Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44287 articles
Browse latest View live

Angeline Quinto umamin na: Magiging nanay na rin ako

$
0
0

Angeline Quinto umamin na: Magiging nanay na rin ako

MATAGAL nang kinukulit si Angeline Quinto ng adoptive mother niyang si Mama Bob na mag-asawa na noong nabubuhay pa bagay na hindi nauunawaan noon ng dalaga.

Madalas, sabi ko nga, ‘Ma bakit mo ba ako kinukulit na mag-asawa na?’ lahad ni Angeline kay Boy Abunda sa episode nitong “Purple Chair Interview with Angeline Quinto” na uploaded sa The Boy Abunda Talk Channel ngayong gabi.

“Ano sabi niya?” balik-tanong ng vlogger/host sa dalaga.

“Kasi pag nawala raw siya wala akong kasama, iniisip niya ‘yun. Kasi totoo naman tito Boy nu’ng nawala ang mama Bob wala, mag-isa lang ako.

“Naramdaman ko ‘yun ‘yung medyo pagkalungkot na tama nga pala ang sinasabi ng mama Bob kasi ngayong wala na siya wala akong kasama rin,” pag-amin ni Angge kay kuya Boy.

Binanggit din ng dalagang singer sa Mama Bob niya na hindi siya nagmamadaling mag-asawa noon dahil gusto muna niyang pagtuunan ang karera niya na matagal din niyang hinintay at naniniwala siya na kusang may darating na ipagkakaloob ng Diyos.

Sa Instagram account ni Angeline ay sinulat daw niya ang “New Life, Chapter One”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)

“Kasi nu’ng nawala ang mama ko, panibagong panimula ulit at kaya ko na-ipost ‘yun kasi magiging nanay na rin ako,” diretsong pag-amin ng mang-aawit.

Sandaling natigilan si Boy kaya natawa si Angeline, “tito Boy, ha, ha, ha! Totoo baka nagkakamali ka ng dinig!”

“Ulitin natin ‘yun. So, itatanong ko lang para klaro, oo o hindi, buntis ka ba, Angge?” tanong ng vlogger/host.

“Opo. Opo tito!” sambit ng dalaga.

Hindi taga-showbiz ang boyfriend at ama ng magiging anak ni Angeline at nakatakda siyang manganak sa Abril 2022.

“Who is the father of your baby?” tanong ni kuya Boy.

“Nakilala ko siya tito Boy dahil kaibigan siya nu’ng boyfriend din ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila.

“Tapos nu’ng nagkita kami isang beses hanggang sa nagkaroon ng communication po, nagtuluy-tuloy. So, bale mag=iisang taong mahigit na rin kami,” seryosong sabi ng soon to be a mom.

Sa tanong kung puwedeng malaman ang pagkakakilanlan ng tatay ng anak, “ha, pangalan? Tito Boy! Ite-text ko na lang sa inyo (tawang-tawa naman ang host).”

Biro pa ni Angeline, “o kaya ID niya bigay ko sa ‘yo tito Boy para alam n’yo rin saan nagwo-work, ha, ha, ha, ha.”

“Why did you know that he was the one?” tanong ulit ni Boy.

“Tito Boy ganu’n pala ‘yun, parang alam mo agad?” nakakunot ang noong sabi nito.

“Hindi naman agad!” sagot nito sa tanong kung love at first sight.

“Matagal na rin akong hindi nagkaroon ng relationship, nagkakilala kami parang bago palang ang pandemic, so bago nawala ang mama, na-meet pa niya (boyfriend) si mama Bob,” esplika pa nito.

Sa madaling salita ay kakaiba na ang naramdaman ni Angge na ito na nga ang lalaking makakasama niya sa buhay.

“Ako lang po, siyempre bago ka pumasok sa isang relasyon may mga makikita kang mga bagay na kumplikado pero tinanggap ko kahit alam kong may mga kumplikado sa kanya,” katwiran ng dalaga.

“At dahil tinanggap mo, alam mong mahal mo?” tanong ni kuya Boy

“Opo,” mahinahon nitong sagot.

Masugid bang nanligaw, “ang tagal kong na-miss ‘yung kiligin ako, hindi lang ako kinikilig dahil nanonood ako ng pelikula kundi totoong nararamdaman ko siya so doon nag-umpisa po hanggang sa sinabi rin naman niya sa akin ‘yung tungkol sa mga past niya kasi po mayroon din siyang anak sa ibang babae.”

Pero ipinagdiinan ni Angge na hindi kasal ang ama ng isisilang niya sa susunod na taon.

Inaming isa sa mga nagustuhan ni Angeline sa boyfriend niya ay dahil nagtapat ito ng tunay nitong estado sa buhay kaya minahal niya ito.

Noong Setyembre nalaman ni Angeline na buntis siya na siya mismo ang nag-test sa sarili na noong una ay hindi pa niya alam dahil nga nasanay siya sa linya kapag nagpapa-swab test siya

“Tito Boy, natakot ako noong una kasi, sa totoo lang, hindi ko pa nga alam tingnan yung positive at negative sa pregnancy test, kasi nasanay ako sa swab.

“Ang tagal ko sa CR noon, hindi ako makalabas ng CR. Iniisip ko lang, sinong unang sasabihan ko. Sa bahay, wala naman akong sinabihan agad kasi natatakot nga po ako,” pahayag nito.

Natakot dahil baka maapektuhan ang trabaho niya.

“Una, sa trabaho ko. Paano ko masasabi sa mga katrabaho ko.Pero bukod naman doon, ‘yung takot na pagiging nanay o sa bata, wala naman,” saad nito.

Nabanggit ding laging sinasabihan si Angeline ng kasintahang huwag siyang mag-aalala dahil nasa tabi naman niya ito.

Samantala, nakilala na ni Angeline ang ina ng boyfriend dahil nu’ng nasa Amerika siya para sa show ni Vice Ganda na isa siya sa guest ay nanood ang soon to be mother-in-law at niyaya siyang mag-dinner.

“Okay naman po, niyaya akong mag-dinner tapos nangumusta. Tinanong ako kung kailan kami magpapakasal, siyempre sino bang babae ang ayaw ikasal, di ba? Pangarap ko ‘yun, pangarap ng mama Bob, pero kasi ang kasal ibang usapan na so ang gusto ko kung ano ‘yung tamang proseso o paghahanda para sa kasal.

“Kasi ngayon ang pinaka-priority po is ‘yung bata siyempre in the future kung ikakasal kami, papasalamat ako,” paliwanag ni Angeline.

At sa kasalukuyan ay hindi pa raw nakikilala ng singer ang mga anak ng boyfriend niya,”pero hindi naman po problema ‘yun kasi tinatanong niya ako like halimbawang kailangan niyang kitain ang mga bata, wala rin naman pong problema sa akin ‘yun. Saka ako rin ang nagsasabi sa kanya kapag birthday ng anak niya baka nakakalimutan niyang regaluhan.”

Walang binanggit kung saan manganganak si Angeline pero ang ipinagdiinan niya ay ngayon lang ulit siya naging masaya at aware rin ang partner niya na kilala siya at naga-adjust naman.

Related Chika:
Angeline Quinto kumpirmadong five months preggy sa non-showbiz dyowa
Angeline maligaya na sa piling ng non-showbiz BF, inaming ‘nag-try’ sila ni Erik: Pero sabi ko wag na nating pilitin

The post Angeline Quinto umamin na: Magiging nanay na rin ako appeared first on Bandera.


Dingdong Dantes naging water boy ni Marian sa Miss Universe 2021 prelims

$
0
0
Marian Rivera at Dingdong Dantes

Marian Rivera at Dingdong Dantes

FULL support ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang wifey at judge sa Miss Universe 2021 na si Marian Rivera.

Kebs lang daw para sa aktor ang maging water boy ng Kapuso Primetime Queen, base na rin sa kanyang Instagram post bago magsimula ang preliminary event madaling araw ngayong Sabado, Dis. 11, dito sa Pilipinas.

Sa nasabing post, all smiles si Marian habang naghihintay sa pagsisimula ng show.

Ani Dong sa caption, “I don’t mind being this judge’s Water Boy during tonight’s preliminary event. (winking emoji)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Talaga namang mabibighani ka sa ganda ni Yan sa kanyang look in black dress.

Kinilig naman ang netizens sa comment section ng post ni Dingdong. Aniya ng karamihan, puwede na raw bigyan ng best husband award ang aktor.

“Naks! full support si papa Dong. Ang ganda naman kasi ng MU judge.”

“Ganda ni Marian. I am so happy na nakita ng world, the universe rather, kung gaano siya kaganda. Siya talaga ang winner dito!”

“I’m so proud of Marian… Ang happy nya tignan”

All set for the #MissUniverse preliminary competition and national costume show! ✨

Posted by Marian Rivera on Friday, December 10, 2021

 

Uupo si Marian bilang isa sa selection committee members sa preliminary at final show.

