Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43807

Onyok magbubuhos ng ulan

$
0
0

pagasa
Magbubuhos ng malakas na ulan ang bagyong Onyok sa may 100 kilometrong radius mula sa mata nito.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration kagabi o ngayong umaga ay magla-land fall ang bagyo sa Surigao del Sur0Davao Oriental area.
“Estimated rainfall amount is from heavy to intense within the 150 km diameter of the Tropical Depression,” saad ng PAGASA. “Residents in low lying and mountainous areas of the provinces with Public Storm Warning Signals are alerted against possible flashfloods and landslides.”
Kahapon ang bagyo ay nasa layong 265 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur o 270 kilometro sa silangan ng Mati City, Davao Oriental.
Umuusad ito sa bilis 20 kilometro bawat oras pa kanluran. May hangin itong umaabot sa 55 kilometro ang bilis.
Ngayong umaga ang bagyo ay inaasahang nasa Illana Bay o 65 kilometro sa kanluran ng Cotabato City.
Sa Linggo ito ay 615 kilometro sa kanluran ng Zamboanga at maaaring isa na lamang low pressure area.

The post Onyok magbubuhos ng ulan appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 43807

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>