Sulat mula kay Maricar ng San Isidro, Matalom, Leyte
Dear Sir Greenfield,
Maraming beses na akong nabigo sa pag-ibig at sa ngayon sa edad kong 32, may boyfriend ako at dahil nasa tamang edad na ako ay gusto ko na sanang makapag-asawa. August 25, 1983 ang birthday ko at ang boyfriend ko naman ay January 11, 1989.
Gusto ko lang sanang malaman kung compatible ba kami? At kung kami na ba ang magkakatuluyan? Ayaw ko na kasing matulad siya sa mga dating naging boyfriend ko na bigla na lang nawawala. Siya na po ba ang mapapangasawa ko at kapag kami ang nagka-tuluyan ay habangbuhay na ba akong liligaya sa pi-ling niya?
Umaasa,
Maricar ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Pangit at magulo ang una hanggang gitnang bahagi ng Heart Line (Dra-wing 1-1 arrow 1.) sa iyong palad, pero sa bandang gitna hanggang dulo ay gumanda at naayos na ang nasabing Heart Line (arrow 2.). Ibig sabihin, kahit na maraming kabiguang nagdaan sa buhay-pag-ibig at pakikipag-relasyon mo, pagtuntong mo ng edad 33 ay tuluyan ka nang makakasumpong ng isang maligaya at panghabangbuhay na relasyon.
Cartomancy:
King of Hearts, Ace of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang taon mula ngayon, habang patuloy ang relasyon ninyo ng boyfriend mo, tiyak ang magaganap— siya na ang mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habangbuhay na pamilya.
Itutuloy
The post Ang kasalukuyan bang BF ang makakatuluyan? appeared first on Bandera.