Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44581 articles
Browse latest View live

Aguirre inatasan ang NBI na imbestigahan ang Comelec chair dahil sa tagong yaman

$
0
0

INATASAN ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang umano’y tagong yaman ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista matapos isiwalat ng kanyang misis na aabot sa P1 bilyon ang kanyang “ill-gotten wealth.”

Ipinalabas ni Aguirre ang Department Order No. 517 na nag-uutos sa NBI na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng mga alegasyon ng misis ni Bautista na si Patricia Paz.

Nauna nang nakipagkita si Paz kay Pangulong Duterte noong Hulyo 26, kung saan nagsumite siya ng isang affidavit na ininedorso naman sa NBI.
“The NBI, through its Director, is hereby directed and granted authority to conduct investigation and case build-up over the alleged failure to disclose pertinent information required in the statement of assets, liabilities and networth (SALN) of Chairperson Andres D. Bautista contained in the affidavit of Mrs. Patricia Paz Bautista including possible determination of violation of Anti-Money Laundering Law and other related laws,” dagdag ni Aguirre.
Idinagdag ni Aguirre na maaari pa ring imbestigahan si Bautista sa kabila na siya ay isang impeachable officer.
“He is not immune from criminal investigation,” ayon pa kay Aguirre.
“The NBI investigation can be used as basis in filing an impeachment complaint,” dagdag ni Aguirre.
Inatasan din ni Aguirre ang NBI na magsumite ng buwanang ulat kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon laban kay Bautista.

The post Aguirre inatasan ang NBI na imbestigahan ang Comelec chair dahil sa tagong yaman appeared first on Bandera.


Pagsusuot ng high heels sa trabaho ipagbawal

$
0
0

Hiniling ng isang labor group sa Department of Labor and Employment na pagbawalan ang mga employer na piliting magsuot ng high heels ang kanilang mga empleyado dahil sa panganib na dala nito.
Ayon sa Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines marami silang natatanggap na reklamo mula sa mga saleslady kaugnay ng hirap nila sa pagsusuot ng high heels sa trabaho.
“They also worry that it might have long-term damaged on them. This is a grave concern to their health and safety and so we are asking the DOLE to prohibit employers from requiring their employees to wear high heel shoes in doing their work,” ani Gerard Seno, national executive vice president ng ALU.
Bukod sa saleslady ay kasama umano sa pinagsusuot ng high heels ang mga promodizer sa mga grocery, waitress, hotel and restaurant receptionists at flight attendants.
“Apart from the pain, working women also complain of injury after slipping, falling and tripping with high heel shoes on. This must be stopped. Women workers should not be compelled to put on high heel shoes against their will. They should not be exposed to any harm and danger at all times,” ani Seno.
Walang regulasyon ang DOLE kaugnay ng pagsusuot ng high heels.
“For fear of censure from supervisors and lack of genuine grievance mechanism in the workplace amid numerous anecdotal accidents involving high high shoes, women in the circumstances are powerless–most of which are contractualized workers and have no union to represent them,” dagdag pa ni Seno. “They just endure the pain for the entire duration of their shift and have no choice but to comply with company policy for the entire duration of their contracts against their will.”
30

The post Pagsusuot ng high heels sa trabaho ipagbawal appeared first on Bandera.

JV pinayagan mag-Japan

$
0
0
Pinayagan ng Sandiganbayan Sixth Division si Sen. Joseph Victor Ejercito na bumiyahe sa Tokyo, Japan.
    Si Ejercito ay pinayagang bumiyahe mula Agosto 23 hanggang 26 para sa isang forum kaugnay ng global health.
    Inimbitahan umano siya ng Japan Parliamentary League for the World Health Organization para sa ikatlong pagpupulong ng Asia Pacific Parliamentarian Forum on Global Health.
    Siya ay binigyan na rin ng travel authority ni Senate President Aquilino Pimentel III.
    Kailangang magpaalam ni Ejercito sa korte bago makalabas sa bansa dahil sa technical malversation case na isinampa sa kanya kaugnay ng pagbili ng P2.1 milyong halaga ng mga baril gamit ang Calamity Fund ng siyudad noong 2008. Siya ay mayor ng San Juan noon.

The post JV pinayagan mag-Japan appeared first on Bandera.

