Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44325 articles
Browse latest View live

Rhen Escano posible bang ma-in love sa lesbian partner niya sa GL series na ‘Lulu’?

$
0
0

Rita Martinez at Rhen Escano

MAY bagong kilig series si Direk Sigrid Andrea Bernardo pagkatapos ng psychological thriller movie niyang “Untrue” nina Xian Lim at Cristine Reyes na ipinalabas noong 2018.

Ito ay ang “Lulu,” isang girl meets girl love story na pagbibidahan nina Rhen Escano at Rita Martinez na isang certified member ng LGBTQIA+ na unang nakilala bilang contestant sa “The Voice Season 2” noong 2014 na napabilang sa Team Kawayan.

Napansin ng ilang members ng press na dumalo sa virtual mediacon ngayong tanghali para sa “Lulu” na kahit nasa zoom lang ay may kilig factor ang tambalan nina Rita at Rhen.

Lalo na siguro kung face to face ito, tiyak mas mapapansin pa ang mga reaksyon nila at body language kaya naman diretso ang tanong namin sa dalawa kung posibleng maging sila in the future.

Grabe ang tawa ni Rhen na parang kinikiliti at kaya namin ito nasabi ay dahil hindi showbiz ang dalaga sa ilang beses na rin namin siyang nakapanayam kaya posibleng may naramdaman siya.

“Dapat ikaw (unang sumagot),” mahinang sabi ni Rhen kay Rita na tawa nang tawa.

“Well, ganito po yan ang friendship na na-establish along the way which is, it was genuine kung baga parang hindi po namin in-expect na magiging talagang close kami na masasabi namin even outside the show naging totoong magkaibigan kami. 

“Kung baga, ha-hahaha! Pinakaimportante po ay ‘yung na-establish na friendship,” paliwanag ni Rita.

Say naman ni Rhen, “Lagi ko pong sinasabi na kapag may nakaka-work ako at na-feel ko ‘yung friendship, ‘wag tayong shooting or taping friends lang, ha. So ganu’n po.”

At sabay sabing, “Sana, sana! Ha-hahaha!”  

Natanong din ang dalawang bida ng “Lulu” kung girlfriend material ba ang isa’t isa since nakita na nila ang qualities ng bawa’t isa.

“Siguro po, kahit po sabihin kong sanay na ako mag-lock-in (shoot),  hindi talaga nawawala ‘yung anxiety, nalulungkot ako, nahihirapan ako and siguro ‘yung kapag kailangan ko ng kausap o kapag marami akong hanash nandiyan siya, nakikinig siya.  

“Rare po ‘yun para sa akin na merong tao o kaibigan sa showbiz na makikinig sa ‘yo o hindi lang basta makikinig, talagang iintindihin ka.

“Ganu’n po siya (Rita) laging nakikinig sa akin kahit non-sense na ‘yung kinukuwento ko lagi siyang nakikinig every time na may mga nararamdaman ako o nahihirapan ako, I think ‘yun po,” masayang kuwento ni Rhen.


Sabi naman ni Rita, “Actually, in connection to that, with her naman, wala, e, she’s just real. Totoo siya kapag nag-uusap kami like mga hanash.  

“Bihira lang ‘yung nagpapakatotoo ka which is very good quality for me no pretentions and no anything, and it wasn’t also hard to open up to her hindi rin siya mahirap pakisamahan at may mga natutunan din ako sa mga sinasabi niya and she’s very funny sa totoo lang, nakakatuwa siya.  

“As a person I got to know her kahit short time lang na nagka-work ko siya there is friendship after this because we established that along the way habang nagso-shoot kami.  she’s very genuine,” aniya pa.

Samantala, inamin din ng direktor ng “Lulu” na gusto niyang makabuo ng loveteam ng parehong babae dahil kung may loveteam nang nabuo sa mga BL series o movies ay ganu’n din sa GL at sana sina Rita at Rhen ang una. Nabanggit din ni direk Sigrid na kinilig din siya sa dalawa at sana nga magkatuluyan sila off-camera.

Mapapanood ang walong episode ng “Lulu” simula sa Enero 7, 2022 sa Vivamax.

Rhen Escano 10 taon naghintay bago bumida sa pelikula: Hindi ako sumuko, laban lang!

Sex scenes nina Jao Mapa at Rhen Escano sa ‘Paraluman’ 1 take lang: Hindi kami nahirapan, pero…

The post Rhen Escano posible bang ma-in love sa lesbian partner niya sa GL series na ‘Lulu’? appeared first on Bandera.


Kim may 11-M followers na sa IG, nagpasalamat sa fans: This is me, this is who I am, this is my world!

$
0
0

Kim Chiu

NAG-CELEBRATE si Kim Chiu nang umabot na sa 11 million ang followers niya sa Instagram. 

Nag-post siya ng kanyang litrato sa IG kung saan napapalibutan siya ng maraming balloons.

Sabi ni Kim sa caption, “This morning woke up to 11M of you here in IG. I remember when I was just setting up my first social media account as ‘artista’ which is Instagram, didn’t know what my user name will be. 

“Thinking of….will I go for this? Am I ready to share my everyday life on the internet? @xianlimm influenced me to have a social media account then.
“That time I was with @ilovekaye she was the one who told me to use the CHINITAPRINCESS as my user name coz Kim Chiu was already taken. Thank you kifs!!!!” pahayag ng aktres at TV host.

Dugtong pa niyang sabi, “After I made an account I messaged Xi, ‘may IG na ako!!!!!!’ Actually ginawa ko ata to before kasi gusto ko sha makausap!   

“Ha ha, how cool was that till now it is still my username and I am happily sharing my everyday life with all of you. Through Instagram.


“I can show the world what I can see, as one of my favorite sayings says ‘Your life is your message to the world, make it inspiring.’ 

“Thank you for joining me on this journey. Thank you for your lovely and not so lovely comments. Thank you for letting me share with all of you my life. 

“This is me, this is who I am. This is my world. Thank you for allowing me to share this journey of mine. Love you all cheers to more ootds, adventures, family, travels, kimadvenchiure, and many more!!!!

“HAPPY 11M fam!!! Thank you @partystationphils for this balloon set up!” sabi pa ni Kim sa kanyang caption.

Siyempre binati naman siya ng supporters nila ni Xian ang Forever Tropang Kimuy, “Congrats @chinitaprincess (clapping hands emoji). You earned all 11M IG friends just by being you, sharing your life to the world. Good job! Pat on the back dearest Kim.”

Umabot na sa kulang 624k views ang video at kulang 1k ang mga bumati sa dalaga.

Wala pa kaming nabasang bumati si Xian Lim sa kanyang girlfriend, baka abala pa siya sa shooting ng bago niyang serye.

The post Kim may 11-M followers na sa IG, nagpasalamat sa fans: This is me, this is who I am, this is my world! appeared first on Bandera.

‘Sino ang kinita ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia?’– Xian Gaza

$
0
0

Xian Gaza, Gerald Anderson at Gigi de Lana

MUKHANG si Gerald Anderson naman ang pinupuntirya ng businessman at internet sensation na si Christian Albert Gaza.

Sa mga bagong post kasi niya sa kanyang official Facebook account ay tila may aria siya against Gerald. 

“So eto na nga ang chika mga Mars. Nagtsismisan kami ni Gigi (de Lana) kaninang madaling araw sa lobby ng isang mamahaling hotel na ‘di afford ng mga Marites na hampaslupa.

“Sabi ko, ‘What if sirain ko relasyon ni Gerald at ni Julia para wala nang hadlang sa love team niyo?”

“Sagot niya (non-verbatim), “Hoy Xian huwag gano’n! Bad ‘yon! Mabuting tao si Gerald. He’s a very nice guy. 

“‘Everyone loves him. Nami-misunderstood lang talaga siya ng madlang people at alam mo naman ang social media ‘di ba? Parang ikaw lang din.’

“Sabi ko, ‘Gigi, may sasabihin ako sa yo. Ating dalawa na lang sana ‘to. Huwag na lang sana makakalabas ha? May mga alam kasi ako kay Gerald na hindi mo alam.”

‘GIGI: Sige sige, like what?’ sagot daw sa kanya ni Gigi.

