Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44625 articles
Browse latest View live

Mariel de Leon binalaan sa pagsali sa Miss International

$
0
0

SPEAKING of Ang Probinsyano, papasok na rin pala sa serye ang leading lady ni Coco Martin sa “Ang Panday” na si Mariel de Leon.

Sasamahan siya nina Dennis Padilla at Carmi Martin sa magiging kuwento nila sa programa. Magandang preparasyon ito para sa beauty queen dahil before the year ends ay lalaban na siya para sa Miss International 2017.

Just wondering kung paano niyang hinahati ngayon ang kanyang iskedyul dahil sa paghahanda pa lang sa naturang pageant ay ubos-oras na ito, need din siyempre niya ang maraming oras to look fresher and more beautiful.

Kung may Probinsyano siya at “Panday,” tapos may Miss International pa, hala, baga naman magmukhang ngarag ang aura niya pagsapit ng pageant? Huwag naman sana.

Pero sa totoo lang, if ever na magtagumpay si Mariel sa Miss International come November, aba’y bongga ang magiging parade float ng “Panday” sa filmfest.

Added value and attraction ang international crown and title ni Mariel, noh! Go lang girl. Pero hinay-hinay, ha. Mas magandang hindi mukhang stressed at ngarag ang beauty mo kapag rumampa ka na sa Miss International!

The post Mariel de Leon binalaan sa pagsali sa Miss International appeared first on Bandera.


Sanya halos maiyak sa b-day gift ni Rocco

$
0
0

NA-TOUCH at super happy ang lead star ng afternoon series na Haplos na si Sanya Lopez matapos makatanggap ng advance birthday gift mula sa kanyang ka-loveteam na si Rocco Nacino.

Kilalang dog lover, halos maluha si Sanya nang bigyan siya ni Rocco ng isang puppy bilang regalo ng binata sa kanyang kaarawan.

Kumalat sa social media ang picture kung saan ibinigay ni Rocco ang baby na aso sa kanyang on-screen partner at abot tenga nga ang ngiti ni Sanya nang tanggapin ito.

Sey ng mga netizens, napaka-thoughtful pala talaga ni Rocco dahil kung ano ang makapagpapasaya sa kanyang partner sa Haplos ay ‘yun ang kanyang iniregalo. Kaya naman naniniwala ang kanilang fans and followers na may “something” na nga sa dalawang Kapuso stars sa kabila ng kanilang pagdedenay.

Samantala, patuloy na umiinit ang mga eksena sa seryeng Haplos sa Afternoon Prime ng GMA lalo na ngayong lantad na ang relasyon nina Angela (Sanya) at Gerald (Rocco). Siguradong inabangan ng viewers ang love scene ng RocSan sa Haplos.

Tutukan kung paano maghihiganti si Lucille (Thea Tolentino) at kung paano niya pahihirapan ang kanyang kapatid sa pamamagitan ng kulam. Napapanood ang Haplos tuwing hapon sa GMA 7.

The post Sanya halos maiyak sa b-day gift ni Rocco appeared first on Bandera.

Lovi Poe saludo sa katapangan ni Nadine Lustre

$
0
0

HINDI diretsong sinagot ni Lovi Poe ang tanong ng press kung nagli-live in na sila ng kanyang Filipino-French boyfriend na si Chris Johnson.

Sa nakaraang media conference ng bagong comedy film ng Regal Films na “Woke Up Like This” starring Lovi and Vhong Navarro, sinabi ng Kapuso actress na hangga’t maaari ay ayaw na niyang magdetalye ng tungkol sa kanyang lovelife.

Tinanong kasi ang dalaga tungkol sa naging statement ni Nadine Lustre about live-in na walang takot na nagsabing pabor siya rito. Sey naman ni Lovi, “You know what, I really admire her. I’ve met her in this event, and she’s very real. And I really admire her, the fact that she’s very honest.”

E, sila ni Chris, nagli-live in na rin ba? Tugon ni Lovi, “Wala, I really don’t want to say anything because I want to keep things private.”

Sa Instagram account kasi niya ay may mga photo kung saan magkasama sila ng kanyang rumored BF sa isang bahay. Nakapambahay lang daw ang guy at nagluluto pa. Depensa ni Lovi, “My God, he’s always like that, he always dresses like that! He cooks in my house kapag may cook-out kami ng mga friends ko, one time pa nga my mom was there.”

Samantala, dahil nga “Woke Up Like This” ang title ng pelikula nila ni Vhong, natanong siy, “when was the last time she woke up with someone?” “Hahahaha! Ayokong sagutin ‘yan! I always wake up with my dog, Señorito.

Ang “Woke Up Like This” ay sa direksyon ni Joel Ferrer kung saan kasama rin sina Joey Marquez, Yana Asistio, Bayani Agbayani, Raikko Matteo, ang dating PBB housemate na si Cora Waddell at marami pang iba. Showing na ito ngayong Aug. 23 sa lahat ng paborito n’yong sinehan.

The post Lovi Poe saludo sa katapangan ni Nadine Lustre appeared first on Bandera.