10.5M walang trabaho- SWS

$
0
0

Social Weather Stations

Umaabot sa 10.5 milyong Filipino, na nasa tamang edad, ang walang trabaho, ayon sa second quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).

    Naitala sa 22.2 porsyento ang nagsabi na wala silang trabaho noong Hunyo, mas mababa sa 22.9 porsyento na naitala noong Marso.
    Sa 10.5 milyon, 5.7 milyon ang boluntaryong umalis sa kanilang trabaho (12.1 porsyento), 2.9 milyon ang inalis sa trabaho (6.1 porsyento), at 1.8 milyon ang mga first-time job seeker (3.9 porsyento).
    Tumaas naman ang net rating ng mga tao na may pag-asa na makakukuha sila ng trabaho sa susunod na 12 buwan. Naitala ito sa 31 porsyento mula sa 29 porsyento noong Marso.
    Mula sa 44 porsyento ay tumaas ang optimist sa 46 porsyento.
    Wala namang nakikitang pagbabago ang 46 porsyento at nanatili sa 15 porsyento ang naniniwala na lalo pang mawawalan ng mapapasukan sa susunod na taon.
    Ang SWS ay ginawa mula Hunyo 23-26 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na tatlong porsyento.

The post 10.5M walang trabaho- SWS appeared first on Bandera.

Ozamiz police chief Espenido pararangalan sa papel sa gera kontra droga

$
0
0

 

PARARANGALAN si Chief Insp. Jovie Espenido, Ozamiz City police director, sa anibersaryo ng Philippine National Police (PNP)bukas dahil sa kontribusyon niya sa gera kontra droga.
Sinabi ni PNP chief Director General Ronaldo “Bato” Dela Rosa na walang kinalaman ang espesyal na parangal para kay Espenido sa nangyaring raid sa Ozamiz kung saan 16 ang napatay, kabilang na si Mayor Reynaldo Parojinog.
“I would like to correct you na baka dahil doon sa pagpatay kay Mayor Parojinog kaya siya mabigyan ng award. Hindi pa nangyari ‘yung sa Ozamiz incident, kasama na si Espenido sa mga awardees for his accomplishments sa anti-drug operations sa Albuera at Ozamiz,” sabi ni dela Rosa.
Si Espenido rin ang chief of police ng Albuera, Leyte nang mapatay si Mayor Rolando Espinosa Sr. sa loob ng kulungan sa Baybay City.
Idinagdag ni dela Rosa na wala siyang planong tanggalin si Espenido mula sa Ozamiz ngunit gagawin niya ito kung may iba pang target na sangkot sa droga sa iba pang lugar.

The post Ozamiz police chief Espenido pararangalan sa papel sa gera kontra droga appeared first on Bandera.

Duterte tinawag na kaibigan ang US

$
0
0

The post Duterte tinawag na kaibigan ang US appeared first on Bandera.

Faeldon absent, may dental emergency

$
0
0

Dismayado ang mga kongresista sa hindi pagsipot kahapon ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa pagdinig ng House committee on dangerous drugs kaugnay ng P6.4 bilyong shabu shipment na narekober sa Valenzuela.
Sinabi nina House Deputy Speakers Miro Quimbo at Fredenil Castro na isang seryosong bagay ang kinakaharap ng Bureau of Customs at tanging heart attack lamang dapat ang pumigil kay Faeldon sa pagpunta sa imbestigasyon.
Sinabi ng isang tauhan ng BoC sa pagdinig an si Faeldon ay mayroong ‘dental emergency’.
Ayon kay Quimbo inaakusahan ang BoC ng anomalya at dapat ay naroon si Faeldon upang malinawan ang mga pangyayari.
“Kahit naka-pustiso dapat nagpunta siya. He is a former officer of the military,” ani Quimbo. “If it’s ‘less than a heart attack, he should show up.”
Hiniling naman ni Castro na magdala ng patunay si Faeldon na siya ay nagkaroon ng dental emergency at hindi lamang ito nagdahilan.

The post Faeldon absent, may dental emergency appeared first on Bandera.

Rain or Shine ipinamigay si Jeff Chan sa Phoenix

$
0
0


ISA na namang mahalagang piyesa mula sa dalawang kampeonato ng Rain or Shine Elasto Painters ang mawawala na sa koponan.

Ito ay matapos ipamigay Lunes ng Elasto Painters si Jeff Chan sa Phoenix Petroleum Fuel Masters kapalit ni Mark Borboran at isang second round Draft pick.