Nakasama niya ngayong prelims judging ang Bollywood actress na si Urvashi Rautela, Brazilian supermodel Adriana Lima, entrepreneur Lori Harvey, at Miss USA 2019 Cheslie Kryst.

Kabilang din sina Miss Universe 2016 Iris Mittenaere at Miss Universe 1976 Rina Mor.

Gaganapin ang final show sa Eilat, Israel ngayong Disyembre 12 (Disyembre 13 oras sa Maynila). Si Beatrice Luigi Gomez ang pambato ng Pilipinas.

Related Chikas: 

LOOK: Supermodel Adriana Lima, iba pang celebs kasama ni Marian Rivera sa Miss Universe 2021 selection committee

Dingdong kay Marian Rivera: Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

The post Dingdong Dantes naging water boy ni Marian sa Miss Universe 2021 prelims appeared first on Bandera.

Bollywood actress napasayaw ng ‘Sabay Sabay Tayo,’ napa-wow kay Marian Rivera: She glows like the sun

$
0
0
Marian Rivera, Urvashi Rautela in Miss Universe 2021

Marian Rivera at Urvashi Rautela

NABIGHANI ang Bollywood actress na si Urvashi Rautela kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera bago magsimula ang preliminary competition ng Miss Universe 2021.

Sa kanyang Instagram live, makikitang umaawra muna si Rautela sa kanyang outfit bilang judge nang ni-recognize nito ang ‘new friend’ niyang si Marian.

“Meet may favorite actress from the Philippines” intro niya habang nilapitan at bineso ang si Yan bago humarap sa hamon ng preliminary judging para sa 70th Miss Universe ngayong Sabado, Dis. 11 sa Maynila.

Patuloy niya, “She glows… she glows like the sun. And I love her smile.”

Binanatan naman ito ni Marian at sinabing napaka-friendly at love daw niya ito.

Nanlaki din ang mata ng dating Miss Universe India 2015 nang itinuro siya ng Pinay nang tanungin kung sino ang favorite Bollywood actress nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by URVASHI RAUTELA 🇮🇳 (@urvashirautela)

Inamin din ng dalawa na nai-eexcite sila sa performance ng mga kandidata para sa prelims show.

After nito, napasubo na nga sa pag-indak ng hit song na ‘Sabay Sabay Tayo’ si Rautela.

Iniupload din ang bidyo sa official Facebook page ng Pinay actress na enjoy na enjoy ang dalawa sa pag-indak.

Walang arteng pumalag sa pagtuturo ni Marian ang Indian beauty queen nang turuan ito ng mga steps sa sayaw niya.

“Sabay-sabay tayo?” Me to Urvashi Rautela, my new friend. 😍

Posted by Marian Rivera on Friday, December 10, 2021

 

Natuwa naman ang netizens dahil mabilis na kumalat ang bidyo matapos ito ma-post knowing na talagang patok ang kanta kung pag-uusapan lang din naman si Marian.

Simula rin kasi nang naging usap-usapan na magiging judge ang aktres, laman na ng internet memes ang kanyang mga ginawang kanta.

Habang sinusulat namin ang ulat na ito, mayroon nang 20k reactions, at humigit 500 shares.

Sey ninyo sa bubbly personality ng dalawa dahil aliw ang internet world kahit na madaling araw ito ipinost dito sa Pilipinas.

“Nakakahawa ang tawa mo Ms Marian Rivera You are beautiful inside and outside..wonderful person..stay safe and healthy”

“That’s what i love about Marian (heart emoji) Bubbly personality and absolutely gorgeous”

“Found a new friend. You’re both beautiful. Glad to see you happy and bonding with new friend. Hope more friends to bond. Take care ,DD and glam team.”

“woww! may friendship na kaagad ang aming lodi.. ‘yan ang isang Marian”

Gaganapin ang final coronation night ng Miss Universe 2021 sa Eilat, Israel ngayong Disyembre 12 (Dis. 13 dito sa Pilipinas).

Related Chikas:

Dingdong Dantes naging water boy ni Marian sa Miss Universe 2021 prelims

LOOK: Supermodel Adriana Lima, iba pang celebs kasama ni Marian Rivera sa Miss Universe 2021 selection committee

Ano ang ipinayo ni Maureen Wroblewitz kay Beatrice Gomez?

The post Bollywood actress napasayaw ng ‘Sabay Sabay Tayo,’ napa-wow kay Marian Rivera: She glows like the sun appeared first on Bandera.

Nadine, Viva nagkasundo na, tuloy ang ‘exclusive contract’ hanggang December 2029

$
0
0

Nadine, Viva nagkasundo na, tuloy ang 'exclusive contract' hanggang December 2029

TULUYAN nang nagkasundo ang actress-singer na si Nadine Lustre at ang kanyang talent management firm na Viva Artists Agency patungkol sa kanyang exclusive contract hanggang December 2029.

Ayon sa statement na inilabas ng legal counsels ni Nadine noong Biyernes, December 10, nagkasundo na ang dalawang kampo na ipagpapatuloy ng aktres ang pagiging exclusive talent ng Viva while retaining her “rights to decide” sa mga bagay na may kaugnayan sa kanyang image at branding.

“Nadine and Viva Artists Agency have settled their legal issues under terms that are fair and mutually beneficial.

“Nadine and Viva have agreed to continue their professional relationship on an exclusive basis until 31 December 2029 with Nadine retaining her rights to decide on matters in connection with her branding and image,” saad ng kampo ni Nadine.

Nagdesisyon na rin ang dalawang kampo na hindi na magsasalita pa patungkol sa isyu upang maiwasan na rin ang posibleng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila.

“For now, Nadine and Viva remained committee and focused on providing quality entertainment.

Enero 2020 nang ianunsyo ni Nadine ang ang pagiging “self-managed” artist at ang tuluyang “termination” ng kanyang kontrata sa Viva.

Matapos nito ay mas pinagtuunan ng aktres ng pansin ang paggawa ng kanta at tuluyang nakapag-release ng album na “Wildest Dreams” sa ilalim ng Careless label noong Oktubre 2020.

Disyembre 2020 naman nang mag-file ng kaso ang Viva Artists Agency laban kay Nadine dahil sa “continuous violation” ng aktres sa existing management contract nito sa kanila.

Hunyo 2021 naman ng maglabas ng resolusyon ang Regional Trial Court na kinakailangang tapusin ng aktres ang kanyang mga obligasyon sa Viva bilang exclusive contract artist.

Sa ngayon ay abala ang dalaga sa kanyang pelikula na “Greed” kasama si Diego Loyzaga sa ilalim ng Viva Films.

 

Related Chika:
Nadine kinontra ng korte, inutusang tapusin ang kontrata sa Viva

The post Nadine, Viva nagkasundo na, tuloy ang ‘exclusive contract’ hanggang December 2029 appeared first on Bandera.

Pia nagkaroon ng mental health problem nang manalo sa Miss Universe: The worry was louder than the cheers

$
0
0

Pia nagkaroon ng mental health problems nang manalo sa Miss Universe: The worry was louder than the cheers

ISANG rebelasyon ang inamin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na na-diagnose siya ng “generalized anxiety disorder and major depression” matapos manalo at maiuwi ang korona mula sa pinaka prestilihiyosong beauty pagent.

Ayon kay Pia, natatandaan pa niya ang kanyang grand homecoming parade kung saan 1.4 milyong Pilipino ang sumalubong sa kanya dahil after 42 years ay muli na namang naiuwi ng Pilipinas ang korona sa Miss Universe.

“If I ran for president that day, maybe I could have won. I felt like I was on top of the world,” saad ni Pia.

Pero tulad nga ng sabi nila, ang pagwawagi ng korona ay may kasamang responsibilidad.

“From the outside, it looked like a fairy-tale ending to a life-long struggle of family breaking apart, financial struggles, and dreams being pushed away.

“Yeah, maybe from afar it did look perfect, but the reality was far from it.”

Nagsimula nang ikuwento ni Pia ang kanyang naranasang mental health problems.

“All of the pain and the suffering I endured all my life caught up to me and manifested itself in an ugly, self-destructive way.

“You’d think that the crown and the title would be the bandage to all of that. You’d think that it would be enough to make sense with all the pain and the rejection, but it didn’t.”

Hindi raw nagkaroon ng oras si Pia para i-process o i-acknowledge man lang ang nararamdaman dahil abala siya lalo na at nakadepende sa kanya ang kanyang pamilya.

“I never really faced of acknowledged that I was sad. Because when you are struggling to make ends meet, you don’t think about yourself anymore. There’s no time to think about how you feel. When your family is dependent on you, there’s no time to think about you.

“And when the whole country is looking at you, there’s no time to worry about your personal interests. There’s no time to think about your mental health.”

Ilang taon ring isinantabi ni Pia ang kanyang nararamdaman para sa pamilya, para sa bansa, at para sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.

“While on the outside I was fulfilling my duties as Miss Universe, and working nonstop, and traveling to different countries and working with different organizations.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)

“I wasn’t missing a beat at all. Nobody saw it. I was always on time. I never missed a day of work and I just kept going and I just kept going.

