
Maris Racal
INAMIN ni Maris Racal na madalas siyang nagsisinungaling base sa tanong ng co-star niya sa “Incognito” na si Ian Veneracion.
Sumalang sa lie detector test via polygraph machine ang mga bida ng naturang serye na napapanood sa Kapamilya Exclusive pati na sa Netflix.
Unang sumabak sa lie detector test si Maris sa karakter niya bilang si Gab at unang tanong nga sa kanya ni Contractor played by Ian ay kung madalas siyang magsinungaling na sinagot niya ng, “Kung kailangan, last minute.”
Pero tinanong uli siya ni Contractor, “yes or no” na sinagot ng dalaga ng, “Sige, yes na.”
Nag-thumbs up ang operator ng polygraph machine kaya natawa si Maris sabay sabing, “Grabe kayo!”
Sunod na tanong ni Ian, “Meron ka bang role in the past na ginampanan mo na pinagsisihan mo?”
View this post on Instagram
Matagal muna bago nakasagot ang aktres saka nag-yes, at thumbs up na naman ang senyas ng operator.
Sino kaya sa mga nakatrabaho ni Maris na kapag nakikita niya ay naiinis siya? Ito kasi ang tanong ni Ian kung may co-actors ang dalaga na kapag nakikita niya ay naiinis siya at thumbs up na naman ang sagot.
Aminado rin ang dalaga na kapag may mga nababasa siyang hindi maganda tungkol sa kanya ay nasasaktan ang damdamin niya at thumbs up ulit ang sagot ng operator.
Hindi rin gumagamit ng ibang social media account si Maris para ipang-stalk pero thumbs down ang sabi ng polygraph kaya’t ang dalaga ang nagsabi ng, “You’re a liar!”
Pero inamin nitong may fan account siya.
Masaya ang puso ngayon ni Maris kaya naman tinukso siya ni Ian sabay tanong, “Is someone makes you happy romantically?”
Sinagot ni Maris ng wala pero thumbs down ang sagot kaya’t tinukso siya ni Ian, “Uy, merong nagpapasaya sa ‘yo.”
Umaming ini-stalk ni Maris ang naging ex niya, pero sino kaya sa kanila? Inamin din niyang may naging regrets siya pagdating sa kanyang lovelife.
Nagkatawanan ulit sina Ian at Maris nang thumbs down ang sagot ng operator base sa polygraph machine sa tanong kung magaling magpaikot o magpaasa ang aktres na sinagot niya ng, “Hindi.”
Samantala, hindi taping friends ang relasyon ni Maris sa mga co-actors niya sa “Incognito” tulad nina Daniel Padilla, Kaila Estrada, Baron Geisler, Richard Gutierrez, Anthony Jennings at Ian dahil tinanong ng huli kung nag-eenjoy ang dalaga sa pakikipagtrabaho niya sa lahat at mabilis niyang sinagot ng “yes” kaya naman nagpasalamat si Contractor kay Gab.
The post Maris Racal ini-stalk ang ex-dyowa; may secret lover nga ba ngayon? appeared first on Bandera.