Bunga nito ang beteranong shooting guard ay maglalaro sa kanyang ikatlong PBA team matapos na makuha ng Elasto Painters mula sa Red Bull noong 2009 o ‘yung panahon na binubuo ni coach Joseller “Yeng” Guiao ang isa sa pinakamahuhusay na prangkisa sa pro league.

Kumalas si Guiao sa Rain or Shine sa pagtatapos ng nakaraang season matapos na kunin ang trabaho bilang bagong head coach ng NLEX Road Warriors. Hindi naman nagawang makabangon ng Elasto Painters matapos mawala si Guiao.

Bago si Chan, pinakawalan din ng management ang dating franchise player nitong si Paul Lee ilang oras matapos na lumabas ang balitang lumipat na si Guiao sa ibang koponan.

Si Lee ay nasa Star na at maituturing na malaking bahagi ng kinabukasan ng Hotshots.

Ipinamigay din ng Rain or Shine si JR Quinahan sa GlobalPort bago ito ipinadala ng Batang Pier makalipas ang ilang buwan sa Road Warriors para muling makasama si Guiao.

Huling nagkampeon ang Rain or Shine noong 2016 PBA Commissioner’s Cup kung saan si Pierre Henderson-Niles ang import nito.

The post Rain or Shine ipinamigay si Jeff Chan sa Phoenix appeared first on Bandera.


Ara may ipinasok na kaanak sa rehab: Kaya inis na inis din ako sa mga pusher!

$
0
0

PINAGBINTANGAN ng iba si Ara Mina na naging tulay sa magkarelasyong Sunshine Cruz at Macky Mathay. Pero nilinaw ng aktres na wala siyang kinalaman kung paano nagsimula ang love story ng dalawa na parehong hiwalay sa kanilang respective spouses.

Ayon kay Ara, magkasama sila ni Sunshine na umattend ng wedding sa Brunei nu’ng sabihin sa kanya ng ex-wife ni Cesar Montano kung meron siyang brother na nagngangalang Macky Mathay.

“They thought ako ‘yung nagpakilala sa kanilang dalawa. Actually, hindi. ‘Yung brother ko in-introduce niya ang sarili niya kay Sunshine,” lahad ni Ara sa presscon ng bagong indie movie niya titled “Adik” under BJP Film Productions directed by Neal “Buboy” Tan.

Nag-direct message raw si Macky sa Instagram account ni Sunshine. Nagulat pa si Ara when she was informed by Sunshine na nag-DM sa kanya si Macky. Kilala raw kasi ni Ara ang kanyang half-sibling na mahiyain.

Pero mabait naman daw ang brother niya at matagal nang hiwalay sa misis niya na si Camille Fariñas, “I’ll be happy for them kung umabot man sila sa wedding. They deserve each other. Alam ko ‘yung pinagdaanan ng brother ko, e. Alam ko rin ang pinagdaanan ni Sunshine,” pahayag ni Ara.

Ipagdarasal niya na hindi na maghiwalay ang dalawa. Mismong si Sunshine ang nagsabi sa kanya na napakabait ni Macky.

Sa wake ng yumaong manager ni Sunshine na si Alfie Lorenzo, inamin niya sa veteran writer na si Ed de Leon na hindi niya akalain na may lalaki pang tulad ni Macky.

“Sinasabi ni Sunshine sa akin, ‘Sis, siya na lang ang huling lalaki para sa akin. Ayoko na ng iba. Talagang hindi ko na papakawalan ‘to.’ Kasi alagang-alaga siya ng kapatid ko,” kwento pa ni Ara. “Kaya sana ma-annull na sila pareho. Nag-move on na pare-pareho!”

Towards the end ng presscon ng “Adik” ay biglang napaluha si Ara when asked kung ano ang gagawin niya kapag nalaman niya na merong malapit sa kanya ang gumagamit ng illegal drugs.

Inamin ni Ara that a relative of hers ang dinala niya sa rehab recently. Pero nakiusap sita na huwag nang sabihin ang name nito to protect his privacy.

“Siyempre sad talaga ako, kaya talagang naiinis din ako sa mga pusher. Nabarkada kasi siya sa mga pusher. Kaya naiyak ako kasi nakaka-relate ako sa movie namin,” lahad pa ng aktres.