“But as soon as the doors of my room close, I was a different person. The thoughts, the doubt, the worry in my head were louder than the cheers.”

Dahil dito ay nagkaroon ng unhealthy coping habits si Pia.

“I became anorexic. I was self-harming. I was pulling my hair, a condition called trichotillomania. And in the four corners of my room I also abused alcohol.

“I was deteriorating. I would just seat there dwelling in my pain, crying. I felt so alone.”

Dito ay na-realize ni Pia na hindi pa rin pala siya nakakalaya sa mga hindi magagandang karanasan na naranasan noon kahit na unti-unti na siyang nagtatagumpay sa buhay.

“It was like a poison slowly killing me.

“I kept it all to myself even though I was slowly deteriorating inside because I couldn’t imagine disappointing my country.

“Imagine being celebrated being celebrated as a strong, resilient, and determined woman but deep inside you’re going through that? I felt like a fraud.”

Hanggang sa unti-unti nang napansin ng Miss Universe organization ang pinagdadaanan ni Pia at agad siyang sinaklolohan.

Ito na rin ang nag-ayos ng mga kinakailangang tulong ni Pia.

“I was lucky… I was able to keep my privacy during this very difficult time and I think that’s important that you are not forced into healing and that you are going through it in your pace and at your own time.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)

At sa bagong yugto ng kanyang buhay matapos tuluyang makawala sa kanyang pinagdaraanan ay nais niyang ibahagi ang kanyang istorya sa buong mundo at umaasa na sana’y makapagbigay inspirasyon ito sa iba pang Pilipino na nakakaranas ng mental health issues.

“I want to paint a picture not of a perfect beauty queen but of a real person with real life experiences.

“There’s no shame in admitting that you aren’t perfect and there is no shame in admitting that you are not perfect. And there’s no shame in admitting that you need help.

“I’m sure there are many people out there who are working hard, trying to stay afloat, alive. Trying to hold on to their dreams and making it come true while taking care of the people around them.

“Many of us are hustling everyday and people see you and they think, ‘Wow! Congratulations! You’re doing so well’ bit they don’t know what struggles you’ve had to bury or put aside to make way for others. I know that feeling and trust me, you are not alone.

“There is a pressure to fit in, to be the vest and to prove why you deserve to be there. That feeling is all real and valid.”

May mga taong handang makinig at dumulong sa mga taong nakakaramdam ng depresyon. Tumawag sa mga 24/7 hotlines ng The Hopeline Project sa (02) 8804-HOPE (4673), sa 0917-558-HOPE (4673), o sa 2919 (toll-free number sa lahat ng Globe at TM subscribers). Maaari ring makipag-ugnayan sa National Center for Mental Health (NCMH) sa 0917-899-USAP (8727) at sa 0917-989-8727.

Related Chika:
Pia Wurtzbach nagpakabaliw dahil sa lalaki, kinalimutan ang pamilya at career

The post Pia nagkaroon ng mental health problem nang manalo sa Miss Universe: The worry was louder than the cheers appeared first on Bandera.

‘The Clash’ Top 6 haharap sa pangmalakasang twist; wala nang atrasan sa biritan showdown

$
0
0

Top 6 Clashers ng ‘The Clash’ Season 4

NGAYONG gabi na magaganap ang inaabangang bonggang showdown ng napiling Top 6 contestants sa “The Clash” season 4 sa GMA 7.

Ito’y matapos nga ang makapigil-hiningang pagpili last week ng Clash panel na kinabibilangan nina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai Ai delas Alas sa anim na deserving Clashers.

Sa next round ng “The Clash” 2021 muling maghaharap sa stage ang  Top 6 na kinabibilangan nina Julia Sebad, Lovely Restituto, Mariane Osabel, Mauie Francisco, Rare Columna at Renz Fernando.

Naging mainit ang laban nitong nagdaang weekend kung saan natanggal sa Top 8 si Jeffrey dela Torre ng Parañaque City na sinundan naman ni Vilmark Viray ng Pampanga.


Base sa inilabas na teaser ng GMA 7, nabanggit na huling tatlong  episodes na lang bago ang finale. Meaning, sa Dec. 19, Linggo ay may bago nang tatanghaling grand champion ang “The Clash.”

At abangan din ang nabanggit ng Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa episode last week tungkol sa isa na namang pangmalakasang twist sa  paghaharap ng Top 6 contestants.

Kaya huwag nang bibitiw sa nalalapit na pagtatapos ng “The Clash”, tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa GMA 7 lang.

‘Journey’ ni Julie Anne mahirap ipaliwanag; Top 30 Clashers bakbakan na sa The Clash 4

Ai Ai, Lani, Christian sa The Clash 4: Hinahanap namin total package, pero sana mabait din, walang attitude

The post ‘The Clash’ Top 6 haharap sa pangmalakasang twist; wala nang atrasan sa biritan showdown appeared first on Bandera.

Janus del Prado may matinding ‘bubog’ sa pamilya: Wala na, ulila na ako

$
0
0

Janus del Prado may matinding 'bubog' sa pamilya: Wala na, ulila na ako

EMOSYONAL ang aktor na si Janus del Prado habang binabahagi ang kanyang pinagdaanan sa sariling pamilya.

Sa interview sa kanya ni Ogie Diaz, inamin ng aktor ang karanasan niya kamakailan nang makituloy siya sa tahanan ng kanyang immediate family.

Ilang taon na rin kasi buhat nang magsimula ang pandemya at aminado si Janus na isa siya sa mga lubos na naapektuhan financially.

“Hindi ko na ma-sustain ‘yung rent ko du’n sa nirerentahan ko. Hindi naman ako pinapaalis ng landlord ko pero meron kasi ako nung tinatawag na ‘hiya’. Nahihiya ako na delayed ako sa bahay so nagiging considerate lang ako sa landlord ko,” saad ni Janus.

At dahil nga nagdesisyon ang aktor na umalis ay nagtanong ito sa kanyang mga kamag-anak kung maari ba siyang makituloy pansamantala.

“Nung una ayaw nila. Hindi ko alam kung bakit pero baka may issue sila, ayaw nila. And then sabi ko, ‘Osige, meron namang isang friend na artista na mahilig ring tumulong at nagsabing pwede namang doon muna ako sa kanya kasi may extra room naman daw.

“‘Nung nadinig nila ‘yun na may magpapatira sa akin, ang dating sa kanila, ‘Baka kung ano sabihin tungkol sa amin na kami ‘yung pamilya mo hindi ka namin tinutulungan’ so pumayag sila kahit alam kong ayaw nila.”

Kahit na ramdam ni Janus na parang napilitan lang ang kaniyang immediate family na tanggapin siya sa kanilang bahay ay nag-effort pa rin ito at kahit papano ay nagko-contribute sa bahay gaya ng pagbili ng pagkain.

“Pero pinaramdam nila talaga na ayaw niya ako. ‘Yun din ‘yung ano ko na parang ‘Bakit n’yo pa ako [pinatira] kung to-torture-in n’yo rin ako ng ganito.'”

Ani Janus, simula daw ng lumipat siya sa bahay hanggang sa pinaalis siya ay hindi siya kinakausap ng nakatatandang kapatid. Nananatili lang daw siya sa kwarto at hindi rin siya maaaring sumabay sa kanila sa pagkain.

Dito ay nagsimula nang kuwestiyonin ng aktor kung bakit ganu’n ang pakikitungo sa kanya ng sariling pamilya na para bang wala itong naitulong sa pamilya.

Hindi naman daw sa ini-impose niya na magkaroon ng utang na loob ang pamilya sa mga naitulong niya pero sana man lang daw ay pakitaan siya ng appreciation.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janus Del Prado (@janusdelprado)

Inamin rin ni Janus na nagkaroon siya ng COVID-19 habang nakatira sa poder ng pamilya at imbes na pakitaan siya ng care ay sinisi pa siya ng mga ito dahil nahawaan sila ng sakit.

“Umabot ako minsan ng apat na araw hindi lumalabas ng kwarto, iihi lang. Hindi rin ako dinadalhan ng pagkain. Wala talaga kasi sinisisi nga nila ako.

“Binibigyan nila ako ng gamot para raw hindi ako makahawa ng kapitbahay at baka masisi sila.”

Laking pasasalamat ni Janus na mild lang ang sintomas ng sakit at agad rin siyang gumaling.

Kaya rin daw siya na-scam noon sa rerentahang bahay dahil nagmamadali siyang umalis sa bahay ng pamilya dahil sa naging pakikitungo ng mga ito sa kanya.

Bakas rin ang malalim na bubog ni Janus sa kanyang pamilya na matagal niyang kinimkim.

Noong bata raw ay na-trauma siya nang sampalin siya ng ina dahil sa malaking sugat sa mukha nang malaglag siya mula sa paglalaro ng monkey bars.