“One time, nu’ng nasa isang lock-in taping si Julia…”

“Wait Mars, dumating na yung food delivery ko. Kunin ko lang sa baba. Brb,” ang biting sey ni Xian Gaza.

‘Yan ang una naming nabasa the other day.


Then his next post was this, “Kung ang tawag sa mga supporters ni Duterte ay DDS, sa mga supporters ni Leni ay Dilawans at sa mga supporters ni BBM ay Marcos Apologists… ang tanong ng bayan ngayon, sino ang kinita ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia Barretto?”

And another one was this, “Para sa kaalaman ng buong Marites Association of the Philippines (MAP), si Gigi De Lana at Gerald Anderson ay may upcoming digital series this Dec. 15 — HELLO, HEART.
“Bilang pinuno ninyo, sa ayaw at sa gusto niyo, ito’y ating susuportahan.”

Parang si Xian na ang Pambansang chikador ng bansa, ha! Ang dami niyang alam – from AJ Raval and Diego Loyzaga to this. Grabedad ka Xian. Ikaw na!!!

Xian Gaza pumalag kay Barbie: Bakit hindi si Diego ang magsalita sa publiko?

Xian Gaza biglang kambyo sa pasabog na blind item; Diego, Barbie dedma lang

The post ‘Sino ang kinita ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia?’ – Xian Gaza appeared first on Bandera.

Marian: Sobrang wish kong makilala si Gal Gadot, sana mami-meet ko siya!

$
0
0

Gal Gadot at Marian Rivera

KUNG may isang wish si Marian Rivera sa pagpunta niya sa Israel, yan ay walang iba kundi ang makita up close and personal ang Hollywood actress na si Gal Gadot.

Matagal na raw kasing pangarap ng Kapuso actress at TV host na ma-meet at makilala ang international actress na mas kilala ngayon bilang bagong Wonder Woman.

Kahapon, Dec. 6, umalis si Marian kasama ang asawang si Dingdong Dantes patungong Eilat, Israel para sa gaganaping 2021 Miss Universe pageant.

Isa si Marian sa mga napiling miyembro ng selection committee ng ika-70 edisyon ng Miss Universe na magaganap sa Dec. 12.

“Sobrang wish kong makilala si Gal Gadot. Sana mami-meet ko siya,” ang pag-amin ng aktres sa ginanap na virtual mediacon ng GMA para sa announcement ng pagiging hurado niya sa sikat na international beauty pageant sa buong universe.

Sey pa ni Marian, “Gusto ko talaga makilala at makita si Gal Gadot. Sana mabigyan ako ng chance.”

In fairness, kapag natupad ang pangarap ni Marian na makilala nang personal si Gal Gadot ay siguradong magpipiyesta ang kanyang mga Pinoy fans.

Naisip nga namin, kung mangyayari nga ito, pwedeng maging title ng kanilang pagkikita ay, “Wonder Woman Meets Darna”.

Gumanap na Darna sa TV version ng iconic Pinoy superhero ng GMA noong 2009 habang si Gal Gadot naman ay ang bagong Wonder Woman ngayon sa pelikula na ipinalabas noong 2016, 2017 at 2020.


Sa mga hindi pa nakakaalam, si Gal Gadot ang naging representative ng Israel sa 53rd Miss Universe na ginanap noong June 1, 2004 sa Quito, Ecuador.

Pero mukhang medyo malabo ngang mangyari sa ngayon ang pangarap ni Marian na magkita sila ni Wonder Woman kahit pa kay bahay ito sa Tel Aviv, Israel.

Kasalukuyan kasing nasa Los Angeles, California si Gal Gadot kasama ang kanyang pamilya at mukhang wala ring imbitasyon ang Miss Universe Organization sa Hollywood actress.

Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang ibinibigay na update sina Marian at Dingdong sa mga kaganapan sa Eilat, Israel.

Pero nauna nang ng aktres na feeling nasa cloud 9 talaga siya nang malamang magiging bahagi siya ng selection committee ng 70th Miss Universe.

Mas marami rin siyang luggage na dala patungong Israel — kung apat lang na maleta ang bitbit ni 2021 Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez, siyam na bagahe naman ang dala ni Marian.

Marian napiling judge sa Miss Universe 2021: Sabi ko talaga ba, ako? Totoo ba yan?

Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

The post Marian: Sobrang wish kong makilala si Gal Gadot, sana mami-meet ko siya! appeared first on Bandera.

Pasabog na bikini photos ni Rabiya pinagpiyestahan; Instagram account biglang ‘nag-apoy’

$
0
0

Rabiya Mateo

“NAGLAGABLAB” ang Instagram account ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo dahil sa mga bago at pasabog na bikini photos niya. 

Sandamakmak na fire emojis ang nakuha ng latest IG post ng bagong Kapuso actress hindi lang mula sa kanyang mga fans and supporters kundi maging sa mga kapwa niya celebrities.

Ibinandera ni Rabiya ang mga bago niyang sexy photos sa IG suot with her shiny pink bikini kung saan talaga namang kitang-kita ang kanyang kaseksihan.

Ang maikling caption niya sa mga litrato ay, “Playful Thursday.” Nagkakaisa ang mga netizens sa pagsasabing hanggang ngayon ay pwedeng-pwede pa rin siyang manalo ng Best in Swimsuit sa Miss Universe.

In fairness, daang libo na ang nakuhang likes ng bikini photos ni Rabiya. Pati nga ang mga Filipino celebrities at mga kapwa beauty queen mula sa iba’t ibang panig ng universe ay napa-wow at napanganga sa kaseksihan ng dalaga.

“Grabe siya!” ang comment ng TikToker at dating Miss Universe Philippines candidate na si Ayn Bernos.

“OMG Rabiya!” sey ng dating Miss World Philippines na si Katarina Rodriguez.

“Ganda-ganda!” ang komento naman ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza.

Hirit ng Kapuso youngstar na so Kate Valdez, “Grabe po ateeee!”

“GRABE!” sey ng broadcast journalist na si Pinky Webb.

Puro fire emojis naman ang comment ng mga batchmates niya sa Miss Universe na sina Natasha Joubert ng South Africa, Miss Laos Christina Lasasimma at Leyla Espinoza ng Ecuador.

Pinuri rin nang bonggang-bongga nina Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at Miss Earth 2015 Angelia Ong si Rabiya.

Si Rabiya ang naging representative ng Pilipinas last year sa Miss Universe pageant na ginanap sa Amerika noong Mayo. Umabot lamang ang dalaga sa Top 21.

This year, si Beatrice Gomez naman ang bet ng bansa sa idaraos na 70th Miss Universe pageant sa Israel na magaganap sa Dec. 12 (Dec. 13 sa Manila).

Rabiya Mateo ayaw na ayaw ng dinuguan; muntik maputol ang dila dahil sa…

The post Pasabog na bikini photos ni Rabiya pinagpiyestahan; Instagram account biglang ‘nag-apoy’ appeared first on Bandera.

Nanay ni Diego nag-react sa mga tsismis kay AJ: May anak o wala, she’s a woman…ako po nanganak, naging single mom

$
0
0

AJ Raval, Teresa Loyzaga, Diego Loyzaga at Barbie Imperial

IPINAGTANGGOL ng nanay ni Diego Loyzaga na si Teresa Loyzaga ang controversial sexy actress na si AJ Raval sa mga malilisyosong bashers sa social media.

Bukod sa akusasyong “kabit” daw ang dalaga dahil sa pagpatol nito kay Diego na dyowa nga ni Barbie Imperial ay may itinatago rin umano itong anak sa Pampanga.

Mariing idinenay nina Diego at Barbie na nagkakalabuan sila nang dahil kay AJ. Ipinagsigawan pa nga ng Kapamilya actress na walang gusto si Diego kay AJ.

At habang mainit ngang pinagtsitsismisan ng mga “Maritess” ang issue ay dumepensa naman ang nanay ni Diego para linisin ang pangalan ni AJ.

Sa programang “Cristy Ferminute” ni Nanay Cristy Fermin sa Radyo Singko (Dec. 3 episode) ay napag-usapan nga ang chika tungkol kina AJ, Diego at Barbie.


Habang pinag-uusapan nina Nay Cristy at co-host na si Romel Chika ang tungkol dito, biglang nabanggit na nag-text daw si Teresa. Ayon kay Nanay Cristy, nag-message ang veteran actress sa kanya na kasalukuyang nasa Perth, Australia.

