jake.

Sabi pa ng boyfriend ng aktres at dating beauty queen na si Kylie Verzosa, talagang nag-e-effort siyang pag-aralan ang bawat karakter na ginagampanan niya.

“I’m not really worried about being typecast because that’s why I do make an effort to make a complete transformation with every role that I do. Whether it be physically or mentally.

“I try to make every role different and even if something was similar, I would do my homework and still try to make it different even if it was an arrogant bad guy type of role. 

“That’s the beauty of being an actor, we’re portraying people eh,” paliwanag pa ng binata.

“So I think every person is different. People might do similar things but in different circumstances with different justifications as to why they did those certain things. 

“Yun yung laging sinusundan as an actor, tao muna. That’s when the character becomes at least for me three-dimensional,” chika pa niya.

Kasama rin sa “Viral Scandal” sina Charlie Dizon, Joshua Garcia, Jake Cuenca, Dimples Romana, Miko Raval, Jameson Blake, Markus Paterson, Ria Atayde, Maxene Magalona, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Kaila Estrada, Vance Larena, Gian Magdangal, Arielle Roces at Aya Fernandez. 

Napapanood ito sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV.

Jake Cuenca pumayag nang gumanap na tatay sa serye; kinarir ang pagiging ‘politiko’

The post Jake Cuenca kinakarir ang bawat role, OK lang ma-typecast bilang kontrabida appeared first on Bandera.

Kayang talunin ni VP Leni si Marcos at Isko

$
0
0

leni-robredo-bongbong-marcos-isko-moreno

Hindi na tayo nagulat nang sabihin ni Mayor Isko Moreno na umaasa ito na siya ang tutulungan at susuportahan ni Pangulong Duterte, matapos sabihin ni Senator Bong Go na kanyang binabawi ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo noong nakaraang linggo. Atin na rin inaasahan ang alok nito kay Duterte na mapabilang ang pangulo sa kanyang senatorial slate sa partidong Aksyon Demokratiko.

Mukang handang gawin ng mayor ng Maynila ang lahat upang manalo at maging pangulo ng bansa sa 2022. Hindi maitatanggi na bumagsak ang kandidatura nito matapos madismaya ang marami sa posisyon nito tungkol sa isyung Duterte, Marcos Sr., Aquino at ang pagbabatikos nito kay VP Leni Robredo. Pinatunayan ito ng presidential survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) noong November 15 kung saan pumangatlo lang ito at nalagpasan na ni VP Leni.

Para sa kampo ni Mayor Isko, ang suporta at pag-endorso ni Duterte ang paraan para mabuhay muli ang kandidatura ng mayor ng Maynila. Hindi na bale ang prinsipyo basta manalo lang. Umaasa ang kampo ng mayor na sa pagsuporta ni Duterte ay makukuha nito ang mga pro-Duterte votes.

Ngunit kung sakaling susuportahan nga ni Duterte si Mayor Isko, hindi rin ito sapat para mapunta ito sa Malacañang. May mga pro-Duterte na maaaring ayaw kay Mayor Isko at nanaisin na lang ibigay ang boto nito kay Marcos o sa kahit kaninong kandidato. Marami ring mga pro-Isko ngunit staunch anti-Duterte na madidismaya sa pag-alyansa ng mayor kay Duterte. Isama na rin natin yung mga disgruntled pro-Duterte o dating pro-Duterte at Diehard Duterte Supporters (DDS) na nagising at natauhan na at ngayon ay sumusuporta sa kandidatura ng mayor ng Maynila. Ang mga ito ay hindi na susuporta kay Mayor Isko at hahanap na lang ng kandidatong iba.

Isa lang ang tiyak kung sakali ngang susuportahan ni Duterte ang kandidatura ni Mayor Isko, ang paghati-hati ng boto ng mga pro-Duterte na maaring makaka-apekto naman sa kandidatura ni dating senator Ferdinand Marcos Jr. Kung noon ay Marcos versus Pangulong Duterte = President Leni, ngayon ay maaaring Macos versus Isko = President Leni.

Katulad ni Mayor Isko, umaasa pa rin ang anak ng dating diktador ng suporta ni Duterte. Kandidato ni Marcos si Mayor Sara sa pagka bise-presidente kaya  para sa kampo ni Marcos nararapat lang na suportahan ng pangulo ang Marcos-Sara tandem.