Kaya naman nang minsang nabali ang kanyang buto sa ilong ay tiniis ito ni Janus dahil sa takot sa maaaring gawin sa kanya ng ina lalo na at may mga taping siya.

“Ang dami kong sinakripisyo, childhood ko, lahat para sa family tapos ngayon ko lang kayo kinailangan.

“Kasalanan ko ba? Nagkataon lang na ako ‘yung nahawa. Ako ‘yung nakakuha ng sakit.”

Dagdag pa niya, sino ba naman daw ang aayaw sa maayos na relasyon sa pamilya pero kung ganito lang rin ang pakikitungo ay ‘wag na lang daw.

“Biruin mo, nasa lowest ka. Alam nilang wala kang pera, wala kang lilipatan. Alam nila na sila lang inaasahan mo na tulungan ka tapos gaganunin ka?

“Tapos na ako sa kanila. Wala na. Ulila na ako,” umiiyak na saad ni Janus.

Sey naman ni Janus sa mga magulang, “Hindi rason ang pag-aanak na kaya kayo nag-anak ay para maihango kayo sa kahirapan. Responsibilidad n’yo yan bilang magulang na sustentuhan ang anak n’yo.

“Kung gusto magtrabaho ng mga anak n’yo bilang artista, dapat extracurricular activity lang nila ‘yun. Huwag n’yong itutulad ‘yung anak n’yo sa akin.”

Related Chika:
Janus del Prado biktima ng scam; may warning sa madlang pipol

The post Janus del Prado may matinding ‘bubog’ sa pamilya: Wala na, ulila na ako appeared first on Bandera.

Maja Salvador muling nakasama ang co-stars sa ASAP Natin ‘To!

$
0
0

Maja Salvador muling nakasama ang co-stars sa ASAP Natin 'To!

MATAPOS ang dalawang taon ay muling nakasama ng aktres na si Maja Salvador ang kanyang co-stars sa Kapamilya musical-variety show na “ASAP Natin ‘To!”.

Naganap ang mini reunion nang i-film nila ang Christmas concert ng TV5 na mapapanood sa December 18 at 19.

Sa mga larawan na ibinahagi ng TV5 sa kanilang Twitter account ay makikita sina Maja at Randy Santiago kasama ang “ASAP Natin ‘To!” main hosts na sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, at Regine Velasquez.

Base sa larawan ay tila ini-interview nina Maja at Randy ang mga OPM icons na tila magkakaroon ng performance o pwede rin na katatapos lang ng kanilang performance at kinukumusta sila ng dalawa.

May larawan rin na in-upload sa isang fan account ng aktres kung saan kasama naman nila ang komedyanteng si Bayani Agbayani.

Si Maja Salvador ay isa sa mga mainstay noon sa “ASAP Natin ‘To!” bago nito nilisan ang Kapamilya network noong 2020 para sumali sa “Sunday Noontime Live” sa TV5, isang musical-variety program produced by Brightlight Productions at CS Studios kung saan ang direktor ay si Johnny Maranan.

Ngunit noong January 2021 ay natapos na ang show at pinalitan ng “ASAP Natin ‘To!” na umeere rin sa TV5 kasama ng “Ang Probinsyano”, “Marry Me, Marry You”, “La Vida Lena”, at “Viral Scandal”.

Bukod sa pagiging parte ng “ASAP Natin To!” ay nakasama rin si Maja sa longest running

Sa kasalukuyan ay pinagbibidahang aktres ang isang TV5 teleserye na “Nina Nino”.

Mapapanood rin si Maja sa longest noontime show ng GMA-7 na “Eat Bulaga” para sa segment na “DC 2021”.

Related Chika:
Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa ‘Init Sa Magdamag’, respeto lang daw kay Rambo

The post Maja Salvador muling nakasama ang co-stars sa ASAP Natin ‘To! appeared first on Bandera.


Madam Inutz hindi matanggap ang pagiging ‘Marites’: Nanggigigil ako!

$
0
0

Madam Inutz hindi matanggap ang pagiging 'Marites': Nanggigigil ako!

HINDI matanggap ng social media personality na si Madam Inutz ang mga narinig na kumento ng madlang pipol mula sa outside world.

Nagkaroon kasi ng pagkakataon ang mga housemates na muling makarinig kung ano ang tingin sa kanila ng madlang pipol mula sa outside world.

May kalayaan silang mamili kung ano ang nais nilang marinig kung “good” or “bad” comments mula sa mga netizens.

Halos lahat ng mga housemates ay pumili ng “bad” at kasama na nga rito si Madam Inutz.

Sa una ay tila excited pa si Madam Inutz na marinig kung ano ang tingin sa kanya ng mga netizens para malaman niya kung ano pa ang mga bagay na pwede niyang i-improve sa sarili.

“Sanay tayo dyan, parang live selling ko lang yan,” nakangiting saad ng MAMA-bentang live seller ng Cavite.

Sa unang comment ay natawa pa siya at inaming totoo ang sinasabi sa comment na madalas siyang maggigil sa nga batang housemates.

Ngunit nang lumaon ay tila nagbabago na ang timpla ng mukha nito sa mga naririnig na masamang komento laban sa kanya lalo na ng sinabihan siyang “pinakabagong Marites”.

“Ahhh, okay. Siguro napapansin nila na may sasabihin sa akin si Brenda, sasarilihin ko. May sasabihin sa akin si Samantha, sasarilihin ko.pinakikinggan ko kasi ang bawat isa rito pero nagiging quiet ako,” paliwanang ni Madam Inutz.

Ayon pa sa kanya, minsan daw talaga ay clueless ang madlang pipol kung ano ang tunay na nangyayari sa loob ng “PBB” house.

“Minsan talaga hindi lang talaga alam ng mga tao sa labas kung ano ‘yung tunay na nangyayari dito sa loob ng bahay. ‘Yung Marites, Kuya parang hindi ako ‘yun,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Tolentino (@sirwil75)

“Nanggigigil ako, pangatlo. Ang sarap mong sikmuraan ha? Nanggigigil ako sa inyo. Nako, sinasabi ko sa inyo, ‘yung una lang ang tumama ah.

Mas lalong hindi maipinta ang mukha ni Madam Inutz nang narinig niya ang huling comment laban sa kanya ukol sa diumano’y pagiging mapuna sa mga kapwa housemates.

Nang matapos ang pagbabasa ng comments mula sa outside world ay nilapitan niya sina Alyssa at Brenda.

“Na-stress ako talaga beh! Mariteeees. Hindi ko matanggap. Sa kanya ‘yun eh. (Turo kay Brenda). Nakikinig lang ako,” saad ni Madam.

Sa confession room naman ay tila nanghihinayang si Madam Inutz sa pagpili ng bad comments.

“Nakakatawa na nakakainis, Kuya. Sana pala pinili ko na lang ‘yung goods kasi parang mainis lang rin ako kahit di naman totoo,” sumbong ni Madam Inutz kay Kuya sa confession room.

Sa ngayon ay kasama ang MAMA-bentang online seller sa mga nanganganib na mapalabas sa loob ng Bahay ni Kuya.

Umaapaw naman ang suporta mula sa talent manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino. Sa katunayan ay nagbagsak ito ng 20 million diamonds sa Kumu para iligtas ang alaga sa posible nitong paglabasa ng Bahay ni Kuya.

Related Chika:
Madam Inutz pasabog ang rebelasyon matapos ang ‘PBB’ 3rd nomination night

The post Madam Inutz hindi matanggap ang pagiging ‘Marites’: Nanggigigil ako! appeared first on Bandera.

‘He’s Into Her’, ‘Sleep With Me’, at iba pang seryeng magpapasaya sa madlang pipol bibida sa iWantTFC!

$
0
0

iWantTFC- He's Into Her

EXCITING ang 2022 para sa iWanTFC!

Nitong Biyernes,December 10 ay ini-launch ang mga bagong programa ng iWantTFC na may titulong “iWantTFC Unwrapped” .

Magtutuloy-tuloy ang kilig nina Max at Deib (Belle Mariano at Donny Pangilinan) sa “He’s Into Her,” kung saan matitikman nila ang tamis at pait ng pag-ibig bilang bagong magkasintahan. Kasama nilang babalik sa Benison sina Joao Constancia, Criza Taa, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, Jeremiah Lisbo, Gello Marquez, Ashley De Mundo, at Dalia Varde.

May bagong teen barkadang makikilala sa “Tara G,” tampok sina Daniella Stanner, Anthony Jennings, Kaori, Vivoree, JC Alcantara, Zach Castaneda, at CJ Salonga.

Sasabak na rin sa GL story sina Janine Gutierrez at Lovi Poe sa unang project na pagbibidahan nilang dalawa, ang “Sleep With Me.”

Bibida si Angelica Panganiban sa “The Goodbye Girl,” base sa libro ng best-selling author na si Noreen Capili, tungkol sa iba’t ibang klase ng babae at ng mga paraan nilang mag-move on mula sa pagiging sawi sa pag-ibig. Tampok dito ang real-life sweethearts na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, Maris Racal at Rico Blanco, pati sina Barbie Imperial, Elisse Joson, JC De Vera, RK Bagatsing, Turs Daza, at Joshua Colet.

