Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44614

James Reid nag-propose na kay Issa Pressman, true ba?

$
0
0
James Reid nag-propose na kay Issa Pressman, true ba?

James Reid and Issa Pressman

TOTOO kaya ‘yung kumakalat na chikang engaged na ang celebrity couple na sina James Reid at Issa Pressman?

Pinagkaguluhan kasi ng ilang netizens ang recent Instagram post ni James na kung saan ay ibinandera niya ang ilang sweet moments nila ni Issa nang mag-celebrate ito ng birthday.

May video roon na makikita ang reaction ni Issa na nakangiti pero emosyonal at naluluha.

Kasunod diyan ang isa pang video na makikitang maghihiwa sila ng sibuyas, pero agaw-pansin ‘yung suot na diamond ring ni Issa na ang hinala ng marami ay isa nang engagement ring!

Baka Bet Mo: James Reid ‘very in love’, super happy sa piling ni Issa Pressman: ‘She lights up my day, she inspires me’

Walang detalye kung ikakasal na nga ang dalawa, pero ang matamis na caption ni James sa nasabing post: “It just keeps getting better and better with you my love [sunflower emoji]  happy birthday you silly sausage.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)

Sa comment section, marami ang napa-react at nagtatanong kung nag-propose na nga ba si James kay Issa.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Are they engaged?”

“10th slide i see the [ring emoji] I’m not surprise if one day you guys announce your engagement [heart emoji]”

“Is that a [ring emoji]  in chopping onions?”

“May ring na si Issa! looks like they are engaged!”

Nakita rin namin na may nagkomento ng ganito: “Engaged na daw kayo sabi ni Xian Gaza sa kanyang TG acct. Congrats!”

Kaya dali-dali rin naming hinanap kung may post nga ang self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza.

Nakita namin na may ibinandera si Xian noong June 5 kung saan nag-post siya ng ilang pictures ng couple upang ipaabot ang kanyang “congratulatory” message.

Heto ang kanyang caption sa nasabing post: “Hindi kita ime-message for 3 weeks pero kapag nanatili ka pa rin sa isipan ko ibig sabihin mahal na kita hamnida.”

“Congratulations to the newly engaged couple James & Issa,” aniya pa.

Wala pang kumpirmasyon sina James at Issa kung totoo ang mga chika, pero bukas ang BANDERA sa kanilang pahayag.

The post James Reid nag-propose na kay Issa Pressman, true ba? appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44614

Latest Images

Trending Articles



Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>