Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.2 ang Ilocos Sur kagabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-8:44 ng gabi. Ang sentro nito ay natunton walong kilometro sa silangan ng bayan ng Lapog.
Ang lindol ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. May lalim itong 47 kilometro.
Naramdaman ang Intensity V sa Lapog (San Juan) at Sinait, Ilocos Sur. Intensity IV sa Vigan City; Santa, Sto Domingo at Cervantes, Ilocos Sur; Laoag City, Ilocos Norte; Tuguegarao City, Cagayan.
Intensity III sa Sta. Maria, Ilocos Sur: Bangued, Abra at Intensity II sa Baguio City.
The post 5.2 magnitude na lindol na itala sa Ilocos Sur appeared first on Bandera.