Makakasama sa “Click Like Share” season 3 sina Belle, Elmo Magalona, Jane Oineza, JC Alcantara, at Vivoree para idiin ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng social media.

Unang beses namang pag-aagawan si Francine Diaz ng tatlong leading men sa “Bola Bola,” kung saan makakapareha niya sina Akira Morishita ng BGYO at Ashton Salvador at KD Estrada ng The Squad Plus. Dito, lulutuin ni Francine ang feelings niya at gagawing isang masarap na merienda para mapaibig ang crush niya.

Magpapaiyak ang mag-inang Sylvia Sanchez at Ria Atayde’s sa Mother’s Day offering ng iWantTFC na “Mrs. Piggy,” tungkol sa isang inang nasubsob sa paghahanapbuhay kaya’t hindi na niya namalayan ang paglaki ng mga anak niya.

Unang batch pa lang ito ng bagong originals na darating sa iWantTFC dahil marami pa itong hinahanda para sa 2022.

Samantala, ipapalabas din sa iWantTFC ang MMFF 2021 entry na “Kun Maupay Man It Panahon (Whether The Weather Is Fine)” nina Charo Santos and Daniel Padilla. Susundan nito ang sinapit ng isang mag-inang naapektuhan ng Bagyong Yolanda.

Itinampok naman sa “iWantTFC Unwrapped” ang isang live production number mula sa DonBelle at ang trailers ng inaabangang “F4 Thailand” na mapapanood na simula Disyembre 18. Nariyan din ang mga Kapamilya teleseryeng “2 Good 2 be True” ng KathNiel, “Darna: The TV Series,” “The Broken Marriage Vow,” at “Love in 40 Days” na unang ipapalabas sa iWantTFC bago sa telebisyon.

Related Chika:
JC Santos nagplano nang maging delivery boy nu’ng kasagsagan ng lockdown

The post ‘He’s Into Her’, ‘Sleep With Me’, at iba pang seryeng magpapasaya sa madlang pipol bibida sa iWantTFC! appeared first on Bandera.

Cristy Fermin kinumpirma ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos

$
0
0

Cristy Fermin kinumpirma ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos

KINUMPIRMA na ni ‘Nay Cristy Fermin sa online show niyang “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika na nitong Biyernes na girlfriend na ni John Lloyd Cruz ang painter na si Isabel Santos na apo raw ng award-winning cartoonist, illustrator at fine arts painter na si Mauro Malang Santos.

Base sa kuwento ni ‘nay Cristy, “Alam ko si Tita Nene Ulanday ay mabubulabog tungkol kay John Lloyd Cruz. Marami pong umiikot na kuwento ngayon na may bago na pong karelasyon itong si JLC at ito raw po ay isang pintor.

“Tita Nene, anak ni Soler at saka ni Mona ang sinasabing girlfriend niya ay si Isabel Santos. Siya po ay apo ng namayapang magaling na pintor na si Ginoong Mauro Malang Santos.

“Kaya pala lately ang daming nagsasabi sa akin na, ‘uy ang hilig hilig na sa obra ni John Lloyd Cruz, marami na siyang ano collections. Yun pala siguro nga malapit sila nitong si Isabel.”

Pero sa pakiwari ng batikang manunulat at online host ay hindi bagay sina Lloydie at Isabel.

“Hindi ko gusto ‘yung picture nu’ng Isabel parang ang lungkot-lungkot, napakalungkot parang hindi sila bagay ni John Lloyd.

“Tita Nene, text mo nga ako kung ano ang totoo dito. Kasi si tita Nene ay nagtrabaho sa mismong gallery ni ginoong Maulo Malang Santos. Pinsan ni tita Nene ang wife ng namayapang pintor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabel Santos (@somethingstarwars)

“At meron din akong obra nitong sina Soler, si Mona. Akala ko nga tita Nene, anak siya ng anak-anakan kong si Jimmy Ruiz hindi pala,” kuwento pa ni ‘nay Cristy.

Nabanggit pa na ipinakilala na ni JLC si Isabel sa mga kaibigan niya sa party ng management company nina Maja Salvador at Rambo Nunez kung saan isa ang aktor sa contract artist.

Habang nagpapalitan ng kuro-kuro sina ‘nay Cristy at Romel tungkol kay John Lloyd na nakitang masayang-masaya ngayon ay may nag-text sa una.

“Si tita Nene Ulanday ang nagkumpirma. Pakinggan po natin ito, ‘yung mga nasa diyaryo ngayon may question mark pa.

“Tita (Cristy), confirmed na sila (JLC at Isabel) na nga. Madalas nga si John Lloyd ngayon kina Soler. Si Soler at si Mona ay pintor, anak at manugang ni ginoong Mauro na dakilang magulang naman ni ano, “ pahayag ni ‘nay Cristy sa kanyang online show.

Nabanggit pa na nagsisimula palang sa kanyang painting career si Isabel. Kung dati raw ay into photography si John Lloyd ngayon namay ay obra na ang kinukulekta.

“Ayan tita Nene kinumpirma mo na ha. Naku baka makipagputulan ka rin ng daliri rito tulad kay Derek (Ramsay) at kay Ellen (Adarna) ah?,” nakangiting sabi ni ‘nay Cristy.

 

Related Chika:
John Lloyd dumalo sa isang Christmas party kasama ang rumored dyowa?

The post Cristy Fermin kinumpirma ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos appeared first on Bandera.

Lolit ayaw nang humingi ng gadget kay Willie: Madalas drawing lang

$
0
0

Lolit ayaw nang humingi ng gadget kay Willie: Madalas drawing lang

NAGBAGO na ang isip ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis at ayaw na nitong magpa-sponsor ng gadget kay Willie Revillame.

Sa kanyang Instagram post ay sinabi nito na naghahanap siya ng sponsor para sa kanyang bagong iPad na gagamitin niya para sa panonood ng mga Korean dramas.

“Hindi na ako hihingi kay Willie Revillame dahil madalas, drawing lang pag nag-promise,” saad ni Manay Lolit.

Matatandaang naglambing sina Manay Lolit noon kay Willie sa isang episode ng kanilang digital show kasama sina Cristy Fermin at Mr. Fu na kung maaari ay bigyan sila ng iPhone 13 dahil luma na ang kanilang mga ginagamit na cellphone.

Ngunit mukhang hindi na nga kailangang humingi ni Manay Lolit dahil buong puso na siyang binigyan ng bagong cellphone ni Gretchen Barretto.

“Kung hinintay pa natin kay Willie Revillame hahanap pa siya ng sponsor… hindi siya ang bibili,” dagdag pa nito.

Marami naman sa mga netizens ang napa-react sa post ni Manay Lolit.

May mga nagagalit sa talent manager dahil siniraan daw niya agad ang “Wowowin” host dahil hindi agad napagbigyan ang kanyang kagustuhan.

“Grabe na sobra pa!!! Siniraan pa si Willie, pag di ka na nabigyan ni Gretchen siraan mo din?” imbyernang tanong ng netizen kay Manay Lolit.

“Daming nagugutom magwi-wish ka pa ng iphone 13. Daming bigas na mabibili nun. Ikaw ba dapat i-prioritize ni Willie?’ saad naman ng isa pang netizen.

“Pag di talaga napagbigyan pangit na sa mata ni Lolit. Minsan pasimple pa ang paninira,” sey ng isa pang netizen.

May mga netizens naman na nagtanggol kay Manay Lolit.

“Daming inggiterang bashers dito. Known si nay lolit sa industry na ganyan. Lambing lang niya yan and shineshare din niya mga binibigay sa kanya. Ang dali lng nman, kung ayaw niyo sa kanya wag niyo ifollow, wag niyo basahin mga posts niya,” depensa ng isang netizen.

“Ano ba naman yan konti salita may nag bash agad. Huwag naman ganyan. Kung hinde ninyo type ang sinasabi bakit pa kayo mag follow sa kanya?” segunda naman ng isa pang netizen.

“Bashers, pls know when she (Lolit) is cracking a joke and when she is serious about her topic. Be discerning pls,” sey pa ng isa.

Related Chika:
Lolit, Cristy Mr. Fu humirit ng mamahaling cellphone kay Willie Revillame

The post Lolit ayaw nang humingi ng gadget kay Willie: Madalas drawing lang appeared first on Bandera.

Lovi, Janine bibida sa isang GL story; magkakaroon kaya ng ‘steamy’ scenes?

$
0
0

Lovi, Janine bibida sa isang GL story; magkakaroon kaya ng 'steamy' scenes?

INAMIN ng LGBTQ member director na si Samantha Lee na estudyante palang siya sa film school ay si Lovi Poe na isa sa pangarap niyang makatrabaho.