Ayon kay Teresa, hindi fair para kay AJ, na anak ng aktor na si Jeric Raval, ang akusahan siya ng kung anu-ano lalo pa’t wala namang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya ng mga tao.

Sey pa ng nanay ni Diego, alam niya ang pakiramdam ng inaakusahan at tinatawag ng masasakit na salita dahil na-experience na rin niya ito noon.

Sabi ni Teresa, “Naranasan ko na sira-siraan noon. Ang paninira sa ibang tao ay hindi kahit minsan naging solusyon.

“Nakilala ko si AJ. She seems like a nice girl, and kilala ko rin ang dad niya,” pahayag ng aktres.

Aniya pa, “Sana tumigil na ang paninira. Life should be happy. Lahat nagkakamali at nadadapa.”

Tungkol naman sa chika na may anak na umano si AJ, sey ni Teresa, “Kahit may anak or wala, she is a woman. Ako po, nanganak at naging single mom.

“Let’s respect AJ also. Sana si Chismosong Frog ang layuan niya,” chika pa niya. Ang paniwala ng marami ay ang kontrobersyal na social media personality na si Xian Gaza ang tinutukoy niyang Chismosong Frog.

Si Xian kasi ang unang nagpakalat ng tsismis na may namamagitan umano kina Diego at AJ na pinalagan naman ni Barbie.

“Yung about doon kay AJ Raval, for me kasi, ‘di ba, if wala kang kinalaman, or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka. 

“For me, bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat, na nagka-thing kayo ni Diego? Gusto mo maging kabit? E, hindi ka nga gusto ng boyfriend ko,” matapang na sabi ni Barbie kay AJ.

Ito naman ang bwelta ni AJ sa pahayag ni Barbie sa isang interview, “Nu’ng oras po na ’yon parang nagtaka rin po ako saan po galing ’yong ganu’ng issue. Hindi naman din po ako nagalit. Parang wala lang po. 

“Wala po akong reaction. Tapos parang gusto din po niya akong magsalita. Para saan po? Parang ganu’n. Alam naman po nilang dalawa na hindi totoo ’yon,” sey ng sexy star.

“I think my peace of mind comes from the fact that I did nothing wrong,” pahabol pa niya.

AJ nagsalita na ukol sa pagiging ‘kabit’: Never po nanligaw si Diego sa akin

Diego kay Barbie: Para siyang nanay mag-alaga pero para ring baby…

Xian Gaza nakunsensya: Parang sinira ko ang buhay ni Aj Raval!

The post Nanay ni Diego nag-react sa mga tsismis kay AJ: May anak o wala, she’s a woman…ako po nanganak, naging single mom appeared first on Bandera.

Ivana ‘2021 Top Content Creator’ ng YouTube sa Pinas; kapatid na si Hash Alawi waging-wagi rin

$
0
0

Ivana, Hash at Mona Alawi

ANG sexy-actress at vlogger na si Ivana Alawi ang itinanghal na YouTube’s “Top Content Creator” sa Pilipinas ngayong 2021.

May 14.4 million subscribers na ngayon si Ivana sa kanyang YT channel. Siya rin ang nag-number one sa YouTube’s list of content creators sa bansa last year.

Pasok din ang kapatid ni Ivana na si Hash Alawi sa Top 10 (9th spot) list bilang “top creator” at siya rin ang nanguna sa listahan ng mga “Breakout Creators” ngayong 2021.

Nasa ikalawang pwesto ng “Top Creator” list si Zeinab Harake na sinundan ng Alex Gonzaga Official,  Toni Gonzaga Studio, Donnalyn, Vice Ganda, Skusta Clee TV, Mika Salamanca, Hash Alawi at Cong TV.


Narito ang kumpletong listahan ng mga vloggers na napasama sa “top viewed videos”, “most subscribed content creators” at iba pang kategorya ng YouTube Top 2021 Philippines.

TOP TRENDING VIDEOS

Four Sisters and a Wedding | JejFlix | Alex Gonzaga

MY JOURNEY / DELIVERY (BIA IS HOME) ?? | ZEINAB HARAKE

EXTREME GIRLFRIEND CHALLENGE: Donnalyn and AJ Raval

ANG MULING PAGKIKITA AT ANG PAGPUNTA NAMIN SA BAHAY NI MURA (NAHIHIRAPAN NA DAW?)

NAPRANK SI MAMA ALAWI + SURPRISE! *IYAK SILA* | IVANA ALAWI

VLOG 162 TUNAY NA TATAY NI TYRONIA FOWLER

PAANO NAUBOS ANG 1M KO SA LOOB NG 15 MINUTO

‘She’s Dating the Gangster’ FULL MOVIE | Kathryn Bernardo, Daniel Padilla (English – Subbed)

Easy & Quick Cake Decorating Tutorials for Everyone | Top 10 Amazing Colorful Cake Compilation

AKO NAMAN

TOP MUSIC VIDEO

Skusta Clee – Lagi (Official Music Video)

SB19 ‘MAPA’ | OFFICIAL LYRIC VIDEO

Ex Battalion – Yearly (Official Music Video)

Crazier (cover by Arthur Miguel)

BTS ‘Butter’ Official MV

Bruno Mars, Anderson Paak, Silk Sonic – Leave the Door Open [Official Video]

Bella Poarch – Build a B*tch (Official Music Video)

Moira Dela Torre – Paubaya | Official Music Video | feat. Joshua Garcia & Julia Barretto

Zack Tabudlo – Binibini (Official Music Video)

BTS ‘Permission to Dance’ Official MV

TOP CREATORS

Ivana Alawi
Zeinab Harake
Alex Gonzaga Official
Toni Gonzaga Studio
Donnalyn
Vice Ganda
Skusta Clee TV
Mika Salamanca
Hash Alawi
Cong TV

BREAKOUT CREATORS

Hash Alawi
Wilbert Tolentino VLOGS
Boy Tapang Vlogs
Andrea B.
MPL Philippines
Aj Raval
Herlene Hipon
Mygz Molino
Bonoy & Pinty Gonzaga
Luis Manzano

TOP SHORTS CREATORS

Zhong
MrBeast Shorts
Dental Digest
NichLmao
Dan Rhodes
Jake Fellman
Alan Chikin Chow
SeanDoesMagic
camman18
Yoeslan

Ivana umaming nagiging wild pag lasing; namigay ng pera habang bangenge sa vlog

Ivana bagay na bagay maging Dyesebel; kapatid na si Hash nanliligaw kay Donnalyn Bartolome?

The post Ivana ‘2021 Top Content Creator’ ng YouTube sa Pinas; kapatid na si Hash Alawi waging-wagi rin appeared first on Bandera.

Janno aminado: Ako na siguro ang pinakasanggano sa totoong buhay, bukod kay Dennis!

$
0
0

Dennis Padilla, Andrew E at Janno Gibbs

DAHIL sa tagumpay ng pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” ng mga tinaguriang “lodi” (idol) ng Pinoy Comedy na sina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E., gumawa agad-agad ang Viva Films ng part 2 nito.

Inihahandog ng Vivamax ang sequel sa nasabing hit comedy movie na isinulat at idinirek pa rin ng veteran actor-director na si Al Tantay.

At dahil sa patok na theme song nito na “Aussie! Aussie! O sige!” ni Andrew E., na ngayon ay hit Tiktok trend na rin, siguradong mapapasige ka nang sige ngayong Dec. 31, sa Vivamax.

Sa “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O, Sige!” susundan natin ang mga kwelang adventures nina Johnny (Janno), Dondon (Dennis) at Andy (Andrew) bilang mga managers sa bagong bukas na resort ng kanilang long-time friend na si Rico (Julianna Parizcova Segovia).

Ngayong namamasukan na sila sa Bonggacious Resort, masosorpresa ang tatlo sa pagdating ng kanilang mga dating katrabaho (Rose Van Ginkel, Stephanie Raz, Ali Forbes, Angela Morena) bilang mga una nilang kliyente. 

Ayos na sana ang lahat kasama ang mga nagseseksihan nilang mga bisita. Kaso si Sir Gustavo (Pepe Herrera), ang pilyong boss, ay present din. Kakailangan muna nilang harapin siya bago sila maka-score sa mga ladies.