Free tuition sa college may P16B pondo na

$
0
0
    May nahanap ng P16 bilyon ang House committee on appropriations para pondohan ang Free tertiary education law na ipatutupad sa 2018.
    Ayon sa chairman ng komite na si Davao City Rep. Karlo Nograles hinihintay nila ang Commission on Higher Education para isumite ang pinal na pondo na kailangan para sa pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (RA 10931).
    “Together with the Department of Budget and Management and the Commission of Higher Education, we have achieved a breakthrough and managed to identify at least P16 billion funds that would be readily available in time for the first semester enrollment next year,” ani Nograles.
    Sinabi ni Nograles na kinuha ang P16 bilyon sa iba’t ibang scholarship fund sa mga State Universities and Colleges, CHED, Department of Health, Department of Agriculture, Department of Science and Technology, Department of Environment and Natural Resources at Technical Education and Skills Development Authority.
      Kung kukulangin maaari umanong kunin ang dagdag na pondo sa mga underperforming at under-spending agencies.
    “We still need to come up with the total number of students who will benefit from this law, taking into account that for college next school year, there will be many seniors and freshmen coming in but fewer sophomores and juniors because of the K-12 program. This final number will determine magkano ba talaga kelangan. Is P16B enough or not?” tanong ng solon.
      Posibleng maaprubahan ang Implementing Rules and Regulation para sa free college education law sa loob ng 15 taon.

The post Free tuition sa college may P16B pondo na appeared first on Bandera.

Anong gusto mo? P191M o P142M

$
0
0
 
Inaasahang aabot sa P191 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola nito sa Biyernes.
    Ngayong araw naman ay posibleng umabot sa P142 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na bobolahin mamayang gabi.
    Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumama sa winning number combination na 07-19-14-24-08-18 sa bola ng Ultra Lotto noong Martes ng gabi at umabot sa P186.8 milyon ang actual jackpot prize.
    Umabot sa P21.6 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.
    Nanalo adman ng tig-P18,360 ang 59 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P380 naman ang 2,262 mananaya na nakaapat na numero at balik ang 20 taya ng 30,403 mananaya na nakatatlong numero.
    Samantala ang actual jackpot prize ng Super Lotto ay P137.7 milyon. Umabot sa P26.2 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola.
    Pitong mananaya naman ang nanalo ng tig-P70,000 matapos makuha ang limang numero. Tig-P1,230 naman ang 851 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P20 taya ng 17,467 mananaya na nakatatlong numero.
    Ang halaga ng inilalaki ng jackpot prize ay depende sa dami ng tumaya.
      Sa bawat P1 itinataya sa lotto, 55 sentimos ang napupunta sa Prize fund, 30 sa Charity fund at ang nalalabi sa gastusin sa operasyon ng lotto.

The post Anong gusto mo? P191M o P142M appeared first on Bandera.

Andanar binigyan ng akreditasyon ang mga blogger

$
0
0

MATAPOS batikusin matapos bigyan ng akreditasyon ang mga blogger sa isinagawang Association of Southeast East Asian (ASEAN) summit, naglabas naman ngayon si Communications Secretary Andanar ng department order na nagbibigay otorisasyon para mabigyan ng akreditasyon ang mga blogger.

Sa ilalim ng Department Order 015, inatasan ni Andanar ang Presidential Security Group (PSG) na payagang makapasok ng Malacanang ang mga bibigyan ng akreditasyon na mga blogger.
“Social media accreditation shall be issued to a Filipino citizen who is at least 18 years of age, with no less than 5,000 follwers in any social media platform,” ayon sa DAO 015 ni Andanar.
Sinabi naman ni Communications Assistant Secretary Kris Ablan na noong Martes lamang pinirmahan ni Andanar ang department order.
Ayon pa kay Ablan, si Communications Assistant Secretary Mocha Uson ang mangangasiwa sa pagbibigay ng akreditasyon sa mga blogger.

Matatandaang nabatikos ang desisyon ni Andanar na payagang mag-cover ang mga blogger sa ASEAN, na isang pandaigdigang pagpupupulong, kung saan ang Pilipinas ang tumatayong chairman.

The post Andanar binigyan ng akreditasyon ang mga blogger appeared first on Bandera.

Libreng tuition sa mga Tesda center epektibo sa 2018—DBM chief

$
0
0

INIHAYAG ni Budget Secretary Benjamin Diokno na libre na ang tuition sa mga sangay ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) sa unang araw ng 2018.
Sa pulong sa pagitan ng Department of Budget and Management (DBM), Tesda, Commission on Higher Education (CHED) at UniFAST, sinabi ni Diokno na nagkasundo sila kaugnay ng pagpapatupad ng mga probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
“The law will be implemented next school year, except Tesda which will implement it starting the first working day of 2018,” sabi ni Diokno.

Idinagdag ni Diokno na bumuo na ng technical working group para gawing pinal ang implementing rules and regulations ng RA 10931.
“The guidelines will be issued by mid-September,” ayon pa kay Diokno.

The post Libreng tuition sa mga Tesda center epektibo sa 2018—DBM chief appeared first on Bandera.

Duterte nag-alok ng P2M pabuya sa kada pulis na hitman ng mga Parojinog

$
0
0

NAG-ALOK si Pangulong Duterte ng P2 milyong pabuya para sa kada pulis na ginagamit ng mga Parojinog para pumatay.