Nabunyag ito nang tanungin siya sa ginanap na ‘iWantTFC Unwrapped’ ni Cinema One host, Bianca Gonzales-Intal kung bakit sina Janine Gutierrez at Lovi ang naisip na bida ni direk Samantha sa GL (Girl Love) story na “Sleep with Me” na produced ng Dreamscape Entertainment at Project 8 Projects nap ag-aari nina Direk Dan Villegas at direk Antoinette Jadaone.

“Sleep with Me is a love story that takes place entirely in the night time,” kuwento ni direk Samantha sa gist ng series.

Sa pagpapatuloy kung bakit sina Lovi at Janine, “Well, si Lovi has always been since I was in film school siya na talaga ‘yung gusto kong maka-trabaho, she was like my north star (ang ganda ng ngiti), when you say, ‘oh I keep doing this and I keep getting better it was like in the hoops one day I get to work with Lovi.

“And then si Janine… “

Humirit ang Marry Me, Marry Me lead star, “wala lang, ha, ha, ha.”

“Friends kasi sila kasama si Janine also kaya ganyan sila magsalita baka akala nila,”salo ni Bianca.

Tuloy ni direk Sam, “No I love her…. It’s such an honor to have been able to grow and to watch Janine grow as an actress and now I’m super excited kasi I think even growing in parallel lines and finally now we got to work together, so, I’m really excited too to see her in action.”

Pinasalamatan naman ni direk Dan si Lovi dahil ito ang bida sa una niyang pelikula na “Mayohan” noong 2010 Cinemalaya entry kung saan nanalong new breed best actress ang dalaga at best cinematographer naman ang direktor.

“Super excited lang ako kasi si Lovi was my actress sa first film na idinirek ko and I’m so excited and happy to work with her again na kung wala si Lovi wala rin siguro akong career? So, thank you.

“Si Janine naman I’ve been a fan since, so, I’m just be happy to be here and producing this wonderful project with direk Sam na when I saw Billie and Emma (movie 2018), sabi ko I want to work with this director kasi meron siyang boses, meron siyang gustong sabihin which is we value storytellers,”balik-tanaw ni direk Dan.

Bakit napa Yes ang dalawang aktes sa “Sleep with Me”?

“Well honestly of course direk Dan, I’ve already worked with him like 11 or 10 years ago and that was my first best actress award, thank you direk Dan, so, of course gusto ko siyang maka-trabaho ulit.


“Of course direk Sam I was supposed to do a project with her years ago and that’s probably one of the things na ni-regret ko na hindi ako nagkaroon ng time para gawin iyon.

“Now, we’re finally here, and I really get to work with them that was really a fantastic movie and of course, Janine, who’s my sister din, I’m just really excited to work with her because I know how talented she is and she’s very passionate with her work.

“So, I just want to work with the best of the best and here we are. I’m just really blessed to be surrounded by these people,” paliwanag ni Lovi.

Si Janine naman,”I feel the same way with Lovi. I wanted to work with direk Dan, I’m a fan of his work.

“Sam and I we’re supposed to do a project also before and it didn’t push through and it was .. alam mo yung pag may project na you feel so bad na hindi natuloy?

“So, I was always holding on na eventually, the chance will come and here it is and with Lovi pa who I always admired! I swear, idol kita! Yuck, nagbolahan tayong apat ano ba ‘to?

“Anyway, the story is really something I don’t think has been shown in like the Filipino setting, and I’m so excited for people to learn more about this topic and alam ko, maraming makaka-relate.

“At the core, it’s a love story na talagang you’ll get attached to and it will make you feel so it’s really the story at heart.”

Natanong naman kung may steamy scenes sina Janine at Lovi since GL story ito.

“Well, I don’t think steamy, given me as a director, I don’t think I describe it as steamy.

It will be something that I am going to do for the first time. But I think, being that it’s me, I want to integrate other things like consent and how do you navigate these types of situations when it’s two women. I don’t think steamy will be the right word, but it’s definitely something to look forward to, yeah ha, ha, ha” tawang-tawang katwiran ng direktora.

 

Related Chika:
Lovi todo pasalamat sa GMA 7 ngayong magiging Kapamilya na: Hindi po biro ang 15 years!

The post Lovi, Janine bibida sa isang GL story; magkakaroon kaya ng ‘steamy’ scenes? appeared first on Bandera.

Claudine tuloy pa rin ang pagtakbo bilang konsehal sa Gapo

$
0
0

Claudine tuloy pa rin ang pagtakbo bilang konsehal sa Gapo

NILINAW ng beteranang aktres na si Claudine Barretto na hindi totoo ang kumakalat na balita na aatras na siya sa pagtakbo bilang konsehal sa Olangapo City.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost niya ang screenshot ng isang article mula sa isang entertainment website patungkol sa kanyang pag-atras sa darating na 2022 elections.

“Mga palanggas ko sa Olongapo & Claudinians, ‘di po totoo na nag-backout ako sa pagtakbo ng councilor of Olongapo.

“Tuloy po ang aking pagtakbo. Please stop spreading lies and fake news. Thank you po and have a great day,” saad ni Claudine.

Makikita ring naka-tag ang talent manager nito na kasalukuyang tumatakbo bilang alkalde ng Olongapo na si Arnold Vegafria.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)

Matatandaang sa isang episode ng “Cristy Ferminute” ay nabanggit ni ‘Nay Cristy na mukhang hindi na tutuloy si Claudine sa pagtakbo bilang konsehal ng Olongapo.

Ayon rin sa kanya, isa sa mga dahilan kung bakit nag-backout ang aktres sa pagtakbo dahil hanggang ngayon raw ay wala pa ring ibinibigay na pondo sa kanya ang talent manager.

“Hindi na daw po sumasama si Claudine dahil ang pangako daw sa kanya ni Arnold Vegafria nung kunin siya para tumakbo bilang konsehal ay si Arnold ang taya sa lahat ng gastos. Wala daw anumang gagastusin si Claudine basta tumakbo daw,” saad ni ‘nay Cristy.

Pero ngayon nga ay tinapos na ni Claudine ang usap-usapan patungkol sa kanyang pag-backout at nilinaw na tuloy na tuloy pa rin ang kanyang pagkandidato.

Marami naman ang nagpaabot ng suporta sa aktres matapos linawin na tuloy na tuloy ang kanyang pagtakbo.

“Batang gapo here…may not be home now but my family will definitely support you,” saad ng isang netizen.

“Go Miss Clauuu!!!!!! God knows how genuine your are to serve!!!” comment  naman ng isa pa.

“Praying for wisdom po sa lahat ng decision niyo Ms. Clau, basta always pray po for everything before anything else. I am always rooting for your joy and success!” sey naman ng isa pa.

 

Related Chika:
Claudine aatras na nga ba sa pagtakbo bilang konsehal sa Gapo?

The post Claudine tuloy pa rin ang pagtakbo bilang konsehal sa Gapo appeared first on Bandera.

Hiling ng fans sa GMA: John Lloyd, Bea, Dingdong, Marian pagsama-samahin sa teleserye

$
0
0

Marian Rivera, Dingdong Dantes, Bea Alonzo at John Lloyd Cruz

NGAYON pa lang ay atat na atat na ang mga tagasuporta ni John Lloyd Cruz na mapanood ang much-awaited sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA na “Happy To Get Her”.

Mas lalo pang na-excite ang Kapuso viewers nang ilabas na last Monday ang teaser plug ng unang programang gagawin ni Lloydie sa GMA mula nang magbalik siya sa showbiz after so many years.

Matatandaang nitong nakaraang buwan ay pumirma ang Box-Office King ng partnership deal sa Kapuso Network para sa kanyang gagawing sitcom sa ilalim ng direksyon ni Wacky Solutions, Inc. director and line producer Edgar “Bobot” Mortiz.

Bumuhos ang excitement at saya sa comments section ng naturang teaser mula sa fans ng multi-awarded actor lalo pa nga’t ito ang magsisilbing comeback project ni John Lloyd matapos mawala ng ilang taon.

Komento ng isang netizen, “Grabe, hindi pa rin nagbabago si John Lloyd. Lakas pa rin talaga ng appeal sa pagpapasaya at pagpapakilig.”

“Even as a new Kapuso, it was obvious na kumportableng-komportable na siya with his new friends sa GMA at sa kanyang pagbabalik eksena,” sey ng isang fan ng aktor.

Reaksyon pa ng isa, “Ito talaga ‘yung inaabangan kong comeback! Super happy na JLC is really back on screen to showcase his comedy side. For sure, isa ito sa mga magiging favorite feel-good sitcom ko!”

May nag-suggest naman sa GMA na sana’y pagsamahin daw sa isang bongga at pasabog na serye sina John Lloyd, Bea Alonzo, Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sigurado raw na gagawa ito ng marka sa mundo ng telebisyon.

Kaabang-abang naman talaga ang nalalapit na pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd sa Kapuso Network. Abangan ang announcement ng GMA kung sinu-sino ang makakasama ni Lloydie sa “Happy To Get Her.”