Saksihan ang mga nakakaloka at nakaka-good vibes na panggu-good time nina Dennis, Janno at Andrew sa Vivamax Orignal movie na “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige!” sa Vivamax simula Dec. 31, 2021.


Samantala, sa naganap na virtual presscon ng pelikula kahapon, natanong ang cast members kung naranasan na ba nilang maging “sanggano” in real life.

Diretsahang sagot ni Janno, “Ako na siguro yung pinakasanggano sa totoong buhay, bukod kay Dennis.

“Kung kailan ako naging sanggano? Lately lang din. Magbasa lang kayo, magbasa lang kayo, may inaway ako. Basahin niyo lang,” chika pa ng TV host-comedian.

Walang binanggit na pangalan si Janno pero ang hula ng lahat, ang tinutukoy niya ay ang komedyanang si Kitkat na nakaaway niya matapos magkapikunan sa noontime show ng Net25 na “Happy Time.”

Pareho silang natanggal sa nasabing programa. At nitong lang nagdaang linggo ay nagkasagutan muli ang dalawa sa isang chat group ng mga komedyante.

Pagpapatuloy na kuwento ni Janno, si Andrew E. raw ang pinakamabait sa kanila na may mahaba ring pasensya.

“Si Andrew is one of the nicest people in showbusiness. Walang bad bone.

“Isa mga na-discover ko kay Andrew, mas generous siya ngayon. Grabeng magregalo si Andrew sa staff, pati sa aming mga artista,” papuri niya sa kaibigan.

Sey naman ng rapper-comedian, “In the three decades of being a movie actor or being a rapper, napatunayan ko na po sa aking sarili na ang akin pong pag-aartista at ang aking pasensya ay mula dito hanggang sa buwan.

“So, kahit sinuman, hindi niyo kayang ubusin ang pasensya ko po. For me, nasabi ko sa sarili ko na may patience is very, very wild and long,” lahad pa ng komedyante at songwriter.

Janno hirap na hirap sa costume ni Mang Jose: Pero 90% ng action dito ako talaga, walang double

Janno tinablan ba sa ‘threesome love scene’ kasama sina Maui at Rose Van sa ’69+1′?

The post Janno aminado: Ako na siguro ang pinakasanggano sa totoong buhay, bukod kay Dennis! appeared first on Bandera.


Megan nadala ng emosyon: Naisip ko, paano nga kung maghiwalay kami, nakakaiyak!

$
0
0

Megan Young at Mikael Daez

BINALIKAN ng Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez yung araw nang bigla na lang nag-iiyak ang beauty queen-actress sa isang episode ng kanilang podcast.

Ito yung video kung saan hindi napigilan ng Kapuso actress ang sarili na mapaluha nang mapag-usapan nila ng asawa ang tungkol sa hiwalayan.

Ayon kay Megan, kahit daw iniisip pa lang niya ay parang hindi talaga  niya kakayanin na mawala sa piling niya si Mikael.

Sa nakaraang episode ng morning talk show ng GMA na “Mars Pa More,” ipinalabas ang video ni Megan na umiiyak habang nag-uusap sila ni Mikael kung ano ang pwede nilang pag-usapan sa mga susunod nilang podcast.

Paliwanag ng celebrity couple, nagbi-brainstorming daw sila that time about some topics for their podcast hanggang sa mag-suggest si Mikael na pag-usapan nila kung paano kapag naghiwalay sila.

Sey ni Mikael, ang iniisip daw kasi niya noon ay kung anong “juicy” at “controversial” topic ang pwede nilang pag-usapan sa podcast para mas maging exciting ang palitan nila ng ideas.

Hirit naman ni Megan, “Tapos naisip ko paano nga kung maghiwalay kami, nakakaiyak. So nadala na ako sa emosyon.”

Sabi pa Mikael, agad na raw nilang tinapos ang kanilang brainstorming dahil sa biglang pag-iyak ni Megan.

Kung matatandaan, inilabas ng mag-asawa ang nasabing video noong nakaraang taon kung saan nagulat na lang siya nang makitang super cry na ang kanyang wifey.

Tanong ni Mikael kay Megan, “Huy, anong nangyari sayo?” Na sinagot naman ng aktres ng, “Eh kasi naman ikaw eh. Because we’re talking about podcast topics, and then Fofo said ‘Our topic, pano kung naghiwalay tayo?’ ayoko naman eh.” 

Sagot ni Mikael, “Theoretical lang. Para juicy yung topic.” Dagdag pa niyang kuwento sa kanilang video, “Every week, we have brainstorming sessions for the podcast. 

“Yesterday was one of those sessions and we challenged ourselves to think of juicy topics and I was on fire. 

“Blurting out topics left and right. The next thing i know, umiiyak na si bonez na-caught off-guard pala si madam pero sinulat pa rin naman niya ang suggestion ko,” chika ng aktor sa kanilang viral podcast noon.


Samantala, sa isang bahagi ng nasabing episode ng “Mars Pa More” ibinandera rin niya ang matinding paghanga sa asawa nang kumasa ito sa kanyang challenge na 500 squats sa loob ng isang araw.

Aniya, natapos ng aktres ang 500 squats ng 45 minuto kaya naman mas tumindi pa raw ang paghanga niya kay misis pagdating sa palakasan ng katawan.

Sey naman ni Kuya Kim Atienza, ang bagong co-host nina Iya Villania at Camille Prats sa programa, mahirap pero  magandang exercise ang squat dahil malaking tulong ito sa metabolismo at sa maraming muscle group sa katawan.

Nagpakasal sina Megan at Mikael noong January, 2020. Wala pa silang anak ngayon kaya talagang ine-enjoy nila ang buhay may-asawa.

https://bandera.inquirer.net/288744/megan-mikael-nagkasundo-na-huwag-munang-magkaroon-ng-anakhttps://bandera.inquirer.net/296717/megan-mikael-mas-naging-wais-sa-pera-dahil-sa-pandemya-nagbenta-ng-kotse-pangdagdag-sa-ipon

The post Megan nadala ng emosyon: Naisip ko, paano nga kung maghiwalay kami, nakakaiyak! appeared first on Bandera.

Donnalyn may nakakalokang secret, nag-iiba ang kulay ng mata: Depende sa mood ko

$
0
0

Donnalyn may nakakalokang secret, nag-iiba ang kulay ng mata: Depende sa mood ko

ISANG pasabog ang rebelasyon ng actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome ukol sa kanyang sikreto.

Sa Instagram account nito ay ibinahagi ng dalaga ang natatanging sikreto na may kinalaman sa kanyang mata.

“I was 16 years old when I learned my eye color changes depending on my mood,” pagbabahagi ni Donnalyn.

Dagdag pa niya, “Everytime I’m feeling something, whether it’s sorrow, happiness, anger.. it drastically changes.

Una raw niya itong nalaman dahil sacilang malalapit na kaibigan na nakakapansin sa kanyang mata.

“I gradually found out for 2 years through friends who consistently asks why my eyes are lighter everytime I’m secretly feeling a certain way.”

Kaya naman agad itong ikinunsulta ni Donnalyn sa kanyang doktor at na-amaze siya sa kanyang nalaman.

“I asked my doctor and he said my eye muscles contract when feeling extreme emotions. I was amazed!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)

Marami naman sa mga netizens ang humanga sa rebelasyon ni Donnalyn.

“Sana ganito din mata ko. Ang ganda sobra!” comment ng isang netizen.

“Your eyes show the strength of your soul,” sey ng isa pa.

“They say eyes are the mirror to the soul. You must have one beautiful soul,” sabi ng isa pa.

May mga netizens rin na nag-comment ng “eye color reveal pag in love” sa post ni Donnalyn.

Isa si Donnalyn Bartolome sa mga sikat na vloggers na may 11 million subscribers sa YouTube.

Bukod sa vlogging ag pag-aartista, isa ring singer and songwriter ang dalaga. Ilan sa kanyang mga sumikat na kanta ay “Kakaibabe”, “O.M.O. (On My Own)”, at “Paskong Wala Ka”.

Kamakailan ay nali-link siya sa kapatid ni Ivana Alawi na si Hash Alawi matapos nitong aminin na si Donna ang kanyang celebrity crush.