“Like the policemen who are now shortlisted in the killing of so many civilians buried in a cemetery there at the back of a barangay hall, each of the policeman carried on their head now, I’m announcing P2 million per head. And you are free to go and leave,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa ika-116 na anibersaryo ng Police Service sa Camp Crame.
Ito’y matapos namang madiskubre ang mass grave na kung saan inililibing ang mga pinapapatay ng mga Parojinog.
“P2 million per head, dead or alive. Better dead because I have to pay for the funeral parlor expense,” dagdag ni Duterte.
Kasabay nito, tiniyak ni Duterte na bibigyan niya ng proteksyon ang mga pulis na sangkot sa raid na nagresulta sa pagkakapatay ng 16 na katao, kabilang na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.
“They will have my protection. You will have the justice,” dagdag ni Duterte.

 

The post Duterte nag-alok ng P2M pabuya sa kada pulis na hitman ng mga Parojinog appeared first on Bandera.


Arroyo sinibak na bilang Deputy Speaker; Ate Vi sibak din

$
0
0
ITINALAGA Martes ang kapalit ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at Batangas Rep. Vilma Santos, matapos silang alisin dahil sa pagboto laban sa death penalty bill.
    Nanumpa na bilang House Deputy Speaker kapalit ni Arroyo si Bulacan Rep. Linabelle Ruth Villarica at binitiwan na ang pagiging chair ng House committee on foreign affairs.
    Ang chairmanship ng Foreign Affairs committee ay ibinigay naman kay Isabela Rep. Ana Cristina Go.
    Si Santos naman ay pinalitan ni Batangas Rep. Mario Vittorio Marino bilang chairman ng House committee on civil service and professional regulation.

The post Arroyo sinibak na bilang Deputy Speaker; Ate Vi sibak din appeared first on Bandera.

Gilas Pilipinas nalusutan pananakot ng China

$
0
0

BUONG loob na nalusutan ng Gilas Pilipinas ang pananakot ng China sa huling yugto at hilain ang 96-87 panalo upang impresibong simulan ang kampanya sa 2017 Fiba Asia Cup Miyerkules sa Nouhad, Nawfal Sports Complex sa Lebanon.

 Ibinuhos ni Terrence Romeo ang walo sa ginawang kabuuang 26 puntos sa huling 3:55 minuto para pigilan ang pagtatangka ng defending champion China na agawin ang pagdiriwang ng Gilas.
Nagbaon si Romeo ng tres para itabla sa 87-87 ang laban bago ang jumper para sa 89-87 abante may 2:54 pa ang natitira sa orasan. |sa pang tres ang pinakawalan ni Romeo sa huling 2:12 minuto  para sa 92-87 unahan na tuluyang sumelyo sa pagwawagi ng pambansang koponan na kinubra ang 1-0 karta sa elimination round ng Group B.
Mistulang matamis na paghihiganti rin ito para sa koponan ni head coach Chot Reyes na yumukod sa powerhouse na Chinese five sa championship game sa nakalipas na edisyon ng torneo noong 2013 at 2015.
Pinunan ni Fil-German center Christian Standhardinger ang hindi paglalaro ni Junemar Fajardo dahil sa injury at pag-atras ni Andray Blatche na nagtala ng 15 puntos at anim na rebounds.
Nagdagdag naman si Jason William ng 13 puntos habang may 12 puntos si Matthew Wright para sa Gilas na na may pitong manlalaro na may iskor na pitong puntos pataas mula sa 11-man roster nito.
Agad na umalagwa ang Gilas sa simula ng laro tungo sa pagposte ng pinakamalaking lamang na 17 puntos at itala ang 16/26 field goal shooting sa first half. Napuwersa rin ng Gilas ang China sa 10 turnovers sa unang dalawang quarter sa kabila ng ejection ni Calvin Abueva sa 2:27 mark ng first quarter matapos tawagan ng disqualifying foul dahil sa pag-headbutt kay forward Li Gen kasunod ng pagbagsak sa sahig mula sa isang rebound play.
Umahon mula sa pagkakabaon ang China sa fourth period para  kunin 83-82 ang abante mula sa layup ni Jinqiu Hu ngunit lumabas ang pagiging bayani ni Romeo sa krusyal na yugto para sa pampanalong porma at hindi biguin ang mga Pinoy fans na buong pusong nanood sa laban.
Nanguna para sa China si Ailun Guo na may 18 puntos habang may 17 puntos si Peng Zhou.
Makahaharap ng Gilas ang perennial rival Iran sa Biyernes bago tapusin ang elimination round sa Linggo kontra naman sa Qatar.

The post Gilas Pilipinas nalusutan pananakot ng China appeared first on Bandera.

Bakit naman nagkasakit si Nicanor Faeldon?

$
0
0

GUMAGAWA lang ng kwento ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) nang sabihin nito na balak ng Central Intelligence Agency o CIA na patalsikin si Pangulong Digong.

Sabi pa ng NDFP na balak din ng CIA na ipapatay si Joma Sison, founding chairman ng Communist Party of the Philippines, upang sirain ang morale ng mga komunista sa bansa.

