Quantcast
Channel: Bandera
Viewing all 44083 articles
Browse latest View live

Janine super mami-miss ang pa-lechon ni Paulo; inaatake ng ‘sepanx’ sa ‘paghihiwalay’

$
0
0

Janine Gutierrez at Paulo Avelino

INISA-ISA ng Kapamilya actress na si Janine Gutierrez ang mga mami-miss niya kay Paulo Avelino ngayong malapit nang matapos ang teleserye nilang “Marry Me, Marry You.”

Aminado naman sina Pau at Janine na talagang mas napalapit pa sila sa isa’t isa habang ginagawa ang programa pati na ang iba pa nilang mga kasamahan dito.

Sa katunayan, “sepanx” (separation anxiety) is real nga raw sa kanilang paghihiwa-hiwalay matapos ang ilang buwang lock-in taping.

“Mas mahirap ‘yung sepanx na nami-miss mo ‘yung fellow cast members dahil naka-bubble kami. At araw-araw naming nakikita ‘yung isa’t isa. Sabay-sabay kami kumakain,” pahayag ni Paulo sa ginanap na “Marry Me, Marry You” finale mediacon kamakailan.

Sinang-ayunan naman ni Janine ang mga hugot ni Paulo at talagang mami-miss daw niya ang mga kasamahan nila sa serye. Sa katunayan, talagang naiyak pa siya sa last taping daw nila.

“Ang mahirap talaga for me ay ‘yung ‘di mo na makikita ulit ‘yung mga mamang, mga madir mo, at ‘yung family mo. At si Papang. ‘Yun talaga ‘yung nagpaiyak sa ‘kin nung mga last tapings namin kasi grabe ‘yung samahan na nabuo namin,” sey ni Janine.

Isa raw sa siguradong hahanap-hanapin niya ngayong tapos na ang kanilang taping ay ang pagpapa-lechon ni Paulo sa set kahit walang okasyon. 

“Mami-miss ko ‘yung pa-lechon ni Pau kasi may time na palagi siya nagpapa-lechon on set kahit walang birthday. Nami-miss ko na inuunahan ko siya sa set,”  natatawang chika ng dalaga.
Ano naman ang mga paborito nilang eksena sa serye na talagang tumatak sa kanila? 

“Favorite scene ko ‘yung mga kulitan ng mag-asawa. ‘Yung mga nakakatawa nung sinu-shoot na namin ni Pau. Ginagawa ba talaga natin ‘to. ‘Yung parang may kababalaghang nangyayari sa sala tapos may pumasok na tao ta’s kailangan magtago,” sagot ni Janine.

“O ‘yung naliligo ako tapos bigla siyang papasok. ‘Yung mga eksena na ako as a viewer, hindi ko pa napapanood sa teleserye na super light, charming and sweet way,” aniya pa.

Sabi naman ni Paulo, yun din daw ang paborito niyang mga eksena sa “Marry Me, Marry You”.

Janine sa pagtatrabaho sa ABS-CBN: I’m so happy to be here at naramdaman ko yung alaga…

Paulo, Jake ibinuking ni Janine: Pareho silang bully, lumabas ang tunay nilang pagkatao! Char!

Paulo sa muling pagsabak sa lock-in taping: Pinakamahirap na part yung naho-homesick ka

The post Janine super mami-miss ang pa-lechon ni Paulo; inaatake ng ‘sepanx’ sa ‘paghihiwalay’ appeared first on Bandera.


Online seller ng kakanin may 10 anak na sa edad 43; hinangaan ng mga Dabarkads

$
0
0

Riza Torres kasama ang 10 anak

HINANGAAN ng mga Dabarkads at loyal viewers ng “Eat Bulaga” ang isang nanay na nagawang buhayin at alagaan ang 10 anak sa kabila ng hirap ng buhay.

Isa ang 43-years-old na si Riza Torres na tubong-San Pedro, Laguna, sa mga naging choices sa “Bawal Judgemental” segment ng “Eat Bulaga” kung saan tampok ang mga magulang na may siyam na anak o higit pa.

Dito nga nabanggit ni Riza na sa edad niyang 43 ay meron na siyang 10 anak at 17 years old daw siya nang isilang ang kanyang panganay na 27 na ngayon.

Pero paglilinaw ni Riza, “May mga pagitan naman po, yung una po kasi 27, yung sumunod po 26, tapos 24, 23, 21, 18, 15, 12, 8, at 6 (bunso).”

Kuwento ng nanay, kahit daw napakahirap ng buhay ngayon lalo pa’t may pandemya pa rin, masaya naman daw ang kanyang pamilya.

“Sa awa at tulong po ng Diyos, okay naman po, nakakaraos naman po kahit paano,” pahayag ni Riza.

Chika pa niya tungkol sa ginagawang pagtulong sa kanya ng 10 anak, “Lahat po sila may kani-kaniyang gawain, kung ano po kasi yung itinuro sa akin ng mga magulang ko.

“Kung paano i-manage yung mga bata gaya ng ‘ganito ang gagawin mo ganito naman sa inyo,’ kaya po lahat ng mga anak ko kahit na marami sila, alam po nila yung gagawin nila.

“Hindi naman po sila gaya ng ibang kabataan na lumaki sa kalye,” aniya pa.

Hindi rin daw issue sa kanila ang hatian pagdating sa pagkain, “Hati-hati po talaga ‘yun. Sa totoo lang po hindi naman po sila mapili, kung ano naman po yung hinahain namin, kunwari po gulay, lahat po sila kakain.”

Noon daw ay sa palengke nagtitinda si Riza pero nang magkaroon ng pandemya ay nawalan na sila ng puwesto hanggang sumabak na rin siya sa online selling.

“‘Yun pong mga kakanin po na niluluto ko kapag ka ganitong panahon (Pasko at Bagong Taon) meyo mabili po, yung mga nakaraan po talagang down po kami, nawalan din po ako ng pwesto sa palengke,” aniya pa.

Katulong daw niya ang mga anak sa pagpapago ng kanilang kakanin business online. Marami rin daw siyang natututunan sa kakapanood ng video sa YouTube tungkol sa paggawa at pagbebenta ng kakanin.

“Nanood lang po ako ng nanood sa YouTube kung paano gumawa ng kakanin para po makatulong sa mister ko, doon ko po natutunan lahat, step-by-step.

“Tapos kung paano siya ibenta, nag-umpisa lang po ako sa pagpapatikim sa mga anak ko, tapos sabi po ng mga anak ko na ‘Mama ang sarap ng luto mo. ibenta po natin ‘yan Ma tutulungan ka namin,'” pahayag pa niya.

Mensahe naman niya sa 10 anak, “Wala na po akong ibang masasabi sa mga anak ko kasi tumutulong po sila sa akin.

“Sa lahat, sa gawain, sa paghahanap-buhay naiintindihan po nila yung sitwasyon namin ngayon. Proud po ako sa kanilang lahat,” lahad pa ni Riza.

Maja Salvador official EB Dabarkads na!

Bossing kay Tito Sen: Saan ka man dalhin ng iyong kapalaran nasa likod mo ang buong Eat Bulaga!

The post Online seller ng kakanin may 10 anak na sa edad 43; hinangaan ng mga Dabarkads appeared first on Bandera.

Karen Davila, pamilya tinamaan na rin ng COVID-19: We are recovering quite well

$
0
0

Karen Davila

KINUMPIRMA ng Kapamilya broadcast journalist na si Karen Davila na tinamaan na rin ng COVID-19 ang kanyang pamilya.

Ito’y matapos kumalat ang chika na naka-isolate na umano ang ilang staff ng Kapamilya news program na “TV Patrol” matapos magpositibo ang isang make-up artist.

Wala pang inilalabas na official statement ang ABS-CBN hinggil dito kaya wait na lang tayo kung totoo o fake news lamang ang lumabas na balita.

Kasunod nga nito, inihayag ni Karen na totoong nagka-COVID ang kanyang pamilya matapos mag-celebrate ng holiday season sa Boracay kung saan nakasama rin niya ang ilang kaibigan sa showbiz.

“I think it’s also the perfect opportunity for me to share with the public, as I was seeing that clip, that my own family tested positive for COVID. 

“We are COVID positive after we arrived from the holidays, this coming New Year,” ang pahayag ni Karen sa nakaraang episode ng programa niyang “Headstart” sa ANC.

Siniguro rin ni Karen na maayos -ayos na ang kanilang health condition ngayon matapos ang ilang araw na self-quarantine. Aniya, “We are recovering quite well.” 

Sabi pa ng news anchor, ang kanyang 14-year-old na anak na si Luke ang unang nag-positive sa COVID-19 matapos sumailalim sa antigen test. 

