Inaasahang aakyat sa P65 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa Sabado.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa P59.6 milyong jackpot prize ng Grand Lotto noong Miyerkules kung kailan lumabas ang mga numerong 28-38-53-22-40-29.
Nanalo naman ng tig-91,860 ang siyam na mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas.
Tig-P1,850 naman ang 357 mananaya na naka-apat na numero at balik ang P20 taya ng 7,706 mananaya na nakatatlong numero.
The post P65M jackpot sa Sabado appeared first on Bandera.