Kung totoo ang tinuran ng NDFP, bakit at saan nila nakuha ang impormasyon?

Maaaring ayaw ng US si Pangulong Digong, pero wala naman siyang masamang ginawa sa America upang magalit ito sa kanya?

Maaaring ayaw ng CIA kay Sison, pero ano naman ang mahihita ng America sa pagpatay sa isang communist leader na hindi threat sa kanila?

Si Sison ay ngawa lang nang ngawa sa Netherlands at hindi sinusunod ng New People’s Army (NPA) sa bansa dahil siya’y nagpapasarap doon at naghihirap naman sila rito.

Isa pa, hinahangaan nga ni US President Donald Trump si Digong dahil sa kanyang tapang sa pagpuksa ng droga sa ating bansa.

Gusto pa ngang gayahin ni Trump si Digong kung hindi lang mahigpit ang human rights sa America.

***

Kung ako si Comelec Chairman Andres Bautista ay magbibitiw ako sa tungkulin upang di na umabot sa impeachment.

Kapag natanggal siya dahil napatunayan na siya’y nagkamal ng malaking salapi bilang public official—chairman ng Presidential Commission on Good Government at ngayon ay chairman ng Commission on Elections—siya’y mapapatalsik.

At yan ay malaking kahihiyan.

Ang magiging testigo laban sa kanya ay ang kanya mismong misis na si Patricia Bautista.

Gusto kasi nitong si Mrs. Bautista na maghati sila ng kayamanan ng kanyang asawa bago sila maghiwalay ng landas.

Ibinunyag ni Patricia ang malaking perang deposito ni Andres sa mga bangko at mga ari-arian nito na hindi idineklara sa kanyang SALN.

Lahat-lahat, ang assets ni Andy ay mahigit na P1 bilyon, ani Patricia.

Saan naman kinuha ni Bautista ang ganoon kalaking halaga?

Sabi ng   marami, e, saan pa nga raw kundi sa PCGG at sa nakaraang eleksiyon na malawakan ang dayaan.

Noong nakaraang halalan, anila, si Bongbong Marcos ang nanalo pero dinaya sa pagiging vice president at si Digong, kahit na ito’y nanalo, ay binawasan ang kanyang boto ng malaki.

Maraming nagsasabi na nakakuha sana si Digong ng 21 milyong boto sa halip na 16 mil-yong boto na kanyang ipinanalo.

Isang kaibigan ni Patricia ang aking nakausap.

Sinabi niya na sinabi sa kanya ni Patricia na karton-karton ng gatas na puno ng pera ang dumarating sa bahay nila bago mag-eleksiyon.

Saan naman nangga-ling ang mga karton-karton na pera?

 

qqq

Nagkukunwaring may sakit si Customs Commissioner Nicanor Faeldon o kaya’y natakot siya kaya’t hindi siya nakadalo sa hearing ng Senate blue ribbon committee kahapon.

Ang hearing ay tungkol sa pagpuslit ng P6.4 bilyon na shabu shipment sa customs zone.

Sinabi ng kanyang mga tauhan kay Sen. Dick Gordon, chairman ng blue ribbon committee, na nanikip o sumakit ng matindi ang dibdib ni Faeldon kaya’t itinakbo siya sa ospital.

Ang chest pains o paninikip ng dibdib ay tanda ng impending heart attack.

Pero sa batang edad at dating Marine officer, bakit siya magkakaroon ng heart attack?

Too much of a good time siguro dahil nagpapakasasa sa sarap.

O kaya’y natatakot siya na baka siya mabuking ni Dick Gordon na sinisigawan ang mga taong nagsisinungaling sa kanya sa Senate hearing.

Kapag naman wala siyang ginawang masama bakit naman matatakot si Faeldon na humarap sa blue ribbon committee?

The post Bakit naman nagkasakit si Nicanor Faeldon? appeared first on Bandera.

Ano nga ba ang laban ni Aljur sa magagaling na aktor ng ABS-CBN?

$
0
0

WHERE competition over at ABS-CBN is fiercely stiff, ano ang tsansa ni Aljur Abrenica para makipagsabayan alongside established, genuinely talented artists doon that he—in all honesty—is not?

While Aljur has to reassert na meron din siyang ibubuga sa mga artistang dinatnan niya sa kabilang network, dapat din niyang tanggapin ang katotohanan—even if it hurts—that there’s more to good looks.

Pare-pareho naman silang nagguguwapuhan o naggagandahan doon (of varying degrees nga lang), kung hitsura’t hitsura rin lang ay hindi pahuhuli si Aljur. But as the gasgas nang linya goes, at the end of the day, it’s still the gift of acting that matters.

Back where he belonged, tinanghal man siyang Ultimate Hunk sa Starstruck, there hardly was any justification that looks and talent are like husband and wife.

“Single” pa rin kasing maituturing ang kabuuan ni Aljur. Guwapo lang, period.

Over the years, kung kailan dapat sana’y kinakitaan na siya ng improvement sa kanyang pag-arte, his world seemed at a standstill. Ham actor pa rin si Aljur. Or sham actor, to be blunt about it.