Nabanggit din ni Karen na naturukan na rin siya at ang anak ng booster shots.

Kuwento pa ng celebrity mom, medyo nanakit ang katawan niya at feeling pagod na pagod bago magpa-swab test hanggang sa malaman nga niya na nahawa pa rin siya ng killer virus kahit bakunado na.

“The first one, I just felt fatigue, and I thought it was because I was on vacation, you know, taking care of the kids,” pahayag pa ni Karen Davila.

Karen kampi kay Isko: Sana lang wala nang ganitong pang-iinsulto porke kalaban sa 2022!?

Payo ni Karen kay Lyca wag basta isuko ang virginity: Magse-sex kayo tapos magbi-break and after that, wala na

The post Karen Davila, pamilya tinamaan na rin ng COVID-19: We are recovering quite well appeared first on Bandera.

Pia nagka-COVID sa UK kahit bakunado na, with booster pa: I eat healthy, I’m active pero nahawa pa rin

$
0
0

Pia Wurtzbach

“GUYS, COVID is so real!” Ito ang ipinagdiinan ng beauty queen-actress na si Pia Wurtzbach matapos kumpirmahin na nagpositibo rin siya sa coronavirus.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinalita ng dalaga na kahit bakunada na siya with matching booster pa ay nahawa pa rin siya ng COVID-19 pati na ang kapatid niyang si Sarah Wurtzbach.

Nag-post ang dalaga sa IG ng litrato ng tasa ng kape kalakip ang mahabang kuwento tungkol sa kanyang COVID-19 journey. Dito nabanggit din niya na kahit pala napaka-healthy na ng lifestyle ng isang tao ay tinatamaan pa rin ng virus.

“Long post ahead. Sharing what happened to me recently.

“I caught COVID here in the UK even though I’ve been fully vaccinated & received my booster shot already. Kumpleto din ako ng flu & pneumonia vaccines.

“I eat healthy & I’m active, but I still got it. I got all the symptoms too. Fever, sore throat, body pain, runny rose, cough, & I also lost my sense of smell & taste.

“It’s not like a regular cold or flu that goes away after a few days. I’ve never been sick for this long, which lasted more than a week,” lahad ni Pia.


Patuloy pa niya, “I’m one day away into completing isolation with my sister, @sarahwurtzbach who also caught it. We both tested negative already, thank God. 

“The worst is through. I am recovering well. I am beyond grateful my parents are safe. Di sila nahawa sakin,” sabi pa ng Pinay Miss Universe.

Kasunod nito, muli siyang nagpaalala sa publiko, “Guys, COVID is so real. My timeline shows that many have/had it too, both in the Philippines & abroad. And the numbers are going up exponentially. 

“Please take this seriously cos anyone can get it no matter how healthy you are. Being fully vaccinated doesn’t stop you from getting the virus but it helps you overcome it. 

“Please follow health & safety protocols. I think it’s the moment you put your guard down, doon ka mahahawa. You think you’re safe & usually yung makakahalubilo mo walang symptoms. 

“Akala mo all is well. Pero, nahawa ka na pala at may possibility na maipasa mo sa iba nang di mo alam,” sabi pa ng dalaga.

“It seems easy for anyone to just break protocols & still go out even when they know they tested positive. Feeling nila, di sila mahuhuli or wala namang nagbabantay. I’ve personally seen other people do this.

“Meron pa diyan, may symptoms na & have the means to get tested pero ayaw nilang maconfirm na may COVID sila, tas lalabas parin. Naku, konsensiya niyo nalang yan. Konting personal accountability, please. 

“Ang dami nang nagkasakit. I don‘t wanna sound preachy but let’s not be selfish & go breaking protocols, hoarding supplies, refusing to get tested & vaccinated.

“I hope we can start 2022 right. Let’s look after one other by getting those jabs, staying in isolation if needed, stop gathering in big groups, frequent hand washing, & please wear those masks properly,” huling paalala ng TV host at aktres.

Kylie Versoza ‘buckle queen’ sa MMFF gabi ng parangal; Paolo Bediones nahawa

Neri, Chito nagdesisyon nang manirahan sa farm: Mas magiging healthy living na talaga kami

The post Pia nagka-COVID sa UK kahit bakunado na, with booster pa: I eat healthy, I’m active pero nahawa pa rin appeared first on Bandera.

John Lloyd pinagtripan ng netizens dahil wala na raw mabiling paracetamol

$
0
0

John Lloyd Cruz

BENTANG-BENTA ngayon ang bagong Kapuso actor na si John Lloyd Cruz dahil sa balitang nagkakaubusan na umano ng paracetamol sa mga drug store.

Kalat na kalat na ngayon ang mga nakakaloka at nakakaaliw na memes ni Lloydie tungkol sa kakulangan daw ng stocks ng paracetamol.

At hindi lang daw ang nasabing gamot para sa lagnat ang nauubos ngayon sa merkado kundi maging ang iba pang klase ng gamot para sa sipon, ubo at trankaso.

Base sa ulat, matapos ang nagdaang holiday season maraming Pinoy nagkasakit lalo na sa unang linggo ng 2022.

At dahil nga sa pagiging endorser noon ni John Lloyd ng isang brand ng paracetamol ay siya ngayon ang napagbalingan ng netizens para hingan ng nasabing gamot dahil wala na raw silang mabili sa mga drug store.

Tulad na lang ng isang Facebook user na personal pang nagpadala ng message sa lead star ng bagong Kapuso sitcom na “Happy ToGetHer” para makiusap na mabigyan sila ng gamot na ineendorso nito noon.
Biro ng netizen kay Lloydie, “Lodi, baka may stock ng biogesic diyan, wala na mabilhan! (Laughing emoji).”

May isang FB user din ang naglabas ng meme kung saan napagtripan naman ang lalaking nakasakay sa jeep na may pagkakahawig kay John Lloyd. 

Sabi sa caption, “Ayan, kakahingi nyo ng paracetamol kay Lloydie nangayayat na. Matagal na syang di endorser nun kaya siguradong wala na rin syang stock!”

May isang netizen naman ang nagbahagi ng litrato ni John Lloyd na namamahagi kunwari ng gamot sa mga taong nakapila sa kanya. 

Samantala, sa gitna ng isyu tungkol sa umano’y shortage ng paracetamol sa bansa, nilinaw naman ng Department of Health at Department of Trade and Industry na wala itong katotohanan. 

John Lloyd, GMA executive nag-meeting na: Exciting times ahead! Abangan!

John Lloyd sa tanong ni Willie kung ready nang ma-in love uli: Handang-handa na!

The post John Lloyd pinagtripan ng netizens dahil wala na raw mabiling paracetamol appeared first on Bandera.

Robin inuna ang mga biktima ni Odette bago umuwi, hirit ni Mariel: Itutuluy-tuloy ko na ang pagiging single mom ko!

$
0
0

Mariel Rodriguez at Robin Padilla

ANG Pasko at Bagong Taon ay parehong mahahalagang okasyon dahil ito ang nilu-look forward ng bawa’t pamilyang Filipino para makumpleto lalo na ‘yung mga wala rito sa bansa.

Pero hindi nangyari ito sa pamilya ni Robin Padilla dahil tumayming na noong araw ng Pasko ay namahagi ng mga tulong ang aktor sa mga naging biktima ng bagyong Odette.

Ito ang kuwento ng asawa niyang si Mariel Rodriguez-Padilla sa kanyang YouTube channel na kinumpirma ngang hindi nila nakapiling si Robin nitong nagdaang holiday season. 

Sa nasabing video ay abalang-abala si Mariel kasama ang angels niya sa bahay sa paghahanda ng kanilang Noche Buena.

“We are preparing for our Christmas eve and ako talaga ang wish ko lang talaga ha, haha, buo ang pamilya and hindi mangyayari dahil nagkaroon ng bagyo.

“And dahil sa bagyo, si Robin nasa out where, na-shock nga ako kasi nagpakamatay akong magluto ng steak tapos ‘yung asawa ko namimigay ng mga milyones. Ha-hahaha!

“Namimigay siya kasi ganu’n siya talaga hindi dahil he’s running for senate or anything kasi ganu’n siya talaga kahit dati pa,” kuwento ng maybahay ni Binoe.

Nagbalik-tanaw pa si Mariel na noong ikalawang taon palang ng kasal nila at wala pa silang anak ay sa Cagayan de Oro sila nag-Pasko dahil nagkaroon doon ng bagyo at isinama siya ni Robin pati pamilya nila para mamahagi rin ng tulong sa mga nasalanta.

At heto, naulit na naman bago mamaalam ang 2021, “This is again, hindi ko masabing sad.  So as you guys know that we were not able to spent Christmas together dahil umuwi siya ng 29 (December), umalis din siya ng 30.

