Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43838

Townships sagot sa walang bahay

$
0
0

MAGANDANG araw po sa bumubuo ng inyong pahayagan at ang inyong column na “Aksyon Line.” Ako po ay si Ricardo De Imus ng Kawit, Cavite at isang OFW dito sa Dubai. Nababasa ko ang inyong column kapag ako ay nagbabakasyon sa atin sa Pilipinas at kapag dito sa Dubai, sa pamamagitan ng on-line.

Nakuha n’yo ang tiwala ng kagaya ko dahil marami kayong natutulungan sa serbisyo ninyo.

Isa po sa mga problema ng mga tagarito sa aming lugar ay kung paano magkaroon ng sariling bahay o tirahan. Dahil po siguro sa bilis ng takbo ng panahon ay kasingbilis din ng dami ng populasyon ngunit salat naman sa hanap—buhay, employment at housing. At ayun nga po sa aming nasagap na balita ay maraming interesadong developer ang gustong magkaroon ng proyekto dito sa aming lugar. Isang halimbawa diyan ang 1,600-hectare na Lancaster New City sa Kawit, Imus at General Trias sa Cavite.

Ang developer niyan ay ang Property Company of Friends o Pro-Friends.

Ang Lancaster ay 30-50 minutes away lang para sa mga nagtatrabaho at nag-aaral sa Paranaque, Pasay, Makati at Manila via Cavite Expressway. So, hindi kailangan mag-ubos ng dalawang oras na commute papasok o pauwi.

Magkakatabi lang ang Bacoor, Imus, Kawit at General Trias kaya okay na okay sa amin ‘yan. Hindi na dapat ma-delay pa ang LRT-6.

Sa mismong datos ng gobyerno ay 5.5 milyong units ang housing backlog. If I’m not mistaken ay madaragdagan pa ng 250,000 kada taon. Malinaw na kailangan talagang pagtuunan ng pansin ang mass at socialized housing.

Sa isang pag-aaral noong 2014 sa Singapore ay may special mention ang Manila bilang isang siyudad na overly congested na sa tao at mga sasakyan. Ngayon, huwag na kayo magtaka kung sobrang traffic ngayon hindi lang sa Maynila kundi sa buong Metro Manila.

Isa pang study ang nagsabi naman na on the average ay kailangang magtrabaho ng OFW na gaya ko ng 18 years para makapag-ipon nang kaunti, makapagtayo ng maliit na negosyo at magkabahay.

Sa tingin ko, ang solusyon sa problema ng mass housing backlog, congestion sa Metro Manila at empowerment ng OFWs ay ang pagkakaroon ng self-sustaining townships sa mga probinsiya.

Pero ang mas malaking potential ng self-sustaining townships ay ang pagkakaroon ng patrabaho sa mismong komunidad dahil sa pagkakaroon ng business, commercial at industrial infrastructures.

Siguro nadinig na ninyo na nagre-relocate na ang maraming business process outsourcing (BPO) companies sa mga probinsiya tulad ng Cavite at Laguna. In the case of OFWs, ang thrust ngayon ay i-empower sila at ang kani-kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagtatayo ng maliliit na negosyo kung saan nakapagpatayo ng bahay ang OFW families.

This is very possible na. Hindi naman siguro kailangan ng 18 years na pag-iipon para makapagpatayo ng simpleng bahay dahil may sub-P1 million house and lot offering naman sa market.

Maraming salamat po sa inyong pitak, harinaway makita ng mga otoridad ang potential ng aming lugar para sa pabahay at kanilang matulungan idevelop ito para sa isang community na tahimik, masaya at masagana.

Thanks
REPLY: Maraming salamat sa iyong pagtangkilik Mr. Ricardo De Inus sa Aksyon Line. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan diyan sa Dubai. Ugaliing magbasa ng Inquirer Bandera. Asahan po na maipaparating namin sa kinauukulan ang inyong suhesttiyon. Salamat po
q q q
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

The post Townships sagot sa walang bahay appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 43838

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>