Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43849

Mas mahabang operasyon ng MRT, LRT

$
0
0

mrt-lrt

mrt-lrt


Nanawagan si vice presidential aspirant na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa gobyerno na palawgin ang operasyon ng Metro Rail Transit 3 at Light Rail Transit Line 1 at 2 ngayong Kapaskuhan.
Sinabi ni Robredo na mababawasan ang bilang ng mga sasakyan sa kalsada kung mas matagal ang operasyon ng MRT at LRT dahil marami ang mas nanaisin na sumakay na lamang dito.
“Sa mahabang operasyon ng MRT at LRT, mababawasan ang trapik dahil sa halip magdala ng kotse ay sasakay na lang sila sa ating mga tren,” ani Robredo na running mate ni Daang Matuwid Team presidential aspirant Mar Roxas.
Marami ang umuuwi ng gabi dahil sa mga idinaraos na party at reunion bukod pa sa mga taong ginagabi sa mall sa pamimili.
Ang normal na operasyon ng LRT 1 at 2 ay 5 ng umaga hanggang 10 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes. Kapag Sabado at Linggo ang LRT 1 ay hanggang 9:30 ng gabi at ang LRT 2 ay hanggang 9 ng gabi.
Ang MRT 3 naman ay 4:30 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi araw-araw.
Mas ligtas din umano ang mga pasahero sa LRT at MRT dahil walang holdaper.

The post Mas mahabang operasyon ng MRT, LRT appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 43849

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>