“Kasi feeling niya ‘yung mga needs ng mga people na hindi puwedeng sabihin na ‘holiday kasi ngayon, palipasin ko muna ‘yung holiday at saka ko tutulungan ang mga tao.’

“Hindi ganu’n ang thinking niya kasi ‘yung needs ng mga tao urgent, kaagad ngayon! And siya rin, I’m sure gustung-gusto rin niyang nandito on New Year’s Eve!” kuwento pa ni Mariel.

At dahil malakas ang hangin at ulan sa kinaroroonan ngayon ni Robin ay hirap silang makapaghanap ng mga yero para sa mga gagamiting bubong sa pagtatayo uli ng mga bahay na nasira.

“Sobra akong na-sad kasi sinabi niya (Binoe) bukas (Jan. 1) pa siya uuwi. Kaya ‘yung casting nu’ng Pasko, ‘yun din ang casting nu’ng New Year. Ha-hahaha!” tumawang sabi ng wifey ni Robin.

Pagkatapos ng Media Noche ay nagka-video call sina Mariel at Robin na makikitang nakahiga na sa kanyang kuwartong walang aircon at dinig na dinig ang lakas ng ulan at wala ring ilaw. Bukod tanging ang liwanag ng cellphone ang meron kaya sila nagkakitaan.

“Kami ngayon ay LDR, long distance relationship,” sambit ni Mariel.

Natawa ang asawa at sabay sabing, “OFW ako, eh.”

“Heto, hindi pa nakakauwi may next schedule naman, Palawan naman daw, sabi ko itutuloy-tuloy ko na ang pagiging single mom ko!” sabi ni Mariel at tawang-tawa naman si Robin.

Sabay hirit ng aktor, “Mukha namang happy ka na single mom ka eh.”

“Happy daw ako as single mom, hayan oh (sabay pakita ng wine bottle), ubos na nga ‘yung bote oh,” natawang sabi ng mama nina Isabela at Gabriela.

Pero paggising ni Mariel kinabukasan ay ang ganda na ng aura niya, “Today is 2022, the very first day and guess what, nandito si sir (Robin) umabot siya sandali just for January 1!”

Sabay pakita kay Robin na nakikipaglaro sa mga anak na ayon kay Mariel sa tuwing darating ang hubby niya ay talagang naglalaan ito ng oras para makalaro ang mga anak.

Robin umamin kay Mariel kung kailan huling natukso sa babae; nagseselos sa ‘steak’ ng asawa

Mariel Rodriguez masaya pa rin ba bilang asawa ni Robin Padilla?

The post Robin inuna ang mga biktima ni Odette bago umuwi, hirit ni Mariel: Itutuluy-tuloy ko na ang pagiging single mom ko! appeared first on Bandera.

Xian Gaza ‘sunog na sunog’ sa KathNiel fans, gusto lang daw gumanti kay Barbie; Daniel umalma sa intriga

$
0
0

Daniel Padilla, Barbie Imperial at Xian Gaza

TRENDING ang hashtag #HuwagAngKathniel matapos kumalat ang maintrigang post ng kontrobersyal online personality na si Christian Gaza sa Facebook.

Pinalagan ng mga fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang cryptic message ng binansagang “Pambansang Lalaking Marites” kung saan binanggit pa nito ang palangan ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Ang nakalagay sa FB post ni Xian Gaza, “Karla Estrada Madam, wala po akong balak siraan yung anak n’yo dahil mataas po respeto ko sa mga lalaking kamukha ko. 

“Ang nais ko lang po ay malinawan. Ano pong ginagawa ni Barbie sa bahay n’yo? May namamagitan po ba sa kanilang dalawa ni DJ?” ang pang-iintriga pa ni Xian.

Agad namang ipinagtanggol ng KathNiel fans si Daniel at binasag si Xian nang bonggang-bongga lalo na sa Twitter gamit nga ang hashtag #HuwagAngKathniel. Anila, nananahimik ang celebrity couple at solid na solid ang relasyon ng mga ito.

Tinag naman ng isang grupo ng fans na may handle name na SolidKathNiel si Daniel sa isang photo nila ni Kathryn na may nakasulat na, “Ang Bumangga, Giba” na agad namang nirepalayan ng aktor.

“Salamat haha,” tugon ni Daniel. Dugtong pa niya, “Pero wag n’yo nang pansinin ‘yun. Nonsense.”

Samantala, isa pang KathNiel fan ang nag-post sa Facebook ng kanyang mensahe para ipagtanggol si DJ. Aniya, “Mr. Christian Albert Gaza tagged Ms. Karla Estrada asking what’s the matter between actress Barbie Imperial and Daniel Padilla.

“The obvious answer is, NOTHING. Barbie Imperial is a known friend of Daniel’s sisters Magui and Carmella, and she is also close with Karla Estrada. 

“Do not assume that Xian Gaza has some ‘tea’ to spill, he always know how to get the ATTENTION of social media users. He is just ‘curious’ why she was there at Karla’s home and now spreading false accusations against Daniel Padilla.

“Xian Gaza’s behavior ever since the actress Barbie Imperial, has rejected him, is very alarming. He is obsessed to get her attention and affect her career. He questions EVERYONE who were around her. Creepy isn’t it?”

“He posted a picture of Barbie at their house, a screenshot from Beks Battalion’s Caroling vlog released on December 23. The vlog was filmed on December 19.”

“On December 19, Daniel Padilla was NOT on Karla’s house because he attended an MMFF show in Circuit Makati. On December 20, he hosted a Christmas Party at their home with Kathryn Bernardo.

“As you can see on the conversations attached here, Ms. Ana Lim, Daniel’s relative, has confirmed that Barbie and Daniel NEVER MET. Their house is already a compound where DANIEL LIVES ON HIS OWN. He has his own house/place already. Daniel Padilla already responded to Xian Gaza and called him ‘NONSENSE.’”

“Xian Gaza! You cannot break something that is sure and secure. Kathniel’s overflowing affection for each other is so healthy and strong that no amount of lies and gossip can ruin their relationship,” sabi naman ng isa pang supporter ng KathNiel.

Samantala, sa kanyang Instagram Stories, ni-repost ni Daniel ang isang artikulo tungkol sa issue at tinawag itong “nonsense” at “irrelevant.” Aniya sa caption, “Cheating speculation? Na nanggaling lang sa salita ng isang tao na wala lang magawa?”

Wala pang sagot si Xian Gaza sa pambabatikos sa kanya ng KathNiel fans pati na ng mga tagasuporta ni Barbie.

Xian Gaza pumalag kay Barbie: Bakit hindi si Diego ang magsalita sa publiko?

Xian Gaza biglang kambyo sa pasabog na blind item; Diego, Barbie dedma lang

The post Xian Gaza ‘sunog na sunog’ sa KathNiel fans, gusto lang daw gumanti kay Barbie; Daniel umalma sa intriga appeared first on Bandera.

Jane Oineza nagpaliwanag kung bakit ‘smiley’ ang ipina-tattoo nila ni RK Bagatsing

$
0
0

Jane Oineza at RK Bagatsing

SA season 3 ng “Click, Like, Share”, sina Jane Oneiza at Elmo Magalona ang bida sa episode na “Unseen” mula sa direksyon ni Andoy Ranay na mapapanood tuwing Miyerkules simula sa Jan. 12 handog ng iWantTFC at Dreamscape Entertainment.

Magkarelasyon ang karakter nina Jane at Elmo sa kuwento at mayroon silang events business at isang photographer ang dalaga.

“Basically it’s about choosing love, career or how to handle both at the same time, and it’s about sacrifices,” tsika ni Jane.

At kaya nabanggit na may sacrifices ay dahil magiging abala na si Elmo bilang boyfriend ni Jane sa kuwento kaya bihira na silang magkita kumpara noong walang work pa ang una na lagi silang magkasama sa lahat ng oras.

Kaya naman daw “Unseen” ay dahil doon nila aalamin kung ano ang mas matimbang sa kanila — ang love o career.

Sabi naman ni direk Andoy, talagang realistic ang mga kuwento ng season 3 ng “Click, Like, Share” dahil base ito sa mga nababasa natin sa social media ngayon.

“Yes, because we’re so in it already like the moment we wake up, we get our phone from our bedside table and then we check our social media.

“So, parang ilan na ba ‘yung nag-like, nag-click, nag-share sa ipinost mo kagabi, so parang our lives revolve social media these days kaya ingat-ingat din talaga,” paliwanag ng direktor.

Samantala, natanong namin ang tungkol sa “smiley” tattoo ni Jane at ng boyfriend niyang si RK Bagatsing na tila pinky swear nila sa isa’t isa.