Related Chika:
Donnalyn gumawa ng Filipino version ng ‘Squid Game’
Donnalyn trending uli sa socmed; isyu sa kapwa vlogger mauwi nga kaya sa demandahan?

The post Donnalyn may nakakalokang secret, nag-iiba ang kulay ng mata: Depende sa mood ko appeared first on Bandera.

Promise ni Kean kay Chynna: Nandito lang ako palagi para sa ‘yo, hanggang sa pagtanda…I love you!

$
0
0

Kean Cipriano at Chynna Ortaleza

HASHTAG #KiligPaMore pa more  ang peg ng birthday message singer-actor na si Kean Cipriano para sa pinakamamahal niyang wifey na si Chynna Ortaleza.

“Simple pero rock” ang ibinahaging mensahe ni Kean para sa Kapuso actress na nag-celebrate ng kanyang ika-39 kaarawan kahapon, Dec. 6.

Ipinost ng aktor ang isang black-and-white photo ni Chynna sa Instagram, kalakip ang kanyang mensahe kung saan inilarawan pa niya ang asawa na, “crazy beautiful soulmate.”

Sey ni Kean sa caption ng kanyang IG photo, “Happy birthday my crazy beautiful soulmate. You deserve all the great things in life.”

“Nandito lang ako palagi para sayo. Hanggang sa pagtanda. I love you @chynsortaleza,” ang pangako pa ni Kean sa kanyang asawa.

Bukod dito, nagbahagi pa ang bokalista ng Callalily sa IG mg iba pang litrato ni Chynna na may nakasulat na, “I love you birthday girl @chynsortaleza!”

Nauna rito, ibinahagi rin ng Kapuso star sa kanyang Instagram page ang ilang kaganapan sa pagse-celebrate niya ng 39th birthday kasama ang pamilya.

“Pure gratitude! Thankful for another birthday… Thank you Lord for everything,” ang caption ni Chynna sa mga litrato nila.

Isang simpleng salu-salo lamang daw ito na ginanap sa kanilang tahanan. 

Ayon sa celebrity mom, hanggat maaari raw ay hindi pa rin sila lumalabas ng bahay dahil alam nilang may banta pa rin ang COVID-19 sa bansa.


Noong Hunyo, 2021, ibinandera rin ng aktres sa buong mundo sa pamamagitan ng social media ang pagbati niya para sa 34th birthday ni Kean.

“Kean, Happy Birthday! A lot of people see the musician side… the artist… the manager… But not a lot of people see your most endearing and most despicable sides which by the way I LOVE with a passion.

“We feel very honored to be able to live this life with you. Kita naman sa himbing ng tulog ni Salem diyan na mabuti kang Daddy… at multi-tasker pa dahil kaya mong mag-meeting at magpa-burp.

“I admire your whole being! May the Lord continue to be with you… May joy grow in your heart,” mensahe pa ng aktres para sa kanyang mister.

Anim na taon nang magkarelasyon ngayon sina Kean at Chynna. Ikinasal sila civil wedding ceremony noong 2015 at nagpakasal uli sa simbahan taong 2017.

Biniyayaan sila ng dalawang anak — sina Stellar at Salem.

Kean may ginagawa kay Chynna kaya happy ang pagsasama: Siya lang ang may kaya, I swear!

Chynna: Sa mga nagsasabi pong may COVID kaming buong pamilya, hindi po totoo

The post Promise ni Kean kay Chynna: Nandito lang ako palagi para sa ‘yo, hanggang sa pagtanda…I love you! appeared first on Bandera.

Andrew E, 3 dekada na sa showbiz pero walang nakaaway: Hindi n’yo kayang ubusin ang pasensya ko

$
0
0

Juliana Parizcova Segovia, Dennis Padilla, Janno Gibbs at Andrew E

MABUTI na lang at napanood namin ang panayam ni Dennis Padilla sa YouTube channel ni Aiko Melendez.

Isa sa mga napag-usapan kasi nila ay ang tungkol sa pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie (O Sige)” na mapapanood na sa Dec. 31 sa Vivamax mula sa Viva Films at idinirek ni Al Tantay.

Hindi kasi nakadalo si Dennis sa virtual mediacon ng pelikula nila nina Andrew E, Juliana Parizcova Segovia at Janno Gibbs nitong Lunes ng gabi pero ang nakakatuwa lahat ng pinag-usapan ay nasabi na lahat ng komedyante sa panayam niya kay Aiko.

Sa kuwento ni Dennis ay sila ni Janno ang masasabing sanggano at sanggago pero nag-mellow na raw sila kasi nga may mga edad na, hindi katulad noong kabataan nila. At si Andrew daw ang sanggwapo at pinakamatino sa kanilang tatlo dahil walang bisyo, walang babae at higit sa lahat, generous.

Ang tanong sa mediacon ng pelikula ay kailan sila naging sanggano para ipagtanggol ang sarili

Ayon kay Andrew ay maling tanong ang napunta sa kanya kasi nga never naman talaga siyang naging sanggano at sanggago.

“Thank you for that question but I think right question for the wrong person like me. Kasi unang-una in three decades being a movie actor or being a rapper napatunayan ko na po sa aking sarili na ang akin pong pag-aartista, ang aking pasensya ay mula dito hanggang sa buwan.

“Kahit sinuman hindi ninyo kayang ubusin ang pasensya ko po, so, kunyari may mabalitaan kayong nag-ano (pasaway) ako sa movies, sa concerts wala po kayong mababalitaan gano’n kaya for me po, at least nasabi ko sa sarili ko na my patience is very, very wild and long,” pahayag ng aktor-rapper.


Napuri naman talaga ni Janno ang kaibigang si Andrew, “Si Andrew is one of the nicest people in show business. Walang bad bone. Ako na siguro ‘yung pinakasanggano sa totoong buhay, bukod kay Dennis.

“Kung kailan ako naging sanggano? Lately lang. Magbasa lang kayo, magbasa lang kayo, may inaway ako. Basahin niyo lang,” aniya pa.

Ang tinutukoy ni Janno ay ang komedyanang si Kitkat Favia na recently ay may palitan na naman sila ng maanghang na salita mula noong pareho silang nawala sa noontime show na “Happy Time” sa NET 25.

Sabi naman ni Juliana, “Ako, recently lang (sabay tawa) kasi tao lang din naman, may limitasyon ang pasensya, may hangganan ang pang-unawa, hindi naman lahat puwede mo na lang balewalain lalo na kapag alam mong masyado nang below the belt.

“Lumalagpas sa linya kaya minsan kailangan o rin silang pitikin.  Kailangan ipaalam mo rin sa kanila na ‘uy nasasaktan ako,” sabi ng komedyante.

Samantala, ang pagkakaiba raw nitong part 2 ng “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo Aussie!  Aussie (O Sige)” ay mas bulgar ang mga salita at mas naughty sila sa lahat ng bagay.

Makakasama nina Andrew, Janno at Dennis sa movie sina Rose Van Ginkel, Stephanie Raz, Ali Forbes, Angela Morena at Pepe Hererra.

Andrew E game na game pa ring makipaghalikan sa pelikula, jackpot sa 2 seksing leading lady

Andrew E, 2 beses sumailalim sa robotic surgery: Thank God, nalampasan ko!

The post Andrew E, 3 dekada na sa showbiz pero walang nakaaway: Hindi n’yo kayang ubusin ang pasensya ko appeared first on Bandera.

Karen Bordabor: Yung sinabi mo sa buong mundo na taken ka tapos paglabas sa PBB single ka na pala

$
0
0

Karen Bordabor: Yung sinabi mo sa buong mundo na taken ka tapos paglabas sa PBB single ka na pala

USAP-USAPAN ngayon ang “Pinoy Big Brother” 6th evictee na si Karen Bordador dahil sa tweet nito matapos lumabas ng Bahay ni Kuya.

“Yung sinabi mo sa mundo na taken ka….. tapos pag labas sa bahay ni kuya single ka na pala,” tweet ni Karen.

Palaisipan tuloy sa madlang pipol kung sino ang pinatutungkulan ni Karen sa kanyang tweet.

May ilan na ikinukonekta ito kay TJ Valderrama na kasabay niyang lumabas ng “PBB” house noong Linggo, December 5.