Umaasa naman si Ara na makaka-recover ang kanyang kapamilya at makapag-bagong buhay muli paglabas ng rehab.

Gaganap si Ara bilang tiyahin ng bida sa pelikulang “Adik” na si Kevin Poblacion na baguhan pa lang sa industriya pero nagpakitang-gilas na sa kanyang launching film. Kasama rin sa movie sina Rosanna Roces, Liz Alindogan, Gino Ilustre, Miggy Campbell at Eagle Riggs.

“Si Kevin as a newbie, he’s not bad. Hindi ako nahirapan kaeksena siya. Kasi meron din akong nakakaeksena na…nararamdaman ko na kulang pa. So, mino-motivate ko pa. Kay Kevin hindi ko siya masyadong minotivate kasi, natural ‘yung acting, e,” paliwanag niya.

The post Ara may ipinasok na kaanak sa rehab: Kaya inis na inis din ako sa mga pusher! appeared first on Bandera.

Ian mas dumami ang proyekto sa edad na 42

$
0
0

IAN VENERACION

WALANG duda, ka-level na rin nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz at Jericho Rosales ang Kapamilya leading man na si Ian Veneracion na humahataw ang career ngayon sa ABS-CBN.

Nakilala si Ian noong early ‘90s nang una siyang lumabas bilang ang cute at charming na si Jeffrey Laperal, anak ni Joey de Leon sa sitcom na Joey & Son. Nagpatuloy ang showbiz career ng aktor hindi lang sa telebisyon kundi maging sa pelikula kung saan sari-saring papel na ang kanyang ginampanan.

Dalawa sa pinakahuling pelikula niya ay ang internationally-acclaimed psychological thriller na “Bliss” at ang Filipino indie supernatural horror film na “Ilawod.”

Sa edad na 42, muling naging matunog ang pangalan ng aktor na ngayon ay mas kilala bilang si Antonio “Anton” Noble IV sa seryeng A Love To Last kasama ang kanyang ka-loveteam na si Bea Alonzo. At siyempre, sino ang makakalimot sa kanyang pagganap bilang si Eduardo Buenavista sa 2015 remake ng Pangako Sa ‘Yo, ang role na muling nagpaingay sa kayang pangalan.

Pero hindi lang pagiging aktor ang kayang gawin ni Ian dahil maliban sa pagiging artista, isa rin siyang pintor, atleta, piloto, chef at mabuting asawa at anak. Kaya hindi na nakapagtataka kung tulad nina PJ, Lloydie at Echo ay dumami na rin ang kanyang product endorsements, kabilang na nga riyan ang Conzace na isang multivitamin (plus minerals) na siyang katuwang niya ngayon upang mas maging malakas, malayo sa sakit at iwas-haggard.

Pormal siyang ipinakilala ng United Laboratories, Inc. (UNILAB) bilang isa sa kanilang mga bagong brand ambassadors.

“Isang karangalan na maging bahagi ng UNILAB family para sa Conzace,” ani Ian. “Nagpapasalamat ako sa opportunity at naniniwala ako na malaki ang maitutulong ng produktong ito sa milyon-milyong Filipino kagaya nang kung paano ito nakatulong din sa akin.”

Sabi ni Conzace assistant product manager Mike Jimenez, ang pagkakapili kay Ian bilang brand ambassador ng kanilang produkto ay perfect match, “Si Ian ay ang epitome ng superior immunity and good looks. Ang Conzace ay may clinically-proven ZACE formulation (Zinc, Vitamins A, C at E). At gaya nito, napatunayan na rin ni Ian ang kanyang kakayahan at kahusayan sa kanyang larangan.”

The post Ian mas dumami ang proyekto sa edad na 42 appeared first on Bandera.

Michael waging Best Male Artist of the Year sa MOR Pinoy Music Awards

$
0
0

SAYANG at hindi ako nakasama sa MOR Pinoy Music Awards last Saturday na ginanap sa KIA Theater because I was supposed to watch Celeste Legaspi’s concert sa The Theater sa Solaire.

Kaya lang, late na akong natapos sa work ko at impossible na ring makahabol ako sa Solaire at lalo na sa KIA dahil mas maaga silang nagsimula. Hindi ko tuloy natunghayan ang pagkapanalo ng alaga kong si Michael Pangilinan as Best Male Artist of the Year for his hit song “Hanggang Kailan” written by Rox Santos and Cynthia Roque.