“Yes and biglaan but we had (sabay pakita ng dalawang tuldok na parang mga mata) this is mine and then meron din siya na hindi kumpleto ‘yung smiley kung wala siya. Ha-hahaha!

“Nasa kanya ‘yung smile, so pag magkasama kami, it’s smiley face.  Wala lang, napaka-small but meaningful and I’m happy and it’s cute. Thank you for asking,” kinilig na kuwento ni Jane.

Hirit naman ng host ng virtual mediacon na si MJ Felipe, “Sana all 2022.”

Napahalakhak to the max naman si Jane, “Saka nasa pinky so…anyway…hahahaha!”

“Kaya pala iba ang ngiti, iba ang energy ni Jane ngayong 2022,” tukso uli ni MJ sa dalaga.

At mukha namang boto ang lahat mga taong nakapaligid kina Jane at RK pati na ang kani-kanilang fans dahil wala kaming nababasang nega simula nu’ng inamin nilang opisyal na silang magkarelasyon.

RK, Jane ibinandera ang pagmamahal sa isa’t isa

‘Click, Like, Share’: Body shaming, bullying at iba pang pangit na mukha ng social media

The post Jane Oineza nagpaliwanag kung bakit ‘smiley’ ang ipina-tattoo nila ni RK Bagatsing appeared first on Bandera.


Zephanie ibang-iba ang naging selebrasyon ng Pasko: Ngayon lang uli kami nagpalitan ng regalo

$
0
0

Zephanie Dimaranan

NGAYONG araw, Jan. 7 ang release ng 11-track album ni Zephanie Dimaranan kaya excited ang Cornerstone artist at miyembro ng GEN C dahil pagkalipas ng ilang taon ay nabuo na rin ito sa wakas.

Inamin ng dalaga na nagkaroon ng delay ang paglabas ng album niya dahil sa pandemic, hindi raw kasi nagtuluy-tuloy ang kanyang recoding at shoot ng music videos.

Ang mga awiting kasama sa album ni Zeph ay ang mga sumusunod with their corresponding composers: “Pangarap Kong Parangap Mo” (Jonathan Manalo), “Bawat Daan” (Ebe Dancel), “Sabihin Mo Na Lang Kasi” (Mandy Lorette J. Maderal), “Pangako Ko” (Rex Torremoro/ Elmar Jan Bolano), “Tinadhana Sa ‘Yo” (SJ Gandia), “Magpakita Ka Na” (Miguel Mendoza III), “Lapit” (Yeng Constantino), “Pag-ibig Na Kaya” with Jeremy G (Jonathan Manalo, adapted from “Perhaps Love”), “Isa Pang Araw” (Miguel Mendoza III), “Tinadhana Sa ‘Yo” with Jason Dy (SJ Gandia), at “Bawat Daan” with Ebe Dancel (Ebe Dancel).

Samantala, kinumusta namin kung paano ipinagdiwang ni Zephanie ang Pasko at Bagong Taon kasama ang pamilya niya.

“Dalawa po ito sa pinaka-special na occasions bawat taon. Una po dahil Christmas Day is also my Ate’s birthday and after New year din po birthday naman ng isa ko pa pong Ate. Kaya double celebration po lagi, pero this year, we kept it simple. Sa bahay lang po para safe and mas comfortable.

“Siyempre po nu’ng Christmas Eve, may mga games and exchange gifts po. Then on the 25th, we celebrated it with some of our family and church friends kaya super saya po. 

“Actually, ngayon na lang po ulit kami nakapagtayo ng Christmas tree and nagbigayan ulit ng regalo since nu’ng mga nakaraang taon po, very limited talaga. Kaya masasabi ko po na ibang-iba po ang Pasko ngayon.

“Nu’ng New Year naman po, nag-celebrate kami sa Biñan, Laguna. Kami lang po ng family ko sa rooftop ng bahay namin. Very simple lang din po talaga compared nu’ng mga past years. 

“Iba po ‘yung lamig ng panahon recently kaya mas nakadagdag po sa feels nu’ng Pasko and New Year. Mas naramdaman ko po yung pag-welcome sa Bagong Taon dahil kahit saan po kami tumingin, may fireworks. 

“Super blessed and grateful to be with my family sa mga occassions na to,” sagot ni Zeph sa mga ipinadala naming tanong through her handler.

At ang nilu-look forward niya ngayong 2022, “This 2022, I’m really praying for the pandemic to finally end. Sa mga projects po, of course, the successful release of my first full album. 

“I’m also looking forward to more opportunities locally and internationally. 

“Siguro po, masasabi ko na sa taon na ito, unti-unti na po akong magiging handa sa kahit na anong blessing na ibigay ni Lord sa akin and sa career ko po sa industry,” pahayag pa ng Kapamilya singer.

‘Idol PH’ champion Zephanie handa nang sumabak sa akting; pangarap makatrabaho ang Gold Squad

Idol PH Zephanie Dimaranan binago ang look; umaming ‘crush’ sina Inigo at Darren

The post Zephanie ibang-iba ang naging selebrasyon ng Pasko: Ngayon lang uli kami nagpalitan ng regalo appeared first on Bandera.

Belo may 2 bahay sa isang exclusive village, bakit nga ba nagtatrabaho pa kahit buhay-reyna na?

$
0
0

Vice Ganda at Vicki Belo

MAY dalawa palang bahay ang celebrity cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo — isang para sa mga ginagawa niyang mga vlog at ang ikalawa ay ang private home nila ni Hayden Kho.

Ayon kay Belo, ang bagong bahay nila ang tinatawag niyang “stage house” na siyang madalas makita ng madlang pipol sa kanyang YouTube channel.

Sa bagong vlog ni Vice Ganda na may titulong “House Raid” ay inilibot ni Vicki Belo ang TV host sa kanyang “stage house.”

 Dito nga niya nabanggit na dalawa ang bahay nila na matatagpuan nga sa isang exclusive village sa Makati City.

Inilarawan pa ni Belo ang nasabing bahay na katulad ng ginagamit ng US reality TV star na si Kim Kardashian. May private home rin daw ang sikat na international celebrity na hindi ipinakikita sa publiko.

“Kasi, di ba, itong bahay na ’to, medyo na-overexpose. So sabi namin ni Hayden, kapag may bagong bahay na kami, private lang ’yun. All the ganaps here,” pahayag ni Belo.

Sey ng misis ni Hayden, mas maliit lang daw ng kaunti ang kanilang private home, na may sukat na 2,000-square-meter property. 

Sey pa ni Belo, hindi na sila talaga nag-i-stay sa kanilang 15-year-old home, pero patuloy pa rin nila itong mine-maintain. Naroon pa rin daw ang karamihan sa mga personal niyang gamit.

Aniya, plano rin nilang ipa-renovate ang isang kuwarto roon at gawing private cinema para sa anak niyang producer na si Quark Henares.

Ipinasilip ni Belo kay Vice Ganda ang kanilang living room pati na ang dating bed room nila ni Hayden kung saan napag-usapan din ng dalawa ang tungkol sa sex life ng doktora. 

Sa isang bahagi ng vlog, tinanong ni Vice si Belo kung bakit hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin siya samantalang kering-keri na niyang magbuhay-reyna.

“For me, for other people, kasi I get so happy. You, you’re happiest when you make people happy, right? It’s the same for me. 

“But I don’t know how to be a good, witty comedian. I only know how to make people feel beautiful and condiment. When they do, I’m so happy,” aniya pa.

Vicki Belo, Hayden Kho tumulong sa pagbabakuna sa mga taga-Makati

Hayden gustong magka-baby uli, Vicki may nakakalokang hirit: Hihintayin mong mamatay ako?

The post Belo may 2 bahay sa isang exclusive village, bakit nga ba nagtatrabaho pa kahit buhay-reyna na? appeared first on Bandera.

Bakit nag-sorry si Sharon Cuneta sa mga bumati sa kanya ng ‘happy birthday’?

$
0
0

KC Concepcion at Sharon Cuneta

HUMINGI ng paumanhin si Megastar Sharon Cuneta sa lahat ng mga taong nakaalala at bumati sa kanyang 56th birthday kahapon, Jan. 6.

Todo ang pasasalamat ng OPM at movie icon sa kanyang mga Sharonians at sa mga kaibigan niya in and out of showbiz dahil sa mga bonggang pagbati at mga regalo na natanggap niya.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Mega ng photo collage kung saan makikita ang kanyang mga litrato mula noong bata pa siya, nang magdalaga hanggang sa magkaroon ng asawa at magkaanak.

“Yup – these all me! Thank you so very much to all of you who sent me gifts (though totally unnecessary, truly much appreciated!), cards, text messages to wish me a Happy Birthday today! 

