Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44190

Ambuklao Dam at Binga Dam nagpakawala ng tubig

$
0
0

Unknown
NAGSIMULANG magpakawala ng tubig sa Agno River ang Ambuklao Dam at Binga Dam sa Benguet, ayon sa isang opisyal ng National Power Corp. (Napocor).

Sinabi ni Valeriano Barro, Napocor flood operations manager, na binuksan ang spillway gate ng Ambuklao ganap na alas-8 ng gabi noong Miyerkules samantalang nagsimula namang magpakawala ng tubig sa Binga dam ganap na alas-3 ng hapon.

Napupunta sa Binga reservoir ang tubig na nagmumula sa Ambuklao, samantalang napupunta naman sa San Roque Dam ang tubig na nanggagaling sa Binga.

Ganap na alas-6 ng umaga kahapon, umabot na sa 750.52 meters ang water level sa Ambuklao, kung saan 1.48 meters na lamang bago ang maximum level nito.

Samantala, umabot na sa 278.93 meters ang water level sa San Roque Dam na 11.07 meters bago ang maximul level nito na 290 meters. Inquirer.net

The post Ambuklao Dam at Binga Dam nagpakawala ng tubig appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44190

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>