Matatandaang nag-viral rin si TJ matapos mapansin ng mga netizens ang kakaibang “closeness” niya sa isang female housemate na si Shanaia Gomez.

Kaya naman hindi tumigil ang mga netizens sa pagkalampag at pgtawag ng pansin ng mismong show upang aksyunan ang isyu.

Kahit na ang girlfriend ni TJ na si Cherry Malaya ay hindi napigilang mag-react sa isyu.

Sa katunayan ay nag-tweet pa nga ito ilang araw bago ianunsyo kung sino ang tuluyang lalabas ng bahay sa mga nominado.

“See you on Sunday for your second eviction,” saad ni Cherry.

Ngunit may ilan ring nagsasabi na marahil ang pinatutungkulan ni Karen ay ang sarili niya dahil bago ito pumasok sa bahay ni Kuya ay “exclusively dating” na ang dalaga.

May mga nag-comfort rin sa dalaga at sinabing darating rin ang taong para sa kanya.

May ilan rin na sinabing hintayin niyang lumabas ang kapwa housemate na si Jordan Andrews na inaasar sa kanya ng housemates noong nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya.

Narito ang ilang mga komento mula sa netizens.

“It’s okay Karen!! The right person will come! I can feel it. Someone who will love the whole you, at sobra sobra pa!! So excited to see what’s next for you! Susubaybayan ko ang next adventure mo. Thank you for being an honest person & staying true to yourself inside bnk.”

“It’s ok Karen makakahanap ka din ‘yung taong para sayo. Enjoy your single life and outside world. Darating at darating yan. We will support you always. We love you!”

“We love you Ate Karen. We appreciate you because you are one of the few housemates who is not quick to judge and invests time to get to know each housemates individually.”

Related Chika:
‘PBB’ housemates TJ Valderrama, Karen Bordador nagkomprontahan, nagsagutan
TJ Valderrama, Karen Bordador tanggal na rin sa ‘PBB 10’, Alexa Ilacad nakaligtas na naman

The post Karen Bordabor: Yung sinabi mo sa buong mundo na taken ka tapos paglabas sa PBB single ka na pala appeared first on Bandera.

Angelina Cruz na-challenge bilang ‘third wheel’ sa DonBelle loveteam

$
0
0

Angelina Cruz at Donny Pangilinan

IKALAWANG project ni Angelina Cruz ang “Love is Color Blind” at masasabing challenging ang papel dito ng panganay na anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Siya kasi ang gaganap na “third wheel” sa loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na bibida sa nasabing pelikula na idinirek ni Leo Garcia.

Kaya challenging ay dahil ngayon lang gaganap si Angelina sa ganitong karakter dahil ang nauna niyang project ay light lang ang role, ito’y sa sitcom noon nina Ellen Adarna at John Estrada na “John en Ellen” sa TV5.

Ang paliwanag ng dalaga sa ginanap na virtual mediacon ng “Love is Color Blind”, “My last project was actually a sitcom so very light lang siya and very different from filming a movie because it’s very detailed. 

“Kaya I had to really learn, I had to adapt. And I got help naman from direk Leo. They were able to guide me naman when it comes to emotions and to really become my character,” kuwento ng dalaga.

Inamin din niyang ito na ang biggest break niya lalo’t Star Cinema pa ang producer nito, “I’m really so grateful to be able to be in a movie along with Star Cinema and of course DonBelle and to be able to play Iris.

“I feel like the viewers will find her very interesting. She’s an interesting character. She’s confident, she’s smart, and many more. They’ll find out sa movie. So I’m really grateful,” saad ng baguhang aktres.

Ang mommy Sunshine raw ni Angelina ang laging nagpapaalala sa kanya kung paano maging propesyonal.

“When I told my mom about it, na ito ang first project at first movie ko, she would tell me to master the script, practice your lines, the basic advice. 

“But more importantly, to really know your characters well and to really know the idea of everything because that’s what really helps she told me. 

“And actually during lock-in, if there are lines na parang hindi ko ma-pronounce well, I would ask her to send me voice memos. She would help me naman,” natatawang pagtatapat ng dalaga.

Dagdag pa niya, “It was fun. I actually knew Donny even before filming the movie because we worked together under the same record label and family friends din. So I looked forward to getting to know him more and I learned a lot because he would also help with some lines with some scenes.

“Working with DonBelle, I think they’re really close. You can really see their growth throughout the filming ng lock-in. They really help each other out and you can see that. They help each other grow as actors.

“I’m open to anything. I actually started just singing nu’ng una and I’ve always been open to acting and now I’m here so I’m open to anything,” pahayag pa niya.

Bukod sa DonBelle at kay Angelina, kasama rin sa “Love is Color Blind” sina John Lapus, Jeremiah Lisbo at Esnyr Ranollo with special participation of Lloyd Samartino, Ryan Bang at Eula Valdes.

Mapapanood na ito sa Dec. 10 sa KTX.ph, iWantTFC, Smart GigaPlay, Cignal Pay Per View, SKYcable PPV, at TFC.

Donny sa ‘kissing scene’ nila ni Belle: Feel the moment lang

Netizens kilig sa ‘couple’ Halloween costume ng DonBelle: Pasimple lang talaga kayong dalawa

The post Angelina Cruz na-challenge bilang ‘third wheel’ sa DonBelle loveteam appeared first on Bandera.

Elha Nympha ginaya ang pagsasalita ng mga Indian; nag-sorry matapos akusahang ‘racist’

$
0
0

Elha Nympha ginaya ang pagsasalita ng mga Indian; nag-sorry matapos akusahang 'racist'

HUMINGI ng paumanhin ang “The Voice Kids” grand champion na si Elha Nympha sa mga na-offend nang gayahin niya ang paraan ng pananalita ng mga Indian.

May isa kasing netizen na nag-comment at nagpakilalang taga-India siya sa live video ng dalaga kasama sina Francine Diaz at Jayda Avanzado.

Dito ay pabirong ginaya ni Elha ang paraan ng pagsasalita ng mga Indian in English.

Marami tuloy ang mga na-disappoint sa ginawa ni Elha lalo na ang mga Indians at Pakistanis.

Nabansagan rin si Elha bilang “racist” lalo na sa isang meme video na ginaya rin niya.

Sa ngayon ay deleted na ang videong ito.

Agad namang humingi ng paumanhin ang dalaga sa kanyang pagkakamali sa pamamagitan ng pagpo-post ng apology video sa Tiktok.

“I’m sincerely sorry po sa mga na-offend and sa mga naka-feel na it’s racist pero wala po talaga sa intensyon ko po na maging racist and also to mock ‘yung accent nila and kaya ko po nasabi ‘yun sa live video kasi po related po ‘yung sinabi ko about doon sa Indian na ginaya ko nga po and sana po mapatawad n’yo po ako lahat,” saad ni Elha.

“Let’s just move on and again I sincerely apologize po sa lahat ng Indians and Pakistanis na na-offend and naka-feel na I am racist po towards them and also doon sa video na ginawa ko na dinelete ko na po.

“Sorry everyone. Let this be a lesson po. Huwag na lang po sana tayong gumaya nang gumaya ng meme kasi baka makasama… Huwag na lang natin gayahin at wag na lang natin gawin. Peace out everyone and stay safe,” dagdag pa nito.

@elha_nympha Reply to @elha_nympha ♬ original sound – Elha Nympha

Si Elha Nympha ang itinanghal na grand champion sa “The Voice Kids Season 2” noong 2015.

Naging parte rin siya ng ilan pang Kapamilya shows gaya ng “Your Face Sounds Familiar Kids”.

Hindi lang sa Pilipinas nakilala si Elha kundi pati sa iba pang bansa nang sumali ito sa “Little Big Shots” na programa ni Steve Harvey kung saan kinanta niya ang “Chandelier” ng singer na si Sia.

Related Chika:
Elha Nympha pumayat dahil sa super diet; may boyfriend na rin
Elha sa paghihiwalay nila ng dyowa: Wag po tayong pa-victim, still using me pa rin?

The post Elha Nympha ginaya ang pagsasalita ng mga Indian; nag-sorry matapos akusahang ‘racist’ appeared first on Bandera.


