DISMAYADO at na-bad trip ang maraming tagasubaybay ng “PBB Celebrity Collab Edition” dahil sa nangyari sa housemate na si Esnyr.
Feeling sad and betrayed ang mga supporters ng content creator dahil hindi nga napili ng mga Kapuso housemate si Esnyr na maka-duo para sa final four weeks ng naturang iconic reality show.
Ito’y sa kabila ng mga naging pahayag ng mga Kapuso housemates na nais daw nilang maka-duo si Esnyr noong nagsisimula pa lamang ang latest edition ng “PBB.”
Sa episode ng “PBB” nitong weekend, ibinandera na ang anim na duo na magbabakbakan sa huling apat na linggo ng programa.
Baka Bet Mo: Vice Ganda pumalag sa intrigerang asar kay Esnyr: Evil!
Ang mga final duo ay sina Ralph de Leon at Will Ashley; Shuvee Etrata at Klarisse de Guzman; Dustin Yu at Bianca de Vera; Mika Salamanca at Brent Manalo; AZ Martinez at River Joseph; at sina Esnyr nga at Charlie Fleming.
Kasunod nga nito, sandamakmak ang nagpahayag ng pagkaawa at pagkadismaya sa naging desisyon ng Kapuso housemates na hindi piliin si Esnyr.
Mababasa sa isang Facebook page, “I really feel bad for Esnyr. From being one of the most wanted duos… to not being chosen in the end.
“The shift was painful to watch, but also painfully real. The last task clearly made a huge impact on the housemates’ decisions—and sadly, that’s how life works sometimes.
“People forget the good you’ve done and focus on where you fell short,” ang sentimyento pa ng naturang FB page.
Narito naman ang sentiments ng ilang netizens sa hindi pagkakapili kina Esnyr at Charlie ng mga kapwa housemates.
“Hindi pinili ng mga housemate si charlie at esnyr? puwes taumbayan dito sa labas ang pipili sa kanila.”
“The way esnyr and charlie’s outfits and medals are literally in their network colors is just so perfect!! breadwinners to big winners, iktr!!”
“Hoy wait umiyak ba si Esnyr? Kinda heartbreaking not to be chosen.”
The post Esnyr biglang iniwan, hindi pinili ng housemates: Napakasakit panoorin! appeared first on Bandera.