O DI ba, bongga ang pambato natin sa Miss Universe this year na si Pia Wurtzbach dahil bukod sa malalapit niyang mga kaibigan at tagasuporta ay umapela rin siya sa AlDub Nation para suportahan siya sa grand coronation night ngayong umaga na gaganapin sa Las Vegas, USA.
Matalino itong si Pia dahil alam niya kung saan siya hihingi ng boto para manalo sa online voting ng pageant. Ipinaliwanag ng Pinay beauty queen na real time ang bagong social media judging system ng Miss Universe kaya makakaboto lang ang netizens habang rumarampa si Pia sa mismong coronation night.
At dahil delayed telecast ang Miss U sa ABS-CBN nakiusap si Pia sa fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na manood sa cable o sa online streaming. Kapag nakuha ng dalaga ang pinakamataas na boto sa online malaki ang chance niya na makapasok sa Top 5.
Alam naman nating lahat ang lakas ng powers ng milyun-milyong supporters nina Alden at Yaya Dub pagdating sa pagpapa-trend ng AlDub hashtags sa social media. In fact, last Oct. 24, record-breaking ang 41 million tweets ng Aldub Nation nang umere ang “Tamang Panahon” concert ng Eat Bulaga.
Narito ang kabuuan ng mensahe ni Pia para sa AlDub Nation sa kanyang Instagram account: “Hello #AldubNation pwede ko po bang mahingi ang tulong nyo para sa laban ko sa Miss Universe? #ForThePhilippines #LabanPiaPinas #MissUniverse #MissUniverso #ConfidentlyBeautiful @pauleenluna @pochoy_29.
“May online voting po sa mismong final night. Yung votes nyo po papasok habang ako po ang naglalakad sa stage. Real time po yung votes.
“You can watch the pageant thru online streaming or cable TV. Delayed telecast po kasi sa ABS-CBN at hindi po papasok ang votes pag tapos na po akong maglakad. Check the link on my bio for details of voting :)” ang pakiusap pa ng dalaga.
The post Pia Wurtzbach nagmakaawa sa AlDub nation: Iboto n’yo naman ako sa laban ko sa Miss Universe! appeared first on Bandera.