Sa Facebook ko na lang nakita ang picture ni Michael receiving his trophy at may kodakan with some of his friends sa music industry. Then I got a text message from his production assistant Loloy na nanalo nga ang Sir Michael niya. I texted Michael a congratulatory message and he responded naman.

Siyempre happy ako sa pagkapanalo ng alaga ko though hindi na kasing-init ng excitement ko nu’ng nagsisimula pa lang kami. Marami na kasing nangyari at marami pang malalaking magaganap in the next months. Sinasanay ko na ngayon ang sarili ko na oks-oks lang. Na hindi na masyadong nagpapaka-excited or nagpapaka-stress para pagdating nang tamang panahon ay casual lang na dadaan ang lahat.

You know naman siguro what I mean, let’s not go into details na lang. Basta ako, lahat ng mga alaga ko at naging alaga ko at magiging alaga ko in the future, may nakalaan akong pagmamahal sa mga iyan. But now it must be controlled para mawala man sila sa akin one day, di na ganoon kasakit. Basta kami ni Michael, okay kami ngayon. Pero hanggang December 31, 2017 na lang ang management contract namin.

No hard feelings iyan. Yan ang napagkasunduan namin. Whatever happens one day, this guy will really go places. He has enormous talent to bring him to a much higher level. Basta alagaan lang niya ang career niya when the times comes.

Michael is pretty booked until December. Left and right ang inquiries on him at kapag maayos naman ang usapan tinatanggap ko. I inform him. Kasi nga naman, baka hindi niya feel ang ibang offers, mabuti na yung siya ang magdesisyon, di ba? Ayokong masisi in the end. Unlike when he was new, when they were all new, I mean – speaking for all my artists, basta alam kong makatutulong sa mga karera nila, tinatanggap ko, ke may bayad or gratis. Wala ka namang maririnig sa kanila, kasi nga mga bago pa lang. But now, it’s different na.

May mga sariling plano na iyan sa mga buhay at karera nila. Pangit naman yung tanggap lang ako nang tanggap tapos in the end ay di pala sila masaya. So far, so good. Pero until December na nga lang kami this year. I hope by then, makaalagwa na rin ang dalawa ko pang new singers – sina Kiel Alo and Ezekiel Hontiveros. Kung hindi man this year, for sure, in the next months after 2017, tama? Malay natin, no one knows what the future brings.

Someone asked me, “Kanino lilipat si Michael?” Ang sabi sa akin ni Michael ay magsi-self manage na lang daw muna siya. Well and good, di ba? Hindi ko naman ma-imagine na magpapa-manage siya sa Cornerstone dahil kaaway ko ang manager nila. That would be the end of the world pag nagkataon. Ha! Ha! Ha! Hindi naman siguro gagawin ni Michael sa akin iyon. Pero malay natin, the fact that he is leaving my stable, anything can happen pa rin.

Basta ako, I wish Michael the best in everything as far as his career and life is concerned. Kasi nga, siya ang kauna-unahan kong baby na talagang tsinaga ko from start to wherever he is now. Mabait na bata naman iyan pero just like any artist, may mood swings din. Pero sakay ko na ang utak ng batang iyan. Malambing, thoughtful and generous. But would you believe na hanggang text and calls lang kami lately for more than a month already?

Hindi pa kami nagkikita ulit kasi sobrang busy kami pareho. One day ay magkikita rin kami niyan sa ibang events na natanguan namin. Basta ako, nandito lang ako for all of them. Nanay ako, eh. Ganyan ang mga nanay, magaling sa tiisan.

q q q

Nakakatuwa naman ang alaga kong si Kiel Alo, gusto raw niyang mag-action star. Kaloka, di ba?

Nakatikim lang mag-shooting ng indie film, gusto nang mag-shift from singing to being an action star.

Nu’ng isang araw ay nag-shooting sila nina Token Lizares for an indie movie, he plays the drug addict son of Token. Na-enjoy yata ng bagets ang mga eksena niya kaya ganu’n.

Hoy, Kiel! Mag-concentrate ka sa pagiging singer dahil iyon ang strength mo. Pinagbigyan lang kitang mag-artista in this film dahil di ko lang matanggihan si Token. By the end of the year, baka ma-release na ang first single mo kahit digital lang, wala pa kasi akong dahtung. Ha! Ha! Ha! Tiyaga-tiyaga muna hanggang makaipon, okay?

