Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43882

Pakawalan ang Norwegian sa jail

$
0
0

NAGMAMAKAAWA ang inyong lingkod sa Supreme Court na atasan ang Olongapo City regional trial court na palayain agad si Torgeir Hoverstad, isang Norwegian photographer na pinaratangan ng human trafficking at child pornography.

Ang mga paratang sa kanya ay pawang walang katotohanan.

Si Hoverstad ay hindi ko kaibigan o kakilala. Kahit na nakapanayam ko na siya sa telepono, hindi pa kami nagkatagpo ni Hoverstad.

Nalaman ko ang kanyang kalagayan sa isang 17 anyos na batang babae na nakonsensiya sa kanyang ginawang pagtestigo ng walang katotohanan kay Hoverstad.

Sinabi ng bata sa akin na binayaran siya ng sindikato upang gumawa-gawa ng istorya laban sa Norwegian.

Dumulog sa akin ang bata matapos hindi pinawalang-sala ni Judge Jose Bautista Jr. si Hoverstad matapos niyang sabihin sa korte na walang katotohanan ang mga paratang sa banyaga.

Sinabi ng batang babae na siya’y 15 anyos noong ginamit siya ng sindikato na tumestigo ng mali laban kay Hoverstad.

Tinanong ko siya kung bakit siya pumunta sa akin at sinabi niya na naaawa siya kay Torgeir.

Noon pa lang daw niya nakita si Torgeir nang ito’y dalhin sa pulisya at piskalya.
Binayaran daw siya ng sindikato.

Matapos kong marinig ang kuwento ng bata, sinamahan ko siya na pumunta sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame upang mausisa kung nagsasabi ito ng totoo.

Inatasan ni Chief Supt. Victor Deona, CIDG chief, ang ilan sa kanyang mga ahente na pumunta sa Olongapo City at i-ve-rify ang kuwento ng bata.

Kahit na isinulat ko na ang kalagayan ni Hoverstad, hindi pa rin siya pinalalabas sa kulungan.
Nakikiusap ako na pakawalan na si Hoverstad.

Pangalawang Pasko na ito na nasa kulungan si Hoverstad dahil mabagal ang Supreme Court sa pag-assign ng ibang judge na palitan si Judge Bautista na suspendido sa isang kasong administra-tibo.

Ang patuloy na pagkulong sa isang taong inosente ay kawalan ng hustisya.

Mas lalong kawalan ng hustisya kapag patuloy na ikinukulong ang isang taong inosente dahil kailangan pang dumaan ang kanyang pagpapalaya sa “due process” ek-ek.

Nagsimula ang “Simbang Gabi” kahapon.

Marami na namang batang kababaihan na mabubuntis at manganganak sa September, 2016.

Bilangin mo simula ngayon hanggang September; di ba nine months?

Ang Simbang Gabi ay ginagawa ng kabataan na magtagpo at magniig.

The post Pakawalan ang Norwegian sa jail appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 43882

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>