Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44535

3 IED pinasabog sa Sulu

$
0
0

sulu
Tatlong hinihinalang improvised explosive device (IED) ang pinasabog ng mga hinihinalang kasapi ng Abu Sayyaf sa gilid ng kalsada sa Indanan, Sulu, kaninang umaga, ngunit walang naiulat na nasugatan, ayon sa militar.

Naganap ang magkakasunod na pagsabog malapit sa KM3 road dakong alas-8:25, sabi ni Brig. Gen. Allan Arrojado, commander ng AFP Joint Task Group Sulu.

Malapit din ang mga pagsabog sa isang lumang detachment na inabandona na ng militar, aniya.

Ayon kay Arrojado, padaan sa lugar ang ilang kawal na magsasagawa ng operasyon, pero hindi tinamaan dahil naantala ang biyahe.

“Abu Sayyaf ang gumawa, nag-antay sa mga dumaan na military convoy, buti na-delay ang movement, kaya pinasabog nalng nila kasi marami nang civilians na dumadaan,” aniya.

Naganap ang mga pagsabog limang segundo lang bago dumaan ang mga sundalo, ayon sa opisyal.

Sa kabila ng magkakasunod na pagsabog ay wala ring naiulat na nasugatang sibilyan.

Inaalam pa ng mga explosives expert ng PNP Special Action Force at Army kung anong uri ng mga IED ang pinasabog, ani Arrojado.

– end –

The post 3 IED pinasabog sa Sulu appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44535

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>