Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44130

Kidnap for ransom, madaling malutas

IPINAHIYA ng mga Abu Sayyaf ang Pilipinas sa buong mundo nang pinugutan nila ng kanilang Malaysian hostage dahil hindi makapagbayad ang pamilya ng ransom sa kanila.

Itinaon pa man din ng mga teroristang Moro ang pagpupugot sa mga araw na ginaganap ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Maynila.

Kinondena ni Malaysian Prime Minister Najik Razak, na kasali sa APEC Summit, ang walang pagpatay ng kanyang kabayan.

Hiniling mismo ni Najib sa Pilipinas na parusahan ang mga suspek.

Sobra talaga ang pagpapahiya ang ginawa ng mga teroristang Moro sa Pilipinas.

Kung talagang gugustuhin ng Pilipinas, matitigil ang pangho-hostage ng mga Abu Sayyaf ng mga banyaga at kapwa nila Pinoy.

Madali lang ang solusyon sa pagpapatigil ng kidnapping for ransom ng mga Abu Sayyaf.

Dapat alamin ng Armed Forces (AFP) o Philippine National Police (PNP) intelligence ang mga miyembro ng Abu Sayyaf na nangingidnap.

Pagkatapos ay kidnapin din ng mga “lost command” ng AFP o PNP ang mga kamag-anak ng mga Abu Sayyaf na nangho-hostage ng mga banyaga o kapwa Pinoy.

Itago sa publiko ang pagkidnap sa mga malalapit na kamag-anak ng Abu Sayyaf kidnappers: nanay, tatay, asawa, kapatid o anak.

Iparating sa mga Abu Sayyaf kidnappers: Sige, patayin ninyo ang hostage, papatayin din namin ang mga kamag-anak ninyo.

Kung ano ang ginawa ng Abu Sayyaf sa hostage, dapat ganoon din ang gagawin sa mga kamag-anakan nila: pugot sa pugot.

Yan ang lengguahe na alam ng mga terorista sa buong mundo: an eye for an eye, a tooth for a tooth.

Kung hindi ako nagkakamali, may Russian diplomats na kinidnap ng mga teroristang Muslim sa Lebanon.

Humingi ang mga terorista ng ransom para sa mga Russian diplomats.

At para ipakita na matindi ang kalupitan ng mga terorista sa kanilang bihag kapag hindi nagbigay ng ransom, pinutol nila ang daliri ng isa sa mga diplomats at ipinadala sa Russian embassy.

Ano ang ginawa ng Russia?

Pinadala nito ang pinakamagagaling na miyembro ng KGB, ang Russian intelligence network, sa Lebanon. Inalam nila ang lider ng mga kidnappers.

Kinidnap ng KGB ang mga malalapit na kamag-anak ng lider ng mga kidnappers.

Pinadala rin nila ang daliri ng nanay nito, kasabay ang isang video na ipinakita kung paano sumigaw ang babaeng matanda habang pinuputol ang kanyang daliri.

Wala pang isang araw ay pinakawalan ng mga Lebanese kidnappers ang mga Russian diplomats.

Pero, teka, bakit lumayo pa tayo !

Noong dekada ’70, kasagsagan ng rebelyon sa Mindanao, isang barko na punong-puno ng mga pasahero ang hinay-jack ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Sinabi ng MNLF na kapag hindi nagbigay ng ransom ang gobiyerno ay papatayin ng MNLF ang lahat ng mga bihag sa barko.

Kumander noon ng isang Army brigade sa Jolo, Sulu si Col. Salvador Mison, na umabot sa ranggong lieutenant general ng Armed Forces bago siya magretiro.

Inatasan si Mison ng higher headquarters na makipag-usap sa mga rebelde.

Ano ang ginawa ni Mison?

Pinakidnap niya sa kanyang mga tauhan ang mga malalapit na kamag-anak ng mga miyembro ng MNLF na nangho-hostage ng mga pasahero sa barko.

Itinago sa isang ilang na lugar ng mga tauhan ni Mison ang mga kamag-anak ng mga rebeldeng MNLF.

Nakipag-usap si Mison sa kumander ng MNLF na nanghohostage. Ipinakita niya ang mga litrato ng mga kamag-anak ng kumander.

“Ligtas sila ngayon. Pero kapag may nangyari sa mga pasahero ng barko, mawawalan ka ng mga kamag-anak,” sabi ni Mison sa lider ng MNLF nang sila ay mag-usap.

Kinabukasan ay pinakawalan ng MNLF ang kanilang mga bihag.

The post Kidnap for ransom, madaling malutas appeared first on Bandera.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44130

Trending Articles