Kung sinuman ang susuportahan ni Duterte sa dalawa ay magdudulot lang ito ng pagkatalo. Ang endorsement ni Duterte ay isang “kiss of death.” Marami na ang may ayaw sa Pangulo dahil sa palpak nitong pamamahala. Politically, walang maitutulong sa kanila si Duterte. Pabigat pa nga ito sa kanilang kandidatura. Siguro kung  mayroon man itong maitutulong ay ang sinasabing saku-sakong pera na ipinangakong ibibigay ng Pangulo sa kanyang kandidato.

Si Marcos man o si Mayor Isko ang susuportahan ni Duterte, kayang talunin ni VP Leni ang sinuman sa kanila sa 2022.

Ngayon lang tayo nakakita at nakaranas sa kasaysayan ng ating politika na ang mga tao mismo ang boluntaryong tumutulong at gumagastos sa kandidatura ng isang kandidato sa pagkapangulo. Ganito ang kalagayan at nangyayari ngayon kay VP Leni na bagamat walang political machinery, walang political party, kulang sa suporta ng malalaking politiko at salat sa pondo at pera upang maglungsad ng isang malawakang political campaign, ay patuloy namang umaakyat paitaas ang kandidatura dahil sa tulong mismo ng mga tao na sumusuporta dito, na ang tanging kagustuhan ay magkaroon ng tunay na pagbabago.

Kung mayroon mang pagkakaiba sa mga supporter ng mga kandidato ngayon sa pagkapangulo, ito ay yung “volunteerism” — mga supporter na handang tumulong sa kanilang kandidato na walang hinihintay na kapalit at kabayaran. Sila yung mga supporter na ang tanging hangad ay magkaroon ng pagbabago at malinis na pamahalaan. Ganito ang mga sumusuporta kay VP Leni. Dito lamang ang VP sa kanyang mga katunggali. Ito ang ikakapanalo ni VP Leni sa pagkapangulo sa May 2022.

The post Kayang talunin ni VP Leni si Marcos at Isko appeared first on Bandera.

Beauty queen-actress inaway ang dyowang aktor dahil sa isang fan

$
0
0

HANGGANG saan puwedeng makialam ang fans sa mga iniidolo nilang artista?

Nagiging dahilan ba sila ng pag-aaway ng mga hinahangaan nilang magkaka-relasyon dahil masyado silang pakialamero as in.

Saka na namin ire-reveal ang pangalan ng mag-dyowang nag-away nang matindi dahil sa kagagawan ng fan ng dalaga.

Pinagselosan kasi ng beauty-queen-actress ang aktres na kapartner ng boyfriend niyang aktor sa isang teleseryeng umeere ngayon.

Nagsimula ang isyu nang mag-tweet ang aktres na kapartner ng aktor na nagtatanong kung nasaan na siya. Biru-biruan lang ito dahil nga happy set sila plus in-character pa ang aktres.

Bagay na ni-repost ng fan ng beauty-queen-actress na pinagta-tag pa ang lahat ng mga kaibigan nila kasama pa ang magulang ng karelasyon ng aktor.

Nagulat ang aktor dahil bakit daw out of control ang ginawa ng fan ng beauty-queen-actress?

Sana raw pagsabihan ito ng dalaga dahil gumagawa ng isyu ang supporter na wala namang dapat.

Sabi pa ng aktor na dapat mag-suportahan silang dalawa sa kanilang respective careers dahil para sa kanilang dalawa naman iyon.

Pero pagkalipas ng dalawang linggo ay sinundo na siya ni beauty-queen-actress at nagkabati na rin sila after mag-away dahil sa fan.

Nakakaloka ang gulong ginawa ng fan!

 

Related Chika:
Aktor na nasisisi sa hiwalayan nila ng magandang aktres, magsasalita na; aaminin kayang si girl ang unang mangaliwa?
Kilalang aktor sinisisi bakit hiniwalayan ng magandang aktres; walang kasalanan dahil si aktres ang unang nangaliwa

The post Beauty queen-actress inaway ang dyowang aktor dahil sa isang fan appeared first on Bandera.

Viewing all 44314 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>