Ewan kung ganito na ang kasalukuyang kalakaran sa pagtuklas ng bagong mukha: looks first, talent to follow. Sadly in Aljur’s case, napako na lang ‘yon sa hitsura as talent never surfaced. No wonder, ang mga proyektong ibinigay sa kanya ng GMA had no posed no challenge para sukatin ang kanyang talent sa pag-arte.

Mas lumutang pa ang all looks-no talent stance ni Aljur nang pasukin din ng kanyang kapatid na si Vin Abrenica ang showbiz.

In stark contrast ang magkapatid, Vin may not be as dashing as Aljur pero ‘di hamak na mas mahusay itong umarte.

Ngayon, both Aljur and Vin are with ABS-CBN, but in separate programs. For sure, they won’t escape sibling comparison.

Ngayong napapanood na si Aljur sa FPJ’s Ang Probinsyano, let his case be unpatterned after those jobless, nearly forgotten actors na isa-isang lumabas doon. Magpakitang-gilas sana si Aljur to prove he’s worthy of the chance para buhaying muli ang kanyang acting career.

Gusto naming marinig mula kay Aljur na ang kanyang pagbabalik-TV ay dahil mas handa na siya ngayon, more equipped with acting talent, more prepared to face the demands of his chosen career.

At hindi para gawing source of income ang pag-arte just because his finances are down at marami pang bayaring dapat i-settle like his still-unpaid house, ang paghahanda sa pagpapakasal nila ni Kylie Padilla at sa pagpapalaki sa kanilang anak.

Nariyan na ang looks, all that Aljur needs to do is to enhance it. More than ever, mas dapat niyang tutukan kung paanong sa rami ng mga mahuhusay na aktor sa ABS-CBN, he should make a difference. Dagdagan niya kung ano ang kapos sa kanya noon, depth in acting, what else?

The post Ano nga ba ang laban ni Aljur sa magagaling na aktor ng ABS-CBN? appeared first on Bandera.

Female star tsutsugihin sa sikat na talent search

$
0
0

HULA hoop: Sa mga idaraos pang franchise search ng isang TV station in the near future ay nagdadalawang-isip na ang pamunuan kung muli nilang kukunin ang serbisyo ng isang sikat na female personality.

“Disaster” kasi kung ilarawan ng mga manonood ang naging performance niya in one of its most crucial parts, dahilan para gumuho ang pangarap ng isang nilalang.

Hindi pa roon nagwakas ang kuwento, may namuo kasing alyansa sa pagitan ng mga nakasama ng female personality na ‘yon na wari’y up in arms against her.

Obvious naman kasing hindi siya swak sa programa, a sore thumb kung tutuusin. It’s just like assigning her as a lifeguard to watch over the swimmers, pero nauna pa siyang nalunod.

The post Female star tsutsugihin sa sikat na talent search appeared first on Bandera.

Magkapatid na personalidad ang titigas ng puso, dedma sa ama

$
0
0

TANONG ng mga miron sa isang umpukan, paano raw kaya magiging mabait ang kapalaran para sa mga taong sobrang tigas ng kalooban, reregaluhan daw kaya sila ng magagandang oportunidad kapag ganu’n sila?

Ibig sabihi’y hindi lang isang tao ang tinutukoy ng magkakaumpukan, sobra sa isa ang bida sa kuwento, sobrang tigas kuno ng puso ng dalawang personalidad na ito.

Kuwento ng aming source, “Di ba, mga bagets pa sila, e, nagkahiwalay na ang parents nila? Naiwan sila sa mommy nila nu’ng humiwalay ang father nila. Mula nu’n, nagkaroon na sila ng gap ng tatay nila.

“Nakakalungkot nga dahil kahit nagkikita sila sa matataong lugar, e, hindi man lang nila pinapansin ang father nila. Ano ‘yun? Para ano pa at naging anak lang sila?

“Kahit pa gaano kalaki ang naging kasalanan ng father nila sa mommy nila, dapat, e, hindi sila nakikisali sa problema. Dapat, may respeto pa rin sila sa ama nila.

“Bakit, magiging tao ba sila kundi dahil sa father nila? Mabubuo ba sila ng nanay lang nila at walang partner?” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Tuloy ay apektado ang kanilang career. Maraming pagkakataon na dapat ay ang magkapatid ang bibida na tatay nila ang kasama sa proyekto, pero hindi natutuloy, dahil nga sa kanilang problema.

Patuloy ng aming source, “In fairness, ‘yung isa sa magkapatid, e, mas malambot ang puso. Konting panahon na lang at okey na siya. Pero ‘yung isa, sobrang tigas ng puso ng lalaking ‘yun!

“Kung narerespeto niya ang ibang tao, bakit hindi niya makayang respetuhin ang tatay niya? Kahit sa utang na loob na lang, dapat, e, nagpapakumbaba na siya.

“Hindi naman mabubuhay forever ang tatay niya, kaya bakit hindi pa siya makipagkasundo? Ang mga bagets talaga ngayon, para namang napaka-perfect nila!” kuwento pa ng aming source.

Sige nga, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday at Ching Baustista-Silverio, tingnan nga natin kung hindi kayo mauupo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan? Getlak n’yo na kung sinu-sino ang bumibida sa kuwentong ito?