* * *

Dahil ang Kapaskuhan ay panahon ng pagbibigayan, may handog na practical and environment-friendly tips ang award-winning infotainment show ng GMA Network na “Amazing Earth” tuwing Linggo ngayong Disyembre.

Abangan at matuto mula sa ilang tips kung paano mas maalagaan ang ating kapaligiran at kalikasan ngayong holiday season. Makikita ang Amazing Tips na ‘yan sa official social media accounts ng “Amazing Earth” at GMA Network.

Para sa kanilang unang Amazing Holiday Tip, may inihandang downloadable e-cards ang programa na maaring ipadala ngayong Christmas season.

Sa maliit na paraang ito ay mababawasan ang mga puno na kailangang putulin sa pagawa ng holiday cards na gawa sa papel. Abangan ang ilan pang Amazing Holiday Tips ng Amazing Earth sa kanilang official social media pages.

Samantala, samahan pa rin si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang panibagong adventures sa fresh episode ng “Amazing Earth” ngayong Linggo.

Bakit isinasama ni Dingdong si Zia kapag nagbo-voice over sa ‘Amazing Earth?

Dingdong tatakbo nga bang senador o kongresista sa Eleksyon 2022?

The post Hiling ng fans sa GMA: John Lloyd, Bea, Dingdong, Marian pagsama-samahin sa teleserye appeared first on Bandera.


John Vic de Guzman hindi tatalikuran ang volleyball; Erin Ocampo super crush si Alden

$
0
0

Alden Richards, Erin Ocampo at John Vic de Guzman

KAHIT gumaganda at bumobongga na ang showbiz career ng Kapuso hunk na si John Vic de Guzman ay hindi pa rin niya tatalikuran ang paglalaro ng volleyball.

Kamakailan lang ay nag-renew ng kontrata sa GMA Artist Center si John Vic at aniya, pamilya na talaga  ang naging turing sa kanya ng mga kasamahan sa GMA.

“Bilang bagong Kapuso, mapi-feel mo na hindi ka lang basta co-artist, naging family ka na rin sa kanila lalo na nung naging part ako ng ‘Owe My Love’ naramdaman ko talaga ‘yun. Sobrang masaya ako,” pahayag ng binata sa isang panayam.

Hindi man madali na pagsabayin ang career sa showbiz at volleyball pero willing naman si John Vic na magsakripisyo muna para mabalanse ang parehong field.

“Nakausap ko na rin po yung mga manager ko na kapag may international competition, I’ll still be playing sa national team. Then pag off-season na po, dun naman po ako papasok na sa pagiging artista,” katwiran ng aktor.

Paliwanag pa niya, “Hindi po madali pagsabayin. Kasi may isa ka talagang isa-sacrifice na hindi muna gagawin. But still, sobrang happy ako dahil kahit naglalaro ako, naging Kapuso ako. 

‘Yung passion ko sa paglalaro at sa pag-acting, napagsasabay ko,” aniya pa.

Muli namang magsisilbing Philippine Men’s National Volleyball Team Captain si John Vic sa gaganaping SEA Games sa Hanoi, Vietman sa 2022.


* * *

Sa isang interview para sa recent contract renewal ni Erin Ocampo sa GMA Artist Center, nabanggit ng “The World Between Us” actress na kung papipiliin kung sinong karakter ang gusto niyang gampanan sa show bukod sa karakter niyang si Vee Mapa, pipiliin niya ang role ni Jasmine Curtis na si Lia.

“Siyempre, du’n na tayo kay Jas!”  natatawang banggit ni Erin. “Alam naman ng lahat na crush ko si Alden, eh. Lagi ko nga silang niloloko, ‘yung kissing scene nila nakailang take ‘yon. Sabi ko kay Jas, ‘Sis, exchange (naman tayo!)'”

Kuwento pa ni Erin, masaya siya dahil tila magkakapatid na raw magturingan ang cast ng “The World Between Us”, “Kakaiba talaga ‘yung bonding namin. Para kaming magkakapatid wala akong masabi. 

“Everyday, nag-uusap kami. Everyday, may nagse-send ng nakakatawa, may nagshe-share ng kung ano’ng nangyari sa araw nila,” aniya pa.

Samantala, napapanood pa rin ang “The World Between Us” gabi-gabi sa GMA Telebabad.

The post John Vic de Guzman hindi tatalikuran ang volleyball; Erin Ocampo super crush si Alden appeared first on Bandera.

Jason Francisco ‘babe’ ang tawag kay Sunshine Cruz: Parang na-feel ko lang…

$
0
0

Jason Francisco, Melai Cantiveros at Sunshine Cruz

“BABE” pala ang tawag ng Kapuso comedian na si Jason Francisco kay Sunshine Cruz!

Pero bago mag-react ang mga “Maritess” all over the universe, biro-biro lang naman daw ito si Jason kay Sunshine para mas maging masaya ang kanilang lock-in taping para sa seryeng “Stories from the Heart: Love On Air”.

In fairness, bukod sa tambalan nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ay talagang inaabangan din ng manonood ang tila nabubuong loveteam sa pagitan nina Jason at Sunshine.

Patuloy ang mainit na pagtanggap ng mga Kapuso viewers sa GMA afternoon drama anthology series na “Stories from the Heart: Love On Air” simula pa noong pilot week.

Talagang sinusubaybayan nila ang bawat karakter sa serye, hindi lamang ng lead stars kundi pati na rin ang iba pang memers ng cast. Kabilang na riyan si Ms. D o Deborah Gutierrez, na ginagampanan nga ni Sunshine at si Rommel Montella, na ginagampanan ni Jason.

Sila ang mga big boss nina Joseph o DJ Jojo (Khalil) at ni Wanda o Miss Wonderful (Gabbi) sa radio station na kanilang pinagtatrabahuhan bilang radio hosts.

Sa isang panayam, naichika ni Sunshine na halos lahat ng members ng cast ay unang beses pa lang niyang nakatrabaho pero madali lang daw niyang nakagaanan ng loob ang mga ito. 

“Tsaka ang kukulit nila, lalo na si Jason ang kulit-kulit, ang tawag sa akin babe? Pinipilit niyang meron kaming ano dito parang love story, e, wala naman.

“Kaya nga niloloko niya yung production na parang dapat daw may part 2 ang ‘Love On Air’ tapos kaming dalawa ang love team. Nakakaloka siya,” chika ni Sunshine.

Hirit naman ni Jason, “Parang na-feel ko na yun ang gusto niyang itawag ko sa kanya, ‘babe.’ Parang pumasok lang sa isip ko so ginawa ko kasi I’m thinking out loud I just say it para wala akong regrets.”

Pero agad naman itong nilinaw ng asawa ni Melai Cantiveros, aniya nais lamang niyang maging magaan at masaya ang kanilang taping at wala namang malisya ang pagtawag niya ng “babe” kay Shine.

“Hindi joke-joke lamang po iyon kasi, alam niyo yun, kapag sa taping po kasi parang iisa lang kami doon, so malayo kami sa mga pamilya namin so siya na muna ang itinuring kong ‘babe’ sa set. Alam naman ni Melai yun, na yun yung biruan namin ni Ms. Sunshine.


“Ang role kasi namin parang kami yung mga walang love interest, e, so boring yung buhay namin kasi nga puro work kami.

“Siya masungit, ako naman medyo seryosong ewan din, so ginagawan nalang namin ng istorya din yung set para naman maging masaya.

“Kasi, si Khalil lang at si Gabbi parang napaka-unfair naman na sila lang yung may love interest something, so kami naman, siyempre Christmas, so kailangan din namin ng love,” paliwanag pa ng komedyante.

Samantala, huwag nang bibitiw sa nalalapit nang pagtatapos ng “Stories from the Heart: Love On Air,” na napapanood pa rin Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Las Hermanas” sa GMA Afternoon Prime.

B-day message ni Jason kay Melai: Gusto kong mag-thank you sa iyo, napakabuti mong asawa at nanay

‘Love On Air’ nina Khalil at Gabbi trending sa socmed; GabLi fans pinainit ang Twitter

The post Jason Francisco ‘babe’ ang tawag kay Sunshine Cruz: Parang na-feel ko lang… appeared first on Bandera.

Rita Daniela diretsahang tinanong si Ken Chan: Na-in love ka ba sa akin?

$
0
0

Rita Daniela at Ken Chan

DIRETSAHANG tinanong ng Kapuso actress at TV host na si Rita Daniela ang kanyang ka-loveteam na si Ken Chan kung totoong na-in love ito sa kanya.

Maraming fans ang umaasa na sina Ken at Rita na nga ang magkakatuluyan sa ending dahil bukod sa bagay na bagay sila ay malalim na rin ang pundasyon ng kanilang espesyal na pagkakaibigan.

“Na-in love ka ba sa akin noong kinunan natin ‘yung first ever love scene natin nang bonggang-bongga?” ang tanong ni Rita sa isang recorded video para kay Ken sa “TaranTanong” segment ng Kapuso morning show na “Mars Pa More.”

