Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44512

Migo, Klea itinanghal na Starstruck 6 Ultimate Male & Female Survivor

$
0
0

klea migo

NAPAIYAK sina Migo Adecer at Klea Pineda nang tawagin ni Dingdong Dantes ang kanilang mga pangalan bilang Ultimate Male and Female Survivors sa Final Judgment ng StarStruck Season 6.

Sina Migo at Klea ang nakakuha ng pinakamaraming text votes mula sa mga manonood at sa kanilang mga social media followers. Itinanghal namang First Prince si Elyson de Dios at First Princess si Ayra Mariano.

Ginanap ang Final Judgment noong Sabado sa GMA Studio na dinaluhan din ng mga pamilya at iba pang mga tagasuporta ng Final 4. Nanalo ang Starstruck Season 6 Ultimate Male and Female Survivors ng P1 million, house and lot, at network contract mula sa GMA.

At sa pagkakaalam namin, makaka-join din sina Migo at Klea sa remake ng fantaseryeng Encantadia sa susunod na taon. Bukod kay Dingdong, present din sa ginanap na Starstruck Final Judgment ang iba pang hosts ng original artista search ng GMA na sina Kris Bernal, Rocco Nacino at Miguel Tanfelix.

Absent naman ang isa pang host ng programa, ang StarStruck alumna at Miss World 2013 na si Megan Young. dahil nag-host ito sa grand coronation night ng Miss World 2015 na ginanap sa Sanya, China.

Hindi rin nakadalo si Joey de Leon sa huling live episode ng StarStruck 6 bilang miyembro ng Council ngunit may ginawa naman itong video message para sa Final Four. Bilin nito sa apat na bagets kailangan nila ng mas mahabang pasensya at mas maging disiplinado para magtagal sa showbiz.

Ang award-winning director namang si Maryo J. de los Reyes ang pumalit kay Joey bilang miyembro ng council kasama sina Dingdong, Jennylyn Mercado at Regine Velasquez-Alcasid.

Nagmistula namang reunion ang bonggang production number ng mga dating StarStruck winners sa pangunguna nina Jennylyn, Mark Herras, Kris Bernal at Aljur Abrenica, with the Avengers na sina Rainier Castillo, Dion Ignacio at Enzo Pineda.

Hindi rin nagpatalbog on stage ang mga produkto ng StarStruck Kids na sina Miguel Tanfelix, JM Reyes, Sam Bumatay, Ella Guevarra at Sandy Talag. Bago naman i-announce ang grand winners, muling nagpasiklab ang mga Starstruck 6 Avengers na sina Jay Arcilla, Analyn Barro, Princess Guevarra, Lizel Lopez, Koreen Medina, Joemarie Nielsen, Avery Paraiso, Kevin Sagra, Arra San Agustin at James Teng.

Muli nilang binalikan ang kanilang journey sa Starstruck habang isa-isang natatanggal sa laban. At siyempre, well-applauded din ang special guest performance ng Pambansang Bae na si Alden Richards na nakasali naman noon sa Top 60 artista hopefuls ng StarStruck Season 5 ngunit hindi nga pinalad na makasama sa Final 14.

 

The post Migo, Klea itinanghal na Starstruck 6 Ultimate Male & Female Survivor appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44512

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>