The post Michael waging Best Male Artist of the Year sa MOR Pinoy Music Awards appeared first on Bandera.

Beauty, Bianca level-up ang bugbugan sa ‘Pusong Ligaw’

$
0
0

BEAUTY GONZALES AT BIANCA KING

TULUY-TULOY  na ang mabibigat at madadramang eksena sa favorite n’yong afternoon series na Pusong Ligaw. Siyempre, inaabangan pa rin ng madlang pipol ang mga nakakaloka at level-up na confrontation scene nina Bianca King (Marga) at Beauty Gonzales (Tessa).

Siguradong pagod na pagod sina Bianca at Beauty pagkatapos ng mga “fight scene” nila sa Pusong Ligaw dahil bukod sa iyakan ay todo rin ang kanilang pisikalan, lalo na nitong mga huling eksena nila sa serye kung saan hindi lang mahahabang dialogue ang pinakakawalan nila kundi pati na rin ang kanilang mga “bugbugan.”

At sa itinatakbo ngayon ng kuwento, mukhang muling magkakamabutihan sina Tessa at Caloy (Joem Bascon) ngayong galit na galit na sa kanila si Jaime (Raymond Bagatsing). Hanggang saan kaya nila kayang pigilan ang kanilang nararamdaman para sa isa’t isa?

At in fairness ha, ang laki na ng improvement sa akting ni Enzo Pineda bilang si Rafa na hindi nagpapalamon sa galing ng mga kasamahan niya sa serye. Nagsa-shine nang todo ang binata sa mga eksena nila nina Raymond at Beauty.

The post Beauty, Bianca level-up ang bugbugan sa ‘Pusong Ligaw’ appeared first on Bandera.

Paolo Duterte hindi ipapatawag sa shabu shipment probe

$
0
0
Walang nakikitang basehan ang isang lider ng Kamara de Representantes upang ipatawag sa pagdinig kaugnay ng P6.4 bilyong shabu shipment ang anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
    Ayon kay House committee on ways and means chairman Dakila Cua nais muna nilang matiyak kung ang tinutukoy ng testigo na si Mark Taguba na kabilang sa tumatanggap ng tara sa Bureau of Customs si Paolo.
    “We will look into it. Kapag sinabi ni Mark sa tingin niya [involved si Duterte], then we will proceed. Kapag sinabi niyang hindi, then what’s the basis?” ani Cua. “It will depend on the statement of Mark Taguba next time if he believes we should (invite him) or not.”
    Sinabi ni Taguba na mayroong gumagamit sa pangalan ni Paolo sa BoC upang humingi ng tara o lagay para sa Davao Group. Ang kumukuha umano ng pera ay sina “Tita Nani”, “Jake,” at “Small”.
    Inamin naman ni Taguba na hindi niya kilalang personal si Paolo.
    Si Taguba ang umano’y naglabas ng container van kung saan nakatago ang P6.4 bilyong halaga ng shabu. Binigyan siya ng legislative immunity upang masabi niya ang lahat ng kanyang nalalaman ng walang pagaalinlangan na makakasuhan dahil sa kanyang testimonya.
    Nauna rito, iniugnay si Paolo ni dating Davao police Arthur Lascañas sa isang drug shipment mula sa China.
30

The post Paolo Duterte hindi ipapatawag sa shabu shipment probe appeared first on Bandera.

Bandera Lotto Results, August 07, 2017

$
0
0
LOTTO GAME COMBINATIONS DRAW DATE JACKPOT WINNERS
Megalotto 6/45 04-33-45-35-20-24 07/08/2017 26,951,612.00 0
4Digit 3-8-9-1 07/08/2017 25,811.00 44
Suertres Lotto 11AM 3-0-6 07/08/2017 4,500.00 769
Suertres Lotto 4PM 0-6-4 07/08/2017 4,500.00 323
Suertres Lotto 9PM 7-0-0 07/08/2017 4,500.00 337
EZ2 Lotto 9PM 19-10 07/08/2017 4,000.00 332
EZ2 Lotto 11AM 30-31 07/08/2017 4,000.00 208
EZ2 Lotto 4PM 26-26 07/08/2017 4,000.00 236
Grand Lotto 6/55 18-11-20-44-55-33 07/08/2017 30,000,000.00 0

The post Bandera Lotto Results, August 07, 2017 appeared first on Bandera.