The post Magkapatid na personalidad ang titigas ng puso, dedma sa ama appeared first on Bandera.

Billy: Mahilig talaga ako sa bata, ‘yung babaeng pakakasalan ko nga 10 taon ang tanda ko, di ba!?

$
0
0

MAY bago na namang ihahaing reality show ang ABS-CBN, ang Little Big Shots na magsisimula na sa Sabado, Agosto 12 at Linggo, Agosto 13 hosted by Billy Crawford.

Sa launching ng nasabing programa nitong Martes ay napahanga nang husto ang entertainment press sa ipinalabas na pilot episode na mapapanood sa Sabado.

Bibida rito sina Alyssa, 9, na napakagaling sa pole dancing; Rodzen, ang 3 year old na super cute at sobrang bibo na umaming may crush sa child star na si Zia Vigor; si Janice na sa edad na 5 ay marunong nang magtanggal ng tinik ng isda; hip-hop dancer naman si JM Javier na sa edad 9 ay wala nang takot sa pag-tumbling-tumbling na mala-Streetboys; at si Zidane Klyde Torregoza, 3, na nagpakitang-gilas naman sa Geography.

Sinadya naming hindi ikuwento kung ano ang ginawa ng mga batang ito para ipakita ang kani-kanilang mga talento para panoorin ng madlang pipol. Nakasisiguro kaming matatawa, mapapangiti, magugulat, mapapa-wow at mapapaiyak ang viewers sa kanila.

Alam naman ng lahat na mahirap katrabaho ang mga bata kaya maraming bumilib kay Billy dahil wala pa naman siyang anak kaya paano niya nakukuha ang loob ng mga bagets.

Sabi ng TV host, “Actually po, hindi ko inisip kung makukuha ko ito (hosting job), to be honest, I just found out about Little Big Shots recently lang from the States, ‘yung kay Steve Harvey.

“Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit napunta sa akin, the best thing I can say is, I’m really thankful. For me, it’s not a competition sa host kasi hindi po ‘yung host ang pinakaimportante po rito, ang title ay Little Big Shots, ang mga bida po rito ay ang mga kabataan.

“It was a challenging role for me to play kasi like si Steve Harvey or the other hosts sa ibang bansa, mga parents na po sila. So ‘yun po ‘yung nagpanerbyos sa akin kasi wala pa akong anak, mahilig ako sa mga bata, obviously, fiancée ko (Coleen Garcia) is 10 years younger.

“Pero mahilig po akong makipaglaro sa mga bata and I don’t know, I guess talagang bigay na ni Lord ito sa akin and I really couldn’t ask for more and I’m so-so happy to have this job,” paliwanag ni Billy sa presscon ng LBS.

q q q

Pagkatapos ng presscon ay nakorner ng ilang members ng entertainment press si Billy at tinanong tungkol sa balitang kumalat na naunang ipinangako kay Ogie Alcasid ang programa.

“Hindi ko po alam, kasi pareho kaming nag-audition pero hindi ko nakita, I think one day ahead si kuya Ogie sa akin. Sinabi lang ni Sir Louie (Andrada, business unit head) sa akin na ako nga raw ang napili.

“To be honest, hindi ko alam na sabay kaming nag-audition kasi sabi lang sa akin ni sir Louie, ‘Mag-audition ka, may bagong programa ganito-ganyan.’ Wala talaga akong alam kasi binigyan lang ako ng spiels bahala na ako kung anong gagawin ko sa mga bata.

“At si kuya Ogie, wala akong masabi kasi nu’ng in-announce na nila sa akin na napunta sa akin ‘yung programa, ang unang nag-text sa akin, si kuya Ogie. Sabi niya, ‘Bro, I’m happy for you, I’m proud of you, I will always be right here behind you anytime you need me. It’s nothing about competition talaga,” paliwanag ng TV host-actor.

Ang Little Big Shots ay umeere na sa 15 countries at ang magiging benepisyo ng mga batang nagpakitang gilas sa kanilang mga talento ay posibleng mapansin sila sa ibang bansa at imbitahin para roon mag-perform.

Kinlaro ni Louie Andrada na talent show ito pero hindi kontes, “Of course we will give them (kids) something at habang naghahanap kami ng talented kids at kausap namin ang mga magulang, iisa lang naman talaga ang sinasabi nila, ‘we want to make our family proud. We want our parents to be proud of us’. So ‘yun lang, sapat na sa kanila.

“At ang maganda kasi rito, ‘yung entire franchise niya sa buong mundo, kapag nagustuhan sila papupuntahin sila sa ibang bansa.

“Like for example si Ella Nympha (The Voice Kids winner), di ba nagustuhan siya sa Amerika, now si Ella, pupunta na ng Israel at Spain. ‘Yung tineyp naming episodes, mayroon na ro’n tatlong napili kasi nu’ng nagte-taping kami, nandito ‘yung consultant ng Warner (Bros), nag-a-identify na siya na, ‘we want these kids for US’. So, mas magiging malawak ang opportunities for them,” paliwanag ng TV executive.

Nabanggit din na may mga napili rin mula sa Tawag Ng Tanghalan Kids at inaayos na ang mga visa nila para ipadala sa US at UK.