“So sorry po, ‘di ko na kayang i-post isa-isa sa dami! But am thankful to God Almighty for all of you! You are in my (heart). I love you all so much, family, friends, and Sharonians/Sharmy!!! So blessed to have you all in my life,” ang isinulat niyang caption sa kanyang IG post.

Isa sa mga unang bumati kay Sharon ay ang panganay na anak niya kay Gabby Concepcion na si KC Concepcion.

“January 6th has always been a special day. Happy birthday to the Queen! My first best friend, my first valentine, my only mama. May your day be filled with joy, laughter and love. I love you always, and no matter what,” mensahe ni KC sa kanyang nanay.

Ito naman ang birthday message kay Mega ng kanyang kaibigan na na si Judy Ann Santos na itinuturing na niyang parang tunay na kapatid.

“Para sayo kakanta ako ng live nang walang sabi sabi ate @reallysharoncuneta. Para sayo, magluluto ako ng mga paborito mong pagkain agad agad….

“Mula sa pinakasarap na curry hanggang sa pinakamabahong keso ibibigay ko sayo. Ganyan ka kahalaga sa akin. Happy birthday my dearest ate! 

“I love you with all my heart… apdo, balunbalunan, bituka, liver, kidneys, lungs atbp. We love you forever!” pahayag pa ni Juday.

Binati rin siya ni Dimples Romana, “Happy happy birthday to this beautiful soul @reallysharoncuneta who never fails to inspire all of us with her humility, genuine care and love for others and her warmth that I have been blessed to experience many time over.

“I love you Ms Sharon! I’ll be your fan forevs. Praying you’ll have lots of life’s most beautiful surprises.”

Bea na-shock nang muling makita ang dating boss sa ABS-CBN; may bagong ‘baby’ mula kay Dominic

Kylie naka-move on na sa hiwalayan nila ni Aljur: I’m really, really happy now!

The post Bakit nag-sorry si Sharon Cuneta sa mga bumati sa kanya ng ‘happy birthday’? appeared first on Bandera.

Alyssa Valdez, Sofia Andres nag-positive rin sa COVID, muling nagbabala sa publiko

$
0
0

Sofia Andres at Alyssa Valdez

DALAWA pa sa mga nadagdag sa listahan ng mga celebrities na tinamaan na rin ng COVID-19 ay ang professional volleyball star at “Pinoy Big Brother Kumunity” Top 2 housemate na si Alyssa Valdez at Kapamilya actress na si Sofia Andres.

Inihayag ng talent management ni Alyssa na V Management Group na nagpositibo ang dalaga sa virus matapos itong maka-experience ng mild symptoms.

Agad nag-home quarantine ang celebrity housemate nang matanggap ang resulta ng kanyang Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.

Narito ang bahagi ng official statement ng management ni Alyssa, “After experiencing some mild symptoms and confirmatory RT-PCR test, Alyssa tested positive for COVID-19.

“We’d like to thank those who have sent their well-wishes and prayers her way. Please be rest assured that Alyssa is taking the necessary precautions and will be recovering from home.”

Nagpahatid naman ng pasasalamat si Alyssa sa pamamagitan ng Instagram sa lahat ng nagdasal at nagpaabot ng mensahe sa kanya, “Thank you for the prayers and well-wishes. (praying hands and heart emojis). Stay safe everyone!”


Nitong nagdaang ng Bagong Taon, Jan. 1, 2022, itinanghal si Alyssa at ang kapwa niya celebrity housemate na si Aji Salvacion bilang “PBB Kumunity Season 10” Top 2.

Samantala, nag-positive rin si Sofia Andres sa COVID-19 base sa latest post niya sa Instagram ngayong araw, Jan. 7. Nag-celebrate raw siya ng New Year’s Eve habang sumasailim sa self-quarantine.

“After 10 days… finally I’m negative. Please wear your mask, be kind, drink your vitamins, eat healthy & love yourself.

“What a way to start 2022. I know it’s not easy spending New Year’s alone but we have more days & years ahead of us. Be strong,” sabi ni Sofia na kasalukuyang nasa Portugal ngayon kasama ang partner niyang celebrity racer na si Daniel Miranda at ang anak nilang si Zoe. 


Nauna rito, nabalita rin ang pagkakarom ng COVID nina  Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Kapamilya news anchor Karen Davila.

“I caught COVID here in the UK even though I’ve been fully vaccinated & received my booster shot already. Kumpleto din ako ng flu & pneumonia vaccines. I eat healthy & I’m active, but I still got it.

“I got all the symptoms too. Fever, sore throat, body pain, runny rose, cough, & I also lost my sense of smell & taste. It’s not like a regular cold or flu that goes away after a few days. I’ve never been sick for this long, which lasted more than a week.

“The worst is through. I am recovering well. I am beyond grateful my parents are safe. ‘Di sila nahawa sakin,” sabi ng beauty queen-actress.

Sabi naman ng broadcaster na si Karen Davila, nahawa siya ng COVID-19 pati na ang kanyang pamilya at nagpapagaling na sila ngayon.

“Five days ago, our family tested POSITIVE for COVID19. Our 14 yr old son Lucas first tested positive on antigen and we immediately took an RT PCR test as a family.

“Praise God our symptoms are MILD and I believe that is because we have all been vaccinated & 2 have us have had booster shots.

“GUYS. The vaccines work! We are living proof. Get your shots. Get your boosters NOW. Do this out of love for yourself & your family this 2022,” aniya pa.

Alyssa, Anji waging Top 2 sa PBB 10; Madam Inutz, Brenda Mage, Samantha nagbabu na

Sofia mas naging ‘better person’ mula nang maging nanay; Juday, Echo eeksena sa GMA

The post Alyssa Valdez, Sofia Andres nag-positive rin sa COVID, muling nagbabala sa publiko appeared first on Bandera.

Hindi ‘death sentence’ ang OMICRON VARIANT!

$
0
0
omicron

Reuters

Nakakatakot talaga ang biglaang pagdami ng mga bagong COVID-19 cases. Mula 889 noong December 29 at lumipas ang walong araw, aba’y biglang 17,220 na kahapon  at may partida pang 11 laboratoryo na  wala pang resulta.

Ayon sa expert panel ng gobyerno, aabutin daw ng isang buwan ang OMICRON ‘peak’ kung saan maaring umabot sa 30K hanggang 40K ang mga bagong kaso bawat araw.

At kung pagbabasehan ang record ng Omicron sa South Africa, France at UK, super tindi ang paglobo ng mga infections pero mababa ang hospital admissions at mortality o mga namamatay.

Ibang-iba ito nang dumaan sa kanila ang DELTA at mga naunang ALPHA at BETA variants na magkakasabay na tumaas ang “new cases’, hospitalization, at nasasawi.

Siyempre, inaasahan nating ganyan din ang mangyayari sa atin.

Katatapos lamang DELTA variant noong July-September kung saan napakaraming naospital at namatay. Pagkatapos ay biglang bumagsak ito na parang bato at at halos ZERO ang infection rate. Sabi nga ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr., tinalo na raw natin ang DELTA variant dahil sa dami ng nabakunahan at nagkaroon tayo ng ‘adult population protection’.

Pero naging sandali  lang ang ligaya dahil bigla ngang pumasok si OMICRON na sumabay pa sa panahon ng trangkaso, ubo, sipon o “sore throat” ngayong tag-lamig.

Kaya, taranta ngayon ang mamamayan, di masiguro kung OMICRON ba ang sintomas nila.  Pati ang lagnat, ubo ng mga sanggol o mga bata ay suspected COVID na rin. Halu-halong kalamay na.

Siyempre, antigen at RT-PCR ang katapat niyan, at sa mga mahihirap na pamilya, hindi nila makakayanan iyan. Marami riyan ay gamot sa lagnat o trangkaso ang hahanapin. Kaya nga pila ngayon sa paracetamol sa mga botika, at tulad ng inaasahan, kulang na naman sa suplay at siguradong taas presyo na naman.

Pero, ano ba talaga ang sitwasyon? Batay sa  scientific evidence, hindi po ‘death sentence’ ang bagong OMICRON variant. Sa totoo lang , hindi ito katulad ng ALPHA, BETA lalo na ang DELTA na wumawasak sa ‘lungs’ o baga ng tao. Noon, kapag na-DELTA ka,  malamang na ma-intubate o makabitan ka ng oxygen. Kaya nga, ubod ng dami ang nadisgrasya nating kaanak, kaibigan, kakilala at kababayan. Sa buong mundo, 5,484,574 na ang pinatay ng COVID-19.

