Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43838

Horoscope, November 21, 2015

$
0
0

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansiyal, simulan ang negosyong noon pa binabalak; mga kalakal na may kaugnayan sa pagkain upang mas mabilis na umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, salubungin ng romansa ang pagiging agresibo ng kasuyo. Mapalad ang 3, 27, 36, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Sucti-Om.” Violet at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Ngayong malapit na ang Pasko,simulan na ang pagpapa-kabait! Sa pagpapatawad at pagtulong sa kapwa ay maraming biyaya ang makakamit. Sa pag-ibig, minsan pa ay kalimutan na ang mga maling nagawa ng kasuyo tutal nagpapakabuti na rin naman siya. Mapalad ang 3, 12, 27, 39, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Jana-Om.” Pink at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – May karamdamang kakatok, wag pansinin. Ituloy ang pagdedekorasyon para sa nalalapit na Christmas. Kapag nakatutuwa ang iyong kapaligiran, mas madaling gagaling ang karamdaman. Sa pag-ibig, mas masarap magromansahan kung may kumukutikutitap na mga ilaw. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Sa pinansiyal, imbes na maghinala ay ibigay ang pagtitiwala upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, tiwala rin ang sangkap upang kapwa kayo lumigaya. Mapalad ang 5, 17, 23, 38, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Aum.” Gray at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Wag pairalin ang takot, alalahanin na ang mga matatapang ang mas mabilis na yumayaman. Sa pag-ibig, kapag nanatili kang duwag ay hindi ka magiging maligaya kahit kailan. Mapalad ang 7, 19, 27, 36, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Egosum.” Green at blue ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Ang kahirapan ay para sa mga tamad! Patunayan mo na hindi ka tamad. Sa pinansiyal, kung patuloy na magsisipag ay lalong madaragdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, sisigla ang relasyon kung hahaguran nang mainit na halik ang kasuyo sa leeg. Mapalad ang 1, 19, 28, 38, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Name-Aum-Name-Om.” Yellow at violet ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Tiyak na ang tagumpay! Habang kilos nang kilos, patuloy ang paglago at pagdami ng pera. Sa pag-ibig, isang nakakikilig na romansa ang magse-selyo ng maghapon. Mapalad ang 5, 14, 23, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Silver at yellow ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Sa pinansiyal, dagdag na pagkakakitaan ang mabubuksan. Sa pag-ibig, mas mainit na romansa ang mararanasan mula sa kasuyong Aquarius na hindi pa rin nagsasawa sa iyong katabaan. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Sa pinansiyal, wag umasa sa iba, nasa mga kamay mo ang paraan upang yumaman. Sa pag-ibig, kahit na may kasalanan ang kasuyong balat-sibuyas ay hindi siya dapat pagsalitaan ng masasakit na salita. Mapalad ang 9, 18, 26, 35, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padme-Om”. Green at magenta ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Humingi ng opinyon sa kaibigan upang hindi mamali ng desisyon. Sa pinansiyal, isang malapit na kaibigan ang makakatulong upang maabsuwelto sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, utak at isip ang gamitin upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 3, 18, 21, 38, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina”. Lilac at maroon ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Sa pinansiyal, kung lagi kang may kaaway paano papasok ang maraming pera? Umoo ka lang nang umoo at kunwaring sumasang-ayon upang hindi ka mapahamak. Sa pag-ibig, hayaang ang ideya ng kasuyo ang siya namang masunod. Mapalad ang 5, 19, 28, 35, 45, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yantra-Migeta-Dosha-Om.” Violet at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa pinansiyal, wag magtanim ng galit o sama ng loob sa mga taong lumoko sa iyo, sa ganyang paraan, marunong kang lumimot at magpatawag hindi ka dadapuan ng malubhang karamdaman. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang romantic na lugar at sumandig ka sa kanyang dibdib. Mapalad ang 1, 4, 10, 19, 22, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Elshaddai.” Red at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) – Sa pinansiyal, isang kakilala ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig, habang abalang-abala ang lahat ay may magaganap na palihim ngunit nakakikilig na romansahan. Mapalad ang 2, 16, 29, 35, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Om.” Blue at silver ang buenas.

The post Horoscope, November 21, 2015 appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 43838

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>