Kaya sa mga naaliw sa reality shows na The Voice Kids, Your Face Sounds Familiar Kids, Tawag ng Tanghalan Kids, nakatitiyak kaming mas matutuwa at mag-eenjoy kayo sa Little Big Shots tuwing Sabado at Linggo sa ABS-CBN.

The post Billy: Mahilig talaga ako sa bata, ‘yung babaeng pakakasalan ko nga 10 taon ang tanda ko, di ba!? appeared first on Bandera.


Cinemalaya entry ni Gina nilait ni Suzette Doctolero, napamura pa

$
0
0

LAIT ang inabot ng Cinemalaya movie nina Gina Alajar at Bembol Rocco at JC Santos na “Nabubulok.”

Da Hu ang naglait? Si Suzette Doctolero lang naman. Sa kanyang Facebook account ay ito ang naka-post, “Panoorin nyo ang pelikulang Respeto ngayong Cinemalaya festival at napakaganda niya. Sulit.

Suportahan po natin ang mga obrang mahuhusay para lalo silang ganahang gumawa.

“Huwag nang magkamaling panoorin ang Nabubulok at bulok sya. Susko. Kamura-mura sa kachakahan. Pero kung gusto nyong magmura sa inis the whole day then go watch it.

“Bakit ba napasama sa cinemalaya yun? Wala na bang ibang deserving? Sayang ang slot! At pera!

“Mas maraming mahuhusay na tagagawa ng pelikuka! Ulol yun. Ayan, napamura na naman ako. Tengeneng movie yun. Ayst. Nagmura uli ako. Yoko na. Bye.”

Any reaction from “Nabubulok” director and cast?

The post Cinemalaya entry ni Gina nilait ni Suzette Doctolero, napamura pa appeared first on Bandera.

‘Bading ba si Comelec chairman Andres?’

$
0
0


Umagaw na naman ng matinding atensiyon ang mga isyung-pulitika kesa sa lokal na aliwan dahil sa lantarang pag-aaway ng nagkahiwalay na mag-asawang sina COMELEC Chairman Andres Bautista at Patricia.

Napakalakas ng kalembang ng pinagtatalunan nilang mga isyu dahil may bilyong halagang kinukuwestiyon ang babae sa kanyang mister. Unexplained wealth. Mga libreta de banko na daang milyong piso ang laman ng bawat isa.

At may isyu rin ng kaliwaan. May kuwento pa ng mahiwagang latigo na nakita mismo sa closet ng commissioner. At may website daw si Mang Andres kung saan makikita ang mga hubad na larawan ng mga kalalakihan at kababaihan.

Sa lahat ng mga panayam sa tagapamuno ng COMELEC ay pinakamatindi ang dating sa amin ng diretsong tanong sa kanya ng palabang news anchor na si Raffy Tulfo.

Sa panayam nito sa “Aksyon Sa Tanghali” kay Commissioner Bautista ay napakalinaw ng kanyang tanong, “Sir, are you straight or gay?”

Nakakaloka! Malapit na kaming mahulog sa aming kinauupuan sa napakatinding tanong ni Kuya Raffy kay Chairman Bautista na siyempre’y nagsabing lalaking-lalaki siya.

Matitindi ang akusasyon laban sa pinakapinag-uusapang lalaki ngayon sa ating lipunan. Parang paninda sa palengke na matagal na itinago ang mga kuwentong iniuugnay ngayon sa kanya.

Kabog ang showbiz na may katahimikan ngayon sa mga isyung pampulitika. Tagapanood lang ngayon ang mga artista at hindi sila ang pinanonood sa gitna ng arena ng kontrobersiya at intriga.

The post ‘Bading ba si Comelec chairman Andres?’ appeared first on Bandera.

Bongbong, Digong makikinabang sa away nina Andres at Patricia?

$
0
0

NALOLOKA  ako sa drama nitong si Patricia Bautista, ang estranged wife ni COMELEC Commissioner Andres Bautista. She has been going some rounds of interviews masiraan lang nang husto ang dating asawa where she sired four kids. Ang sabi niya sa unang interbyu sa kanya ni Karen Davila ay first and last interview niya raw iyon, hindi pala.

Ang sabi’y isang close kay Bongbong Marcos ang nagsama sa kanya sa Malakanyang para kausapin si Presidente Rodrigo Duterte regarding the anomalies daw ng kanyang husband, (alleged ill-gotten wealth). There was a time pa raw na pinayuhan silang mag-asawa ni PDutz para ma-save ang kanilang marriage but to no avail.

In short, PDutz looked like a friend to both of them – Tish and Andy. Pero may iba akong basa riyan. Remember how PDutz rooted for BBM to be Vice President na hanggang ngayon ay inilalaban pa ng huli sa Supreme Court? But you know, numbers made VP Leni Robredo won against BBM. Pero this time, iba ang nakini-kinita ko, since Andres Bautista is Comelec chairman, they are trying to pin him down, discredit him and eventually freeze him or oust him from position.