Dito sa OMICRON, tripleng beses nakakahawa ito at ang tinatamaan ay ang ‘upper respiratory tract’ tulad ng ilong at lalamunan, kaya sipon lagnat at sore throat ang sintomas. Pero, batay sa mga pagsusuri, hindi ito sumisira ng baga at pumapatay. Gayunman, kailangan ring bantayan na hindi maging seryoso at kritikal ang kaso ng bawat pasyente.

At di tulad ng naunang mga COVID-19 variants noon kung saan kabi-kabilang eksperimento ang gamutan na ikinamatay ng marami, iba at mas maganda ang sitwasyon  ngayon.

Una, meron nang epektibong mga anti-Covid 19 pills sa alinmang estado ng karamdaman, maging “mild, moderate, serious o  critical”. Ibig sabihin, kapag tinamaan ka ng virus, merong agaran at mabisang gamot na ibibigay sa iyo at ikaw ay gagaling sa loob ng 5 hanggang 10 araw.

Ikalawa, kapag ganitong may gamot na ang ‘virus’ at alam na ng mga doktor, ang gamutan, ang pandemya ay nakokontrol na tulad nakamamatay na Spanish flu noon, tigdas at marami pang iba. Sa madaling salita, hindi sila nawawala sa paligid katulad na rin ng Covid-19 variants, pero meron nang katapat na medisina at treatment laban dito.

Kaya naman, mahalaga sa ating lahat ang mga susunod na araw.  Haharapin ba nating mga Pilipino ang OMICRON na punung-puno ng takot o haharapin ito ng buong tapang at gising sa kaalaman?

Sa totoo lang mas maswerte tayong lahat ngayon kumpara sa mga kababayan nating nasawi dahil walang gamot noon at walang matinong ‘treatment’ sa COVID-19.

Sila’y mga 51,743 Pilipino na hindi inabot ang biyaya ng mga bagong bakuna, anti-covid pills at mas propesyonal na medical attention na ngayo’y tinatamasa nating lahat.

Isipin natin ang buwis-buhay nilang dinaanan para magabayan sa tamang landas ang ating buong healthcare system . Magpasalamat tayo sa kanila at mas humusay ngayon ang ating mga ospital at mga frontliners at  nakarating tayo ngligtas  sa kinaroroonan natin ngayon.

The post Hindi ‘death sentence’ ang OMICRON VARIANT! appeared first on Bandera.

JC Alcantara naloko ng dating handler: Sinasabi niya sa ‘kin pasisikatin kita

$
0
0

JC Alcantara naloko ng dating handler: Sinasabi niya sa 'kin pasisikatin kita

INAMIN ng baguhang aktor na si JC Alcantara na nabudol siya ng dati niyang handler kapalit ng pangakong pasisikatin siya bilang artista.

Probinsyano kasi si JC at pangarap niya talagang maging artista kaya naman nu’ng alukin siya ng handler niya na pumunta ng Maynila ay kaagad siyang sumama at sumalang sa kaliwa’t kanang audition.

Naikuwento ito ng baguhang aktor sa virtual mediacon sa season 3 ng “Click, Like, Share” na idinirek ni Andoy Ranay na mapapanood na simula sa Miyerkoles, January 12 handog ng iWantTFC at Dreamscape Entertainment.

Aniya, “Di ba uso ‘yun dati sa mga probinsya. E probinsyano ako. Sinasabi niya sa ‘kin pasisikatin kita. Dadalhin kita sa Manila. E ako naman itong probinsyano, pangarap kong maging isang artista.

“Nag-audition ako. Sumama ako pero walang nangyayari tapos nagbibigay akong pera. Ako naman ‘tong tanga (ramdam na niloloko na).

Payo ni JC sa lahat na huwag basta magtitiwala sa mga taong bagong kakilala palang.

“Kaya dapat huwag mo ibigay ‘yung tiwala mo sa isang tao lalo na kung ‘di mo kilala,”saad ni JC.

Makakasama ni JC sa karakter nitong pulis si Allan Paule na gustong linisin ang imahe niya ng anak kaya “Repair” ang titlo ng episode niya.

Inamin ni JC na noong una ay natakot siya kay Allan dahil magaling na artista pero nakampante na rin siya dahil mabait ang batikang aktor at marami siyang tips na nakuha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC ALCANTARA (@imjcalcantara)

Isa ring biktima sa social media ay ang “Pinoy Big Brother Lucky 7” alumna na si Vivoree Esclito dahil ginamit ang pangalan niya para makapang loko ng tao.

“Ginamit ‘yung pangalan ko to scam other people. I think it’s as worse as being scammed directly. Naloloko pa rin ‘yung ibang tao at ginagamit ‘yung pangalan mo. It’s very unfortunate na ginagawa ‘yun ng mga tao,” kuwento ng dalaga.

Kaya sabi nito na huwag basta magbibigay ng personal details sa ibang tao at kung kinakailangang manghingi ng tulong para mahuli ang mga scammer.

“We just have to be careful din talaga not to disclose our personal information. Let’s also ask help from other people. Trace ‘yung mga taong nambiktima,” say ni Vivoree.

Mapapanood ang dalaga sa episode na QR Code at sabi niya na sana nga gamitin na ito para madaling makuha kaagad ang detalye ng mga taong gumagawa ng hindi mabuti sa kapwa.

Abangan din sina Elmo Magalona at Jane Oneiza sa episode nilang “Unseen” at Belle Mariano with Shanaia Gomez sa “Swap”.

 

Related Chika:
JC Alcantara tinuksu-tukso si Tony Labrusca: Baka naman…i-kiss mo na ako, ang dami nang nag-aabang

 

The post JC Alcantara naloko ng dating handler: Sinasabi niya sa ‘kin pasisikatin kita appeared first on Bandera.

Andi Eigenmann aminadong ‘hirap’ matapos ang pananalasa ng bagyong Odette: There’s still so much to be grateful for

$
0
0

Andi Eigenmann aminadong 'hirap' matapos ang pananalasa ng bagyong Odette: There's still so much to be grateful for

AMINADO ang aktres at vlogger na si Andi Eigenmann na nagkakaroon siya ngayon ng tough time matapos ang nangyaring pananasala ng super typhoon Odette sa Siargao kung saan sila naninirahan.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang kasalukuyang nararamdaman kalakip ng litrato nilang pamilya.

“Been having a tough time assessing how I feel but I realize, never mind that for now because after all of life’s uncertainty, there’s still so much to be grateful for,” saad ni Andi.

Matatandaang nasa Maynila ang kanyang pamilya nang tumama ang bagyo sa isla na siyang sumira ng mga tirahan at kabuhayan ng mga naninirahan doon.

“My kids know for sure this is not ‘home,’ but having both of us around somehow makes everything better,” dagdag naman ni Andi.

Sa kasalukuyan ay nasa Manila ngayon ang kanyang buong pamilya kasama si Philmar na lumuwas para makasama sina Andi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

Matatandaang matapos ang pananalasa ng bagyong Odette ay agad na bumyahe si Philmar pa-Siargao upang i-check ang kalagayan ng mga kamag-anak pati na rin ng mga kaibigan sa isla.

Ngunit hindi rin magtatagal si Philmar sa Manila dahil magbabalik itong muli sa isla para ipagpatuloy ang pagtulong.

“Although soon, papa will be going back to the island again, I am more than happy to focus on our children for the both of us knowing that he is able to help better from there,” ani Andi.

Nagpasalamat rin siya sa mga taong sumusuporta sa kanila at patuloy na tinatangkilik ang kanilang vlogs.

Nabanggit na noon ni Andi na lahat ng mga kikitain ng kanilang vlogs sa buwan ng Disyembre ay ido-donate nila para sa mga naapektuhan ng bagyo at para makatulong sa muling pagbangon ng Siargao.

“Sincerest thanks for your support in helping us earn enough to help rebuild several families’ homes in Siargao by watching our December videos on YouTube,” sey ni Andi.

 

Related Chika:
Philmar inakusahang nagnakaw ng donasyon para sa Siargao, Andi nag-react: He’s willing to use his own money just to help our community out

The post Andi Eigenmann aminadong ‘hirap’ matapos ang pananalasa ng bagyong Odette: There’s still so much to be grateful for appeared first on Bandera.


Alexa Ilacad, Eian Rances namangha sa pasabog ng fans

$
0
0

Alexa Ilacad, Eian Rances namangha sa pasabog ng fans

MAGKASAMANG binisita ng dating “Pinoy Big Brother” celebrity housemates na sina Alexa Ilacad at Eian Rances ang Mall of Asia Globe noong Biyernes, January 7, para panoorin ang pasabog na inihanda ng kanilang “Aleian” fans.

Makikita sa naturang digital billboard ang ilang mga moments nina Alexa at Eian habang nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya.

