TINANGGAP ng Commission on Elections (Comelec) ang certificate of candidacy (COC) ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte para sa 2016 presidential race sa kabila naman ng mga isyu kaugnay ng ligalidad ng kanyang pagiging substitute na kandidato ng
Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na sa botong 6-1, nagdesisyon ang poll body na tanggapin ang COC ni Duterte at isinama na sa opisyal na listahan ng mga kandidato.
“The resolution was entirely without prejudice” to the disqualification case filed by broadcaster Ruben Castor against Duterte, or any other case against him,” sabi ni Bautista.
Nauna nang naghain ng petisyon si Castor na kumukuwestiyon sa ligalidad ng pagiging substitute ni Duterte para kay Martin Diño matapos naman ang maling inihaing COC ng huli kung saan mayor sa Pasay City ang kanyang inilagay.
Kinalaunan, iniurong naman ni Diño, ang kanyang COC sa pagkapresidente.
The post Duterte opisyal nang kandidato para sa pagkapangulo-Comelec appeared first on Bandera.