DU30 inaming walang pondo para sa implementasyon ng free tuition law

$
0
0

INAMIN ni Pangulong Duterte na wala pang pondo para tiyakin ang pagpapatupad ng libreng tuition fees sa state universities and colleges (SUCs) sa kabila ng paglagda niya rito bilang ganap na batas.

‘Yan nga ang problema ngayon. Gusto kong tanungin sa inyo. Mag-konsulta ba ako. Ewan ko. Tignan natin kung saan. Kasi ‘yung pag-approve ng Congress… Alam man nila walang trabaho — ay walang pera Eh pagdating sa’kin, alam ko man na walang pera. Pirmahan natin ito. Eh ‘di sige,” sabi ni Duterte.

Matatandaang pinirmahan ni Duterte ang Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act noong Agosto 3 na naglalayong tiyakin ang libreng tuition sa mga SUCs, local universities and colleges at mga state-run technical-vocational schools.

“Tapos ang pera, pagdating sa enrollment na… ‘Yan ang problema natin,” ayon pa kay Duterte.

Nauna nang inirekomenda ni Budget Secretary Benjamin Diokno kay Duterte na i-veto ang batas, bagamat ibinasura ng pangulo.

The post DU30 inaming walang pondo para sa implementasyon ng free tuition law appeared first on Bandera.


Bakbakan at habulan sa ‘Double Barrel’ pag-uusapan sa #ShowbizLive

$
0
0

Makakasama bukas sa #ShowbizLive ang 2016 Best Supporting Actress ng Metro Manila Film Festival na si Phoebe Walker.

Handang-handa na si Phoebe na pag-usapan ang latest film kung saan kabilang siya sa main cast na Double Barrel along with AJ Muhlach, Jeric Raval at Ali Khatibi.

Nakilalasi Phoebe sa kanyang Best Supporting actress role sa Seklusyon noong nakaraang taon. Lumabas na rin si Phoebe sa mga pelikulang Gayuma at Unconventional. Naging miyembro din siya dati ng girl group na Eurasia.

Ngayon, very sexy ang dating niya sa action-packed film na Double Barrel under Viva Films. Gagampanan nya ang papel ni Martha, na isang asawa ng drug pusher na si Jeff (AJ). Nahuli si Jeff ng mga pulis, at nang magkaroon ng banta ang buhay nya ay nagmakaawa ito sa mga pulis. Ginawa naman siyang asset ng mga ito upang mahuli ang mga drug lord at samahan sila para patayin ang mga ito.

Maraming eksena ang aabangan sa Double Barrel at isa na nga rito ang magaganap na steamy love scene nina Phoebe at AJ na hubo’t hubad pang kinunan.

Ayon naman kay Phoebe, nang ginawa ang naturang love scene ay nakaplaster naman ang dalawa at walang nasilip sa maseselang bahagi ng kanilang katawan. Gentleman na gentleman naman din daw si AJ na prinotektahan siya habang sinoshoot ang eksena.

Base sa tunay na kwento, ang pelikulang ito ay puno ng makatigil hiningang mga aksyon, bakbakan at habulan.

Makipagkwentuhan kasama si Phoebe Walker LIVE bukas, Wednesday 8PM sa Radyo Inquirer 990 at Radyo Inquirer 990 Television. Mapapanood din kami ng live via Facebook sa FB pages ng Inquirer.net at Bandera pages.

The post Bakbakan at habulan sa ‘Double Barrel’ pag-uusapan sa #ShowbizLive appeared first on Bandera.

SC pinayagan ang curfew sa Quezon City, ngunit hindi sa Maynila, Navotas

$
0
0

PINAYAGAN ng Korte Suprema ang curfew para sa mga menor-de-edad sa Quezon City.

Sa naging deliberasyon, pinaboran naman ng Kataastaasang Hukuman ang ilang bahagi ng petisyon na inihain ng grupong Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK).

Nauna nang inihain ng grupong petisyon na humihiling sa Kataastaasang Hukuman na ideklarang unconstitutional ang mga ordinansa kaugnay ng curfew sa Maynila, Quezon City, at Navotas.