Nag-post naman ang aktres sa kanyang Instagram story ng ilang mga video na kuha nila habang pinapanood ang tribute sa kanila ng kanilang fans.

“Aleians, thank you!” saad ni Alexa.

“This is absolutely mind-blowing and incredibly sweet of you. Ramdam namin ang pagmamahal niyong abot outer space. We love you so very much! Windang pa rin kami ni @eianrances!”dagdag pa ni Alexa.

Sa isa pa niyang post ay tila hindi pa rin makapaniwala ang dalawa sa pgmamahal na natatanggap nila ngayon ng kanyang co-housemate na si Eian.

Ani Alexa, “Still so surreal to me. Can’t believe my face and name are on the MOA Globe! A million thanks @aleianofficial_ @titasofaleianofc. This is so appreciated.”

Sa Twitter naman ay ipinahayag ni Eian ang pasasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila.

“Blessed and thankful to have you all. We love you Aleians,” saad ni Eian.

Bago pa man nila personal na makita at mapanood ang pa-sorpresa ng mga fans sa kanila ay nakita na ito ng binata sa isang video.

“Hindi makapaniwala sa suporta at pagmamahal niyo. Mayayakap ko rin kayo lahat ng mahigpit sa takdang panahon. Maraming salamat! Mahal na mahal namin kayo,” saad ni Eian.

Nabuo ang “special friendship” nina Eian at Alexa habang nasa loob sila “PBB” house.

Sa kabila ng mga pinagdaanang hindi pagkakaunawaan ay sa huli ay naging maayos ang relasyon ng dalawa na nagpatuloy hanggang sa kanilang paglabas sa outside world.

Related Chika:
Alexa kinompronta si Eian: Do you think ginagamit lang kita?
Alexa Ilacad kontra sa mga ‘Marites’: Let’s just stop them sa halip na kunsintihin at pakinggan

 

The post Alexa Ilacad, Eian Rances namangha sa pasabog ng fans appeared first on Bandera.

Candy Pangilinan muling nagpositibo sa COVID-19

$
0
0

Candy Pangilinan muling nagpositibo sa COVID-19

INAMIN ng aktres na si Candy Pangilinan na nagpositibo siya sa nakahahawang sakit na COVID-19.

Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi ng aktres ang tungkol sa kanyang kasalukuyang kondisyon.

“Naka-isolate po ako. This is the second time na nagkaroon ako ng [COVID-19]. The first time was last year, December,” pagbabahagi ni Candy.

Labis ang takot na nadarama ng aktres dahil nangangamba siya na baka maipasa niya o mahawaan niya ng sakit ang kanyang pamilya at kasama sa bahay lalo na ang kanyang anak na si Quentin.

Kuwento ni Candy, mas natatakot siya sa kasalukuyang siteasyon kaysa noong una siyang magkaroon ng COVID-19.

“No’ng unang beses po akong magka-[COVID-19], hindi ho sila nahawa at all. Wala po silang symptoms. Pero ngayon ho, hindi ko alam. I’m hoping, praying na sana hindi po sila mahawa,” saad niya.

Noon kasing nagkaroon siya ng COVID-19 ay walang symptoms na naramdaman si Candy ngunit ngayon ay iba na dahil nakaramdam na siya ng sakit ng ulo, chills, ubo, sipon, at kawalan ng ganang kumain.

Sa ngayon ay hindi pa tine-test ang kanyang pamilya ayon na rin sa abiso ng doktor dahil wala naman silang ipinapakitang sintomas ng nakahahawang sakit.

Payo pa ng doktor, maghintay muna ng ilang araw bago magpa-test para masigurado ang magiging resulta.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Candy Pangilinan (@candypangilinan)

Sa ngayon ay nakakausap naman siya ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng mic sa labas ng kanyang kwarto.

Sa kabila ng sitwasyon ay nananatili pa ring optimistic ang aktres at grateful dahil may kapasidad silang mag-isolate sa sariling tahanan.

Aniya, “Even though I have [COVID-19] right now and it’s the start of the year, believe it or not, I am still very grateful because I am isolated here in the house. I am still very blessed.”

Humingi rin ng dasal si Candy para sa ka yang agarang paggaling pati na rin sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

Nanawagan rin siya sa publiko na maging maingat sa virus at alagaan nag sarili ngayong pandemic.

“It’s really dangerous and it’s really out there, and you don’t know when you will get it,” sey ni Candy.

Dagdag pa niya, “Akala ko dati na parang sipon. Ngayon po, kung meron kayong sipon, i-assume niyo na po na meron kayong [COVID-19].”

Related Chika:
Candy ‘Idol Mom’ ng mga nanay na may special child: Nakakabilib ang tapang niya

 

The post Candy Pangilinan muling nagpositibo sa COVID-19 appeared first on Bandera.

Team Kramer namahagi ng paracetamol syrups para sa mga bata

$
0
0

Team Kramer namahagi ng paracetamol syrups para sa mga bata

NAMIGAY ng paracetamol syrups para sa mga bata ang Team Kramer na sina Cheska Garcia-Kramer at Doug Kramer.

Sa isang video na ipinost ni Cheska sa kanyang Instagram account ay ibinahagi nito na mamimigay sila ng mga paracetamol syrups sa 16 katao na labis na nangangailangan ng gamot.

Ayon sa mag-asawa, personal stock daw ng Team Kramer ang mga gamot na kanilang ipamimigay at nagtira lamang sila ng sapat na gamot para sa kanilang pamilya at mga kasama sa bahay at ang matitira ay ipamimigay na nila sa mga nangangailangan at nahihirapang maghanap ng gamot.

Kwento ni Doug, napag-alaman nila na nagkakaroon na ng shortage ng gamot at marami na ang nahihirapang maghanap ng gamot kaya naisipan nilang mamigay na lamang.

“We know there’s a shortage. We’ve seen post on Twitter and even Tempra has announced via memo that it is really out of stock everywhere,” saad ni Doug.

“We’ll give 2 each of these paracetamol syrup to you guys who will DM or leave their details,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chesca Garcia Kramer (@chekakramer)

Bukod sa libreng gamot ay sagot na rin ng Team Kramer ang magiging delivery fee.

Nais man sana nilang maraming matulungan ay sa ngayon ay mga Manila residents lang ang kaya nilang mabigyan.

Marami namang mga netizens ang humanga sa kind gesture na ipinamalas ng Team Kramer.

“Wow. What a benevolent heart you have,” saad ng isang netizen.

“Maraming salamat po sa good deed n’yo! May God bless your family more,” comment naman ng isang netizen.

Hirit naman ng isang netizen, “Continue to be a blessing to others, Team Kramer! We love you!”

Matatandaang kumalat ang mga litrato ng mga pharmacies kung saan nakasulat na maraming mga gamot ang out of stock na gaya na lamang ng paracetamol, tylenol, at ilan pang mga brand ng gamot.

Samantala, siniguro naman ng Department of Health noong January 4 na walang shortage ng paracetamol at iba pang mga gamot sa bansa ngunit marami pa rin sa mga kababayan natin ang hirap na makahanap ng gamot.

 

Related Chika:
Promise ni Doug Kramer sa 13th wedding anniversary nila ni Chesca Garcia: I’d marry you over and over again!

 

The post Team Kramer namahagi ng paracetamol syrups para sa mga bata appeared first on Bandera.

Kim Chiu may paalala sa mga netizens: Bawal Lumabas, bahay muna

$
0
0

Kim Chiu may paalala sa mga netizens: Bawal Lumabas, bahay muna

KAARAWAN ng tatay ni Kim Chiu nitong Biyernes, January 7 at nagbalik-tanaw siya by posting old pictures nilang magkakapatid kasama ang ama. Maging ang video kung saan niregaluhan siya ng papa niya ng cellphone sa isang TV guesting ay pinost niya rin.

Ang caption ni Kim, “Happy happy birthday papa William (heart emoji) thank you for being our rock and for making me who I am today, for helping me achieve my goal, and for supporting me to do what I want. Thank you kaayo pa! Wishing you good health ug mas daghan pa na birthdays na e celebrate puhon karon puyo sa ta sa balay, paayo lang ta sa atong lawas sa. Love you pa (cake emoji).

“Special thank you sa @ladyschoiceph na-guest ‘yung papa ko and akala ko nakalimutan niya na ‘yung tungkol sa pangungulit ko sa kanya na bilhan ako ng cellphone noon kahit alam ko di pasok sa budget niya. Pero nilaban niya parin para magkaron ako ng phone,” dagdag pa ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Kasama na ngayon ni Kim sa bahay nila ang papa William niya base rin sa kuwento niya noong huling nakausap namin siya sa face to face mediacon ng 2021 MMFF entry na “Huwag Kang Lalabas”.