Pag natanggal siya sa puwesto ay mababago ang scenario, titibay ang laban ni BBM as he alleges na dinaya siya ng Dilawan nina VP Leni. Pag wala na si Chairman Bautista, magri-recount for sure dahil ang isa sa bintang sa kanya ay binayaran siya ng Dilawan para maipanalo si Leni dahil appointee nga raw itong si Bautista ni PNoy. Simple lang naman ang gagawin ni PDutz eh, ang kiyemeng wala siyang hand sa isyung ito dahil kaibigan niya kuno si Andres.

Pero ang totoo niyan, parang conduit nila si Patricia to destroy Chairman Andres. At ang malungkot pa niyan, pag naipit masyado si Andy ay mapi-freeze din ang lahat ng assets niya, mawawalan din ng chance si Tish na makuha ang sinasabi niyang “clean money” as share sa conjugal properties nila.

In short, wala ring mapapala si Patricia sa eksenang ito. Talo silang pareho ng kanyang estranged hubby. Ang panalo rito ay sina PDutz and BBM. I may be wrong pero mukhang right naman, Ha! Ha! Ha! Let’s wait and see na lang.

q q q

Hindi na talaga ako binalikan ng super-loved kong boyfriend. Ha! Ha! Ha! Two months na halos ang nagdaan at talagang wala na siyang paramdam. Nu’ng una, medyo masakit siyempre pero kalaunan ay nakasanayan ko na rin naman.

Medyo wala nang masyadong pain though may konting longing pa rin to see him. But of course, I won’t dare text or call him, paninindigan ko ito. Kasalanan ko rin naman dahil I challenged him sa text na tigilan na namin ang relasyon namin dahil for five days ay hindi man lang siya nag-text or sumagot sa calls ko.

Kumbaga, nagpa-cute lang ako, yung pa-girl ba. Pero anong nangyari? Kinagat niya ang dare ko. Ang sagot niya sa akin, “Kung iyan ang gusto mo, irerespeto ko.” Ayan tuloy ang napala ko. Tsugi ang 5-year romance dahil lang sa isang text. Ha-hahaha!

Sa mga nagtatanong kung sino siya, huwag na. He is a very private non-showbiz guy. After all, na-enjoy ko naman ang five years namin, pero totoo palang WALANG FOREVER. Huwag mag-ilusyon, okay? Unless pareho kayong baklita. Ha! Ha! Ha!

The post Bongbong, Digong makikinabang sa away nina Andres at Patricia? appeared first on Bandera.

Sam pinto super yaman na, nagtayo ng hotel sa baler

$
0
0

SAM PINTO

A DEAR friend from Baler, Aurora showed me some photos of L’Sirene, isang beach resort doon owned by our anak-anakang si Sam Pinto. Sam is not from Baler pero she chose raw the place dahil napakaganda ng location.

“She bought the lot at P17 million, iyan ang sabi sa akin. Lot pa lang iyon ha, wala pa ang establishment. Sobrang ganda ng resort hotel niya, ang laki. It must have cost her a fortune and has been operational for five months na yata. At ang ganda pala ni Sam sa personal, ‘no?” sabi ng kausap kong lalaki.

Parang di naman siya interested ikuwento ang resort ni Sam kasi sa tono niya ay parang type niya si Sam dahil sobrang ganda raw. Lalo pa nang ginatungan kong napakabait na bata nitong si Sam kaya love na love ko. Lalong nanlaki ang mga mata ng kausap ko. Ha! Ha! Ha!

Anyway, baka may partners si Sam sa business niyang ito. Or she must have saved much money for this. But you know, it’s not easy to save that much, ha.

“Baka may mayamang papa si Sam kaya na-afford niyang magpatayo ng ganoong kagarbong establishment, di kaya?” tanong ng kausap ko.

Aba’y malay ko. Basta with that, I am very happy for Sam dahil at least may napuntahan ang pagpupursige niya sa mundong ito. Kung nagkaroon man siya ng papang mayaman who helped her build this business, well and fine. At least, marunong siya sa buhay.

But of course, di natin alam kung sino ang gumastos sa resort ni Sam. Baka may ipon naman siya talaga, huwag kayong judgmental.

The post Sam pinto super yaman na, nagtayo ng hotel sa baler appeared first on Bandera.

Jennylyn: Mami-miss ko ang mga kabaliwan ni Steffi!

$
0
0

HINDI maikakaila na marami ang humanga sa pagganap ni Jennylyn Mercado bilang Pinoy Steffi sa GMA Telebabad series na My Love From The Star na matatapos na ngayong Biyernes.

With her amusing lines at pambabara kay Matteo na ginampanan naman ni Gil Cuerva, naging hit talaga ang Pinoy TV adaptation na ito ng Korean series. Pero para kay Jen, sinabi niyang mami-miss niya ang role niyang ito dahil sobrang na-enjoy niya ang mga kalokahan ni Steffi.

Tutukan ang pasabog na ending ng MLFTS na siguradong hinding-hindi malilimutan ng JenGil fans!

Promise nina Jennylyn at Gil, ma-eenjoy ng viewers ang finale episode ng kanilang teleserye na mapapanood pa rin sa GMA Telebabad! Kaya watch na!

The post Jennylyn: Mami-miss ko ang mga kabaliwan ni Steffi! appeared first on Bandera.

Viewing all 44625 articles
Browse latest View live


Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>