Chika pa ni Rita, “Like kahit 30% lang? Or sige bawasan natin, 10%. Na-inlove ka ba sa akin, just for that moment where you felt na ‘nothing’s gonna stop me na parang kami lang ‘yung nandu’n sa mundo na ‘yun?'”

Ang sagot naman ni Ken sa kanyang leading lady, “Yes, mga 70%. Hindi 100% kasi…70% dahil hindi pa talaga ako ready pumasok sa isang relationship. Kagagaling ko lang sa isang mahabang relationship na umabot ng three years.”

Patuloy pa niyang paliwanag, “Na-enjoy ko ‘yung single life, na-enjoy ko ‘yung trabaho, na-enjoy ko ‘yung circle of friends, ‘yung time ko sa family ko. 

“And ine-enjoy ko ‘yung moment as until now. Ayun ang nararamdaman ko, hindi pa talaga ako ready pumasok sa isang (relationship),” sey pa ng Kapuso actor.

Sey pa ni Ken, pagdating daw sa pakikipagrelasyon ay talagang all out siya, ibibigay daw niya ang lahat-lahat para sa taong minamahal kaya hangga’t maaari ay i-enjoy niya muna ang single life.

“Tsaka kilala ko ‘yung sarili ko, kapag pumasok ako sa isang relationship, 100% todo-bigay. So sabi ko huwag muna,” pahayag pa ng binata.


In fairness naman sa tambalang RitKen, talaga namang may napatunayan na rin sila sa larangan ng pag-arte kaya naman isa ang tambalan nila sa mga pambentang loveteam ng GMA 7.

Huli silang napanood sa Kapuso series na “Ang Dalawang Ikaw,” kung saan gumanap si Ken bilang isang may lalaking may mental illness na tinatawag na dissociative identity disorder.

Maswerte ring napili ang pelikula nilang “Huling Ulan Sa Tag-araw” para maging official entry sa Metro Manila Film Festival 2021 na magsisimula sa Dec. 25.

Rita Daniela, Ken Chan may sariling diskarte sa love scene, walang arte-arte

Rita, Ken nagluluksa rin sa pagpanaw ni Mahal; sunud-sunod na pasabog sa pagtatapos ng ‘Ang Dalawang Ikaw’

The post Rita Daniela diretsahang tinanong si Ken Chan: Na-in love ka ba sa akin? appeared first on Bandera.

Kilalang aktres naubos ang pera dahil sa pandemya, binigyan ng ayuda ng kapwa artista

$
0
0

NASAID pala nang todo, as in zero balance ang isang aktres noong kalagitnaan ng COVID-19 pandemic kaya napilitan na itong magbenta ng ilan niyang gamit para makatawid sa mga gastusin.

Tumutulong din kasi siya sa pamilya niya kaya isa rin ito sa ikinaka-stress niya noon bukod pa sa wala siyang offers dahil nga sa pandemya.  

May mga kaibigan siyang nagbibigay ng ayuda sa kanya at kahit nahihiya ay tinatanggap na rin niya kesa magutom siya at pamilya niya.

Kaya pumutok ang balitang nasaid siya nang husto ay dahil narinig ng kasama sa bahay ng isa sa personalidad na tumulong sa aktres.

Awa raw kasi ang naramdaman ng kasama sa bahay na hindi niya sukat akalain na kilala ang aktres pero bakit ganu’n ang sitwasyon niya ngayon.

Kaya naihambing pa ng kasama sa bahay ng personalidad ang sarili sa aktres na naghirap dahil hindi ito naranasan ng una at higit sa lahat may konting ipon siya kahit hindi siya sikat.

Going back sa kilalang aktres, ngayong puwede nang mag-shoot o mag-taping ay sinuwerteng nakasama siya sa ilang projects.

Kaya abut-abot ang pasasalamat ng aktres dahil sa mga blessings ngayon sa kanya at nag-iipon na rin daw siya at hind na maluho ang pamumuhay dahil kung saan-saan na lang siya kumakain kasama ang boyfriend niya.

Sa kasalukuyan ay may movie project din ang aktres na hinahanapan pa ng magandang playdate ng producer.

By the way, medyo unfair din talaga ang buhay dahil may kuwento na nakarating sa amin tungkol sa aktres.

Nagkasalubong pala ang aktres at ang kasama sa bahay ng personalidad na tumulong sa kanya sa isang mall pero hindi na siya kilala kahit nagkatitigan at nagkasabay mag-grocery.

The post Kilalang aktres naubos ang pera dahil sa pandemya, binigyan ng ayuda ng kapwa artista appeared first on Bandera.

Pagbabalik ni John Lloyd sa GMA dumaan sa butas ng karayom; Willie walang makakasundong babae

$
0
0

Willie Revillame at John Lloyd Cruz

WINELKAM na ni Wllie Revillame si John Lloyd Cruz bilang certified Kapuso sa programa nitong “Wowowin” nitong Biyernes kung saan nag-guest ang aktor.

Matatandaang ang TV host ng “Tutok to Win” ang naging dahilan para makapag-guest si Lloydie sa TV special ng Shopee noong Hunyo hanggang sa pumirma na nga ito ng kontrata sa GMA 7 para sa sitcom na “Happy ToGetHer” na malapit na ring mapanood.

Say ni Willie sa aktor, “Welcome sa Wowowin at welcome sa bago mong tahanan of course, dito sa GMA 7, welcome.”

Ganting sagot naman ni JLC, “Kung hindi dahil sa ‘yo, hindi lalakas ang loob ko, kung hindi dahil kay direk Bobot (Mortiz), hindi mabubuo ‘yung kumpiyansa na bumalik. 

“Kung hindi dahil sa pamilyang nabuo namin nina direk Bobot, di ba, hindi mabubuo ‘yung nag-udyok sa akin na bumalik at magtrabaho ulit,” sabi ng aktor.

Biglang nagbalik-tanaw si Willie sa naging proseso ng pagbabalik-showbiz ni John Lloyd, talagang nahirapan daw sila at dumaan sa butas ng karayon para maging maayos ang paglipat ng aktor sa Kapuso network na inuna munang magsabi kay ABS-CBN CEO Carlo Katigbak.

“I’m thankful to Mr. Karlo Katigbak dahil pinagpaalam kita, naalala mo? Siyempre, ‘yung respect natin sa kanila, na sabi ko, magiging guest ka sa Shopee, and then, okay naman. In fairness to Mr. Karlo Katigbak, napaka-gentleman.

“Kaya Karlo Katigbak, Sir, maraming salamat, now he’s part of…dito na, magkasama na kami, with of course, your permission,” sabi ni Willie.

Samantala, ngayong araw ang “12-12” big Christmas sale ng online shop na ineendorso nina Willie at Kris Aquino at mapapanood mamaya, 10:30 p.m. sa GMA kung saan makakasama rin sina Dingdong Dantes at Jose Mari Chan with Rayver Cruz, Michael V, Ben & Ben at iba pang GMA artists.

Anyway, kapansin-pansin ang malaking pagbabago ngayon kay Willie na tila pagod na pagod ang itsura ayon sa mga nakakakilala sa kanya pero hindi naman ito napapansin ni ‘Nay Cristy Fermin na parating nakakausap ng TV host.

Sa kanyang “Cristy Ferminute” online show ay isa ito sa naging talakayan ng manunulat at ng co-host niyang si Romel Chika.


Simula ni ‘Nay Cristy, “Ang sabi ng iba, sana raw, magkaroon si Willie ng pahinga. Ako na po ang nagsasabi sa inyo, bukod sa pagiging sikat na TV host, bukod sa pagiging bilyonaryong TV host, siya po ang pwede nating lapatan ng titulong ‘ang lalaking walang pahinga.’

“Eh kahit naman may pahinga siya, may ginagawa pa rin siya, eh. Alam mo pag, Sabado’t Linggo, day, Diyos ko, hindi mo siya makakausap. Nagpapalipad ng chopper. 

“Una, sa Iruhin muna siya, sa Tagaytay, andu’n ‘yung mga villa-villa niya katabi ng mansyon niya na overlooking Taal volcano and lake. Pagkatapos nu’n, lilipad naman siya ngayon ng Mindoro, di ba, andu’n naman ‘yung pinapagawa niyang hotel,” ani Nay Cristy.

Kaya ang sapantaha ng host, “Alam mo, wala siyang makakasundong babae talaga, eh. ‘Yung matagalan. Kaya hayan, mabuhay na lang siyang ganyan.”

Pero feeling namin, hindi na  hinahanap ni Willie ang lovelife dahil parang kuntento na siya sa mga apo niya na nagpapasaya sa kanya ngayon.

John Lloyd sa pagbabalik-showbiz: Gusto ko makita ako ng anak ko na nagtatrabaho

Willie sa paglipat nina Bea, John Lloyd at Pokwang sa GMA: Pabayaan natin kung saan sila masaya…

The post Pagbabalik ni John Lloyd sa GMA dumaan sa butas ng karayom; Willie walang makakasundong babae appeared first on Bandera.

Viewing all 44287 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>