Anak ni Cathy Molina pinapalo ng yaya: Imbes na magalit ako sa kanya, nagalit ako sa sarili ko

$
0
0
Anak ni Cathy Molina pinapalo ng yaya: Imbes na magalit ako sa kanya, nagalit ako sa sarili ko

ANG sakit-sakit ng kalooban namin habang pinanonood namin ang panayam ng undisputed box-office director ng Philippine Cinema na si Cathy Garcia-Molina sa Toni Talks YouTube channel ni Toni Gonzaga-Soriano.

Sa kabila kasi ng pagpapasaya niya sa maraming tao sa pamamagitan ng mga nagawa niyang pelikula ay kalungkutan naman ang kapalit sa mga anak niya.

Ani Direk, “According to many I’ve been making people happy. Little did I know and realize that while making many people happy, I think I’m not making my kids happy.”

Si direk Cathy ang may hawak ng highest grossing Filipino film of all time, ang “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na ipinalabas noong 2019 na kumita ng P880.6 million o $17.4 million base sa Wikipedia.

Sa pagpapatuloy ng direktora, “Alam mo naman kung paano tayo magtrabaho parang halos 24 hours nandoon ka, either nagmi-meeting ka, nagso-shooting ka o nagpo-post production. Ang lahat ng kapalit no’n, ‘yung anak mo yaya moa ng nag-alaga.”

Naikuwento pa niya na napalo ng yaya ang anak niya pero hindi niya nagawang pagalitan bagkus ay sinisi niya ang sarili.

“There was a time na meron palang namamalong yaya ako buti binidyo nu’ng driver ko, nakita ko kung paano pinaiiyak ‘yung anak ko.

“At that time imbes na magalit ako doon sa babae nagalit ako sa sarili ko. And immediately I made a letter to Tita Malou (Santos) and Inang (Olive Lamasan) and I said, ‘ayaw ko na po.’

“Ayaw ko na pong magdirek kasi kapalit no’n (mga) anak ko. Feeling ko walang fault, walang pwedeng i-blame sa nangyari except me. Had I’ve been there hindi magkaka-ganu’n ang anak ko. Had I’ve been there hindi ko kinailangan ng yaya na posibleng manakit sa mga anak ko (pigil ang pagpatak ng luha).

“Pinag-break naman ako nina tita Malou noon, but always the need of the company siguro nasa puso ko na rin (magdirek). Pag sinabi na ni tita Malou na, ‘Cathy kailangan ng kumpanya.’

“If you remember My Amnesia Girl (pelikula nina Toni at John Lloyd Cruz, 2010), nu’ng in-offer sa akin ‘yun sabi nila, ‘Cathy para may panghamon ang mga tao ng Star (Cinema). Parang how can you say no to that ‘no? Knowing that ‘uy magkaka-bonus ang mga tao.  Magkakakeso’t hamon sa Pasko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cathy Garcia Molina (@direkcathyg)

“Kaya kahit alam mong mahirap at imposible ‘yung schedule ginawa natin, kita mo nagkamatay-matay (sabay kuha ng tissue sabay punas sa mga mata) na umabot ng gabi ang dapat umagang sequence kasi kailangan siyang matapos kasi hindi puwedeng hindi matapos at hindi puwedeng hindi kumita otherwise walang hamon at keso ang mga taga-Star (Cinema),” lumuhang kuwento ni direk Cathy sabay punas ng mga mata.”

Balik-alaala naman ni Toni, “Parang na-realize ko, you said many yes to your work and the kids got a lot of no, di ba?”

Natawa at tumango si direk Cathy, “Yes. ‘Yun talaga ‘yun and everytime na magsasabi ako, laging sasabihin sa akin, ‘direk marami ka namang napapasayang tao.’

“And minsan tinatanong ko, ito ba talaga ang calling ko? But itong nakaraan, na-miss ko na ‘yung formative years ng mga anak ko, Toni. I knew I wasn’t there anymore and there’s no way I can bring back the time.

“That’s why nu’ng nag-hit ng teenager years ang mga anak ko, ‘yun ‘yung sinabi ko kasi feeling ko dangerous (years), so, kaya ako nag- make ng stand that I would take a leave na.”

Nabanggit pa na usapan nila noong nabubuhay pa ang husband niya na isa sa kanila ay kasama ng mga anak nila kapag may trabaho sila.

“Sabi ko pagg may pasok ako ‘wag kang tumanggap ng trabaho para may isang magulang na kasama ang mga bata and vice versa,” balik-tanaw ni direk Cathy.

Marami pang kuwento at hinaing na naibahagi ang number one director ng ABS-CBN Films at Star Cinema sa YT channel ni Toni na hindi na namin kinayang panoorin pa.

Related Chika:
May sama ba ng loob si Direk Cathy Garcia kina John Lloyd at Bea?
Direk Cathy Garcia Molina natupad na ang pangarap na mapasama ang pelikula sa MMFF

The post Anak ni Cathy Molina pinapalo ng yaya: Imbes na magalit ako sa kanya, nagalit ako sa sarili ko appeared first on Bandera.

Regine ‘nag-walkout’ dahil kina Maymay at Zsa Zsa…anyare?

$
0
0

Regine 'nag-walkout' dahil kina Maymay at Zsa Zsa...anyare?

PABIRONG nag-walkout si Regine Velasquez nang makita ang todo bigay na pagsayaw at pag-emote ni Maymay Entrata kasama si Zsa Zsa Padilla.

Sa video na ibinahagi ni Zsa Zsa ay feel na feel nito ang pag-indak sa kantang “Amakabogera” ni Maymay Entrata.

Sa sumunod na clip ay kuha na sa labas ng ABS-CBN studio kung saan kita si Regine na dapat sana ay sasama kina Zsa Zsa ag Maymay sa pagsasayaw ngunit nang malapit na siya sa dalawa ay napahinto na lamang siya sa gitna at pinanood ang kabogera moves nina Maymay at Zsa Zsa.

Sa huli ay nagdesisyon na lamang itong umalis at mag-walk out dahil mukhang hindi niya matatapatan ang taas ng energy ng “Amakabogera” Queen na si Maymay Entrata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla)

Kita rin sa background si Gary Valenciano na umiiling-iling pa habang pinapanood ang eksena nina Regine, Zsa Zsa, at Maymay.

Marami naman ang naaliw sa video ng tatlo na mah special participation pa ni Mr. Pure Energy.

“Ang cute n’yo po. Nakakatuwa sa likod si Ms. Regine at Sir Gary,” saad ng netizen.

“Ms. Zsa Zsa grabe iling iling ni pure energy @garyvalenciano sa likod,” comment pa ng isang netizen.

“Bakit nag-walk out Ms. Regine! Nakasilip pa talaga sa likod si Sir Gary naiiling iling pa,” sabi naman ng isang netizen.

“Ang cute! Tawang tawa ako kay Ate Regine!” hirit ng isa pang netizen.

Hindi rin nakaligtas sa mata ng netizens ang gila hindi kumukupas na ganda nina Regine at Zsa Zsa na tila papsa raw bilang ka-edad ni Maymay.

May ilan rin na nag-request na sana ay mas marami pa silang mapanood na collab videos nina Zsa Zsa at Regine dahil aliw na aliw talaga sila sa kanilang kakulitan.

Related Chika:
Zsa Zsa hindi nahawa ng COVID, pumunta sa US para magpa-MRI scan dahil sa…

The post Regine ‘nag-walkout’ dahil kina Maymay at Zsa Zsa…anyare? appeared first on Bandera.

Alexa kinompronta si Eian: Do you think ginagamit lang kita?

$
0
0

Alexa kinompronta si Eian: Do you think ginagamit lang kita?

DIRETSAHANG tinanong ni Alexa Ilacad ang kapwa “PBB” housemate na si Eian Rances matapos ang kanilang “catch-up party” hinggil sa ikinilos nito habang isinasagawa ang kanilang weekly task.

Hindi kasi nagustuhan ng dalga ang naging reaksyon ni Eian nang pumitik ito sa kanya nang kumustahin niya ito habang sila ay nasa activity area.

Ikinuwento ni Alexa sa kapwa housemate na si Benedix ang ginawa ni Eian sa kanya na tila sa kanya ibinunton ng binata ang frustration nito sa “paghihiwalay” nila ng mga housemates.