At kahapon, ay may post rin siya na kuha sa ABS-CBN ELJ Building kung saan naroon ang studio ng “It’s Showtime”.

Ani Kim, “How’s your first week of 2022? For me, some of my friends, loved ones are infected by #omicron I hope and pray that this will be the beginning of the end. Keep safe everyone #BawalLumabas bahay muna, pahinga from all the parties and vacation that we had.

“Take this time to reflect, reset, eat healthy, exercise, drink your vitamins and plan for the rest of the days of 2022. If you have any of the symptoms, please isolate na kaagad para di mahawa yung mga kasama n’yo sa bahay. More than anything we really have to be responsible. Kaya natin to. Take care everyone!”

#ootdksyc alam ko walang connect yung sinabi ko sa pic, wala lang gusto ko lang ipost yung #ootd ko. SORNA!!!!!!

At ngayong araw ay nasa beach resort si Kim para mag unwind at mukhang magkasama sila ng boyfriend niyang si Xian Lim.

At pinost niya ang quote, “𝖨𝖿 𝗒𝗈𝗎 𝗅𝗈𝗏𝖾 𝗌𝗈𝗆𝖾𝗍𝗁𝗂𝗇𝗀, 𝗅𝗈𝗏𝖾 𝗂𝗍 𝖼𝗈𝗆𝗉𝗅𝖾𝗍𝖾𝗅𝗒, 𝖼𝗁𝖾𝗋𝗂𝗌𝗁 𝗂𝗍, 𝗌𝖺𝗒 𝗂𝗍, 𝖻𝗎𝗍 𝗆𝗈𝗌𝗍 𝗂𝗆𝗉𝗈𝗋𝗍𝖺𝗇𝗍𝗅𝗒 𝗌𝗁𝗈𝗐 𝗂𝗍. 𝖫𝗂𝖿𝖾 𝗂𝗌 𝖿𝗂𝗇𝗂𝗍𝖾 𝖺𝗇𝖽 𝖿𝗋𝖺𝗀𝗂𝗅𝖾, 𝖺𝗇𝖽 𝗃𝗎𝗌𝗍 𝖻𝖾𝖼𝖺𝗎𝗌𝖾 𝗌𝗈𝗆𝖾𝗍𝗁𝗂𝗇𝗀 𝗂𝗌 𝗍𝗁𝖾𝗋𝖾 𝗈𝗇𝖾 𝖽𝖺𝗒, 𝗂𝗍 𝗆𝗂𝗀𝗁𝗍 𝗇𝗈𝗍 𝖻𝖾 𝗍𝗁𝖾 𝗇𝖾𝗑𝗍. 𝖭𝖾𝗏𝖾𝗋 𝗍𝖺𝗄𝖾 𝗍𝗁𝖺𝗍 𝖿𝗈𝗋 𝗀𝗋𝖺𝗇𝗍𝖾𝖽. 𝖲𝖺𝗒 𝗐𝗁𝖺𝗍 𝗒𝗈𝗎 𝗇𝖾𝖾𝖽 𝗍𝗈 𝗌𝖺𝗒, 𝗍𝗁𝖾𝗇 𝗌𝖺𝗒 𝖺 𝗅𝗂𝗍𝗍𝗅𝖾 𝗆𝗈𝗋𝖾. 𝖲𝖺𝗒 𝗍𝗈𝗈 𝗆𝗎𝖼𝗁, 𝖲𝗁𝗈𝗐 𝗍𝗈𝗈 𝗆𝗎𝖼𝗁, 𝖫𝗈𝗏𝖾 𝗍𝗈𝗈 𝗆𝗎𝖼𝗁.

𝖤𝗏𝖾𝗋𝗒𝗍𝗁𝗂𝗇𝗀 𝗂𝗌 𝗍𝖾𝗆𝗉𝗈𝗋𝖺𝗋𝗒 𝖻𝗎𝗍 𝗅𝗈𝗏𝖾. 𝖫𝗈𝗏𝖾 𝗈𝗎𝗍𝗅𝗂𝗏𝖾𝗌 𝗎𝗌 𝖺𝗅𝗅.”-𝖱.𝖰𝗎𝘦𝘦𝘯

Have a great weekend everyone!

 

Related Chika:
Kim Chiu ‘best actress’ sa ginawang prank call; Ryan Bang nairita
Kim Chiu, Zeinab Harake niregaluhan ng P100k ang isang fan

The post Kim Chiu may paalala sa mga netizens: Bawal Lumabas, bahay muna appeared first on Bandera.

Ayanna Misola nagulat nang mapiling bida sa ‘Kinsenas, Katapusan’: Sabi ko sa sarili ko, paano ko gagawin?

$
0
0

Ayanna Misola nagulat nang mapiling bida sa 'Kinsenas, Katapusan': Sabi ko sa sarili ko, paano ko gagawin?

ANG suwerte ng baguhang sexy star na si Ayanna Misola dahil pinagkatiwalaan siya ng Viva bosses sa pelikulang “Kinsenas, Katapusan” kasama sina Joko Diaz, Jamila Obispo, Angela Morena, Janelle Tee at Kier Legaspi mula sa direksyon ni GB Sampedro produced ng Viva Films.

Naisip siguro nina boss Vic at Vincent del Rosario na kaya na ni Ayanna magdala ng pelikula dahil maganda ang ipinakita niya sa mga pelikulang “#Pornstar 2: Pangalawang Putok” at “Siklo” na kasalukuyang umeere ngayon sa Vivamax.

Sa ginanap na “Kinsenas, Katapusan” virtual mediacon ay nagulat ang sexy star nang sabihin sa kanya ng Viva na siya ang napiling bida para sa naturang pelikula.

At inamin ni Ayanna na kinabahan siya ng todo, “Sabi ko sa sarili ko, ‘pano ‘to, sa akin naka-focus ang story? Paano ko gagawin?’ Pero nun’g nabasa ko naman po ‘yung script, tapos dumating na ‘ko sa set, naihanda naman po ako nila direk GB. Kasi ginagabayan nila ako bawat scenes ko.”

Sexy-psycho thriller ang kuwento ng “Kinsenas, Katapusan” at kay Ayanna naka-focus ang story at maraming challenging scenes kaya nahirapan daw siya sa eksenang kailangan niyang umiyak ng patak lang ang luha.

“’Yung pang mala-Nora Aunor na iyak,” natawang banggit ng dalaga.

Pati mga love scenes niya rito ay mas matindi raw kaysa sa “Siklo”, “malala po kasi mas intense, sa akin naka-focus ‘yung story, puro daring scenes. Pero feeling ko naman, mas na-improve ko rin ‘yung sarili ko dahil natuto na ‘ko ru’n sa mga previous projects ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ayanna Misola (@ayannamisola)

Good thing at napasama na si Ayanna sa “Pornstar 2” na pawang beterana na ang mga artistang bida roon tulad nina Rosanna Roces, Maui Taylor, Ara Mina at Alma Moreno na idinirek ni Darryl Yap.

Ang learnings ni Ayanna mula sa ibang movies niya na nadala niya sa “Kinsenas, Katapusan” set, “learnings ko po ay kung paano mag internalize, paano isuot ang karakter. Tapos dito ang dami ko pong natutunan kay direk GB, sobrang saya po nu’ng experience.”

Napuri naman nina Kier at Joko ang mga baguhang sexy stars na kasama nila sa pelikula dahil walang mga ere, maagang dumating sa set at nagbibigay ng respeto sa mga senior star.

Natanong naman si Ayanna kung ano ang mga na-discover niya sa senior stars na kasama sa “Kinsenas, Katapusan”.

“Gina-guide po kami ni kuya Joko sa bawa’t scene, ayaw niya ng kinakabahan ka. Ginagawa niya lahat para maging comfortable kami. Kasi ‘yung mga eksena namin dito puro bare. Sa tuwing magsi-scene (bed scene) nagjo-joke na si kuya Joko (para mawala ang kaba), tapos pag take na bigay na talaga,” ng dalaga.

Ang karakter ni Ayanna ay isang batang babae na may madilim na nakaraan at nagkaroon ng illicit affair sa isang married man na ginagampanan ni Joko Diaz.

Anyway, mapapanood na ang “Kinsenas, Katapusan” sa Pebrero 4 sa Vivamax handog ng Viva Films.

 

Related Chika:
Nadine naghahanda na para sa bagong pelikula ng Viva; makakasama sina Diego at Epy

 

The post Ayanna Misola nagulat nang mapiling bida sa ‘Kinsenas, Katapusan’: Sabi ko sa sarili ko, paano ko gagawin? appeared first on Bandera.

Viewing all 44083 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>