Iginiit ng Korte Suprema na constitutional ang Quezon City Ordinance No. SP 2301, Series of 2014. Layunin ng ordinansa na magpatupad ng curfew sa mga menor-de-edad sa mula ganap na alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

“The parent or guardian of the curfew violator will be penalized for allowing the minor to go out during this period, either ‘knowingly or by insufficient control,” sabi ng ordinansa ng Quezon City.

Ibinasura naman ng Korte Suprema ang ordinansa ng Maynila at Navotas hinggil sa pagpapatupad ng curfew.

The post SC pinayagan ang curfew sa Quezon City, ngunit hindi sa Maynila, Navotas appeared first on Bandera.

Magnitude 4.1 lindol sa Maguindanao

$
0
0

Niyanig ng magnitude 4.1 lindol ang Maguindanao ngayong hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-2:21 ng hapon.
Ang sentro ng lindol ay 43 kilometro sa kanluran ng bayan ng Upi. May lalim itong 19 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagdulot ito ng Intensity I paggalaw sa Zamboanga City.

The post Magnitude 4.1 lindol sa Maguindanao appeared first on Bandera.

UP kinansela ang koleksyon ng tuition fee ngayong semester

$
0
0

WALA nang kokolektahing tuition fee ang University of the Philippines (UP) system ngayong semester, inihayag ng state university.

Nauna nang pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act noong Agosto 3.

Nagpalabas si UP President Danilo Concepcion ng bagong panuntunan kaugnay ng pagbabayad ng tuition at iba pang mga fees para ngayong school year.

May petsa ang memo na Agosto 7 at inilabas ngayong araw.

Inaprubahan ang bagong panuntunan ng UP Board of Regents, ang pinakamataas na decision-making body  ng unibersidad, matapos ang isinagawang referendum.

“All Filipino undergraduate students are qualified except those who already hold an undergraduate or bachelor’s degree, those who fail to meet admission and retention rules, and those who exceed the maximum residency requirement prescribed by the university. Students of medicine and law are also not covered by the provisions,” sabi Concepcion.

The post UP kinansela ang koleksyon ng tuition fee ngayong semester appeared first on Bandera.

Ayen Laurel 5 buwang buntis kaya pinatay sa serye ng Kimerald

$
0
0

NAPANOOD namin ang episode ng Ikaw Lang Ang Iibigin nitong Lunes, namatay na ang karakter ni Ayen Munji-Laurel na si Victoria dela Vega, asawa ni Roman dela Vega (Michael de Mesa) na siyang tunay na ina ni Carlos (Jake Cuenca).

Tinanong kami ng kasama namin sa bahay kung magtatapos na ang serye dahil nalaman na rin daw ni Bing Loyzaga (Maila) kung sino ang nangholdap at pumalo sa kanya na naging sanhi ng kanyang pagkabaldado, sinabi na ni Victoria sa kanya na si Rigor (Daniel Fernando) ang nasa likod ng lahat.

Nagtanong kami sa taga-ABS-CBN kung bakit pinatay na sa serye si Ayen at kung magtatapos na rin ito, “Five months pregnant po kasi si Ms. Ayen, e, bawal na sa kanya ang magpuyat at hirap po siya sa pagbubuntis niya.

“Need niyang magpahinga so, she requested na patayin na ‘yung character niya. Siyempre priority po ang health saka in-inform naman niya ang management before the show starts,” kuwento sa amin ng taga-Dos.

Panglimang anak na ni Ayen at ng kanyang asawang singer-actor na si Franco Laurel ang ipinagbubuntis nito.

In fairness, na-redeem ni Ayen ang karakter niya bago siya nawala sa show dahil inamin niya kay Bing kung sino ang may kasalanan ng kanyang pagkapilay. Ang hindi lang niya sinabi kay Michael ay ang tungkol kay Gerald Anderson (Gabriel) na tunay niyang anak dahil ayaw niyang maghirap ang anak niyang si Carlos kay Rigor.

Palaisipan tuloy sa manonood kung sino talaga ang nagtulak kay Ayen para mahulog siya sa building?

Sabi ng kasama namin sa bahay, “Naku ate, si Roman (Michael) ‘yan kasi nga sobrang galit niya at ayaw niyang mapunta sa iba kasi nga itinakas na siya ni Carlos.”

The post Ayen Laurel 5 buwang buntis kaya pinatay sa serye ng Kimerald appeared first on Bandera.

Viewing all 44581 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>