Sinubukan raw niyang i-comfort si Eian dahil mukha na itong paiyak. Nang akmang tatapikin ni Alexa ang binata ay tinabig siya nito at sinabing “Ano ba?! Okay nga lang ako!”

Amin pa ni Alexa, hindi daw niya deserve ang ginawa ni Eian at ni hindi man lang siya humingi ng tawad sa kanya.

“Hindi ko alam bakit ka sa akin pumitik. Hindi ko deserve ang pitik na ‘yon,” saad ni Alexa.

“Hindi ako natutuwa sa timing mo. Promise,” sagot naman ni Eian.

Dagdag pa ng binata, “Parang lahat ng pasok mo off. Hindi ko na alam kung ano ‘yung totoo. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito sa ‘yo. ‘Di ko alam kung kailan ka totoo.”

“Talaga? That’s so offensive. Tingin mo gumagawa ako ng love team? Ganoon?” diretsahang tanong ni Alexa.

“Siguro. Hindi ko rin alam,” sagot naman ni Eian.

“So do you think ginagamit lang kita? Na-magka-love team or something?” muling tanong ni Alexa.

“Wala naman akong sinabing ganu’ng word. Sorry kung sinabi ko sa ‘yo ‘yung nararamdaman ko,” sey ni Eian.

Dagdag pa niya, kung gusto raw ni Alexa ay si TJ na lamang ang kausapin nito patungkol sa isyu.

“Hindi, okay lang. Natatawa na nga lang ako,” sagot muli ni Alexa.

“Okay na ‘yun. Okay lang,” saad naman ni Eian sabay tayo at pasok sa loob ng bahay at hindi na pinatapos pa ang dalaga.

“Sandali, sandali. Oh my God, ang bastos kausap,” sabi nito nang layasan siya ni Eian sa garden.

Matatandaang naging malapit ang dalawa sa loob ng bahay lalo na ng malaman ni Alexa na crush siya ni Eian.

Dahil dito ay sinubukan niyang ilapit at i-open up ang sarili sa binata ngunit hindi pala ganu’n ang set up na gusto ni Eian.

Sa huli ay nagdesisyon na si Alexa na tuluyan nang wag pansinin ang binata matapos ang inasta nito sa kanya.

Related Chika:
Albie nairita kay Alexa; naglabas ng sama ng loob sa mga housemates

The post Alexa kinompronta si Eian: Do you think ginagamit lang kita? appeared first on Bandera.

True ba, Inday Garutay pinatanggal daw ni Vice Ganda sa comedy bar?

$
0
0

Inday Garutay pinatanggal daw ni Vice Ganda sa comedy bar?

NAGLABAS ng saloobin ang komedyanteng si Inday Garutay ukol sa naging vlog ni Vice Ganda kung saan inihalal siya bilang “pinaka hindi nakakatawa” na komedyante.

Amin ni Inday Garutay sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, napanood niya ang mismong vlog ni Vice ngunit hindi na niya ito tinapos sapagkat nasaktan na siya sa mga pinagsasabi ng barkada ng TV host.

Lalo pa nga’t hindi naman pala niya ka-close sina MC Muah na siyang nag-nominate sa kanya na hindi nakakatawang komedyante.

“Katuwaan nga pero unang-una, hindi naman kami magkaibigan ni MC. Magkatrabaho kami, magkakilala kami. We respect each other kapag nagkikita kami pero hindi kami magkaibigan,” saad ni Inday Garutay.

Dagdag pa niya, sobrang nakakainsulto raw para sa kanya ang mga sinabi sa vlog ni Vice Ganda lalo na’t maimpluwensya ito at maaaring makaapekto sa mga posibleng proyekto or inquiry sa kanya.

Pangalawa, ang dalawang ikinumpara daw sa kanya na sina Anton Diva at Janelle Jamer ay hindi naman talaga komedyante kaya talagang na-offend siya.

Tinanong naman ni Ogie kung may naging alitan na ba sa pagitan nila nina Vice bago pa man ang kasalukuyang isyu ngayon.

Dito ay inamin ni Inday na ipinatanggal siya noon ni Vice sa mga comedy bar.

“Actually, meron… 2010, of course playing safe si Jegs kaya sinabi niyang pinagpahinga pero alam ng mga kasama namin sa sing-along na pinatanggal niya ako talaga,” kwento ni Inday Garutay.

Pero sinabi niya na panigurado namang ide-deny lang ito ni Vice kaya wala na siyang sama ng loob sa Unkabogable Star.

Okay naman daw sila ni Vice pero hindi niya lang talaga maiwasan na mag-react sa mga nasabi nito kasama sina MC at Lassy sa vlog dahil syempre, bread and butter niya ang pagpapatawa.

Sinabi rin niya na initial reaction niya lang ang naging Facebook post niya kung saan tinawag niyang “gargoyles”.

“Cause and effect lang. Siyempre ano ba ang cause? Sila ang nauna. Ito ang effect. Tao lang, e. Hindi naman ako santo… natural lang sa akin na mag-react,” sey pa ni Inday Garutay.

Hirit pa niya, nasa kampo na raw nina Vice kung hihingi sila ng patawad sa kanya pero kung hindi naman daw ay okay lang sa kanya.

“Hindi naman siguro kukunin ng TV5, ng Sunday Pinasaya, ng mga gag show na maging gagwriter, scriptwriter kung hindi ako nakakatawa.

“Hindi ako kukunin ni Al Tantay na maging scriptwriter sa mga movies kung hindi ako nakakatawa,” hirit pa niya.

Related Chika:
Ate Gay ibinuking kung magkano ang ibinigay na tulong nina Vice, Paolo at Ogie nang maospital siya

The post True ba, Inday Garutay pinatanggal daw ni Vice Ganda sa comedy bar? appeared first on Bandera.

JK Labajo nag-react kay Dingdong Dantes: Sir, linya ko po yan…

$
0
0

JK Labajo nag-react kay Dingdong Dantes: Sir, linya ko po yan...

MARAMI ang naaliw sa actor, singer, at songwriter na si Juan Karlos “JK” Labajo dahil sa kanyang naging comment patungkol kay Dingdong Dantes.

Nag-comment kasi ang binata sa isang article ng BANDERA tungkol sa mag-asawang sin Dingdong Dantes at Marian Rivera na may kuneksyon sa pagiging isa sa mga judges ni Marian sa 70th Miss Universe na gaganapin sa Eilat, Israel.

Sa nasabing article ay nabanggit ang sinabi ni Dingdong kay Marian sa kanyang Instagram post.

“Sabi nga ng bandang Hotdog, ‘Malinaw na malinaw, ngayon at ano mang araw, ikaw ang Miss Universe ng buhay ko.’ Naaaaks!

“Always proud of you, @marianrivera!” saad ni Dingdong.

Comment ni JK, “Sir linya ko po yan.”

Matatandaang may isang post si Juan Karlos patungkol sa kanyang longtime girlfriend na si Maureen Wroblewitz kung saan ginamit rin nito ang parehang linya.

“Congratulations Ms. Pangasinan!!! Ikaw pa rin ang Ms Universe ko,” saad ni JK nang hindi pinalad ang dyowa na makamit ang korona bilang 2021 Miss Universe Philippines.

Agad naman itong napansin ng mga mga netizens at imbes na mainis ay mas naaliw pa ang mga ito sa binata. Umabot pa nga ng 25,000 haha reacts ang kanyang comment.

“Hawakan mo nga tenga ni Dingdong,” pabirong saad ng isang netizen.

“Maureen, jowa mo ang kalay pakikuha ems,” sabi naman ng isang netizen.

“Dapat ba lods may proper citation?” birong tanong ng isang netizen.

“Kung saan saan ka na lang talaga nagkakalat jk,” hirit pa ng isang netizen.

Hindi lang ito ang unang beses na nag-viral si JK dahil sa mga comment nito.

Kamakailan lang ay nag-comment rin ito sa isa pang naisulat namin dito sa Bandera patungkol kina Cristy Fermin at Nadine Lustre na gumawa ng ingat at agad na nag-viral sa social media.

Related Chika:
JK Labajo kay Maureen Wroblewitz: Ikaw pa rin ang Miss Universe ko
Dingdong kay Marian Rivera: Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko

The post JK Labajo nag-react kay Dingdong Dantes: Sir, linya ko po yan… appeared first on Bandera.

Viewing all 44325 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>